You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
District of Kalamansig I
DON MODESTO BUENAFLOR SR. ELEMENTARY SCHOOL

PAKITANG-TURO SA FILIPINO 2

I. Layunin:
Nabibigkas nang wasto ang tunog ng kambal-katinig

II. Paksang - Aralin:


a. Paksa: Wastong Pagbigkas ng Kambal-Katinig (F2PN-Ia-2)
b. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide Grade Two, Textbook Filipino sa
Makabagong Panahon 2 pp. 35-44, 57-65
c. Kagamitan: telebisyon, powerpoint, larawan, at tsart
d. Pagpapahalaga: Pagtutulungan/ Pagiging Masunurin
e. Integrasyon: MAPEH, English

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Awit
3. Subukin:
Panuto: Pagpapabasa sa mga bata ng mga salita gamit ang flashcard.
1. granada
2. krayola
3. preso
4. plato
5. druga
B. Pagbabalik-aral:
Panuto: Magbigay ng halimbawa ng ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o
pangyayari.
4. Pangganyak:
Pagbibigay ng flashcard sa mga bata na may kambal katinig at ipabigkas
ito.
C. Gawain sa Pagkatuto:
1. Tuklasin: Pagbibigay ng panuntunan sa panonood ng video presentasyon.
2. Presentasyon: Kambal-Katinig
3. Suriin: Anong titik ang bumubuo sa klaster o kambal-katinig ? Ano-ano ang
mga ito? Magbigay ng halimbawa.
4. Pagyamanin:
Panuto: Pagtambalin ang mga larawan sa hanay A sa mga salita sa hanay B.

1. a. plorera

2. b. tsinelas

3. c. braso

4. d. gripo

5. e. troso
5. Paglalahat: Magbunotan at basahin ang salita na nakasulat sa strip at sabihin
kung anong kambal-katinig ang makikita dito.
 Ano ang bumubuo sa kambal katinig?

6. Pangkatang Gawain:
1. Paglalahad ng Rubriks
Batayan Pangkat I Pangkat II
1. Mahusay bang
nakasunod ang
bawat pangkat sa
ipinagawa ng guro.
2. Nagtutulungan ba
ang bawat kasapi ng
pangkat sa
pagsagot?
3. Kasiya siya ba ang
ginawang pag ulat?

2. Pangkatang Gawain:
Unang Pangkat:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang salita ay may kambal-
katinig. Lagyan ng ekis (X) kung wala.
______1. trak
______2. dam
______3. presyo
______4. tala
______5. plantsa
Ikalawang Pangkat:
Panuto: Punan sa patlang ang nawawalang kambal-katinig upang mabuo
ang salita.

1. _ _ ayola

2. _ _ ima

3. _ _ am

4. _ _ anada

5. _ _ iko

7. Pagpapahalaga:
- Nagustuhan niyo ba ang inyong ginawa?
- Madali ba ang ginawa ninyo?
- Bakit kaya ito nagging madali?

IV. Pagtataya:
Panuto: Salungguhitan ang mga salitang may kambal katinig sa pangungusap.
1. May grasa ang braso ng mekaniko.
2. Sa Setyembre ang kaarawan niya.
3. Ang ministro ay bumaba sa eroplano.
4. Ipakita ang presentasyon ng tsart na ito.
5. Magaling ang pagdrowing ng mga planeta.

V. Takdang-Aralin:
Panuto: Bilugan ang salitang may kambal-katinig sa bawat panungungusap.
1. Gutay-gutay na ang lumang trapo.
2. Narinig niya ang ingay ng trumpeta.
3. Kamiý hindi ngkakalat ng tsismis.
4. Tagumpay ba ang proyekto?
5. Anu-ano ang mga problema ng barangay natin?

Inihanda ni:

MARICAR D. CASTILLANO
Tagapayo sa Ikalawang Baitang

Iniwasto ni:

MARLOU B. FAELDONIA
Gurong Namamahala

Inobserbahan ni:

_____________________________________

You might also like