You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Region VIII
Division of Leyte
Palompon North District

Learning Activity Sheets (LAS)

LS1 Communication Skills

Name of Learner: ____________________________ Date: _________________


CLC: ______________________________________ Level: ________________
___________________________________________________________________

Aralin: Sanhi at Bunga


Kasanayang Pampagkatuto at Koda:
Nasasabi/naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
LS1CS/FIL-PB-PPD-MT/JHS-51

Tungkol Saan ang Modyul na Ito?

Ang modyul na ito ay tungkol sa kahalagahan ng sanhi at bunga sa isang


komunikasyong, madalas tayong nagbibigay o naglalahad ng sanhi at bunga. Layunin nitong
ipakita na kaya naganap ang isang pangyayari ay may dahilang nauna pa kaysa rito. Sa
gawaing ito, kailangan nating pag-aralan at tingnang mabuti ang isang pangyayari. Dito’y
kailangan ang likas na pagkukuro at matalinong paninindigan sa pagpapasya at
pagpapakahulugan sa mga bagay na nakikita at nababasa natin.

Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at


nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang nagging epekto
nito.

1
Pag-isipan Natin Ito

Panuto: Sumulat ng inyong sariling kuroro o opinion sa kung ano ang


maaaring bunga ng bawat ipinapahayag na aksyon sa larawan.Isulat ang
inyong sagot sa loob ng kahon.

Nagtatapon ng basura
sa ilog.

2
LS1 filipino: sanhi at
bunga
Name of Learner: ____________________________ Date: _________________
CLC: ______________________________________ Level: ________________

Pre-Test
Panuto: Panuto: Isulat sa patlang ang titik S kung ang may salungguhit ay tumutukoy ng
sanhi. Isulat ang titik B kung ito ay tumutukoy ng bunga.

___________1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil nawalan sila ng
kuryente.

___________2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.

___________3. Pagka't malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga
damit sa sampayan.

___________4. Dahil nakalimutan ni Roselle ang kanyang I.D., bumalik siya sa bahay.

___________5. Sapagka't nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi naka-pagsuklay


si Carla.

___________6. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Justin kaya napatigil siya sa daan.

___________7. Naunawaan ni Gabby ang aralin kung kaya't tama lahat ang
sagot niya sa pagsasanay.

___________8. Hindi pumasok sa opisina si Manuel pagka't mataas ang kanyang lagnat.

___________9. Dahil basa ang sahig, nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral.

___________10. Nakalabas ang tuta kasi naiwan na nakabukas ang gate.

_____________ ________________ ______________


ALS Learner Signature ALS Teacher Parents/Guardian Signature

3
Anu-ano Na ang mga
Alam Mo?
Panuto: Basahin mabuti ang pangungusap. Markahan ng S kung ito ay Sanhi at B kung ito
ay bunga.
1. _______ Nahulog ako sa hagdan
_______ Nagmamadali akong bumaba ng hagdan.

2. _______ Araw-araw akong nagdidilig ng halaman.


_______ Malaki ang aking halaman.

3. _______ Madali ang pagsusulit sa Filipino


_______ Nagaaral ako ng mabuti sa Filipino.

4. _______ Hindi kami natuloy magbisikleta.


_______ Umulan ng malakas.

5. _______ Marami na akong laruan.


_______ Hindi na ako bumibili ng laruan.

6. _______ Nagsuot ako ng sombrero


_______ Napakainit sa labas ngayong tag-init.

7. _______ Konti ang tubig sa Angat Dam.


_______ Hindi umulan ng matagal at napakainit.

8. _______ Malusog ang aking nanay.


_______ Mahilig kumain ang aking nanay.

_____________ ________________ ______________


ALS Learner Signature ALS Teacher Parents/Guardian Signature

4
alamin natin

SANHI AT BUNGA

Ginagamit sa pakikipagtalastasan ang pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga


pangyayari.Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang bunga.

Sa pagbibigay ng sanhi at bunga,ginagamit ang mga panandang dahil sa,dahil kay,at


sanhi at upang mailahad nang malinaw at maayos ang dahilan ng pangyayari.

Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ito ay nagsasabi ng


mga kadahilanan ng mga pangyayari.

Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari. Ito ang epekto ng
kadalinanan ng pangyayari.

Bakit mahalaga ang paggamit ng Sanhi at Bunga?

Mahalaga ang paggamit ng pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga dahil ang


mga salitang ito ay nagbibigay ng pahiwatig kung alin sa dalawa and sanhi o bunga. Ito rin ay
ginagamit upang malaman ang simula ng isang pangyayari at kalalabasan into.

Ang sanhi ay nagsasaad ng kadahilanan ng mga pangyayaring naganap at ang epekto ng


pangyayaring ito ay tinatawag na resulta. Sa madaling sabi, may pinagugatan ang pangyayari
at dahil dito ay nagkakaroon ng kasunod.

Halimbawa:

Sanhi: Uminom ng silver cleaner ang binata.

Bunga: Nalason siya.

Sanhi: Ang mga tao ay palaging nag tatapon ng basura sa kalsada.

Bunga: Kaya ngayon ating sari-sariling lugar ay binabaha na.

Sanhi: Illegal na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan

Bunga: Baha sa mababang lupain at landslide at pagkamatay ng maraming tao.

5
Maari ding magkaroon ng isang sanhi ngunit maraming bunga na maidudulot ng isang
pangyayari. Halimbawa nito ay ipinapakita ng dayagram sa ibaba.

Halimbawa:
Katamaran(sanhi), ito ang pangunahing dahilan bakit mahirap ang Pilipinas. Kung
mag-iisip tayo, ang tubong prinsipal dito ay ang katamaran ng mga Pilipino.

Halimbawa:
Ang sanhi ng Polusyong sa ilog at dagat ay maaring may iba’t ibang bunga.
Tingnan sa dayagram sa ibaba.

6
Ang manunulat ay nagbibigay ng isa o higit pang sanhi at epekto ng pangyayari. Ang sanhi
ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari at ang epekto nito ang tinatawag na
resulta o bunga. Sa simpleng salita, may pinagsimulan ang isang pangyayari at dahil dito ay
nagkaroon ng kasunod.

Mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. Ang isang salaysay ay gumagamit ng
mga salitang pang-ugnay sa sanhi at bunga. Narito ang ilan:

 dahil
 kung kaya
 kasi
 sapagkat
 kung
 kapag

Mga halimbawang pangungusap na nauuna ang sanhi:

1. Magdamag na umiiyak ang sanggol sa loob ng bahay (sanhi) kaya hindi nakatulog na
maayos si Aling Ester (bunga).
2. Hindi iningatan ni Totoy ang kanyang cellphone (sanhi) kaya nasira ito agad (bunga).
3. Dahil nag aral siyang mabuti (sanhi) kaya mataas ang nakuha niya sa pagsusulit (bunga).
4. Dahil sa pagtatapon ng basura kung saan-saan (sanhi) kaya naman nalalason na ang
ating kapaligiran (bunga).
5. Labis na pagputol ng mga puno (sanhi) kaya wala ng sumisipsip sa mga tubig ulan kaya
nagkakaroon nng labis na pagbaha (bunga).

Mga halimbawang pangungusap na nauuna ang bunga:

1. Nalalason ang mga isda sa dagat, at nagkakaroon ng mga baha (bunga) dahil sa


walang displinang pagtatapon ng basura kung saan saan (sanhi).
2. Nagkamit siya ng ibat-ibang karangalan sa kanyang paaralan (bunga) dahil nag aaral
siyang mabuti (sanhi).
3. Lumubog sa baha ang bayan ng Navotas (bunga) dahil sa kakulangan ng pagpaplano ng
mga nasa katungkulan (sanhi).
4. Di makakain sa labis na kalungkutan at pagdaram ang isang lalaki (bunga) dahil
iniwan siya ng kanyang asawa (sanhi).

May mga bagay ng upang maunawaang mabuti, ang kailangang ipaliwanag ay kung
ano ang pangangailangan o dahilan ng mga pangyayari upang magresulta ng anumang bunga.

Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at


nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang nagging epekto
nito.

7
Gawain 1

Panuto: A. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap.


1. Nakamit ni C.J. ang unang gantimpala sa paligsahan dahil napakahusay at taos puso ang kanyang
pag-awit.

2. Unti-unting nawawalan ng matitirhan ang mga hayop sa gubat kaya nasa panganib ang buhay nila.

3. Tumaas hanggang tuhod ang tubig baha kung kaya't lumikas na ang mga tao mula sa kanilang mga
bahay.

4. Nagluto ng espesyal na almusal ang magkakapatid pagka't nais nilang ma-sorpresa si Nanay sa
kanyang kaarawan.

5. Dahil paulit-ulit na sinabi ni Anita ang numero ng cellphone ng kanyang kaibigan, nasaulo niya ito.

6. Pinahintulutan ni Aling Tessie na maligo ang mga bata sa ulan kasi wala naman kulog at kidlat.

B. Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap.


1. Parating na ang trak ng mga basurero kung kaya't inilabas na ni Noel ang mga bag ng basura.

2. Tiniis niya ang kahirapan ng trabaho dahil nais niyang bigyan ng magandang kinabukasan ang
kanyang mga anak.

3. Malaki ang nabago sa hitsura at laki ng kanyang katawan kaya hindi ko siya agad namukhaan.

4. Lumubog ang malaking barko sapagka't ang bilang ng mga pasahero roon ay labis sa kapasidad
nito.

5. Bumili ng mga bagong kagamitan para sa eskuwela sina Jun at Erica kasi malapit na ang pasukan.

6. Nag-ipon ng pera ang pamilyang Santos kaya nakapagpalista ang mga bata sa pribadong paaralan.

_____________ ________________ ______________


ALS Learner Signature ALS Teacher Parents/Guardian Signature

8
Gawain 2

Panuto: Pagtambalin ang sanhi sa kaliwa sa angkop na bunga sa kanan. Isulat ang titik
ng tamang bunga sa patlang ng sanhi.

_____________ ________________ ______________


ALS Learner Signature ALS Teacher Parents/Guardian Signature

9
Gawain 3
Panuto: Gumawa ng isang dayagram na mayroong isang sanhi at maraming bunga.
Maari kang mamili sa mga napapanohong issue ngayon sa ng ating bansa o sa ibang
lugar. Gamitin ang dayagram sa ibaba.

_____________ ________________ ______________


ALS Learner Signature ALS Teacher Parents/Guardian Signature

10
Mga tanong:

 Ano ang ibig sabihin ng sanhi at bunga?


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

 Mag bigay mg dalawang halimbawa ng sanhi at bunga?

Sanhi:
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Bunga:
____________________________________________________________
____________________________________________________________

 Bakit kailangan nating malaman kung ano ang ibig sabihin ng sanhi at bunga?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

 Bakit mahalaga na malaman natin ang mga kaakibat na sanhi at bunga na ating
gawain sa bawat araw.

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

11
Alamin Natin ang Iyong
mga Natutunan:
Panuto: A. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap.
1. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan mag- maneho pauwi.
2. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat.
3. Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay kasi alam niya ang tamang sagot sa tanong ng guro.
4. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya bumili ng bagong
sapatos si Tatay.
5. Sapagka't hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang salbabida.
6. Dahil sa labis na paninigarilyo, nagkaroon ng sakit sa baga ang tito ni Atoy.

B. Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap.

1. Pumunta sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang pagkain.


2. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya't uminom siya ng maraming tubig.
3. Pinakain ko ang alagang aso mo dahil kanina pa ito tumatahol.
4. Itinakbo sa ospital ang babae sapagka't nahimatay siya sa pagod.
5. Nawalan ng preno ang dyip kaya bumangga ito sa poste.
6. Dahil sinundan niya ang mga babala sa kalsada, nakaiwas siya sa sakuna.

C. Gumawa ng isang dayagram na mayroong isang sanhi at maraming bunga. Maari kang
mamili sa mga napapanohong issue ngayon sa ng ating bana o sa ibang lugar.

_____________ ________________ ______________


ALS Learner Signature ALS Teacher Parents/Guardian Signature

12
Sanggunian:

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1216225#readmore

https://brainly.ph/question/1216225

https://philnews.ph/2020/02/26/ano-ang-sanhi-at-bunga-depinisyon-at-halimbawa/

https://www.slideshare.net/saturninoguardiario/satsky-gurad

13
sanhi AT bunga
Batayan sa Pagwawasto

Pre-Test
1.S 2.B 3.S 4.S 5.B
6.S 7.B 8.B 9.B 10.S

Ano-anu na ang mga Alam Mo: Gawain 1

14
Gawain 2

Alamin Natin ang Iyong Natutuhan (Post-Test)

15

You might also like