You are on page 1of 44

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Unang Araw sa Unang Linggo

I. LAYUNIN:
1.Nababasa ang angkop sa baitang na teksto na may akmang bilis.
2.Naipahahayag ang interes sa pamamagitan ng nilimbag na mga
kagamitan.
3.Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari batay sa binasang
kwento.

II. PAKSANG- ARALIN


Aralin 28: Ang Yaman ng Aking Pamayanan
Ang Unang Pinya
Sanggunian:MT3F-Iva-c-1.42/MT3VCD-Iva-b-1.4MT3G-Iva-2.4.2/K M pp. 292-
297
Kagamitan: tsart,larawan ng pinya

Pagpapahalaga: Pagiging masunurin.

III. MGA GAWAIN


A. INTRODUKSYON
Basahin ang alamat ng Unang Pinya sa pahina 292-294

B. PAGMOMODELO
1. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
2. Saan naganap ang kuwento?
3. Anong uri ng bata si Pina?
4. Ano ang ugali ni Pina na hindi nagugustuhan ng kaniyang mga
magulang?
5. Mayroon bang pagkakataon na ikaw ay nagreklamo kapag inuutusan ng
iyong mga magulang?
6. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng nag-uutos sa iyo kapag
ganoon ang ginawa mo?
7. Paano natin pagsunud-sunurin ag mga pangyayari sa kwentong ating
binasa?

C. PAGSASANAY
1.Gawain ng Buong Klase
Pagpapakita ng gawain bago pumasok sa paaralan gamit ang mga larawan.
(Paggamit ng drillboard)

2.Pinatnubayang Pagsasanay
Iayos ang mga pangyayari sa wastong pagkasunod-sunod. Lagyan ng angkop
na hudyat na mga salita.
__________Hinanap ng nanay si Pina ngunit hindi talaga niya ito makita.
__________Nagsimula na si Pina na magreklamo.
__________Ipinahanap ng nana yang gunting kay Pina.
__________Nagalit ang nanay at biglang kumulog ng malakas.
__________Nakakita siya ng isang hugis oblong at kulay dilaw na prutas na
puno ng maraming marking parang mga mata.

3.Malayang Pagsasanay
Iayos ang mga pangyayari kapag ikaw ay naghuhugas ng iyong kamay.
Lagyan ng tamang hudyat na salita. (una, ikalawa, ikatlo, pagkatapos at sa
hulihan)

__________Punasan ang iyong kamay ng malinis na labakara.


__________Buksan ang gripo.
__________Basain ang iyong mga kamay.
__________Sabunin at kuskusin ng mabuti ang iyong mga kamay.
__________Banlawan ng mabuti ang iyong mga kamay.

D. PAGTATAYA
Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagkuha ng pagsusulit.

Gumamit ng mga hudyat na salita. (una, ikalawa, ikatlo, pagkatapos at sa


hulihan)

__________Basahing mabuti ang panuto.


__________Ipasa ang papel nang maayos.
__________Piliin ang titik ng tamang sagot.
__________Kumuha ng papel at lapis.
__________Suriin kung ang lahat ng bilang ay nasagutan.

IV. TAKDANG- ARALIN :


Sagutan ang Gawain 6 sa pahina 297.

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla ISABELO DELOS REYES
Daisy S. Romas ELEMENTARY SCHOOL
Julie Ann D. Dolamos
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL

Sinuri ni:
Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ikalawang Araw sa Unang Linggo

II. LAYUNIN:
1.Naiuugnay ang sariling karanasan at mga ideya sa kaugnay na
paksa (Tubig) gamit ang ibat ibang pananalita na may angkop na
salin mula sa orihinal at wastong intonasyon.
2.Gamitin ang mga salitang nilinang mula sa binasang kuwento sa
makahulugang konteksto o nilalaman.

II. PAKSANG- ARALIN


Aralin 28: Ang Yaman ng Aking Pamayanan
Pag-uugnay ang Sariling Karanasan at Mga Ideya sa Paksa
Sanggunian:MT3OL-IVa-10.4MT3VCD-Iva-b-1.4K M pp. 289,PG-pp. 258-259
Kagamitan: tsart, larawan ng maruming tubig at malinis na tubig

Pagpapahalaga: Masiglang nakikisali sa talakayan.

III. MGA GAWAIN


E. INTRODUKSYON
Ipabasa ang dayalogo sa pahina 289.

F. PAGMOMODELO
-Sino ang nakalimot na isara ang gripo?
-Ano ang mga pinagkukunan ng tubig na nabanggit sa dayalogo?
-Ano ang maaaring mangyari kung hindi magtitipid sa tubig?

Myra:Jason, nakalimutan mong isara ang gripo. Tingnan mo, marami ang
nasayang mong tubig.
Jayson:Paumanhin. Wala kasing tulo ng tubigkanina kaya nakalimutan kong
isara.
Myra:Sige, pero dapat nating tandaan na hindi dapat magsasayang kahit
isang patak ng tubig.
Jayson:Isang patak? O! Meron naming maraming tubig sa paligid.
Tingnan mo, kahit na ang ulan ay nagbibigay sa atin ng maraming tubig.
Myra: Jason, kung hindi natin aalagaan an gating pinagkukunan ng tubig, mga
taon mula ngayon, mawawalan tayo ng mapagkukunan ng malinis na tubig.
Jason: Paano mangyayari yan? Mayroon tayong mga ilog, bukal, talon at
maging mga karagatan. Lahat ng mga iyan ay mga pinagkukunan ng tubig.
Myra:Ngunit mas malaking tulong kung ngayon palang magtitipid na tayo.
Mga tao, mga hayop at mga halaman ay hindi mabubuhay kung walang tubig.
G. PAGSASANAY
1.Gawain ng Buong Klase
Isipin-Pumareha-Ibahagi(Think-Pair-Share)
Tanong: Anong mga paraan ang magagawa upang makatulong sa pagtitipid
ng tubig?
Gawaing Pareha: Humanap ng kapareha at sagutin ang tanong.
Ibahagi: Iuulat ng bawat magkapareha ang kanilang napagusapan sa klase.

2.Pinatnubayang Pagsasanay
Iguhit ang bulaklak kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa
tubig. Dahon kung hindi.
________1. Huwag hayaang nakabukas ang gripo.
________2. Gumamit ng tabo at timba sa paliligo.
________3. Hayaang tumulo ang tubig kapag nagsisipilyo.
________4. Gamitin ang pinagbanlawan sa paglalaba na panlinis ng banyo.
________5. Ayusin ang mga may sirang tubo ng tubig.

3.Malayang Pagsasanay

Sumulat ng ilang salita na maiuugnay sa tubig.

TUBIG

H. PAGTATAYA
Magbigay ng mga paraan kung paano pahalagahan ang tubig.
1.
2.
3.
4.
5.

IV. TAKDANG- ARALIN :


Gumuwa ng slogan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa tubig.

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad ISABELO DELOS REYES
Rosalie M. Petilla ELEMENTARY SCHOOL
Daisy S. Romas
Julie Ann D. Dolamos- ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL
Lily Ann E. Atregenio- ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL
Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ikatlong Araw sa Unang Linggo

III. LAYUNIN:
1.Nakikilala ang pang-uri sa pangungusap.
2.Nagagamit ang pang-uri sa pangungusap.
3.Nabibigyang halaga ang paggamit ng tamang pang-uri upang
makabuo ng makabuluhang pangungusap.

II. PAKSANG- ARALIN


Paksa :Pagkilala sa Pang-uri
Sanggunian: MT3OL-IVa-10.4, MT3VCD-Iva-b-1.4K M pp. 290-292 PG-pp.
258-259,
Google.com
Kagamitan: TV, speaker, music, tarpapel, bola, cut-outs,organizer, activity
card

Pagpapahalaga :Masiglang nakikilahok sa talakayan.

III. MGA GAWAIN


I. INTRODUKSYON
Ipakanta sa mga bata ang awiting Tatlong Bibe gamit ang video na nasa
telebisyon.
a.Ilang bibe ang nabanggit sa awitin?
b.Ano-ano ang katangian ng bawat bibe?
c.Mga hayop lng ba ang maaaring ilarawan ang mga katangian?

J. PAGMOMODELO
Pag-aralan ang mga salitang may salungguhit.
1. Ang tatlong magkaibigan ay natutulog.
2. Mataba ang mga alaga niyang aso.
3. Si Ana ang mapayat sa kanilang magkakapatid.
4. Ang mga ibon ang may pakpak kaya sila ay nakalilipad.
5. Malinis ang tubig sa ilog.
a.Ano-ano ang inilalarawan ng mga salitang, tatlong? Mataba?
Mapayat? May pakpak? Malinis?
b.Gumamit ng tsarting.
Mga salitang Katangiang Mga salitang Uri ng salita na
may salungguhit tinutukoy ng pinatutungkulan ng tinutukoy ng
mga salitang mga may mga salitang
may salungguhit salunnguhit na may salungguhit
salita
tatlong bilang magkaibigan pangngalan

mataba uri aso pangngalan

mapayat uri magkakapatid pangngalan


K. PAGSASANAY
1.Gawain ng Buong Klase
Larawan ng:
1.bola
2.Catriona Grey
3.Divisoria
4.aso
5.saging

2.Pinatnubayang Pagsasanay
Pangkatang Gawain

Sabihin:
Upang malaman natin ang kakayahan at kaalaman ninyo sa mga pang -uri,
bawat pangkat ay may kani-kaniyang Gawain.

Pangkat 1
Gamit ang flower map, ilarawan ang pangngalan na nakasulat sa gitnang
bilog.

BATA

Pangkat 2
Magbigay ng pang-uri na naglalarawan sa katangian ng mga sumusunod na
bagay.
1.mangga-bilang,kulay
___________ _____________
2.damit-sukat,kulay
___________ _____________
3.bahay-sukat,uri
___________ _____________
4.gusali-taas,uri
___________ _____________
5.lalaki-bilang,uri
___________ _____________

Pangkat 3
Gumawa ng tatlong pangungusap. Salungguhitan ang bawat pang-uri at
bilugan naman ang inilalarawan nitong pangangalan o panghalip.
1.

2.

3.

Pangkat 4
Gamit ang bubble map, idikit ang cut-outs ng mga napiling salita na tamang
naglalarawan sa larawan na ilalagay sa gitnang bilog.

Pag-uulat ng bawat pangkat


Itanong:
a. Ano ang pang-uri?
b. Ano-ano ang inilalarawan ng pang-
uri?
c. Bakit kailangang gumamit ng tamang salita sa paglalarawan ng isang
pangngalan o panghalip?
3.Malayang Pagsasanay

Piliin ang pang-uri sa pangungusap.


1.Nakalimutan ng tamad na bata na magsepilyo ng ngipin.
2.Ang aking asul na damit ay namantsahan.
3.Ang bahay ng aking tiyahin ay malaki at maganda.
4.Mayroon akong bagong tsinelas.
5.Si tatay ay may sampung baka sa bukid.

L. PAGTATAYA
Bilugan ang pang-uri sa pangungusap.
1.Nakalimutan ng tamad na bata na magsepilyo ng ngipin.
2.Ang aking asul na damit ay namantsahan.
3.Ang bahay ng aking tiyahin ay malaki at maganda.
4.Mayroon akong bagong tsinelas.
5.Si tatay ay may alagang sampung baka sa bukid.
IV. TAKDANG- ARALIN :

Magbigay ng 5 salita na naglalarawan isang guro.

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla ISABELO DELOS REYES
Daisy S. Romas ELEMENTARY SCHOOL
Julie Ann D. Dolamos
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL
Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ika-Apat na Araw sa Unang Linggo

IV. LAYUNIN:
1.Nakikilala ang mga katulong sa pamayanan at ang kanilang
katangian. 2.Nababasa ang anunsyo ng may pag unawa.At na
sasagutan ang mga tanong tungkol dito.
3.Natutukoy kung paano inilalahad ang dalawang bahaging
balangkas.

II. PAKSANG- ARALIN


Paksa :Balangkas
Aralin 28: Ang Yaman ng Aking Pamayanan
Sanggunian: MT3OL-IVa-10.4, MT3VCD-Iva-b-1.4K M pp. 290-292 PG-pp. 258-
259,
Kagamitan: tarpapel
Pagpapahalaga: Pakikisali sa talakayan

III. MGA GAWAIN


M. INTRODUKSYON
Basahin ang sumusunod.
Ikaw ba ay propesyunal na guro? Ikaw ba ay magandang halimbawa sa
inyong mga mag-aaral?Ikaw ba ay matapat? Ikaw ba ay masipag? Kung
ganun, ikaw na nga ang hinahanap naming. Pumunta sa Paaralan ng Santa
Teresa kung saan ang mga guro ay may mataas na swuweldo at maraming
mga bbebepisyo, ang mga mag-aaral ay magagalang at ang mga guro ay
mahuhusay sa kanilang larangan.
Pumunta na at mag-apply. Sa iba pang mga katanungan, maaring
tumawag o mag-text sa 09274652839.

N. PAGMOMODELO
1. Anong uri ng babasahin ang iyong binasa?
2. Nabasa mo ba ang anunsiyo?
3. Ano sa palagay mo ang layunin ng anunsiyo?
4. Ano ang katangian ng guro nahinahanap ng paaralang Santa Teresa?
-Kung Ikaw ay isang aplikante sa ganitong posisiyon sa palagay mo ikaw ba ay
matatanggap?Bakit?

O. PAGSASANAY
1.Gawain ng Buong Klase
Basahin ang talambuhay ni Dr. Jose Rizal at ibalangkas ito.
I. Kapanganakan
II. Magulang
III. Mga Kapatid
IV. Mga Pinag-aralan
V. Mga Nagawang Akda
VI. Kamatayan

2.Pinatnubayang Pagsasanay
Basahin ulit ang anunsiyo. Suriin ang mga sumusunod na balangkas at isulat
ang sagot sa kuwaderno.
Katangian ng mga gustong mag- aaply na guro:
A. Propesyunal
B. Magandang halimbawa sa mga bata
C. Matapat
I. Sa Paaralan ng Santa Teresa
A. Ang mga guro ay may mataas na suweldo at benepisyo
B. Ang mga mag-aaply ay magagalang
C. Ang mga guro ay hinahasa upang maging magagaling na guro

3.Malayang Pagsasanay
Basahin muli ang anunsiyo at sagutan ang mga sumussunod na tanong.
1.Ilan ang talata ng anunsiyo?
2.Tungkol saan ang nasa unag talata ng anunsiyo?
3.Paano ito ipinapakita sa balangkas?
4.Ano-ano ang detalye na sumusuporta sa unang talata?
5.Ano-ano ang mga detalye na sumusuporta sa ikalawang talata?

P. PAGTATAYA
Gumawa ng balangkas tungkol sa iyong sarili.

I. Kapanganak:
II. Magulang:
III. Mga Kapatid:
IV. Paaralan:
V. Mga Kakayahan:

IV. TAKDANG- ARALIN :

Sagutan ang Gawain 7 pahina 298-299 .

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad ISABELO DELOS REYES
Rosalie M. Petilla ELEMENTARY SCHOOL
Daisy S. Romas
Julie Ann D. Dolamos- ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL
Lily Ann E. Atregenio- ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL

Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes
Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ika-Limang Araw sa Unang Linggo

V. LAYUNIN:
1. Nakasusunod sa panuto
2. Nakasasagot nang tahimik
II. PAKSANG- ARALIN
Lingguhang Pagtataya
Kagamitan:lapis,papel at test paper

Pagpapahalaga: Pagkamatapat

III. MGA GAWAIN


Q. INTRODUKSYON
1. Pagbasa ng panuto
2. Pagpapaalala ng pamantayan
3. Pagsagot sa pagsusulit

I.Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagkuha ng pagsusulit.

Gumamit ng mga hudyat na salita. (una, ikalawa, ikatlo, pagkatapos at


sa hulihan)
__________Basahing mabuti ang panuto.
__________Ipasa ang papel nang maayos.
__________Piliin ang titik ng tamang sagot.
__________Kumuha ng papel at lapis.
__________Suriin kung ang lahat ng bilang ay nasagutan.

II.Magbigay ng mga paraan kung paano pahalagahan ang tubig.


1.
2.
3.
4.
5.

III. Bilugan ang pang-uri sa pangungusap.


1.Nakalimutan ng tamad na bata na magsepilyo ng ngipin.
2.Ang aking asul na damit ay namantsahan.
3.Ang bahay ng aking tiyahin ay malaki at maganda.
4.Mayroon akong bagong tsinelas.
5.Si tatay ay may alagang sampung baka sa bukid.

IV. Gumawa ng balangkas tungkol sa iyong sarili.

VI. Kapanganak:
VII. Magulang:
VIII. Mga Kapatid:
IX. Paaralan:
X. Mga Kakayahan:

4. Pagwawasto ng sagot
Sagot:
I. Ikalawa
Sa hulihan
Ikatlo
Una
Pagkatapos
II. …
III. 1.tamad
2.asul
3.malaki at maganda
4.bago
5.sampu
IV. ….
5. Pagtatala ng iskor

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla ISABELO DELOS REYES
Daisy S. Romas ELEMENTARY SCHOOL
Julie Ann D. Dolamos
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL

Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Unang Araw sa Ikalawang Linggo

VI. LAYUNIN:
1.Natutukoyang mga pang-uri sa isang talata.
2.Nakikilala kung ang mga pares ng pang-uri ay magkasingkahulugan
o magkasalungat.
3. Nagagamit sa pangungusap ang mga pares ng pang-uri na
magkasingkahulugan at magkasalungat.
II. PAKSANG- ARALIN
Aralin 29:Gawaing Pang-industriya, Hanapbuhay, at Iba pa
Mga Pang-uri na Magkasalungat at magkasalungat
Sanggunian: CG#, (Yunit 4 Aralin 29) LM 3 p 304 - 30
Kagamitan: tsart, aklat, larawan ng mag anak

Pagpapahalaga: Masiglang nakikisali sa talakayan.

III. MGA GAWAIN


R. INTRODUKSYON
Pagbasa ng talata sa pahina 304

S. PAGMOMODELO
-Paano naging magkatulad ang mag-ama?
-Paano naman sila naging magkaiba?
-Ano-ano ang oagkakapareho ng anak sa ina?
-Paggawa ng tsarting
-Itala sa tsar tang mga pang-uring magkasing kahulugan at magkasalungat na
nasa talata.

Magkasingkahulugan Magkasalungat
Munti - maliit Maganda - panget

-Ano-ano ang mga pang-uri ang ginamit sa talata?


-Ano ang masasabi mo sa kahulugan ng mga pares ng pang-uri?
-Ano ang tawag mo sa salitang kasing kahulugan? Ano naman ang tawag mo
sa mga salitang may kasalungat na kahulugan?

Ang pang uri ay may kasing kahulugan at kasalungat na kahulugan. Ang


mga salitang may kaparehong kahulugan ay tinatawag na
magkasingkahulugan. Ang mga salitang mayroong kasalungat na kahulugan
ay tinatawag na magkasalungat.

T. PAGSASANAY
1.Gawain ng Buong Klase
Basahin ang sumusunod na pangungusap at tukuyin ang kahulugan ng
salitang may salungguhit Piliin mula sa kahon A ang kasing kahulugan nito at
sa kahon B naman ang kasalungat na kahulugan nito.
Pahina 300-301 ng MTB Book, Sabihin at Alamin

2.Pinatnubayang Pagsasanay
Salungguhitan ang magkapares na pang-uri sa bawat pangungusap sa ibaba
at isulat kung magkasingkahulugan o magkasalungat.
1. Ang tubig sa karagatan ay masyadong malalim samantalang ang sa
lawa ay mababaw lamang.
2. Gusto ko ang maririkit na bulaklak. Maganda silang pagmasdan.
3. May mga matitigas at matitibay na bato ang nagbabagsakan sa lupa.
4. May mga mahighirap na tao ang humihingi ng tulong sa mga
mayayaman.
5. Gusto ko ng malasa at masarap na pritong manok.

3.Malayang Pagsasanay
Itsek ang tamang kahon kung ang pares ng mga salita ay
magkasingkahulugan o magkasalungat.

Pang- uri Kasingkahulugan Magkasalungat

1.maganda-marikit

2.malaki-maliit

3.masaya-malungkot

4.matarik-mataas

5.malapad-makitid

U. PAGTATAYA
Isulat ang K kung ang pares ng pang-uri ay magkasingkahulugan at M kung
magkasalungat.
____1. mataba-malusog
____2. berde-luntian
____3. malalim-mababaw
____4. sapat-kulang
____5. maputi-maitim

IV. TAKDANG- ARALIN :

Maglista ng 5 pares ng pang-uri na magkasingkahulugan. Isulat ito sa


inyong kwaderno.

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla ISABELO DELOS REYES
Daisy S. Romas ELEMENTARY SCHOOL
Julie Ann D. Dolamos
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
ELEMENTARY SCHOOL
Clarissa Delos Santos

Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ikalawang Araw sa Ikalawang Linggo

VII. LAYUNIN:
1. Nakakagawa ng tahimik at maayos.
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng pang-uring magkasingkahulugan at
magkasalungat.
3. Naipapakita ang kagalakan sa paggawa ng gawain.

II. PAKSANG- ARALIN


Portfolio ( Pang-uring Magkasingkahulugan at Magkasalungat )
Sanggunian: CG3, TG3 at KM 3
Kagamitan: lapis,krayola,activity sheet

Pagpapahalaga: Pagiging malikhain

III. MGA GAWAIN


V. Paghahanda
W.Pagtakda ng Pamantayan
X. Pagbibigay ng Gawain

Kilalanin ang mga sumusunod na pang-uri. Isulat sa tamang lalagyan


ang tamang pares ng pang-uri.

Malalim-mababaw
Marikit-maganda
Malasa-masarap
Mahirap-mayaman
Malaki-maliit
Malawak-makitid
Luma-sinauna
Puti-itim
Mabilis-matulin
Gusto-paborito

Pang-uring
Magkasingkahulugan

Pang-uring Magkasalungat

Pang-uring Magkasalungat
D. Pagsubaybay ng guro.
E. Pagbibigay ng Puna

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla ISABELO DELOS REYES
Daisy S. Romas ELEMENTARY SCHOOL
Julie Ann D. Dolamos
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
Sinuri ni: ELEMENTARY SCHOOL

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ikatlong Araw sa Ikalawang Linggo

VIII. LAYUNIN:
1. Magbigay ng sariling reaksyon sa isang pangyayari o isyung
nabalitaan.
2. Naisusulat ang sariling reaksyon ng 3-5 hakbang sa anyo ng
talata.
3. Naipapahayag ang sariling reaksyon ng hindi nakakasakit ng
damdamin.
II.PAKSANG- ARALIN
Aralin 29:Gawaing Pang-industriya, Hanapbuhay, at Iba pa
Pagbibigay ng reaksyon
Sanggunian:MT3RC-IV-i-5.3,MT3C-IVa -i-2. 7,K M pp. 312-313,PG-pp. 264-265
Kagamitan: tsart

Pagpapahalaga: Iginagalang ang reaksiyon at opinyon ng ibang tao

III. MGA GAWAIN


Y. INTRODUKSYON
Basahina ng sitwasyon sa ibaba, pagkatapos alamin ang reaksiyon ng
bawat isa.
Ang bawat paaralan ay kailangang magtanghal ng mga gawaing
makapagpapalaganap ng katutubong sayaw at awit.

Z. PAGMOMODELO
Ano ang reaksiyon mo sa sitwasyong ito?
May tama ba o maling reaksiyon?
Sa aking palagay,
_________________________________________________________________________
_________________________.

Ang pagbibigay ng reaksiyon ay isang madamdamin at pangkaisipang


pagpapahayag ayon sa isyu o usapin. Ito ay naaayon sa iyong personal na
isipan, damdamin at karanasan.

AA. PAGSASANAY
1.Gawain ng Buong Klase
Basahin ang pangungusap. Ibigay ang inyong opinion tungkol dito.
Ang bawat paaralan ay kailangang magpatupad ng Segregation of
Waste.
Sa aking palagay,
_________________________________________________________________________
_________________________.

2.Pinatnubayang Pagsasanay
Ibigay ang iyong reaksyon tungkol sa sitwasyong ito.
Mayroong panukala na ipinagbabawal ang pagbibigay ng takdang aralin
sa araw ng Biyernes.

Sa aking palagay,
_________________________________________________________________________
_________________________.

3.Malayang Pagsasanay
Basahin ang pangungusap at isulat ang iyong reaksyon.
Ang mga mag-aaral ay hindi dapat pinahihintulutang gumamit ng
cellphone sa loob ng silid-aralan.
Sa aking palagay,
_________________________________________________________________________
_________________________.

BB. PAGTATAYA
Ibigay ang iyong reaksyon sa pahayag na ito.
Sa iyong palagay, bakit maraming bata ang mas nais maglaro ng
computer games, kaysa maglaro ng piko o patintero.

Sa aking palagay,
_________________________________________________________________________
_________________________.

IV. TAKDANG- ARALIN :

Pag-aralan ang sunod na aralin.

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla ISABELO DELOS REYES
Daisy S. Romas ELEMENTARY SCHOOL
Julie Ann D. Dolamos- ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL
Lily Ann E. Atregenio- ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL

Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ika-Apat na Araw sa Ikalawang Linggo

IX. LAYUNIN:
1.Nakikilala kung ang mga pares ng pang-uri ay magkasingkahulugan
o magkasalungat.
2. Nagagamit sa pangungusap ang mga pares ng pang-uri na
magkasingkahulugan at magkasalungat.
3.Nakapagbibigay ng mga pares ng pang-uring magkasingkahulugan
at magkasalungat.

II. PAKSANG- ARALIN


Aralin 29: Gawaing Pang- industriya, Hanapbuhay, at Iba pa Pagkilala
sa Pang-uri
Sanggunian:MT3OL-IVa-10.4, MT3VCD-Iva-b-1.4K M pp. 290-292, PG-pp. 258-
259
Kagamitan: tsart, mga bagay na nasa loob ng silid-aralan

Pagpapahalaga: Masiglang nakikilahok sa talakayan.

III. MGA GAWAIN


CC. INTRODUKSYON
Basahin ang sumusunod na pangungusap.
1.Ang tatay ko ay masigasig na manggagawa. Siya ay gumagawa kahit
lampas na sa oras ng pagggawa. Hindi siya tumitigil hanggang hindi pa tapos
ang lahat ng gawain.
2.Ang lahat ay kabahagi sa pag tulong sa mga biktima ng lindol sa Bohol.

DD. PAGMOMODELO
Gumamit ng tsarting.
Talakayin ang salitang may salungguhit sa itaas.

Pang-uri kasingkahulugan Kasalungat na kahulugan


masigasig masunurin tamad
kabahagi kasali Di-kasali
Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa pangngalan o
panghalip.Tumutukoy ito sa bilang,sukat,kulay,laki at uri ng pangngalan na
inilalarawan.
EE. PAGSASANAY
1.Gawain ng Buong Klase
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pang-uring mag kasalungat at
magkasing kahulugan. Sa pat nubay ng guro.
1.Maliit-malaki
2. masarap-malasa
3. Masaya-malungkot
4. malaki-mlawak
5. puti-itim

2.Pinatnubayang Pagsasanay
Isulat ang S kung ang pang-uri ay may magkasingkahulugan at K kung ang
pang-ri ay magkasalungat.
1. Ang paboritong kulay ni Violeta ay puti at itim naman ang paborito ni
Lorna.
2. Kinagat ng malulupit na langgam ang binti ng higante. Hindi sila natakot
sa higante.
3. Ang maliliit na ibon ay humuhuni gamit ang kanilang malamyos at maliit
na tinig.
4. Ang lumang gusali ay may mga sinaunang larawan ng mga sundalo.
5. Ang damit ni Ana ay masyadong malaki sa kanyang maliit na katawan.

3.Malayang Pagsasanay
Ibigay ang kasingkahulugan o kasalungat ng mga sumusunod na pang-uri.
1.lanta-__________(kasalungat)
2.malayo-___________(kasalungat)
3.mahalimuyak-___________(kasingkahulugan)
4.malasa-___________(kasingkahulugan)
5.masama-__________(kasalungat)
FF. PAGTATAYA
Iguhit ang araw kung ang pares ng pang-uri ay magkasingkahulugan at bituin
kung magkasalungat.
_______1.makinis-magaspang
_______2.matalas-mapurol
_______3.matalino-mahusay
_______4.mayaman-marangya
_______5.mahirap-dukha

IV. TAKDANG- ARALIN :

Gamitin ang mga sumusunod na pares ng pang-uri sa pangungusap.


1.mabagal-mabilis
2.mahal-mura
3.masaya-maligaya

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao- ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL


Debbie Jean D. Villanueva- ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY
SCHOOL
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla
Daisy S. Romas ISABELO DELOS REYES
Julie Ann D. Dolamos ELEMENTARY SCHOOL
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL

Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ikalimang Araw sa Ikalawang Linggo

X. LAYUNIN:
1. Nakasusunod sa panuto
2. Nakasasagot nang tahimik

II. PAKSANG- ARALIN


Lingguhang Pagtataya
Kagamitan:lapis,papel at test paper

Pagpapahalaga: Pagkamatapat

III. MGA GAWAIN


GG. INTRODUKSYON
6. Pagbasa ng panuto
7. Pagpapaalala ng pamantayan
8. Pagsagot sa pagsusulit
I. Isulat ang K kung ang pares ng pang-uri ay magkasingkahulugan at
M kung magkasalungat.
____1. mataba-malusog ____4. sapat-kulang
____2. berde-luntian ____5. maputi-maitim
____3. malalim-mababaw
II. Basahin ang pangungusap at isulat ang iyong reaksyon.(5 puntos)

Ang mga mag-aaral ay hindi dapat pinahihintulutang gumamit ng


cellphone sa loob ng silid-aralan.

Sa aking palagay,
_________________________________________________________________________
_________________________.
III. Iguhit ang araw kung ang pares ng pang-uri ay magkasingkahulugan
at bituin kung magkasalungat.

_______1.makinis-magaspang
_______2.matalas-mapurol
_______3.matalino-mahusay
_______4.mayaman-marangya
_______5.mahirap-dukha

9. Pagwawasto ng sagot
Sagot:
I. 1.K 2.K 3.M 4.M 5.M
XI. …….
XII. 1.

2.

3.

4.

5.

10. Pagtatala ng iskor

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla ISABELO DELOS REYES
Daisy S. Romas ELEMENTARY SCHOOL
Julie Ann D. Dolamos
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
ELEMENTARY SCHOOL
Clarissa Delos Santos

Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Unang Araw sa Ikatlong Linggo

XIII. LAYUNIN:
1.Nababasa ang angkop sa baitang na teksto na may akmang bilis.
2.Naipahahayag ang interes sa pamamagitan ng nilimbag na mga
kagamitan.
3.Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari batay sa binasang
kwento.

II. PAKSANG- ARALIN


Aralin 30 Lakas ng Enerhiya
Si Making Maaaksaya
Sanggunian: KM 3 dd.311-312, CG 3

Kagamitan: tsart, aklat

Pagpapahalaga:Magtipid sa tubig.

III. MGA GAWAIN


HH. INTRODUKSYON
Basahin ang kwento sa pahina 311 ng aklat sa MTB.
II. PAGMOMODELO
Pag-unawa sa Binasa
1.Ano ang ginawa ni Maki?
2.Bakit niya hinayaang tuloy-tuloy na umagos ang tubig?
3.Ano ang nangyari kay Maki?
4.Saan siya nagpunta upang humingi ng tubig?
5.Sino ang gumising sa kanya?
6.Bakit siya masaya nang sabihin ng kaniyang ina na ang tubig ay patuloy na
umaagos?
7.Maaari kayang tuluyang tumigil ang agos ng tubig?

8.Bakit natin kailangang magtipid ng tubig?

JJ. PAGSASANAY
1.Gawain ng Buong Klase
(Magpakita ng video clip tungkol sa pinagkukunan ng malinis na tubig)
Magbigay ng opinyon tungkol sa video clip na pinanood.
2.Pinatnubayang Pagsasanay
Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa tubig, ekis ( X ) kung hindi.
a. Gumagamit ng baso sa pagsesepilyo ng ngipin para makatipid ng tubig.

b. Hinahayaang nakabukas ang gripo kahit hindi ginagamit.


c. Inaayos ang tumagas na tubo para hindi masayang ang tubig.
d. Tinatapunan ng mga basura ang mga ilog at dagat.
e. Gumagamit ng balde at tabo imbes na shower sa paliligo.

3.Malayang Pagsasanay
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwento. Lagyan ng bilang 1-5.
___1.Nakatulog si Maki.
___2.Binuksan ni Maki ang gripo at hinayaang umagos ang tubig upang
makita kung ito ay hihinto.
___3.Masaya siya at mayroon nang tubig.
___4.Ginising siya ng kaniyang ina.
___5.Nanghingi siya ng tubig ngunit walang maibigay na tubig sa kanya.

KK. PAGTATAYA
Ayusin ang mga hakbang sa paggawa ng Maskarang Yari sa Supot na Papel.
Gamit ang bilang 1- 6. (Maaaring tingnan ang wastong hakbang sa pahina 313
sa aklat ng MTB 3)
_____Ipatong ang supot na papel sa ulo.
_____Iguhit ang iba pang bahagi ng mascara.
_____Gupitin ang butas para sa mata at bibig at lagyan ng dekorasyon ang
maskara.
_____Tukuyin ang gitna ng dalawang mata at markahan sa supot na papel.
_____Alisin ang supot na papel sa ulo.
_____Tukuyin ang gitna ng bibig at lagyan ng guhit.

IV. TAKDANG- ARALIN :


Maglista ng mga paraan upang makatipid sa tubig.

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla ISABELO DELOS REYES
Daisy S. Romas ELEMENTARY SCHOOL
Julie Ann D. Dolamos
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL

Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ikalawang Araw sa Ikatlong Linggo

XIV. LAYUNIN:
1. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang talata.
2. Naipapahayag ang sariling saloobin sa nabasang talata.
3. Nakasusulat ng 3-5 hakbang sa anyo ng talata.

II. PAKSANG- ARALIN


Aralin 30 Lakas ng Enerhiya
Si Making Maaaksaya
Sanggunian: KM 3 dd.311-312, CG 3

Kagamitan: tsart, aklat

Pagpapahalaga: Magtipid sa tubig.

III. MGA GAWAIN


LL. INTRODUKSYON
Balikan ang kwentong sa pahina 311 ng aklat sa MTB.

MM. PAGMOMODELO
Pag-unawa sa Binasa
1.Ano ang ginawa ni Maki?
2.Bakit niya hinayaang tuloy-tuloy na umagos ang tubig?
3.Saan siya nagpunta upang humingi ng tubig?
4.Bakit siya masaya nang sabihin ng kaniyang ina na ang tubig ay patuloy na
umaagos?

5.Sa paanong paraan tayo makakatipid sa paggamit ng tubig?

NN. PAGSASANAY
1.Gawain ng Buong Klase
Sumulat ng 1- 3 pangungusap na nagsasad ng inyong opinyon sa isyung ito sa
paraang patalata.

Ang mga Pilipino ay walang disiplina sa pagtapon ng mga basura.

Sa aking palagay, ___________________________________.

2.Pinatnubayang Pagsasanay
Sumulat ng talata gamit ang ilang pangyayari sa kuwento.
Gumamit ng mga panandang salita tulad ng una, pangalawa, ikatlo,
pagkatapos at sa huli.
___Nakatulog si Maki.
___ Ginising siya ng kaniyang ina.
___ Binuksan ni Maki ang gripo at hinayaang umagos ang tubig upang makita
kung ito ay hihinto.
___ Nanghingi siya ng tubig ngunit walang maibigay na tubig sa kanya.
___Masaya siya at mayroon nang tubig.

3.Malayang Pagsasanay

Buuin ang hakbang sa anyo ng talata. Gumamit ng tamang bantas.


Maskarang Yari sa Supot na Papel
1.Ipatong ang supot na papel sa ulo.
2.Tukuyin ang gitna ng dalawang mata at markahan sa supot na papel.
3.Tukuyin ang gitna ng bibig at lagyan ng
guhit.
4.Alisin ang supot na papel sa ulo.
5.Iguhit ang iba pang bahagi ng mascara.
6.Gupitin ang butas para sa mata at bibig.
7.Lagyan ng dekorasyon ang mascara.

OO. PAGTATAYA
Gamitin ang mga pangungusap upang makabuo ng talata. Gumamit ng mga
hudyat na pananalita upang malaman ang tamang pagkakasunod-sunod.
__________Hugasang mabuti ang hilaw na manga.
__________Balatan ito gamit ang matalas na kutsilyo.
__________Ilubog ang nabalatang manga sa tubig na may asin.

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno

ISABELO DELOS REYES


ELEMENTARY SCHOOL
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla
Daisy S. Romas
Julie Ann D. Dolamos
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL

Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ikatlong Araw sa Ikatlong Linggo

XV. LAYUNIN:
1. Nakilala ang tatlong kaantasan ng kasidhian ng pang-uri.
2. Natutukoy ang angkop na kaantasan ng pang-uring ginamit.
3. Nagagamit ang tatlong kaantasan ng pang-uri sa pangungusap.

II. PAKSANG- ARALIN


Paksa: Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uri
Sanggunian: CG3 (Yunit 4, Aralin30), TG 3, LM 3dd.315-317
Kagamitan: aklat, tsart, mga larawan
Pagpapahalaga:Pakikiisa sa talakayan o gawain.

III. MGA GAWAIN


PP. INTRODUKSYON
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.
1.Si Guillermo Tolentino ay isang tanyag na eskultor.
2.Simple lamang ang kaniyang mga disenyo.
3.Nagsimula na siyang gumawa ng mas simpleng disenyo kaysa sa dati
niyang mga gawa.
4.Nakuha niya ang pinakamataas na pagkilala bilang isang alagad ng sining.

QQ. PAGMOMODELO
*Ano ang tawag natin sa mga salitang may salungguhit?
*Magkakatulad ba sila ng antas ng damdamin na ipinahihiwatig?
May tatlong kaantasan ng kasidhian ng pang-uri:lantay,pahambing at
pasukdol.
Lantay - ibinibigay ang karaniwang katangian ng pangngalan o panghalip na
walang paghahambing.
Pahambing - ibinibigay ang katamtamng antas ng katangian o nagsasaad
nang may paghahambing sa pangngalan o panghalip. Gumagamit ng medyo,
nang bahagya, nang kaunti, higit, mas, di-tulad, di-gaano.
Pasukdol - Ibinibigay ang pinakmasidhing katangian ng pangngalan o
panghalip. Ito ay naipapahayg sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita,
paggamit ng panlaping napaka, pinaka,ubod ng, lubha, totoo, talaga at tunay.

RR. PAGSASANAY
1.Gawain ng Buong Klase
(Magpatayo ng tatlong bata sa harapan at paghambingin ang kanilang mga
katangian:
a.taas
b.kulay ng balat
c.haba ng buhok

2.Pinatnubayang Pagsasanay
Laro: Pass the Ball
Ipapasa ang bola sa katabi habang may saliw ng musika. Kapag ito ay
huminto, bubunot ang mag-aaral sa loob ng kahon ng salita at tutukuyin kung
anong kaantasan ng pang-uri.

3.Malayang Pagsasanay

Kumpletuhin ang tsart.

Lantay Pahambing Pasukdol


1.maganda
2. mas malaki
3. pinakamataas
4.malinis
5. Higit na malusog

SS. PAGTATAYA
Isulat sa patlang kung Lantay, Pahambing, o Pasukdol ang antas ng pang-
uri na ginamit sa pangungusap
______1.Ang rosas ang pinakapaboritong bulaklak ni nanay.
______2.Gusto kong magbasa ng nakalilibang na aklat.
______3.Sa plasa makikita ang napakagandang tanawin ng kapaligiran.
______4.Mas malaki ang bag ni Bea kaysa kay Kendra.
______5.May mahabang ahas sa kulungan.

IV. TAKDANG ARALIN

Magbigay ng salitang pang-uri sa bawat antas.

LANTAY PAHAMBING PASUKDOL


Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao- ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY SCHOOL


Debbie Jean D. Villanueva- ISABELO DELOS REYES ELEMENTARY
SCHOOL
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla
Daisy S. Romas ISABELO DELOS REYES
Julie Ann D. Dolamos ELEMENTARY SCHOOL
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL

Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ika-Apat na Araw sa Ikatlong Linggo

XVI. LAYUNIN:
1. Nakikilala ang panlapi at salitang ugat na ginamit sa pagbuo ng
mga salita.
2. Nailalagay ang angkop na panlapi sa bawat salita.

II.PAKSANG- ARALIN
Gamit ng panlapi/ mga uri ng panlapi
Kagamitan:tsart, word strip
Sanggunian: TG33, CG3, LM3 Ikaapat na kwarter, ikatlong Linggo

Pagpapahalaga: Pakikisali sa talakayan

III. MGA GAWAIN


TT. INTRODUKSYON
Basahin ang mga salita sa loob ng kahon

Sabihin gumawa katapatan


Ulitin tumawa hiniram
Mahusay kumain tumanggap
Talaan magbantay magsayawan
Lumakad bumangon maglinis

UU. PAGMOMODELO
-Ano ang iyong napansin sa kayarian ng mga salita?

Gumawa ng tsarting
Salitang Salitang Ugat Panlapi Uri ng Panlapi
Maylapi

pasyalan pasyal an hulapi

mag-aral aral mag unlapi

tumawa tawa um gitlapi

nanood nood na unlapi

ginising gising in gitlapi

kaibigan ibig ka, an kabilaan

binasa basa in gitlapi

1.Ano-ano ang mga panlaping ginamit sa bawat salita?


2.Saan makikita ang mga panlaping ginamit sa bawat salita?

 Ang panlapi ay isang kataga na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang


makabuo ng bagong salita.
 May ibat’ibang uri ng mga panlapi:
 Unlapi – ang panlapi ay makikita o nakalagay sa unahan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
Mag/ma Mag-aral mahusay
Nag/na Nagsimula natapos
 Gitlapi ang panlapi ay makikita o nakalagay sa loob ng salita.
Halimbawa:
Um/ in sumayaw ginawa
 Hulapi ang panlapi ay makikita o nakalagay sa hulihan ng salita.
Halimbawa:
an/ han/in sabihan tandaan isipin
 Kabilaan -kapag ang isang pares ng panlapi ay makikita o nakalagay sa
unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita.
Halimbawa:
mag, an, pa, in ka, an ka, han
mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan

VV. PAGSASANAY
1. Gawain ng Buong klase ( Dugtungan Mo )
Magpaskil ng strips ng mga salitang ugat at panlapi sa pisara.
Magtawag ng magkapares na mag-aaral upang sumagot at basahin ang
nabuong bagong salita sa harap ng klase.

1.Pinatnubayang Pagsasanay
Dagdagan ng panlapi ang salitang ugat upang mabuo ang mga pangungusap
1.Suklay___ mo nang mabuti ang iyong buhok.
2.Tulungan mo akong ___ dilig ng halaman.
3.Sabay sabay nating awit___ ang himno ng ating paaralan.
4.Matiyaga kong ___nagot ang lahat ng tanong sa pagsusulit
5.Maaari mo akong ___sama sa palengke?
2.Malayang Pagsasanay
Bilugan ang mga panlapi sa mga salita. Isulat sa patlang ang U kung Unlapi, G
kung Gitlapi, Hkung Hulapi at K kung Kabilaan.
_______1.sumayaw
_______2.naglaba
_______3.tumakbo
_______ 4.kasiglahan
_______ 5.isipin

WW. PAGTATAYA
Ikahon ang salitang ugat at Bilugan naman ang panlaping ginamit.
a. Mahusay
b. Lumakad
c. Katapatan
d. Hiniram

IV. TAKDANG ARALIN

Lagyan ng angkop na panlapi ang mga salita.


1.Luto 4. ibig
2.Kain 5. Lakad
3.awit

Inihanda nina:

Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla ISABELO DELOS REYES
Daisy S. Romas ELEMENTARY SCHOOL
Julie Ann D. Dolamos
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL
Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes

Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralang Lungsod
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

Banghay – Aralin sa MTB 3


Ika-Apat na Markahan
Ika-Limang Araw sa Ikatlong Linggo

I.LAYUNIN:
1. Nakasusunod sa panuto
2. Nakasasagot nang tahimik

II. PAKSANG- ARALIN


Lingguhang Pagtataya
Kagamitan:lapis,papel at test paper

Pagpapahalaga: Pagkamatapat

III. MGA GAWAIN


XX. INTRODUKSYON
11. Pagbasa ng panuto
12. Pagpapaalala ng pamantayan
13. Pagsagot sa pagsusulit
I. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwentong Si Making Maaksaya.
Lagyan ng bilang 1-5.
___a.Nakatulog si Maki.
___b.Binuksan ni Maki ang gripo at hinayaang umagos ang tubig upang
makita
kung ito ay hihinto.
___c.Masaya siya at mayroon nang tubig.
___d.Ginising siya ng kaniyang ina.
___e.Nanghingi siya ng tubig ngunit walang maibigay na tubig sa kanya.

II. Isulat sa patlang kung Lantay, Pahambing, o Pasukdolang antas ng


pang-uri
na ginamit sa pangungusap
______1.Ang rosas ang pinakapaboritong bulaklak ni nanay.
______2.Gusto kong magbasa ng nakalilibang na aklat.
______3.Sa plasa makikita ang napakagandang tanawin ng kapaligiran.
______4.Mas malaki ang bag ni Bea kaysa kay Kendra.
______5.May mahabang ahas sa kulungan.

III. Kumpletuhin ang tsart.

Lantay Pahambing Pasukdol


payat 1. napakapayat
2. mas malaki pinakamalaki
mataas 3. pinakamataas
malinis 4. napakalinis
malusog Higit na malusog 5.

IV. Salungguhitan ang panlapi at ikahon ang salitang ugat.


1.nakita
2.naglaba
3.sabihin
4.kagandahan
5.umakyat

14. Pagwawasto ng sagot


Sagot:
IV. a. 2 b. 1 c. 5 d. 4 e. 3
V. 1.Pasukdol 2.Lantay 3.Pasukdol 4.Pahambing 5.Lantay
III. 1. mas payat 4. mas malinis
2. malaki 5. napakalusog
3. mas mataas

15. Pagtatala ng iskor

Inihanda nina:
Ruthchel A. Bithao
Debbie Jean D. Villanueva
Rachel B. Daguno
Rosalie R. Atad
Rosalie M. Petilla ISABELO DELOS REYES
Daisy S. Romas ELEMENTARY SCHOOL
Julie Ann D. Dolamos
Lily Ann E. Atregenio
Joyreen C. Sia
Joselyn G. Dela Cruz
EMILIO JACINTO
Clarissa Delos Santos
ELEMENTARY SCHOOL

Sinuri ni:

Myrna A. Pugay

Binigyang Pansin:

Nenita B. Obuyes
Pinagtibay ni:

Dr. Edwin R. Mabilin


EPS-Filipino/MTB

You might also like