You are on page 1of 5

EKSPLISITONG BANGHAY ARALIN

FILIPINO V
I.LAYUNIN:

 Nakakagawa ng dayagram ng ugnayanng sanhi at bunga


sa pangungusap.
 Natutukoy ang sanhi at bunga sa bawat pangungusap.
 Nasusuri ang ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong/
kuwentong napakinggan.

II.PAKSANG ARALIN:
A. Paksa: Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga
B. Sanggunian: Modyul, Alab Filipino,
C. Kagamitan: Modyul kwarter 4, Week 1, Biswal ayds, larawan

III.PAMAMARAAN:

A. Paghahanda
Panalangin
Pagbati: Magandang araw mga bata?
Kanta: Ako, Ikaw, Tayo isang Kumunidad
Incentive Chart: Sabihin ng guro ang gamit nito sa klase.

B. Balik Aral:
Ano-ano ang mga uri ng pangungusap?
Pasalaysay, Patanong, Pautos, at Padamdam

Panuto: Pagtambalin ang larawan sa hanay A at hanay B upang


maipakita ang ugnayan ng bawat isa.

C. Pagpapaliwanag sa mga Gawain:

Ngayon araw na ito pag aralin natin ang tungkol sa Paggawa ng


Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga sa pangungusap.
Bago tayo mag simula sa ating aralin.
Anu-ano ang mga panuntunan na dapat nating gawain at sundin?
1. Umupo ng matuwid.
2. Makinig ng Mabuti sa guro.
3. Huwag maingay, at huwag makipagkuwentuhan sa katabi.
D. Pagganyak:
Magpapakita ang guro ng larawan ng isang na salanta sa bagyo;
Ano-ano ang nakikita nyo sa larawan?

Magbasa ng guro ng isang kuwento o tekstong na ang pamagat

“Bagyo”

Dahil sa hagupit ng bagyo, ang pamilya ni Mang Karyo ay tila nawalan


na ng pag-asa para bumagon muli, sapagkat nasira lahat ng kanilang ari-arian
at kabuhayan. Hindi nila alam kung paano mag uumpisa sa kanilang
panibagong buhay. Malalim ang inisip ng bawat miyembro ng pamilya kung
paano sila magsisimula.

Si Marco ang bunsong anak ay nakaisip kung paano kumita ng pera,


lahat ng mga patapon na bagay sa kanilang lugar, sa nagdaan na bagyo ay
kaniyang inipon at ipinagbili.

Mula sa kaniyang pinagbilihan nakaipon si Marco, kaya nakaisip siya ng


isang munting negosyo. Nagtindi siya ng fishball at kikiam sa harap ng
kanilang bahay upang makatulong sa mga gastusin sa pamilya, laking tuwa ng
kaniyang mga magulang ang abilidad ni Marco.

Lumipas pa ang mga araw at buwan ang munting negosyo ni Marco ay


lumago at naging isang karenderya. Dahil sa sipag ni Marco ang Kabuhayan
ng pamilya ay unti-unting nakabangon.

“Walang nakakaalam kung kailan darating ang sakuna. Dapat maging


handa sa lahat ng oras” pagmamalaking wika ni Marco.
Pamatnubay na mga tanong:

1. Sino ang tinutukoy sa tekstong na maabilidad?


2. Ano ang dahilan kung bakit nawalan ng kabuhayan ang pamilya?
3. Saan nanggaling ang perang naipon ni Marco?
4. Ano-ano ang mga itininda ni Marco sa hanap ng kanilang bahay?
5. Paano nakabangon sa sakuna ang pamilya ni Mang Karyo?

E. (Teaching /Modeling) I DO

DAYAGRAM

Ano ang Dayagram


Ang dayagram ay isang paglalarawan o drawing para maipakita ang
presentasyon o ugnayan sa pagitan ng mga bahagi ng isang systema.

Sanhi - tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.

Bunga – ang resulta o kinalabasan ng pangyayari.

Ibang halimbawa:

1. Dahil sa malakas na hangin at ulan nasira lahat ng kanilang ari-arian at


kabuhayan.
2. Ang pamilya ni Mang karyo ay nawalan ng pag-asa para bumagon muli

Halimbawa:
1. Madalas manigarilyo si Mang Panyong kaya lagi siyang inuubo at
nilalagnat.
2. Humihina na ang kaniyang immune system kaya nawawalan na rin ng
panlasa.

Ano-ano ang iba’t-ibang uri ng Dayagram.


Venn Dayagram, Fishbone Dayagram,
T- dayagram, Flowchart dayagram.

F. Pinatnubayang Pagsasanay: (WE DO)

Pangkatang Gawain:

Pangkat 1: Gumawa ng dayagram na nagpapakita ng sanhi at bunga ng


sumusunod na pangungusap.
Pangkat 2: Punan ang dayagram ng sanhi ng sumusunod na mga larawan.
Isulat lamang ang sagot.
Pangkat 3: Punan ang dayagram ng bunga ng sumusunod na mga larawan.
Isulat lamang ang sagot
Pangkat 4: Gumawa ng tatlong pangungusap na may sanhi at bunga.
Bilugan ang sanhi at salungguhitan ang bunga.

G. Paglalahat:
Ano ang natutunan nyo ngayon sa ating aralin?
Ano ang Dayagram
Ano ang Sanhi?
Ang sanhi ay ang dahilan kung bakit nangyari ang pangyayari
sa pangungusap.
Ano ang Bunga?
Ang bunga naman ay ang epekto o resulta ng pangyayari.

H. Malayang Pagsasanay(I DO)


Panuto:Isulat ang titik sa kanan sa tamang sanhi ng mga ito sa kaliwa.

SANHI BUNGA
______1. Napakainit ng panahon a. Nagutom siya.
______2. May sirang ngipin si Tomas b. Pumunta siya sa dentista.
______3. Hindi kumain ng tanghalian c. Maraming bahay na nasira
Si Michael. d. Binuksan namin ang electric
fan
______4. Hindi nag-aral si Danny. e. Mababa ang nakuha niyang
______5. Napakalakas ng bagyo. marka sa pagsusuli
IV. PAGTATAYA:

Panuto: Piliin kung SANHI O BUNGA ang bahagi ng pangungusap na may


kulay at salungguhit.Isulat sa patlang ang tamang sagot.

________1. Nagtratrabaho nang Mabuti si tatay dahil nais niyang


magkaroon kami ng magandang buhay.

________2. Tumutulong kami sa paglilinis bahay sapagkat ayaw


namin nahihirapan ang aming magulang.

________3. Nag-aaral ako nang Mabuti dahil gusto kong


magkaroon ng mataas na marka.

________4. Si ate ay natuto ng magluto dahil sya ay tinuruan


ni nanay.

________5. Nagpapatulong ako kay kuya sa paggawa ng aking


proyekto sapagkat hindi ko alam ang gagawin.

V.TAKDANG ARALIN
Panuto: Gumawa ng isang dayagram ng ugnayan ng sanhi at bunga.

V.PAGNINILAY (Reflection)
Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit ang
mga sumusunod na prompt: Naunawaan ko na _________________.
Nabatid ko na ________________
Naisasagawa ko na _____________.

Prepared by:

LEILA A. DELA CRUZ


GURO SA FILIPINO

Checked By

RAYMUNDO D.L. ABAD JR.


Master Teacher I
Noted by:

MARIEJOY V. VERGEL
Head Teacher

Noted by:

MA. DAISIE G. EBRDADA Ed D.


Elementary School Principal III

You might also like