You are on page 1of 41

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park Antonio J.
Villegas St. Ermita, Manila

AGHAM 3
Quarter 2 Week 4 Module Aralin 16-19
4

Mga Halaman sa ating Kapaligiran, Linangin


at Pahalagahan

1
Aralin
Mga Halaman sa Kapaligiran
at ang mga Bahagi Nito
16 (Unang Araw)

Inaasahan
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakikilala ang iba’t-ibang bahagi ng halaman


2. Natutukoy ang iba’t-ibang tungkulin ng mga bahagi ng halaman

Unang Pagsubok
(MALALIM NA PAG-IISIP)

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


A. B. C. D. E.

dahon bulaklak sanga ugat bunga

1. Bahagi ng halaman na sumisipsip ng tubig at mineral sa ilalim ng


lupa.
2. Bahagi ng halaman na pinagmumulan ng bunga at buto
na nagiging panibagong mga halaman.
3. Ito ang gumagawa ng pagkain para sa halaman gamit ang pinagsama-
samang init mula sa araw, tubig at Carbon Dioxide. Anong bahagi ng
halaman ito?
4. Nagsisilbing katawan ng halaman na nagdudugtong sa ugat patungo sa
iba’t-ibang bahagi nito tulad ng dahon, bulaklak at bunga.
5. Produkto ng halaman na may binhi o buto sa loob na maaaring itanim
muli upang maging isang panibagong halaman.
II.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na halaman ang gumagapang?
A. sampalok B. ampalaya C. rosas
2. Tawag sa halaman na may makapal ngunit hindi matigas na sanga?
A. herb B. vine C. shrub
3. Alin sa mga sumusunod na halaman ang halimbawa ng herbs?
A. luyang dilaw B. patola C. kalabasa
4. Ang mga sumusunod na halaman ay may taproot na ugat maliban sa
isa. Anong halaman ito?
A. labanos B. carrots C. sibuyas
5. Anong uri ng ugat (roots) mayroon ang halamang damo at mais?
A. fibrous roots B. adventitious roots C. taproot
III. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi.
1. Lahat ng dahon ay may magkakaparehong hugis.
2. Ang tekstura ng mga dahon ay maaaring makinis o
magaspang.
3. Ang mangga, niyog at papel ay mga bagay na galing sa mga
bahagi ng halaman.
4. Makabubuting ilagay ang halaman kung saan may sapat na
sikat ng araw.
5. Hayaan ang mga damo sa paligid ng halaman upang ito ay mas
lumago.

Balik Tanaw
Panuto: Punan ng tamang sagot ang talaan sa ibaba.
Hayop Bahagi ng katawan na ginagamit
upang makagalaw
ibon

isda
aso
ahas
kambing
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
(PAGBUO NG KATAUHAN, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Mga bata, alam nyo ba ang awiting BAHAY KUBO? Ano-


anong mga gulay ang nabanggit sa awiting ito?
Magaling! Mayroong singkamas, talong, igarilsyas, mani, sitaw, bataw, patani,
kundol, patola, upo, kalabasa, labanos, mustasa, sibuyas, kamatis, bawang, luya at
linga.
Alam nyo ba na nagmula ang mga gulay na ito sa halaman. Mga halamang
matatagpuan sa ating kapaligiran. Alam nyo rin ba na katulad nating mga tao,
may iba’t-ibang bahagi rin ang halaman. Halina at ating alamin ang
iba’t-ibang bahagi ng halaman at ang tungkulin ng mga ito.
UGAT- Bahagi ng halaman na sumisipsip ng tubig
at mineral sa ilalim ng lupa.

SANGA- Ito ang bahagi ng halaman na


nagdudugtong sa ugat patungo sa iba’t-
ibang bahagi nito tulad ng dahon, bulaklak at
bunga. Ito din ang nagdadala ng tubig at mineral
mula sa ugat patungo sa iba pang bahagi ng
halaman.

DAHON- Ang dahon ang bahagi ng halaman na


mayroong berdeng pigment na tinatawag na
Chlorophyll.
Ang dahon ang bahagi ng halaman na gumagawa ng
pagkain para sa buong halaman sa pamamagitan ng
prosesong tinatawag na Photosynthesis o pinag-sama-
samang init mula sa sikat ng araw, tubig at hangin na
inilalabas ng tao o Carbon Dioxide.
BULAKLAK- Bahagi ng halaman na
pinagmumulan ng bunga at buto na
nagiging mga panibagong halaman. Ito rin ang
pinaka-makulay na bahagi ng halaman kaya
naaakit ang iba’t-ibang uri ng mga hayop at
insekto.

BUNGA- Produkto ng halaman na may binhi o buto


sa loob upang itanim muli at maging isang ganap na
bagong halaman.
Ito rin ang parte ng halaman na nagsisilbing pagkain
ng mga hayop at tao.

Gawain 16.1 Draw My Parts!


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Naiguguhit ang iba’t-ibang bahagi ng halaman

Materyal: lapis at krayola

Pamamaraan:
1. Iguhit ang bahagi ng halaman na hinihingi sa bawat bilang.
2. Kulayan nang maayos at maganda ang mga
larawan.
Tandaan

 May iba’t- ibang halaman na makikita sa ating kapaligiran.


Ang mga halamang ito ay may iba’t- ibang bahagi. Ang
mga bahagi na ito ay ang ugat, sanga,
dahon, bulaklak at bunga. Bawat bahagi na ito ay may iba’t- ibang
tungkuling ginagampanan.

Pag-alam sa natutuhan
(MALALIM NA PAG-IISIP, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Panuto: Tukuyin ang tungkulin ng bawat bahagi ng halaman.

Nakaka-akit sa mga insekto


dahil sa taglay na kulay at Bahagi ng halaman na Nagdadala ng tubig at mineral na
amoy nito. gumagawa ng pagkain. mula sa ugat patungo sa iba pang
bahagi ng halaman.
Bahagi ng halaman na nasa Pumuprotekta sa binhi at
ilalim ng lupa. Sumisipsip ng nagsisilbing pagkain sa mga
tubig at mineral. tao at hayop.

Aralin
Magkatulad at Magkaibang
bahagi ng Halaman
17 (Ikalawang Araw)

Inaasahan
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nailalarawan ang iba’t-ibang uri ng ugat at sanga

2. Naihahambing ang ugat at sanga ng iba’t-ibang


halaman

Balik Tanaw
Panuto: Isulat ang bahagi ng halaman na makikita sa sumusunod na
bilang.
1.
2.

3.
4.

5.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


(PAGBUO NG KATAUHAN, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Anong bahagi ng halaman ang makikita nyo sa larawan na


matatagpuan sa ilalim ng lupa na sumisipsip ng tubig at
mineral na kailangan ng halaman?
Magaling! Ito ay tinatawag na ugat. Ang ugat ay isa sa pinakamahalagang bahagi
ng halaman. Maaring magkatulad o magkaiba ang hugis at tekstura ng ugat ng mga
halaman.

Masdan ang dalawang larawan.

Sa unang larawan, makikita na ang ugat ay malaki, mahaba at matigas. Ang tawag
sa uri ng ugat na ito ay TAP ROOT. Ito ay may pangunahing ugat na nanunuot sa
pinakailalim ng lupa at gumagawa din ng maliliit na sanga ng ugat sa paglipas ng
panahon.
Mga halimbawa ng tap root

CARROTS LABANOS SINGKAMAS


Ano naman ang napansin ninyo sa pangalawang larawan? Mahusay! Ang ugat sa
pangalawang larawan ay binubuo ng maliliit, pantay-pantay at
makinis na ugat. Karaniwang pulumpon at
madami ang ganitong uri ng ugat. Ito ay tinatawag na FIBROUS ROOT. Hindi
katulad ng tap root, ang fibrous root ay nakatanim lamang sa mababaw na bahagi
ng lupa.

Mga halimbawa ng Fibrous roots

DAMO MAIS KAWAYAN PUNO NG NIYOG

Ngayong alam nyo na mga bata ang mga uri ng ugat mayroon ang mga halaman,
tumungo naman tayo ngayon sa ikalawang bahagi nito na nagsisilbing katawang ng
mga halaman, ang SANGA.

May apat na uri ng sanga. Mayroon tayong tinatawag na TREE, SHRUB,


HERB AT VINE. Halina at kilalanin natin ang bawat isa!
 Ang tree o puno ay isang uri ng halaman na may
mataas, matigas at makapal na sanga. Ito ang
sumusuporta sa buong halaman upang ito ay makatayo nang
diretso at maayos. Tinatawag na trunk ang sanga ng puno.
Ang mga halimbawa ng tree o puno ay puno ng mangga,
puno ng niyog at puno ng saging.

 Ang Shrub ay uri ng halaman na mas mataas kaysa


sa herbs. Ang mga sanga o tangkay nito ay
hindi matigas ngunit ito ay makapal. Maaring
makilala ang mga shrubs na halaman mula sa kanilang
maraming sanga at katamtamang taas. Ang mga
halimbawa nito ay halamang rose,
lemon at gumamela.

 Ang herbs ay mga halaman na mayroong


berde at malambot na tangkay at may
kaunting mga sanga. Ang mga herbs ay nagsisilbi
isang gamot na nakatutulong sa paggaan ng pakiramdam.
Ang mga herbs din ay may mabangong katangian na
ginagamit din bilang pampalasa ng pagkain. Ang mga
halimbawa
ng herbs ay luyang dilaw, malunggay, lagundi,
tanglad, saluyot at oregano.
OREGANO
 Ang vines ay mga halaman na kung saan
ang mga sanga ay hindi kayang makatayo sa
sarili kaya ang mga ito ay gumagapang.
Tinatawag na creepers ang mga halaman na
ang sanga ay gumagapang sa ibaba o sa lapag. Ang
halimbawa nito ay ang halaman ng Kalabasa. Tinatawag
namang climbers ang mga halaman ay gumagapang sa
mga katabing puno at iba pang matataas na bagay tulad
ng pader.

Gawain 17.1 Complete me!


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Naiguguhit ang uri ng ugat (root) ng bawat halaman.

Materyal: lapis at krayola

Pamamaraan:

1. Ihanda ang mga kagamitan.


2. Iguhit ang uri ng ugat (root) mayroon ang mga sumusunod na
halaman.
3. Kulayan nang maganda ang iyong gawa.

Singkamas sibuyas
damo kamote

Tanong:
1. Bakit mahalaga ang ugat (root) ng mga halaman?

Gawain 17.2 HERBS, SHRUBS, TREES AND VINES


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Natutukoy ang uri ng sanga na inilalarawan sa bawat


bilang
Materyal: lapis

Pamamaraan:

1. Ihanda ang kagamitang gagamitin.


2. Tukuyin ang uri ng sanga na inilalarawan sa pamamagitan ng
paglalagay ng bilang sa loob ng kahon.
Bilang 1- kung ito ay HERB
Bilang 2- kung ito ay SHRUB
Bilang 3- kung ito ay TREE
Bilang 4- kung ito ay VINE
1. Halaman na mayroong berde at malambot na sanga.
2. Rose ang halimbawa ng halamang ito.
3. Halamang may matigas, mataas at makapal na sanga.
4. Gumagapang sa lapag o sa pader ang uri ng halaman na ito.
5. Lagundi, na isang mabisang gamot sa ubo ang uri ng halaman na
ito.

Tandaan

 Ang ugat ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng halaman. Maaaring


magkatulad o magkaiba ang ugat ng halaman sa kanilang hugis at tekstura.
 Tap root ang tawag sa Malaki, mahaba at matigas na ugat ng mga halaman.
Ito ay nanunuot sa pinakailalim ng lupa at gumagawa rin ng sanga.
 Fibrous roots naman ang tawag sa maliliit at makikinis na ugat na
kadalasan lamang makikita sa mababaw na bahagi ng lupa.
 Ang sanga ay isa rin sa mga bahagi ng halaman. May pagkakatulad at
pagkakaiba rin ang mga sanga depende sa uri ng halaman. Maaring ang
halaman ay herbs, shrubs, trees o vines.
Pag-alam sa natutuhan
(MALALIM NA PAG-IISIP, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Panuto: Bilugan ang halaman na may naiibang uri ng ugat.


1. damo palay mangga
2. carrot gumamela rosal
3. labanos ube narra
4. niyog talong kamatis
5. avocado singkamas saging

Aralin
Magkatulad at Magkaibang
bahagi ng Halaman
17 (ikatlong araw)
Inaasahan
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nailalarawan ang iba’t-ibang uri dahon at bulaklak


1. Naihahambing ang dahon at bulaklak ng iba’t-ibang
halaman

Balik Tanaw
Panuto: Bilugan ang halaman na may naiibang uri ng
ugat.
1. damo palay mangga
2. carrot gumamela rosal
3. labanos ube narra
4. niyog talong kamatis
5. avocado singkamas saging

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


(PAGBUO NG KATAUHAN, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Masdan ang mga dahon ng mga halaman, magkakatulad ba ang mga ito o
magkakaiba?

May mga dahon ng halaman na magkakatulad at mayroon namang magkakaiba.


Maaring magkatulad o magkaiba ang mga dahon base sa mga sumusunod:
1. HUGIS - Maaring ang hugis ay patulis, pahaba, hugis kamay, hugis
puso, biluhaba at pabilog.
2. LAKI - May mga dahon na malaki, katamtaman at maliit.
3. TEKSTURA- Ang mga dahon ay maaaring makinis o magaspang.
4. KULAY - May mga dahon na kulay berde at mayroon naman tinatawag
na non-green leaves.
5. GILID (edges) – May makinis ang gilid (smooth), patulis (toothed)
at mayroong hugis tainga (lobe)
Tumungo naman tayo sa pinakamaganda at pinakamakulay na bahagi ng halaman,
ang bulaklak.

- Mula sa pagiging bud, ito ay


mamumukadkad at magiging isang
ganap na bulaklak.
- Tinatawag nating petals ang
makulay na bahagi ng bulaklak at
sepals naman ang maliliit na kulay
berdeng halaman na nakakabit sa
petals.
bud bulaklak

May iba’t- ibang laki, kulay, hugis, bilang ng petals at amoy ang bawat bulaklak.
Dahil sa ganda at bango ng bulaklak, ito ay nakaka- attract ng mga insekto tulad ng
mga bubuyog at paru-paro. Ngunit, may mga bulaklak na walang amoy tulad ng
sunflower. Mayroon ding mga bulaklak na tumutubo lamang ng isahan tulad ng
gumamela at rose at mayroon namang tumutubo ng maramihan o pulumpong tulad
ng santan.

Gawain 17.3 OBSERVE AND COMPARE!


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Nahahambing ang iba’t-ibang uri ng dahon.


Materyal: lapis

Pamamaraan:
1. Ihambing ang iba’t-ibang uri ng dahon ng mga
sumusunod na halaman ayon sa kanilang laki, hugis, kulay,
tekstura at edges (gilid). Isulat ito sa anyo ng pangungusap.

1.

puno ng niyog puno ng saging

Ampalaya Mangga
Tandaan

 May mga dahon ng halaman na magkakatulad at mayroon namang


magkakaiba. Maaring magkatulad o magkaiba ang mga dahon base sa hugis,
kulay, laki, tekstura at edges o gilid nito.
 Ang mga bulaklak naman ng mga halaman ay maaaring magkatulad o
magkaiba sa kulay, amoy, laki, hugis, bilang ng petals nito at sa paraan ng
pagtubo.

Pag-alam sa natutuhan
(MALALIM NA PAG-IISIP, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Panuto: Tukuyin kung anong hugis ng sumusunod na dahon. 1. 2.

3.

4.

5.
Aralin
Gamit o Pakinabang ng
Halaman
18
(Ika-apat na Araw)
Inaasahan
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Natutukoy ang iba’t-ibang gamit o pakinabang ng halaman
2. Naipakikita ang pagpapahalaga sa mga halaman

Balik Tanaw
Panuto: Isulat ang bahagi ng katawan ng halaman na hinihingi ng
bawat pahayag.
1.Bahagi ito ng halaman kung saan dito ginagawa ang pagkain
para sa buong halaman.
2.Ito ang bahaging sumisipsip ng tubig at mga mineral sa lupa
para sa halaman.
3.Ito ang bahaging pinagmumulan ng panibagong halaman.
4.Ito ang bahagi na humahawak sa lahat ng iba pang bahagi ng
halaman.
5.Bahagi ito ng halaman na maaaring kainin.
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
(PAGBUO NG KATAUHAN, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Napakahalaga ng halaman sa mga tao, hayop at


maging sa kalikasan. Isa sa mga ibinibigay nito
ay ang Oxygen. Ang Oxygen ay isang uri ng
hangin na kailangan ng tao upang mabuhay.
Pero alam nyo ba na hindi lamang Oxygen ang
ibinibigay sa atin ng halaman?
Halina at ating alamin kung ano-ano pa ang mga
naibibigay o pakinabang na ating nakukuha sa
mga halaman.

 Ang mga halaman ay nakapagbibigay


ng pagkain para sa ating mga tao at maging
sa mga hayop. Mais, mula sa buto, mansanas
mula sa bunga, carrots mula sa ugat, repolyo
mula sa dahon, cauliflower mula sa bulaklak at
marami pang iba.

 Ang mga halaman ay nakapagbibigay


din ng gamot gaya ng Oregano na gamot sa
ubo at mga sugat, Ampalaya para sa diabetes,
Lagundi para sa ubo, Bawang para sa may
altapresyon, dahon ng malunggay na gamot sa
sugat, at marami pang iba.
 Materyales sa paggawa ng bahay at mga
kasangkapan na nakukuha sa kahoy o sanga ng
puno tulad ng puno ng
Narra, kawayan, Niyog,
Molave, Anahaw, Talahib at
marami pang iba.

 Tela para sa ating kasuotan


mula sa Abaka, Cotton, Piña at iba pa.

 Nagsisislbi din ang mga halaman


bilang dekorasyon o palamuti
upang mapaganda ang tahanan at
kapaligiran. Ang mga halimbawa nito
ay:
Orchids, Rosas, Daisy at iba pang
namumulaklak na mga halaman.

Gawain 18.1 What can plants give?


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Nahahambing ang iba’t-ibang uri ng bulaklak.


Materyal: lapis, crayola

Pamamaraan

1. Gumuhit ng dalawang halimbawa ng mga bagay na maaari


nating makuhang kapakinabangan sa mga sumusunod na
halaman.
2. Isulat kung ano ang kapakinabangan nito.
puno ng mangga at puno ng saging dahon ng lagundi at dahon ng
malunggay

puno ng narra at kawayan


abaka at cotton
Tandaan

 Mahalaga ang mga halaman sa ating mga tao, hayop at maging sa kalikasan.
Ilan sa mga kapakinabangan nito ay bilang pagkain, gamot, materyales sa
paggawa ng bahay at mga kasangkapan, tela para sa kasuotan at bilang
dekorasyon.

Pag-alam sa natutuhan
(MALALIM NA PAG-IISIP, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

anahaw cotton pechay

abaka ampalaya

1. Gamot sa sakit na diabetes.


2. Ginagawang atip sa bahay kubo.
3. Nagsisilbing pagkain.
4. Ginagamit upang makagawa ng tela.
5. Ginagawang bag at sombrero.
Aralin
Pangangalaga sa mga
19 Halaman
(Ikalimang Araw)
Inaasahan
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga paraan kung paano aalagaan ang mga
halaman sa ating kapaligiran

Balik Tanaw
Panuto: Tukuyin kung ano-ano ang pakinabang ng mga sumusunod na
halaman.

1. puno ng narra, kawayan, niyog, molave, anahaw


2. abaka, cotton, piña at ramie
3. orchids, rosas, daisy at iba pang namumulaklak na mga halaman
4. ampalaya, sitaw, mangga, malunggay, munggo, mansanas,
saging, pechay, kalabasa
5. oregano, dahon ng malunggay, lagundi, bayabas, sambong at
banaba.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


(PAGBUO NG KATAUHAN, PAKIKIPAGTALASTASAN)
Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Bakit
kaya nalanta ang halaman?
Ano kaya ang kailangan upang
maging malusog ito?
Paano natin mapangangalagaan ang mga
halaman?

Narito ang ilan sa mga paraan kung papaano natin


mapangangalagaan ang mga halaman sa ating kapaligiran.

 Diligan ang halaman isang hanggang


dalawang beses sa isang linggo upang hindi
lumambot ang lupa at malunod ang halaman,
liban na lamang kung matindi ang init ng ang
panahon.

 Ilagay ang halaman kung saan may sapat ng


sikat ng araw. Kailangan ito ng halaman sa
paggawa ng pagkain.

 Tanggalin ang damo sa paligid ng halaman


upang hindi maapektuhan ang lupa at ang
paglago ng halaman.


 Tanggalin ang mga patay na dahon at
bulaklak.

 Lagyan ng bakod harang ang paligid ng


halaman bilang proteksyon sa mga tao at maliliit
na hayop.

 Huwag pitasin, putulin at tapakan ang mga


halaman.

Linangin ang lupa ng halaman upang


magkaroon ng mas malusog na tanim.

Gawain 19.1 Taking Care of your Plants


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Layunin: Natutukoy ang kailangan ng halaman upang ito ay


mapangalagaan at mabuhay
Materyal: lapis
Pamamaraan

1. Pagpapakita ng iyong kaalaman sa pangangalaga ng halaman.


Isulat ang iyong kasagutan sa patlang.

1. Kailangan ng halaman upang ito ay hindi matuyot dahil sa tindi ng init ng


araw.
Clue: Mayroon itong sariling cycle.
Sagot:
2. Kailangan ng halaman upang ito ay maging matibay at malusog.
Clue: Tumutulong ito sa mga tao upang tayo ay hindi lamigin. Sagot:
3. Inilalagay sa paligid ng halaman upang hindi ito matapakan ng mga tao
at masira ng maliliit na hayop.
Clue: maaaring gawa sa kahoy o sa bakal.
Sagot:
4. Dito itinatanim ang mga halaman kaya nararapat natin itong linangin
upang mapanatiling malusog ang mga tanim.
Clue: ito ay kulay tsokolate at marami nito sa ating paligid. Sagot:
5. Tinatanggal sa paligid ng halaman upang hindi masira at maapektuhan
ang mineral na nakukuha sa lupa.
Clue: ito ay kulay berde, mahaba at patulis.
Sagot:

Tandaan

 Mahalaga ang halaman sa ating mga tao, hayop at kalikasan kaya dapat
lang na alagaan natin ang mga ito ng mabuti.
Pag-alam sa natutuhan
(MALALIM NA PAG-IISIP, PAKIKIPAGTALASTASAN)

Panuto: Isulat ang tama kung ang pahayag ay wasto,


mali naman kung hindi.
1.Diligan ang halaman dalawang beses sa isang Linggo.
2.Bunutin ang mga maliliit na damong tumutubo sa gilid ng iyong
tanim na halaman.
3.Pitasin ang mga bulaklak sa hardin ng parke.
4.Lagyan ng pataba ang mga tanim na gulay upang maging
malusog ang tubo nito.
5.Tanggalin ang mga uod at mga insekto sa halaman.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat bilang. Punan ang


patlang ng mga nawawalang titik upang mabuo ang tamang salita.

1. S G A- Bahagi ng halaman ng humahawak sa iba pang


bahagi nito tulad ng dahon, bulaklak at bunga.

2. G T – Bahagi ng halaman na nasa ilalim ng lupa at sumisipsip


ng tubig at mineral.

3. L A A K – Bahagi ng halaman na
pinagmumulan ng bunga at buto.

4. B U - Produkto ng halaman na may binhi o buto.


5. H N – Bahagi ng halaman na gumagawa ng pagkain sa
pamamagitan ng prosesong tinatawag na Photosyntesis.

II. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung wasto ang pahayag at ekis (X) naman kung
mali.

1. Maaring magkakatulad o magkakaiba ang laki ng dahon ng


mga halaman.
2. Berde ang kulay ng lahat ng uri ng dahon.
3. Petals ang tawag sa bahagi ng bulaklak na may
iba’t- ibang kulay.
4. May mga bulaklak na walang amoy o bango.
5. Ang bilang ng petals at paraan ng pagtubo ng lahat ng uri ng
bulaklak ay magkakapareho.

Panuto: Magbigay ng sariling repleksyon tungkol sa katanungan. Tanong:


Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong upang hindi tuluyang mawala ang
mga halaman sa ating kapaligiran?

Panuto: Gumuhit ng dalawang (2) paraan ng pagpapakita ng pangangalaga sa


mga halaman sa
kapaligiran. Ipaliwanag ang iyong iginuhit.
• SANGGUNIAN

• Science Curriculum Guide


• Science Teachers Guide
• Science Learner’s Material
• www.shutterstock.com
• Have fun teaching hft.com
• Photo credits: www.google.com
Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Rebecca M. Roxas-EPS
CID LR Supervisor: Dr. Lucky S. Carpio-EPS
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/s: Gerlie V. Capiral PSDS, Dr. Philip R. Baldera PSDS


Christie B. Agpaoa, MT 2
Writer/s: Henna D. Ilagan , Christie B. Agpaoa
Susi sa Pagwawasto
ARALIN 16- Unang Araw
UNANG PAGSUBOK
I. II. III.
1. D 1. B 1. MALI
2. B 2. C 2. TAMA

3. A 3. A 3. TAMA
4. C 4. C 4. TAMA
5. E 5. A 5. MALI

BALIK TANAW

1. Pakpak
2. Palikpik at buntot
3. Paa
4. Katawan
5. Paa

PAG-ALAM SA NATUTUHAN
1. Bulaklak
2. Dahon
3. Bunga

4. Sanga
5. Ugat
ARALIN 17- IKALAWANG ARAW

BALIK TANAW

1. Bulaklak
2. Dahon
3. Sanga
4. Bunga

5. Ugat
GAWAIN 17.2
1. 1
2. 2
3. 3

4. 4
5. 1
PAG-ALAM SA NATUTUHAN
1. Mangga

2. Carrot
3. Narra
4. Niyog
5. Singkamas

ARALIN 17- IKATLONG ARAW

BALIK TANAW
1. Manga

2. Carrot
3. Narra
4. Niyog
5. Singkamas

PAG-ALAM SA NATUTUNAN
1. Puso
2. Hugis kamay
3. Bilog

4. Oblong
5. puso

ARALIN 18- IKA-APAT NA ARAW


BALIK TANAW

1. Dahon
2. Ugat
3. Bulaklak
4. Sanga
5. Bunga

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

1. Ampalaya

2. Anahaw

3. Pechay

4. Cotton

5. Abaka

ARALIN 19- IKALIMANG ARAW


BALIK TANAW

1. Materyales sa paggawa ng bahay at kasangkapan


2. Nagbibigay ng tela para sa ating kasuotan
3. Dekorasyon o palamuti
4. Pagkain
5. Gamot

GAWAIN 19.1

1. Tubig
2. Sikat ng araw
3. Bakod o harang
4. Lupa
5. Damo

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. Sanga
2. Ugat
3. Bulaklak

4. Bunga
5. Dahoon
6. /
7. X
8. /
9. /
10. X

You might also like