You are on page 1of 19

4

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Unang Markahan – Modyul 7:
Paggawa ng Abonong Organiko
Edukasyon sa Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Paggawa ng Abonong Organiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Tagamamanihala: Bianito A. Dagatan EdD, CESO V
Pangalawang Tagapamanihala: Faustino N. Toradio PhD
Danilo Gudelusao PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cecil M. Basilad


Editor: Pamela N. Cenita, Grace P. Mendez
Tagasuri: Renato D. Calamba, PhD, Isidora Codilla, Carlito Fuentes, Amelita Credo,
Jocelyn T. Rotersos, April Joy Cenita
Tagapamahala: : Bianito A, Dagatan EdD, CESO V
Faustino N. Toradio PhD
Danilo Gudelusao PhD
Carmela S. Restificar PhD
Grace P. Mendez PhD
Josephine D. Eronico PhD

Department of Education – Region VII, Division of Bohol

Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone Nos. (038) 412- 4938 (038) 411-2544 (038) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
E-mail Address:deped.bohol@deped.gov.ph
4

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Unang Markahan – Modyul 7:
Paggawa ng Abonong Organiko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agrikultura 4 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Paggawa ng Abonong Organiko.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Agrikultura 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Paggawa ng Abonong Organiko.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa module na ito ay malalaman natin kung ano- ano ang mga pamamaraan
sa paggawa ng abonong organiko. Hindi lamang pampalipas oras ang paggawa ng
abonong organiko kundi maaaring mapagkakakitaan dahil sa paghahalaman
nakakatulong ang abono upang maging mataba at malago ang mga pananim.

Ang module na ito ay tungkol sa:


 Aralin 14 – Paggawa ng Abonong Organiko

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan ang mga sumusunod:


 Natatalakay ang pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko.
 Naisasagawa ang pamamaraan sa paggawa ng organikong abono.

Subukin

Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ito ay nagpapahayag ng wastong gamit ng
organikong abono at MALI kung hindi
_____ 1. Ang paghahalamanan ay kailangan ang abono upang maging mataba at
lumago ang mga pananim.
_____ 2.Ang abonong organiko ay galing sa mga nabubulok na mga basura tulad
ng balat ng prutas,gulay,dumi ng hayop at dahon ng halaman.
_____ 3.Ito ay nakapagpapataas ng kalidad o uri ng lupang pagtataniman lalong
lalo na kung ito ay madalas taniman.
_____ 4.Ang organikong pataba ay hindi maganda sa lupa at halaman.
_____ 5. Kailangan ang wastong kaalaman sa pagpili ng abono at ang paggamit
nito.
_____ 6.Ang paggamit ng abonong organiko ay nakakasama sa mga pananim.

1
Aralin
Paggawa ng Abonong
14 Organiko

Sa araling ito, malalaman natin ang iba’t-ibang pamamaraan sa paggawa ng


abonong organiko at ang kahalagahan nito para sa ating mga tanim o halaman sa
ating paligid. Ang mga kabutihang naidudulot nito sa tao at sa kabuhayan ng
pamilya. Matatalakay din sa araling ito ang maaaring dulot ng wastong paggamit
sa abonong organiko.

Balikan

Katulad ng pag-aalaga ng mga tanim maraming bagay ang dapat isaalang-


alang katulad ng pagpaplano, pagpili at iba pa. Gayundin sa paggawa ng abonong
organiko. Mayroon ding pagpaplano kung ano-ano ang mga mga dapat gawin o
mga pamamaraan na dapat sundin.

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay gabay sa mga mag-aaral upang


masasagutan nila ang mga pagsasanay na nasa ibaba.

2
Tuklasin
Pag-aralan ang mga wastong pamamaraan sa paggawa ng compost pit:

1. Humanap ng medyo mataas na lugar.

Photo credit: Scanned from Deped Lm’s (EPP-4)

2. Hukayin ito ng 2 metro ang haba, luwag at lalim.

Photo credit: Scanned from Deped Lm’s (EPP-4)

3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok


at mga pinagbalatan ng gulay at prutas.

Photo credit: Scanned from Deped Lm’s (EPP-4)

4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy, manok, at baka.

Photo credit: Scanned from Deped Lm’s (EPP-4)

3
5. Sabugan ito ng abo at patungan ng lupa.

Photo credit: Scanned from Deped Lm’s (EPP-4)

6. Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng damo, nabubulok na basura,


dumi ng hayop, abo at lupa hanggang sa mapuno ang hukay.

Photo credit: Scanned from Deped Lm’s (EPP-4)

7. Patagalin ng 3 buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang mga compost


sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang metal screen na maliliit ang
mga butas.

Pamamaraan sa paggawa ng compost heap.


1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba na
may isang metro ang lalim.

Photo credit: Scanned from Deped Lm’s (EPP-4)

4
2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon,
dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng hayop, at lupa tulad
din ng compost pit hanggang sa mapuno ang lalagyan.

Photo credit: Scanned from Deped Lm’s (EPP-4)

3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan


upang mabulok kaagad ang basura.

Photo credit: Scanned from Deped Lm’s (EPP-4)

4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang


hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.

Photo credit: Scanned from Deped Lm’s (EPP-4)

5
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng
sisidlan para magsama ang lupa at ang nabubulok na mga bagay
pagkalipas ng isang buwan.

Photo credit: Scanned from Deped Lm’s (EPP-4)

Suriin

TANDAAN NATIN

Ang organikong abono o pataba ay nakukuha sa natural na kapaligiran. Sa


pamamagitan ng composting, ang mga sariwa o nabubulok na mga basura tulad
ng balat ng prutas/gulay, dumu ng hayop, dahon ng halaman ay maaring bulukin
o gawing abono kaya nainam na sa ating paghahalaman tayo ay mayroong
kaalaman sa paggawa ng organikong pataba sa pamamagitan ng paggawa ng
compost.

Pagyamanin

Batay sa modyul na napag-aralan, sagutan ang mga pagsasanay upang mas


maunawaan ang aralin sa modyul na ito.

Ayusin ang mga hakbang ayon sa wastong pamamaraan sa pagsasagawa ng


compost pit. Isulat sa patlang ang bilang 1-7 ayon sa pagkasunod-sunod nito.

6
_____ a.Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo,basurang nabubulok at
mga piangbalatan ng gulay at prutas.
_____ b.Humanap ng medyo mataas na lugar.

_____ c.Hukayin ito ng metro ang haba,luwang at lalim.

_____ d.Patagalin ng 3 buwan o higit pa upang mabulok.

_____ e.Patungan ito ng dumi ng hayop tulad ng baboy,manok,at baka.

_____ f.Sabugan ito ng abo at patungan ito ng lupa.

_____g.Ulitin ang ganitong pagkasunod-sunod ng damo,nabubulok na basura,dumi


ng hayop,abo,at lupa hanggang sa mapuno ang hukay

Isaisip

Upang mas maintindihan natin ang modyul na ito, sagutan ang pagsasanay na
nasa ibaba.

Punan ang patlang ng wastong sagot.


1. ____________ ay maganda sa lupa at halaman.

2. Hukayin ito ng ______ metro ng haba, luwag at laki.

3. Patagalin ng _____ buwan at higit pa upang mabulok. Kunin ang mga _________
sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang metal screen na malilit ang mga
butas.

4. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May ______
metro ang lalim.

5. ___________ ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang


mabulok kaagad ang basura.

7
Isagawa

Paalala: Huwag ninyong kalimutan na magpakuha ng larawan bago, habang o


pagkatapos naipakita ang tamang paggawa ng abonong organiko.Bibigyan ko kayo
ng puntos ayon sa akong napupuna sa larawan na inyong pinasa gamit ang rubric
na nasa ibaba. Pumili ng isang pamamaraan sa pagsasagawa ng compost pit.
Sundin ninyo ang mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko.

Mga Pamamaraan sa Pagsasagawa ng Compost Pit


1. Huwag ninyong kalimutan na humingi ng gabay sa mga magulang o
nakatatanda sa pagsagawa ng organikong abono upang maiwasan ang
sakuna/aksidente.
2. Ihanda ang mga materyales na gagamitin.
3. Magsuot ng damit at kagamitan sa sarili para sa gawaing pangkaligtasan at
pangkalusugan.
4. Mag-ingat sa paggamit ng materyales lalong lalo na sa matutulis na kagamitan
upang hindi masugatan o makasugat.
5. Sundin ang tamang hakbang sa pagsasagawa.
6. Iligpit ang mga kasangkapan pagkatapos.
7. Lilisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain.

Pamantayan 1-5

1. Inihanda ang mga kagamitan bago ang pagsasagawa.


2. Nagsuot ng damit at kagamitan sa sarili para sa gawaing
pangkaligtasan at pangkalusugan.
3. Nasunod ang mga alituntunin sa pagsasagawa

4. Maayos ang kabuuan.

Batayan:
5 – Napakahusay 86-90%
4 – Mas mahusay 81-85%
3 – Mahusay 76 – 80%
2 – Mahusay- husay 71- 75%
1 – Di-mahusay 65- 70%

8
Tayahin

Panuto: Iguhit ang Masayang Mukha kung ang sumusunod na pangungusap


ay wasto at Malungkot na Mukha naman kung ito ay mali.

_____1.Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol na damo, basurang nabubulok at


mga pinagbalatan ng gulay at prutas.
_____2.Hukayin ito ng 5 metro ang haba, luwang at lalim.

_____3.Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba na may
isang metro ang lalim.

_____4.Patagalin ng tatlong buwan o higit pa upang mabulok. Kunin ang mga


compost sa pamamagitan ng pagsasalandra gamit ang metal screen na
maliliit ang mga butas.
_____5.Humanap ng medyo mataas na lugar.

_____6.Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan para magsama


ang lupa at ang nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.

Karagdagang Gawain

Sagutin ang mga sumusunod:


a. Anong kabutihan ang naibibigay ng paggamit ng organikong abono?
b. Mahalaga bang sundin ang mga hakbang sa paggawa ng compost pit o compost
heap? Bakit?

9
Susi sa Pagwawasto

Tayahin Pagyamanin Subukin


3 a. 1. Tama
1. 1 b. 2. Tama
2 c. 3. Tama
2. 7 d. 4. Mali
4 e. 5. Tama
5 f. 6. Mali
3.
6 g.
Isaisip
4.
1. Organikong
pataba
5. 2. 2 (dalawa)
3. 3 (tatlo),compost
6. 4. 1 (isa)
5. diligan

10
Sanggunian
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

12

You might also like