You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BULAKAN
TALIPTIP ELEMENTARY SCHOOL
Taliptip, Bulakan, Bulacan

FILIPINO 6
“Wastong Gamit ng Pang-angkop at Pangatnig”

Pangalan: Marka:
Baitang/Seksyon: Petsa:

I. PANIMULA

Mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon sa dalawang salita, dalawang
parirala o ng dalawang sugnay at pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pang-angkop at ang
pangatnig. Katulad ng pandiwa, panghalip, pang-uri at pang -abay, kabilang rin ang mga ito sa bahagi ng
pananalita.
Sa araling ito ay tatalakayin natin kung ano ang pang-angkop at pangatnig, mga pangkat, gamit at
uri nito. Matututuhan mo rin kung ano ang mga halimbawa nito at kung paano sila ginagamit sa
pangungusap

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


• Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at pangatnig. (F6WG-IIIj-12)

III. PAGTATALAKAY

Pang-angkop ang tawag sa mga katagang na, –ng o ng at –g. Ito ay nag-uugnay sa magkakasunud-sunod
na salita sa isang pangungusap upang magiging magaan o madulas ang pagbigkas nito. Ito rin ang
ginagamit para pag-ugnayin ang mga panuring at mga salitang binibigyan nito ng turing.

Ang pang-angkop na na ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan nagtatapos sa katinig ang
nauunang salita maliban sa letrang n. Para sulatin ito, dapat ihiwalay ito sa salitang pinag-uugnay
hal: nakadikit na babala
malinis na ilog
maayos na pamayanan

Ang pang-angkop na –ng ay inuugnay sa mga salitang nagtatapos sa patinig na mga letrang a, e, i, o, at u.
hal: magandang ilagay
maraming tao

1|P age
Ang pang-angkop na ng ay nag-uugnay ng mga salitang nagtatapos sa katinig na n. Ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari ang salitang binibigyang turing. Para sulatin ito, dapat ihiwalay ito sa salitang
pinag-uugnay.
hal: katahimikan ng barangay
dahon ng mangga

Ang pang-angkop na –g ay ginagamit kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa patinig at n.


hal: daang iyon
dahong tuyo

Atin namang suriin ngayon ang mga sumusunod na pangungusap:


1. Maganda ang iyong naisip ngunit hindi ito maganda para sa mga puno.
2. Kailangang maisabit na natin ito sa madaling paraan sapagkat gahol na tayo sa oras.
3. Halika na at ipaskil na natin ito bago tayo abutan ng dilim.

Pansinin ang mga kataga o salitang nakasulat ng pahilig. Ang mga katagang ngunit, sapagkat at bago na ginamit
sa pangungusap ay ilan lamang sa mga katagang ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawang salita, parirala, o
sugnay.

Pangatnig ang tawag sa mga ito. Pangatnig ang tawag sa mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala, o sugnay upang mabuo ang diwa o kaisipan ng isang pahayag.

Karaniwan itong makikita sa simula o kalagitnaan ng pangungusap. Ang pangatnig ay maaari ring magbukod,
manalungat at maglinaw sa isang kaisipan o pangungusap.

Mga Uri ng Pangatnig Gamit Halimbawa Pangungusap


Pangatnig na Pamukod Ginagamit ito upang o, ni, maging, man Ni tawag ni
ihiwalay, itanggi, o mangumusta ‘di man
itakwil ang isa o ilang lang niya ginawa.
bagay o kaisipan.
Pangatnig na Ginagamit ito kapag ngunit, datapwat, Mababa pa rin ang
Panalungat sinasalungat ng unang subalit, bagaman, kanyang iskor sa
bahagi ng pangungusap samantala, kahiman, pagsusulit kahit nag-aral
ang pangalawang bahagi kahit. siyang mabuti.
nito.
Pangatnig na Panlinaw Ginagamit ito upang kung kaya, kung gayon, kung kaya, kung gayon,
ipaliwanag ang bahagi o kaya kaya
kabuuan ng isang
banggit.
Pangatnig na Panubali Ito ay nagsasabi ng pag- kung, sakali, disin sana, kung, sakali, disin sana,
aalinlangan. kapag, o pag kapag, o pag
Pangatnig na Ginagamit ito upang dahil sa, sanhi sa, dahil sa, sanhi sa,
Pananhi magbigay ng dahilan o sapagkat, sapagkat,
katwiran para sa
pagkaganap ng kilos.

IV. GAWAIN

A. Panuto: Punan ng wastong pang -angkop na na, -ng/ng at –g ang bawat patlang sa talata. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

2|P age
1. 1. Bawat tao ay may tungkulin (1) dapat gampanan sa lipunan. Iba-iba tayo ng papel (2) ____
ginagampanan subalit ang bawat isa ay mahalaga. Samakatuwid, anuman ang gawain (3) _____
nakalaan sa atin ay dapat natin(4)____ gawin nang buo (5)_____ husay.

2. Bawat suliranin (6) _____kinaharap ng tao ay inihahanap natin ng lunas. Ang hindi paglutas sa
problema (7) _____ kinakaharap ay mangangahulugan (8) _____ wala tayo (9)_____ kakayahan(10)
_____ humanap ng kalutasan.

B. Panuto: Piliin ang pangatnig na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Bawat nilalang ay may tungkuling ginagampanan maging ano man ang katayuan niya sa buhay.
2. Kailangang tumupad tayo sa sinumpaang tungkulin sapagkat ito ay inaasahan sa atin.
3. May mga umiiwas sa gawain at tumatalikod sa responsibilidad.
4. Wala silang ginagawa habang ang iba ay nagpapakahirap.
5. Hindi sila tumupad sa tungkulin maging sa kanilang ipinangako.
6. Walang mangyayari kung ganito ang ating ugali.
7. Hindi tayo uunlad bagkus lalo tayong maghihirap.
8. Magbago na tayo sapagkat ito ang kailangan.
9. Magsikap tayo upang gumanda ang ating buhay.
10. Makakamit natin ang tagumpay kapag tayo’y masipag at marangal.

V. SANGGUNIAN
FILIPINO Kagamitan sa Pinatnubayang Pagkatuto – Wastong Gamit ng Pang-angkop at Pangatnig pp.
– 7. https://drive.google.com/file/d/1ilgW9-_RSrkIrJwDEGOTrH-pk-ST9POu/view?usp=sharing

3|P age
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BULAKAN
TALIPTIP ELEMENTARY SCHOOL
Taliptip, Bulakan, Bulacan

FILIPINO 6
“PAG-IISA-ISA NG MGA ARGUMENTO SA BINASANG TEKSTO”
SUSI NG PAGWAWASTO

GAWAIN A
1. g
2. na
3. g
4. g
5. ng
6. na
7. na
8. na
9. ng
10. na

GAWIN B
1. maging
2. sapagkat
3. at
4. habang
5. maging
6. kung
7. lalo
8. sapagkat
9. upang
10. kapag

Inihanda ni:

MARIA LUISA P. MARTIN


Teacher III

Noted:

ARMIDA SJ. SANTOS


Principal I

You might also like