You are on page 1of 22

5

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahalagahan AT Pamamaraan
sa Paggawa ng Abonong
Organiko
Edukasyon sa Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kahalagahan at Pamamaraan sa Paggawa ng Abonong
Organiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Tagamamanihala: Bianito A. Dagatan EdD, CESO V
Pangalawang Tagapamanihala: Faustino N. Toradio PhD
Danilo Gudelusao PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mirasol S. Lafuente


Editor: Ma.Pamela N. Cenita, Grace P. Mendez
Tagasuri: Renato D. Calamba, PhD, Isidora Codilla, Carlito Fuentes, Amelita Credo,
Fuentes, Jocelyn T. Rotersos, Aveline Abelle
Tagapamahala: : Bianito A, Dagatan EdD, CESO V
Faustino N. Toradio PhD
Danilo Gudelusao PhD
Carmela S. Restificar PhD
Grace P. Mendez PhD
Josephine D. Eronico PhD

Department of Education – Region VII, Division of Bohol


Office Address: 50 Lino Chatto Drive, Cogon District, Tagbilaran City, Bohol
Telephone Nos. (038) 412- 4938 (038) 411-2544 (038) 501-7550
Telefax: (038) 501-7550
E-mail Address:deped.bohol@deped.gov.ph
5

Edukasyon sa
Pantahanan at
Pangkabuhayan
Unang Markahan – Modyul 1:
Kahalagahan at Pamamaraan sa
Paggawa ng Abonong Organiko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agrikultura 5 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahalagahan at Pamamaraan sa Paggawa ng
Abonong Organiko !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Agrikultura 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Kahalagahan at Pamamaraan sa Paggawa ng Abonong Organiko !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang

iii
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa module na ito ay malalaman natin kung ano-ano ang mga kahalagahan


at pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko. Hindi lamang napabubuti nito
ang hilansa ng lupa at malusog na paglaki ng mga pananim kundi
napakaepektibo nitong pataba na hindi magastos at pagkakakitaan kung maayos
lang ang pagkakagawa ng compost kahit na sa maliit o malawak na bakuran.

Ang module na ito ay tungkol sa:

 Aralin 1 – Kahalagahan at Pamamaraan sa Paggawa ng Abonong


OrganikoPagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan ang mga
sumusunod:

 Natutukoy ang mga kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong


organiko.

 Nasusunod ang mga hakbang o pamamaraan sa paggawa ng abonong


organiko.

 Naisasagawa nang wasto ang mga pamamaraan sa paggawa ng abonong


organiko.

Subukin

PALAISIPAN: CROSSWORD PUZZLE

1
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba ng crossword puzzle. Hanapin at
bilugan ang mga kasagutan sa crossword puzzle gamit ang iyong bolpen.

A R A W A R A W

B A C A S A I N

O M Q G T A N O

N A C A M B A K

O R O S G T B I

N H M I A E A E

G A P L T A S A

O N O A T Q K W

R E S A Y K E L

G A T S A P T A

A I P A J F C Q

N M I K A Y O G

I A T I K A M I

K L L T I K P A

O M A G A P O E

R A M B P U S A

A N I I D S T O

P I G B G H I N

M L A O D Y N J

O A N F R W G A

Katanungan:
1. Ito ay isang paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan.
2. Kailangan ito upang mapabubuti ang hilansa ng lupa at maging malusog ang
paglaki ng pananim.
3. Ito ay pagsama-sama ng mga natutuyong dahon at iba pang nabubulok na
bagay sa ating paligid.

2
4. Isang hukay na maaring lagyan ng mga nabubulok na basura tulad ng
dahon,balat ng saging, at iba pa.

Aralin Kahalagahan at
1 Pamamaraan sa Paggawa ng
Abonong Organiko

Sa araling ito, lubos nating mauunawaan ang kahalagahan at pamamaraan


sa paggawa ng abonong organiko sa tahanan na maaring libangan at
mapagkakitaan. Ang kahalagahang naidudulot nito sa halaman, sa tao at sa
kabuhayan ng pamilya. Matatalakay din sa aralin ang mga hakbang sa paggawa ng
abonong organiko ng hindi magastos at nakakabuti sa mga hayop lalo na sa ating
kalusugan. Tutukuyin din kung bakit mahalaga ang paggawa ng abonong
organiko,paano at saan ito maaring isasagawa.

Balikan

Ang bansa natin ay nakakaranas ng katamtamang init ng araw. Kaya nga’y


sinasabing katamtamang tropikal ang klima nito na siyang dahilan na angkop ito
sa gawaing-agrikultura.

Ang gawaing pang-agrikultura ay nahahati sa mga sumusunod na lawak;


paghahalaman, pagnanarseri, at paghahayupan. Sa bawat lawak nito ay
tatalakayin ang mga kaalamman at kasanayan tulad ng kahalagahan ng paggawa
ng anonong organiko.

Mahalaga sa paghahalaman ang paggawa ng organikong abono dahil napabubuti


ang hilatsa ng lupa nang sa ganon maging matataba at malulusog ang mga
pananim. Sa pagsasagawa nito, mahalagang may maayos na pagbabalak upang
mapakinabangan nang husto na siyang magdudulot ng magandang ani sa ating
mga pananim. Dapat isaalang-alang ang wastong

Katulad ng pagtatanim nang mga halaman, maraming bagay ang dapat isaalang-
alang katulad ng pagpipili, pagpaplano at iba pa. Gayundin sa pagawa ng abonong
organiko. Mayroon ding pagpaplano kung ano-ano ang mga dapat gawin, kung
ano-ano ang kahalagahan nito, kung papaano at saan ito dapat gawin.

3
Katulad ng pagtatanim nang mga halaman, maraming bagay ang dapat
isaalang-alang katulad ng pagpipili, pagpaplano at iba pa. Gayundin sa pagawa ng
abonong organiko. Mayroon ding pagpaplano kung ano-ano ang mga dapat
gawin,kung ano-ano ang kahalagahan nito, kung papaano at saan ito dapat gawin.

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay gabay sa mga mag-aaral upang


masasagutan nila ang mga pagsasanay na nasa ibaba.

Tuklasin

Pag-aralang mabuti ang mga larawan, ano ang napapansin mo sa mga ito?

4
Photo Credit: Mirasol S. Lafuente

Sa mga larawang nakikita natin, Ano-ano kaya ang mga kahalagahan o kagamitan nito? Paano
natin ito magagamit?

(Photo Credit: Scanned from DepEd LM-EPP5)

5
Pagmasdan nang mabuti ang larawan dito. Ano kaya ang napapansin mo? Sa palagay mo ba’y
nasusunod sa lalaking ito ang mga pamamaran sa paggawa ng abonong organiko?

Kasiya-siya ba ang paggawa ng Abonong organiko sa ating tahanan? Ano-ano kaya ang mga
kahalagahan at pamamaraan sa paggawa nito?

Ang Basket Composting ay isang paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan na
tulad din ng Compost pit. Mahalagang gawin ng may wastong pamamaraan sa paggawa ng
organikong abono upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman na siyang pangunahing
pinagkukunan natin ng pagkain.

Kaya bigyang pansin ito upang maisagawa nang maayos at mabigyan ng angkop na sangkap ang
mga halaman sa halip ng abonong organiko.Dapat ipaghanda ang lahat ng bagay na maaring gamitin
sa pagsasagawa.

Ang pagsunod ng wasto sa mga paraang ito ay siyang susi upang makamit ang tagumpay ng
isang Gawain. Pagmasdan ang larawang ito.Mapapansin nating wasto ang pagkakasunod ng lalaking
ito sa mga pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko.

Suriin

Ngayon alamin na natin ang mga kahalagahan at pamamaraan sa paggawa


ng abonong organiko. Dahil sa pamamagitan ng abonong organiko natutulungan at
napabubuti nito ang hilansa ng lupa at malusog na paglaki ng pananim.Gaya ng
pataba sa dumi ng kalabaw, kabayo, at manok.Bukod pa nito, ang mga bulok na
dayami at mga iba’t-ibang uri ng damo ay maaaring gagamitin.

Isa-isahin nating sundin nang may ibayong pag-iingat ang mga


hakbang o pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko.Tandaan natin
na sa paggawa ng abonong organikomnay naksalalay ito sa taong
gumagawa kaya,dapat itong gawin nang may masusing pagkakasunod-
sunod.

Narito ang mga wastong pamamaraan sa paggawa ng Abonong Oragniko:

 Gumawa ng hukay nang may isang metro ang lalim.

 Pagsama-samahin ang mga natuyong dahon at iba pang nabubulok na


bagay.

 Ilatag ang mga ito sa hukay hanngang umabot sa 30 cm ang taas.

 Ang mga dumi ng hayop ay ipatong nito.

 Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang sa mapuno ang hukay.

 Araw-araw diligin ang ibabaw nito.

6
 Palipasin ang dalawang buwan o higit pa bago gamitin.

Maaring gawin naman ang mga ito sakaling walang sapat na lugar:

 Kumuha ng mga bagay na maaring iresaykel.

 Ilagay dito ang mga nabubulok na mga bagay.

 Lagyan muli ng lupa at diligan. Takpan upang hindi langawin.

 Gawin ang proseso hanggang mapuno ang lalagyan.

TANDAAN NATIN

Maraming mahalagang maidudulot ang paggawa ng abonong organiko.

1. Upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman na siyang


pangunahing pinagkukunan natin ng pagkain

2. Napabubuti nito ang hilansa ng lupa

3. Nakatutulong sa malusog na paglaki ng mga pananim

4. Napakaepektibong pataba na hindi magastos

5. Napakadali at ligtas gamitin ang pataba

Ito mga paraan ng pagsasagawa ng Abonong Organiko:

 Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.

 Pagsama-samahin ang mga natuyong dahon at iba pang nabubulok na


bagay.

 Ilatag ang mga ito sa hukay hanngang umabot sa 30 cm ang taas.

 Ang mga dumi ng hayop ay ipatong nito.

 Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hanggang sa mapuno ang hukay.

 Araw-araw diligin ang ibabaw nito.

 Palipasin ang dalawang buwan o higit pa bago gamitin.

Maaring gawin naman ang mga ito kung sakaling walang sapat na
lugar:

 Kumuha ng mga bagay na maaring iresaykel.

 Ilagay ditto ang mga nabubulok na bagay.

 Lagyan muli ng lupa at diligan. Takpan upang hindi langawin.

7
 Gawin ang proseso hanggang mapuno ang lalagyan.

Pagyamanin

8
Batay sa modyul na napag-aralan, sagutan ang mga pagsasanay upang mas
mauunawaan ang aralin sa modyul na ito.

Ano-ano ang kahalagahang dulot ng paggawa ng Abonong Organiko? Kumpletuhin


ang dayagram sa ibaba.

MGA KAHALAGAHAN
SA PAGGAWA

NG ABONONG ORGANIKO

Isaisip

9
Upang mas maintindihan natin ang modyul na ito, sagutan ang pagsasanay
na nasa ibaba.

Panuto: Ibigay ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pamamaraan sa


paggawa ng abonong organiko sa pamamagitan ng pagsulat ng numero sa
bawat patlang.

________a. Palipasin ang dalawang buwan o higit pa bago gamitin.

________ b. Araw-araw diligin ang ibabaw nito

________ c. Ilatag ang mga ito sa hukay hanngang umabot sa 30 cm ang


taas.

________ d. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak hangang sa mapuno ang


hukay.

________ e. Gumawa ng hukay ng may isang metro ang lalim.

________ f. Ang mga dumi ng hayop ay ipatung nito.

_________g. Pagsama-samahin ang mga natuyong dahon at iba pang


nabubulok na bagay.

Isagawa

10
 Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang mga pangungusap
ay dapat isasagawa at kulayan ito ng kulay berde at malungkot na mukha

naman kung hindi dapat isasagawa at kulayan ng kulay dilaw.

_______________1.Dalawang metro ang lalim ng hukay sa gawing compost pit.


_______________2.Yero/dahon ng saging ay hindi angkop na pantakip sa
ginawang organiko.
_______________3.Kailangang gumamit tayo ng gunting sa paggawa ng compost pit.
_______________4.Ang pagdidilig sa mga pinagbubulok na bagay ay hindi gawin
araw-araw.
_______________5.Maaaring gumawa ng compost sa pinagpatong-patong na
lumang gulong.
_______________6.Isa ring paraan sa pagbubulok ng basura ang basket composting.
_______________7.Abonong organiko ay mainam gamitin sa paghahalaman ng mga
gulay.
_______________8.Patungan ng dumi ng hayop ang nakalatag na mga nabubulok
na mga bagay.
_______________9. Maaaring gamitin ang mga plastic at di nabubulok na bagay sa
paggawa ng abonong organiko.
_______________10. Dapat umabot hanggang sa 30 metro pataas ang hukay sa
gagawing compost pit.

Tayahin

Panuto: Pagtambalin ang larawan ng mga hayop na nasa hanay A at ang


kabutihang dulot nito nasa sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot
sasagutang papel.

_______1.Basket composting a. patabang galing sa pinagbubulok ng

11
mga bagay
_______2.Resaykel b. gamiting pantakip sa compost pit
kung tag-ulan
_______3.Dalawang buwan c. paggamit ulit sa patapong bagay
_______4.Araw-araw d. lalim sa ginawang hukay
_______5.Abonong organiko e. panahong inilaan bago pa gamitin
Ang compost
_______6.Compost pit f. isa ring paraan sa pagbubulok ng
mga basura
_______7.Dahon ng saging/yero g. hukay na lalagyan sa mga
nabubulok na bagay
_______8.Isang metro h. panahong diligan ang mga tuyong
dahon at iba pa

Karagdagang Gawain

Ngayon alam na natin ang paggawa ng abonong organiko.Gumawa kayo ng sarili


ninyo compost pit sa bahay nang may ibayong pagsunod sa mga wastong hakbang
sa paggawa nito.Tandaan ang pag-iingat sa paraan ng paggawa at isa-isahin ang
mga kabutihang maidudulot nito.
Magpaskil ng halimbawang larawan.

12
Susi sa Pagwawasto

Palaisipan:
1.BASKET COMPOSTING
2. ABONONG ORGANIKO
3.RESAYKEL
4. COMPOST PIT

Pagyamanin:
1. Upang matustusan ang pangangailangan ng mga
halaman na siyang pangunahing pinagkukunan natin ng

13
pagkain
2. Napabubuti nito ang hilansa ng lupa
3. Nakatutulong sa malusog na paglaki ng mga pananim
4. Napakaepektibong pataba na hindi magastos
5. Napakadali at ligtas gamitin ang pataba

Isaisip: Tayahin:
7 a. 1. f
6 b 2. c
3 c. 3. e
5 d. 4. h
1 e. 5. a
4 f. 6. g

7. b
8. d

Isagawa:
1.

2.

3.

4.

5.

14
6.

7.

8.

9.

10.

Sanggunian

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like