You are on page 1of 32

Filipino – Ikaapat na Baitang

Self-Learning Module (SLM)


Unang Markahan – Modyul 2: Pagbibigay kahulugan sa mga Salita sa
Pamamagitan ng Pormal na Depinisyon
Unang Edisyon, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at
mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang
ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda
ang karapatang-aring iyon.

Mga Bumuo sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Shella B. Gulac, Cristine May E. Sagge, Jessie M. Mondrial
Gemma T. Tanquerido
Editor: Nancy S. Aquino, Cyrel S. Defensor
Tagasuri: Mary Joy D. Bautista,Mary Anne A. Barrientos,Yusof A. Aluidin
Agabai S. Kandalayang
Tagaguhit: Danilo D. Bana-ay
Layout Artist:
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz, CESO V- Schools Division Superintendent
Natividad D. Ocon- Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission - Subject Area Supervisor
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura - Division PS In Charge of LRMS
Maarcelo A. Bocatera - Division ADM Coordinator
Antonio M. Dumagpi -EPS-– Subject Area Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon- Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Filipino
Unang Markahan – Modyul 2:
Pagbibigay Kahulugan sa mga
Salita sa Pamamagitan ng
Pormal na Depinisyo
Paunang Salita
Para sa Magulang/Tagapagdaloy:
Maligayang pagsisimula ng pag-aaral sa Filipino 4 Self-Learning Module
(SLM) tungkol sa Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita sa Pamamagitan ng
Pormal na Depinisyon!

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga publiko at pribadong paaralan upang gabayan kayo, mga guro o
tagapagdaloy/facilitator na matulungan ang mga mag-aaral at matugunan ang
kanilang pangangailangang pansarili, panlipunan at pangkabuhayan alinsunod
sa K to 12 Enhanced Basic Education Program.

Ang mga gawain sa kagamitang ito ay maingat na inihanda upang maging angkop
sa kaalaman, kakayahan, kalinangan at interes ng mga mag-aaral. Ito rin ay
naglalayong malinang nang lubos ang kanilang mga kasanayan sa ika-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan maging ang mga
pangyayaring kinakaharap nila sa araw-araw.

Kalakip ng materyal na ito ay ang mga paalala sa guro/tagapagdaloy katulad ng


nakikita mo sa ibaba bilang mahalagang bahagi ng nilalaman ng modyul.

Paalala sa Guro:

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitan


pampagtuturo na katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at
maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak
at malinang ang kanilang karunungan tungkol sa paggamit ng pangngalan sa
pagsasalita tungkol sa pagbibigay kahulugan sa mga salita sa pamamagitan
ng pormal na depinisyon. Ang inyong tamang paggabay ay makatutulong sa
mga mag-aaral upang makamit ang ating mga layunin sa pag-aaral.
Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila
nang tama ang lahat ng mga gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.
Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at
hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis
at mabisang pagkatuto. Maligayang pagtuturo!

ii
Bilang tagapagdaloy/facilitator, ikaw ay inaasahang mabigyang kaalaman ang
mga mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan mo ring
masubaybayan ang kanilang pag-unlad habang pinahihintulutan silang
pangasiwaan ang kanilang sariling pag-aaral.

Ikaw rin ay inaasahang mahikayat at matulungan ang mga mag-aaral sa paggawa


ng mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

Para sa Mag-aaral:

Maligayang pagsisimula ng pag-aaral sa Filipino 4 Self-Learning Module


(SLM) tungkol Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita sa Pamamagitan ng Pormal
na Depinisyon!

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mabisa, malikhain at masining


na pag-aaral mo ng wika, pagbasa at pagsulat sa ikaapat na baitang na inihahain
ng Kagawaran ng Edukasyon.

Gagabayan ka nito sa iyong pag-aaral upang higit na maakit at maisulong ang


iyong mabisang pagkatuto dahil isinasaalang-alang dito ang iyong kawilihan at
antas ng kahirapan sa paglalahad ng mga gawain.

Ang bawat gawain sa modyul na ito ay may kaukulang icon at nahahati sa


sampung bahagi:

Alamin
Sa bahaging ito inilalahad ang mga layunin at
kasanayang tatalakayin o kakayahang
inaasahan mong malaman sa modyul.

Subukin
Ang bahaging ito ay naglalayong suriin ang
nalalaman mo na tungkol sa araling gagawin.
Dito masusukat at malalaman kung
kinakailangan mong laktawan o ipagpatuloy
ang mga gawain sa modyul.

iii
Ito ay binubuo ng isang maikling drill o
Balikan pagsusuri upang matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa nauna.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa iba’t ibang paraan tulad
ng isang kuwento, sanaysay, isang awit, tula,
Tuklasin poster, sitwasyon o iba pang uri ng teksto na
magsisilbing paghahanda para sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagbibigay ng isang


maikling talakayan ng aralin na naglalayong
matulungan kang matuklasan at maunawaan
Suriin ang mga bagong konsepto at kasanayan.

Binubuo ito ng mga pansariling pagsasanay


upang mapalakas ang iyong pang-unawa at
kasanayan sa paksa. Malilinang din dito ang
Pagyamanin iyong natatanging kakayahan lalo na sa
pagbasa at pagsulat.

Ito ay binubuo ng mga katanungan,


pangungusap, o mga talatang sasagutan
Isaisip
upang maproseso ang iyong natutunan mula
sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagbibigay ng mga


gawaing makakatulong sa iyo na ilipat ang
Isagawa
iyong bagong kaalaman o kasanayan sa
totoong mga sitwasyon sa buhay.

Ito ay isang gawain na naglalayong suriin ang


iyong antas ng kasanayan sa pagkamit ng
Tayahin
kakayahang matuto.

Karagdagang Sa bahaging ito, isa pang gawain ang ibibigay


Gawain sa iyo upang pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa araling natutunan.

Susi sa Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto gawain sa modyul.

iv
Sa dulo ng modyul na ito ay makikita mo rin ang:

Mga Sanggunian Ito ay talaan ng lahat ng mga


mapagkukunan ng impormasyong
ginamit sa pagbuo ng modyul.

Ang mga sumusunod ay mga paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng kahit anong
marka ang iba’t ibang bahagi nito. Gumamit ng ibang papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay dito.
2. Huwag kalimutang sagutin muna ang mga tanong sa “Subukin” bago
magpatuloy sa iba pang mga gawain na makikita sa modyul na ito.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang mga gawain.
4. Maging matapat at may integridad sa paggawa ng mga gawain at pagsusuri
ng iyong mga sagot.
5. Tapusin ang isang gawain bago magpatuloy sa susunod na gawain.
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro pagkatapos masagutan ito.
Kung ikaw ay nahihirapan o may hindi naiintindihan sa modyul na ito, huwag
mag-aatubiling magtanong sa iyong guro o magulang upang ikaw ay matulungan.
Laging isaisip na hindi ka nag-iisa.

Inaasahang sa pamamagitan ng modyul na ito ay iyong maiintindihan ang mga


kaalamang nakapaloob dito at nawa’y lubos kang masiyahan sa paggawa ng mga
gawain. Kayang-kaya mo iyan!

v
Alamin

Panimula

Ang pormal na salita ay mga salitang pamantayan dahil ito ay


kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa
wika. Ito ay gumagamit ng bokabularyo na mas komplikado kaysa sa
ginagamit sa araw-araw na usapan. Ang pormal na salita ay
kadalasang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may
pangkaligirang intelekwal.
Sa modyul na ito ay iyong matututunan ang pagbibigay ng
kahulugan sa mga salita sa pamamagitan ng pomal na depinisyon. Ito
ay inihanda para sa iyo upang lubos kang matuto sa pagbibigay ng
pormal na depinisyon sa pamamagitan ng mga gawain.
Mahalagang Kasanayan sa Pagkatuto : Nabibigyang-kahulugan ang
salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon. (F4PT-Ia-1.10)

Layunin

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang nabibigyang-kahulugan ang salita sa pamamagitan ng
pormal na depinisyon.

1
Subukin
Panuto: Ibigay ang pormal na depinisyon ng salitang may salungguhit
sa pangungusap. Piliin ang iyong sagot sa pagpipilian. Isulat ang titik
ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Nakinig kami ng mga makalumang tugtugin sa radyo.


A) Isang kagamitan sa pagluluto.
B) Isang transmisyon at pagtanggap ng mensaheng tunog.
C) Kilos o krimen dahil sa masamang pangungusap na
nakakasira sa karangalan ng tao.
D) Sistema o proseso ng paghahatid ng mga eksena sa
pamamagitan ng pagbabago ng sinag ng liwanag.

2. Pagtatala ang isang paraan para makakuha ng sapat na


impormasyon.
A) Paraan ng pagpapasok ng mga impormasyon tungkol sa isang
tao.
B) Pagbabasa ng mga impormasyon mula sa dyaryo.
C) Pakikinig ng impormasyon galing sa ibang tao
D) Lahat ng nabanggit ay tama.

3. Nanalo ako sa isinagawang kompetisyon sa aming paaralan.


A) Paraan ng pagsusulat.
B) Paglalaban o patimpalak
C) Pagbibigay suhestyon sa pangyayari.
D) Pagbabalita sa naganap na pangyayari.

2
4. Si Robert del Rosarion ay isang imbentor, negosyante at musikero.
A) Isang taong mahilig sa sayaw.
B) Isang taong mahilig sa musika.
C) Isang taong mahilig sa pagsasalita
D) Isang taong gumagawa ng imbensiyon

5. Nakilala siya sa buong mundo dahil sa husay niya sa pagtugtog ng


piyano.
A) Instrumentang hinihipan para tumunog .
B) Instrumentong pinapatugtog tuwing may banda.
C) Instrumentong tinatapik para makabigay ng malakas na
tunog.
D) Instrumentong de kuwerdas na may tekladong tinitipa upang
tumunog.

6. Kami ay kumain ng kalamay na gawa ng aking lola sa may bukid.


A) Ito ay maliit at tostado ang labas pero malambot ang loob.
B) Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkatas ng gata mula sa
kinayod na niyog.
C) Ito ay gawa sa kanin, bawang at minsan rin itlog. Ito ay
kinakain kasama ng lahat ng ulam sa almusal.
D) Ito ay isang katangi-tanging panghimagas ng ating bansa at
hindi mo makikita ang parehong paggawa ng mga ito sa ibang
bansa.

3
7. Naglilinis ng paaralan ang aming dyanitor para maihanda ang
aming pasukan.
A) Siya ang tagapamahala sa paaralan.
B) Siya ang nagtuturo sa mga bata sa paaralan.
C) Siya ang nagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa paligid ng
paaralan.
D) Siya ang nagbabantay sa kantina at sinisiguradong
masustansya ang pagkain.

8. Naglalaro kami sa plasa tuwing Sabado kasama sila Nanay at Tatay.


A) Isang lugar kung saan maraming nakahimlay .
B) Isang lugar kung saan nagdadasal ang mga tao.
C) Isang patag na lugar kung saan maraming nakapastol na
hayop.
D) Malawak na damuhang ginagamit na laruan o pahingahan.

9. Maraming kalabaw sa bukirin ni Tatay Melyo.


A) Malaking hayop na madalas makita sa dagat.
B) Mabangis na hayop na makikita sa kagubatan.
C) Isang hayop na lumilipad na may malaking pakpak.
D) Isang hayop na pantrabaho karaniwang itim, may sunga at
buntot.

4
10. Binilhan ako ni nanay ng bagong kompyuter para sa online na
klase.
A) Isang kagamitan ng ginagamitan ng lapis at papel.
B) Ito ay mga pinagsama-samang mga nailimbag na salita sa
papel.
C) Aparatong sumusukat, nagtatala, at nagsasabi ng oras sa
pamamagitan ng paghahati nito sa mga oras.
D) Kasangkapan na maaaring iprograma upang magsagawa ng
isang may hangganang hanay ng mga
operasyong aritmetiko o lohikal.

5
Balikan

Panuto: Ikahon ang salita na kasingkahulugan ng salitang may


salungguhit sa pangungusap.

1. Ang maliit na aso ay pumuslit mula sa loob ng bahay at kumaripas


patungo sa halamanan kasi hinabol siya ng may-ari.

A. naglakad B. pumasok C. tumahol D. tumakas


2. Nayamot ang lalaki dahil sa dami ng mga langaw kaya sinubukan
niya itong bugawin.

A. masaya B. nagalit C. nagulat D.nasiyahan

3. Maraming bagay na inatupag si Michelle para sa sorpresang piging


kung saan naghanda siya ng maraming pagkain para sa mga bisita.

A. biyahe B.panauhin C.regalo D. salu-salo

4. Dahil sa haka-haka na darating si Kris Aquino, dumagsa sa plasa


ang mga tagahanga niya.
A.dumating B.tumalon C.umalis D. umiyak

5. Nagmumukmok ang bata dahil wala siyang kalaro.


A.masaya B.nagmumura
C.nagtatampo D.nalulungkot

6
6. Upang mawala ang kanyang pagkabagot dahil wala siyang magawa
sa bahay, sinubukan ni Ernie na tugtugin ang tulali, isang katutubong
instrumentong pangmusika.
A. galit B. masaya C. pagkabata D. pagkainip

7. Mapapawi ang poot mong nararamdaman kapag marinig mo ang


malamig na tinig ng mang-aawit.
A. antok B. galak C. galit D. saya

8. Ang pagsuot ng mga katutubong damit tulad ng malong tuwing


Buwan ng Wika ay isang paraan ng pagpupugay sa mga katutubong
Pilipino.
A. paggalang B. pagkakaibigan
C. pagmamahal D.pananamit

9. Sa isang iglap lamang ay nasukol na ng mga pulis ang kriminal at


dinala ito sa presinto.
A. nahuli B. napalaya C. napatay D.nasigawan

10. Tutubusin ni Delia ang kanyang kuwintas na kanyang isinangla sa


katapusan ng buwan.
A. babayaran B. ibibigay C. itatapon D. Nanakawin

7
Tuklasin

Panuto: Basahin ang tula.

Pamilyang Pilipino
Ni: Arjohn V. Gime

PAMILYAng Pilipino, tunay na huwaran,


Nagbubuklod, tunay na nagkakaisa
Magkaagapay sa hirap at ginhawa
Laging magkasama sa lungko’t at ligaya.

Mapagkandiling INA’y, laging nakaagapay


Sa pangangailangan, tunay na nakaalalay
Dakilang pagmamahal, sa ami’y bumubuhay
Kaniyang payo at aral, gabay sa buhay

AMAng haligi, di nagsasawang umitindi


Sa pangangailangan ng pamilya, di nag-aatubili
Gahol niyang panahon, pagal na katawan
Di nagging hadlang, sa pamilyang nais paglingkuran

Masisipag na ANAK, tiyaga ang puhunan


Karangalan para sa magulang, laging inaasam
Pagsisikap sa pag aaral, mulat na kamalayan
Sandatang kaalaman, dala para sa bayan

8
Suriin

Panuto: Basahin ang mga tanong at sagutin ang mga ito. Kopyahin sa
inyong kuwaderno at sagutin ang mga katanungan.

1. Ano-ano ang mga salitang may salungguhit sa tula? Isulat ang mga
ito sa loob ng kahon.

2. Alin sa mga pagpipilian ang nagbibigay kahulugan sa salitang


pamilya? Kulayan ng dilaw ang kahon na iyong sagot.

Ang pamilya ay Ang pamilya ay isang


itinuturing bilang grupo ng mga tao na
pinakamaliit na unit sa namamahala sa isang
isang komunidad. Ito ay lipunan o baranggay.
binubuo ng tatay , nanay
at anak.

9
3. Alin sa pagpipilian ang nagbibigay kahulugan sa isang AMA?
Kulayan ng berde ang kahon ng iyong sagot.

Siya ang dapat Siya ang haligi,


magtrabaho para sa di nagsasawang umitindi
pamilya. Siya ang dapat sa pangangailangan ng
pumalo sa mga anak pag pamilya, di nag-aatubili
may mali na ginawa.

4. Alin sa pagpipilian ang nagbibigay kahulugan sa isang INA?


Kulayan ng rosas ang kahon ng iyong sagot.

Siya ang ilaw ng tahanan Siya ang naglalaba ng mga


at laging nakaagapay damit, nagluluto at
sa pangangailangan, naglilinis ng bahay. Si ay
tunay na nakaalalay dapat manatili lang sa
bahay para maglinis.

5. Alin sa pagpipilian ang nagbibigay kahulugan sa isang ANAK?


Kulayan ng asul ang kahon ng iyong sagot.

Sila ang nagtratrabaho Sila ang nagbibigay saya sa


para sa pamilya para isang pamliya. Nag-aaral sila
makakain ang kasapi ng para makamit nila ang
pamilya. kanilang mithiin.

10
Tandaan

Ang pormal na salita ay mga salitang pamantayan dahil ito ay


kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang makapag-aaral sa
wika. Ito ay gumagamit ng bokabularyo na mas kumplikado kaysa sa
ginagamit sa araw-araw na usapan.

11
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Buuin ang mga salita sa word puzzle ayon sa mga kahulugan
na ibinigay sa loob ng kahon. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Pababa
1. Ito ay isang tao na nagbibigay ng edukasyon para
sa mga mag-aaral.
2. Ito ay hayop na tinatawag na vertebrates o mga
hayop na mayroong buto sa likod at lumilipad.
3. Ito ay isang uri ng sasakyang
panghimpapawid ngunit mas mabigat
kaysa hangin. May pakpak ang lahat ng mga
salipawpaw
4. Ito ay kagamitan na panulat o
pansining na karaniwang gawa sa manipis at
matibay na pigmento na nasa loob ng
matatag na pambalot.
Pahalang
5. Ito ang unang araw sa isang linggo.
6. Siya ang gumagamot sa mga taong maysakit sa
ospital.
7. Ito ay isang hayop na gumagapang at madalas
makita sa mga damuhan.
8. Ito ay isang puno na ang kanyang dahoon ay
ginagawang walis tingting..
9. Siya ang tinatawag na haligi ng tahanan.
Ito ay makikita sa kalangitan tuwing gabi kasabay
ng mga bituin.

12
13
Gawain 2

Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang isinasaad ay


tama o mali. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI
naman kung ito ay di-wasto. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Ang kahulugan ng salitang dalubhasa ay mga eksperto o


taong may malalim na kaalaman o kasanayan sa isang larangan.

2. Ang salitang kapansanan ay isang nakatawang kondisyon ng isang


tao.

3. Ang problema o suliranin na sumusubok sa lakas o kakayahan ay


tinatawag na pagsubok.

4. Ang parangal ay pagkilala para sa kahusayan ng isang tao.

5. Ang kahulugan ng salitang embutido ay malamig na pagkain bilang


panghimagas.

6. Matibay na hangarin o layunin ang kahulugan ng salitang


determinasyon.

7. Isasanla ay isang salita na ang kahulugan ay gawain sa bahay.

8. Ang paggamit ng agham upang mapadli ang isang bagay o malutas


ang isang problema ay tinatawag na teknolohiya.

9. Ang kahulugan ng salitang palantadaan ay isang paraan ng


pagguhit.

10. Ang karanasan ay isang salita na ang kahulugan ay hangganan.

14
Gawain 3

Panuto : Basahin ang pangungusap at ibigay ang kahulugan ng


salitang may salungguhit. Hanapin ang iyong sagot sa loob ng kahon
at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

a) Isang lugar kung saan tinuturuan ang mga estudyante o


mag-aaral upang magkaroon sila ng mga kaalaman.
b) Magkasundo sa lahat nga bagay
c) malawak na lupaing maraming punongkahoy; kagubatan
d) abuhin at mailap na pusangbundok
e) tawag sa halamang hindi namumulaklak na may dahong
mabalahibo at kahawig ng palma.
f) Ito ay isang ambisyon na nais makamit
g) Sangay ng kaalaman na nakabatay sa obhetibong
pagmamasid simulain na ginagamitan ng sistematikong
pagmamasid at ekspermento.
h) Bahagi ng bahay kung saan kumakain ang buong pamilya
i) Karaniwang may palantandaang may malakas na hangin
na may malakas na ulan, kulog at kidlat.
j) Isang mataas at mabangong uri ng bigas o palay.
k) Ito ay sasakyang pandagat.

1. Nagtago ang bata sa may kusina.

2. Ginawa niya ang kanyang takdang aralin pagkagaling sa paaralan.

3. Maraming mga mababangis na hayop sa may kakahuyan.

4. Ang pangarap ko ay maging isang matagumpay na mang-aawit.

5. May nakita kaming musa sa daan pauwi ng bahay.

6. Sanggang-dikit kami ni Ana mula nung bata pa kami kaya di kami


nag aaway.

7. Marami kaming nakitang pako sa may sapa.

15
8. Nakatuon ang oras niya sa pagbabasa ng mga libro kaya siya ay
magaling sa agham.

9. Ang CALABARZON ang mas hinagupit ng bagyo at maraming bahay


ang nasira.

10. Masarap kainin ang sinampaga na inani nila Tatay sa bukid.

16
Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga tanong nang pasalita pagkatapos


kumpletuhin ang talata batay sa iyong natutunan sa modyul na
ito. Hanapin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang pormal na salita?


2. Anong uri ng bokabularyo ang ginagamit nito?
3. Saan ito kadalasang ginagamit?

pormal na salita
bokabularyo
paaralan
wika
pangkaligirang intelekwal

Ang (1)_______________________ ay mga salitang


pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng
karamihang nakapag-aaral sa wika, ito ay gumagamit ng (2)-
___________________ na mas komplikado kaysa sa ginagamit sa
araw-araw na usapan. Ang pormal na salita ay kadalasang
ginagamit sa mga (3) __________________ at sa iba pang may (4)
________________________.

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang iyong


sagot sa mga kahon sa ibaba ng bawat pangungusap. Kopyahin ang
gawain sa inyong papel.

17
Isagawa

hangin dyip pasko


siyudad baryo

1. Umiihip ito na kung dumampi sa atin ay nagbibigay ng ginhawa


sa pakiramdam.

2. Isang uri ng sasakyan na maaaring gamitin sa pangangalakal o


pasahero.

3. Araw ng pagdiriwang ng buong mundo, ay sadyang malamig ang


simoy ng hangin sa panahong ito.

4. Lugar na sibilisado, maraming malalaking gusali, at mga sasakyan.

18
5. Isang lugar na malayo pa sa kabihasnan at simple ang pamumuhay.

Tayahin

19
Panuto: Ibigay ang tinutukoy na salita ng may salangguhit sa bawat
pangungusap na nararapat ilagay sa patlang.Piliin ang inyong sagot
sa pagpipilian. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Sumulat si Annie ng isang salaysay ng buhay ng kanyang


yumaong ama.

A. awit C. tala
B. kuwento D. talambuhay

2. Si Jessa ay isang tao na mahilig makipagtalo sa ibang bata.


A. mabait C. masayahin
B. maingay D. pilosopo

3. Nakahanda na ang puting tela para sa ipapalabas na pelikula sa


plasa.

A. kurtina C. telibisyon
B. pader D. telon

4. Mula sa bahagi ng bahay o gusali na nasa bungad o harapan ng


munisipyo, tanaw ang buong bayan ng San Felipe.

A. balkonahe C. pintuan
B. gusali D. teleskopyo

5. Ang aming mayor ay isang taong matalino, matalas, at mahusay sa


pakikipag unawaan.

A. diplomatiko C. matalino
B. mahusay D. politiko

6. Ito ay isang pagdiriwang bilang paggunita sa isang mahalagang


araw na karaniwang kaarawan ng mga patron ng isang lugar sa

20
aming bayan, madaling-araw pa lamang ay umiikot na ang banda
ng musiko para salubungin ang magandang araw ng pagdiriwang.

A. Kaarawan C. Pasko
B. Mahal na araw D. Piyesta

7. Marami ang dayuhan ; Hindi mamamayan ng bansa nagnanais


makapamasyal sa ating bansa.

A. Banyaga C. Pilipino
B. OFW (overseas Filipino worker) D. Tagalog

8. Naging maunlad ang aming ito ay ang pinakamaliit na yunit ng


pamahalaan dahil sa masinop na pamamahala ng aming Barangay
Chairman.

A. bansa C. lungsod
B. barangay D. mundo

9. Kay gandang pagmasdan ang sabay-sabay na paglakad ng mga


kadete.

A. pag-awit C. pagmartsa
B. pagguhit D. pagtakbo

10. Nasira ang maraming bahay dahil sa pagutok ng isang bundok na


may bukana na paibaba sa isang imbakan ng tunaw na bato sa
iallim ng balat ng lupa.

A. bulkan C. karagatan
B. bulubundukin D. sapa

Panuto : Basahing mabuti ang mga pangungusap sa hanay A.


Pagkatapos, hanapin sa hanay B ang kahulugan ng salitang may
salungguhit. Isulat sa patlang ang iyong sagot.

21
Karagdagang
A Gawain B

____1. Pitong piso ang pamasahe sa A. Sasakyang de-motor, may

dyipni. apat na gulong at

____2. Lahat kami ay nag-ambag karaniwang sangkapat na

para mabuo ang proyekto. tonelada.

B. Laruan na kumakatawan sa
____3. Maliit lang pala ang halaga
isang sanggol o tao.
ng ating biniling pagkain,
C. Anumang mahalagang
kaya may butal pa.
substansya na kinakain o
____4. Sabay-sabay kaming
iniinom upang magbigay
kumain ng pananghalian
nga lakas sa katawan.
araw-araw.
D. Ito ay isang gawain na

____5. Noong bata pa siya, may balak na isakatuparan.

paborito siyang manika na E. Pagkaing inihanda at

lagi niyang pinaglalaruan. kinakain sa tanghalian

22
Susi sa Pagwawasto

23
Mga Sanggunian

n.d. Accessed May 23, 2020. https://hamsfil9emgasanasay.wordpress.com/2016/03/04/pagkaing-pilipino-


pagkain-ng-bayan-2/.

n.d. https://tl.wikipedia.org/wiki/Aklat. Accessed 2020.

Patricia Jo C. Agarrado, Maricar L. Francia , Perfecto R. Guerero III, Genaro R. Gojo Cruz. 2016. Alab
Filipino. Quezon City: FEP printing Corporation.

Virgilio S. Almario. 2010. UP Diksyunaryong Filipino. Pasig City: Anvil Publishing.

n.d. Accessed May 23, 2020. https://hamsfil9emgasanasay.wordpress.com/2016/03/04/pagkaing-pilipino-


pagkain-ng-bayan-2/.

n.d. https://tl.wikipedia.org/wiki/Aklat. Accessed 2020.

Patricia Jo C. Agarrado, Maricar L. Francia , Perfecto R. Guerero III, Genaro R. Gojo Cruz. 2016. Alab
Filipino. Quezon City: FEP printing Corporation.

Virgilio S. Almario. 2010. UP Diksyunaryong Filipino. Pasig City: Anvil Publishing.

n.d. Accessed May 23, 2020. https://hamsfil9emgasanasay.wordpress.com/2016/03/04/pagkaing-pilipino-


pagkain-ng-bayan-2/.

n.d. https://tl.wikipedia.org/wiki/Aklat. Accessed 2020.

Patricia Jo C. Agarrado, Maricar L. Francia , Perfecto R. Guerero III, Genaro R. Gojo Cruz. 2016. Alab
Filipino. Quezon City: FEP printing Corporation.

Virgilio S. Almario. 2010. UP Diksyunaryong Filipino. Pasig City: Anvil Publishing.

n.d. Accessed 2020. Https://brainly.ph.

n.d. Accessed 2020. Https://brainly.ph.

n.d. Accessed 2020. shorturl.at/oyDF1.

24
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda
at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na
ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Kagawaran ng Edukasyon- SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System ( LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 228 - 8825; o 520 - 0421
Email Address:Region12@deped.gov.ph

You might also like