You are on page 1of 16

Pitch Names ng

Ledger Line
Modyul sa Musika 4
Kwarter 2 (Ikatlong Linggo)

ESTHER IGNAS
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon • Sangay ng mga Paaralan ng Benguet


Republikang Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Sangay ng mga Paaralan ng Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng:
Curriculum Implementation Division–
Learning Resource Management Section

KARAPATANG SIPI

2020

Isinasaaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man,kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaaan o tanggapan
kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa maaaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K-12 Kurikulum ng


Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung
ito ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa/inihanda para sa mga ikaapat na baitang na


mag-aaral.Ito ay magsisilbing gabay para sa ikatututo nila sa aralin tungkol sa pagtukoy
sa pitchnames ng mga ledger lines ng G- cleff staff. Mauunawaan nila na mahalaga
itong pag-aralan para sa wastong tono ng pag-awit. Makakatulong ito para sa susunod
nilang aralin sa musika.

Petsa ng Paggawa : Hulyo 2020


Lokasyon ng Materyal : Sangay ng Benguet
Asignatura : Musika
Baitang : Ikaapat na Baitang
Uri ng Kagamitan : Modyul
Wika : Filipino
Markahan/ Linggo : Ikalawang Markahan/Ikatlong Linggo
Kasanayang Pampagkatuto/ : Natutukoy ang mga pitch name ng ledger line
Kowd: ng G clef staff
MU4ME-IIb-2

iii
PAGKILALA
Ang developer ng modyul na ito ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng
tumulong at naging bahagi upang magawa at matapos ang modyul na ito.

DIVISION LRMS STAFF:

Melvin L. Alfredo Antionette D. Sacyang


Librarian II Project Development Officer II

Sonia D. Dupagan, EdD,


Education Program Supervisor– Learning Resource

CONSULTANTS:
Warden A. Baltazar
Education Program Supervisor

Rizalyn A. Guznian, EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

Nestor L. Bolayo
OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Benilda M. Daytaca, EdD, CESO VI,


OIC, Schools Division Superintendent

iv
ALAMIN

Ang layunin ng modyul na ito ay natutukoy ang mga pitch name ng mga guhit o linya
at puwang ng G clef staff. Ito ay isa sa mga kompetensi na pag-aaralan ng mga nasa
ikaaapat na baitang na kailangang matutunan at maunawaan nang mabuti. Ang modyul
na ito ay binubuo ng mga simpleng gawain para matulungan kayong matutunan at
maunawaan ang pagtukoy sa mgapitchnames ng G-clef staff.
Sa mga tagapagdaloy ng modyul na ito kinakailangang gabayan ang mga mag-aaral
sa kanilang pagsagot . Magtakda ng alituntunin habang ginagawa ang mga gawain
upang masunod nang wasto ang mga panutong susundin.

1
SUBUKIN

A. Alam ba ninyo ang mga pitch names ng mga ledger line ng G-clef staff?
Markahan ng bilog ang kinaroroonan ng una at ikalawang ledger line sa ilalim
at itaas ng staff.

B. Bilugan ang mga nota na nasa ledger line.

2
BALIKAN

A. Lagyan ng bilog ang guhit na tumutukoy sa mga pitch name sa ibaba ng staff.

E F G A B C D E F

B. Isulat sa patlang ang pitch name ng mga guhit o linya na kinaroroonan ng mga nota.

______ _____ ______ _____ ______

TUKLASIN

A. Basahin at Unawain
Ang maiikling guhit na idinadagdag sa itaas at ibaba ng staff ay tinatawag na ledger
line. Ang pitchname ng unang ledger line na makikita sa ibaba ng staff ay C at B ang
matatagpuan sa ilalim ng unang ledger line sa ibaba ng staff. Matatagpuan naman ang
pitch name na A sa unang ledger line sa ibabaw ng staff.

3
SURIIN

A. Basahin at unawain

Si Nelia ay nahihirapang gawin ang ipinapagawa ng guro tungkol sa aralin sa


musika dahil hindi nakinig nang mabuti kaya tutulungan mo siya sa paggawa.

Narito ang ipinapagawa ng guro na gagawin mo rin.


Gumuhit ka ng staff. Iguhit ang G-clef sa dapat nitong paglagyan. Lagyan ng tatlong

notang ♪ sa unang ledger line sa ibaba ng staff at apat na notang naman sa


unang ledger line sa ibabaw ng staff. Isulat ang pitch name sa tapat ng mga ito.

Gawin sa loob ng kahon.

4
PAGYAMANIN

Gawain 1

Bilugan ang mga note kung saan matagpuan ang mga ledger line.

Pagtatasa 1
Saan matatagpuan ang mga ledger line na may pitchname C, B at A?

Lagyan ng apating nota .

Gawain 2
Ano ang pitch name ng mga ledger line na makikita sa ibabaw at ibaba ng staff? Isulat
ang sagot sa kahon na katapat nito.

Pagtatasa 2
5
Isulat ang pitch name ng unang ledger line na nasa taas ng G- clef staff sa bilang 1. Sa
bilang 2 at 3 ay ang una at ikalawang ledger line sa ibaba ng staff.

1. _______ 2. ________ 3. __________

ISAISIP

Mahalaga ang mga natutunan mo sa araling ito kaya kailangang isaulo ito.
Punan ang mga patlang upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon.
Saang bahagi ng staff matatagpuan ang mga ledger line?
Natutunan ko na may maiikling guhit na idinadagdag sa (1) ________at ibaba ng
staff na tinatawag na (2) _________. Mayroon ding mga pitch name ang mga ledger
line. Ang pitch name na makikita sa unang ledger line ay (3) _________ at
(4) _________ naman ang matatagpuan sa ilalim ng unang ledger line sa ibaba ng
staff. Matatagpuan naman ang pitch name na (5) ________ sa unang ledger line sa
ibabaw ng staff.

ledger line
B A C
itaas

6
ISAGAWA

A. Pinalalagay ng guro mo ang kalahating nota sa ledger line na may pitch name A, C
at B. Saang banda ng staff mo dapat ilagay?

B. Isulat sa patlang ang mga pitch name na makikita sa mga ledger line ng G clef staff.

TAYAHIN
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ano ang tawag sa maikling guhit sa ibaba at ibabaw ng G-clef staff?
Tandaan:
Sagutin ng kompletong pangungusap. Magsimula sa malaking titik at lagyan ng
tuldok sa hulihan ng pangungusap.

7
2. Saan sa G-clef staff matatagpuan ang ledger line na may pitch name C?

3. Saan sa G-clef staff matatagpuan ang ledger line na may pitch name A?

4. Ano ang pitch name ng ledger line na nasa ilalim ng unang ledger line sa ibaba ng
staff?

5. Saang bahagi ng staff matatagpuan ang ledger line?

8
KARAGDAGANG GAWAIN

Markahan ng maikling linya ang mga ledger line sa staff.

Ilagay ang pitch name ng mga ledger line na may bilog

9
SUSING SAGOT

10
SANGGUNIANG

Musika at Sining (Patnubayng Guro )


Enhancing Skills through MAPEH 6

DepEdCARLR#:842-13-21MELCS

11
Para sa inyong mga katanungan, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Schools Division Office of Benguet
Wangal, La Trinidad, Benguet
Telefax: 074 422 6570 (telefax)
Telephone: 074 422 2001
Email Address: benguet@deped.gov.ph

12

You might also like