You are on page 1of 13

Mathematics 3

Kuwarter 1
Modyul 4
Pagbasa at Pagsulat ng Bilang
Hanggang 10 000 sa Simbolo o
Figures at sa Salita.
Mathematics– Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 4: Pagbasa at Pagsulat ng Bilang Hanggang 10 000
sa Simbolo o Figures at sa Salita.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Eva S. Linezo
Editor Content; Hanna M. Ledesma, Victoria R. de los Santos,
Language: Shielah Marie B. Pascual, Gloria C. Monedo, Divina V. Cagayan
Tagasuri: Lani M. Garcia
Tagaguhit: Edison B. Clet
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Mathematics 3
Unang Markahan

Modyul para sa Sariling Pagkatuto


Pagbasa at Pagsulat ng Bilang Hanggang
10 000 sa Simbolo o Figures at sa Salita.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 3 ng Modyul para
sa araling Pagbasa at Pagsulat ng bilang Hanggang 10 000 sa Simbolo o Figures
at sa Salita!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mathematics 3 Modyul ukol sa Pagbasa at


Pagsulat ng bilang Hanggang 10 000 sa Simbolo o Figures at sa Salita!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang nakababasa at


nakasusulat ng bilang hanggang 10 000 sa simbolo o figures
at sa salita.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Hanapin sa kolum B ang simbolo ng pasalitang bilang sa


kolum A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Kolum A Kolum B
_____1. Limang libo, at labimpito A. 1 479
_____2. Tatlong libo, apat na raan, limampu’t siyam B. 2 805
_____3. Anim na libo, dalawang daan, walumpu’t tatlo C. 3 459
_____4. Isang libo, apat na raan, pitumpu’t siyam D. 5 017
_____5. Dalawang libo, walong daan, at lima E. 6 283

BALIK-ARAL

Panuto: Basahin ang mga digits na nakalagay sa loob ng place


value chart. Isulat ang mga salitang bilang sa patlang.
PLACE VALUE CHART

LIBUHAN
(Thousands) UNITS

Libuhan Sandaanan Sampuan Isahan


(Thousands) (Hundreds) (Tens) (Ones)
1 3 4 8
2 9 7 2
3 0 9 8
4 8 6 5
5 0 0 0

1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________

ARALIN

Basahin at unawain.

Ang mag-asawang Roy at


Rosie ay nakagawa ng iba’t
ibang kulay ng mask na umabot
sa 6 450 sa loob ng tatlong
buwan. Ito ang naging
alternatibong pinagkakitaan nila
habang hindi pa makabalik sa
trabaho sa panahon ng
pandemyang COVID-19.
Mga Tanong:
1. Ano ang alternatibong pinagkakitaan ng mag-asawang
Roy at Rosie sa panahon ng pandemya?
__________________________________________________________
__________________________________________________________

2. Paano ito nakatulong sa pamumuhay ng kanilang


pamilya?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
3. Ilang mask ang nagawa nila sa loob ng tatlong buwan?
__________________________________________________________
4. Ilang digits mayroon ang 6 450?
__________________________________________________________
5. Anong digit ang nasa libuhan (thousands)?
__________________________________________________________
6. Paano mo isusulat ang 6 450 sa pamamagitan ng salita?
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Talakayin natin.
Para lubos na maintindihan kung paano isusulat ang 6 450 sa
salita, ilagay natin ito sa Place Value Chart.
PLACE VALUE CHART
Libuhan Sandaanan Sampuan Isahan
(Thousands) (Hundreds) (Tens) (ones)

6 4 5 0

Ang value ng digit 6 ay 6 000.


Ang value ng digit 4 ay 400.
Ang value ng digit 5 ay 50.
Ang value ng digit 0 ay 0.
Sa pagsulat ng 6 450 sa salita, dapat ay alam natin ang
value ng bawat digit. Isusulat kung paano natin binabasa ang
value mula sa kaliwa papunta sa kanan.
Kaya babasahin natin ang 6 450 ng:
Anim na libo, apat na raan at limampu

Iba pang halimbawa:

Simbolo o Figure Salita


7 386 Pitong libo, tatlong daan, walumpu’t anim
4 016 Apat na libo, at labing anim
9 365 Siyam na libo, tatlong daan, animnapu’t lima

Sa pagsulat ng mga salitang bilang sa simbolo o figure. Isusulat


kung paano natin binabasa mula sa kaliwa papunta sa kanan.

Halimbawa:
Salita Simbolo o Figures
1. Walong libo, apatnapu’t siyam 8 049
2. Tatlong libo, pitong daan dalawampu’t isa 3 721
3. Anim na libo, dalawang daan at labing siyam 6 219

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Isulat sa patlang ang simbolo o figure ng sumusunod na


bilang.

__________1. Dalawang libo, tatlong daan, at limampu


__________2. Tatlong libo, pitong daan, apatnapu’t walo
__________3. Anim na libo, tatlumpu’t dalawa
__________4. Walong libo, anim na raan, apatnapu’t tatlo
__________5. Sampung libo

Pagsasanay 2

Panuto : Isulat ang kabuuang bilang ng sumusunod sa


pamamagitan ng simbolo o figure.

1. 2 000 + 800 + 30 + 4 = _______________________


2. 90 + 2 + 4000 + 600 = _______________________
3. 6 000 + 50 + 6 = _______________________
4. 5 + 30 + 900 + 7 000 = _______________________
5. 8 000 + 500 + 9 = _______________________

Pagsasanay 3

Panuto: Isulat sa salita ang bawat bilang.

1. 2 739 __________________________________________________
__________________________________________________________
2. 3 204 __________________________________________________
__________________________________________________________
3. 5 483 __________________________________________________
__________________________________________________________
4. 7 694 __________________________________________________
__________________________________________________________
5. 8 513 __________________________________________________
__________________________________________________________
PAGLALAHAT

Paano natin binabasa at isinusulat ang bilang


hanggang 10 000 sa simbolo o figure? sa salita?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Bakit mahalagang marunong kang bumasa at sumulat


ng bilang sa simbolo o figure at sa salita?

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat sa patlang ang simbolo (figure) o salita ng


sumusunod na bilang.

1. 7 149 ___________________________________________________
________________________________________________________
2. 5 081 ___________________________________________________
________________________________________________________
3. 9 453 ___________________________________________________
________________________________________________________
4. limang libo, walumpu’t isa ______________________________
5. Anim na libo, tatlong daan, pitumpu’t dalawa ___________
Mathematics Grade ,Quezon City, Phoenix Publishing House , Inc., 2014
Marcos Winsdy Joy , Nila R. Jaramillo, Josefina Tan,., Soaring 21st Century
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon,2014
Mathematics- Ikatlong Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral saTagalog,
Carolina Guevara, Ma. Corazon Silvestre, Teresita Tagulao et al.,
Chingcuangco, Ofelia, Henry Contemplacion, Eleanor Flores, Laura Gonzaga,
Publishing Inc., 2014
Bennagen Laya , Math World 3,839 EDSA, South Triangle, Quezon City, C&E System
Sanggunian
Paunang Pagsubok
1. D 2. C 3. E 4. A 5. B
Balik Aral
1. Isang libo, tatlong daan apatnapu’t walo
2. Dalawang libo, siyam na daan at pitumpu’t dalawa
3. Tatlong libo, siyamnapu’t walo
4. Apat na libo, walong daan, animnapu’t lima
5. Limang libo
Mga Pagsasanay
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2 Pagsasanay 3
1. 2 350 1. 2 834 1. Dalawang libo, pitong daan, tatlumpu’t
siyam
2. 3 748 2. 4 692 2. Tatlong libo, dalawang daan, at apat
3. 6 032 3. 6 056 3. Limang libo, apat na daan, walumpu’t
tatlo
4. 8 643 4. 7 935 4. Pitong libo, anim na daan, siyamnapu’t
apat
5. 10 000 5. 8 509 5. Walong libo, limang daan at labintatlo
Panapos na Pagsubok
1. Pitong libo, isang daan apatnapu’t siyam
2. Limang libo, walumpu’t isa
3. Siyam na libo, apat na raan limampu’t tatlo
4. 5 081
5. 3 672
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like