You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Modyul para sa
Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 10: Payak na Map ana Nagpapakita ng Mahahalagang Anyong
Lupa at Anyong Tubig ng NCR
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Solito C de la Paz Jr. at Paula Micaela Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
Punzal Adeza Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Editors: Mathematics, ABM
Tagasuri: Joselito E. Calios, EPS -
• Nilalaman: Kevin R. Idanan, Solito C. Dela Paz English/SPFL/GAS
Jr. Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
• Wika: Maria Brombuela, Paula Micaela Adeza Filipino/GAS/Piling Larang
• Teknikal: Ernesto D. Tabios Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz, Ernesto D. MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Tabios Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Librada L. Agon, EdD, EPS
Management Team: EPP/TLE/TVL/TVE
Dulce O. Santos, PhD, EPS
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Kindergarten/MTB-MLE
OIC-Schools Division Superintendent Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS -
Carolina T. Rivera, CESE Special Education Program
Assistant Schools Division Superintendent Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations
Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10
Araling
Panlipunan
3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 10
Payak na Mapa na Nagpapakita ng
Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong
Tubig ng NCR

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3 ng Modyul 10
para sa araling Payak na Map ana Nagpapakita ng Mahahalagang Anyong Lupa at
Anyong Tubig ng NCR.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 Modyul 2 ukol sa Ang
Kahulugan ng mga Simbolo sa Mapa.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makompleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang


nakagagawa ng payak na mapa na nagpapakita ng
mahahalagang anyong lupa at anyong tubig ng sariling
lalawigan at mga karatig na lalawigan nito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba. Piliin ang anyong lupa


o anyong tubig na makikita sa bawat lugar. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

Pangalan ng Lugar Uri ng Anyong Lupa o Tubig


1. Maynila A. Bulkan B. Kapatagan
2. Rizal A. Talon B. Dagat
3. Marikina A. Ilog B. Dagat
4. Cavite A. Kapatagan B. Bulkan
5. Rizal Province A. Kapatagan B. Bulubundukin

BALIK-ARAL
Batay sa pisikal na mapa ng inyong rehiyon, Isulat ang
wastong salita upang mabuo ang mga pahayag.

Pasig kapatagan Makati


lambak burol Maynila

1. Sa Lungsod ng _____ makikita ang natatanging Talampas ng


Guadalupe.
2. Ang Ilog ______________ ay anyong tubig na nag-uugnay sa
mga lungsod sa Metro Manila.

1 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10
3. Malaking bahagi ng NCR ay ______________________.
4. Ang Lungsod ng Marikina ay halimbawa ng isang ___________.
5. Sa Lungsod ng ____________________ makikita ang isang anyong
tubig na look.

ARALIN

Ang mapa ay isang larawan o patag na representasyon sa


papel ng isang lugar o maaaring kabuuan o bahagi lamang
nito na nagpapakita ng pisikal na katangian, mga lungsod,
kabisera, mga daan, at iba pa.
Ang mapa ay gumagamit ng iba`t-ibang simbolo upang
mailarawan ang ilang mga bagay, katangian, at iba pang
impormasyon tungkol sa isang lugar.

Sa pamamagitan ng mga simbolo sa mapa ay natutukoy natin


ang anyong lupa at anyong tubig ng ating lalawigan at ang
karatig nito. Mahalagang magkaroon tayo ng kaalaman sa
mga nakapalibot sa ating paligid gaya ng mga anyong lupa
at anyong tubig.
Mga Anyong Lupa Mga Anyong Tubig

kapatagan talon

talampas ilog

bundok lawa

bulkan dagat

lambak karagatan

burol look

bulubundukin

2 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10
Pag-aralan naman natin ang isang uri ng mapa. Ang Mapang
Pisikal ay isang uri ng mapa na nagpapakita ng iba’t ibang
kaanyuang pisikal gaya ng anyong lupa at anyong tubig sa
isang lalawigan at karatig lalawigan.
Tingnan at suriing mabuti ang Mapang Pisikal.

Makikita sa mapang ito ang Rehiyong NCR, Bulacan, Rizal,


Cavite at Laguna. Masisilayan din ang mga simbolo ng anyong
tubig at anyong lupa sa mga lalawigan at karatig lalawigan.

3 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10
Mga dapat tandaan sa paggawa ng isang payak na mapa:
1. Alamin ang inyong lugar, lalawigan at karatig lalawigan.
2. Suriin at tingnan ang mga anyong lupa at anyong tubig na
makikita sa iyong lalawigan.
3. Iguhit ang simbolo ng anyong lupa at anyong tubig na
makikita sa inyong lugar.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin ang simbolo ng anyong lupa at anyong tubig ng
bawat lalawigan. Iguhit ang simbolo sa loob ng kahon.

1. Bundok Gola

3. Daranak Falls
2. Look ng Manila

4. Lawa ng Laguna

5. Bulkang Taal

4 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang pangungusap at iguhit sa patlang ang
simbolong tinutukoy nito sa lugar na nabanggit.

__________1. Ang Hinulugang Taktak ay kilalang talon sa Antipolo,


Rizal.

__________2. Natuwa si Ren nang matanaw ang Bundok ng


Makiling sa Laguna.

__________3. Hindi nakaramdam ng lubak sa daan si Pau habang


nagmamaneho sa kapatagan ng Cavite.

__________4. Pumunta ang mag-ama ni Kevin sa Lawa ng Laguna


para mamili ng mga sariwang isda.

__________5. Masayang namingwit si Ruben at Ernie sa Ilog ng


Marikina.

Pagsasanay 3
Panuto: Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang T kung
ang pahayag ay tama at M naman kung mali.
_______1. Mahalaga ang mga simbolo sa paggawa ng payak na
mapa.
_______2. Dahil sa mga simbolo, natutukoy natin ang mga anyong
lupa at anyong tubig ng isang lalawigan.
_______3. Maaari tayong gumawa ng payak na mapa sa
pamamagitan ng ilang impormasyon sa lugar, mga anyong lupa,
anyong tubig, at simbolo nito.
_______4. Ang mapa ay isang larawan o isang patag na
representasyon sa papel ng isang lugar
_______5. Ang mapa ay bilog na modelo ng mundo.

5 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10
PAGLALAHAT
Isulat sa patlang ang mga dapat tandaan sa paggawa ng isang
payak na mapa.
1. ______________________________________________________________
________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA
Magbigay ng tatlong dahilan kung bakit mahalagang matukoy
ang mga anyong lupa at anyong tubig na nakapalibot sa ating
rehiyon.
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________

6 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Sa iyong sagutang papel, gumawa ng isang payak na


mapa sa iyong sariling lalawigan at karatig lalawigan. Gamiting
batayan ang Mapang Pisikal, simbolo ng anyong lupa, at anyong
tubig na makikita sa ibaba.

Mga Anyong Lupa Mga Anyong Tubig

kapatagan talon

talampas ilog

bundok lawa

bulkan dagat

lambak karagatan

burol look

bulubundukin

7 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10
SUSI SA PAGWAWASTO
5. M 5.

4. T 4.
3. T 3.
2. T 2.
1. T 1.
Pagsasanay 3 Pagsasanay 2

5. 5. Maynila 5. B
4. 4. Lambak 4. B
3. 3. Kapatagan 3. A
2. 2. Pasig 2. A
1. 1. Makati 1. B

Pagsasanay 1 Balik-Aral Paunang Pagsubok

Sanggunian
Eleanor D. Antonio, et. Al. 2017, Kayaman 3(National Capital Region)Rex
Book Store, Inc. (RBSI) pp. 52-62

Google Map.
https://www.google.com/maps/d/viewer?mid=1l4Clf7zV6PiFP7rAK0ML9Em8v
Tg&ie=UTF8&hl=en&msa=0&source=embed&ll=14.573313294983258%2C121.0
6974633620305&spn=0.010384%2C0.018454&z=12

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, 2015 Araling Panlipunan 3: Inilimbag


sa Pilipinas ng Book Media Press, Inc., Kagamitan ng mga Mag-aaral,
Kagawaran ng Edukasyon pp.84-97

Yuiyui2014. May 11, 2020. Metro manila map.png. Wikimedia Commons.


https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/3/3a/Metro_manila_map.
png

8 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_10

You might also like