You are on page 1of 3

DAILY LESSON SCHOOL AGUSTIN P.

NAVARRA ELEMENTARY GRADE FOUR


PLAN SCHOOL LEVEL
TEACHER NEMIA L. ARTATES QUARTER 2ND
SUBJECT FILIPINO DATE

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng


PANGNILALAMAN sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. PAMANTAYAN SA Naisalaysay muli ang binasang kwento.
PAGGANAP
C. MGA KASANAYAN SA Nagagamit mang wasto ang pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay
PAGKATUTO at pangyayari sa sarili o sa ibang taong katulong sa pamayanan. F4Wg-IIa-
c-4
II. NILALAMAN Paggamit ng mga Pang-uri sa Paglalarawan ng tao, bagay, pook at
Pangyayari
III.KAGAMITANG PANTURO

A. SANGGUNIAN

1. Mga Pahina sa Gabay Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa 4, TG pp. 106-107


ng Guro
2. Mga Pahina sa Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa 4 LM pp. 55
Kagamitang Hiyas sa Wika 4, pp. 116-121
Pangmag-aaral
3. Mga Pahina sa Hiyas sa Wika
textbook
4. Karagdagang Mga Larawan
kagamitan mula sa
postal Learning
Resources
B. IBA PANG Activity Sheets
KAGAMITANG
PANTURO
IV. PAMAMARAAN
A. BALIK-ARAL SA “Magbugtungan Tayo”
NAKARAANG ARALIN a. Pasagutan sa mga bata ang mga bugtong.
AT/O PAGSISIMULA b. Itanong:
NG BAGONG ARALIN. 1. Anu-ano ang mga bagay na tinutukoy sa mga bugtong?
2. Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?
3. Ano kaya ang nakatulong sa inyo upang mahulaan ang mga
bugtong?
B. PAGHAHABI NG Ipatukoy sa klase ang mga sense organs na makikita sa larawan.
LAYUNIN NG ARALIN Itanong:
1. Anong sense organ ang makatutulong sa inyo upang matukoy na ang
unan ay makulay?
2. Anong sense organ naman ang nagsasabi na mainit ang apoy?
3. Anong sense organ naman ang makatutulong upang makaiwas tayo sa
maiingay na lugar?

Ang Sense Organs ang ginagamit natin upang ibigay ang mga katangian
ng mga bagay, lugar, tao at maging ang mga hayop sa paligid natin.

C. PAG-UUGNAY NG MGA Pagtatambal ng mga salita sa kaugnay na larawan.


HALIMBAWA SA
BAGONG ARALIN.
D. PAGTALAKAY NG 1. Tumawag ng apat na bata na babasa ng isang kwento
BAGONG KONSEPTO 2. Ipabigay ang pamantayan sa pagbasa ng malakas.
AT PAGLALAHAD NG 3. Ipasagot ang mga tanong:
BAGONG KASANAYAN 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
#1 2. Ano ang naisipang gawin ni Aling Tess?
3. Ano ang nais gawin ni Liza upang makatulong sa kanyang
ina?
4. Bakit hindi pinayagan ni Aling Tess si Liza?
5. Anu-ano ang mga health protocols na susundin ni Liza
para lamang makatulong sa kanyang ina?
6. Paano makatulong si Lito sa kanyang ina?
E. PAGTALAKAY NG 1. Ipagawa ang Pangkatang Gawain.
KONSEPTO AT 2. Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsasagawa ng pangkatang
PAGLALAHAD NG Gawain.
BAGONG KASANAYAN
#2 Pangkat #1
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pang-uri.
1. Malapad
2. Maliksi
3. Malapit
4. Masunurin
5. Berde

Pangkat #2
Panuto: Bilugan ang pang-uri sa pangungusap.
1. Masikip ang damit na nabili ni Ate sa akin.
2. Hiniram ni Joey ang aking itim na ballpen.
3. Mayroon kaming tatlong alagang aso.
4. Kailangan naming magdala ng lumang dyaryo para sa aming
proyekto.
5. Mayayaman ang mga bisita sa kasal nina Tito Mario at Tita
Mara.

Pangkat #3
Panuto: Awitin at isayaw ang kantang “Tatlong Bibe” at tukuyin ang
mga pang-uri na nabanggit.

Ngayon, Ano ang tawag natin sa mga salitang isinagot ninyo?

-Pang-uri ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop,


lugar at pangyayari.
Halimbawa : maganda, maamo, malawak, pula

F. PAGLINANG SA Ipatukoy sa mga bata ang pang-uri sa pangungusap.


KABIHASAAN (Tungo 1. Ginamit ni Bert ang kanyang pulang sapatos sa pag-eehersisyo.
sa formative Itanong: Mahalaga ba ang pag-eehersisyo? Bakit?
assessment)
2. Si Melissa ay madalas kumain ng masustansyang pagkain.
Itanong: Makabubuti ba ang ginagawa ni Melissa sa kanyang
kalusugan? Bakit?

3. Binigyan si Marie ng kanyang mabait na nanay ng dalawang daan


para pandagdag sa tatlong daang naipon niyang pera.
Itanong: Magkano lahat ang naipon ni Marie?
Ano ang Ginawa mo para makuha ang iyong sagot?
G. PAGLALAPAT NG Paano mo ilalarawan ang nangyayari sa ating lipunan ngayon?
ARALIN SA PANG-
ARAW-ARAW NA
BUHAY
H. PAGLALAHAT NG Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng paglalahat.
ARALIN
Itanong:
Ano ang pang-uri?
Magbigay ng mga halimbawa nito at gamitin sa pangungusap.

I. PAGTATAYA NG Buuin ang mga pangungusap gamit ang mga pang-uri sa kahon. Isulat ang
ARALIN inyong sagot sa inyong sagutang papel.

Madumi Mataas
Itim Malamig
Masaya

1. ____________ ang kulay ng buhok ni Riza.


2. Ang ilog na malapit sa amin ay ____________.
3. ____________ ang puno ng santol na inakyat ko.
4. ____________ ang mga bata habang naglalaro ng taguan.
5. Gusto kong uminom ng _____________ na tubig.
J. KARAGDAGANG Gamitin ang sumusunod na pang-uri sa pangungusap.
GAWAIN PARA SA 1. Mabilis
TAKDANG ARALIN AT 2. Matangkad
REMEDIATION 3. Malinis
4. Maliit
5. Masarap
V. MGA TALA

Prepared by:

NEMIA L. ARTATES
Teacher II

Noted:

JUDITH P. TU
Principal IV

You might also like