You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
SAN CARLOS CITY DISTRICT III-A
San Carlos City, Pangasinan

Name: _____________________________________ Date: _____________


Grade & Section: _____________________________ Score: _____________

Learning Activity Sheet # 1


FILIPINO 5
Ikaapat na Markahan

Pamagat ng Aralin: Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga mula sa Tekstong


Napakinggan.
Layunin: Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan.
(F5PN-IVa-d-22)
Sanggunian: Alab Filipino-Ikalimang Baitang Vibal Group, Inc. 2016, Online o Elektronikang
Pinagmulan https://www.google.com.ph

Konsepto:
Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
Ginagamitan ito ng mga pangatnig na nagpapahayag ng sanhi o tinatawag na pananhi:
dahil/ dahil sa, sapagkat, palibhasa, kundangan, mangyari, at kasi.
Ang bunga ay ang resulta o kinalabasan ng pangyayari. Ginagamitan naman ito ng
mga pangatnig na nagpapahayag ng bunga o tinatawag na panlinaw: kaya/ kaya naman,
kung kaya, bunga nito/ng, sa gayon, sa ganitong dahilan.
Ang paggamit ng ugnayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at
nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang naging
epekto nito. Upang mas madaling maunawaan ang uganayang ito, mas mainam na
gamitan ito ng dayagram.
Ang dayagram ay isang paglalarawan o drawing para maipakita ang presentasyon
o ugnayan sa pagitan ng mga bahagi ng isang sistema.
Halimbawa:Venn Diagram, Fishbone Diagram, Tree Diagram, Flowchart at marami pang
iba.
Pagsasanay 1: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na SANHI ng sumusunod na BUNGA sa
bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_____1.Malulusog ang mga tanim na halaman ni Mang Aldo.
_____2.Umiiyak ng malakas ang bunsong anak ni Layla.
_____3.Napapatawa ang bawat masalubong ni Karina.
_____4.Pinuri ng guro at pinalakpakan ng mga kamag-aral si Miya.
_____5.Malungkot na malungkot nang umuwi mula sa pabrika si Mang Franco.
a. Mataas na mataas ang kanyang lagnat.
b. Tinanggal siya sa trabaho.
c. Alaga niya sa dilig at pataba ang mga halaman.
d. Tamang lahat ang mga sagot niya sa pagsusulit.
e. Magkaiba ang kulay ng suot niyang pares ng sapatos.

Pagsasanay 2: Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang sanhi at bunga gayundin ang pangatnig na
ginamit sa mga pangungusap sa ibaba.
1. Nag-aral ng mabuti si Alex kaya matataas ang marka niya sa pagsusulit.
2. May sugat si Lani kaya iyak siya ng iyak.
3. Bumaha sa EDSA dahil sa malakas na ulan.
4. Dinala sa ospital si Sam sapagkat mataas ang kanyang lagnat.
5. Hindi siya kumain ng almusal kaya sumasakit ang kanyang tiyan.

SANHI BUNGA
PANGATNIG

1.

2.

3.

4.

5.

Pagsasanay 3: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Gamit ang Fishbone Diagram
tukuyin ang Sanhi at Bunga. Isulat ang inyong sagot sa dayagram.
1. Lumawak ang kaalaman ni Pablo dahil sa pagbabasa niya ng sari-saring aklat.
2. Unti-unting naglalaho ang mga isda at iba pang lamang dagat dahil sa polusyon.
3. Nakatulog ng mahimbing ang guwardiya ng grocery store kaya nakapasok ang mga
magnanakaw.
4. Laging napaglilipasan ng gutom si Rona kaya nagkasakit siya.
5. Naging marumi ang ilog dahil tinambakan ito ng mga basura ng tao.

SANHI
1 2 3 4 5

mabuo ang ibig ipakahulugan ng bawa BUNGA

Pagsasanay 4: Piliin sa ibaba ang angkop na sanhi at bunga upang mabuo ang pangungusap sa
bawat bilang na nasa tsart.

1. Sapagkat matindi ang sikat ng araw


2. bumalik siya sa bahay.
3. kaya napatigil siya sa daan.
4. Dahil basa ang sahig
5. Naiwan na nakabukas ang gate

a. kaya nakalabas ang tuta


b. agad na natuyo ang mga damit sa sampayan
c. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Ling
d. nadulas at nasaktan si Aurora
e. dahil nakalimutan ni Esme ang kanyang I.D.

Susi sa Pagwawasto:

Pagsasanay 1
1. C
2. A
3. E
4. D
5. B

Pagsasanay 2

1. Sanhi: Nag-aral ng
mabuti si Alex
Pangatnig: kaya
Bunga: matataas ang
marka niya sa
pagsusulit.

2. Sanhi: May sugat si


Lani
Pangatnig: kaya
Bunga: iyak siya ng
iyak

3. Sanhi: malakas na
ulan
Pangatnig: dahil sa
Bunga: bumaha sa
EDSA

4. Sanhi: mataas ang


kanyang lagnat
Pangatnig: sapagkat
Bunga: dinala ospital si
Sam

5. Sanhi: Hindi siya kumain ng almusal


Pangatnig: kaya
Bunga: sumasakit ang kaniyang tiyan

Pagsasanay 3
1. Sanhi: Dahil sa pagbabasa niya ng sari-saring
aklat
Bunga: lumawak ang kaalaman ni Pablo
2. Sanhi: Dahil sa polusyon
Bunga: unti-unting naglalaho ang mga isda at iba
pang lamang dagat
3. Sanhi: Nakatulog ng mahimbing ang guwardiya
ng grocery store
Bunga: kaya nakapasok ang mga magnanakaw
4. Sanhi: Laging napaglilipasan ng gutom si Rona
Bunga: kaya nagkasakit siya
5. Sanhi: dahil tinambakan ito ng mga basura ng
tao
Bunga: nagging marumi ang ilog
Pagsasanay 4:
1. B
2. E
3. C
4. D
5. A

You might also like