You are on page 1of 15

Mathematics 1

Kwarter 4
Modyul 6
Nalulutas ang mga suliranin na
patungkol sa mga araw sa isang Linggo

1
Mathematics – Unang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Paglulutas ng mga Suliranin na Patungkol sa mga
Araw sa Isang Linggo

Ikalawang Edisyon, 2021


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Manunulat: Dessie D. Ignacio


Editors: Rhea C. Bucayan Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
Tagasuri: Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Nilalaman: Wilma P. Soriano Mathematics, ABM
Joselito E. Calios, EPS - English/SPFL/GAS
Birnalyn S. Lorayes Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
Joy C. Garcia Filipino/GAS/Piling Larang
Juni D. Ponting Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Blesilda Jean I. Sumabat MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
• Wika: Gina M. Bongalos Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Jessica N. Dacles Librada L. Agon, EdD, EPS
• Teknikal: Paula Bianca E. Macaisa EPP/TLE/TVL/TVE
• Tagaguhit: Maricris N. Pesodas Dulce O. Santos, PhD, EPS
Tagalapat: Jessica O. Leaño Kindergarten/MTB-MLE
Elinette B. Dela Cruz Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS - Special
Education Program
Management Team: Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM

Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-

i
Mathematics 1
Kwarter 4
Modyul 6
Nalulutas ang mga Suliranin na Patungkol sa mga Araw sa
Isang Linggo

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 1 ng Modyul 6 tungkol
sa araling Paglulutas ng mga Suliranin na Patungkol sa mga Araw sa Isang Linggo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

iii
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 1 ng Modyul 6 tungkol
sa araling Paglulutas ng mga Suliranin na Patungkol sa mga Araw sa Isang Linggo!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

iv
INAASAHAN

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang nalulutas ang


mga suliranin na patungkol sa mga araw sa isang Linggo.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kung ang araw ngayon ay Lunes, anong araw


matapos ang pitong araw?

A. Lunes B. Linggo C. Martes

2. Kahapon ay Biyernes, anong araw bukas?

A. Huwebes B. Linggo C. Sabado

3. Dalawang araw mula ngayon ay Linggo. Anong araw


kahapon?

A. Miyerkules B. Huwebes C. Biyernes

SDO_Pasig_Q4_Math_1_Modyul_6
4. Bawat araw ay binibigyan ng kaniyang nanay ng 2
tsokolate si KD. Ilang tsokalate ang nakuha ni KD sa
loob ng isang Linggo?

A. 7 B. 10 C. 14

5. Sabi ng aking Ina kanina, dalawang linggo at tatlong


araw mula ngayon ay bibisitahin namin ang aming lolo
at lola sa probinsya. Anong araw kami bibisita kung
Sabado ngayon?

A. Lunes B. Martes C. Miyerkules

BALIK-ARAL

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga kahon sa


“Board Week”.
Board Week

Mayroong ______ Kung Linggo ang


Magumpisa na araw sa loob ng unang araw ng
dito → isang lingo. buong linggo, _____
ang huling araw.
Lunes, ______, Sabado, ______ ang araw
Martes, Linggo, Lunes bago ang
Miyerkules, Miyerkules
______

SDO_Pasig_Q4_Math_1_Modyul_6
Ang araw Linggo, ______,
pagkatapos Martes, Miyerkules,  Ikaw ay
ng Martes ay Huwebes, Biyernes, nagtagumpay!
_____ at ______.

ARALIN

A. Basahin ang suliranin.


Ang magkapatid na sina Alexis at Ferdinand ay
parehong frontliners. Si Alexis na isang pulis ay may duty
tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Sabado. Si Ferdinand
naman na isang sundalo ay may duty tuwing Martes,
Huwebes at Sabado. Pareho silang walang pasok sa araw
ng Linggo. Ganoon pa man, handa silang ilaan ang araw
ng kanilang pahinga kung sila ay kakailanganin sa
pagpapanatili nang kaayusan at katahimikan ng kanilang
barangay.

Mga Tanong
1. Tuwing kailan ang duty ni Alexis?
Sagot: Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Sabado
2. Ilang araw ang walang duty si Alexis?
Sagot: tatlong araw
3. Ilang araw ang duty ni Ferdinand?
Sagot: tatlong araw
4. Ano-anong araw ang walang duty si Ferdinand?
Sagot: Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo

SDO_Pasig_Q4_Math_1_Modyul_6
5. Anong araw na parehong walang trabaho o duty sina
Alexis at Ferdinand?
Sagot: Linggo

B. Aralin ang pangungusap sa ibaba.


Ngayon ay Martes. Ang araw kahapon ay Lunes at
ang bukas ay Miyerkules. Dalawang araw mula ngayon ay
Huwebes. Limang araw mula ngayon ay Linggo. Linggo din
ang araw bago kahapon. Kung Linggo ang unang araw
ng isang linggo, Martes ang pangatlong araw.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Ngayon ay araw ng Huwebes, nagpasya si Anna na


dalawin ang kaniyang lola nang dalawang araw.
Naghanda siya ng gamit kahapon. Aalis siya isang araw
pagkatapos bukas.

Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Anong araw siya naghanda ng gamit? ______

2. Anong araw siya aalis para dalawin ang kaniyang


lola? ______

SDO_Pasig_Q4_Math_1_Modyul_6
3. Anong araw darating si Anna sa kaniyang lola? ______

4. Anong araw siya babalik sa kanilang tahanan? ______

5. Ano-anong araw siya nanatili sa kaniyang lola? ______

Pagsasanay 2

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kaarawan ni Debbie dalawang araw mula ngayon.


Naghahanda na siya ng mga gagamitin para sa
kaniyang kaarawan ngayong araw ng Linggo. Anong
araw ang kaniyang kaarawan?

A. Lunes B. Martes C. Miyerkules

2. Namasyal sina Dekdek at Arvin sa Tagaytay. Apat na


araw silang nanatili sa Tagaytay. Araw ng Lunes
sila nakabalik sa kanilang bahay. Anong araw sila
nakarating sa Tagaytay?

A. Miyerkules B. Huwebes C. Biyernes

3. Kahapon pa sumasasakit ang ngipin ni Miggy. Isang


araw mula ngayong Biyernes pa magbubukas ang
klinika ni Dra. Caluya. Anong araw magbubukas ang
klinika?

A. Sabado B. Linggo C. Lunes

SDO_Pasig_Q4_Math_1_Modyul_6
4. Araw ng Lunes na nagsimula ang pamilya Demano na
mamahagi ng tig 5 kilong bigas sa kanilang mga
kabarangay. Anim na araw silang namahagi ng bigas.
Anong araw sila natapos ng pamamahagi ng bigas?

A. Martes B. Huwebes C. Sabado

5. Nagsimulang gumawa ng ube pandesal si Honey tatlong


araw mula ngayong araw ng Huwebes. Anong araw sya
nagsimulang gumawa ng ube pandesal?

A. Lunes B. Martes C. Miyerkules

Pagsasanay 3
Panuto: Basahin at lutasin ang suliranin. Gumuhit ng bilog
at isulat ang sagot sa loob ng bilog.

Aalis si Arlin bukas, nais niyang dalawin ang kaniyang


lola sa Cebu. Nakahanda na ngayong Biyernes ang mga
dadalhin niyang gamit at pasalubong sa kaniyang lola.
Kailangan niyang maglakbay ng dalawang araw.
Mananatili siya ng tatlong araw sa bahay ng kaniyang lola
sa Cebu. Pagkatapos ng tatlong araw babalik na ulit si
Arlin sa kanilang bahay. Kailan kaya makakauwi si Arlin
kung maglalakbay ulit siya ng dalawang araw pabalik sa
kanilang bahay?
1. Kailan aalis si Arlin?

SDO_Pasig_Q4_Math_1_Modyul_6
2.Kailan makakarating si Arlin sa Cebu?

3.Hanggang kailan siya mananatili sa Cebu?

4.Kailan makakabalik sa bahay si Arlin?

5.Ano ang pangalawang araw na nasa Cebu si


Arlin?

PAGLALAHAT

Panuto: Sagutin ang mga tanong.


A. Ano-ano ang pitong araw sa isang linggo?
Mabibigkas mo ba ang ngalan ng mga araw ayon sa
pagkakasunod - sunod nito?
B. Ilagay ang tamang sagot sa patlang.
1. Ang araw ngayon ay _____.
2. Ang araw bukas ay _____.
3. Ang araw kahapon ay _____.
4. Ang araw tatlong araw mula ngayon ay _____.
5. Ang araw bago kahapon ay _____.

PAGPAPAHALAGA

SDO_Pasig_Q4_Math_1_Modyul_6
Panuto: Basahin at unawain ang tanong. Isulat sa patlang
ang sagot.
Sa iyong palagay bakit importante sa isang pamilya ang
araw ng Linggo o anumang araw ng pahinga?
______________________________________
______________________________________
______________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at lutasin ang bawat suliranin. Gumuhit ng


kahon at isulat ang sagot.

1. Kung ang ika- 21 ng Enero ay Lunes. Anong araw ang


ika-28 ng Enero?

2. Tatlong araw bago marating ni Ryan ang lupain ng


kaniyang Tiya Remy. Kung umalis siya ng Lunes, anong
araw siya makakarating sa lupain ng kaniyang Tiya
Remy?

3. Nais malibot nina Zoe at Audrey ang bahagi ng


Palawan. Kailangan nila ng limang araw para magawa

SDO_Pasig_Q4_Math_1_Modyul_6
ito. Kung mag-uumpisa sila ng Huwebes, anong araw
sila matatapos maglibot?

4. Sa ika-14 ng Pebrero ang araw ng pagsusulit. Kung ang


ika-12 ng Pebrero ay Martes, anong araw ang
pagsusulit?

5. Dadalo si Anya ng reunion ng kanilang pamilya sa


Batanes ng tatlong araw. Naghanda siya ng kanyang
mga gamit ngayong araw ng Huwebes, aalis siya isang
araw pagkatapos bukas, anong araw siya aalis?

SUSI SA PAGWAWASTO
9

SDO_Pasig_Q4_Math_1_Modyul_6
SDO_Pasig_Q4_Math_1_Modyul_6
10
Panapos na Pagsusulit Pagsasanay 3 Pagsasanay 2
1. Lunes 1. Sabado 1. B
2. Huwebes 2. Lunes 2. B
3. Lunes 3. Miyerkules 3. A
4. Huwebes 4. Sabado 4. C
5. Sabado 5. Martes 5. A
Pagsasanay 1 Balik-Aral Paunang Pagsubok
1. Huwebes 1. B
2. Sabado 2. B
3. Sabado 3. B
4. Lunes 4. C
5. Sabado at 5. A
Linggo
z

You might also like