You are on page 1of 14

MAPEH 3

MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH


Arts – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 6: Tekstura at Hugis
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Zenaida R. Tindoy MAEd, SpEd
Editors: Alicia Jubilo, Dennis C. Didulo
Tagasuri: Liza A. Alvarez
 Nilalaman: Bonifacio A. Matondo Jr. EPS - Science/STEM/ SSP
Sheena Joye S. Abuan Teresita P. Tagulao, Ed.D.
 Wika: Sheira Rose R. Layda EPS - Mathematics, ABM
Roselle U. Rosario Joselito E. Calios
EPS - English/SPFL/ GAS
 Teknikal: Anna Lissa B. Cuison
Ma. Teresita E. Herrera, Ed.D.
Roi M. Watanabe
EPS Filipino/GAS/Piling Larangan
Tagaguhit: Edison P. Clet, Zeniva M. Rabina Bernard R. Balitao
Peter F. Bautista EPS - AP/HUMSS
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz, Peter F. Bautista Norlyn D. Conde, Ed.D.
Ruth A. Magistrado EPS MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Perlita M. Ignacio, Ph.D.
Management Team: EPS - EsP
Librada L. Agon, Ed.D.
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin EPS EPP/TLE/ TVL/TVE
OIC-Schools Division Superintendent Dulce O. Santos, Ph.D.
Carolina T. Rivera, CESE EPS Kindergarten/MTB-MLE
Assistant Schools Division Superintendent Susan L. Cobarrubias, Ed.D.
Manuel A. Laguerta, Ed.D. PSDS - Special Education Program
Chief, Curriculum Implementation Division Wilma Q. Del Rosario
Victor M. Javeña, Ed.D. EPS - LRMS/ ADM
Chief, School Governance and Operations Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com
MAPEH 3
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
Tekstura at Hugis
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts 3 ng Modyul 6 para sa
araling Tekstura at Hugis!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod
Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng
Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa
pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng
butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral


ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-
lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking
and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang


pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts 3 Modyul 6 ukol sa Tekstura at
Hugis!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa
loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan pagkatapos mong makompleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga


dapat mo pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa
mga na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na
ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na


dapat bigyan halaga.
PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


psmpagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


 natutukoy ang mga tekstura at hugis ng likas o gawa
ng tao na bagay;
 nakaguguhit ng halaman, bulaklak, o puno na
nagpapakita ng iba’t ibang tekstura at hugis ng bawat
bahagi gamit ang lapis o itim na krayola o bolpen; at
 naibabahagi ang iyong nararamdaman sa
paghahanap ng paraan kung paano makikilala ang
tekstura ng isang bagay.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at intindihin ang mga tanong. Piliin ang


tamang sagot at isulat ang letra sa patlang bago
ang bilang.

________ 1. Ang ______________ ay mabilis na pagtatala ng


mga bagay na iyong nakikita sa paligid.
A. coloring C. sketching
B. drawing D. working

________ 2. Ito ay isang elemento ng sining na naglalarawan


ng bagay at tao ayon sa kaniyang katangiang
pisikal.
A. amoy C. kulay
B. hugis D. tekstura

SDO_Pasig_Q1_Arts_3_Modyul_6
_______ 3. Ang _______________ ay naglalarawan sa
pisikal na porma ng isang bagay.
A. anyo C. hugis
B. haba D. laki

_______ 4. Ang mga _______________ ay ginagamit


sa paggawa ng sketches.
A. amoy at kulay C. hugis at kulay
B. haba at anyo D. linya at hugis

_______ 5. Ang _______________ ay kalimitang tapos


at nagpapakita ng buong larawan ng
isang tagpo o paksa at nangangailangan
ng maraming biswal na detalye.
A. paghahabi C. paglililok
B. pagkukulay D. pagpipinta

BALIK-ARAL

Panuto: Basahin at intindihin ang bawat tanong at isulat


ang iyong sagot sa nakalaang patlang.
Paano nagagawa ng isang pintor na maging
kaakit-akit at makabuluhan ang kaniyang likhang
sining? Ano ang dalawang uri ng linya na
tinalakay natin?

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

SDO_Pasig_Q1_Arts_3_Modyul_6
ARALIN

Anong mga bagay ang nakikita ninyo sa inyong


paligid?
Ang sketching ay mabilis na pagtatala ng mga bagay
na iyong nakikita sa paligid. Ang mga guhit na ito ay
kadalasang simple ngunit maganda. Samantalang ang
pagpipinta o drawing ay kalimitang tapos at
nagpapakita ng buong larawan ng isang tagpo o paksa
at nangangailangan ng maraming biswal na detalye.
Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ano ang iyong
masasabi?

Sunflower Calla Lily

Gumamela Rosas
Photo Source: https://www.canva.com/

SDO_Pasig_Q1_Arts_3_Modyul_6
Magbigay ng ilang mga salita na naglalarawan sa
mga bulaklak.
May iba-iba silang hugis, kulay, at tekstura.
Sa pagguhit at pagpipinta, ang tekstura at hugis ay
mahalaga. Ang tekstura ay isang elemento ng sining na
naglalarawan ng bagay at tao ayon sa kaniyang
katangiang pisikal. Ang hugis naman ay naglalarawan sa
pisikal na porma ng isang bagay.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang
sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa patlang
bago ang bilang.

anyo linya at hugis sketching


hugis pagpipinta tekstura

__________ 1. Ang __________ ay kalimitang tapos at


nagpapakita ng buong larawan ng isang
tagpo o paksa at nangangailangan ng
maraming biswal na detalye.

___________ 2. Ang __________ ay mabilis na pagtatala ng


mga bagay na iyong nakikita sa paligid.

___________ 3. Ang mga __________ ay ginagamit sa


paggawa ng sketches.

SDO_Pasig_Q1_Arts_3_Modyul_6
____________ 4. Ang __________ ay naglalarawan sa pisikal
na porma ng isang bagay.
____________ 5. Ito ay isang elemento ng sining na
naglalarawan ng bagay at tao ayon sa
kaniyang katangiang pisikal.

Pagsasanay 2
Panuto: Lumikha ng iyong sariling sariling sketch. Gawin ito
sa bond paper.
Pagguhit ng Halaman, Bulaklak, o Puno
Mga Kagamitan: bond paper, itim na krayola,
lapis
Pamamaraan:
1. Humanap ng isang halaman, bulaklak, o puno
na gusto mong iguhit.
2. Iguhit at ipinta ang mga detalye nito.
3. Ipakita ang tekstura gamit ang cross hatch
lines.
4. Kulayan ito at pagandahin pa.
5. Ipakita mo ang iyong ginawa sa inyong pamilya
at ibahagi ang iyong naramdaman habang
ginagawa mo ang iyong likhang sining.

SDO_Pasig_Q1_Arts_3_Modyul_6
PAGLALAHAT

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba.


Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Ano ang tawag sa nagsisilbing gabay ng isang
pintor para makabuo ng isang kongkretong
likhang sining?
________________________________________________
Ano ang mga elemento na ginagamit sa
paggawa ng sketches ng likas na mga bagay
tulad ng mga halaman, bulaklak o puno?
_________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Basahin at intindihin ang mga tanong. Isulat sa
nakalaang mga patlang sa ibaba ang iyong mga
sagot.

Paano mo mapahahalagahan ang mga


bagay sa iyong kapaligiran lalo na ang mga likas
na yaman? Bakit mahalaga ang pagbabahagi
ng iyong nararamdaman?
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
6

SDO_Pasig_Q1_Arts_3_Modyul_6
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang pangungusap at isulat ang TAMA kung
wasto at MALI naman kung hindi.
________ 1. Ang sketching ay nagsisilbing gabay ng isang
pintor para makabuo ng isang kongkretong
likhang sining.

________ 2. Ang mga metro-aide o street sweeper lamang


ang dapat mangangalaga sa ating kapaligiran
at parke.

________ 3. Sa pagguhit at pagpipinta, ang tekstura at hugis


ay mahalaga.

________ 4. Kung ano man ang ating nararamdaman ay


dapat na itago na lang dahil baka
mapagtawanan tayo.

________ 5. Ang pagpipinta o drawing ay kalimitang tapos at


nagpapakita ng buong larawan ng isang tagpo o
paksa at nangangailangan ng maraming biswal
na detalye.

SDO_Pasig_Q1_Arts_3_Modyul_6
SDO_Pasig_Q1_Arts_3_Modyul_6
8
Paunang Pagsubok Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. C 1. Pagpipinta Drawing
2. D 2. sketching
3. C 3. Linya at hugis
4. D 4. hugis
5. D 5. tuwid na linya
Balik-aral
Nagagawa ng isang pintor na maging kaakit-akit at
makabuluhan ang kaniyang likhang sining sa pamamagitan
ng paggamit ng iba’t ibang uri ng linya.
Ang dalawang uri ng linya ay tuwid na linya at pakurba na
linya.
Paglalahat
Sketches ang tawag sa nagsisilbing gabay ng isang pintor
para makabuo ng isang kongkretong likhang sining.
Tekstura at Hugis ang mga elemento na ginagamit sa
paggawa ng sketches ng likas na mga bagay tulad ng mga
halaman, bulaklak o puno.
Pagpapahalaga
Mapahahalagahan natin ang mga bagay sa ating
kapaligiran o ang likas na yaman sa pamamagitan ng pag-
aalaga nito. Isang halimbawa sa ating parke, kapag nandoon
tayo ay huwag magkalat o mamitas ng mga halaman at
bulaklak.
Mahalaga ang pagbabahagi ng ating nararamdaman
para maibsan kung may mabigat mang dinadala sa dibdib. At
kung tayo naman ay masaya, makahahawa tayo ng ating
kaligayahan. Sa ating pamilya, magandang tayo ang source
o pinagmumulan ng kaligayahan at hindi sakit ng ulo.
Panapos na Pagsusulit
1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. MALI
5. TAMA
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Montañez, Cynthia. et al. Music, Art, Physical Education and
Health.
Rex Bookstore, Inc. Manila.2014

https://steemit.com/photography/@icelarbes/gumamela-flower

https://www.pinterest.ph/pin/625789310700835822/

https://www.amazon.com/GlobalRose-Fresh-White-Calla-
Lilies/dp/B007MEV3L2

https://www.proflowers.com/blog/history-and-meaning-of-tulip

Sunflower. https://www.canva.com/design/DAEkn-
IcRmk/1oI9cbwDTdrZJfHyfIuEHg/edit

Calla Lilies. https://www.canva.com/design/DAEkn-


IcRmk/1oI9cbwDTdrZJfHyfIuEHg/edit

Gumamela. https://www.canva.com/design/DAEkn-
IcRmk/1oI9cbwDTdrZJfHyfIuEHg/edit

Rose. https://www.canva.com/design/DAEkn-
IcRmk/1oI9cbwDTdrZJfHyfIuEHg/edit

SDO_Pasig_Q1_Arts_3_Modyul_6

You might also like