You are on page 1of 16

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan
(Agriculture)

Modyul 5:
Pagpaparami ng Halamang Ornamental

i
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Modyul 5: Pagpaparami ng Halamang Ornamental
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatangaring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Guia B. Magabilin


Editor: Rowena Macalingay
Tagasuri: Roger S. Tamondong
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:
JENILYN ROSE B. CORPUZ CESO VI
Schools Division Superintendent

MARIA TERESA A. NAMORO EdD


Assistant Schools Division Superintendent

JUAN C. OBIERNA
Chief, Curriculum Implementation Division

LEARNING RESOUCE MANAGEMAENT SECTION

HEIDEE F. FERRER EdD


Education Program Supervisor, LRMDS

BRIAN SPENCER REYES LIZA J. DE GUZMAN


Project Development Officer Librarian
Inilimbag sa Pilipinas ng Lupang Pangako Elementary School
Department of Education – Region NCR-Quezon City
Office Address: Nueva Ecija Street, Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 352-68-07
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com/sdo.quezoncity@deped.gov.ph

ii
4
Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
(Agriculture)

Modyul 5:
Pagpaparami ng Halamang Ornamental

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP) 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Pagpaparami ng Halamang Ornamental !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pangekonomikong hamon
sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para saGuro


Ito’ynaglalaman ng ma paalala, pantulong o
estratehiyangmagagamitsapaggabaysa mag-aaral.
-

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 4 (Agriculture) ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Pagpaparami ng Halamang Ornamental!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan o tahanan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang
Alamin mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
Subukin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
Balikan aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
Tuklasin ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

iii
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
Isagawa makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong
Tayahin matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot
Pagwawasto sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang matulungan ka matutunan ang


mga dapat gawin pagpili ng itatanim na halamang ornamental.
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang
matutukoy mo ang mga sumusunod:
1. nakapagiisa-isa ang mga hakbang sa pagpaparami ng halamang
ornamental sa paraang pagpapatubo ng buto, pagpuputol, air
layering o marcotting, inarching at grafting;
2. nakapagsasagawa ang wastong paraan sa pagpaparami ng
halamang ornamental sa paraang pagpapatubo ng buto,
pagpuputol, air layering o marcotting, inarching at grafting; at
3. napahahalagahan ang pagtatanim sa pagpaparami ng halamang
ornamental.

Subukin

Panuto: Sagutin ang sumusunod sa pamamaraan ng paglalagay ng (T)


kung tama ang sinasabi at (M ) kapag mali ito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
_____1. Kailangan pumili ng sanga o tangkay na may usbong o buko.
_____2. Gupitin ang mga sanga o tangkay ng pahilis.
_____3. Itanim ito sa kamang punlaan at pabayaan na lamang.
_____4. Lahat ng uri ng halaman ay maaaring paramihin sa paraang
pagpuputol.
_____5. Ang pagpuputol ay mabilis na paraan sa pagpaparami ng
halaman.

1
Aralin
Pagpaparami ng Halamang Ornamental
11

Isa sa mga gawain sa pagnanarseri ay ang pagpaparami ng


halaman. Iba-iba ang paraan ng pagpaparami ng halaman. Ang mga
halaman na mahirap patubuin at paugatin sa pamamagitan ng pagpuputol
ay karaniwang pinapaugat. Ang ilan sa mga paraang ito ay inyong pag-
aralan, tulad ng pagpuputol, pagpupunla, at pag-uugat

Balikan

Panuto: Kopyahin sa sagutang papel at lagyan ng 1- 5 ang patlang,


ayon sa pagkakasunod-sunod na hakbang sa pagtatanim ng halamang
ornamental sa pagkamalikhaing paraan.

___ bungkalin ang lupang tataniman


___ basaing mabuti ang lupang binubungkal
___ ihanda ang mga gagamiting kasangkapan at pananim.
___ bungkalin ang lupa gamit ang asarol upang mabuhaghag ito.
___ gumawa ng layout sa nais na kalalabasan ng pagtatanim

Tuklasin

Pag-aralan ang sumusunod ng mga larawan at sagutin ang mga


katanungan. Isulat ang sagot sa papel.

https://bit.ly/3fl2yDR https://bit.ly/3flYUJW https://bit.ly/2UFY5nE


2
Tanong:
Ano ang inyong napansin sa mga larawan? Ano sa palagay ninyo
kung bakit sila nagkaroon ng maraming bunga kahit maliliit pa?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Suriin
Ang pagpaparami ng pananim ay nagagawa hindi lamang sa pagtatanim.
Nagagawa rin ito sa pamamagitan ng ibang paraan. Ito ang sumusunod :
1. Pagtatanim ng buto o butil
Mga hakbang sa pagpapatubo ng buto:
• Paghahanda ng punlaan.
• Pagbababad ng mga buto.
• Pagdidilig ng lupa.
• Pagtatanim ng buto.
• Pagtatali ng punlaan.

https://bit.ly/2YAPl3 https://bit.ly/2UKVd https://bit.ly/2MXT0 https://bit.ly/3e2dfLy


c FU Cy
2. Paggamit ng iba’t ibang bahagi ng tanim tulad ng ugat, puno, sanga, at
dahon. Ang mga ito ay inihiwalay at pinalalago upang maging bagong
tanim. May natural na pagtubo at may artipisyal.
a. Natural- ito ay ang normal na pagtubo ng mga usbong ng halaman
mula sa ugat o puno ng tanim. Nangyayari ito sa gabi, kawayan, luya at
saging.
b.Artipisyal- ito ay ginawa na ang ginagamit ay sanga, dahon o usbong
ng tanim , halimbawa ng mga artipisyal na pagtatanim.
❖ Pagsanga ( cutting)- ito ang pinakamadaling paraan ng artipisyal na
pagpaparami ng tanim. Ang sanga ay pinuputol, pinapauugat, at
tinatanim. Ginagawa rin ito sa dahon at ugat.
3
Mga hakbang sa pagpaparami ng halaman gamit ang sanga o
tangkay
1. Pumili ng sanga o tangkay na magulang at may usbong. Tanggalin
ang may sukat na anim na pulgada. Putulin ito ng pahilis.
2. Gupitin ang mga dahon at maliliit na sanga.
3. Itanim ang mga putol na tangkay sa tamang punlaan.
4. Diligin ang mga putol na tangkay nang regular. Hayaan tumubo
ang tanim ng isang buwan o higit pa bago ilipat sa paso o plastic bag
https://bit.ly/2B8qA6w

❖ Marcotting o air layering – ginagawa ito sa sanga o katawan ng


punongkahoy habang ito ay hindi pa nahihiwalay sa puno. Hindi lahat
ng halaman ay pwedeng pararamihin sa pamamagitan ng marcotting.
Mga hakbang sa pagsasagawa ng marcotting.
• Pagtatanggal ng balat
• Pagkakaskas ng panlabas na hibla ng
sanga
• Paglalagay ng lupa at lumot

• Pagbabalot nito ng bunot ng niyog/ plastic


• Pagtatali

Ginagawa ang marcotting sa mga punong


namumunga tulad ng chico at mangga
https://bit.ly/3cZF0Tmh

❖ Inarching – ito ay pinasasama ang sanga ng isang puno at sanga ng


isa pang punong nakalagay sa paso. Kadalasang ginagawa ito sa
kaimito.

4
Mga Hakbang sa Paggawa ng Inarching
https://bit.ly/2Yq
• Gumawa ng pahabang hiwa sa puno o
sangang pagsasamahin

• Pagharapin ang dalawanghiwa. Pagdikitin,


at itali nang mahigpit

https://bit.ly/3e3XQu
4

❖ Grafting – sa paraang ito pinagsasama ang dalawang sangang


galing sa dalawang puno.
https://bit.ly/3e3XQ
u4
a. scion -sangang pananim mula sa iba klase ng halaman.
b. stock - sangang pananim na napiling pagsimulan ng ugat.
TOUNGE GRAFTING SPLICE GRAFTING CLEFT GRAFTING

https://bit.ly/2UF0df1 https://bit.ly/37tNwZO https://bit.ly/3dZAEwY

Tandaan:
• Iba’t iba ang paraan ng pagpaparami ng halaman tulad ng
https://bit.ly/2UF0df1 https://bit.ly/2UF0df1
papupunla, pagpuputol, at pagpapaugat. https://bit.ly/2UF0df1

• Ang pagsunod sa mga hakbang ng pagpaparami ng halaman ay


nagdudulot ng kasaganahang ani.

5
Pagyamanin

Unang Gawain
Panuto: Itala sa sagutang papel ang mga hakbang sa bawat pamamaraan
ng pagpaparami ng halamang ornamental.
Inarching Grafting

Pangalawang Gawain
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, itala sa sagutang papel ang mga
hakbang ng bawat paraan ng pagpaparami ng halaman at itala rin ang
pagkapareho nilang dalawa.

Inarching Pagkakatulad Grafting

Pareho

Isaisip

Maraming paraan ang pagpaparami ng halamang ornamental. Sa


bawat paraan ng pagpaparami ay mayroom kaniya kaniyang hakbang na
dapat sundin.
Tandaan na mayroong mga halamang hindi napaparami sa
pagpuputol, air layering o marcotting. Ang iba sa mga halaman ay buto
ang gamit sa pagpaparami nito.

6
Isagawa

Panuto: Kopyahin sa papel at pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa


pagsasagawa ng marcotting. Lagyan ng 1-5 ang patlang.
_____ Pagtatanggal ng balat.
_____ Paglalagay ng lupa at lumot.
_____ Pagkakaskas ng panlabas na hibla ng sanga.
_____ Pagbabalot nito ng bunot ng niyog/plastic.
_____ Pagtatali.

Tayahin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang sagot.Isulat ang (T) kung tama
ang pangungusap at ( M ) naman kung mali ito.
______1. Ang air layering ay maaari din na tawaging marcotting.
______2. Kailangan pumili ng matabang sanga, walang sakit para sa
isasagawang marcotting.
_____ 3. Ang butong ipupunla o itatanim ay kailangan magulang at galing
sa malusog na bunga.
_____ 4. Mainam din na ibabad magdamag sa tubig na may kahalong
kemikal ang butong itatanim.
_____ 5. Kailangan sundin ang lahat ng panuntunan sa pagpapaugat,
pagpupunla, at pagpuputol.
_____ 6. Kailangan pumili ng sanga o tangkay na may usbong o buko.
_____ 7. Gupitin ang mga sanga o tangkay na pahilis.
_____ 8. Itanim ang mga halaman sa kamang punlaan at pabayaan na
lamang ito.
_____ 9. Laht ng uri ng halaman ay maaaring paramihin sa paraang
pagpuputol.
____ 10. Ang pagpuputol ay mabilis na paraan sa pagpaparami ng
halaman.

7
Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang gawain sa mga sumusunod.


( Gabayan ng magulang ang pagsasagawa ng bata )
1. Subuking magpatubo ng buto ng halaman na mayroon sa inyo. Itala
kung ilang araw bago tumubo.
2. Magtala ng limang halamang ornamental na nakikita mo sa inyong
paligid na maaaring patubuin sa buto at lima din sa pagpapaugat.

8
9
Vibal Group, Inc. ph. 353-363.
Pangkabuhayan Kagamitan ng Mag-aaral.Quezon City, Philippines:
Ma. Shirley A. Macawile, et.al.2015. Edukasyong Pantahanan at
Group, Inc. ph. 153- 156.
Pangkabuhayan Patnubay ng Guro, Quezon City, Philippines:Vibal
Teresita B. Doblon., et.al.2015. Edukasyong Pantahanan at
Sanggunian
Subukin
1.T Balikan
2. T
3.M Isagawa 4 bungkalin ang lupangtataniman
4. T 3 basaingmabuti ang lupang lupang
1 Pagtatanggal ng balat. binubungkal
5. T
3 Paglalagay ng lupa at lumot. 2 ihanda ang mga gagamiting
Tayahin 2 Pagkakaskas ng panlabasna kasangkapan at pananim.
1. T 6. T hibla ng sanga. 5 bungkalin ang lupa gamit ang
2. T 7. T 4 Pagbabalot ng bunot asarol upang mabuhaghag ito
3. T 8. M ngniyog/plastic. 1 gumawa ng layout sa
4. M 9. T 5 Pagtatali. nais nakalalabasan ng pagtatanim
5. T 10. T
Susi sa Pagwawasto

You might also like