You are on page 1of 18

Science 3

Science 3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 10
Mga Pagbabagong Nagaganap sa Matter
Solid to Liquid
Agham – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 10: Mga Pagbabagong Nagaganap sa Matter –
Solid to Liquid Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang
ng Modyul tungkol sa araling Mga Pagbabagong Nagaganap sa Matter –
Solid to Liquid!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan
sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong
Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral


ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo
na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and
Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang


pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Agham – Ikatlong Baitang Modyul ukol sa
Mga Pagbabagong Nagaganap sa Matter – Solid to Liquid!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga
dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa
mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa
kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Sa panahong ito, napapaligiran tayo ng pagbabago.
May iba’t ibang bagay na bahagi ng pagbabago. Kaugnay
ng mga nagdaang aralin, tutuklasin natin ang mga
pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran. Sa modyul
na ito, tatalakayin natin ang tungkol sa mga pagbabagong
nagaganap sa mga bagay o materyal partikular sa anyo ng
matter na solid.

Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may


kakayahan ka nang:
1. matukoy ang mga pagbabagong pisikal na
nagaganap sa solid habang ito ay iniinitan;
2. mailarawan ang mga pagbabagong pisikal na
nagaganap sa solid habang ito ay iniinitan; at
3. magpahalaga sa mga pagbabagong nagaganap sa
mga bagay, sa paraan ng pamumuhay at sa
kapaligiran.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago umpisahan ang pag-aaral ng modyul na ito,


sagutin muna ang sumusunod na pagsubok upang malaman
kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman ukol sa
paksang tatalakayin.
Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
1. Nagsindi ng kandila si nanay, alin sa mga larawan
ang nagpapakita ng pagbabago sa kandila habang
may sindi ito?
A. B. C. D.

1
2. Nais mong gumawa ng orihinal na likhang-sining,
isinalang mo ang iyong mga pangkulay (crayons) sa
apoy sa tulong ni tatay, ano ang mangyayari rito?

A. B. C. D.

3. Magluluto kayo sa bahay ninyo ng toasted bread.


Iniwan ni nanay ang mantikilya sa mesa at lumabas.
Makaraan ang ilang oras, ano ang maaring nangyari
sa mantikilya?
A. naging magaspang ang mantikilya
B. naging malambot ang mantikilya
C. naglaho ang matikilya
D. Parehong tama ang B at C
4. May malagkit sa bulsa mo. Nang tiningnan mo, ito ay
ang tsokolateng baon mo. Matigas ito nang inilagay
mo sa bulsa mo. Ano kaya ang nagdulot ng
pagbabago sa tsokolate?
A. Ang init sa bulsa mo.
B. Ang pera sa bulsa mo.
C. Ang panyo sa bulsa mo.
D. Parehong tama ang A at C
5. Ngayong panahon ng Enhanced Community
Quarantine ay madalas ninyong pagkalibangan ng
iyong pamilya ang pagluluto ng hot cake at ikaw
naman ang tagalagay ng mantikilya sa ibabaw nito
at tinitingnan mo ito habang natutunaw. Sabay-
sabay ninyo itong kinakain habang
nagkukuwentuhan. Ano ang ipinapakita ng ganitong
sitwasyon sa panahon ng ECQ?
A. Nagkaroon ng takot sa pagharap sa ibang tao.
B. Nagkaroon ng oras sa pamilya.
2
C. Nagkaroon ng argumento.
D. Nagkaroon ng kaguluhan.

BALIK-ARAL

Panuto: Basahin at suriin kung tama ang pahayag. Gumuhit


ng bituin ( ) kung tama ang paggamit at lagyan ng ekis
(X)kung hindi.
__________ 1. Kapag ang materyal ay may tatak na
ito ay dapat pinag-iingatan at hindi pinaglalaruan.

__________ 2. Matapos gamitin ang kalan at LPG,


ang tangke ay dapat isinasara upang maiwasan ang
sunog.
__________ 3. Naglalaro kayo ng kapatid mo; nakita
ninyo ang posporo; sinindihan ninyo ang mga palito.

__________4. Kinuha ng nanay mo ang bote ng gamot


ng lola mo, binasa muna ni nanay ang mga nakasulat
sa bote ng gamot bago ibinigay sa lola mo.

__________5. Ang mga pabango, alkohol at pamatay


insekto ay dapat itago sa kabinet na malapit sa kalan.

ARALIN

Tingnan ang mga larawan. Ano ang mangyayari kung


ang mga solid na bagay tulad ng tsokolate, ice candy,
kandila, yelo, at pangkulay ay iiwan sa ibabaw ng mesa?
Sagutan ang tseklist.

3
Matter/ Bagay May Walang Ano ang nangyari/
Pagba- Pagba- nagbago?
bago bago
Halimbawa:
Naging malambot .

1.tsokolate

2. ice candy

3. kandila

4. yelo

5. pangkulay (crayons)

Batay sa iyong karanasan, ano ang naobserbahan mo


sa mga bagay sa larawan? Tama! Ang tsokolate, ice candy,
at yelo kapag naiwan sa mesa ay nagbabago. Mula sa
pagiging buo, matigas, at solid, ang mga ito ay nagpapalit
ng kanilang katangiang pisikal. Ang tsokolate ay lumalambot,
natutunaw ang yelo at ang ice candy ay nagiging liquid. Ito

4
ang pagbabagong nagaganap sa mga solid na nabanggit.
Ito ay tinatawag na melting.
Samantalang, ang kandila at pangkulay ay nanatiling
buo at matigas kahit maiwan ang mga ito sa mesa. Walang
naganap na pagbabago sa kandila at pangkulay, nanatili
ang mga ito na solid.
Paano kaya magkakaroon ng pagbabago sa mga
kandila at pangkulay? May ideya ka ba?
Ang temperatura ay ang kasidhian ng kainitan o
kalamigan ng isang bagay. Ito ay may kaugnayan sa anyo
ng matter na ating tatalakayin. Ang pagbabago ng
temperatura ay maaaring dulot ng init ng apoy. Ito ay may
epektong idinudulot sa mga bagay o materyal na
nakapaligid sa atin. Nakatutulong na mapadali ang melting
sa init na mula sa apoy.

Pagmasdan natin ang mga larawan.

Figure 1. Ang kandila ay sinindihan at natunaw at nang


lumamig, bumalik ito sa orihinal na anyo.

Figure 2. Para makalikha ng likhang sining, isinalang ang


mga solid na pangkulay sa init para matunaw ito at maging
liquid. Ang liquid na pangkulay ay bumalik sa orihinal na anyo
na solid nang ito ay lumamig.

5
Figure 3. Makikita sa mga larawan na ang mantikilya ay solid
na naging liquid nang ilagay sa kawaling mainit na
nakasalang sa kalan. Ito ay bumabalik sa solid na anyo kapag
lumamig na.
Ang pagbabagong naganap sa solid na naging liquid
ay dahil sa init ng apoy. Ang materyal ay bumalik sa orihinal
na anyo nang ito ay lumamig na. Ang mga bagay o materyal
na nasa mga larawan ay nagbago ang pisikal na katangian
dulot ng init. Ang kandila, crayons o pangkulay at mantikilya
ay mga solid na nang isalang sa init ng apoy ay natunaw at
nabago ang anyo. Ito ay ilan lamang sa halimbawa ng mga
solid na naging liquid. Makapagbibigay ka pa ba ng ibang
halimbawa?
Pamilyar ba kayo sa pagreresiklo ng mga plastik na bote
ng isang programa sa telebisyon para maging upuan na
ibinibigay sa mga eskwelahan bilang donasyon? Ito ay
dumaraan din sa melting. Ang pagiging solid ng plastik na
bote ay tinutunaw sa pamamagitan ng init para muling
maihulma bilang upuan sa silid-aralan.
Naranasan mo na bang maglinis ng bahay ninyo at
maglagay ng floor wax sa sahig? Madali bang ipahid nang
pantay ang buong floor wax sa sahig?

Figure 4. Solid Floorwax

6
Tama ka! Medyo may kahirapan pantayin ang
paglalagay nito. Alam mo ba na may madaling paraan?
Tulad ng tinalakay natin, may mga kapakinabangan ang
melting.
Isang halimbawa nito ay ang floor wax. Ang floor wax
na solid ay maaari nating isalang ang lalagyan sa mainit na
tubig para matunaw at maging liquid floor wax. Habang
malambot ito ay madali nang ipahid sa sahig.
Isang paalala, munting mag-aaral!!!
Kinakailangang may patnubay ng mga nakatatanda kung
iyong susubukin ang ating mga tinalakay sa araling ito.

MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Lagyan ng tsek (√) ang mga materyal na


nagbababago mula solid ay nagiging liquid kapag naiinitan
at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. ice candy 2. floor wax 3. gatas

4. kandila 5. mantikilya 6. pabango

7. pangkulay 8. suka 9. tinapay 10. yelo


7
Gawain 2 : Iguhit ang arrow up kung ang sitwasyon ay
nagpapahayag ng paraan ng melting o mga bagay na solid
na kapag nainitan ay nagiging liquid at kung hindi naman,
iguhit ang arrow down . Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Magluluto kayo ng buttered shrimp, kaya naglagay kayo


ng mantikilya sa kawali na nasa kalan.

2. Ang pagtutunaw ng floor wax ay nagpapadali ng gawain


para maipahid ito sa sahig ng pantay at maayos.
3. Isang maganda at makulay na paraan na paggawa ng
likhang-sining ay ang crayon melting .

4. Ang pagtitimpla at pag-inom ng gatas ay mabuti para sa


iyong kalusugan.

5. Ang paglalagay ng yelo sa baso at iwan ito sa mesa.

Gawain 3: Gumawa ng likhang-sining bilang iyong obra sa


isang buong bond paper. Gumuhit ng larawan ng mga
bagay na solid na nagiging liquid kapag nainitan.
Pagkatapos ay ipaliwanag ito.
OBRA NI JUAN at JUANA
(Palitan ng iyong pangalan)

8
5 4 3
Ang iginuhit na Ang iginuhit na Ang iginuhit na
larawan ay larawan ay larawan ay
nagpakita ng nagpakita ng nagpakita ng
konsepto ng konsepto ng melting konsepto ng melting
melting. ngunit may ilang ngunit maraming
kulang na detalye. kulang na detalye.
5 4 3
Maayos na Naipaliwanag ang Naipaliwanag ang
naipaliwanag ang konsepto ng melting konsepto ng melting
konsepto ng melting ngunit may ilang ngunit maraming
kulang na detalye kulang na detalye

PAGLALAHAT

Panuto: Masdan ang larawan ng proseso ng pagbabagong


nagaganap sa anyo ng matter. Isulat ang buod nito.

Kandila

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

9
PAGPAPAHALAGA

Alam mo ba na ang Lungsod ng Pasig ay ang


tinaguriang Recycling Capital ng Pilipinas? May kakilala ka
bang ang pinagkukunan ng kabuhayan ay ang
pangangalakal ng basura o recycling? Ang recycling ay
isang paraan ng pamumuhay sa Lungsod ng Pasig. Isa itong
marangal na hanapbuhay at nakatutulong ito sa
pagbabawas ng mga basura sa ating paligid.
Malaki ang kita nila sa mga patapong electrical wires
na may tanso sa loob na ipinagbibili nila sa mga Material
Recovery Facilities (MRF) o junk shop. Dalawa ang paraan
para makuha ang tanso, ang una ay ang paggamit ng
matalas na kutsilyo para balatan ang wire. Ang ikalawa ay
ang pagsasalang sa apoy at pagtunaw ng plastic insulator
na nakabalot dito. Ngunit, ang paraan ng pagsusunog sa
anumang plastik na materyal ay lubhang nakapipinsala sa
ating kalusugan at sa kalikasan. Nagpapalubha ito ng mga
sakit sa baga at sa puso at nagdudulot din ito ng polusyon sa
hangin. Anumang bagay na nakapagdudulot ng masama sa
ating kalusugan at sa kalikasan ay dapat nating ihinto at
iwasan.
Bilang batang may malasakit sa kapwa at sa kalikasan,
ano ang gagawin mo kapag nakakita ka ng taong
nagsusunog ng electrical wires?
Ano ang iyong gagawin?

Nakakita ka ng taong ________________________________


nagsusunog ng ________________________________
patapong electrical ________________________________
________________________________
wires para makuha ang
________________________________
tanso at iba pang mga
________________________________
plastik.

10
Sa iyong sariling paraan, kayang-kaya mo itong
isakatuparan. Munting Bayani Ka, Kabataan!

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang inyong sagot sa


sagutang papel.
1. Anong uri ng pagbabago ang nagaganap kapag ang yelo
ay natunaw?
A. Pagbabagong pisikal
B. Pagbabagong kemikal
C. Pagbabagong kemikal at pisikal
D. Walang pagbabagong mangyayari
2. Sa sumusunod na gawain, alin ang nangangailangan ng
init para tunawin ang solid na materyal at magamit ito nang
tama?
A. Pagliligpit ng higaan at pagtutupi ng kumot.
B. Paggawa ng proyekto gamit ang glue stick.
C. Pagsasagawa ng waste segregation.
D. Paglalaba ng mga maruming damit.
3. Ito ang tawag sa prosesong nangyayari kapag ang isang
solid na materyal ay naging liquid dahil sa epekto ng
temperatura?
A. gas B. matter C. melting D. tubig
4. Paano mo ilalarawan ang pagbabagong magaganap sa
kandila kapag ito ay nainitan at muling lumamig?
A. Kapag nainitan, ang kandila ay matutunaw at titigas
muli kapag lumamig.
B. Kapag nainitan at lumamig ay mananatiling malambot.
C. Ang kandila ay mananatiling solid, buo at matigas.
D. Hindi maaapektuhan ng init ang kandila.

11
5. Alin sa mga pangkat ng solid na bagay o materyal ang
nagiging liquid kapag nainitan?
A. Tsokolate, mantikilya, alcohol, tubig at sabon
B. Tsokolate, mantikilya, kandila, ginto at alcohol
C. Tsokolate, mantikilya, kandila, crayons at ginto
D. Tsokolate, mantikilya, sabon, tubig at alcohol

SUSI SA PAGWAWASTO

12
Sanggunian
Abutay, Lelani R., et al. Science Learner’s Material 4.
2015. Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig

Abutay, Lelani R., et al. Science Teacher’s Guide 4.


2015. Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig

Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Learner’s Material 3.


2014. Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig

Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Teacher’s Guide 3.


2015. Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig

13

You might also like