You are on page 1of 15

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 8
Ikatlong Markahan – Modyul 5-Week 5:

S elf-Learning Module
Mga Ekspresyong Hudyat ng
Kaugnayang Lohikal
Alamin

Magandang araw mahal kong mag-aaral! Binabati kita dahil nakarating ka na sa


bahaging ito ng ating aralin. Naghanda ako ng mga gawain upang lalong madagdagan ang
iyong kaalaman. Alam kong nasasabik ka nang matuto, kaya’t simulan mo na ang pag-aaral.

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo upang malinang ang iyong kasanayan sa
pamantayan ukol sa:

1. naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran (F8PS-IIIe-f-32); at


2. nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (dahilan-bunga,
paraan-resulta) (F8WG-IIIe-f-32).

Subukin

Mahal kong mag-aaral, bago mo simulan ang ating aralin, magkakaroon muna tayo ng
paunang pagtataya. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo.

Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Nag-iingat siyang mabuti __________ nakaiwas siya sa sakit.


A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

2. Nagsusuot siya ng face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay __________ pag-ingatan
ang kaniyang sarili.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

3. __________ patuloy na pagsisilbi ng mga doktor sa bayan, sila ay binigyan ng parangal.


A. Dahil C. Kaya
B. Dahil sa D. Sapagkat
4. Umisip ng ibang hanapbuhay si Mark __________ maitaguyod ang kaniyang pamilya sa
panahon ng pandemya.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

5. Nagbahay-bahay ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Gapan __________


mamahagi ng food packs bilang ayuda sa bawat pamilya.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

6. __________ regular na pag-eehersisyo, napananatili ni Mac ang normal na timbang at


pagkakaroon ng malakas na resistensiya.
A. Dahil C. Kaya
B. Dahil sa D. Upang

7. Nakalikom siya ng perang ipantutulong sa mga nangangailangan __________ nagsagawa


siya ng fund raising.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

8. __________ pamamalagi ni Matt sa bahay, mas nagkaroon siya ng panahon sa kaniyang


pamilya.
A. Dahil C. Kaya
B. Dahil sa D. Upang

9. Nag-aral siyang magluto ng mga kakanin __________ nalibang niya ang sarili ngayong
lockdown.
A. bunga nito C. dahil sa
B. dahil D. upang

10. Sama-samang nagrorosaryo ang pamilya ni Aling Cely __________ hilingin na matapos na
ang nararanasang pandemya.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

2
Aralin
Mga Ekspresyong Hudyat ng
5 Kaugnayang Lohikal

Kilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan at


totoong kalagayan ng mga tao saan mang sulok ng bansa sa pamamagitan ng
dokumentaryong programang pantelebisyon. Gumagamit ang mga reporter o tagapagdaloy ng
programa ng mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal gaya ng sanhi at bunga,
problema at solusyon, at mga paraan at resulta. Sa araling ito, ating tatalakayin ang mga
ekspresyong hudyat na nagpapahayag ng kaugnayang lohikal.

Ngunit bago ‘yan, bilang pagbabalik-tanaw sa kasanayan sa nakaraang modyul,


inaasahang isasagawa mo ang gawain sa ibaba. Kaya kung nakahanda ka na, simulan mo na.

Balikan

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung ito ay wasto at
Mali naman kung hindi. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang ‘Hello…Paalam’ ni Fanny A. Garcia ay tungkol sa pagdating ng isang


Amerikano at paninirahan nito sa pamilyang Pilipino.
2. Masaya at hindi mabigat sa dibdib ang ‘Hello…Paalam’ ni Fanny A. Garcia.
3. Ang layon ng ‘Hello…Paalam’ ni Fanny A. Garcia ay matuklasan ang buhay at
kulturang Amerikano.
4. Very independent at prangka ang mga Amerikano ayon kay Mr. Dela Cruz.
5. Si Auring ang inirekomendang kinatawan sa exchange program ng eskwelahan sa
Amerika.

2
Tuklasin

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Ngayon naman ay pupunta tayo
sa bahaging pagtuklas. Magpatuloy ka lang at magagawa pang madagdagan ang iyong
kaalaman.

Panuto: Basahin ang transkrip ng dokumentaryong, “Pag-asa sa Pagbasa” ni Kara David at


sagutin ang mga tanong kaugnay nito sa hiwalay na papel. Kung mayroon kang kompyuter at
koneksyon sa internet, puntahan ang link at panoorin ito.

https://www.youtube.com/watch?v=J7JegoKjpmM&feature=share

“Pag-asa sa Pagbasa” Ni
Kara David

Sa Sauyo High School sa


Quezon City, may isang section kung saan
ang itinuturo ay pagbaybay ng mga salita,
pagsusulat ng mga letra at pagkilala sa mga
kulay. Pero ang klaseng ito, wala sa
elementarya kundi nasa high school na. Sila
ang Section Darwin, isang klase na binubuo
ng dalawampu't siyam na mga estudyanteng
nakatuntong sa Grade 7 pero hindi
pa rin nakapagsusulat at
nakababasa.

Kabilang sa Section Darwin ang dose


anyos na si Louie. Bagama't hirap maski sa
simpleng pagsusulat at pagbabasa, taon-
taon siyang ipinapasa ng kaniyang mga
guro at ngayo'y nakatuntong pa ng Grade 7.
Imbis din na aralin ang mga leksyon
pagkatapos ng klase, sa tambakan ang diretso ni Louie para mangalakal. Ang
kakarampot kasing kikitain niya ay malaking tulong na raw sa kanilang
pamilya.
3
Nasa Section Darwin naman ng Grade 8 ang kinse anyos na si Jack. Dahil
madalas na walang naibibigay na pambaon ang kaniyang mga magulang,
lumiliban na lang noon si Jack sa kaniyang mga klase at kalauna'y napag-
iwanan. Hanggang sa makaabot siya ng high school nang hindi
nakapagsusulat at nakababasa. Pero dahil sa kagustuhang matuto at dahil na
rin sa suporta ng kaniyang pamilya at mga guro, nakapagsusulat at
nakapagbabasa na ngayon si Jack.

Pero bakit ipinapasa ng eskuwelahan ang mga kagaya nilang “non-reader” at


“slow reader?” Hindi ba ipinatutupad ng Department of Education ang “No
Read, No Pass Policy?” Kanino raw ba dapat isisi kung bakit umaabot sila ng
high school nang hindi nakababasa at nakapagsusulat; sa mga guro, sa
kahirapan, sa kakulangan ng suporta mula sa magulang o sa mismong
kagustuhan nila na matuto?

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang binibigyang-diin sa binasang dokumentaryo?


2. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang binabasa ang dokumentaryo?
3. Nagsisilbing daan ba ang dokumentaryong pantelebisyon upang maihatid ang
mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
4. Batay sa iyong pananaw, bakit may mag-aaral na umaabot ng high school nang hindi
nakababasa at nakapagsusulat? Pangatuwiranan.
5. Sa iyong palagay, paano makatutulong ang pamahalaan sa ganitong sitwasyon?

Suriin

Magaling! Ngayon ay naunawaan mo na ang dokumentaryong pantelebisyon ni Kara


David. Alam mo ba, ang mga salitang may salungguhit ay mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal? Upang higit na maunawaan kung ano ang mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal, halika’t magpatuloy sa susunod na yugto ng aralin.

Mga Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal

May mga konseptong may kaugnayang lohikal na nakabubuo ng isang makahulugang


pahayag. Halimbawa nito ang ugnayang sanhi at bunga na tinatawag ding pangatnig na

4
pananhi. Kapag pinagsama ang dalawang ito, nakalilikha ng pangungusap na nagpapahayag
ng ugnayang lohikal.

Halimbawang pangungusap:

Dinala si Mang Ben sa bahay-ampunan kaya nalungkot siya


nang labis.

Mapapansin na matatagpuan sa unahan ang sanhi/dahilan ng pangyayari na may isang


salungguhit at ang bunga/resulta ay may dalawang salungguhit.

Maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga
kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o
sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya
naman, dahilan dito at bunga nito.

May pangungusap ding nagpapakita ng ugnayang paraan at layunin.

Halimbawang pangungusap:

Nagpapakahirap si Bing sa pagtatrabaho upang guminhawa ang kanilang buhay at


mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak.

Sa pangungusap, ang mga salitang may iisang salungguhit na tumutukoy sa paraan ay ang
sugnay na makapag-iisa samantalang ang sugnay na ‘di-makapag-iisa ay may dalawang
salungguhit na tumutukoy sa layunin kung bakit nagpapakahirap si Bing.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang o nang sa ganoon upang
maihudyat ang layunin.

Bukod sa ugnayang paraan at layunin, may tinatawag ding ugnayang paraan at resulta.

Halimbawang pangungusap:

Dahil sa pagbisi-bisita ni Jay sa kaniyang lolo, nabigyan niya ng


kaligayahan ang matanda.

Ang sugnay na ‘di-makapag-iisa na may isang salungguhit ay tumutukoy sa paraan


samantalang ang may dalawang salungguhit ay ang resulta o bunga ng ginawa ni Jay.

Sa relasyong ito, ginagamit ang pang-ugnay na dahil sa upang maihudyat ang paraan.
5
Tandaan na maaaring gamitin ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal sa
pagsulat ng sanaysay.

Pagyamanin

Mahusay! Tiyak na natutuhan mo ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang


lohikal. May inihanda akong gawain para sa iyo. Gawin mo ito.

Gawain 1: Hanapin ang Hudyat!


Panuto: Basahin ang mga pangungusap at hanapin ang mga ginamit na ekspresyong hudyat
ng kaugnayang lohikal. Isulat ang tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Nagpunta si Ken sa Tarlac para bisitahin ang kaniyang lolo at lola.


2. Naglinis ng bahay si Kelly upang maging maayos ito sa paningin ng kaniyang bisita.
3. Marunong makiharap sa bisita si Popoy kaya marami ang natutuwa sa kaniya.
4. Nagtungo sa bukid si Bryan para bigyan ng miryenda ang kaniyang tatay.
5. Dahil sa pagtitipid ni Thea, nakaipon siya ng pambili ng pangarap niyang smart
phone.

Gawain 2: Magbigay Hudyat!

Panuto: Gamit ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal, bumuo ng pangungusap
sa pangyayaring nabanggit sa dokumentaryong pantelebisyon na, “Pag-asa sa Pagbasa”.
Gawin ito sa hiwalay na papel.

1. Pagtuturo ng pagbaybay ng mga salita sa Sauyo High School sa Quezon City.


Dahilan-bunga: _____________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Sa tambakan ang diretso ni Louie pagkatapos ng klase.


Paraan-Layunin: ____________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Nakapagsusulat at nakapagbabasa na ngayon si Jack.

6
Paraan-Resulta: ____________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Malaking tulong ang pangangalakal ni Louie sa kanilang pamilya. Paraan-Resulta:


____________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. May mga estudyanteng umaabot ng high school nang hindi nakababasa at


nakapagsusulat.
Dahilan-bunga:
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3: Mahiwagang Hudyat!

Panuto: Punan ng wastong ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal ang mga


pangungusap. Piliin ang hudyat sa loob ng kahon. Isulat ang tamang sagot sa hiwalay na
papel.

kaya dahil
dahil sa upang/para

1. _______ pagsusumikap ng buong pamilya, lumago ang aming negosyo.


2. Dapat alagaan ng anak ang kaniyang magulang _______ maipadama ang kaniyang
pagmamahal.
3. Pansamantalang itinigil ang face-to-face na klase _______ pandemya.
4. Nais ni Jack na matuto _______ binibigyan niya ng halaga ang pagbabasa.
5. Sinasabayan ni Louie ng pagtatrabaho ang kaniyang pag-aaral _______ kailangan
niyang tumulong sa pamilya.

Isaisip

7
Binabati kita sa iyong aktibong pakikiisa sa ating aralin. Madali lang, ‘di ba? Isang hirit pa!
Inaasahan ko pa ring magagawa mo ang pagsasanay. Simulan mo na!

Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag na tumutukoy sa iyong natutuhan sa aralin. Isulat
ang tamang sagot sa hiwalay na papel.

May mga konseptong may kaugnayang lohikal na nakabubuo ng isang


makahulugang pahayag. Halimbawa

nito ang ugnayang sanhi at bunga na ginagamitan ng

pangatnig na (1)_______________. Halimbawa ng

pangungusap ay ‘Hindi siya nag-aral ng leksiyon (2)_______________


bumagsak siya sa pagsusulit.’ May pangungusap ding nagpapakita ng ugnayang paraan
at layunin na ginagamitan ng hudyat na (3)_______________.
Halimbawa ng pangungusap ay ‘Nag-aral siya ng leksiyon

(4)_______________ makapasa siya sa pagsusulit.’ Bukod sa ugnayang


paraan at layunin, may tinatawag ding ugnayan ng paraan at resulta, ginagamitan
naman ito ng hudyat na
(5)_______________.

Isagawa

Sigurado akong naunawaan mo nang lubos ang mga ekspresyong hudyat ng


kaugnayang lohikal. May inihanda akong gawain para sa iyo. Kayang-kaya mong gawin
ito… Ipagpatuloy mo na!

8
A. Panuto: Basahin ang mga sitwasyong mula sa “Pag-asa sa Pagbasa” ni Kara David.
Gamit ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal, ipahayag ang iyong
pananaw tungkol dito. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

1. Bilang isang mag-aaral, kanino raw ba dapat isisi kung bakit may mga mag-aaral na
umaabot ng high school nang hindi nakababasa at nakapagsusulat, sa mga guro, sa
kahirapan, sa kakulangan ng suporta mula sa magulang o sa mismong kagustuhan
nilang matuto? Pangatuwiranan mo ang iyong sagot.

2. Pagkatapos ng klase ni Louie, imbis na aralin niya ang mga leksyon ay dumidiretso
siya sa tambakan para mangalakal at nang may maitulong sa pamilya. Kung ikaw ang
nasa kalagayan ni Louie, ano ang gagawin mo?

B. Panuto: Gamit ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal, sumulat ng


sanaysay at ipahayag ang iyong pananaw sa nararanasang pandemya sa kasalukuyan.
Hindi dapat bababa sa limang (5) pangungusap ang iyong mabubuo.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman --------------- 10 pts Kaugnayan sa
Tema --------------- 10 pts Paggamit ng Salita ---------------
10 pts
Kabuuan ----------------- 30 pts

Tayahin
Hanga ako sa iyo! Binabati kita dahil nasa huling bahagi ka na ng ating aralin. Nais
kong malaman kung talagang natutuhan mo ang aralin. Sagutan mo ang pagsasanay na
ginawa ko para sa iyo.

Panuto: Piliin ang wastong hudyat na bubuo sa mga pangungusap. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa hiwalay na sagutang papel.

9
1. Tulong-tulong sa paghahanda ng pagkain ang pamilya Lustre __________ may
mapagsaluhan sila sa Noche Buena.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

2. Hindi makakauwi mula Saudi ang tatay ni Noli __________ malungkot siya sa
darating na pasko.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. upang

3. __________ pagpupursigi niya sa pag-aaral, may magandang trabaho siya ngayon.


A. Dahil C. Kaya
B. Dahil sa D. Upang

4. Nakapagtapos ng pag-aaral si John __________ labis ang tuwa ng kaniyang mga


magulang.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

5. Maganda ang inani ni Mang Bernie sa mga pananim na palay __________ inalagaan
niya ito nang mabuti.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

6. __________ pagbibigay ng ayuda ng gobyerno, maraming tao ang natulungan at


natuwa.
A. Dahil C. Para
B. Dahil sa D. Sapagkat

7. Napagtapos ni Jenny ang kaniyang mga anak __________ nagtrabaho siya sa ibang
bansa.
A. bunga nito C. para
B. kaya D. sapagkat

8. Binilhan ng mag-asawang Rob at Rein ng smartphone si Jarred __________ may


magamit ito sa kaniyang online class.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

10
9. Nagtatrabaho ang mga magulang ni Kyle _______________ pinsan niya ang
pinakukuha at pinagdadala ng mga modyul sa eskwelahan.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

10. Hindi sabay-sabay ang pagbibigay at pagbabalik ng modyul ng bawat baitang


_______________ maiwasan ang pagsisiksikan ng mga tao.
A. dahil C. kaya
B. dahil sa D. para

Karagdagang Gawain

Mahusay ka! Bilib ako sa iyong kakayahan. Natapos mo ang mga gawaing inihanda
ko sa iyo at napagtagumpayan mong marating ang huling pagsubok na ito. Isang hirit pa, huli
na ito. Kayang-kaya mong gawin ito. Gawin mo na!

Panuto: Isulat ang kaisipang isinasaad ng larawan gamit ang mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal sa hiwalay na papel.

11
12 Subukin
1. C
2. D
3. B
4. D
5. D
6. B
7. A
8. B
9. A
10. D
Balikan Pagyamanin Isaisip
1. TAMA HANAPIN ANG HUDYAT!
2. TAMA 1. para 1. kaya
3. MALI 2. upang 2. kaya
4. TAMA 3. kaya 3. upang/para
5. MALI 4. para 4. upang/para
5. dahil sa 5. dahil sa
MAGBIGAY HUDYAT
*** Ang mga sagot sa gawain
o tanong ay may iba’t ibang
kasagutan.
MAHIWAGANG HUDYAT
1. Dahil sa
2. upang/para
3. dahil sa
4. kaya
5. dahil
Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain
A. 1. D *** Ang mga sagot sa gawain
1. *** Ang mga sagot sa 2. C o tanong ay may iba’t ibang
gawain o tanong ay may 3. B kasagutan.
iba’t ibang kasagutan. 4. C
2. *** Ang mga sagot sa 5. A
gawain o tanong ay may 6. B
iba’t ibang kasagutan. 7. D
8. D
B. *** Ang mga sagot sa
9. C
gawain o tanong ay may iba’t
ibang kasagutan. 10. D
Susi sa Pagwawasto

You might also like