You are on page 1of 37

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
DIVISION OF CITY SCHOOLS – MANILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

AGHAM 3
Tayo Na’t Maging
Mapanuri

Quarter 1 Week 3 Module 3

Learning Competency:
Nailalarawan ang pagbabagong naganap sa materyal
batay sa epekto ng temperatura.
Paano Gamitin ang Karagdagang Kagamitan sa Pagkatuto
(Supplementary Learning Material)

Magandang Buhay mga Bata! Binabati kita at ikaw ay nasa


ikatlong baitang na ng iyong pag-aaral.Ang layunin ng
Karagdagang Kagamitan ng Pagkatuto sa Baitang 3 ay para
mapanatili at makamit ang antas ng edukasyon ng K to 12 Kurikulum.

Bago kang magsimulang sumagot sa mga Gawain inihanda


kailangang isantabi muna ang lahat ng mga ginagawa o
pinagkakaabalahan na makakaapekto sa ating pag-aaral upang
maging pokus ka sa ating pag-aaralan. Maisasagawa ng maayos ito
sa tulong at gabay ng mga magulang habang wala sa paaralan ang
mga bata.

1. Basahing maigi at unawain ang mga panuto isinasaad sa


bawat Gawain.
2. Isulat sa kwaderno ang mga konseptong natutunan sa bawat
aralin. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil
madali mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gumawa at makiisa ang bawat isa sa pagbuo ng mga
Gawain.
4. Subukan humingi ng tulong sa mga magulang sa gawaing
hindi naiintindihan.
Paalala: Mga “Magulang” Turuan ang mga bata upang
gabayan ang pagkatuto at malayang sumagot sa mga
Gawain. Hayaang magtuklas ng panibagong kaalaman sa
bawat Gawain at maisagawa ang pagkatuto ng bawat mag-
aaral.
5. Maging mapanuri sa mga konsepto at gamitin ang
natutunan para masagutan na may tiwala sa sarili ang
pangwakas na pagsusulit. Ito ang magiging batayan kung
may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para
lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay
gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Masiyahan nawa’y sa iyong pag-aaral at magsaya sa mga
Aralin!

Bahagi ng Karagdagang Kagamitan sa Pagkatuto (Supplementary


Learning Material)

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga
bagong kaalaman at konseptona kailangang malinang sa
kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga
dating kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang
pangkalahatang ideya ng aralin
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo
ng may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na
natutuhan mo ang bagong aralin
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
Aralin 1: Mga materyales na mainit o malamig

INAASAHAN

Sa katapusan ng aralin ang mga bata ay inaasahang:

• Natutukoy at nailalarawan ang mga bagay na mainit o


malamig;
• Nakakagupit at nakakadikit ng mga larawang na mainit o
malamig.

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Paano mo masasabing mainit o malamig ang isang bagay?
A. nilalasahan C. hinahawakan
B. inaamoy D. pinakikinggan
2. Anong mangyayari kapag ang yelo ay ininitan?
A. Ito ay titigas. C. Ito ay matutunaw.
B. Ito ay maglalaho. D. Wala sa nabanggit
3. Paano mo masasabing mainit ang isang bagong timplang
kape, ng hindi ito hinahawakan?
A. Dahil sa kulay nito.
B. Dahil may lumalabas na usok dito.
C. Dahil nagbabago ang kulay ng tasa nito.
D. Dahil tinikman mo ito.
4. Ang mga bagay na nasa loob ng refrigerator ay masasabi
nating. _______
A. mainit B. natutunaw C. malamig D. nag-aapoy
5. Ano ang pakiramdam tuwing tag-araw sa Pilipinas.
A. nilalamig C. maaliwalas
B. sinisikmura D. naiinitan
BALIK-TANAW

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap


at Mali naman kung hindi.
___1. Ibayong pag-iingat ang kailangan sa paggamit ng mga
mapaminsalang mga kagamitan.
___2. Ang mga materyales ay may karapatdapat na mga labels.
___3. Ang simbolo na FLAMMABLE ay nakakasunog.
___4. Hingin ang tulong ng mas nakatatanda kung gagamit ng
mga mapaninsalang materyales.
___5. Tikman ang mga bagay o materyales na hindi mo kilala.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

N) Ang Pilipinas ay mayroon dalawang uri ng panahon. Ito ay ang


tag-araw at tag-ulan. Sa mga panahong ito marami tayong mga
pagkain at aktibidad na ginagawa upang maibsan ang init na ating
nararamdaman tuwing tag-araw at lamig tuwing tag-ulan.

Ang ating katawan ay may kakayahan upang malaman kung


mainit o malamig ang isang bagay. Gagamitin lamang natin ang
mga senses upang matukoy iyon. Tulad na lamang ng ating paningin,
pang-amoy, panlasa at ang ating pakiramdam.

GAWAIN

Mais Con Yelo! Mainit o Malamig?

Kagamitan: Corn Kernel, 1 lata ng evaporada, asukal, dinurog na yelo


Pamamaraan:

1. Maglagay ng 3 kutsara ng Corn kernel sa baso.


2. Magdagdag ng 2 kutsaritang asukal.
3. Ilagay ang 2 sandok ng dinurog na yelo.
4. Buhusan ng gatas na evaporada.
5. Ipagdiwang at magbahagi ng nagawa pong masarap na
pampalamig.

Mga tanong:

1. Tuwing kailan naayon kainin ang mais con yelo? At bakit ?

2. Ano namang ang maari mong kainin tuwing tag-ulan? Bakit?


________________________________________________________________

3. Paano mo natutukoy ang isang bagay kung ito ay mainit o


malamig?
____________________________________________________________

TANDAAN
Maraming mga bagay sa paligid natin na maaaring mainit
o malamig. Maaari itong bagay, pagkain o panahon.
Ginagamit natin ang ating mga senses upang malaman ang
mga ito.
PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

Cut & Paste!

Panuto: Gupitin ang larawan sa ibaba at idikit ito sa tamang kahon


na kinabibilangan nito.

MAINIT MALAMIG
B. Tayo na’t magkulay!

Panuto: Kulayan ng PULA ang mga larawan na nagpapakita ng


mainit. Kulayan naman ng BUGHAW ang larawan na nagpapakita
ng malamig.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

A. Panuto: Lagyan ng bituin ang larawan na ginagamit tuwing


mainit. At puso naman kung ito ay ginagamit tuwing
malamig.

1.__________________ 2.___________________ 3. _________________

4.____________________ 5.__________________ 6. ________________


Aralin 2: Tamang pag-gamit at pagbasa ng Thermometer

INAASAHAN

Sa katapusan ng aralin ang mga bata ay inaasahang:

• Natutukoy ang ibat-ibang uri ng thermometer;


• Nakakabasa ng tamang temperatura sa mga ibinigay na
larawan.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Bilugan


ang titik ng tamang sagot.
1. Anong kagamitan ang ginagamit upang malaman ang
eksaktong temperatura ng isang bagay?
A. timbangan C. thermometer
B. ruler D. medida
2. Ang eksaktong sukat ng init at lamig ay tinatawag na __________
A. pressure C. bigat
B. temperatura D. haba
3. Anong uri ng thermometer ang ginagamit sa isang eskwelahan
o laboratory.
A. Clinical thermometer
B. Laboratory thermometer
C. Environmental thermometer
D. Digital thermometer
4. Ano ng boiling point ng tubig?
A. 99 °C B. 37 °C C. 10 °C D. 100 °C
5. Ano ang normal temperatura ng katawan?
A. 100 °C B. 87 °C C. 37 °C D. -4 °C
BALIK-TANAW

Panuto: Magsulat ng mga bagay na mainit o malamig na


matatagpuan sa iyong tahanan .

Mainit Malamig

1. ____________________________ 1. _________________________

2. ____________________________ 2. _________________________

3. ____________________________ 3. _________________________

4. ____________________________ 4. _________________________

5. ____________________________ 5. _________________________

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Alam mo bang may paraan upang masukat ang eksaktong


temperatura ng isang bagay. Ito ay sa pamamagitan ng pag gamit
ng thermometer.
May ibat-ibang uri ng
thermometer. Mayroon clinical
thermometer na sumusukat ng
temperatura ng katawan ng tao.
Ang normal na temperatura ng tao
ay nasa 37 °C.
Pag ang temperatura ng katawan ay umabot na sa 37.5 °C
pataas. Masasabing ikaw ay nilalagnat na.
Sa eskwelahan at mga laboratoryo
gumagamit naman tayo ng laboratory
thermometer. Gawa ito sa glass at
mayroong mercury na siyang umaangat
kung mainit at bumababa naman kung
malamig.
May tamang paraan ng pag gamit ng
laboratory thermometer. Kinakailangan ng
ibayong pag iingat at gabay ng guro, sa
paggamit nito. Tandaan: Huwag
hahawakan ang bahagi ng thermometer na
may mercury sapagkat ito ay nakalalason at
maaaring ikamatay ng tao kung hindi tama
ang pag gamit.

Labels: Dito mo mababasa ang eksaktong sukat


ng thermometer. Ito ay maaring isulat sa interval
ng 1‘2s’ 5s’o by 10’s.

Ang Mercury na nakalagay sa thermometer ay


kulay PULA o di kayay SILVER. Tumataas nito kung
MAINIT. Bumababa naman kung MALAMIG.
Paano ang tamang pag gamit ng thermometer?

Laboratory thermometer

 Ilubog ang thermometer sa


beaker. Siguraduhing hindi lalapat
ang dulo ng thermometer sa ilalim
ng beaker.

 Obserbahan kung saan hihinto


Lagyan ng maiinit
likido ang beaker ang mercury. Siguraduhin na ang
paraan ng pagbasa ay kapantay
ng iyong mata. (eye level)

Sa pagsukat ng temperatura siguraduhin na nakadikit


lamang ang bulb ng thermometer sa materyal na
sinusukat.
Positive meniscus
thermometer

 Ito ay dapat na isulat sa


paraan na ito:
30 °C.
 Binabasa naman sa
paraang ito: Ang posisyon
ng mata ay
Thirty degree Celsius.
direktang
nakatingin sa
mercury ng
Ang unit na
thermometer.
ginagamit ay
degree Celsius.
GAWAIN

Panuto : Isulat sa patlang ang tamang basa ng thermometer.

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.
TANDAAN

Ang thermometer ay isang kagamitan na sumusukat kung


gaano kainit o kalamig ang isang materyal.

Ang pagbasa ng thermometer ay dapat na naka eye level.


Sigurahing lumalapat lamang ang bulb ng thermometer sa materyal
na sinusukat.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Gawain 1: Pagsukat ng temperatura ng katawan!


Layunin: nasusukat ang temperatura ng katawan gamit ang Clinical
thermometer.
Kagamitan: Digital Clinical Thermometer ( Dahil sa panahon ng
quarantine ang digital thermometer muna ang gamitin)
Pamamaraan: Pindutin ang on ng digital thermometer. Idikit ito sa
iyong kilikili. Hintayin na tumunog at basahin ang nakasulat sa digital
thermometer.
A. Temperatura ng sariling katawan: _______
B. Temperatura ng iyong nanay: _________
C. Temperatura ng malamig na tubig: _______
Tanong:
1. Tuwing kailan tumataas ang sukat ng thermometer?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Tuwing kalian bumababa ang sukat ng thermometer?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

A. Panuto: Pumili ng pinaka tamang sagot. Isulat ang sagot sa


patlang.

1. Pumili ng naaangkop na sukat ng temperatura sa tuwing


tag-init.
A. 34 °C
B. 100 °C
C. 5 °C
D. 10 °C

2. Kung ang temperatura ng iyong katawan ay ________.


Masasabing ikaw ay nilalagnat.
A. 10 °C C. – 4 °C
B. 38. 5 °C D. 100 °C

3. Ang tubig ay may boiling point na________


A. 110 °C C. 100 °C
B. 50 °C D. 0 °C

4. Ang tubig ay magsisimulang maging tumigas at maging yelo


sa temperaturang _______
A. 0 °C C. 18 °C
B. 25 °C D. 99 °C

5. Ang kagamitan na ginagamit upang masukat kung gaano


kainit o kalamig ang isang bagay.
A. Timbangan C. Thermometer
B. Ruler D. Kamay

Aralin 3: Pagbabago ng anyo ng matter mula Solid patungong


Liquid (Melting)

INAASAHAN
Sa katapusan ng aralin ang mga bata ay inaasahang:

• Natutukoy at nailalarawan ang pagbabagong naganap ng


matter mula solid patungong Liquid (Melting).
• Nakakagupit at nakakadikit ng mga larawang ang may
pagbabagong naganap ng matter mula solid patungong
Liquid.

UNANG PAGSUBOK

(MALALIM NA PAG IISP)

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Bilugan


ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pagbabago ng anyo mula solid patungong liquid
ay____________
A. evaporation C. melting
B. sublimation D. condensation
2. Anong mangyayari kapag ang piraso ng kandila sa kutsara ay
nainitan?
A. Ito ay titigas. C. Ito ay matutunaw.
B. Ito ay maglalaho. D, Wala sa nabanggit
3, Kapag ininitan ang kandila ito ay matutunaw, kapag inalis ang
init nito ito ay titigas. Bakit kaya nangyayari ang mga
pagbabagong nagaganap sa kandila?
A. Dahil sa inilagay sa kutsara.
B. Dahil ito ay madaling tumigas.
C. Dahil ito ay madaling matunaw.
D. Dahil nagbabago ang temperature.
4. Anong pagbabagong naganap kung ang butter ay inilagay sa
maiinit na kawali?
A. Mula solid magiging liquid
B. Mula liquid magiging solid
C. Mula liquid magiging gas
D. Mula solid magiging gas
5. Ano ang mangyayari sa temperatura ng isang bagay kapag
naiinitan?
A. Walang mangyayari
B. Baba ang temperatura
C. Tataas ang temperatura
D. Sakto lang temperatura

BALIK-TANAW

Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap


at Mali naman kung hindi.
___1.Ibayong pag-iingat ang kailangan sa paggamit ng
thermometer.
___2.Ang temperatura ng tubig na galing sa gripo ay mataas
kaysa sa tubig na mainit.
___3.Sa pagbasa ng thermometer,dapat kapantay ng mata ang
lebel ng tubig sa thermometer.
___4.Ang thermometer ang ginagamit sa pagkuha ng timbang ng
isang bagay.
___5.Mas mataas ang temperatura ng mainit na tubig kaysa sa
tubig na galing sa gripo.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Maaaring magbago ang anyo o kalagayan ng isang matter sa


pamamagitan ng pagdadagdag o pagbabawas ng init o
temperatura nito. Ang butter o mantikilya ay maaring maging kasing
tigas ng bato kung ito ay ilalagay sa isang freezer na may
napakababang temperatura. Kailangan nitong manatili sa loob ng
freezer upang mapanatili nito kanyang anyo na solid. Ngunit kung
aalisin ito sa freezer unti-unti itong matutunaw at magiging liquid.

Masdan at obserbahan ang nasa larawan?

Anong pagbabagong naganap ang sinasaad ng larawan?


Maaari bang bumalik ang ice(yelo) sa dating anyo nito?
Ang init ang nagging dahilan ng pagbabago ng isang bagay.
Ang yelo ay nasa anyong solid ngunit noong ito ay nainitan ito ay
bumalik sa pagiging tubig.
Ang melting ay isang proseso ng pagbabago ng anyo ng
matter mula solid patugong liquid. Ito ay ginagamitan ng init o
dumadagdag ang temperatura sa paligid nito.

Ang kandila na walang sindi ay nasa anyo ng solid. Ito ay dahil


sa nasa normal na temperatura lamang. Ngunit kung ito ay sisindihan
at magkakaapoy, unti-unti itong matutunaw at magiging liquid dahil
sa pagtaas ng temperatura.

May isa pang paraan upang maging solid ang isang liquid, ng
hindi kailangan ilagaay sa freezer. Ito ay ang solidification. Tulad na
lamang ng isang umaapoy na kandila. Tumitigas ang natunaw na
kandila sa ilalim nito.
GAWAIN

Ano ang mangyayari sa Kandila kapag nainitan at lumamig?

Kagamitan: kandila,posporo, platitong ceramiks,kutsara, makapal na


tela

Pamamaraan:

1. Balutin ang hawakan ng kutsara ng makapal na tela. Ilagay ang


piraso ng maliit na kandila sa kutsara.
2. Itayo ang kandila sa isang platitong seramiks at sindihan.
3. Hawakan ng mabuti at ilagay sa tapat ng may sinding kandila.
4. Initin ang kutsara na may piraso ng maliit na kandila sa loob ng
5 minuto.
5. Alisin ang kutsara sa apoy. Maghintay ng ilang minute
hanggang lumamig ang kandila.

Mga tanong:

4. Nasa anyong anyo ang piraso ng kandila?

5. May pagbabagong naganap ba sa kandila ng naiinitan?


________________________________________________________________

6. Noong inalis na ang kandila sa apoy. Anong pagbabagong


naganap?
7.
TANDAAN

Ang Melting pagbabago ng anyo mula solido patungong


likido. Ang pagbabago ng anyo naman mula likido patungong
solido sa normal na temperature ay tinatawag na Solidification.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

A. Odd One Out!


Panuto: Hanapin ang naiiba sa grupo. Ipaliwanag, kung bakit ito
naiiba.

Ang naiiba sa grupo ay ang ____________________________Naiiba ito


dahil______________________________________________________________
__________________________________________________________________

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
B. Panuto: Gumupit o magdikit ng mga larawang ang may
pagbabagong naganap ng matter mula solid patungong liquid.

Solid patungong Liquid(Melting)

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto, Mali naman
kung hindi.

___1. Natunaw ang kandila nang ito’y mainitan.


___2. Lalong tumigas ang wax nang isalang ito sa apoy
___3. Ang tsokolate ay isang uri ng liquid ngunit naging solid
nang ito’y mainitan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___4. Ang pagbabago sa temperatura ay nakakaapekto sa
_____________________________________________________________________
mga bagay sa paligid.
_____________________________________________________________________
_______________________________
___5. Ang pagkatunaw ng yelo ay sanhi ng pagbaba ng
temperatura.
Aralin 4: Pagbabago ng anyo ng matter mula sa liquid patungong
solid (Freezing)

INAASAHAN
Sa katapusan ng aralin ang mga bata ay inaasahang:

• Natutukoy at nailalarawan ang pagbabagong naganap sa


matter liquid patungong solid.
• Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga bagay na may
pagbabagong naganap mula liquid patungong solid.

UNANG PAGSUBOK

(MALALIM NA PAG IISP)

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Bilugan


ang titik ng tamang sagot.
1. Ang ice o yelo ay isang halimbawa ng matter na sumasailalim
sa proseso ng_________
A. freezing C. melting
B. sublimation D. condensation
2. Saan inillalagay ang solid para ito ay maging liquid?
A. sa sikat ng araw C. sa freezer
B. sa ulan D. sa aparador
3. Alin sa sumususunod ang tumutukoy sa pagbabagong
naganap sa matter mula liquid na nagiging solid?
A. pinainit na fllorwax C. juice
B. tubig D. ice candy
4. Ang freezing ay tumutukoy sa pagbabagong naganap mula
_______ patungong __________?
A. Solid patungong liquid C. liquid patungong solid
B. Liquid patungong gas D. solid patungong gas
5. Alin sa mga sumusunod na pagbabago ang hindi kabilang sa
pangkat?
A. yelo B. ice cream C. ice candy D. tubig
BALIK-TANAW

Panuto: Punan ng tamang salita ang sumusunod na patlang.

Ang pagbabagong naganap sa matter solid patungong


liquid ay tinatawag na ____________. Ang pagbabago ng anyo
naman mula likido patungong solido sa normal na temperature
ay tinatawag na ________________.Ang liquid patungong solid
naman ay tinatawag na ___________.

GBUO NG KATAUHAN,
MAIKLING NG )ARALIN
PAKIKIPAGTALASTASAN
PAGPAPAKILALA
Masdan at obserbahan ang nasa larawan.

Anong pagbabagong naganap ang sinasaad ng larawan?


Ang Liquid ay nagiging Solid kapag inilagay ito sa malamig na
lugar o sa freezer. Ang pagbabagong naganap ay tinatawag na
freezing.
Ang freezing ay isang proseso ng pagpapalit ng anyo ng matter
mula liquid phase patungong solid phase. Nagiging solid ito dahil
binabawasan ang init o temperatura ng paligid nito.
GAWAIN
(MALALIM NA PAG IISIP)

Panuto :Lagyan ng puso ang larawan na maaaring sumailalim


sa proseso ng Freezing.

TANDAAN

Ang freezing ay isang proseso ng pagpapalit ng anyo ng


matter mula liquid phase patungong solid phase.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN


(PAGKAMALIKHAIN, PAGTUTULUNGAN)

Gawain 1: Pag gawa ng Ice Cream!


Layunin: Nakikita ang proseso ng pagpapalit ng anyo ng matter s
pamamagitan ng pagbabawas at pagdagdag ng init.
Kagamitan: whole milk, heavy cream, flavor na gusto ( cookies &
cream etc.), zip lock
Pamamaraan: Sundin ang panuto sa activity sheets o di kaya’y
panoorin ang link sa youtube.
(https://www.youtube.com/watch?v=7TiMhu7nDdU&t=18s)
Tanong:
1. Bakit tumigas ang ice cream mixture pagkalipas ng ilang oras sa
loob ng freezer?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Anong maaaring mangyari sa matigas na ice cream kung
pababayaan itong nakalabas sa freezer?
4.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
(MALALIM NA PAG IISIP,PAGTUTULUNGA

B. Panuto: tukuyin at ilarawan ang pagbabagong naganap.

Ang pagbabagong nagap sa matter


ay________________________________________________________
__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________
C. Magbigay ng 2 sariling halimbawa ng pagbabagong naganap
mula liquid patungong solid.
1._________________________________________________________

2. ________________________________________________________

Aralin 5: Pagbabagong naganap sa tubig at mantika bago at


pagkatapos initin.

INAASAHAN
Sa katapusan ng aralin ang mga bata ay inaasahang:

• Natutukoy at nailalarawan ang pagbabagong naganap sa


tubig at oil bago at pagkatapos initin.

UNANG PAGSUBOK

(MALALIM NA PAG IISIP)

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang bawat tanong. Bilugan


ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang mangyayari sa tubig kapag ininit?
A. freezing C. evaporation
B. melting D. condensation
2. Anong mangyayari sa mantika kapag nainitan?
A. freezing C. evaporation
B. melting D. condensation
3. Ang tubig kapag nainitan tumataas ang temperatura. Ang
porma ng tubig ay nagpapalitan ng_________.
A. solid B. liquid C. gas d. wala sa nabanggit
4. Ang ilang tubig ay nag ______ bilang vapor o singaw.
A. nainitan C. nag evaporate
B. nagiging liquid D. bumababa
5. Ang water vapor ay mula sa liquids naging gas
kapag__________.
A. nainitan C. nag evaporate
B. nagiging liquid D. bumababa

BALIK-TANAW

Punan ng tamang sagot.

1. Ang solid kapag nainitan ito’y nagiging ______(solid, liquid).

2. Ang dahilan ng pagbabago ng anyo ng kandila ay dahil sa


__________ (init, lamig).

3. Ang natunaw na kandila ay isang anyong ______(solid, liquid).

4. Kapag ang natunaw na kandila ay nawala ang init, ang anyo nito
ay bumabalik sa anyong _____(solid, liquid).

5. Ang kandila ay nagbalik sa anyong solids dahil


ito’y_____________(nalamigan, nainitan).
(
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Masdan at pag-aralan ang larawan.

Ano kaya ang maaaring mangyari sa natunaw na mantikilya (liquid


phase) kung ibabalik natin ito sa freezer?
Tama! Titigas itong muli at magiging solid phase. Freezing ang
reverse process o kabaliktaran ng melting.
Masdan ang at suriin ang larawan.

Ano kaya ang mangyayari kapag ang tubig ay ininit?


Ang tubig ay nag evaporate bilang vapor o singaw. Ang water
vapor ay nag-anyong gas kapag ang tubig ay nainitanAng tubig
kapag nainitan tumataas ang temperatura. Ang porma ng tubig ay
nagpapalitan ng gas (vapor) kapag nagsimula nang kumulog.
Mapupuna ang dami o label ng tubig ay lumiliit kapag nainitan, dahil
ang ilang tubig ay nag evaporate bilang vapor (stream/singaw).
Water vapor ay nabubuo kapag ang liquid (tubig) ay nagiging gas.

GAWAIN

Kagamitan: beaker tubig, pangguhit


Pamamaraan
1. Lagyan ng 10 ml na tubig ang beaker. Markahan ang
beaker ayon sa antas ng dami ng tubig sa loob.

2. Ilagay ang beaker na may tubig sa ilalim ng init ng


araw sa loob ng 15 minuto. Tingnan at pag-aralan
kung ano ang mangyayari.
3. Markahan muli ang lebel ng tubig sa loob nito.
a. May nakita ba kayong pagbabago sa antas ng
dami ng tubig?
________________________________________________
b. Ano ang ipinakita ng pagsusuri na ito?
________________________________________________
c. Ano ang epekto ng sikat ng araw sa tubig?
________________________________________________

TANDAAN

Freezing ang reverse process o kabaliktaran ng melting.


Halimbawa nito natunaw na mantikilya (liquid phase) kung ibabalik
natin ito sa freezer nagiging solid. Ang tubig kapag nainitan tumataas
ang temperatura. Water vapor ay nabubuo kapag ang liquid(tubig)
ay nagiging gas. Ito ay tinatawag na evaporation.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUNAN

Gawain 1

Gumuhit ng 1 halimbawa ng solid na naging liquid at liquid na


naging solid.
Gawain 2

Maglagay ng palanggana na may tubig sa ilalim ng init ng araw?


Anong nangyayari sa dami ng tubig?

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

_________________________________________________________________

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Punan ang patlang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon

nainitan evaporate,

mababa gas tumataas

1. Ang tubig kapag nainitan ay _____ ang temperatura.

2. Ang tubig ay naging ______ kapag nagsimula itong kumulo.

3. Ang label ng tubig ay _______pagkatapos mainitan.

4. Ang ilang tubig ay nag ______ bilang vapor o singaw.

5. Ang water vapor ay mula sa liquid na naging gas kapag ______.


Sanggunian

• Science Curriculum Guide


• Science Learner’s Material
• www.shutterstock.com
• https://www.autodraw.com/
• Dreamstime.com
• webstockreview.net
• Learn for your life publishing www.Kid-Friendly-Homeschool-
Curriculum.com
Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Rebecca M. Roxas-EPS
CID LR Supervisor: Dr. Lucky S. Carpio-EPS
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/s: Gerlie V. Capiral PSDS, Dr. Philip R. Baldera PSDS


Christie B. Agpaoa, MT 2
Writer/s: Jean Endraca-Villanueva MT1, Julius O. Sapuez T III
Illustrator: Camille Anne G. Javier T1, Julius O. Sapuez T III
Layout Artist: Camille Anne G. Javier T1
1. Tumataas
2. Gas
3. mababa
4. evaporate
5. nainitan
Aralin 5:
Aralin 4:
A. Ang pagbabagong naganap sa matter ay
freezing. Sapagkat tumigas ang mantika at nagging
solid ito.
B. 1. Tubig na naging yelo
2. Tumigas na tsokolate
(Ang sagot sa bahagi B ay maaaring mabago
depende sa sagot ng mag-aaral)
Aralin 4: Aralin 3:
Aralin 2
6.
1. A 4, A 5.
4.
2 B 5. C 3.
2.
3. C 1.
Aralin 2: Aralin 1:
SAGOT SA PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

You might also like