You are on page 1of 16

Filipino

Ikatlong Markahan– Modyul 12:


Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng
mga Pangyayari
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 12: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jay Ann B. Roldan
Editor: Ramon S. Gravino, Jr., Maylen F. Sardido, Gemma M. Guttierez
Tagasuri:
Tagawasto: Irene T. Cababat, Hazel P. De Leon
Tagaguhit at Tagalapat: Geoffrey S. Andrade, Marlou G. Samontina
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe
Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug
Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines
Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan– Modyul 12:
Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng
mga Pangyayari
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM
na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Kumusta ka?

Nasubukan mo na bang alamin ang dahilan at kinalabasan ng


isang pangyayari? Tiyak na madadagdagan pa ang iyong
kakayahan sa pagsusuri ng sanhi at bunga sa modyul na ito.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang matutuhan


ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• nakapag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari sa


binasang teksto

Subukin
Suriin mo ang mga larawan. Hanapin sa Hanay B ang maaaring
bunga o kinalabasan ng mga pangyayari na ipinapakita ng mga
larawan na nasa Hanay A na maituturing na sanhi o dahilan ng
mga pangyayari. Isulat sa papel ang letra nang tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. a.

2. b.

2
3. c.

4. d.

5. e.

Pagtalakay sa Leksiyon
Balikan
Basahin at unawain mo ang talata. Pagkatapos ay sagutin ang
gabay na mga tanong tungkol dito. Piliin mo ang letra nang
tamang sagot at isulat mo ito sa iyong papel.

Nagising si Mario dahil sa malakas na ingay ng sirena ng


trak ng bombero. May sunog pala sa kalye Masigasig kaya
agad niyang ginising ang mga magulang at kapatid.

Ibinalita ng kanilang kapitbahay na ang sanhi ng sunog ay


ang nakalimutang kandila sa ibabaw ng mesa. Hindi ito pinatay
ng may-ari ng bahay bago natulog.
Labis ang pasasalamat nila dahil naapula agad ang apoy.

3
1. Bakit biglang ginising ni Mario ang kanyang mga magulang at
kapatid?
a. may sunog
b. naapula ang apoy
c. may nakalimutang kandila

2. Bakit nagising si Mario?


a. malakas na ulan
b. balita ng kapitbahay
c. dahil sa malakas na busina ng trak ng bombero

3. Ano ang dahilan ng sunog sa kalye Masigasig?


a. mga batang naglalaro ng posporo
b. nakalimutang kandila sa ibabaw ng mesa
c. Naiwang sinaing na nakasalang sa apoy

4. Bakit nalaman agad ni Mario ang dahilan ng sunog?


a. narinig sa radyo
b. nabasa sa diyaryo
c. ibinalita ng kapitbahay

5. Bakit nagpasalamat sila?


a. naapula agad ang sunog
b. nagising sila agad
c. ginising sila

Tuklasin
Ibigay ang kinalabasan o bunga ng sumusunod na mga sanhi o
dahilan ng pangyayari na isinasaad ng bawat pangungusap.
Piliin mo sa loob ng kahon ang letra nang tamang sagot at isulat
ito sa iyong papel.

4
a. Siya ay kinagigiliwan ng kaniyang mga magulang.
b. Hindi siya nahuhuli sa klase.
c. Ipinagamot siya sa doktor.
d. Napayaman niya ang kaniyang bokabularyo.
e. Lagi siyang nagsasanay.

______1. Siya ay laging nagbabasa.


______2. Mabait na bata si Clara.
______3. Nais niyang maging sikat na mang-aawit.
______4. May karamdaman ang mag-aaral.
______5. Gumigising nang maaga si Lisa.

Suriin
Basahin at unawain mo ang teksto. Sagutin mo ang kasunod
na mga tanong tungkol dito. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
Gawin mo ito sa iyong papel.

Gumuho ang lupa dahil sa walang tigil na pag-ulan.


Maraming residente ang natakot kaya sila ay lumikas sa
Evacuation Center ng lungsod. Doon sila sumilong dahil ligtas
na lugar iyon.

Agad namang nagpadala ng tulong ang Pamahalaang


Lokal upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Taos-puso silang nagpapasalamat sa Poong Maykapal dahil sa
kanilang kaligtasan.

1. Ano ang kinalabasan ng walang tigil na pag-ulan?

_____________________________________________________
5
2. Ano ang kinalabasan ng pagkatakot ng mga residente?

___________________________________________________________

3. Bakit nagpadala ng tulong ang Pamahalaang Lokal?

____________________________________________________________

4. Bakit sa Evacuation Center sila sumilong?

____________________________________________________________

5. Bakit taos-puso silang nagpapasalamat sa Poong Maykapal?

____________________________________________________________

Pagtalakay sa Aralin
Ang sanhi ay ang salitang ginagamit sa pagtukoy sa
pinagmulan o dahilan ng mga pangyayari, samantalang ang
resulta o kinalabasan ng mga pangyayari ay tinatawag na
bunga.

Mga hudyat sa pagpapahayag ng sanhi at bunga:

Sanhi Bunga

kaya
dahil sa

bunga nito
kasi

resulta nito
sapagkat

6
Pagyamanin
Pag-ugnayin mo ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari. Isulat sa patlang ang letra nang tamang sagot.

Sanhi Bunga
___1. Nag-insayo nang maigi a. kaya ni minsan ay hindi
si Maya sa pagsasayaw siya nahuli sa pagpasok

___2. Nagkasakit si Raul b. kaya nanalo siya


sa paligsahan

___3. Pinag-aralan ni Dina c. kaya hindi siya


ang kanyang leksiyon nakapasok sa trabaho

___4. Nahulog si Ben sa d. kaya mataas ang


hagdan kaniyang mga marka

___5. Palaging maaga e. dahil bigla siyang nahilo


kung gumising si Ana

Isaisip
Punan mo nang angkop na salita ang bawat patlang upang
mabuo ang mahalagang kaalamang natutuhan mo sa aralin.

Ang ___________ay ang salitang ginagamit sa


pagtukoy sa dahilan ng mga pangyayari, samantalang
ang resulta o kinalabasan ng mga pangyayari ay
tinatawag na _________.

7
Isagawa
Kopyahin sa papel ang sumusunod na mga pangungusap.
Salungguhitan ang sanhi at ikahon ang bunga. Tingnan ang
halimbawa sa ibaba.

Halimbawa
Nag-aral si Marko ng kanyang aralin

kaya siya ay pumasa sa pagsusulit.

1. Sumakay na lang kami ng traysikel pauwi ng bahay dahil


biglang umulan.

2. Maraming sira na ngipin si Noel kaya nagpatingin siya


sa dentista.

3. Masaya si Aling Rosa dahil sa mababait ang kanyang


mga anak.

4. Gutom na gutom na si Lara kaya kumain agad siya


pagdating sa bahay.

5. Hindi pumasok sa klase si Ana sapagkat mataas ang


kaniyang lagnat.

8
NOTE: Pinagpalit ang TAYAHIN at
Karagdagang Gawain (mas angkop ilagay sa
Tayahin bahaging Tayahin ang gawaing nasa
Karagdagang Gawain )

Pag-ugnayin mo ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.


Isulat ang letra nang tamang sagot sa iyong papel.

____1. Uhaw na uhaw si Boyet a. kaya sumakit tuloy


ang kaniyang paa.

____ 2. Naiwang bukas ang b. dahil marami


tarangkahan ng bahay siyang naipong pera.

____ 3. Masikip ang bagong c. kaya uminom siya


sapatos ni Cecil ng maraming tubig.

____4. Nakabili ng bagong d. kaya nakatakas ang


laruan si Jesa kanilang aso.

____5. Umulan nang lumabas e. kaya basang-basa at


ng bahay si Gina nanginginig sa ginaw.

9
Karagdagang Gawain

Kopyahin ang talahanayan sa sagutang papel. Isulat dito ang


sanhi at bunga ng mga pangyayari na nasa loob ng sumusunod
na mga pangungusap.

Halimbawa: Nadapa ang bata kaya siya umiyak.

Sanhi Bunga
Nadapa ang bata kaya siya umiyak
1.

2.

3.

4.

5.

1. Biglang sumigaw si Tatay kaya nagising si Bunso.

2. Nag-aral ng leksiyon si Tina kaya tama ang kanyang mga

sagot sa pagsusulit.

3. Nadulas si Nanay dahil basa ang sahig.

4. Dahil sa pagmamadali ay nakalimutang magsuklay ni Carla.

5. Napakalakas ng bagyo kaya kinansela ng alkalde ang klase.

10
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN BALIKAN TUKLASIN PAGYAMANIN
1. c 1. a 1. d 1. b
2. b 2. c 2. a 2. c
3. a 3. b 3. e 3. d
4. e 4. c 4. c 4. e
5. d 5. a 5. b 5. a

ISAISIP
SURIIN
1. gumuho ang lupa Ang sanhi ay ang salitang ginagamit sa pagtukoy sa
2. sila ay lumikas dahilan ng mga pangyayari, samantalang ang resulta o
3. upang matugunan ang kinalabasan ng mga panyayari ay tinatawag na bunga.
kanilang pangangailangan
4. dahil ligtas na lugar iyon
3. 5. dahil sa kaligtasan

ISAGAWA

1. Sumakay na lang kami ng traysikel dahil biglang umulan.

2. Maraming sira na ngipin si Noel kaya nagpatingin siya sa dentista.

3. Masaya si Aling Rosa dahil mababait ang kanyang mga anak.

4. Gutom na gutom na si Lara kaya kumain agad siya pagdating sa bahay.

5. Hindi pumasok sa klase si Ana sapagkat mataas ang kaniyang lagnat.

Tayahin
1. C 2. D 3. A 4. B 5. E

Karagdagang Gawain
sanhi bunga
1. Biglang sumigaw si Tatay kaya nagising si Bunso

2. Nag-aral ng aralin si Tina tama lahat ng mga sagot niya sa pagsusulit

3. dahil basa ang sahig nadulas si Nanay

4. Dahil sa pagmamadali nakalimutang magsuklay ni Carla

5. Napakalakas ng bagyo kaya kinansela ang klase

11
Sanggunian
Filipino 3 Pagbasa at Pagsulat
https://brainly.ph Kahulugan ng Sanhi at Bunga

12
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

13

You might also like