You are on page 1of 19

3

Science
Ikatlong Markahan - Modyul 4
Init (Heat)
Science – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Init (Heat)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Magnolia L. Cunanan


Editor ng Nilalaman: Liezl Ann M. Bondoc
Editor ng Wika: Revelyn L. Maniego, EdD
Tagaguhit: Arman T. Valencia
Tagalapat: Liezl Ann M. Bondoc
Tagasuri ng Nilalaman: Lope Adrian C. Acapulco, Alletha L. Lumanog, Charito N. Laggui, PhD
Tagasuri ng Wika: Lope Adrian C. Acapulco, Alletha L. Lumanog, Charito N. Laggui, PhD
Tagasuri ng Paglapat: Liezl Ann M. Bondoc, Alletha L. Lumanog,
Charito N. Laggui, PhD
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, PhD
Rainelda M. Blanco, PhD
Agnes R. Bernardo, PhD
Marinella P. Garcia, PhD
Glenda S. Constantino Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
3

Science
Ikatlong Markahan - Modyul 4
Init (Heat)
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang matutunan


ang tungkol sa sa pinanggagalingan ng init. Inaaasahan
din na matutunan ang sumusunod:
- Nakikilala ang pinanggagalingan ng init
- Nailalarawan ang gamit ng init
- Napahahalagahan ang ligtas na paggamit ng
init.
S3FE- IIIG-H-4
Atin ng simulan ang mga gawain at maglibang!

Subukin
Atin munang subukin ang sumusunod na mga tanong. Ito ay
upang malaman ang iyong kakayahan sa ating tatalakaying
aralin.

Panuto: Piliin ang titik ng iyong sagot.

1. Alin sa sumusunod ang natural na halimbawa ng


pinanggagalingan pinanggagalingan ng init?

a. apoy
b. araw
c. kandila
d. lampara

1
2. Alin sa sumusunod ang hindi nagbibigay ng init?

a. kahoy
b. kalan
c. kandila
d. plantsa

3. Ang sumusunod na gawain ay ginamitan ng init maliban sa


isa. Alin Ito?

a. magpayong kung matindi ang liwanag


b. pagbilad ng damit upang makatuyo
c. pag-iihaw ng barbeque sa baga
d. pagplantsa ng damit

4. Alin sa sumusunod ang dapat mong buksan kung ikaw ay


naiinitan sa kwarto?

a. air conditioner
b. ilaw
c. lampshades
d. oven

5. Alin sa sumusunod ang pinanggagalingan ng init gamit ang


kemikal na bagay?

a. araw
b. kandila
c. LPG
d. uling

2
Balikan

Ano nga ba ang natural at artipisyal na pinanggagalingan


ng init?

Ang natural ay ang mga pinagkukuhanan na likas sa ating


kapaligiran. Ang artipisyal ay ang mga bagay na likha o
imbensyon ng tao.

Ngayon, subukin natin kung iyong makikilala ang mga natural


at artipisyal na pinagkukuhanan o pinagmumulan ng init o heat.

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Isulat ang ngalan ng


mga bagay na nagbibigay ng init. Isulat ang ngalan ng mga
bagay na natural at artipisyal na pinagmumulan ng init. Bilugan
ang mga natural at ekis ang mga artipisyal.

3
Tuklasin
Iba-iba ang pinagmumulan ng init at maraming bagay ang
maaaring paggamitan nito. Narito ang mga pangunahing
pinagmumulan o pinagkukuhanan ng init.

Sa ano-anong bagay o gawain ba natin maaaring gamitin


ang init?

Suriin

Kagaya ng nabanggit sa ating naunang gawain, may iba’t


ibang bagay ang pinangagalingan o pinagkukuhanan ng init. Ito
ay maaaring manggaling sa sikat ng araw, elektrisidad, apoy,
pagkikiskis ng mga bagay, at iba pa. Ito ay gumaganap ng
napakahalagang tungkulin sa pang araw-araw nating
pamumuhay. Maraming bagay ang ating nagagawa sa tulong ng
init.

Halika at pagtulungan nating tukuyin ang mga gawain sa


pang araw-araw na nangangailangan ng paggamit ng init.

Panuto: Lagyan ng tsek ang mga gawaing nangangailangan ng


init at ekis naman kung hindi.

_____ 1. Pagpapatuyo ng mga nilabhang damit.


_____ 2. Pag-iihaw ng ulam na isda.
_____ 3. Paglalampaso ng sahig.
_____ 4. Pagsasaing gamit ang rice cooker.
_____ 5. Pagpaplantsa ng uniporme.
_____ 6. Paggawa ng tinapay.
_____ 7. Paglaban sa sobrang ginaw na nararamdaman ng
katawan.
_____ 8. Pag-aalaga at pagpapalaki ng halaman.
_____ 9. Pagtitimpla ng kape.
_____ 10. Paglilinis ng mga kasangkapan sa bahay.
4
Ngayong alam mo na ang iba’t ibang gamit ng init, dapat
alam mo rin kung paano ang wasto at maingat na paggamit nito.
Ano-ano ba ang dapat tandaan para sa maingat na paggamit ng
init upang makaiwas sa kapahamakan o disgrasya?

Pagyamanin

Tunay na mahalaga ang init sa ating pang araw-araw na


pamumuhay. Nagagamit natin ito sa iba pang mga kasangkapan
na tumutulong upang magamit natin nang mabuti at mas madali
ang init sa iba’t ibang gawain.

Narito ang ilang pangkaraniwang kasangkapan na nagiging


daluyan ng init at napapakinabangan natin sa ating mga gawain.
Atin itong kilalanin.

Pamatnubay na Gawain 1

Panuto: Alin sa sumusunod ang nangangailangan ng araw,


apoy, elektrisidad, o pagkikiskis upang magamit natin ang init nito?
Piliin at bilugan ang iyong sagot.

1. kalan 6. posporo

2. kahoy 7. tubig

3. solar panel 8. kandila

4. plantsa 9. papel

5. baso 10. walis

5
Pagtataya 1

Panuto: Saan-saan ginagamit ang sumusunod na bagay na


ito? Piliin ang titik ng sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. kalan a. pag-iihaw
2. jacket b. pag-iinit ng tinapay
3. oven toaster c. pagluluto
4. sikat ng araw d. pagpapatuyo ng
5. uling sinampay
e. panlaban sa lamig

Pamatnubay na Gawain 2

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung ito ay nagsasaad ng


wastong paggamit ng init at Mali kung hindi.
tama
_________ 1. Isara ang kalan pagkatapos na ito ay gamitin.
_________
mali 2. Hawakan ang mainit na bagay gamit lamang ang
iyong kamay.
_________ 3. Gumamit ng pot holder sa paghawak ng mainit na
tama

bagay
mali
_________ 4. Manatili sa ilalim ng sikat ng araw.
_________
tama 5. Alisin ang saksak ng plantsa pagkatapos na ito ay
gamitin.

Pagtataya 2

Panuto: Piliin ang mga larawan na maaaring paggamitan ng


pinagkukunan ng init. Isulat ang titik sa tamang kahon ng naaayon
na pangkat.

a. b. c.

6
d. e. f.

g. h.

araw apoy elektrisidad o friction o


kuryente pagkikiskisan
a h
f
g

c
d
e

Isaisip

May iba’t ibang bagay ang pinangagalingan o


pinagkukuhanan ng init. Ito ay maaaring manggaling sa sikat ng
araw, elektrisidad, apoy, pagkikiskis ng mga bagay, at iba pa. Ito
ay gumaganap ng napakahalagang tungkulin sa pang araw-
araw nating pamumuhay. Maraming bagay ang ating nagagawa
sa tulong ng init.

Ang pinakanatural na init ng araw ay nagmumula sa sikat ng


araw. Mahalaga ang sikat ng araw dahil ito ang nagbibigay ng init

7
sa buong mundo. Tumutulong ito sa tao, hayop, at halaman. Ang
sikat ng araw ay may mahalagang papel sa mga bagay na may
buhay tulad ng halaman at hayop. Kung wala ang sikat ng araw,
walang buhay na mananatili sa mundo o lupa. Ito rin ang
nagbibigay ng enerhiya sa tao, hayop at halaman sa sadyang
kinakailangan.

May mga gamit ba kayo sa bahay na nagbibigay ng init?

May mga kagamitan tayo na nagbibigay ng init tulad ng


takuri na pakuluan ng tubig, electric toaster/ oven, uling na may
baga, kalan at plantsa. Dapat din natin malaman kung paano
gamitin ang init tulad sa pagluluto ng pagkain, pagsampay ng
basang damit, paggawa o pagluto ng tinapay sa oven,
pagtapat/ pagkuha ng init sa sikat ng araw gamit ang solar panel.

Mayroon tayong mga pamamaraan upang maging ligtas


tayo sa paggamit ng mga bagay na nagbibigay ng init. Narito ang
mga ilang halimbawa ng pag-iingat sa paggamit ng init:

1. Paggamit ng “potholder “ sa paghawak ng mainit na


bagay.
2. Siguraduhing naisara ang kalan pagkatapos gamitin.
3. Huwag manatili o magbibilad nang matagal sa
matinding sikat ng araw.
4. Alisin ang pagkakasaksak ng mga kasangkapang de-
kuryente kung hindi ginagamit tulad ng plantsa at rice
cooker.

Ikaw? May alam ka ba na pamamaraan sa wastong


paggamit ng init na maaari mong ibahagi sa iba?

Panuto: Magbigay ng isang halimbawa at isulat ito sa iyong


sagutang papel.
OO DAHIL ITO AY MAHALAGA
___________________________________________________________
________________________________________________________________
.

8
Isagawa

Panuto: Ngayon naman ay pumili ng isang pinagkukuhanan


ng init. Kumpletuhin ang bawat pangungusap sa pamamagitan
ng pagsagot sa bawat katanungan.

1. Ano ang iyong napiling pinagkukuhanan ng init?


Ang aking napiling pinagkukuhanan ng init ay ang
_________________________.
NATURAL NA PINAGMUMULAN NG INIT

2. Sa ano-anong bagay mo maaaring gamitin ito? Magbigay ng


apat na maaring paggamitan nito.
GABI
Maaari kong gamitin ito sa _________________________,
_________________________,
PAGLULUTO NG PAGKAIN_________________________
BROWNOUT at sa
_________________________.
LIWANAG

Tayahin
A. Panuto: Isulat ang I kung ito ay pinanggagalingan
ng init at HI kung hindi.
I
_____1. araw
_____2.
I
apoy
HI
_____3. washing machine
_____4.
I kalan
_____5. telebisyon
HI

B. Isulat sa kahon ang tamang salita na inilalarawan


ng pangungusap.

A R A W
1.
- Dito nagmumula/nanggagaling ang
pinakanatural na init sa mundo.

9
2.
K A L A N

- Ginagamit ni Nanay sa pagluluto


ng pagkain

3.
S I K A T NG
ARAW
A
- Kailangan ito upang matuyo ang damit.

4. A P OY

- Ginagamit ito upang maluto ang


pagkain

5.
P O T H O L DER
-

- Ginagamit ito upang mahawakan ang mainit


na bagay

Karagdagang Gawain

Panuto: Magbigay ng 5 kagamitan sa inyong bahay na


pinagmumulan ng init. Isulat kung paano mo ito gagamitin ng
ligtas.
Kagamitan Paano gagamitin ng ligtas?
1 KALAN PARA MAKALUTO NG MASARAP NA PAGKAIN
2 TV PARA MAKANOOD NG BALITA
3 PLATSA PARA ITO AY IPLANTSA NA LUKOT NA DAMIT
4 OVEN UPANG MAKAGAWA NG TINAPAY
5 ILAW UPANG MAKITA NG BAGAY

10
11
Isaisip Pagyamanin Pagyamanin
Pamatnubay na
Maraming Gawain 2 Pamatnubay na
posibleng sagot. 1. tama 4. mali Gawain 1
Ang guro ang 2. mali 5. tama Kalan, solar panel,
maaaring 3. tama
plantsa, posporo,
magwasto nito. kandila
Pagtataya 2
a, b, d, e, f, g, h
Isagawa Pagtataya 1
Ara Apo Elec Fricti
w y trisid on o 1. c
Maraming ad pag
2. e
posibleng sagot. kikis
kis 3. b
Ang guro ang a b e d
maaaring f h g 4. d
magwasto nito. Paalala: Ang mga sagot
ay maaaring nasa 5. a
ibang pagkakasunod-
sunod. Ito ay wasto pa
rin.
Suriin Balikan Subukin
1. kandila
1. √
1. b
2. √ 2. kalan 2. a
3. x 3. a
4. √
3. plantsa 4. a
5. c
5. √
4. araw
6. √
7. √ 5. rice cooker
8. √
6. posporo
9. √
10. x
Susi sa Pagwawasto
12
Bookstore, Inc. 2015.
Science3 Kagamitan ng Mag-aaral pahina 133-138. Rex
Sacatropes, Arthur DC. Luz E.Osmeña, et. al.
Sanggunian
Karagdagang Tayahin Tayahin
Gawain B. A.
Maraming 1. araw 1. I
posibleng sagot.
2. kalan 2. I
Ang guro ang
maaaring 3. sikat ng araw 3. HI
magwasto nito. 4. apoy 4. I
5. pot holder 5. HI
For inquiries or feedback, please write or call:
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Department
Curriculum of Education,
Implementation Schools Division of Bulacan
Division
Curriculum
Learning Resource Implementation
Management Division System (LRMDS)
and Development
Learning Resource Management
Capitol Compound, and
Guinhawa St., Development
City of Malolos, System
Bulacan(LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
Email Address:lrmdsbulacan@deped.gov.ph

13

You might also like