You are on page 1of 18

1

Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
Ang Paggalaw ng mga Bagay sa Tulong
ng Magnet o Batubalani

2
Agham – Ikatlong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Ang Paggalaw ng mga Bagay sa Tulong
Unang Edisyon, 2020 ng Magnet o Batubalani

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Dane Mark D. De La Cruz


Editor: Marites R. Borras at Sarah E. Sibaot
Tagasuri: Marites R. Borras at Alfons Jayson O. Pelgone, M. Sc
Tagaguhit: Emmerando Martin P. Cruz
Tagalapat: Janeth D. Morte
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
3
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang ng
Modyul 6 para sa araling Paggalaw ng mga Bagay Gamit ang Magnet o Batubalani!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

4
Malugod na pagtanggap Agham – Ikatlong Baitang ng Modyul 6 ukol sa
Paggalaw ng mga Bagay Gamit ang Magnet o Batubalani!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Sa nakaraang aralin, naunawaan mo ang mga iba’t ibang


paraan upang mapagalaw ang mga bagay sa tulong ng puwersa
o lakas ng hangin at tubig. Kaugnay ng nagdaang aralin,
ipagpapatuloy natin ang paglalarawan ng pagpapagalaw ng
mga bagay, at ito ay sa pamamagitan naman ng magnet o
batubalani. Sa modyul na ito, matutuklasan mo kung paano
napagagalaw ng magnet o batubalani ang mga piling bagay sa
ating paligid.
Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan
ka nang:
1. mailarawan ang mga bagay na napagagalaw gamit ang
magnet o batubalani;
2. matukoy ang mga bagay na napagagalaw gamit ang
magnet o batubalani; at
3. magpahalaga sa mga bagay o kagamitan na makikita sa
tahanan, paligid o saan man.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago umpisahan ang pag-aaral ng modyul na ito,


sagutin muna ang sumusunod na pagsubok upang malaman kung
gaano na kalawak ang iyong kaalaman ukol sa paksa ng modyul
na ito.
PANUTO: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod na bagay ang maaaring mapagalaw
gamit ang magnet o batubalani?

A. B. C. D.

6
2. Alin naman sa sumusunod na bagay ang HINDI
napagagalaw ng magnet o batubalani?

A. B. C. D.

3. Si Carlo ay naglagay ng magnet o batubalani malapit sa


karayom. Ano ang maaaring mangyari?
A. Ia-attract ng magnet o batubalani ang karayom.
B. Ang karayom ay mananatili sa kinalalagyan nito.
C. Babasagin ng magnet o batubalani ang karayom.
D. Madudurog ng karayom ang magnet o batubalani.

4. Si Nadine ay naglalaro ng magnet, nais niyang pagalawin ang


mga laruan gamit ang magnet. Aling mga laruan ang
mapagagalaw sa tulong ng magnet?
A. mga laruang gawa sa tela
B. mga laruang gawa sa metal
C. mga laruang gawa sa plastik
D. mga laruang gawa sa kahoy

5. Alin sa sumusunod na bagay ang maaaring pagalawin ng


magnet o batubalani?

A. pako B. sinulid C. goma D. papel de liha

7
BALIK-ARAL

Natutuhan mo noong nakaraang aralin ang mga paggalaw


ng mga bagay sa tulong ng puwersa o lakas ng hangin at tubig.
Ngayon, balikan natin ang aralin at sagutin ang sumusunod na
tanong.

PANUTO: Iguhit ang sa sagutang papel kung ang nakikita sa


larawan ay napagagalaw sa tulong ng hangin at naman kung
sa tulong ng tubig.

______1.

_______4.

______2.

______3. ________5.

8
ARALIN

Nakakita ka na ba ng magnet o batubalani? Saan mo ito


nakita?
Sa palagay mo, saang materyales gawa ang mga bagay na
napagagalaw ng batubalani?
Ang mga halimbawa ng bagay na napagagalaw ng magnet
o batubalani ay ang barya, perdible, klip, at thumbtacks.

barya perdible klip thumbtacks

Ang mga ito ay napagagalaw ng magnet o batubalani dahil


ang mga materyales ng mga ito ay gawa sa ilang uri ng metal
gaya ng Nickel, Iron, at Cobalt. Ang magnet o batubalani ay may
taglay na puwersa o lakas kaya anomang bagay na karaniwang
yari sa ilang uri ng metal ay maaaring mapagalaw nito.

Ang mga bagay at kagamitang hindi gawa sa metal at yari


sa ibang materyal ay hindi mapagagalaw ng magnet o
batubalani. Ang halimbawa nito ay ang sumusunod.

mangkok – ito ay gawa sa plastik.

damit - ito ay gawa sa tela.

almires – ito ay yari sa marmol na isang uri ng


bato.

9
perang - ito ay gawa sa papel.
papel

Mga karagdagang bagay na napagagalaw ng magnet o


batubalani.

mga magnet
o batubani

susi kadena

karayom pako

Mga karagdagang bagay na yari sa ibang mga materyales


na hindi napagagalaw ng magnet o batubalani.

mesang - ito ay yari sa kahoy.


kahoy

10
salamin sa mata - ito ay gawa sa salamin o
plastic.

yelo - ito ay pinatigas na tubig.

MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Napagagalaw o Hindi Napagagalaw ng Magnet

PANUTO: Iguhit ang sa sagutang papel kung ang nakikita sa


larawan ay napagagalaw gamit ang magnet o batubalani at
naman kung hindi.

_______1. ________2.

_______3. ________4.

_______5.

11
Gawain2: Ihanay Mo!
PANUTO: Isulat sa iyong sagutang papel ang pangalan ng mga
bagay o gamit sa Hanay A kung ito ay napagagalaw ng magnet
o batubalani at sa Hanay B naman kung hindi.

pako kadena kahoy remote control ballpen

sorbetes hawakan ng pinto barya plastic bottle susi

HANAY A HANAY B

12
Gawain 3: Magnet! Magnet! Mapagagalaw mo ba Ako?

PANUTO: Gumupit o gumuhit ng 5 larawan na napagagalaw ng


magnet o batubalani. Idikit o iguhit ang mga ito sa isang malinis
na papel.

Pamantayan sa Pagtatasa sa Sariling Gawa o Produkto


PANUTO: Ipakita ang nagging resulta ng iyong isinagawang
gawain sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (/)
Pamantayan Resulta
I. Bisang Pansarili
a. Nagawa ko ang gawain ng walang mali.
b. Nagawa ko ang gawain ng mag-isa ngunit may
kaunting mali.
c. Kinailangan ko ng tulong upang maunawaan at
maisagawa ko ang gawain.
d. Hindi ko natapos ang gawain dahil hindi ko lubos
na naunawaan ang aralin.
II. Bisang Pangnatutuhan
a. Kaya kong ipaliwanag nang buong husay ang
aking natutuhan.
b. Kaya kong ipaliwanag ang aking natutuhan ngunit
may konting pangamba.
c. Kaya kong ipaliwanag ang aking natutuhan ngunit
kailangan ko ng gabay ng nakatatandang
kasama.
d. Hindi ko kayang ipaliwanag.
III. Bisang Pandamdamin
a. Masaya kong nagawa at natapos ang gawain

13
mag-isa.
b. Masaya ako dahil natapos ko ang gawain ng
mag-isa kahit may kaunting mali.
c. Masaya ako dahil natapos ko ang gawain ngunit
kinailangan ko ng tulong ng iba.
d. Malungkot ako dahil hindi ko natapos ang gawain.

PAGLALAHAT

PANUTO: Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo ang


konsepto ng ating aralin. Pumili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat
ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

plastik metal batubalani tela kahoy


Maaaring mapagagalaw ng magnet o __________ ang mga
bagay na gawa sa ilang uri ng _________. Ang mga bagay naman
na gawa sa _______, ___________, at __________ ay hindi
mapagagalaw ng magnet, sapagkat hindi gawa ang mga ito sa
metal.

14
PAGPAPAHALAGA

Ang magnet o batubalani ay kayang pagalawin ang


mga bagay na gawa sa ilang uri ng metal. Dahil dito, maraming
kapakinabangan ang naidudulot nito sa ating buhay. Alam mo ba
na may ibang uri pa ng mga magnet?

May mga materyal din na maaring magsilbing magnet


kapag ito ay dinadaanan ng kuryente. Ito ay matatagpuan sa
mga makina o mga kagamitan gaya ng bentilador, telebisyon,
washing machine at iba pang appliances sa bahay. Bahagi na ito
ng makabagong teknolohiya sa paggawa. Sadyang
napakaraming naitutulong ng magnet o batubalani sa pang-
araw-araw nating buhay sa tahanan, opisina, at mga pagawaan.

Bilang isang mag-aaral, paano mo gagamitin at


pahahalagahan ang mga bagay na mayroong magnet o
batubalani sa loob nito tulad ng mga nasa larawan?

1. ______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
telebisyon
______________________________________
2. ______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
tablet
___________________

15
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang titik ng


tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

1. Alin sa sumusunod na larawan ang mapagagalaw gamit


ang magnet o batubalani?
A. B. C. D.

2. Ang sumusunod na larawan ay napagagalaw gamit


ang magnet o batubalani maliban sa isa. Alin ito?
A. B. C. D.

3. Ang perdible, klip, pako, at turnilyo ay mga bagay na


napagagalaw ng magnet o batubalani, sa anong materyales
gawa ang mga ito?

A. metal B. plastik C. salamin D. tela


4. Madalas na ginagawang pasalubong o
souvenir item ang ref magnet na maaari at
karaniwan ding pinag iipitan ng bills sa ref. Bakit
kaya dumikit ang souvenir item gaya ng nasa
larawan sa pinto ng ref?

A. Dumidikit ang souvenir item dahil sa magnet sa likod nito


at salamin naman ang pinto ng ref.
B. Dumidikit ang souvenir item dahil sa magnet sa likod nito
at bakal naman ang pinto ng ref.
C. Dumidikit ang souvenir item sa ref dahil sa pareho itong
kahoy.
D. Dumidikit ang souvenir item sa ref dahil sa pareho itong
plastic.

16
5. Ang mga kagamitan natin sa bahay gaya ng bentilador,
telebisyon, washing machine, at iba pa ay umaandar at
napapakinabangan natin. Ano kaya ang konseptong
napapaloob dito?
A. Ang mga kagamitang ito ay may mga materyal na
maaring magsilbing magnet kapag ito ay dinadaanan ng
kuryente.
B. Ang mga kasangkapang ito ay binili nang mahal mula sa
iba pang bansa.
C.Ang mga ito ay huwag nang gamitin upang walang
bayarin sa kuryente.
D. Ang mga appliances na ito ay umaandar dahil sa solar
energy.

17
SUSI SA PAGWAWASTO

5. A 5. 5. 5. A

4. B 4. 4. 4. B

3. A 3. 3. 3. A

2. B 2. 2. 2. B

1. C 1. 1. 1. D

Panapos na Pagsusulit Pagsasanay-Gawain 1 Balik-aral Paunang Pagsubok

Ang magnet o batubalani ay mapagagalaw ang mga bagay na gawa sa metal.

Paglalahat

Pagsasanay- Gawain 2

Sanggunian
Sacatropes, Arthur DC.,et al. Science Kagamitan ng Mag-aaral saTagalog 3
Kagawaran ng Edukasyon at Rex Bookstore, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2015

Abracia, Efrain E., Science and Me 3


Kagawaran ng Edukasyon at Missionbook Publishing, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Quezon, 2005

https://images.app.goo.gl/aXJU7RADHJJ37E7n6

https://images.app.goo.gl/VQEWGgfW5vj2aM1T7

https://images.app.goo.gl/D9gMwSMCyH1VSzTcA

18

You might also like