You are on page 1of 24

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

MAPEH PROTOTYPE LESSON PLAN


(MUSIC)

GRADE: 5 QUARTER: 2 WEEK: 1 DAY: 1


COMPETENC : Recognizes the meaning and uses of F - Clef on the staff.
Y& MU5ME -IIa -1
OBJECTIVES Identifies the pitch names of each line and space on the F -Clef
staff. MU5ME -IIa -2
• Natutukoy ang F-Clef at ang mga pangalan ng pitch name at so-fa syllable ng
mga lines at spaces sa F-Clef staff.
• Naiguguhit gamit ang nota sa ibinigay na Pitch Names ng F-Clef sa staff.

• Maibigay ang tama at angkop na kahulugan ng F-Clef.

CONTENT : F- Clef

LEARNING : LM in Grade 5 (Hazel P. Copiano 2016)


RESOURCES Hazel P. Copiano, Emilio S. Jacinto. 2016.
Halinang Umawit At Gumuhit 5. Quezon City: Vibal Group Inc.

PROCEDURE : A.Paghahanda: (Preparation)

Pagbabalik aral.
Ilahad ang wastong pangalan ng sumusunod na notes at rest na nasa
staff.

B. Pagganyak: (Motivation)

Ano ang tawag natin sa kinalalagyan nga mga notes at rest?


Ilan ang pahalang na guhit meron ito?
Ilan ang bilang ng puwang o space meron ito.?
Ano ang gamit nito?

C. Paglalahad: (Presentation)
Ang isa sa pinakapangunahing simbolo na mahalaga nating matutunan sa music ay
ang staff. Ang staff o limguhit sa tagalog ay pundasyon ng musika kung saan doon
nakasulat ang mga nota at iba pang mga simbolo ng musika.
Mayroong iba’t ibang uri ng clef sa musika. Ang dalawa sa pinakamadalas na gamitin
na clef ay ang G-clef at ang F-Clef o tinatawag ding bass clef. Ang gumagamit ng F-
Clef ay ang mga lalaking mayroong mataas at mababa na boses (Tenor and Bass
voice). Ang F-Clef ay kilala rin sa tawag na Bass Clef. Mahalaga ang F-Clef dahil ito ay
karaniwang ginagamit para sa range ng boses ng mga lalaki. Ito ay ang mga boses na
Bass o Baho para sa mababang tono at Tenor naman para sa mataas na tono ng boses
lalaki.

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction/ Lesson Proper)

Masdan ang pagkakaayos ng pitch names sa staff.

Ang F-clef ay inilalagay sa ikaapat na linya ng staff. Ito ay nagsisimula sa notang “F”
na nasa ika-apat na linya ng staff. Ang “C” o “do” ng F-Clef ay nagsisimula naman sa
pangalawang puwang o 2nd space. Ang bawat guhit at puwang sa staff ay
mayroong titik na tinatawag na pitch names.

E. Paghahasa (Exercises/ Problem Solving)

Gamit ang whole note ( ) gumuhit na walong notang pahagdan simula sa unang
linya sa ibaba hanggang sa ika-apat na space at lagyan ng wastong Pitch names ang
bawat nota. Isulat ang iyong sagot sa bawat patlang sa ibaba.

F. Paglalahat: (Generalization)

Ano nga F-clef? Bakit kaya ito tinawag na F-Clef?


Saang notes nagsisimula ito?
Sa pang ilang lines o linya natin ito matatagpuan?
Saang space nagsisimula ang C o’ Do ng F-Clef?
Sino ang kadalasang gumagamit ng F-Clef ?

G.Paglalapat (Application)
Tukuyin kung ano ang Pitch Names na nasa staff gamit ang F-clef. Isulat sa
sagutang kahon ang tamang sagot.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Tukuyin mula sa Hanay A ang tamang pitch names gamit ang F-clef na nasa staff
ng Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa isang pirasong papel.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment/ Closing

Kilalanin ang pitch names na nasa staff gamit ang f-clef. Iguhit naman ang mga nota
na nakalagay sa patlang.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran
MAPEH PROTOTYPE LESSON PLAN
(MUSIC)

GRADE: 5 QUARTER: 2 WEEK: 1 DAY: 2


COMPETEN : Describes the use of the symbols: sharp (#), flat (♭), and natural (♮)
CY& MU6ME-IIa-3
OBJECTIVE
S • Nakikilala ang mga simbolong sharp (#), flat (b), at natural (♮) at gamit nito.

• Nailalarawan ang gamit ng simbolong sharp (#), flat (♭), and natural (♮). •
Napapahalagahan ang gamit ng simbolong sharp (#), flat (b), at natural (♮)

CONTENT : Sharp (#), Flat (♭), and Natural (♮).

LEARNING : Ligaya Bautista Garcia-Quinitio, Eduardo V. Cipriano, Eliseo P. Buhain, Juliet H. Brioso,
RESOURCES Diana Acoba-Lacia, Almira Alcoba-Alonzo, Gemalyn AndresSolano. n.d. The 21st Century
MAPEH in ACTION. 856 Nicanor Reyes, Sr. St.: REX Book Store.

PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)

Pagbabalik aral. Tukuyin ang pitch names gamit ang F-clef sa staff. Isulat ang iyong sagot
sa kahon.

B. Pagganyak: (Motivation)

Sabay-sabay nating isagawa at awitin ang mga sumusunod


Ano ang iyong napapansin sa gawaing ito?

Ano-
anu ang mga simbolo na makikita dito?

C. Paglalahad: (Presentation)

Masdan ang mga nota na nakasulat sa staff.


Suriin at pag aralan natin ito.
Ano ang kaibahan ng mga original na tono sa tonong may simobolong flat, sharp at natural
sa staff?

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction/ Lesson Proper)

✓ Sa unang measure ang tono ay nasa tonohang sol.

✓ Sa pangalawang measure ay nag-iba na ang tono dahil ito ay nalagyan na nang flat na
simbolo na siyang nagpapababa ng tono ng kalahati kaya nagiging Sa.
✓ Sa pangatlong measure ay nalagyan uli simbolong sharp tumaas ng kalahati ang tono
at nagiging Si.
✓ Para mabalik natin ang orihinal na tono ng nota lagyan natin ng natural na simobolo
ang nota para lahat ng epekto ng sharp at flat ay mabura at babalik sa orihinal
kagaya ng nakikita natin sa pang-apat na measure.
Karaniwang ginagamit ang mga simbolong sharp (#), flat (b) at natural (♮ ) sa pagtukoy
ng mga pagbabago sa tonong ginamit sa awit.
• Ang simbolong sharp ( # ) ay ginagamit upang mapataas ng kalahating tono ang isang
natural na note.
• Ang simbolong flat (b) ay nagpapababa ng kalahating tono ng isang natural na note.

• Ang simbolong natural (♮) ay nagpapabalik sa normal na tono ng note na pinababa o


pinataas.

E. Paghahasa (Exercises/ Problem Solving)

Panuto: Basi sa mga so-fa syllables sa ibaba ng bawat note, isulat kung anong kromatikong
simbolo ang nararapat sa pangalawang note ng bawat measure. Isulat ang simbolong sagot
sa unahan ng notes.
Talaan ng pagpipilian:

F. Paglalahat: (Generalization)

Tandaan: Karaniwang ginagamit ang mga simbolong sharp (#), flat (b) at natural (♮)
sa pagtukoy ng mga pagbabago sa tonong ginamit sa awit.
Buuin ang pangungusap.
Ang sharp (#)
ay_____________________________________________________ Ang flat (b)
ay_______________________________________________________ Ang
natural (♮) ay_____________________________________________________
Ang natutunan ko sa araling ito
ay________________________________________

G.Paglalapat (Application)
Panuto: Ilarawan ang mga simbolong sharp (#), flat (b), at natural (♮) sa pamamagitan ng
pagguhit ng mga sumusunod sa musical staff. Gamitin sa pagguhit ang whole note ( )
para maipapakita ang tamang kinalalagyan nito. Ilagay ang sagot sa inyong kwaderno.

1. G sharp 2. F Sharp 3.
D Sharp 4. B Flat 5. A Sharp

H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto: Kilalanin ang mga simbolong #, b at (♮). Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno. ______1. Naitataas ang tono ng kalahating hakbang

______2. Naibaba ang tono ng kalahating hakbang


______3. Naibabalik ang orihinal na tono ng isang nota mula sa simbolong sharp at
flat. ______4. Ito ay simbolo na inilalagay sa unahan ng nota na naghuhudyat na
dapat tugtugin o awitin ng half step pataas
______5. Ito ay simbolo na nasa unahan ng nota na ibig sabihin ay aawitin ng
kalahating hakbang pababa.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment/ Closing

Panuto: Basahing maigi ang tanong at isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

MAPEH PROTOTYPE LESSON PLAN


(MUSIC)

GRADE: 5 QUARTER: 2 WEEK: 1 DAY: 3 & 4


COMPETENC : Recognizes aurally and visually, examples of melodic intervals.
Y& Code: MU5ME-IIc-4
OBJECTIVES
• Natutukoy ang bawat interval sa kinalalagyan o posisyon nito sa staff. •

Naiguguhit ang mga notes na nag-uugnay sa mga intervals na ibinigay. •


Napapahalagahan ang pagtukoy ng interval sa kinalalagyan ng posisyon nito sa
staff.

CONTENT : Melodic Intervals

LEARNING : (Hazel P. Copiano 2016)Hazel P. Copiano, Emilio S. Jacinto. 2016.


RESOURCES Halinang Umawit At Gumuhit 5. Quezon City: Vibal Group Inc.

PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)


Paglalahad ng layunin.
Pagbabalik aral
Pagwawasto ng takdang aralin.

B. Pagganyak: (Motivation)

Awitin natin ang sumusunod na iskala gamit ang so-fa syllables.


Ano ang kasunod ng

do?
Gaano kalayo ang re at ang ti?

C. Paglalahad: (Presentation)

Bilangin natin ang distansya sa pagitan ng bawat note sa ibaba.


Halimbawa: mula C hanggang G = 5
1. mula C hanggang D =_______ 5. mula C hanggang A =_______
2. mula C hanggang E =_______ 6. mula C hanggang B =_______
3. mula C hanggang F =_______ 7. mula C hanggang C =_______
4. mula C hanggang G=_______
Ano ang tawag natin sa pagitan ng dalawang nota?
Paano natin makikilala ang interval?

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction/ Lesson Proper)

Ang interval ay ang pagitan ng dalawang nota. Ito ay makikilala batay sa kinalalagyan
o posisyon ng notes sa staff.
• Ang mga interval ay ang mga sumusunod: prime (first) inuulit, second, third,
fourth, fifth, sixth, seventh, Octave o Oktaba.
Narito ang mga uri ng interval sa C Major scale.
• Sa pagtukoy ng pagitan, bilangin mula sa unang note ang itinaas o ibinabang
tono hanggang sa ikalawang note.
• Ang mga note o tono sa isang melody ay may relasyon sa isat’t isa sa sinundan
nito o sa nasa ilalim nito.
• Upang malaman ang agwat (interval) sa pagitan ng dalawang note, hanapin
muna ang note na may pinakamababang pitch at simulant ang
pagbibilang hanggang umabot sa note na may mas mataas na pitch.
• Sa pagbibilang ng intervals, palaging magsimula sa mababang note at bilangin
ang agwat pataas.

E. Paghahasa (Exercises/ Problem Solving)

Ang interval ng pinakamababa at pinakamataas na mga note ay sadyang Malaki


ang agwat. Kapag ito ay nakapaloob sa isang awitin o musika, ang range ay
itinuturing na wide.

Pina
kamababa na nota Pinakamataas na nota
Ang awiting Bayan Ko ay isang awitin na may wide range.
1. Ano ang pinakamataas na tono sa awit na ito? ____________
2. Ano ang pinakamababa na tono? _______________________

F. Paglalahat: (Generalization)
Suriin ang musical score na ito. Kilalanin natin ang pinakamataas at
pinakamababang note. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Paano natin matutukoy ang interval?


Anu ano ang mga uri nito?
Paano natin matutukoy ang bawat uri ng interval?
Sa pagbibilang ng interval saan tayo magsisimula?
Suriin natin ang range ng mga note sa mga bahagi ng melodic phrase sa
ibaba.

Ano ang pitch name ng note na may pinakamataas na range?


Ano naman ang pitch name ng notang pinakamababa?

G.Paglalapat (Application)

Iguhit ang mga notes na uugnay sa mga intervals na ibinigay.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto: Kilalanin ang agwat o interval ng bawat nota na nakasulat sa limguhit o staff
sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa patlang na nasa ibaba ng limguhit o staff.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment/ Closing

Tukuyin kung anong uri ng interval ang makikita sa ilustasyon na nasa ibaba. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

MAPEH PROTOTYPE LESSON PLAN


(MUSIC)

GRADE: 5 QUARTER: 2 WEEK: 1 DAY: 5


COMPETENCY & : Identifies the notes in the C major scale.
OBJECTIVES Code: MU5ME -IIc – 5
• Natutukoy ang mga notes sa C major scale

• Naiguguhit ang C Major scale gamit ang eight note at wastong sofa syllables.

• Nakikilala ang mga tono ng note sa C major scale.

CONTENT : C Major Scale

LEARNING : (Hazel P. Copiano 2016) Hazel P. Copiano, Emilio S. Jacinto. 2016.


RESOURCES Halinang Umawit At Gumuhit 5. Quezon City: Vibal Group Inc.

PROCEDURE : A. Paghahanda: (Preparation)

Pagbabalik aral.
Pagwawasto ng takdang aralin.

B. Pagganyak: (Motivation)

Awitin natin ito.


Ano napapansin mo?

May nakikita ka bang sombolo ng sharp (#) o flat (b) sa awitin?

C. Paglalahad: (Presentation)

Kapag walang simbolo na sharp (#) o flat (b) ang nakikita sa staff ito ay tinatawag na
C Major scale.
Paano natin malalaman na ito ay C Major scale?
Paano ang pagkasunod-sunod ng tono ng mga notes sa scale na ito?
Ano ang kaibahan nito sa ibang scale?
Anong scale ang awiting Inday Kalachuchi?

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction/ Lesson Proper)


Ang C major scale ay ang pagkakasunod-sunod ng tono ng mga notes na maaring
pataas o pababa at ang home tone nito ay do.
➢ Ang C Major scale ay walang simbolo na sharp (#) o flat (b).

E. Paghahasa (Exercises/ Problem Solving)

Sa staff sa ibaba, iguhit ang C Major scale pataas gamit ang eighth note ( ) at
isulat ang wastong so-fa syllables ng bawat nota sa patlang.

F. Paglalahat: (Generalization)

Paano natin malalaman na ito ay C Major scale?


Paano ang pagkasunod-sunod ng tono ng mga notes sa scale na ito?

Buuin ang pangungusap. Ang natutunan ko sa araling ito ay


____________________
___________________________________________________________________
__ _____________________________________.

G.Paglalapat (Application)

Panuto: Sa staff sa ibaba, iguhit ang iskala ng C Major pababa gamit ang quarter
note ( ) at isulat ang wastong Pitch names o letter names ng bawat note sa
patlang.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Tukuyin ang mga sumusunod na tono ng note sa C major scale.

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment/ Closing

Magsaliksik ng mga awitin sa ating lugar na nasa C major scale at itala sa kwaderno.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

MAPEH PROTOTYPE LESSON PLAN


(MUSIC)

GRADE: 5 QUARTER: 2 WEEK: 2 DAY: 1


COMPETENC : Determines the range of a musical example MU5ME -IIe -8
Y& 1. Wide
OBJECTIVES 2. Narrow.
• Natutukoy ang pagitan mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na
tono ng isang musika.
• Naisusulat ang mga awiting may wide range at narrow range.

• Naibibigay ang kahalagahan ng range sa musika.

CONTENT : Range of Musical Example (Wide and Narrow)

LEARNING : (Hazel P. Copiano 2016) Hazel P. Copiano, Emilio S. Jacinto. 2016.


RESOURCES Halinang Umawit At Gumuhit 5. Quezon City: Vibal Group Inc.

PROCEDURE : H.Paghahanda: (Preparation)

Pagbabalik aral.
Pagwawasto ng takdang aralin.

I. Pagganyak: (Motivation)

Sabay-sabay nating awitin ang awiting “Ang Bayan Ko”.


Ang awiting ito ay may pinaka mataas at pinaka mababang nota.
Ano ang tawag natin sa malaking interval ng pinakamababa at pinaka mataas na
nota? Paano natin malalaman ang interval nito?

J. Paglalahad: (Presentation)

Ang awiting Bayan Ko ay isang awitin na may wide range.


Kung minsan, ang distansiya ng pinakamababa at pinakamataas na mga note ay
sadyang Malaki ang agwat. Kapag ito ay nakapaloob sa isang awitin o musika, ang
range ay itinuturing na wide.

K. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction/ Lesson Proper)

Isa pang mahalagang aspekto ng melody ay ang range ng mga note sa isang awitin
o musika.
✓ Kung ang distansya ng pinakamababa at pinakamataas na note ng musika
ay maikli lamang, ang musika ay sinasabing may narrow range.
✓ Samantalang ang wide range ay sumasakop ng maraming tonong pagitan.

Halimbawa ng kantang may wide range:


Pinakamababa na notes Pinakamataas na notesAng pinakamataas na tono sa

awit na ito ay F sa itaas at ang pinakamababa ay B.

Ang distansiya ng pinakamababa at pinakamataas na mga note ay sadyang Malaki


ang agwat kung kaya it ay tinuturing ang range ay wide.

Halimbawa ng kantang may narrow range:

Ang pinakamababang tono ay E at ang pinakamataas ay A. Maikli lamang ang


distansiya ng E sa A kung kaya’t ang range ay narrow.

L. Paghahasa (Exercises/ Problem Solving)


Pag aralan kung anong range napabilang ang sumusunod na awitin.

_____________________

M. Paglalahat: (Generalization)

Ano ang range?


Ano ang dalawang uri range ng musika?
Kung ang distansya ng pinakamababa at pinakamataas na note ng musika
ay maikli lamang, ano ang tawag nito?
Ano naman ang pagkakaiba ng narrow range sa wide range?

N.Paglalapat (Application)

Gumuhit ng mga halimbawa ng linya ang mga awitin na ngapapakita ng wide range
at narrow range.

Wide range

Narrow range

H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto: Tukuyin kung anong range mayroon ang mga linya ng mga note at liriko sa
ibaba sa awiting “Kalayaan” ni Jose O. Barcelo. Isulat ang iyong sagot sa nilalaang
patlang sa gilid ng bawat linya ng note at lyrics sa awitin.
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment/ Closing

Sagutin: Ano ang kahalagahan ng range sa musika?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

MAPEH PROTOTYPE LESSON PLAN


(MUSIC)

GRADE: 5 QUARTER: 2 WEEK: 2 DAY: 2


COMPETENC : Reads notes in different scales Pentatonic scale, C major scale, G major scale.
Y& Code: MU5ME -IIf – 9
OBJECTIVES
• Nakakabasa ng mga notes sa pentatonic, C major, at G major scales. •
Naisusulat ang tamang sofa syllables upang matukoy ang tamang scale ng
awitin
• Natutukoy ang tamang scale ng awitin.

CONTENT : Pentatonic scale, C major scale, G major scale.

LEARNING : (Hazel P. Copiano 2016) Hazel P. Copiano, Emilio S. Jacinto. 2016.


RESOURCES Halinang Umawit At Gumuhit 5. Quezon City: Vibal Group Inc.

PROCEDURE : H. Paghahanda: (Preparation)

Pagbabalik aral.
Pagwaswasto ng takdang aralin.

I. Pagganyak: (Motivation)
Sabay-sabay nating awitin at pag aralan ito.

Matapos awitin ay pagmasdan ito.


Ano-anu ang iyong napapansin at nakikita?
Ano ang inyong napapansin sa mga notes sa staff?

J. Paglalahad: (Presentation)

Ano ang tawag natin sa pangkat ng mga notes na nakaayos pataas o pababa?
Ang mga notes sa staff ay nakaayos mula sa pinakamababang notes hanggang
sa pinakamataas na notes.
Ano ang tawag natin dito?

K. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction/ Lesson Proper)

✓ Ang scale ay pangkat ng mga notes na nakaayos.

✓ Nakaayos mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na notes o mula


sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa.
✓ Mayroong iba’t-ibang uri ng scale sa musika na may iba’t-ibang katangian, ito
ay diatonic scale at pentatonic scale.
1. Diatonic scale – Ito ay binubuo ng eight notes na nakaayos na pataas
(ascending) at pababa(descending). Karaniwan itong ginagamit sa
musikang makakanluran.
2. Pentatonic scale – Ito ay binubuo ng limang notes: do, re, mi, so at la. Ito
ay ginagamit at madalas na naririnig sa mga awiting bayan mula sa iba’t-
ibang bansa sa Asya.

✓ Ang mga halimbawa ng scale ay ang C Major scale at G Major scale 1. C


major scale ay ang pagkakasunod-sunod ng tono ng mga notes na maaring
pataas o pababa at ang home tone nito ay do.

2. G major scale ay nasa tunugang so naman. Ito ay may walong note rin. Ang
unang note ng scale na ito ay matatagpuan sa guhit G at nagtatapos sa puwang o
space na G sa taas ng staff.

L. Paghahasa (Exercises/ Problem Solving)

Isulat ang tamang So-fa Syllables sa sumusunod na scale.

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

M. Paglalahat: (Generalization)

Ano ang scale?


Anu ano ang iba’t-ibang uri ng scale sa musika na may iba’t-ibang
katangian? Ano ang diatonic scale?
Pentatonic scale?
C major scale?
G major scale?

N.Paglalapat (Application)
Buuin ang pangungusap.

Ang natutunan ko sa araling ito


ay_________________________________________
___________________________________________________________________
__. Napagtanto ko sa araling ito na
___________________________________________
___________________________________________________________________
__.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Panuto Isulat sa patlang ang tamang So-fa Syllables ng bawat nota at piliin sa kahon
ang tamang scale nito.

1.

__ __ __ __ __
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

2.

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __

3.

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment/ Closing

Maghanap ng mga awitin sa ating lugar at itala sa kwaderno tukuyin kung ito ba
ay diatonic, pentatonic, C Major at G major scale .

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

MAPEH PROTOTYPE LESSON PLAN


(MUSIC)

GRADE: 5 QUARTER: 2 WEEK: 2 DAY: 3


COMPETENC : Creates simple melodies. Code: MU5ME -IIg -10
Y&
• Natutukoy ang mga key signature, time signature, notes and rest na ginagamit
OBJECTIVES
sa pagbuo ng simple melody.
• Nakakagawa ng simpleng melodiya gamit ang iba-ibang uri ng nota. •
Napapahalagahan ang mga gamit ng key signature, time signature, notes and
rest na ginagamit sa pagbuo ng simple melody.

CONTENT : Creating Simple Melodies

LEARNING : (Hazel P. Copiano 2016) Hazel P. Copiano, Emilio S. Jacinto. 2016.


RESOURCES Halinang Umawit At Gumuhit 5. Quezon City: Vibal Group Inc.

PROCEDURE : H. Paghahanda: (Preparation)

Paglalahad ng layunin.
Pagbabalik aral.
Pagwawasto ng takdang aralin.

I. Pagganyak: (Motivation)

Sabay-sabay tayong umawit.

Anu ano ang mga nakikita sa awiting ito?


Anu ano ang mga nota na bumubuo sa awiting ito?

J. Paglalahad: (Presentation)

Anu ano ang ginagamit upang mabuo ang awiting ito?


Ano ang gamit ng staff, time signature at ibat-ibang notes at rest sa
awitin? Ang pagamit ng ibat-ibang notes ay maaring makabuo ng simple
melody. Paano natin malaman na ito ba ay simple melody?

K. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction/ Lesson Proper)

• Ang melody ay mga tunog na nakaayos ng horizontal.

• Sa pagbuo ng simple melody, maaari mong gamitin ang iba-ibang uri ng nota. •
Mahalaga rin na pumili ng nais na Time Signature, Key Signature at Scale upang
maging maayos ang paggawa ng simpleng melodiya o simple melody.

Mga halimbawa ng Key Signatures at scale:

Mga halimbawa ng Time Signatures:

Pag-aralan natin ang pagbuo ng simple melody. Narito ang isang halimbawa

Ano ang mga notes na ginamit sa pagbou nito?


Ano ang time signature nito?
Ano ang key signature nito?
Anong scale mayroon?

L. Paghahasa (Exercises/ Problem Solving)

Gawain:
Panuto: Bumuo ng dalawang linya ng awit. Ang bawat linya ay may tig-aapat na
measure. Pumili ng key signature, time signature, notes at rest na gagamitin sa bawat
measure upang mabuo ang isang “Simple Melody”. Lagyan ito ng lyrics ayon sa gusto
mo at maari mo itong awitin Sa harap ng klase.

Pagpipilian:
M. Paglalahat: (Generalization)

Punan ng tamang sagot upang mabuo ang parirala.


Ang _______________ay mga tunog na nakaayos ng horizontal. Sa pagbuo
ng_____________, maaari mong gamitin ang iba-ibang uri ng notes. Mahalaga rin na

pumili ng nais na Time Signature, Key Signature at Scale upang maging maayos
ang paggawa ng simpleng melodiya.
May mga halimbawa ng Key Signatures at scale ito ay ang________, ______
at___________.

N.Paglalapat (Application)

Gamitan ng mga notes at rest ang staff sa ibaba upang makabuo ng isang linya ng
simple melody na may time signature sa C major scale.

H. Pagtataya: (Evaluation)

Gumawa ng iyong sariling simple melody gamit ang staff sa ibaba.


Galingan!
RUBRIK

Ang rubriks ayon sa pamantayan nito.

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment/ Closing


Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang tanong.
1. Ano ang kahalagahan ng mga nota at rest sa pagbuo ng simple melody? 2.
Paano nakakatulong ang time signature at key signature sa pagbuo ng simple
melody?
3. Magsaliksik ng mga taong kilala sa inyong lugar na tagapagtanghal ng awitin
o sariling awiting nilikha. Isulat sa kwaderno ang kanilang buong pangalan.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

MAPEH PROTOTYPE LESSON PLAN


(MUSIC)

GRADE: 5 QUARTER: 2 WEEK: 2 DAY: 4


COMPETENC : Performs his/her own created melody. Code :MU5ME -IIh -11
Y&
• Natutukoy ang mga pamantayan o tips sa pagtatanghal ng maayos ng likhang
OBJECTIVES
simple melody
• Naitatanghal nang maayos ang nilikhang melodiya.

• Napapahalagahan ang mga tips para sa huling pagtatanghal ng komposisyon.

CONTENT : Tips for the Final Performance of Music Composition

LEARNING : (Hazel P. Copiano 2016) Hazel P. Copiano, Emilio S. Jacinto. 2016.


RESOURCES Halinang Umawit At Gumuhit 5. Quezon City: Vibal Group Inc.

PROCEDURE : A.Paghahanda: (Preparation)

Paglalahad ng layunin.
Pagbabalik aral.
Pagwawasto ng takdang aralin.

B. Pagganyak: (Motivation)

Pakinggan ang isang awiting aking ipaparinig sa inyo ngayon.


(Bituing Walang Ningning by Sharon Cuneta)
(Maaring gumamit ng video at ipapanuod sa klase.)
Ano ang tittle ang kantang inyong narinig?
Kilala mo ba kung sino ang lumikha o composer ng awitin?
Kilala mo kung sino ang kumanta ng awitin?

C. Paglalahad: (Presentation)

Maaring ikaw ay maging composer kung ikaw ay may malilikhang o simple melody.
Kung kaya ang iyong nilikhang simple melody ay ating itatanghal sa pagkakataong
ito. Anu ano ang maaring batayan natin sa pagpili ng mabuting tagapagtanghal?

D.Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction/ Lesson Proper)

Isang makabuluhang gawain ang maitanghal ang sariling likha. Nakadaragdag ito ng
tiwala sa sarili. Pinayayaman din nito ang kaisipan at kakahayanang makabuo ng mga
orihinal na musika.
Sa pagtatanghal, mahalaga na ito ay maisagawa nang maayos at makasunod sa
itinakdang pamantayan.
Anim (6) Tips para sa Huling Pagtatanghal ng Komposisyon
1) Dapat may-iksakto tulog.
2) Magiging maingat sa mga kinakain para hindi ma-apektuhan ang boses. 3)
Uminom ng sapat na tubig para Stay Hydrated ang katawan.
4) Umiwas sa mga sitwasyon na makakadulot ng irritation sa boses. 5)
Mag-warm-up para mahanda ang boses at ang sarili.
6) Relax at mag-enjoy lang.
Pag-aralang muli ang nabuong simple melody kahapun.
Itanghal ng bawat bata ang nabuong simple melody.

E. Paghahasa (Exercises/ Problem Solving)

Saguting ang mg sumusunod na mga tanong?


1. Ano ang iyong naramdaman habang kinakanta mo ang sarili mong likhang
simple melody?

2. Anu ano ang mga tips para sa pagtatanghal?


3. Nagagamit mo ba ang mga tips para sa pagtatanghal?
4. Mahalaga ba na maisagawa nang maayos at makasunod ang
itinakdang pamantayan?

F. Paglalahat: (Generalization)

Ano nag pinayayaman kapag makabuo ng mga orihinal na musika ang maitanghal mo
ang sariling mong likha?
Bakit mahalaga sa pagtanghal ang maisagawa nang maayos at makasunod sa
itinakdang pamantayan?
Bakit mahalagang ma isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagtanghal ng iyong
sariling likha na musika?

G.Paglalapat (Application)

Gawain: “Komposisyon Mo! Kantahin Mo!


Panuto:
1) Tipunin ang mga miyembro ng iyong pamilya para magiging audience mo
sa pagtatanghal.
2) Ihanda ang sarili sa pagtatanghal.
3) Sabihan ang magulang o nakakatandang kapatid o alin mang miyembro ng
pamilya na gamitin ang rubrik na inihanda sa paghusga ng iyong performance.
4) Relax at mag-enjoy lang.
Gabay sa mga Hurado:
1) Suriin ang mag-aaral kung paano nakasunod sa pamantayan ng
pagtatanghal. 2) Lagyan ng tsek (√) ang antas ng pagtatanghal na nagawa sa
mag-aaral.

RUBRIK
H. Pagtataya: (Evaluation)

Buuin ang pangungusap. Ang natutunan ko sa araling ito


ay_____________________
___________________________________________________________________
__. Napagtanto ko sa araling ito na
___________________________________________
___________________________________________________________________
__

I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment/ Closing

Maghanda para sa summative test na gaganapin bukas.

You might also like