You are on page 1of 14

Filipino 12

Filipino – Baitang 12
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Layon ng Katitikan ng Pulong
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jemma S. Silva
Editor: Jose Antonio D. Magtibay
Tagasuri: Jennie Rose S. Evangelista
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 12
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto-2
Layon ng Katitikan ng Pulong
Manunulat: Jemma S. Silva

Tagasuri: Jennie Rose S. Evangelista

Editor: Jose Antonio S. Magtibay


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang Baitang
12 ng Modyul para sa araling Layon ng Katitikan ng Pulong !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang Baitang 12 Modyul


ukol sa Layon ng Katitikan ng Pulong !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang;

A. naiisa-isa ang layon ng katitikan ng pulong;

B. nabibigyang pansin ang kahalagahan ng layon ng pulong sa

pamamagitan ng pagsusuri sa pulong ng pamilya; at

C. nakapagsasagawa ng pulong gamit ang mga napapanahong


aplikasyon.

PAUNANG PAGSUBOK

Piliin mo sa loob ng kahon ang maaaring magandang dulot ng pagtatala


ng katitikan ng pulong. Isulat ito sa loob ng bawat banner.

Maayos na daloy ng usapan. Gabay sa gaganaping pulong


Naipapaalam sa mga hindi dumalo ang napag-usapan. Isang paalala sa mga
kasapi ng samahan. Maaaring maging bahagi ng kasaysayan ng isang
samahan. Maaaring pagmulan ng hindi magandang pagtatalo.
BALIK-ARAL

Tukuyin kung TAMA o MALI ang binabanggit na ideya sa bawat


bilang.

______________1. Iisang kasanayan lamang ang kailangan sa pagsulat ng


katitikan ng pulong.
______________2. Mahalaga ang oras at petsa sa katitikan ng pulong.
______________3. Kalihim ang dapat na nagtatala ng katitikan ng pulong.
______________4. Maaaring isulat ang impormasyong hindi
napag-usapan sa katitikan ng pulong.
______________5. Magsisilbing gabay ang katitikan ng pulong
para sa susunod na pulong.

ARALIN

LAYON NG KATITIKAN NG PULONG


Tulad ng ibang uri ng pagsulat, ang katitikan ng pulong ay may
mga natatanging layon o kahalagahan na dapat mong mabatid.
Basahin at pag-aralang mabuti ang mga ito.
1. Naipababatid sa ibang kasapi ang mga naganap sa pulong lalo na sa mga
hindi nakadalo sa nakaraang pulong.
2. Nagsisilbing gabay upang maalala ang lahat ng detalye ng napag-usapan
sa nakaraang pulong.
3. Maaaring maging bahagi ng kasaysayan sa paglipas ng panahon.
4. Hanguan ng mga impormasyon/detalye para sa mga susunod na
pulong.
5. Nagsisilbing ebidensya sakaling magkaroon ng pagtatalo sa dalawa o
higit pang kasapi ng organisasyon.
6. Nagsisilbing paalala sa mga responsibilidad at gampanin ng
bawat kasapi.

MGA PAGSASANAY

Gawain A: PAMILYA KO, KAPULONG KO!


Magsagawa ka ng pagpupulong sa inyong tahanan ukol sa kung
paano makatutulong ang bawat isa sa pagkakaroon ng ligtas at
sapat na pinansyal para sa panahon ng pandemya. Gawing
kasapi ang lahat ng miyembro ng iyong pamilya. I-video ang
pulong na gagawin. Magtalaga ng kalihim na siyang magtatala ng katitikan.
Suriin ang katitikan na naisulat ng inyong kalihim. Gamitin ang talahanayan
sa ibaba. Markahan ang iyong nagawa ayon sa pamantayang nasa ibaba.

Mga Natamong Layunin ng Mga Layuning Di-Natamo ng


Katitikan Katitikan

Pamantayan sa pagmamarka:
Pamantayan Puntos Iskor
Nakatamo ng 3-4 na layunin ang katitikan ng 5
pulong
Naitala ng kalihim nang maayos at sunod-sunod 5
ang detalye ng pulong
Naipakita ng bawat miyembro ng pamilya ang 5
pakikiisa sa pulong
Kabuoan 15

Gawain B: Pulong Tayo sa Google


1. Magsagawa ng pulong sa google, sundin ang mga kasaping binigay ng
guro.
2. Siguraduhing magamit ang lahat ng bahagi ng katitikan ng pulong.
3. Tiyaking naipadala sa lahat ng kasapi ang link ng Google Meet upang
makalahok ang lahat ng kasapi sa nasabing pulong.
4. Ipadala rin sa guro ang link upang mapanood at mapakinggan ang inyong
pulong.
5. Ipadala ang katitikan ng pulong sa inyong guro.

KATITIKAN NG PULONG BLG. ____


Pamagat ng Pulong:
KATITIKAN PETSA: ORAS:

MGA KASAPI
MGA NAGSIDALO

MGA HINDI-NAKADALO

MGA PAKSA NG PULONG


Paksa Aksyon
1.

3.

Pamantayan sa pagmamarka:
Pamantayan Puntos Iskor
Mahusay na naisulat ang mga kahingian sa pagbuo 5
ng katitikan ng pulong
Malinaw ang detalye ng adyenda, diskusyon, at ang 5
mga naging pasya ng pulong. Tiyak ang
pagkakasunod-sunod ng mga usapin ng kabuuang
daloy ng pulong.
Mahusay ang pakikibahagi ng bawat miyembro ng 5
grupo sa pagpaupulong.
Kabuoan 15

Gawain C: Punan mo ng nawawalang salita ang bawat bilang upang mabuo


ang bawat ideya. Piliin sa loob ng banner ang sagot.
kaganapan kasaysayan gabay impormasyon ebidensya

1. Nagsisilbing ____________ upang maalala ang lahat ng detalye ng pulong.


2. Maaaring maging bahagi ng ______________ sa paglipas ng panahon.
3. Hanguan ng mga _______________ para sa susunod na pulong.
4. Nagsisilbing________________ sa gitna ng pagtatalo.
5. Naipababatid sa bawat kasapi ang _________________ sa nakaraang
pulong.

PAGLALAHAT

Lagyan ng bilang 1-6 ang mga layon ng katitikan ng pulong ayon sa


pinakamahalaga at hindi. Isulat sa patlang ang bilang.

_____ Hanguan ng mga impormasyon/detalye para sa mga susunod na


pulong.
_____ Nagsisilbing ebidensya sakaling magkaroon ng pagtatalo sa dalawa o
higit pang kasapi ng organisasyon.
_____ Nagsisilbing paalala sa mga responsibilidad at gampanin ng bawat
kasapi.
_____ Naipapabatid sa ibang kasapi ang mga naganap sa pulong lalo na sa
mga hindi nakadalo sa nakaraang pulong.
_____ Nagsisilbing gabay upang maalala ang lahat ng detalye ng napag
usapan sa nakaraang pulong.
_____ Maaaring maging bahagi ng kasaysayan sa paglipas ng panahon.

PAGPAPAHALAGA

1. Paano kaya magiging bahagi ng kasaysayan ang katitikan ng pulong?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Paano mo tatanggapin ang hamon ng pagsasagawa ng pulong at
pagtatala ng katitikan nito sa paraang online?
__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

____________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

A. Batid kong handa ka na para sa maikling pagsusulit. Basahin at sundin


ang panuto. Isulat ang thumbs up kung ang pangungusap ay nagpapakita
ng kahalagahan at thumbs down kung hindi.
_________1. Nagsisilbing hanguan ng impormasyon para sa sususnod na
pulong.
_________2. Nagsisilbing paalala sa mga responsibilidad ng bawat kasapi.
_________3. Nagsisilbing kasangkapan upang magpalaganap ng tsismis sa
ibang grupo.
_________4. Nagsisilbing ebidensya ng mga kasaping may lihim na galit sa
kalihim o pinuno ng pulong.
_________5. Naipapabatid sa ibang kasapi ang mga naganap sa
pulong lalo na sa mga hindi nakadalo sa nakaraang
pulong.

B. Tukuyin ang layon ng katitikan ng pulong na inilalarawan sa


bawat sitwasyon. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
A. Naipapabatid sa mga kasaping hindi nakadalo ang naganap sa pulong.
B. Nagsisilbing gabay upang maalala ang lahat ng detalye sa nakararang
pulong.
C. Nagiging bahagi ng kasaysayan sa paglipas ng panahon.
D. Hanguan ng mga impormasyon/detalye para sa mga susunod na
pulong.
E. Nagsisilbing paalala sa mga responsibilidad at gampanin ng
bawat kasapi.
_____6. Pinapaskil ng kalihim ang mga napag-usapan sa pulong.
_____7. Ini-e-mail sa mga kasapi ang mga napagkasunduang itinakdang
gawain.
_____8. Muling pagsilip sa mga tala ng napag-usapan.
_____9. Pagkalap ng mga katulad na aksyon sa mga lumang katitikan ng
pulong.
_____10. Pagtatala ng mga datos ng mga napagpulungan.
I. Paunang Pagsubok
1. Maayos na daloy ng usapan.
2. Gabay sa gaganaping pulong
3. Naipapaalam sa mga hindi dumalo ang napag-usapan.
4. Isang paalala sa mga kasapi ng samahan.
5. Maaaring maging bahagi ng kasaysayan ng isang samhan.
II. Balik –Aral
1. Mali 2. Tama 3. Tama 4. Mali 5. Tama
III. Pagsasanay (A)
Ang marka ay ayon sa ginamit na pamantayan
Pagsasanay (B)
Ang marka ay ayon s aginamit na pamntayan
Pagsasanay (C)
1. gabay 2. kasaysayan 3. impormasyon 4. ebidensya 5. kaganapan
IV. Paglalahat
Depende sa iyong kasagutan.
V. Panapos na Pagsusulit
1. Thumbs up 2. Thumbs up 3. Thumbs down
4. Thumbs up 5. Thumbs up
6. A 7. E 8. B 9. C 10. D
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Francisco, George at Gonzales, Mary Grace. Filipino sa Piling Larang (Tech


Voch): Unang Edisyon. Lungsod ng Maynila: Rex Book Store, 2017.

You might also like