You are on page 1of 20

4

Filipino
Filipino – Ikaapat na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 12: Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Binasang
Iskrip ng Radio Broadcasting at Teleradyo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Mary Grace E. Palmero
Editor: Iilene D. Dayap
Tagasuri: Maria Menchie M. Moreno
Tagaguhit: Iilene D. Dayap
Tagalapat: Iilene D. Dayap
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
4
Filipino
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa
Binasang Iskrip ng Radio Broadcasting
at Teleradyo

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Ikaapat na Baitang ng
Modyul para sa Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Binasang Iskrip ng Radio
Broadcast at Teleradyo. Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang
at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod
Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikaapat na Baitang Modyul ukol sa
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Binasang Iskrip ng Radio Broadcast at
Teleradyo.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang ang mag-aaral ay :

A. nalalaman ang detalye ng binasang iskrip


B. nasasagot ang tanong sa binasang iskrip ng radio broadcasting at
teleradyo
C. naisasabuhay ang mga mahahalagang aral mula sa binasang iskrip

PAUNANG PAGSUBOK

Handa ka na ba sa ating aralin? Halika! Umpisahan mo na ang


pag-aaral sa araw na ito.
Panuto: Basahin ang iskrip sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
Station ID: DMC 101.5
Pamagat ng Programa: News Patrol
Uri ng Programa: Balita
Petsa ng pagsasahimpapawid: 29 Oktubre 2020
Oras ng pagsasahimpapawid: 10:00 a.m – 10:30 a.m
Host: Lara Santos

1 Station I.D: DMC 101.5 music song


2 Program I.D : Balita Ngayon
3 Host 1: Magandang umaga sa inyong lahat. Oras po natin,
4 alas 10:00 ng umaga.
5 Host 1: Narito na naman ang inyong lingkod para sa maiinit na balita!
6 Patok ngayon sa social media ang camouflage face painting ng tanawin
7 sa Bohol ng isang pintor.
8 Kwento ni James Perez, 33, mula sa Cebu, nag-eensayo
9 lamang siya na magpinta at naging inspirasyon ang tanawin sa Chocolate
Hills, Carmen, Bohol.
10 Ayon sa kaniya, maraming beses na niya itong ginawa at pinakamaganda
sa mga ito ang nasabing obra na umani ng pagkilala mula sa mga netizens.
11 Ang ginamit niya sa kaniyang pagpipinta ay washable poster paints.
12 Dagdag pa niya, nagandahan talaga siya sa tanawin ng Carmen, Bohol
13 kaya naisip niyang isama ito sa kanyang facebook page bilang background
14 Ayon kay James, hilig talaga niya ang pagpipinta simula pa noong bata
siya
15 at nagulat siya dahil umabot na ang post niya sa 200,000 likes at 5,000
shares.
16 Nagpapasalamat si James sa suporta ng mga netizens at plano niya pang
17 gumawa ng mga artworks na tampok naman ang mga tanawin sa Palawan.
20 At yan ang hatid balita sa araw na ito mula sa News Patrol
21 Magandang umaga pong muli sa lahat.
22 Station ID: DMC 101.5 song (fade out)

_____1. Sino si James Perez na tinukoy sa binasang iskrip?


A. manunulat
B. iskultor
C. manlalaro
D. pintor
_____2. Ano ang kamangha-manghang obra ni James na nagbigay sa
kanya ng kasikatan?
A. origami
B. face painting
C. mosaic
D. sand art
_____3. Anong katangian meron si James na nagbunsod para makilala
siya?
A. husay sa pagpipinta
B. husay sa pag-awit
C. husay sa pagsusulat
D. husay sa paglililok
_____4. Bakit kailangan nating linangin ang mga sariling kakayahan?
A. dahil ito ang magbibigay sa atin ng kabuhayan
B. dahil ito ang magbibigay sa akin ng pagkilala
C. dahil ito ang magdadala sa atin ng tagumpay
D. lahat ng mga nabanggit
_____5. Paano natin mapaghuhusay ang ating mga abilidad?
A. sa pamamagitan ng paglalaro sa labas
B. sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan sa kaklase
C. sa pamamagitan ng pag-eensayo ng angking kakayahan
D. wala sa mga nabanggit
BALIK-ARAL

Bago natin umpisahan ang aralin natin sa araw na ito ay balikan muna natin
ang tinalakay natin kahapon. Tara! Simulan na natin!

Panuto: Iguhit ang tatsulok kung ang pahayag ay tama at parisukat


naman kung ang pahayag ay mali.
_______1. Ang “minutes ng pagpupulong” ay isang mahalagang dokumento sa
isang pagpupulong.
_______2. Puwedeng gawa-gawa lamang ang mga pahayag na inilagay sa
minutes ng pagpupulong.
_______3. Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at hindi kakikitaan ng katha o
pagka-bias sa pagsulat.
_______4. Hindi na isinusulat sa minutes ng pagpupulong ang oras at petsa
kung kailan naganap ito.
_______5. Maaaring itala sa minutes ng pagpupulong ang mga dumalo at hindi
dumalo sa pagpupulong.

ARALIN

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Nakikilala mo ba sila? Ano ang kanilang
gawain? Ano ang tawag sa kanila?

______________ ______________
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Noli_de_Castro_official_cropped.jpghttps://tl.m.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Mike_Enriquez_in_White_Plains,
_Quezon_City.jpg

Magaling! Sila ay mga mamamahayag, tagapagbalita at komentador sa telebisyon at


radyo.

Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na salita.


Mga Salita Kahulugan
Radio Broadcasting Ito ay ang pagsasahimpapawid ng balita sa radyo
Station I.D Pangalan ng istasyon
Anchor/ Host Tagapagbalita/ announcer
Infomercial Patalastas
MSC/ SFX Music/ Sound Effects
Narito ang halimbawa ng iskrip sa radio broadcasting. Basahing mabuti
ang iskrip. Handa ka na ba? Umpisahan mo na.

MZP 85.7

Pamagat ng Program: Express Balita MZP 85.7

Uri ng Programa:Balita

Date of Airing: 11 Hunyo 2020, Miyerkules

Time of Airing: 7:00 am-7:30 am

Hosts/ Scripwriters: Sophia Manalo at Jerry Guevarra

1 Station ID: MZP 85.7 song (music in, music under)

2 Program ID: Express Balita sa MZP 85.7 song

3 Host 1: Oras po natin 7:03 ng umaga

3 Sa ulo ng mga nagbabagang balita

4 Host 2: mga balitang tututukan natin ngayon

5 Host 1 at 2: Express Balita sa MZP 85.7

6 Host 1: Isang binatilyo mula sa Baguio City ang nakaisip ng paraan

7 upang makatulong sa kaniyang pamilya

8 sa panahon ng Covid-19 Pandemic.

9 Mula sa kanyang munting karatula na gawa sa kahoy

10 ay ipinagpapalit niya ito sa grocery items.

11 Ang batang si Angelo Valerio

12 ay gumagawa ng mga karatula

13 na may paalala sa publiko tulad ng

14 "Keep Calm and Always Wear Mask" ;


15"Stay Home and Save The World" at iba pa.

16 Host 2: Ayon kay Bayan Patroller na si Maricar Docyogen,

17 kasama si Valerio sa grupong "Pasa-kalye Group of Artists".

18 Binigyan nila si Valerio ng kahoy para magamit sa paggawa ng karatula.

19 Inaabot ito ng isa hanggang dalawang oras sa pagpipinta ng mga karatula.

20 Ang mga ito'y ipinagpapalit niya sa mga grocery items

21 upang kahit papaano makatulong sa pamilya.

24 Host 1: Iyan po ang mainit na balitang hatid sa inyo ng

25 Host 2: Express Balita MZP 85.7

26 Ako po si Sophia Manalo at ako naman si Jerry Guevarra

27 Maraming salamat.

28 Program ID: Express Balita sa MZP 85.7 song

29 Station ID: MZP 85.7 song (fade out)

Tanong:

1. Ano ang paksa ng binasang iskrip?


2. Paano nakatulong si Angelo sa kanyang pamilya kahit may pandemya?
3. Ano ang magandang aral na natutunan mula sa binasang iskrip? –

MGA PAGSASANAY

Note:

Wala ng Gawin Mo, Subukin Mo at Pagyamanin mo. Instead ay PAGSASANAY 1, 2 at 3.

Pagsasanay 1
Basahin at unawain ang teksto o iskrip at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Isulat ang letra ng tamang sagot.

Station ID: DMZ


Pamagat ng Programa: News Patrol
Uri ng Programa: Balita
Petsa ng pagsasahimpapawid: 02 Disyembre 2019
Oras ng pagsasahimpapawid: 6:00 a.m – 6:30 a.m
Hosts/Scripwriters: Chloe Sanchez at Jacob Marcos

1. Station I.D: DMZ music song

2. Program I.D : News Patrol

3. Host 1: Magandang umaga sa inyong lahat. Oras po natin, alas 6:01 ng


umaga.

4. Host 2: Narito ang maiinit na balita hatid sa inyo ng DMZ News Patrol.

5. Host 1: Nakasungkit ng isang gintong medalya ang World Champion na si


Carlos Edriel Yulo

6. sa men’s individual all-around event

7. ng 2019 Southeast Asian Games men’s artistic gymnastics competition sa


Rizal Memorial Coliseum.

8. Siya ay nakakuha ng 84.900 puntos mula sa iba’t-ibang event.

9. Nagrehistro si Yulo ng 14.650 sa floor exercise,

10. 13.600 sa pommel horse, 13.600 sa still rings, 14.900 sa vault,

11. 14.400 sa parallel bars at 13.750 sa horizontal bars.

12. Hindi umano niya inasahan na mananalo sya

13. at nagpasalamat siya sa mga taong sumusuporta sa kanya.

14. Host 2: Inilatag ni Yulo ang pinakasolidong porma na natutunan nito sa


ilang taong pagsasanay sa Tokyo, Japan

15. upang ilampaso ang lahat ng kanyang karibal.

16. Tinalo ni Yulo sina Vietnamese gymnasts Dinh Phuong Thanh na nagtala
lamang ng 82.350

17. sapat para sa pilak at Le Thanh Tung na may 81.700 na siyang umangkin
sa tansong medalya.

18. Nasa ikaapat si Saputra Muhammad ng Indonesia (75.500) at ikalima


naman si Karn Boon Ratthasat ng Thailand (69.800).

19. Target ni Yulo na walisin ang lahat ng pitong gintong medalyang nakataya
sa kanyang event.

20. Sunod na sasalang si Yulo sa anim pang events – pommel horse, still rings,
parallel bars, horizontal bars, vault at ang kanyang paboritong floor exercise.

21. Host 1: At yan ang mga nakalap nating balita sa araw na ito.
22. Host 2: Magandang umaga sa lahat.

23. Program ID: News Patrol song

29 Station ID: DMZ music song

Tanong:

_____1. Ano ang paksa ng binasang iskrip?


A. pagluluto
B. agrikultura
C. isports
D. negosyo
_____2. Sino ang nanalo ng gintong medalya sa patimpalak?
A. Dinh Phuong Thanh
B. Le Thanh Tung
C. Carlos Yulo
D. Saputra Muhammad
_____3. Anong patimpalak ang kanyang sinalihan?
A. men’s artistic gymnastics competition
B. men’s volleyball competition
C. men’s swimming competition
D. men’s basketball competition
_____4. Paano nakamit ni Yulo ang tagumpay?
A. sa pamamagitan ng pagbababad sa social media
B. sa pamamagitan ng pamamasyal sa parke
C. sa pamamagitan ng paglalaro ng computer games
D. sa pamamagitan ng pagsasanay sa natatanging abilidad
_____5. Ano ang magandang aral na natutunan mula sa binasang iskrip?
A. maging malikhain sa paggawa ng katha
B. maging masigasig sa pagsasanay
C. maging maparaan sa paglutas ng suliranin
D. wala sa mga nabanggit

Pagsasanay 2
Basahin ang iskrip sa ibaba at sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Station ID: “MAGS RADIO STATION”
Petsa: Pebrero 20, 2020
Oras: 8:00-8:30 ng gabi
Anchor/ Scriptwriter : Mary Geraldin Eclairde
1 LAHAT: Ang radyong pangmatalino at mapagkakatiwalaan,
2 Mga balitang napapanahon bibigyan namin agad ng aksiyon,
3 Ito ang MAGS RADIO STATION.
4 Reporter: Impormasyon tungkol sa Coronavirus
5 Mayroong paglaganap ng bagong sakit na tinatawag na
6 “novel coronavirus” sa lungsod ng Wuhan, China
7 na nag-umpisa noong Disyembre 2019.
10 Mabilis ang pagbabago ng balita tungkol sa isyu na ito.
11 Dapat malaman ang mga impormasyon upang manatiling ligtas.
12 Mabilis ang pagbabago ng impormasyon!
13 Mayroong kumpirmadong mga kaso sa China, Japan, Thailand,
14 South Korea, Taiwan at Estados Unidos mula sa mga pasyente na galing
Wuhan.
15 Masyado pang maaga para malaman kung saan talaga nag-umpisa ang
bagong virus na ito, kung paano ito kumakalat.
16 Dahil bago lamang ang virus, patuloy na susubaybayan ng mga awtoridad
ang pagkalat nito.
17 At yan po ang maiinit na balita mula sa aming istasyon
18 Magandang gabi po at maraming salamat.
19 Station I.D : MAGS RADIO STATION
Tanong:
_____1. Ano ang bagong sakit na lumalaganap?
A. Dengue
B. Novel coronavirus
C. Malaria
D. Polio
_____2. Saan nagmula ang sakit na ito?
A. Bangkok, Thailand
B. Tokyo, Japan
C. Pasig, Philippines
D. Wuhan, China
_____3. Kailan nag-umpisa ang paglaganap ng sakit na ito?
A. December 2019
B. January 2020
C. June 2019
D. March 2020
_____4. Paano ka mananatiling ligtas mula sa sakit na ito?
A. Palaging maghugas ng mga kamay
B. Sumunod sa social distancing
C. Magsuot ng Face Mask at Face Shield tuwing nasa labas
D. Lahat ng mga nabanggit
_____5. Bakit kailangang manatiling nakatutok sa mga bagong
impormasyon tungkol sa sakit na ito?
A. para malaman ang mga paraan upang makaiwas sa sakit
B. para manatiling ligtas dahil ligtas ang may kaalaman
C. para maging handa sa paglaban sa sakit na ito
D. Lahat ng mga nabanggit

Pagsasanay 3
Panuto: Basahin ang nasa ibaba at sagutan ang mga sumusunod na
tanong.
Anchor: Sandali naming pinuputol ang inyong pakikinig upang ibalita
ang isang hindi inaasahang kalunos-lunos na pangyayari.
Ang bagyong Pablo na ang internasyonal na pangalan ay “Bopha” na ayon
sa PAGASA ay itinaas na sa Signal No. 5 ay nanalasa sa Davao Oriental.
Ang mga natutulog ay ginulantang ng rumaragasang baha na tumangay sa
kanilang mga bahay.
Ang mga niyog sa ekta-ektaryang mga taniman ay nangatumba na parang
mga trosong nilagari. Ang mga poste ng elektrisidad ay nangatumba rin
kaya nawalan ng kuryente. Napakalakas ng hangin at ulang dala ng bagyo
kaya nagkaroon ng flash flood.
Maraming nasirang mga bahay at mga gusali. Umapaw ang mga ilog kaya
marami ang nakanselang mga biyahe ng eroplano at mga barko.
Hintayin ang susunod pang mga balita.
_____1. Tungkol saan ang balita?
A. bagyo
B. sunog
C. lindol
D. wala sa nabanggit
_____2. Saan nanalasa ang bagyong Pablo?
A. Cebu
B. Davao Oriental
C. Bicol
D. Iloilo
_____3. Bakit nagulantang ang mga natutulog?
A. dahil sa mga kulog at kidlat
B. dahil sa lakas ng hangin
C. dahil sa ingay ng paligid
D. dahil sa rumaragasang baha
_____4. Ano-ano ang mga pinsalang idinulot ng bagyo?
A. nangatumba na mga poste ng elektrisidad
B. nangatumba na mga taniman
C. natangay na mga bahay
D. lahat ng mga nabanggit
_____5. Paano ka magiging handa sa bagyo at iba pang mga sakuna?
A. tumutok sa anunsyo ng lokal na gobyerno tungkol sa
evacuation
B. maghanda ng mga damit, first aid kit, kandila, flashlight,
radyo na de baterya, bottled water at mga pagkain na di na
kailangang lutuin
C. manatiling kalmado sa lahat ng oras
D. lahat ng mga nabanggit

PAGLALAHAT

Ano ang mga natutuhan mo sa araw na ito? Pumili ng wastong salita sa


loob ng kahon upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Natutuhan ko sa araw na ito na alamin at piliin ang detalye ng binasang


(1)_____________. Mabilis na 2)_______________ang iskrip kapag alam natin
ang mga mahahalagang detalye nito. Nasusubok ang ating kakayahan sa
pag-unawa kapag (3)___________ ang mga tanong kaugnay sa iskrip. Ang
mga mahahalagang (4) ________mula sa iskrip ay kailangang
(5)________sapagkat malaki ang maitutulong nito sa atin.

aral isabuhay mauunawaan

iskrip nasasagot

PAGPAPAHALAGA

May natutunan ka bang mabuting aral sa araw na ito? Ano-anong mga


magagandang aral ang natutuhan mo?

Lagyan ng tsek () kung tama ang isinasaad sa pangungusap at ekis (X) kung
hindi. Ilagay ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
_____1.Ang balita ay naglalayong maghatid ng makatotohanang impormasyon
sa mga manonood.
_____2. May kinikilingang tao o pangkat sa pagbabalita.
_____3. Pagpapakalat ng maling balita.
_____4. Kinakailangang tapat at pantay ang pagbabalita.
_____5. Mahalaga na maayos ang iskrip ng balitang panradyo at teleradyo

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Magaling! Subukin muli natin ang kasanayan mo sa pagsagot ng mga


tanong sa iskrip na iyong binasa. Handa ka na ba?
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang iskrip. Sagutan ang mga tanong
na nasa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot.
97. 1 MSC FM
Local Loud and Proud
Pamagat ng Programa: Radyo Balita Ngayon
Uri ng Programa: Balita
Petsa ng pagsasahimpapawid: 05 Oktubre, 2012
Oras ng pagsasahimpapawid: 11:30 a.m – 12:30 p.m
Hosts/Scripwriters: Nasra S. Saez/Nash
1 Station I.D: Msc Fm 97.1 Song
2 Program I.D: Radyo Balita ngayon Song
3 Host 1: Naririto na naman po ang Radyo
4 Balita ngayon upang maghatid ng mga
5 sariwa at maiinit na balita ngayong
6 tanghali.
7 Host 1: Nakalipat na ng tirahan ang
8 magkapatid na sina Farida at Faisal. Sila
9 ngayon ay pumapasok na sa isang
10 pampublikong paaralan na
11 matatagpuan sa kanilang bagong
12 pamayanan.
13 Sa pakikipanayam sa kanila, sinabi ng
14 dalawa na nahirapan sila nang mga
15 unang araw nila sa kanilang paaralan
16 dahil nga sa kakaiba ang kanilang
17 kasuotan sa mga mag-aaral sa paaralan
18 gayundin ang kanilang salita at
19 paniniwala. Noong una walang
20 gustong makipaglaro at makipag-usap sa
21 kanila. Isa pa takot ang ibang mag-aaral sa
22 kanila dahil sa mga naririnig nilang
23 mga balita tungkol sa ginagawa ng
24 ibang mga Muslim at ang mga
25 pangyayari sa lugar na kanilang
26 pinanggalingan. Ngunit matapos
27 nilang mapakinggan ang tungkol sa
28 kanilang paniniwalang Islam at kung
29 paano nila isinasabuhay ang mga
30 pangaral ni Allah, unti-unting
31 nagbago ang pakikitungo ng kanilang
32 mga kaklase. Nag-umpisa
33 ang lahat sa paaralan, ngayon may
34 kasabay na sila sa paglalakad papunta
35 sa paaralan at pauwi sa kanilang
36 bagong tirahan. Muli na namang
37 pinatunayan na sa pamamagitan ng
38 edukasyon makakamtan natin ang
39 pagkakaisa kahit magkakaiba-iba tayo
40 ng paniniwala.
41 Host 1: Oras po natin, alas onse
42 singkwenta na po. Ang mga
43 balitang itinatampok sa araw na ito ay mula sa
44 Radyo Balita Ngayon,
45 maaasahan at walang sino mang
46 kinikilingan. Muli magandang tanghali.
47 cut to:
48 insert cbb station I.D Msc FM Song
Tanong:
_____1. Ano ang pamagat ng programa sa iskrip na iyong binasa?
A. News Patrol
B. Express Balita
C. Radyo Balita Ngayon
D. wala sa nabanggit
_____2. Sino ang dalawang batang tinukoy sa balita?
A. Sally at Joyce
B. May at George
C. Farida at Faisal
D. Miguel at Kevin
_____3. Anong pangkat sila nabibilang?
A. Muslim
B. Katoliko
C. Iglesia ni Cristo
D. Saksi ni Jehova
_____4. Bakit sila nahirapan sa paaralan?
A. walang gustong makipag-usap sa kanila
B. walang gustong makipaglaro sa kanila
C. takot ang mga kamag-aral sa kanila
D. lahat ng mga nabanggit
_____5. Paano mo igagalang ang mga paraan ng pananampalataya ng iba?
A. tumahimik kapag may nagdarasal
B. huwag magsalita ng masama laban sa aral ng iba't ibang
relihiyon
C. makipagkaibigan sa kamag-aral kahit iba ang relihiyong
pinaniniwalaan
D. Lahat ng mga nabanggit
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
A. Aklat
Jabines, Angelika D. et al. Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino 4, 2015
Pahina 190-191
Legaspi, Ruth L. et al. Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon 4, 2014, Pahina 271

B. Online o Elektronikang Pinagmulan


ABS-CBN News, “Para makatulong sa ina: Binata nagba-barter ng obra kapalit
ng grocery items” 11 June 2020
https://news.abs-cbn.com/life/06/11/20/para-makatulong-sa-ina-binata-
nagba-barter-ng-obra-kapalit-ng-grocery-items

Co, Cris (Pilipino Star Ngayon ) “Yulo naka-isa na”, 2 December 2019
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/palaro/2019/12/02/1973560/yulo-naka-isa-na

Lim, Josh “Talaksan:Mike Enriquez in White Plains, Quezon City.jpg”, 22


Nobyembre 2016, 1 July 2020
https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Mike_Enriquez_in_White_Plains,_
Quezon_City.jpg

Mercado, Ayessa Jhen, “Pagsulat ng Adgenda at Katitikan ng Pulong”


https://www.academia.edu/38736853/Linggo_5_Pagsulat_ng_Adgenda_at_
Katitikan_ng_Pulong

Radio broadcasting script tagalog pdf. “Radio Broadcasting script” 2 February


2020
https://brainly.ph/question/1113103

Recio, Ronaldo, Wikimedia Commons, “File:Noli de Castro official cropped.jpg”,


21 October 2009, 1 July 2020
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Noli_de_Castro_official_cropped.j
pg

You might also like