You are on page 1of 4

p

Republic of the Philippines


Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
SAN CARLOS CITY DISTRICT III-A
San Carlos City, Pangasinan

Name: _____________________________________ Date: _____________


Grade & Section: _____________________________ Score: _____________

Learning Activity Sheet # 5


FILIPINO 5
Third Quarter

Pamagat ng Aralin: Aralin 1: Opinyon o Katotohanan


Layunin: Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan F5PB-IIIf-h-19
a. nakapagbibigay ng sariling opinyon at mga pahayag na may katotohanan;
b. natutukoy ang mga pahayag na opinyon lamang at mga pahayag na may
katotohanan.
Sanggunian: Batayang Aklat sa Filipino 5 pp.145-146, Downloaded activity sheets (guroako.com)

Konsepto:
Opinyon at Katotohanan
Ang opinyon ay tumutukoy sa isang pahayag o pananaw ng isang tao o pangkat na maaring hindi
totoo o totoo ngunit maaaring pasubalian ng iba. Ito ay maaaring nakabase sa damdamin, kaisipan,
paniniwala o prinsipyo ng isang tao.
Sa pagpapahayag ng opinyon, maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda:
a. Sa aking palagay…
b. Sa tingin ko…
c. Sa nakikita ko…
d. Kung ako ang tatanungin…
e. Sa pakiwari ko…
f. Para sa akin…
Halimbawa:
1. Sa aking palagay, ang katapatan ang pinakamahalagang katangian ng isang mabuting
kaibigan.
2. Kung ako ang tatanungin, mas masaya ang mamasyal sa parke kaysa sa mall.
3. Sa aking palagay, magtatagumpay sa buhay ang isang tao kung siya ay mag-aaral nang
mabuti.
4. Ang isda ay mabubuhay kahit may polusyon sa tubig.
5. Ang aso ay mas matapang kaysa sa pusa.

Ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayari na napatunayan na at


tanggap ng lahat na ito ay totoo at hindi mapasusubalian ng kahit sino at kahit saang lugar. Hindi ito
nagbabago at ito ay bunga ng isang pag-aaral o eksperimento. Ito ay mapapatunayan sa
pamamagitan ng mga ebidensya.
Sa pagpapahayag ng katotohanan, maaaring gumamit ng mga sumusunod na pananda:
a. Mababasa sa…
b. Batay/ayon sa pag-aaral…
c. Batay sa resulta…
d. Pinatutunayan ni…
e. Sang-ayon sa…
f. Mula kay…
g. Tinutukoy ng…
Halimbawa:
1. Batay sa pag-aaral ng World Health Organization, ang Covid-19 ay isang pandemya.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting bumagsak ang
turismo sa ating bansa dulot ng pandemya.
3. Ang dugo ay kulay pula dahil sa nagtataglay ito ng hanging tinatawag na oxygen.
4. Ang pagkaka-ingin ay nagdudulot ng pagkasira ng ating kabundukan.
5. Ang paggamit ng dinamita sa pangingisda ay nagdudulot ng polusyon sa tubig.

Pagsasanay 1: Iguhit sa patlang ang bituin kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng


katotohanan at buwan naman kung ito ay isang opinion lamang. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1._____ Ang Rehiyon III ay tinatawag ding Gitnang Luzon.


2._____ Ang Bataan ang pinakamalaking probinsiya sa Gitnang Luzon.
3._____ May tatlumpung araw sa loob ng isang buwan.
4._____ Para sa akin, Disyembre ang pinakamasayang buwan sa buong taon.
5._____ Nakakatakot ang mga ipis!
6._____ Ang ipis ay isang insekto.
7._____ Ang mga isda at karne ay mayayaman sa protina na nagpapalaki sa ating katawan.
8._____ Mas masarap ang karne kaysa sa isda.
9._____ Ang araw ang pinakamalapit na bituin sa ating mundo.
10._____ Sa tingin ko, mas malaki ang buwan kaysa sa araw.

Pagsasanay 2:
A.Magbigay ng 3 katotohanan tungkol sa inyong sariling pamilya.

1.____________________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________________
3.____________________________________________________________________________

B.Magtala ng 2 opinyon tungkol sa inyong sariling pamilya.

1.____________________________________________________________________________
2.____________________________________________________________________________

Pamagat ng Aralin: Aralin 2: Pang-angkop


Layunin: Nagagamit nang wasto ang pang-angkop sa pakikipagtalastasan
a. natutukoy ang wastong pang-angkop upang mabuo ang diwa ng pangungusap
F5WG-IIIf-g-10
Sanggunian: Alab Filipino, p. 146

Ang pang-angkop ay isa sa mga bahagi ng pananalita. Ito ay ginagamit para pag-ugnayin ang
mga panuring o salitang naglalarawan at mga salitang tinuturingan o salitang inilalarawan. Ito ay
mga katagang idinadagdag sa pagitan ng dalawang salita upang maging madulas o tuloy-tuloy ang
pagbigkas dito.
Tatlong halimbawa ng pang-angkop:
1.na- ito ay idinudugtong sa salita na nagtatapos sa katinig, maliban lang sa titik -n.
Halimbawa:
a. matinik na sanga
b. madulas na kalye
c. masipag na manggagawa
d. makintab na buhok
e. payat na braso
2. ng-ito ay isinusulat o idinudugtong sa mga salitang nagtatapos sa mga patinig na a,e,i,o, at u.
Halimbawa:
a. Masaganang ani
b. Kotseng puti
c. Dakilang guro
d. Kuwagong malaki
e. Berdeng kahon
3.-g- ito naman ay ginagamit o idinudugtong sa mga salitang nagtatapos sa katinig na n
Halimbawa:
a. Paaralang pambabae
b. Hipong Malaki
c. Saping makapal
d. Halamang ligaw
e. Sabong mabango

Pagsasanay 1: Basahin ang bawat pares ng salita sa ibaba at tukuyin ang nararapat na pang-
angkop upang mabuo ang mga parirala. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Halimbawa: C_ 1. buo-pamilya
A. na B. g C. ng
_____1. Tapat-lider
_____2. Balingkinitan-katawan
_____3. Maamo-tupa
_____4. Magalang-bata
_____5. Uliran-magulang
_____6. Mayabong-puno
_____7. Matalino-mag-aaral
_____8. Matapang-pulis
_____9. Malinis-kamay
_____10. Mabuti-Diyos

Pagsasanay 2: Isulat sa patlang ang pang-angkop na kailangan upang mabuo ang bawat
pangungusap.
Sadyang kahanga-hanga ang mga tapat(1)___manggagawa.
Ang buo(2)___ pamilya ay nagdudulot ng masaya(3)___Pasko.
Hindi kailangan ng mamahalin(4)___bagay para mapasaya ang mga Pinoy.
Ang mahaba(5)___buhok ni Samson ang pinanggagalingan ng kanyang lubos na lakas.
Susi sa Pagwawasto:
Aralin 1
Pagsasanay 1:
1,3,6,7,9

2,4,5,8,10

Pagsasanay 2:
Depende sa sagot ng bata

Aralin 2
Pagsasanay 1:
1. A
2. B
3. C
4. A
5. B
6. A
7. C
8. A
9. A
10. C
Pagsasanay 2:
1. na
2. ng
3. ng
4. g
5. ng

You might also like