You are on page 1of 29

Filipino 4

Filipino – Ikaapat na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 10: Nakasusulat ng Minutes ng Pagpupulong

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Eleanor T. Torzar
Editor: Iilene D. Dayap
Tagasuri: Maria Menchie M. Moreno
Tagaguhit: Eleanor T. Torzar
Tagalapat: Eleanor T. Torzar
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)

Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon

Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 4
Ikaapat na Markahan
Modyul 11 para sa Sariling Pagkatuto
Nakasusulat ng katitikan ng pulong
(Minutes of the meeting)
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Ikaapat na Baitang ng
Modyul para sa araling Nakasusulat ng katitikan ng Pulong.!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na
makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-

aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikaaapat na Baitang Modyul ukol sa

Nakasususulat ng Katitikan ng Pulong.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang ang mag-aaral ay:

A. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon upang makabuo ng katitikan
ng pulong.
B. Nakikilala ang mga bahagi ng pagsulat ng katitikan ng pulong.
C. Nakasusulat ng isang katitikan ng pulong batay sa inilaan sitwasyon

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat sa patlang ang mga salitang bubuo o angkop sa pangungusap

upang mabuo ang katitikan ng pulong.

Division of Pasig City

School District V (Pasig V)
SAN MIGUEL ELEMENTARY SCHOOL
Minutes of the Meeting

Layunin ng Pulong: Preparasyon para sa Christmas Party

Petsa/Oras: _____________________________________
Tagapanguna: ___________________________________
(pangalan ng guro)
Mga Dumalo:____________________________________
(pangalan ng hindi nakadalo)
Hindi Dumalo:___________________________________
(pangalan ng hindi nakadalo)
1. Call to order
Sa ganap na __________________________ ay pinasimulan ni
(oras)
Gng.______________ ang pulong sa pamamagitan ng patawag sa atensyon
(pangalan ng guro)
ng lahat.

II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni ____________________________
(magbigay ng pangalan)

III. Pananalita ng Pagtanggap

Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng.__________________
(pangalan ng guro)
bilang taga pang-una ng pulong.

IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaan katitikan ng Pulong

_________________________________________________________
_________________________________________________________
(magbigay ng halimbawa ng mga tinalakay noon nakaraang pulong)

V. Pagtatalakay sa Adyenda ng Pulong

1. Petsa ng Christmas party

2. Pagkain
3. Damit na isusuot
4. Program
5. Palitang ng Regalo

1.__________________________________________________________________

2.__________________________________________________________________

3.__________________________________________________________________

4.__________________________________________________________________

5.__________________________________________________________________
(Isulat ang mga paksang tinalakay sa adyenda at kung ano ang kanilang
napagkasunduan sa bawat adyenda.)

VI. Pagtatapos ng Pulong

_________________________________________________________________

(Isulat ang kung anong oras natapos ang pulong)

V. Iskedyul ng susunod na Pulong

________________________________________________________________
(kalian at saan gaganapin ang susunod na pulong)

Inihanda at isinumite ni:

________________________
(Pangalan ng sumulat)

Rubriks para sa Pagtataya ng katitikan ng Pulong

Krayterya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
4pts. 3pts. 2pts. 1pt.
Presentasyon Kumpleto at Kumpleto ang May ilang Maraming
komprehensibo nilalaman ng kakulangan sa kakulangan
ang nilalaman ng katitikan ng nilalaman ng sa
nilalaman
katitikan ng pulong.Wasto katitikang ng
ng katitikan
pulong.Wasto ang lahat ng pulong. May ng pulong.
ang lahat ng impormasyon. ilang maling
impormasyon. impormasyon
sa nabanggit.

BALIK-ARAL

PANUTO: Basahin at unawain ang mga uri ng pangungusap na ginamit sa pormal

na pagpupulong.Piliin ang letra ng tamang sagot sa loob n kahon. Isulat ang
sagot sa patlang na nakalaan sa tabi ng bawat bilang.

A.Pasalaysay B.Patanong C.Padamdam D.Paki-usap E.Pautos

___1. Tumahimik na po tayo upang masimulan na ang pagpupulong.

___2. May pag–uusapan ba tayo tungkol sa bagay na iyan?
___3. Mabobotohan na tayo.
___4. Yehey! Magsisimula na ang pagpupulong.
___5. Maaari na ba akong magsalita?

ARALIN

Ang Katitikan ng pulong - ito ay ang opisyal na tala o rekord ng mahahalagang

puntong napag-usapan sa pulong ng isang grupo o organisasyon. Sa Ingles, ito ay
tinatawag na minutes of the meeting.

Tatlong Estilo at Uri ng katitikan ng pulong

1.Ulat ng Katitikan- lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.
2.Salaysay ng Katitikan- isinasalaysay lamang ang mahalagang detalye ng pulong.

3.Resolution ng Katitikan- nasasaad lamang ang lahat ng isyung napagkasunduan.

Mga Bahagi ng Katitikan sa Pulong:

1.Heading o Pamagat- ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,

samahan,organisasyo, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang okasyon at
maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.

Division of Pasig City

School District V (Pasig V)
SAN MIGUEL ELEMENTARY SCHOOL
Minutes of the Meeting

Layunin ng Pulong: Preparasyon para sa Elementarya

Petsa/Oras: June 2, 2020 sa ganap na ika 9:00 n.u.
Tagapanguna: Romeo Santos (Principal)

2.Mga Kalahok o Dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy
ng pulong gayundin ang pangalan ng mga dumalo kasama ang panauhin. Maging ang
pangalan ng mga liban o hindi nakadalo.

Bilang ng mga Taon Dumalo: Sampu

Mga Dumalo: Cheryl Uy, Marilou Tatel, Sonia Marcos, Rose Chua, Aileen Garcia,
Sonny Cruz, Ma. Verna Diaz, Alicia Santos at Julie Martin

Mga Liban: Walang liban

3.Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong- Dito makikita ang

nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabago isinasagawa
sa mga ito.

Ang nagdaan katitikan ng pulong na ginawa noon May 10, 2019 ay binasa ni
Gng. Rosie Rodriguez. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinagunahan ni Gng.Amy
Cruz at ito ay sinang–ayunan ni Gng. Merla B. Tanael

4.Action Items o Usapin napagkasunduan- dito makikita ang mahahalagang tala

hingil sa mga paksang tinatalakay.
Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong
1.Ang
. sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:
1. DEPED Order No. 54 s. 2009
2. Attendance/ Pagsuot ng Uniporme
3. School Calendar
4. Policies sa Handbook
5. At iba pa
5.Pagbalita o patalastas- hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung
mayroon mang balita o patalastas mula sa dumalo tulad halimbawa ng suhestiyong
agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahagi ito.
6.Iskedyul ng susunod na pulong-itinala sa bahaging ito kung kailan at saan
gaganapin ang susunod na pulong.

Iskedyul ng susunod na Pulong

June 28, 2020 2:00 n.h. sa covered court

7.Pagtatapos-inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwawakas ang pulong.

Pagtatapos ng Pulong
Sa dahilan wala nang anuman mga paksa na kailan talakayin at pag-usapan,
ang pulong ay winakasan sa ganap na 12:00 n.t.

8.Lagda- mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng

katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.

Inihanda at isinumite ni:

Grace Pilar

Mga Dapat Tandaan ng Susulat ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng

pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang mga napag-
uusapan sa pulong sa halip ang kanyang tanging gawin ay itala at iulat lamang ito.
1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong.
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga tao dadalo sa pulong.
4. Handa sa sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
5. Nakapukos o nakatingin lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyakin na ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at
kompletong heading.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
10.Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.
Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong:

Mahalaga ang katitikan ng pulong sapagkat hindi lahat ng napag-usapan sa

isang pulong ay maalala ng bawat dumalo. Sa pamamagitan nito, mas madaling
mababalikan anumang oras ang mga napag-usapan o napagkasunduan sa pulong.
Nilalaman ng Katitikang ng Pulong:

1. Paksa 2. Oras at Petsa 3. Lugar 4. Mga dumalo at hindi nakadalo

5. Mga napag-usapan
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong:
Bago ang Pulong:

1. Siguraduhin hindi ang sarili ang pinakaimportanteng kalahok rito.

2. Lumikha ng isang template sa pagtatala upang mapadali ang pagsulat.

3. Bago magsimula ang pulong basahin ang inihandang agenda.

4.Mangalap rin ng impormasyon sa mga layunin ng pulong.
5.Maaaring gumamit ng lapis, bolpen, papel, laptop o tape recorder.
Habang Nagpupulong:

1.Hindi kailangang itala ang bawat salitang marinig sa pulong.

2.Magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at pagtala ng mga desisyon o
rekomendasyon.
Pagkatapos ng Pulong:

1.Repasuhin ang isinulat at maaaring magdagdag ng komento.

2.Kapag tapos na ang pagsulat ay i-encode ang katitikan ng pulong,ipabasa ito sa

namumuno ng pulong para sa hindi wastong impormasyon.
4.Mas mainam kapag may numero ang bawat linya upang mas madaling matukoy.

5.Repasuhin muli ang sinulat at ibigay sa mga dumalo sa pulong.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay Bilang 1
PANUTO: Basahin at unawain ang halimbawa ng katitikan ng pulong. Sagutan
ang mga katangungan at isulat ang sagot sa patlang. Commented [WU1]:

Katitikan ng Pulong ng mga Guro ng Kamuning Elementary School

Paksa: Patuloy na pagdami ng mga dropouts sa paaralan.
Dami ng Dumalo: 39
Naganap ang pagpupulong noong Ika-20 ng Enero taong 2020 at nagsimula sa
ganap na ika-3 at dalwampu't apat ng hapon sa loob ng silid aralan ni Gng. Marquez
sa pasimulang panalangin ni G. Ortiz at sinundan ng pag-awit ng isang awiting
makabayan na "Bayan Ko" sa pagkumpas ni Gng. Amaya. Nagbigay ng paunang
salita at pagbati ang punong guro ng KES na si Gng. Araña sa lahat ng nasa loob ng
silid aralan.
At nagsimula ang pagtalakay sa paksa sa ganap na 3:55 ng hapon. Itinaas ni
Gng. Cornilla ang kurtina sa mga gurong nais magbigay ng suhestyon tungkol sa
paksa. Iminungkahi ni G. Ortiz na "Dapat maging kaibigan ng mga guro ang mga mag-
aaral upang patuloy silang pumasok sa paaralan." na sinang-ayunan naman ng lahat.
Iminungkahi naman ni Gng. Millares na "bigyang natin ng pansin ang pagbibigay ng
maliit na kabuhayan sa mga mag-aaaral na nangangailangan." Matapos ito ay itinakda
ng punong guro ang mga guro at mga mag-aaral ay magkakaroon ng 10 minutong
libreng oras upang makapag-usap at bilang tugon sa mungkahi ni Gng. Millares ay
hahayaan ng paaralan na magtinda ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan habang
rises. Nagtapos ang pagpupulong sa ganap na 4:30 ng hapon sa pangwakas na
panalangin na pinamunuan ni Bb. Rosas.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Kailan ang pagpupulong?
__________________________________________________________________
2. Sino-sino ang dumalo? Ilan ang dumalo sa pagpupulong?
__________________________________________________________________
3. Ano ang paksang tinalakay?
__________________________________________________________________
4. Ano ang napagkasunduan?
__________________________________________________________________
5. Sino-sino ang mga taong sangkot sa paksa ng usapan?
__________________________________________________________________
6. Ano ang kabutihang dulot ng pagtatala ng mga paksang pinagtalakayan?
__________________________________________________________________
Pagsasanay Bilang 2
Panuto: A. Panuto: Hanapin sa hanay B ang tamang sagot sa hanay A. At ilagay ang
tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

_____ 1. Gumagawa ng balangkas ng

mga nangyari sa pulong. A. Pagkatapos ng pulong

_____ 2. Ipabasa ito sa namuno sa

pulong. B. Katitikan ng pulong

_____ 3. Maari itong maging

mahalagang documentong C. Kahalagahan ng pulong
pangkasaysayan.

_____ 4. Nagsisilbing rekord ito. D. Habang nagpupulong

_____ 5. Basahin na ang inihandang

agenda. E. Bago ang pulong

Pagsasanay Bilang 3
PANUTO: Sumulat ng katitikan ng pagpupulong gamit ang mga detalye sa ibaba.
Paksa: Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween
Lokasyon: Mababang Paaralan ng San Miguel
Petsa: Ika-27 ng Oktubre Taong 2020
Oras: 3:00 n.h.
Mga dumalo: 98
Hindi dumalo: Wala
Tagapangasiwa: Punongguro
I- Introduksyon
II- Pagtala ng bilang ng dumalo
III- Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda
1. Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween
a. Skedyul ng klase

b. Balangkas ng programa
c. Listahan ng mga magpeperform
IV- Iskedyul ng Susunod na Pulong

IV- Pagtatapos ng Pulong

_______________________________________________
___________________________________________________________________

Panuto: Gamitin ang rubrics na ito bilang gabay sa gagawin mong pagmamarka.
Lagyan ng tsek ang patlang na naglalarawan ng iyong ginawang katitikan ng
pulong.
Mga Kailangan
Pamantayan pang Katamtaman Mahusay Napakahusay
Panghusayan
( 1) (2) (3) (4)
Nilalaman
Naiangkop ang
mga salitang
ginamit sa
pagbuo ng
katitikan ng
pulong
Maayos na
pagkakasunud-
sunod
Kabuuang
puntos
PAGLALAHAT

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang Katitikan ng Pulong?

A. Pakikipag-usap sa pagsulat na paraan.
B. Binubuo ng tinatawag na liham pangnegosyo, memorandum, at
electonikong liham.
C. Minutes of the meeting kong tawagin sa wika Ingles ay isang uri ng
dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisayon at institusyon.
D. Ito ay isang uri ng kuwento.
2. Saang bahagi nakasulat kung anong oras natapos ang pulong.
A. Mga Kalahok o dumalo
B. Action items o usapin
C. Iskedyul ng susunod na pulong
B. Pagtatapos
E. Lagda

3. Ano ang kahalagahan ng katitikan ng pulong sa organisasyon at institusyon?

A. Wala po
B. Makikita ang kanilang pag-unlad at mababatid na siya ay seryoso sa
kanilang trabaho o anumang gawain.
C. Maayos na maisagawa ang memorandum
D. Maipabatid sa kinauukulan na may ginagawa sila.
4. Alin dito ang isa sa mga gabay para sa mabisang pagsulat ng katitikan ng
pulong?
A. Pagbasa ng mabuti.
B. Maging tiyak.
C. Matalas na lapis.
D. Maganda ang pagkasulat.
5. Sa pagsulat ng katitikan ng pulong, isinasaalang-alang ang sumusunod
maliban sa isa.
A. Agarang solusyon sa problema.
B. Pagpaplano ng mga hakbang sa kailangan Gawain.
C. Paggawa ng mga desisyon, mosyon,o boto.
D. Pagkikipagtsimisan.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Gumuhit ng bituin sa patlang kung tama ang impormasyong
ipinapahayag ng pangungusap tungkol sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
____1.Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong na bahagi ng adyenda.
____2.Maaaring hindi isulat ang mahahalagang detayle na napag-usapan sa
pulong
____3.Ipabasa muli ang katitikan ng pulong sa mga dumalo upang matiyak na ang
impormasyon nakatala ay ayon sa adyenda.
____4.Piliting i-video ang usapan kahit hindi pumayag ang taong kasangkot sa pulong
upang matiyak na walang makalimutang detalye.
____5.Kailangan nakasulat ang paksa, oras, petsa, mga dumalo at hindi dumalo at
napag-usapan sa pulong.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Ang lahat ay kakatawan bilang kalihim ng pagpupulong ukol sa

Preparasyon sa Programa ng Wellness sa paaralan. Ito ay pangungunahan ng
guro.
Mga Tatalakayin Adyenda:
1. Mga Programa
2. Pinansyal na usapin
3. At iba pa.

Mababang Paaralan ng Sto. Tomas, Batangas

Katitikan ng Pulong
Pebrero 10,2019
Conference Room

Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Programa ng Wellness

Petsa/Oras: ____________________________________
Tagapanguna:___________________________________(principal)

Bilang ng Dumalo ng mga Taong Dumalo:

Mga Dumalo:____________________________________
Mga hindi Dumalo: _______________________________
I. Call to Order
___________________________________________________________
___________________________________________________________
II. Panalangin
___________________________________________________________
III. Pananalita ng Pagtanggap
___________________________________________________________
___________________________________________________________
IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong

Ang mga sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang
tinalakay sa pulong:

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

VI. Iskedyul ng Susunod na Pulong

___________________________________________________________
VII. Pagtatapos ng Pulong
___________________________________________________________

Inihanda ni:

____________________

Inaprubahan ni:

____________________

Rubriks ng Pagmamarka
Panuto: Lagyan ng tsek ang bawat pamantayan.Ang pinakamataas na
iskor ay 4 at ang pinakamababa nman ay 1.
Pamantayan 4 3 2 1
Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
pa ng kaalaman
1.Nilalaman
2.Pagkaka-
buo ng
nilalaman
3.Pagkaka-
sunod-sunod
ng kaisipan
4.kalinisan at
kaagapan
KABUUAN

SUSI SA PAGWAWASTO
Pagsasanay Bilang 2 PAUNANG PAGSUBOK:
1. E 2.A 3.C 4.B 5.D Division of Pasig City
School District V (Pasig V)
SAN MIGUEL ELEMENTARY SCHOOL
Minutes of the Meeting
Pagsasanay Bilang 1 Balik-aral:
Layunin ng
1.Ang pagpupulong ay naganap Pulong:
noong Preparasyon
ika-20 ng Eneropara sa Christmas
taong 2020 Party 1.E
Petsa/Oras: Ika-10 ng December 2019 / Ika- 2:00 n.h.
2.Ang mga dumalo ay ang mga guro ng KES na may bilang na 39. 2.B
Tagapanguna: Gng. Rosemarie Santos
ay ang
3.Ang paksang tinalakayMga patuloy
dumalo: 41 na pagdami ng mga drop-outs 3.A
Hindi nakadalo
4.Napagkasunduan na dapat : walang
kaibiganin ng mgalumiban
guro ang mga mag-aaral 4.C
upang patuloy sila na pumasok sa paaralan. 5.D
I.Call to order
5. Mga guro at mag-aaral ng KES. Sa ganap na Ika-2:00 ng hapon ay pinasimulan ni Gng. Rosemarie
6. Ang kabutihang dulot ng pagtatala ang
Santosng pulong
mga sa pamamagitan
paksang tinatalakayngaypatawag sa atensyon ng lahat.
II. Panalangin
nalulutas o naayos ang anumang problema.
Ang panalangin ay pinangunahan ni Gng. Analiza Rodriquez ang pangulo
HPTA.
III. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng.Rosemarie Santos
bilang taga pang-una ng pulong.
IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaan katitikan ng Pulong
Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Gng. Rosie Bernal ang kalihim
ng HPTA ng katitikan sa nakaraan pagpupulong noong Setyembre 16,
2019. Iniulat niya ang tungkol sa mga tutunin sa paaralan lalo na para sa
mga transferee at ang madalas na pagliban sa klase.
V. Pagtatalakay sa Adyenda ng Pulong
Napangkasunduan ng lahat na ang petsa ng Christmas Party ay gaganapin
sa Disyembre 20,2019 sa ganap na ika- 9:00 ng umaga. May program na
gaganapin na kung saan ang mga bata ay magpapakita ng kanilang talento sa
pag-awit at pagsayaw ng mga pamasko. Napagkasunduan din ng lahat na 170.00
ang contribution para sa pagkain ng mga bata na i-order sa Jollibee. Ang ibang
mga magulang ay nangakong magdadala ng pagkain. Napagbotohan na ang
halaga ng palitan ng regalo ay 100.00.
VI. Pagtatapos ng Pulong
Ang pagpupulong ay natapos sa ganap na ika-4:30 ng hapon na isinara sa
pamamagitan ng panalangin sa pamumuno ni Gng.Rosemarie Santos ang guro
ng pangkat Pearl.
Iskedyul ng susunod na Pulong
Wala pang petsa ang susunod na pulong.
Inihanda at isinumite ni:
Rosie T. Bernal
Kalihim ng HPTA
Pagpapahalaga Paglalahat
1.C
1.
2.
2.B
3.
3.B
4.
4.B
5. 5.D
Pagsasanay Bilang 3
Paksa: Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween Party
Lokasyon: Mababang Paaralan ng San Lorenzo
Petsa: Ika-27 ng Oktubre Taong 2020
Oras: 3:00 n.h.
Mga dumalo: 98
Hindi dumalo: Wala
Tagapangasiwa: Principal Faith G Rojas
I- Pagsisimula ng Pulong
Ang pulong ay isinagawa sa covered court ng Mababang Paaralan ng San Lorenzo. Ito ay
nagsimula sa ganap na 3:00 ng hapon sa pamamagitan ng panalangin. Ito ay pinamumunuan ni Gng. Angeline
D. Bernabe.
II- Pagtala ng bilang ng dumalo
Si Gng. Elsie Tapit ang naatasan para kunin ang bilang ng mga dumalo sa
pulong.
III- Pagpresenta at Pagtalakay sa Adyenda
1. Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween Party
a. Petsa ng Halloween party
Napagkasunduan ng lahat ng dumalo na sa ika-30 ng Oktubre
gaganapin ang Hallowen Party.
b. . Listahan ng mga magpeperform
Nakatalaga si Gng. Karen B. Lakson para sa mga mag-aaral na
magpeperform sa Halloween party. Bawat baitang ay naatasang gumawa ng
grupo ng mga magaaral na magrerepresenta ng kanila baitang. Sila ay
inaasahang bumuo ng isang dance number na may temang pang-katatakutan
o pang Halloween habang nakasuot ng mga costume.
c. Balangkas ng programa
1.Panalangin
2.Pambungad na pananalita ng Punong-guro
3.Sayaw ng bawat Baitang
4.Palaro (Halloween Dance Monster
5.Pipili ng Pinakamagandang Costume
6.Pagbibigay ng Regalo sa mga Nanalo
7.Pangwakas na Pananalita
IV- Iskedyul ng Susunod na Pulong
Wala pang napag-usapan petsa ang susunod na pulong.
V- Pagtatapos ng Pulong
Natapos ang pulong sa ganap na 5:30 ng hapon.
Inihanda ni:
Marie T. Trampe
Kalihim
Inaprubahan ni:
Faith G. Rojas
Punonguro
A. Online o Elektronikang Pinagmulan
Sanggunian
Panapos na Pagsusulit
Mababang Paaralan ng Sto. Tomas, Batangas
Katitikan ng Pulong
Pebrero 10,2019
Covered Court
Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Wellness Dance
Petsa/Oras: Pebrero 10, 2019/ 1:00 ng hapon
Tagapanguna: Gng. Maricel C. Vargas (principal)
Bilang ng Dumalo ng mga Taong Dumalo:
Mga Dumalo: 35 na guro ng Mababang Paaralan ng Sto. Tomas ang dumalo sa pulong
Mga hindi Dumalo: Gng. Anna Marie H. Santos at G. Roven T. Vargas
Call to Order
Sa ganap na 1;15 ng hapon ay pinasimulan ng Gng. Gomez ang pulong sa pamamagitan ng pagtawag sa atensyon ng lahat.
Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni G. Valdez.
Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Gomez bilang taga-panguna ng pulong.
Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Enero 15,2019 ay binasa ni Gng. Mike Bernal. Ang mosyon ay pinagtibay
at sinang-ayunan ni G. Ruel Taroy.
Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong
Ang mga sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:
Napagkasunduan na magkakaroon ng ehersisyo ang mga bata tuwing Lunes ng umaga pagkatapos ng flag ceremony.May
guro din naatasan para talakayin ang mga masustansiyang pagkain na dapat kinakain ng mga bata.Ang mga bata matataba ay
magkakaroon ng Zumba tuwing Biyernes sa ganap na 7:00 ng umaga.Magkakaroon din ng contest sa wellness dance bawat baitang .
Pagtatapos ng Pulong
Sa dahilang wala nang paksa na kailangang talakayin at pgusapan, ang pulong ay winakasan sa ganap na 3:00 ng hapon.
Iskedyul ng Susunod na Pulong
March 10, 2019 sa covered court sa paaralan.
Inihanda ni:
Gng. Camille O. Ocampo
Inaprubahan ni:
Gng. Maricel C. Vargas
Precious Aspuria
13 September 2017
Scribd.com/document/358820512/ Mga Bahagi ng Katitikang ng
pulong

Pagsulat ng katitikan ng Pulong

https://www.slideshare.net
https:// quizlet.com.
https://www.chegg prep.com

FILIPINO 4

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

Pangalan: ___________________________ Baitang & Pangkat: ________ Marka : _____

Paaralan: ____________________________ Guro: __________________________

IKA-APAT NA MARKAHAN WORKSHEET Bilang: 1

KATITIKAN NG PULONG

Pagsasanay Bilang 1
PANUTO: Basahin at unawain ang halimbawa ng katitikan ng pulong. Sagutan
ang mga katangungan at isulat ang sagot sa patlang. Commented [WU2]:

Katitikan ng Pulong ng mga Guro ng Kamuning Elementary School

Paksa: Patuloy na pagdami ng mga dropouts sa paaralan.
Dami ng Dumalo: 39
Naganap ang pagpupulong noong Ika-20 ng Enero taong 2020 at nagsimula sa
ganap na ika-3 at dalwampu't apat ng hapon sa loob ng silid aralan ni Gng. Marquez
sa pasimulang panalangin ni G. Ortiz at sinundan ng pag-awit ng isang awiting
makabayan na "Bayan Ko" sa pagkumpas ni Gng. Amaya. Nagbigay ng paunang
salita at pagbati ang punong guro ng KES na si Gng. Araña sa lahat ng nasa loob ng
silid aralan.
At nagsimula ang pagtalakay sa paksa sa ganap na 3:55 ng hapon. Itinaas ni
Gng. Cornilla ang kurtina sa mga gurong nais magbigay ng suhestyon tungkol sa
paksa. Iminungkahi ni G. Ortiz na "Dapat maging kaibigan ng mga guro ang mga mag-
aaral upang patuloy silang pumasok sa paaralan." na sinang-ayunan naman ng lahat.
Iminungkahi naman ni Gng. Millares na "bigyang natin ng pansin ang pagbibigay ng
maliit na kabuhayan sa mga mag-aaaral na nangangailangan." Matapos ito ay itinakda
ng punong guro ang mga guro at mga mag-aaral ay magkakaroon ng 10 minutong
libreng oras upang makapag-usap at bilang tugon sa mungkahi ni Gng. Millares ay
hahayaan ng paaralan na magtinda ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan habang
rises. Nagtapos ang pagpupulong sa ganap na 4:30 ng hapon sa pangwakas na
panalangin na pinamunuan ni Bb. Rosas.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Kailan ang pagpupulong?

__________________________________________________________________
2. Sino-sino ang dumalo? Ilan ang dumalo sa pagpupulong?

__________________________________________________________________
3. Ano ang paksang tinalakay?

__________________________________________________________________
4. Ano ang napagkasunduan?

__________________________________________________________________
5. Sino-sino ang mga taong sangkot sa paksa ng usapan?
__________________________________________________________________
6. Ano ang kabutihang dulot ng pagtatala ng mga paksang pinagtalakayan?

__________________________________________________________________

Pagsasanay Bilang 2
Panuto: A. Panuto: Hanapin sa hanay B ang tamang sagot sa hanay A. At ilagay ang
tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

_____ 1. Gumagawa ng balangkas ng

mga nangyari sa pulong. A. Pagkatapos ng pulong

_____ 2. Ipabasa ito sa namuno sa

pulong. B. Katitikan ng pulong

_____ 3. Maari itong maging

mahalagang documentong C. Kahalagahan ng pulong
pangkasaysayan.

_____ 4. Nagsisilbing rekord ito. D. Habang nagpupulong

_____ 5. Basahin na ang inihandang

agenda. E. Bago ang pulong

Pagsasanay Bilang 3
PANUTO: Sumulat ng katitikan ng pagpupulong gamit ang mga detalye sa ibaba.
Paksa: Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween
Lokasyon: Mababang Paaralan ng San Miguel
Petsa: Ika-27 ng Oktubre Taong 2020
Oras: 3:00 n.h.
Mga dumalo: 98
Hindi dumalo: Wala
Tagapangasiwa: Punongguro
V- Introduksyon
VI- Pagtala ng bilang ng dumalo
VII- Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda
1. Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Halloween
a. Skedyul ng klase
b. Balangkas ng programa
c. Listahan ng mga magpeperform
IV- Iskedyul ng Susunod na Pulong

VIII- Pagtatapos ng Pulong

_______________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Panuto: Gamitin ang rubrics na ito bilang gabay sa gagawin mong pagmamarka.
Lagyan ng tsek ang patlang na naglalarawan ng iyong ginawang katitikan ng
pulong.
Mga Kailangan
Pamantayan pang Katamtaman Mahusay Napakahusay
Panghusayan
( 1) (2) (3) (4)
Nilalaman
Naiangkop ang
mga salitang
ginamit sa
pagbuo ng
katitikan ng
pulong
Maayos na
pagkakasunud-
sunod
Kabuuang
puntos
PAGLALAHAT

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

5. Ano ang Katitikan ng Pulong?

E. Pakikipag-usap sa pagsulat na paraan.
F. Binubuo ng tinatawag na liham pangnegosyo, memorandum, at
electonikong liham.
G. Minutes of the meeting kong tawagin sa wika Ingles ay isang uri ng
dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisayon at institusyon.
H. Ito ay isang uri ng kuwento.
6. Saang bahagi nakasulat kung anong oras natapos ang pulong.
A. Mga Kalahok o dumalo
B. Action items o usapin
C. Iskedyul ng susunod na pulong
B. Pagtatapos
E. Lagda

7. Ano ang kahalagahan ng katitikan ng pulong sa organisasyon at institusyon?

E. Wala po
F. Makikita ang kanilang pag-unlad at mababatid na siya ay seryoso sa
kanilang trabaho o anumang gawain.
G. Maayos na maisagawa ang memorandum
H. Maipabatid sa kinauukulan na may ginagawa sila.
8. Alin dito ang isa sa mga gabay para sa mabisang pagsulat ng katitikan ng
pulong?
A. Pagbasa ng mabuti.
B. Maging tiyak.
C. Matalas na lapis.
D. Maganda ang pagkasulat.
5. Sa pagsulat ng katitikan ng pulong, isinasaalang-alang ang sumusunod
maliban sa isa.
A. Agarang solusyon sa problema.
B. Pagpaplano ng mga hakbang sa kailangan Gawain.
C. Paggawa ng mga desisyon, mosyon,o boto.
D. Pagkikipagtsimisan.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Gumuhit ng bituin sa patlang kung tama ang impormasyong
ipinapahayag ng pangungusap tungkol sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
____1.Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong na bahagi ng adyenda.
____2.Maaaring hindi isulat ang mahahalagang detayle na napag-usapan sa
pulong
____3.Ipabasa muli ang katitikan ng pulong sa mga dumalo upang matiyak na ang
impormasyon nakatala ay ayon sa adyenda.
____4.Piliting i-video ang usapan kahit hindi pumayag ang taong kasangkot sa pulong
upang matiyak na walang makalimutang detalye.
____5.Kailangan nakasulat ang paksa, oras, petsa, mga dumalo at hindi dumalo at
napag-usapan sa pulong.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Ang lahat ay kakatawan bilang kalihim ng pagpupulong ukol sa

Preparasyon sa Programa ng Wellness sa paaralan. Ito ay pangungunahan ng
guro.
Mga Tatalakayin Adyenda:
4. Mga Programa
5. Pinansyal na usapin
6. At iba pa.

Mababang Paaralan ng Sto. Tomas, Batangas

Katitikan ng Pulong
Pebrero 10,2019
Conference Room

Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Programa ng Wellness

Petsa/Oras: ____________________________________
Tagapanguna:___________________________________(principal)

Bilang ng Dumalo ng mga Taong Dumalo:

Mga Dumalo:____________________________________
Mga hindi Dumalo: _______________________________
I.Call to Order
___________________________________________________________
___________________________________________________________
II.Panalangin
___________________________________________________________
III.Pananalita ng Pagtanggap
___________________________________________________________
___________________________________________________________
IV.Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

V.Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong

Ang mga sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang
tinalakay sa pulong:

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
VI.Iskedyul ng Susunod na Pulong

___________________________________________________________
VII.Pagtatapos ng Pulong

___________________________________________________________

Inihanda ni:
____________________

Inaprubahan ni:

You might also like