You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA MOTHER TONGUE 1

IKATLONG MARKAHAN

I. LAYUNIN:

1. Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasalungat

2. Nasasabi ang kasalungat ng salita.

3. Nagagawa o nakakabuo ng salitang magkasalungat sa pamamagitan ng mga bagay nakikita sa


paligid

II. PAKSANG ARALIN:

A. Paksa: Pagtukoy ng kahulugan ng salita Batay sa Kasalungat.


B. Sanggunian: Patnubay ng Guro (Q3&Q4) pah. 11-13
Mother Tongue 1 Quarter 3 week 4 modyul, MELC, TG
C. Kagamitan: mga larawan, flashcards, krayola, sombrero
D. Pagpapahalaga: Kahalagahan ng katangian ng bagay na nakikita sa paligid.

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

a. Pagbati
b. Pagdarasal na pangungunahan ng lider mula sa unang grupo.
c. Pag tsek ng mga lumiban sa klase ang bawat lider ang magrereport kung sino ang absent
sa kanilang grupo’
d. Pagrereport ng weather at pangungunahan ng pangalawang grupo.
e. Balik -Aral
Bilugan ang tamang kasingkahulugan na nasa kaliwang bahagi ng kahon.
(integration: Filipino)

1. daan kalsada malamig puti


2. nalaglag gabi malalim nahulog
3. mabagal malaki makupad tama
4. maganda marikit pangit malamig
5. mataas madamot malapad matangkad

c.Pagganyak:

Sayaw-awit ng pambatang awiting “Ang Tatlong Bibe” (integration: Music and Filipino)

B. Panlinang na Gawain

1.Paglalahad ng bagong konsepto

Sagutin ang sumusunod na tanong tungkol sa awitin.

1. Ilan ang mag bibe?


2. Ilan ang bibe na may pakpak?
3. Ano ang katangian ng mga bibe sa awitin?

2.Pagtatalakay
Ang dalawang salita ay magkasalungat kapag ang kanilang kahulugan o ibig sabihin ay
kabaliktaran ng ibig sabihin nito sa isa’t isa.

Halimbawa:

1. kulot- unat
2. basa- tuyo
3. malapit- malayo
4. mabilis- mabagal
5. malinaw- malabo

C.Pagpapaunlad sa kasanayan tungkol sa aralin:

Panuto: Idikit ang kasalungat ng mga salita. (integration: Health and Filipino)

malungkot tahimik umiiyak

malambot gabi matamis

mabangovv makinis mabagal

D. Paglinang sa kabihasaan:

Panuto: Tukuyin ang salitang magkasalungat. Isulat ang titik ng tamang sagot.

tama
tama

E.Pangkatang Gawain

Gamit ang differentiated activity ang mga bata ay naka grupo sa tatlo (3)
At ang bawat pangkat ay may kanya-kanyang task para sa kanilang activity. Ang bawat
pangkat ay bibigyan ng tig-iisang envelop na kung saan nasa loob ang panuto ng kanilang
gawain. (integration: Filipino and Arts)

Unang Pangkat (Above )

Ang bawat miyembro ay babasahin at tutukuyin ang mga salitang magkasalungat sa bawat
pangungusap.

Pangalawang Pangkat ( Average )

Ang bawat miyembro ay tutukuyin ang salitang magkasalungat na ipinakikita ng larawan.

Pangatlong Pangkat ( Slow )

Ang bawat miyembro ay guguhit ng larawang nagpapakita ng magkasalungat na kahulugan.

F.Paglalahat
Ano ang magkasalungat na salita? Magbigay ng halimbawa nito.
.

IV.PAGTATAYA

Panuto: Isulat sa patlang ang kasalungat ng mga salitang may salungguhit.

1. Ang sampalok ay maasim. _________


2. Mahina ang pandinig ng mga matatanda. ____________
3. Angbuhok ni Roda ay maikli. ___________
4. Nanalo kami sa palaro. __________
5. Si Riza ay tahimik na bata. ___________

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Hanapin sa kabilang kahon ang kasalungat na salita. Kulayan ito base sa kulay sa
kabilang kahon.

Inihanda ni:

MARIA MONICA V. BAUTISTA


Teacher III

Pinansin nina:

DOLORES D. DELA CRUZ PERLITA G. DE


JESUS
School Principal I Master Teacher I

m
as

matulin
umaga
maalat

You might also like