You are on page 1of 5

Pangalan: _____________________________________________ Petsa: ________

Baitang: _________________________ Iskor: _______

Gawaing Pagkatuto
Ugnayang Sanhi at Bunga

Kasanayang Pampagkatuto at koda:


Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. F6PB-IIIb-6.2

Panimula

Ang ugnayang sanhi at bunga ay nagpapahayag kung paano, bakit o kaya naman ay
kung ano ang resulta ng isang pangyayari.

Sanhi - tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng mga pangyayari. Kadalasang


ginagamit ang mga salitang dahil,kasi, at sapagkat.

Bunga – tumutukoy sa resulta, epekto o kinalabasan ng pangyayari. Karaniwan nang


pinangungunahan ng salitang kaya.

Halimbawa: Hindi siya natulog ng maaga kaya siya nahuli sa klase.

Sanhi: Hindi siya natulog ng maaga


. Bunga: kaya siya nahuli sa klase

Mga basurang itinapon sa mga kanal bumaha sa buong barangay.

sanhi bunga

Gawain 1
Panuto: Pagtambalin ang mga larawan na sanhi na nasa Hanay A sa angkop na bunga na
nasa Hanay B. Isulat ang lettra ng tamang sagot sa mga patlang bago ang mga numero.

HANAY A HANAY B

1. _____
A

2. _____
B

3. _____
C
B

4. _____
D
C

5. ____ E
C
Gawain 2

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Tukuyin kung Sanhi o Bunga ang
nakapaloob sa [ ]. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

__________ 1. Dahil magagaling ang mga batang mamamahayag, [sila ay


nanalo sa paligsahan].
__________ 2. [Kailangan ng mga batang mamamahayag ang sipag at
tiyaga] upang sila ay magtagumpay.
_________ 3. Matagal na pagsasanay ang ginawa ng mga mag-aaral [kaya
maganda ang kinalabasan ng panayam sa senador]. __________4. [Sapagkat
ang pamamahayag ay mahirap na gawain],
marami ang nagaatubiling sumali sa pagsusulat para sa
pampaaralang pahayagan.
_________ 5. Tumingin ako sa kanan at kaliwa ng daan [kaya nakatawid ako
nang maayos].

Gawain 3

Panuto: Kompletuhin ang tsart. Bumuo ng sanhi o bunga para sa mga sumusunod na
kaisipan.

Sanhi Bunga

1. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral

2.Tumulong sa gawaing-bahay kung walang


pasok.

3.Tinuruan ang mga nakakabatang kapatid


sa kanilang aralin.

4. Naging kilala sa kanilang lugar.

5. Lumusog ang katawan.

Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang sanhi at bunga sa bawat pangungusap. Isulat sa talahanayan ang sagot.

Sanhi Bunga
1. Hindi naplantsa ni Shanaiah ang
kanyang uniporme dahil nawalan sila
ng kuryente.
2. Nagtuturo ang guro kaya nakikinig
ang mga mag-aaral.
3. Nahulog ako sa hagdan dahil
nagmamadali akong bumaba.
4. Araw-araw akong nagdidilig kaya
malago ang aking halaman.
5. Hindi kami natuloy magbisikleta
dahil umulan nang malakas.
6. Marami na akong laruan kaya hindi
na ako bibili pa.
7. Dahil paulit-ulit na sinabi ni Anita
ang numero ng cellphone ng kaniyang
kaibigan, nasaulo niya ito.
8. Nagluto ng espesyal na almusal ang
magkakapatid dahil nais nilang
masorpresa si Nanay sa kaniyang
kaarawan.
9. Unti-unting nawawalan ng
matitirahan ang mga hayop sa gubat
kaya nasa panganib ang buhay nila.
10. Nakamit ni CJ ang unang
gantimpala sa paligsahan dahil
napakahusay at taos puso ang kanyang
pag-awit.

Pangwakas:

Binabati kita, naisagawa mo nang mahusay ang layunin ng gawaing ito. Mahalaga na
nakikilala natin na ang sanhi ay dahilan at ang bunga ay kinalabasan ng mga pangyayari.
Dapat ding tandaan natin na sa bawat aksyon na gagawin natin ay may bungang
kahihinatnan.

Mga Sanggunian:

DepEd Learning Resources


Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino 6
Google Websites

Mga Susi sa Pagwawasto:


Gawain 1

1. D
2. B
3. A
4. E
5. C

Gawain 2

1. Bunga
2. Sanhi
3. Bunga
4. Sanhi
5. Bunga

Gawain 3

LOVELY D. ALUMAY
May-akda

You might also like