You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Modyul para sa
Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 4: Mga lalawigan (siyudad at munisipalidad) ng
Sariling Rehiyon (NCR)
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Pasig


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Angelica Vinet D. Pascual Liza A. Alvarez, EPS - Science/STEM/SSP
Editors: Edna P. Obias, Ma. Cecilia L. Atuan, Teresita P. Tagulao, EdD, EPS
Birnalyn S. Lorayes Mathematics, ABM
Tagasuri: Joselito E. Calios, EPS -
• Nilalaman: Kevin R. Idanan, Solito C. Dela Paz English/SPFL/GAS
Jr. Ma. Teresita E. Herrera, EdD, EPS
• Wika: Maria Brombuela, Paula Micaela Adeza Filipino/GAS/Piling Larang
• Teknikal: Ernesto D. Tabios Bernard R. Balitao, EPS - AP/HUMSS
Tagaguhit: Ernesto D. Tabios Norlyn D. Conde, EdD, EPS
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz, Ernesto D. MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports
Tabios Perlita M. Ignacio, PhD, EPS - EsP
Librada L. Agon, EdD, EPS
Management Team: EPP/TLE/TVL/TVE
Dulce O. Santos, PhD, EPS
Ma. Evalou Concepcion A. Agustin Kindergarten/MTB-MLE
OIC-Schools Division Superintendent Susan L. Cobarrubias, EdD, PSDS -
Carolina T. Rivera, CESE Special Education Program
Assistant Schools Division Superintendent Wilma Q. Del Rosario, EPS - LRMS/ADM
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña, EdD
Chief, School Governance and Operations
Division

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyon ng Pasig City


Department of Education – National Capital Region
Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax: 641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: division.pasig2016@gmail.com

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_1
Araling
Panlipunan
3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Ang mga Lungsod at Munisipalidad ng Sariling
Rehiyon (NCR)

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_1
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3 ng Modyul 4
para sa araling Ang mga Lungsod at Munisipalidad ng Sariling Rehiyon (NCR).

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_1
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 Modyul 4 ukol sa Ang mga
Lungsod at Munisipalidad ng Sariling Rehiyon (NCR).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makompleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_1
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


naiisa isa ang mga lalawigan (syudad at munisipalidad) ng sariling
rehiyon (NCR)

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Halina’t pumunta sa iba’t ibang lugar na makikita sa NCR.
Dumaan sa maze patungo sa mga pasyalan.
A.

B.

Rizal Park

1 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_4
BALIK-ARAL
Panuto: Ibigay ang pagkakaiba ng lungsid at munisipalidad.
Lungsod - _____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Munisipalidad - ______________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

ARALIN

Ang National Capital Region (NCR) o Metro Manila ay isang


rehiyon sa ating bansa. Isa ito sa pinakamaunlad na rehiyon sa
ngayon. Ito ang sentro ng pamahalaan, edukasyon, kultura,
sining, relihiyon, kalakalan, industriya at libangan.
Makikita sa mapa ng Pilipinas ang lokasyon ng NCR o
National Capital Region.

National Capital Luzon


Region (NCR)

Visayas

Mindanao

2 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_4
Makikita sa ibaba ang mapa ng NCR. Binubuo ito ng 16 na
mga lungsod at isang munisipalidad. Ang bawat lungsod at
munisipalidad ay may iba’t ibang laki at lawak.

NA
VO
TA
S

MANILA

Ang bumubuo sa rehiyong NCR ay mga lungsaod ng:


1. Caloocan
2. Las Piñas
3. Makati
4. Malabon
5. Mandaluyong
6. Marikina
7. Maynila
8. Muntinlupa
9. Navotas
10. Parañaque
11. Pasay
12. Pasig
13. Quezon City

3 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_4
14. San Juan
15. Taguig
16. Valenzuela

Ang nag-iisang munisipalidad naman ay ang:


17. Pateros

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Isulat sa kahon ang pangalan ng nawawalang
lungsod o munisipalidad sa mapa ng NCR.

4 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_4
Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng
pangungusap, at MALI naman kung hindi.
_________ 1. Ang NCR ay may 16 na lungsod.
_________ 2. Ang NCR ay isa sa pinakamaunlad na rehiyon sa
bansa.
_________ 3. Pinakamalawak ang kalupaan ng Lungsod ng
Navotas.
_________ 4. May isang munisipalidad na kabilang sa NCR.
_________ 5. Pare-pareho ang laki at lawak ng kalupaan ng bawat
lungsod at munisipalidad sa NCR.
Pagsasanay 3
Panuto: Hanapin at bilugan nang pahalang o pababa
ang 16 na lungsod at 1 munisipalidad sa NCR na nasa
crossword puzzle.
P A S I G A R T P A S A Y
I S M A Y N I L A H M C L
C A O Q U E Z O N U N S M
A D L A S P I Ñ A S T A U
L V A L E N Z U E L A N N
O T P A R A Ñ A Q U E J T
O A P A T E R O S N A U I
C G M A R I K I N A S A N
A U I L N A V O T A S N L
N I G M A L A B O N R B U
S G A C I P M A K A T I P
M A N D A L U Y O N G R A

5 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_4
PAGLALAHAT
Panuto: Buuin ang pangalan ng ilang mga lungsod o
munisipalidad sa NCR.
1. M_ _iki_ a
2. _al_n_ _ela
3. Pa_ _ ña_u_
4. _a_u_g
5. Ca_ _oca_

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Ano ang kahalagahan para sa iyo na malaman mo ang


bawat lungsod at munisipalidad sa NCR? Isulat ang iyong sagot
sa ibaba.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang mga lungsod at munisipalidad na


nabibilang sa Rehiyong NCR
Quezon City Taguig Batanes Mandaluyong
Batangas Caloocan Valenzuela Iloilo
San Juan Rizal Las Piñas Parañaque
Pateros Laguna Taytay Malabon
Zambales Pasay Antipolo Cavite
Navotas Maynila Pasig Muntinlupa
Bulacan Marikina Makati Cebu

6 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_4
SUSI SA PAGWAWASTO

Parañaque 5. MALI

Pasig 4. TAMA

Manila 3. MALI

Quezon City 2. TAMA

Valenzuela 1. TAMA

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3

5. Caloocan

4. Taguig

3. Parañaque

2. Valenzuela

1. Marikina

Paglalahat Panapos na Pagsusulit

Sanggunian

Maps Manila. Map of ncr manila. https://maps-manila-


ph.com/img/1200/map-of-ncr-manila.jpg

Miranda, Ocampo, Amita, Reyes, De Ramos, Tiamzon, Adriano, Quintos.


Araling Panlipinan 1. 1ST Ed. Republika ng Korea ng Prinpia Co., Ltd. 54

7 SDO_Pasig_Q1_AP_3_Modyul_4

You might also like