You are on page 1of 64

Napagsusunod-

sunod na
kronolohikal ang
mga pangyayari sa
napakinggang
teksto.
Talasalitaan:
Ibigay ang kasingkahulugan ng mga
salitang nakasalungguhit.
Talasalitaan:
1. Nais dalhin si Mali sa Thailand
upang doon makapamuhay na
naaayon sa kanyang kapaligiran.
Talasalitaan:
2. Ayon sa PETA, dapat palayain
na si Mali sa kagubatan.
Talasalitaan:
3. Sanhi ng limitadong espasyo,
hindi makapaglakad si Mali na
siya ring dahilan ng hindi
naaayong timbang ng elepante.
Talasalitaan:
3. Sanhi ng limitadong espasyo,
hindi makapaglakad si Mali na
siya ring dahilan ng hindi
naaayong timbang ng elepante.
Pagganyak
Tingnan ang larawan sa kabilang
slide.
Pagganyak
Pagganyak
Ano ang masasabi ninyo sa
larawan?
Pagganyak
Pakinggan ninyo ang babasahin
kong kwentong may pamagat na:
Pagganyak

May mali ba sa pagsasaayos


kay Mali?
Pagganyak
Nang binuksan sa publiko ang Manila Zoo
noong 1959, nakaakit ito sa halos 30 milyong
bisita at noong 2007, may halos 700 species ng
hayop ang pinangangalagaan nito at may 100
species ng halaman ang matatagpuan salimang
ektaryang lupaing sakop nito.
Pagganyak
Nitong nakaraang mga taon, nasasailalim
ang Manila Zoo sa matinding isyu dahil sa
pangangalaga sa pinakamalaking nilalang sa
kanilang bakuran, si Mali.
Pagganyak
Isang babaeng Asian/Asiatic elephant na
may scientific name na elephas maximus,
ang lahi ni Mali na lamang ang kaisa-isang
lahi ng elepanteng namumuhay sa mundo.
Pagganyak
May 39 taon na ding namumuhay sa Manila
Zoo si Mali kung kaya naman nagging
maingay ang pangangampanya ng mga
tagapagsulong ng kaniyang paglaya pabalik
sa natural nitong tahanan.
Pagganyak
Ayon sa People for the Ethical Treatment of
Animals o PETA,dapat na pakawalan na si
Mali sa kagubatan. Nais ng grupo na dalhin
ito sa Boon Lott’s Elephant Sanctuary sa
Thailand upang makapamuhay sa iba pang
elepanteng nasa naaayon nitong kapaligiran.
Pagganyak
Sa mga pag-aaral ng eksperto sa mga
elepante, namumuhay ang mga elepante
kasama ang pamilya. Hindi humuhiwalay ang
mga babaeng elepante sa mga anak at ang iba
pang elepante naman ang siyang nagbabantay
sa mga maliliit na hayop.
Pagganyak
Batay sa kanilang pag-aaral, malungkot ang
elepante dahil wala itong kasama. Hindi rin
sapat ang nutrisyong nakukuha nito mula sa
pagpapakain ng mga nangangalaga sa
kanya.
Pagganyak
Mula sa pag-aaral ni Dr. Henry Richardson,
isang beterinaryong tumingin kay Mali,
nagkakaroon na ng sugat ang elepnate sa
paa nito dahil sa bigat.
Pagganyak
Sanhi ng limitadong espasyo, hindi
makapaglakad si Mali na siya ring dahilan
ng hindi naaayong timbang ng elepante.
Pagganyak
Dahil sa maruming kapaligiran at walang
sapat na tubig na siyang mahalaga sa
pamumuhay ng elepante, nagkakaroon na ng
impeksyon ang mga sugat at unti-unti na
itong kinakain ang laman.
Pagganyak
Samantala, ayon kay Joseph Estrada na mayor
ng Lungsod ng Maynila, hindi niya
papayagan ang paglipat kay Mali sa ibang
bansa. Aniya, inaayos ang Manila Zoo upang
iayon sa binalangkas na probisiyon ng Animal
Welfare Act of 1998.
Pagganyak
Ayon dito, kinakailngang magkaroon ng
sapat, malinis, at naaayong pasilidad ang
anumang lugar na pinangangalagaan ng
hayop upang mamuhay ang mga hayop sa
pinakaakmang kondisiyon.
Pagganyak
Pinarurusahan ng batas ang sinumang tao na
lumabag rito at pagmumultahin ng
karampatang halaga.
Pagganyak
Dagdag pa ng alkaide, isang kahihiyan sa
bansa kapag inilipat si Mali sa ibang bansa
dahil pinatutunayan nitong hindinkaya ngn
bansa natin na pangalagaan ang hayop at
halaman.
Pagganyak
Sa halip na ilipat si Mali, isinasaayos na ang
kasunduan ng Lungsod ng Maynila at ng
Pamahalaan ng Sri Lanka na siyang
magbnibigay ng dalawa pang elepante na
magiging kasama ni Mali sa Manila Zoo.
Pagtalakay
1. Ano ang isyu tungkol kay Mali?
2. Ano ang nais mangyari ng mga PETA
kay Mali?
3. Bakit nagkaroon ng sugat si Mali?
Paglalahad
Pagsunud-sunurin ang pangyayari sa
kuwento. (ang pangungusap ay
nakasulat sa istrip ng cartolina)
Paglalahat
Ang pagkakasunod-sunod ng kronolohikal:
• Ang paksa nito ay tao o kung ano pa
mang bagay na inilalahad sa isang paraan
batay sa isang tiyak na baryabol
Paglalahat
• Impormasyon at mahahalagang
pangyayari
• Ginagamit ayon sa petsa gaya ng araw at
tiyak na taon
Gawin Natin 1
Pangkatang-gawain:
Sa loob ng envelop ay may mga
larawan ng mga pangulo ng Pilipinas.
Gawin Natin 1
Pagsunud-sunurin ang mga larawan ng
pangulo ayon sa kanilang
panunungkulan.
Gawin Natin 2
Panuto: Pangkatin sa apat ang mga
bata. Babasahin ng kuwentong
Singapore ang guro.
Gawin Natin 2

Singapore
Gawin Natin 2
Matatagpuan ang Republika ng
Singapore sa kipot ng Malacca, isang
maliit ngunit maunlad na bansa sa
Timog-Silangang Asya.
Gawin Natin 2
Batay sa mga ulat ng Malay, noong
1160 A.D. matapos ang isang bagyo, si
Utama (isang pinunong Malay) ay
napagawi sa isang bayan na kung
tawagin ay Temasek.
Gawin Natin 2
Dito ay nakakita siya ng isang hayop na
korteng-leon kaya’t naisipan niyang
binyagan ang lugar bilang Singa-pura o
“Lunsod ng Leon”.
Gawin Natin 2
Noong 1819, itinatag ni Sir Thomas
Stamford Raffles ang makabagong
Singapore. Dahil sa magandang lokasyon ng
bansa, hinimok niya ang Britain na bilhin at
sakupin ang teritoryo.
Gawin Natin 2
Naging bahagi ang Singapore ng Straits
Settlements, na noong 1867 ay
napaloob bilang kolonya ng Britain.
Gawin Natin 2
Sa panahong ito, umunlad ang
Singapore bilang isang pangunahing
sentro ng kalakalan at internasyonal na
malayang daungan sa pagbubukas ng
Suez Canal.
Gawin Natin 2
Subalit hindi rin nakaligtas sa
pananakop ng mga Hapon ang
Singapore. Ang isla ay nasakop mula
1942 hanggang sa pagtatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Gawin Natin 2
Ika – 3 ng Hunyo, 1959 nang magsarili
ang Singapore. Apat na taon ang
lumipas nang sumali ang bansa sa
Pederasyon ng Malaysia.
Gawin Natin 2
Subalit nang magkaroon ng mga alitan
ng pederasyong Malay at minoryang
Tsino, ang Singapore ay tumiwalag at
naging malayang bansa noong ika – 9
ng Agosto, 1965.
Gawin Natin 2
Kilala ngayon ang Singapore hindi
lamang sa pagiging isang
industriyalisadong bansa kundi sa
pagkakaroon din nito ng pinakamalinis
na lungsod sa buong mundo.
Gawin Natin 2
Pagsusunud-sunurin ang mga
pangyayari na nakasulat sa metacard.
Idikit ito sa manila paper.
Gawin Ninyo 1
Panuto: Tatawag ang guro ng batang
magbabasa ng teksto na pinamagatang:
Gawin Ninyo 1

Ang Tipaklong at ang


Paruparo
Gawin Ninyo 1
Ang katapatan ng isang kaibigan ay
masusukat sa panahon ng pangangailangan.
Kaylakas ng ulan! Kaylakas din ng hangin!
May bagyo nang umagang iyon.
Nagsasayawan ang mga puno maging ang
mga halaman at bulaklak.
Gawin Ninyo 1
“Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni
Tipaklong kay Paruparo. “Nakalabas pa kasi
ako sa aking pinagtataguang kahoy”. “Tiyak
na giginawin ka rin kahit nakatago ka na sa
kahoy.
Gawin Ninyo 1
Wala namang tumatakip sa katawan mo, a.
Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong
pinagtataguan?” ang tanong ng kanyang
kaibigang Paruparo. “Hindi nga ako
mababasa kung ako ay nakakubli,” ang
malumanay na sagot ni Tipaklong.
Gawin Ninyo 1
Ang dulas ng mga dahon at halaman ay
hindi mo mahahawakan,” ang sagot ni
Paruparo. “Oo nga, ano?” ang sagot ni
Tipaklong na may pagsang-ayon. “Higit
kang mapalad kaysa sa akin kaibigang
Tipaklong,” ang sabi ni Paruparo.
Gawin Ninyo 1
“Bakit mo naman nasabi iyan?” ang tanong
ni Tipaklong. “Ang katawan mo ay
mahaba. Matibay pa. Bakit giniginaw ka pa?
Samantalang ako, ang nipisnipis ng aking
katawan.
Gawin Ninyo 1
Kapag nagpatuloy ang paghihip ng malakas
na hangin at pagbagsak ng malalaking tipak
ng ulan, ang pakpak ko ay matatangay,” ang
sabi ni Paruparo. “Makukulay ang mga
pakpak mo ngunit may kanipisan.
Gawin Ninyo 1
Hindi ba’t takot ang ulan sa nakasisilaw
mong kulay? Huwag kang mag-alala. Ang
mga pakpak mo ay hindi liliparin ng
hangin,” ang sabi ni Tipaklong. “Saka, e ano
kung liparin ang mga pakpak mo? Ang
mahalaga’y buhay ka.”
Gawin Ninyo 1
“Kung wala na akong ganda, aanhin ko pa
ang buhay? Paano na ako makalalapit kay
Bulaklak kung wala na akong mga pakpak?”
ang malungkot na tanong ni Paruparo.
“Kung sabagay, tama ang sinasabi mo,
kaibigang Paruparo.
Gawin Ninyo 1
Ako man ay natatakot na kapag hindi
tumigil ang bagyo, dahil sa sobrang ginaw
mababali ang aking mga paa na kahit anong
pagpigil ay ayaw huminto sa panginginig,”
ang sabi ni Tipaklong.
Gawin Ninyo 1
“Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano
kaya ang mabuti nating gawin para maligtas
ang ating buhay?” ang tanong ni Paruparo.
“Alam ko na, may paraan akong naisip”,
ang sabi ni Tipaklong. “Paano?” ang tanong
ni Paruparo.
Gawin Ninyo 1
“Sa ilalim ka ng mga bulaklak
magtago,” ang mungkahi ni Tipaklong.
“At ikaw naman, paano ka?” ang
tanong ni Paruparo.
Gawin Ninyo 1
“Habang nakakapit ako at nagtatago sa
sanga ng puno ay babantayan ko ang
bulaklak na pagtataguan mo para hindi
malaglag,” ang sagot ni Tipaklong. At sabay
na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang si
Paruparo at si Tipaklong.
Gawin Ninyo 1
Pagkatapos basahin, ibibigay ng guro ang
envelop na may metacard sa loob. Unahang
isaayos ang inyong pangkat ayon sa
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento.
Paglalapat
Panuto: Humanap ng kapareha. Ang
kapartner mo ang magbabasa ng kuwento.
Pakinggan ang kuwentong babasahin ng
kapareha mo.
Paglalapat
Pagsunud-sunurin ninyo nang wasto ang
mga pangyayari sa kuwentong napakinggan.
Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang. (Tingnan
ninyo ang kwento at mga tanong sa inyong
activity sheet)
Pagtataya
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari
sa kuwentong napakinggan. (Pag-aaral
ng Bibliya).
(Tingnan ang kwento at mga tanong sa
inyong activity sheet).
Takdang Aralin
Magsaliksik ng kuwento na may
kronolohikal na pangyayari. Ilagay ito
sa puting papel.

You might also like