You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Modyul para sa
Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 5: Kinalalagyan ng mga Lungsod at Munisipalidad
sa NCR
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Angelica Vinet D. Pascual, Beatriz M. Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
Mendoza Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Editors: Edna P. Obias, Chona H. Vergara, Ma. Mathematics, ABM
Cecilia L. Atuan, Birnalyn S. Lorayes Joselito E. Calios, EPS -
Tagasuri: English/SPFL/GAS
• Nilalaman: Kevin R. Idanan, Solito C. Dela Paz Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
Jr. Filipino/GAS/Piling Larang
• Wika: Maria Brombuela, Paula Micaela Adeza Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
• Teknikal: Ernesto D. Tabios Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Tagaguhit: Beatriz M. Mendoza, Ernesto D. MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Tabios Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz, Ernesto D. Librada L. Agon, EdD, EPS
Tabios EPP/TLE/TVL/TVE
Dulce O. Santos, PhD, EPS
Management Team: Kindergarten/MTB-MLE
Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS -
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Special Education Program
OIC-Schools Division Superintendent Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Carolina T. Rivera, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations
Division
Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City
Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_1
Araling
Panlipunan
3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Kinalalagyan ng mga Lungsod at
Munisipalidad sa NCR

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3 ng Modyul 5
para sa araling Kinalalagyan ng mga Lungsod at Munisipalidad sa NCR.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_1
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 Modyul 5 ukol sa
Kinalalagyan ng mga Lungsod at Munisipalidad sa NCR.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makompleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_1
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang


nasusuri ang kinalalagyan ng mga lalawigan ng sarling rehiyon
batay sa nakapaligid gamit ang pangunahing direksiyon.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Ayusin ang ginulong titik upang matukoy ang tamang
salitang angkop upang mabuo ang pahayag sa ibaba.

IREDKYONS
__ __ __ __ __ __ __ __ __

Ang _ _ _ _ _ _ _ _ _ ay ang linya o kurso na tinutungo ng isang


bagay. Maaaring tinutukoy nito ang Hilaga, Timog, Silangan o
Kanluran. Maaari ring harap, likod, kanan at kaliwa.

BALIK-ARAL
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot.

1. 2. 3.

4. 5.

A. Kabahayan C. Paaralan
B. Gusali D. Ospital
E. Ilog

1 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_5
ARALIN

Paano natin
matutukoy ang
lokasyon ng Ano-ano ang
mga lugar sa pangunahing
pamamagitan direksiyon?
ng direksiyon?

Kinalalagyan ng mga Lungsod sa Rehiyong NCR Batay sa


Direksiyon
Ang lahat ng mapa ay nakaayon sa hilaga.
Kung titingnan ang mapa, mapapansin sa itaas na
bahagi nito ang simbolong H na
nangangahulugang Hilaga at sa Ingles naman ay
N na ang ibig sabihin ay North.
May mapa namang ang ginagamit na
pananda ay Compass rose. Ipinakikita nito ang
kardinal na direksiyon o ang primaryang direksiyon: ang Hilaga,
Kanluran, Timog at Silangan. Sa Silangan sumisikat ang araw at sa
dakong kaliwa ay Kanluran kung saan lumulubog ang araw. Timog
naman ang katapat ng Hilaga. Ito ang mga kardinal o
pangunahing direksyon.
Kung gagamit ng digital na mapa, ginagamit
naman ang imahe na ito bilang pananda ng isang
lugar. Tinatawag itong Map Pin o Location Pin.
Ginagamit ito kapag gumagamit ang isang tao ng
Google Map. Nasa patusok na ibabang bahagi ng
pin ang eksaktong lugar sa digital na mapa.

2 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_5
Ang National Capital
Region o Metro Manila ay isang
rehiyon sa ating bansa. Isa ito sa
pinakamaunlad na rehiyon sa
ngayon. Tingnan ang lokasyon
nito sa mapang nasa kanan.
Ilarawan ang lokasyon nito
sa tulong ng gabay na
direksiyon sa itaas na mapa.
Napansin mo ba ang
legend na nasa kanan? Ang H
ay tumutukoy sa Hilaga na nasa
itaas na bahagi ng mapa, ang T
ay tumutukoy sa Timog, ang K
ay Kanluran, at S sa Silangan.

Mapapansin na ang NCR


ay nasa gitnang bahagi ng
Pilipinas. Matatagpuan ito sa
kanlurang bahagi ng Luzon.
Ang mapa sa kaliwa ay
nagpapakita ng mga lokasyon
ng bawat lungsod sa NCR.
Suriin ang mga lugar na
nakapaligid sa lungsod ng
Maynila.
Hilaga – Lungsod ng
Caloocan
Kanluran – Look ng Maynila
Silangan – Lungsod ng
Quezon at San Juan.
Timog – Lungsod ng Makati at
Pasay.
Mahalaga ang direksyon sa pagsasabi ng lokasyon ng iba’t ibang
lugar. Nakatutulong sa mga manlalakbay ang kaalaman tungkol
sa direksiyon.

3 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_5
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Tingnan ang mapa ng rehiyong NCR. Punan ang bawat
patlang ng angkop na lungsod o munisipalidad upang mabuo
ang bawat pangungusap. Gawin ito sa sariling sagutang papel.
1. Ang ______________ ay nasa
gawing hilaga ng Lungsod ng
Quezon.

2. Ang lungsod ng _________ ay


nasa Timog na bahagi ng
Marikina.

3. Ang _____________ ay nasa


Hilagang bahagi ng Lungsod
ng Parañaque.

4. Ang ______________ ay nasa


Kanluran ng Pateros at Taguig.

5. Ang ______________ ay nasa


direksiyong Timog ng rehiyon.

4 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_5
Pagsasanay 2
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.
1. Saang direksiyon sumisikat ang araw?
A. Kanluran B. Silangan C. Timog

2. Saang direksiyon lumulubog ang araw?


A. Hilaga B. Kanluran C. Silangan

3. Ang Hilaga, Silangan, Timog, at Kanluran ay tinatawag na mga


_______?
A. Compass Rose
B. Mapa
C. Pangunahing Direksyon

4. Ano ang tawag sa pananda na ginagamit sa pagtukoy sa


direksyon sa mapa?
A. Compass Rose B. Globo C. Mapa
5. Ang lokasyon ng isang lugar ay matutukoy sa tulong ng mga
________?
A. Direksiyon
B. Distansiya
C. Paaralan

Pagsasanay 3
Panuto: Iguhit ang tatsulok ( ) kung ang pahayag ay tama at
parisukat ( ) kung mali.
_____1. Ang katapat ng Hilaga ay ang Timog.
_____2. Sa Kanluran sumisikat ang araw.
_____3. Compass Rose ang tawag sa pananda na ginagamit sa
mga direksiyon sa mapa.
_____4. Magkatapat ang Silangan at Timog.
_____5. Nasa bandang kanan ang direksiyon na Kanluran.

5 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_5
PAGLALAHAT
Panuto: Ibigay ang ibig sabihin ng mga titik batay sa
Pangunahing Direksyon na natutuhan mo sa aralin.

S
T

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Basahin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.


Isulat ang iyong sagot sa ibaba.
1. Ano-ano ang mga pangunahing direksiyon sa mapa?
2. Bakit mahalaga ang paggamit ng Compass rose?
3. Bakit mahalagang matutuhan ang direksiyon?

1. ___________________________________________________________
_________________________________
2. ___________________________________________________________
_________________________________
3. ___________________________________________________________
________________________________

6 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_5
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin kung anong mga lungsod o munusipalidad ang


matatagpuan sa direksiyon ng mga sumusunod na lugar.

1. Hilaga ng Manila: __________________________________________


2. Kanluran ng San Juan: _____________________________________
3. Timog ng Pasig: ____________________________________________
4. Hilaga ng Makati: __________________________________________
5. Silangan ng Caloocan: ____________________________________

7 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_5
SUSI SA PAGWAWASTO

5. B 5. Muntinlupa 5. A
4. A 4. Makati 4. A
3. E 3. Pasay 3. C
direksyon 2. D 2. Pasig 2. B
DIREKSYON 1. C 1. Caloocan 1. B
Paunang Pagsubok Balik-Aral Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

5. Quezon City 5.
4. 4. Kanluran Mandaluyong at Manila 4.
3. 3. Timog Pateros 3.
2.
2. Silangan Manila 2.
1.
1. Hilaga Navotas, Caloocan, at Quezon City 1.

Pagsasanay 3 Paglalahat Panapos na Pagsusulit

Sanggunian
Frumencio Co. August 2017. A Map of NCR with City Labels. Research Gate.
https://www.researchgate.net/profile/Frumencio-
Co/publication/319310671/figure/fig1/AS:531987815714816@1503847187102/A-Map-of-NCR-
with-City-Labels.png

Miranda, Ocampo, Amita, Reyes, De Ramos, Tiamzon, Adriano, Quintos. Araling


Panlipinan 1. 1ST Ed. Republika ng Korea ng Prinpia Co., Ltd. 54

User:TheCoffee. August 12, 2007. Metro manila map (1).png. Wikimedia


Commons.https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/6/6f/Metro_manila_m
ap_%281%29.png

Public Domain Vectors. Thinking boy vector image. Public Domain.


https://publicdomainvectors.org/photos/ryanlerch_thinkingboy_outline.png.
Retrieved July 18, 2021.

User:TheCoffee. August 12, 2007. Metro manila map (1).png. Wikimedia


Commons.https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/6/6f/Metro_manila_m
ap_%281%29.png

8 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_5

You might also like