You are on page 1of 66

TAYABAS WEST CENTRAL SCHOOL III

ASSESSMENT TOOL in FILIPINO III


(Whole Year)

Prepared by:

ANNADEL O. GOB
Teacher II
FILIPINO
Unang Markahan

Unang Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nahuhulaan ang nilalaman /paksa ng aklat sa pamamagitan ng pamagat

I. Tungkol saan ang paksa ng bawat talata? Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Maraming kayong magagamit sa paglilinis ng bahay. Una na dito ang sabong panglaba.
Ginagamit ito sa paglalaba at sa pag-alis ng dumi sa mga gamit. Maari ring gamitin ang
suka sa pagtanggal ng mantsa.

A. Ang suka ay mabisang pangtanggal ng mantsa.


B. Ginagamit ang sabon sa paglalaba.
C. Ang suka at sabong panglaba ay mabisang panlinis.

2. Ang langaw ay isang insektong hindi nakakatuwa dahil marami itong sakit na dinadala.
Kumakapit ang mikrobyo sa mga paa nito sa tuwing dadapo ito sa basura. Ang mikrobyo
naman ay nalilipat sa pagkain kapag dumapo na ang langaw. Maaaring magkasakit ang
taong makakakain ng pagkaing dinapuan ng langaw.

A. Nakakakuha ng mga sakit sa langaw.


B. Maliit lang na insekto ang langaw.
C. MIkrobyo ang dahilan ng sakit.

II. Basahin ang bawat talata at bigyan ito ng angkop na pamagat.


1. ______________________________________________________________
Si Severino Reyes ay isang dakilang kwentista. Marami siyang mga naisulat na
kwento na hanggang ngayon ay atin pa ring nababasa. Marami sa kanyang mga
kwento ay mga alamat na hango sa mga kwentong bayan.

2. ______________________________________________________________
Alam mo bang may mga ibig sabihin ang iba’t-ibang kulay. Halimbawa, ang pula ay
sagisag ng katapangan samantalang ang asul naman ay simbolo ng kapayapaan.
Kung mahilig ka sa puti, malamang ay mahilig ka sa mga bagay na simple at malinis.
FILIPINO
Unang Markahan

Ikalawang Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon

TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1 Magkasingkahulugang mga Salita ……………….1
Pagtatala ng Detalye……... 13
Aralin 2 Magkakasalungat na mga Salita…………... 19
Pangnahing Diwa…. 24
Aralin 3 Mga Tambalang Salita…………………. 32
Pagsusunud-sunod ng Pangyayari…………. 39
Aralin 4 Mga Salitang Magkasingtunog….. 51
Sanhi at Bunga ……. 62
Aralin 5 Mga Salitang Magkatugma……… 73
Paghinuha sa Resulta o Katapusan………… 78

1. Anong pahina ang titingnan ninyo kung gusto ninyong malaman ang tungkol sa
Tugma?
2. Sinabi ng kaibigan mo na sinagutan niya ang mga pagsasanay sa pahina 24. Anong
aralin ito?

3. Sa anong bilang ng aralin makikita ang mga salitang magkatugma at panghinuha sa


resulta o katapusan?

4. Anong pahina ang titingnan ninyo kung gusto ninyong malaman ang tungkol sa
Pagtatala ng Detalye?

5. Anong pahina ang titingnan ninyo kung gusto ninyong malaman ang tungkol sa
Sanhi at Bunga?
FILIPINO
Unang Markahan

Ikatlong Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita
(Kasingkahulugan)
B. Nakasusunod sa nakasulat na panuto

BILUGAN ANG TITIK NG KASINGHULUGAN NG SALITANG NAKASALUNGGUHIT:


1. Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay
inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at
kalabaw.

A pinaghiwalay B. itinapon C. pinagsama-sama

2. Iyan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo.

A. ipinatong B. inalis C. idinagdag

3. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw.

A. huminto B. lumamig C. tumingkad

4. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay


pumanaw.

A. nanghina B. namatay C. nalungkot

5. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat


ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

A. malungkot B. masaya C.mayabang


C. Punan ng wastong impormasyon ang talaan sa ibaba. Isulat nang dikit-dikit (script) ang lahat
ng sagot.
FILIPINO
Unang Markahan

Ikaapat ng Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan sa
pamamagitan ng larawan
B. Nahahati ng pabigkas ang isang salita ayon sa pantig
C. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa

A. Ikahon ang titik na nagbibigay ng angkop na kasunod na pangyayari.


1. Walang payong si Helen, Nabasa siya ng ulan ______________.
A. Tuwang tuwa ang kanyang ina
B. Nagkasakit siya
C. Luminis siya sa pagbabasa sa ulan

2. Nag-aral si Sanya para sa pagsusulit bukas ____________________.


A. a.bumagsak siya pagsusulit
B. b.hindi siya pumasok
C. c.mataas ang nakuha niya sa pagsusulit
3. Naglilinis si Bea ng kanilang tahanan tuwing walang pasok _______________.
A. natuwa ang kanyang magulang
B. pinapagalitan siya ng ina
C. laging madumi ang bahay
4. Gumigising siya ng maaga tuwing may pasok ________________.
A. nahuhuli siya sa klase
B. b.hindi siya pumapasok
C. c.lagi siya maaga sa klase

B. Bilangin ang pantig ng mga salitang sumusunod.


1. maganda
2. kabundukan
3. maaliwalas
4. sariwa
5. napakaganda

Isaayos ang sumusunod na mga pantig upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1. (ka-in-ka-na) ka na ba ng durian?
2. Ang durian ang isang prutas na (ta-ki-ma-ki) sa Davao.
3. Ang balat nito ay (lad-tu-ka) ng sa langka.
4. Ang laman laman naman nito ay (mis-ma-ta).
5. Kahit na ito ay (ho-ba-ma) ng kaunti ay masarap pa rin.

C. Isulat sa patlang ang iyong dapat gawin upang sumunod sa panuto. Sagutin ito sa loob ng
isa o higit pang pangungusap.
1. Inutusan ka ng iyong ina na maglinis ng bahay pagkaalis nila papuntang palengke.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________________

2. Ang iyong guro ay sinabing bawal maglaro sa tabi ng pinto dahil sira ang ito. Ngunit
nagkatuwaan kayo ng iyong mga kaibigan at nagtakbuhan kayo malapit sa pintuan.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________________

3. Sinabi ng iyong nanay na wag ka tatawid sa highway dahil delikado, dapat ay gumamit ka ng
overpass.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________________

4. Binilin sayo ng iyong kapatid na gisingin mo siya kapag nagising ka sa umaga dahil mayroon
siyang importanteng lakad.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________________

5. May nakalagay sa sign board na bawal pumitas ng mga bulaklak


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______________________________________
FILIPINO
Unang Markahan

Ikalimang Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya)

Bilugan ang panghalip na panaong isahan sa bawat pangungusap.


1. Ako ang bunsong kapatid ni Jeremy.
2. Mahahanap siya sa likod ng bahay.
3. Gusto ko kumain ng pansit canton.
4. Ikaw ba ang magluluto ngayon?
5. Tutulungan ka nina Michelle at Nicole.
6. Nais mo bang magpahinga sa kuwarto?
7. Binasa niya ang sulat sa mesa.
8. Makinig ka muna sa sasabihin ng guro.
9. Siya ang kasabay ni Natalie pauwi.
10. Dadalhin ko ang bagong sapatos

A. Punan ng ako, ikaw, o siya ang patlang.

1. Si Myrna ang kaibigan ko. ay mabuting kaibigan.


2. Binuksan ko ang telebisyon. Manonood ng cartoons.
3. Bebot, tinatawag ka ni Nanay. ang uutusan niya na pumunta sa tindahan.
4. Alicia, nariyan na ang sundo mo. Naghihintay sa labas ng silid-aralan natin.
5. Victor, tulungan mo akong maglinis. Ako ang magwawalis at naman ang magbubura
ng pisara.
FILIPINO
Unang Markahan

Ikaanim na Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (kami, tayo, sila at
kayo)

A. Basahin ang nakasalangguhit na salita. Piliin sa loob ng panaklong angtamang panghalip


panao na ipapalit sa pangngalan. Bilugan ang tamang sagot.

1. Naglaro ako at ng aking mga pinsan sa labas kanina.


( kami, tayo, sila)

2. Sina G. at Gng. Javier ang mga magulang ni Anton.


( kami, sila, tayo, siya)

3. Ipinagbawal ni Fr. Fermin ang pagbili ng pagkain ng wala sa oras.


( siya, niya, natin, sila)

4. Sinubukan ni Denia at Rowena iligtas ang mga tuta.


( niya, nila, natin, kayo)

5. Dahil sa takot hindi na nakuha ng mga batang kalye ang bola nila sa kalye.
( sila, kayo, tayo, nila)
FILIPINO
Unang Markahan

Ikapitong na Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita
(Kasalungat)
B. Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng parirala at
pangungusap

A. Isulat ang MK kung ang mga salitang may salungguhit ay magkasinghulugan at MS naman
kung ang pares ng salita ay magkasalungat.

____1. Makitid ang eskinita papasok ng bahay nila Nilo. Masyadong masikip ito para sa kotse
namin.

____2. Uminom ka ng gatas para ang katawan mo ay maging malusog. Mahirap ang maging
sakitin sa panahon ngayon.

____3. Kaunti lang ang naihandang pagkain ni Nanay. Iilang ulam lang lang nakahain.

____4. Namamalimos ang bata sa lansangan. Nagbibigay ka ba sa kanila ng barya?

____5. Mahirap para sa akin ang Math. Madali ba ito para sa iyo?

B. Isulat ng wasto.

Alin sa mga sumusunod ang pangungusap? Lagyan ito ng tsek (√) at wastong bantas sa
hulihan.
________________ 1. Mayaman ang babae
________________ 2. Ang mga magsasaka ang nag-aani ng ating mga bigas na kinakain.
________________ 3. Magalang ang mga batang gumagamit ng “po at opo”.
________________ 4. Sumayaw siya
________________ 5. Umalis sila
FILIPINO III
Unang Markahan

Ikawalong na Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ito, iyan, iyon)

Panuto: Salungguhitan ang panghalip na pamatlig na bubuo sa pangungusap. Pumili sa tatlong


panghalip sa loob ng panaklong

1. Ang haba na ng buhok mo? Kailan mo ipapagupit (ito, iyan, iyon)?


2. Pudpod na ang tsinelas na suot ko. Kailangan palitan ko na ang mga (ito, iyan, iyon).
3. Tingnan mo ang aso ng kapitbahay natin. Mukhang matapang (ito, iyan, iyon).
4. Nakita mo ba sa labas si Jeremy? Papasukin mo na (ito, iyan, iyon) dahil malapit na
tayong maghapunan.
5. Sandali na lang ako. Tatapusin ko lang (itong, iyang, iyong) ginagawa ko.
6. Maganda ang relos na suot mo. Saan mo nabili (ito, iyan, iyon)?
7. Akin ang itim na backpack. (Ito, Iyan, Iyon) ang dadalhin ko sa biyahe.
8. Kunan natin ng ritrato ang bulkan. Kamera mo ba (ito, iyan, iyon)?
9. Bumili ako ng masarap na buko pie. Tiyak na magugustuhan (ito, iyan, iyon) ng mga
anak ko.
10. May puting sasakyan na dumating. (Ito, Iyan, Iyon) ba ang sasakyan natin?
FILIPINO III
Unang Markahan

Ikasiyam na Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ito, iyan, iyon)

I. Bilugan ang panghalip pamatlig.

1. Akin ang itim na backpack. Ito ang dadalhin ko sa biyahe.


2. May puting sasakyan na dumating. Iyon ba ang sasakyan natin?
3. Ang bulkan ay ang Bulkang Taal. Iyon ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas.
4. Kunan natin ng ritrato ang bulkan. Kamera mo ba iyan?
5. Ang haba na ng buhok mo? Kailan mo ipapagupit iyan?

II. Bilugan ang angkop na panghalip.


1. Maganda (ito, iyan, iyon) suot mo na t-shirt, sabi ni Erica kay Sam.
2. Matapang ang aking aso. (Ito, Iyan, Iyon) ay nangangagat kapag hindi kakilala.
3. Natapos ni Sam ang kayang proyekto. (Ito, Iyan, Iyon) ay ipapasa sa titser bukas ng
umaga.
4. Tingnan mo ang binabasa kong aklat. . (Ito, Iyan, Iyon) ay tungkol sa prinsipeng
naging palaka.
5. Sumabit sa puno ang aking saranggola. Bukas ko na lang kukunin (ito, iyan, iyon)
UNANG MAHABANG PAGSUSULIT
FILIPINO 3

Pangalan_________________________ Petsa ______________


Guro _____________________ Iskor ___________
I. Kasanayan
Basahin ang talata at sagutin ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
Ang Halayang Ube ni Maya
ni Dolorosa S. De Castro
Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria na abalang-
abala sa pagluluto ng halayang ube.
“Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo, Inay,” wika ni Maya habang
lumalakad palapit sa Ina.
“Pihadong matutuwa na naman ang mga suki ko kapag natikman nila iyan,” may
pagmamalaking wika ni Maya.
Napangiti si Aling Maria sa sinabi ni Maya.
“Salamat anak, natutuwa ako at nagugustuhan mo lahat ng niluluto ko,” wika ng
ina.
Matapos maihanda ni Aling Maria ang ilalakong halaya ni Maya, binilinan niya itong
mag-ingat. Kapag naubos nang maaga ang paninda, umuuwi siya kaagad upang
makapagpahinga.

1. Ano ang uri ng kakanin na tinukoy sa kuwento?


A. bilo-bilo B. halayang ube C. sinukmani D. sumang yakap

2. Sino ang matutuwa kapag natikman ito?


A. Maya B.suki C. mga kalaro ni Maya D. mga kapitbahay
ni Maya

3. Sino ang nagsabi? “Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo Inay!”


A. Aling Maria B. Hana C. Maya D. Sonia

4. Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria. Anong salita
ang maaaring gamiting pamalit sa salitang Maya?
A. ako B. ibon C. kami D. siya

5. Bakit maagang gumising si Maya?


A. maglaro B. magtinda C. tumulong D. umalis

6. Ilang pantig mayroon ang salitang halaya?


A. apat B. dalawa C. isa D. tatlo

II. Proseso
Ang Tula ni Emma
ni Dolorosa S. de Castro
“Yehey!” ang malakas na hiyaw ni Emma.
Nanalo kasi ang kaniyang entry sa paligsahan sa paggawa ng tula. Pinamagatan
niya itong Isko Palito. Kaliwa’t kanan ang sa kaniya ay bumabati.
“Ang galling mo Emma,” ang bati sa kaniya ng mga kaibigan.
“Salamat, inspirado lang talaga ako habang gumagawa ng aking tula,” sagot ni
Emma sa kaibigan.
Bago igawad ang medalya, tinanong si Emma ng isa sa mga hurado, “Sino si Isko
Palito sa iyong buhay?”
“Siya ang superman ng aming buhay, ang aking ama. Hindi niya inaalintana ang
hirap ng buhay, maitaguyod lamang ang pangangailangan naming lahat,” ang matalinong
sagot ni Emma.
Labis na natuwa ang hurado sa kaniyang isinagot. Buong giliw niyang isinabit ang
medalya sa leeg ni Emma.

7.Saan naganap ang kuwento?


A. bahay B. paaralan C. parke D. simbahan
8.Piliin ang pagkakasunod-sunod ayon sa pangyayari sa kuwento?
A. Isinabit ng hurado ang medalya sa leeg ni Emma.
B. Tinawag ang pangalan ni Emma bilang siyang nanalo sa paggawa ng
tula.
C. Kinamayan ng mga kaibigan si Emma.
D. Si Isko Palito ay ang aking ama.
A. abcd B. bacd C. bcad D. bcda
9.Anong kategorya ng pangngalan ang inspirasyon ni Emma?
A. tao B. lugar C. hayop D. pangyayari
10.Sa linyang “Buong giliw niyang inabot ang medalya,” anong salita ang maaaring
ipalit sa salitang medalya?
A. ito B. iyan C. iyon D.
diyan
11.Kung ang salitang katugma ng Lito ay palito, ano naman ang hurado?
A. barado B. kandado C. largado D. pihado
12.Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang
malakas?
A. lumakas B. mabikas C. malasa D. natakas
13.Ano ang unang ginawa ni Emma?
A. Gumawa ng tula.
B. Isinumite ang tulang ginawa.
C. Inalam kung kailan isasagawa ang patimpalak.
D. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.
14.Ano ang pangalawa sa huling ginawa ni Emma?
A. Inabot ang medalya.
B. Magpasalamat sa mga hurado.
C. Inalam kung kailan isasagawa ang patimpalak.
D. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.
15.Alin sa sumusunod ang HINDI gamit ng diksyunaryo?
A. paghanap ng mapa o larawan
B. paghanap ng mga kahulugan ng salita
C. paghanap ng tamang baybay ng salita
D. paghanap ng kasalungat na kahulugan ng salita
16.Nais ni Emma na malaman kung saan siya makakakuha ng iba pang
sanggunian. Bukod sa aklat na kaniyang ginagamit, saang bahagi niya ito makikita?
A. indeks B. pabalat C. bibliograpiya D. talaan ng
nilalaman

III. Pag-unawa
Si Tok
ni Dolorosa S. de Castro
“Tiktilaok! Tiktilaok! Magandang umaga sa inyong lahat,” ang masayang bati ng
tandang na si Tok sa inaheng manok, baboy at baka. Iyan si Tok, masayahin, makulit at
palakaibigan. Isang kaugalian na lubos na kinagigiliwan ng kaniyang mga kaibigan. Ang
araw niay ay hindi makukumpleto kung hindi nakababati sa mga hayop na nasa kamalig.
Isang araw, nagtaka ang lahat nang hindi nila narinig ang pagtilaok gayundin ang
masayang pagbati ni Tok. Nag-usap-usap ang mga hayop at hinanap si Tok. Nakita nila
si Tok sa dulong bahagi ng kamalig. Giniginaw at inaapoy ng lagnat.
Kani-kaniyang kilos sina inaheng manok, baboy at baka. Inalagaan nila si Tok
hanggang sa gumaling. Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Tok matapos makita at
maramdaman kung gaano siya pinahalagahan ng kaniyang mga kaibigan. Lubos na
pasasalamat ni Tok sa ginawa ng kaniyang mga kaibigan.
Nang gumaling si Tok hinigitan pa niya ang pakikisama at pagmamahal sa kanila.

17. Ano ang nagtulak sa magkakaibigang baboy, baka at inaheng manok upang hanapin
si Tok?
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. paghanga sa kaibigan
B. pagmamahal nila sa kaibigan
C. pag-aalala sa kalagayan ng kaibigan
D. pagtataka kung bakit wala si Tok
18. Piliin sa loob ng kahon ang pangunahing tauhan sa kwento.Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

A. B. C. D.
Isulat ang hinihinging kaisipan sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

masaya kinaiinisan Ito Iyan diksyunaryo


kamalig pagbibigay halaga sa kaibigan pinabayaan
mag ka i bi gan

19. Ang ______________ ang tagpuan sa kuwento ni Tok.


20. _______________ ang nagsilbing tahanan nilang magkakaibigan.
21. _____ si Tok, masayahin, makulit at palakaibigan.
22. Si Tok ay kinagigiliwan ng kaniyang mga kaibigan. Ano ang kasalungat ng salitang
may salungguhit? ________________
23. Inaalagaan nila si Tok hanggang sa gumaling. Ano ang kasalungat ng salitang may
salungguhit.
24. Ano ang nilalaman ng kuwentong “ Si Tok?” ___________________________
25. Kung ikaw si Tok, ano ang mararamdaman mo sa pag – aalalang ipinakita ng iyong
mga kaibigan? ___________________
26. Isulat ng papantig ang salitang magkaibigan._______________________
27. Nagbabasa ka at may mga salitang hindi mo maunawaan ang kahulugan. Saan mo
ito titingnan?________________________

Isulat ng wasto ang pangungusap at lagyan ng tamang bantas.

28. nagpasalamat si tok sa mga kaibigang baboy baka at inaheng manok

________________________________________________________________
_______
29.” magandang umaga sa inyong lahat,” ang masayang bati ng tandang na si Tok.

________________________________________________________________
_______
30. Isulat ang buod ng kuwentong “ Si Tok”. Bilugan ang titik ng tamang sagot
A. Si Tok ay likas na palakaibigan kaya lubos siyang kinagigiliwan ng kaniyang
mga kaibigan.
B. Si Tok ay masayahin.
C. Si Tok ay palabati.
D. Si Tok ay makulit at palaaway.
FILIPINO III
Ikalawang Markahan

Unang Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto: Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang
kahulugan ng mga salita (Kasalungat)

Panuto: Isulat ang kasalungat ng mga sumusunod:

Matalino Masaya
Marami Madaldal
Makintab Makislap
Maliksi Matibay
Matapang Makipot
Masakit Mahirap
Maluwang Mabilis
Mataas Maliit
Tama Mataba
FILIPINO III
Ikalawang Markahan

Ikalawang Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto: Nailalarawan ang elemento ng kuwento
Panuto: Basahing mabuti ang kuwento. Piliin ang tamang letra ng sgot.

Si Danteng Matulungin
Umuuwi agad si dante pagkatapos ng klase. Hindi siya naglalaro tulad ng karamihan sa
kanyang mga kaibigan. Tumutulong siya sa kanyang Nanay sa bahay.Sa sandaling makarating
ng bahay si Dante, hinuhubad niya ang kanyang damit na pamasok. Isinusuot niya ang damit
na pantrabaho. Nagdidilig siya ng halaman, nagpapakain ng baboy at umiigib ng tubig.
Nagwawalis din siya sa bahay at bakuran. Ginagawa niya ang lahat ito dahil wala na siyang
ama.

1. Ano ang kanyang isinusuot kapag gumagawa?


A. Damit na pansimba B. Damit na panlaro C. Damit na pantrabaho
2. Alin sa mga ito ang hindi ginagawa ni Dante?
A.Umigib B. Magdilig C. Nagpapakain ng baboy
3. Alin sa mga ito ang ginagawa ni Dante?
A. Naglalaba B. Wala C. Marahi;
4. May halamanan na sina Dante?
A. Oo B. Hindi C. Marahil
5. Nasaan ang ama ni Dante?
A. Patay na B. Buhay pa C. Nangibang bansa
FILIPINO III
Ikalawang Markahan

Ikatlong Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nakasusunod sa panuto

1. Iguhit kung paano mo aalagaan ang mgatanim na halaman.

2. Kulayana ng bubong ng bahay at isulat dito ang apelyido mo.

3. Bilugan ang mg halamang inaalagaan mo. Kulayan ang mga maaarinang anihin.

4. Iguhit ang mga kapatid mo na naglilinis ng kapaligiran.

5. Iguhit at kulayan ang araw.


FILIPINO III
Ikalawang Markahan

Ikaaapat Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nababasa ang mga salitang may klaster
B. Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga
parirala/pangungusap
C. Nagagamit ang salitang salitang magkatugma

A. Punan ng kambal-katinig ang patlang para mabuo ang salitang angkop sa diwa ng
pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon

gr ts pr kw py gw pl sw br pw

1. Paborito kong ____ograma sa telebisyon ay ang "Avatar: The Legend of Aang."

2. Kinagat ako ng malaking langgam sa aking ____ aso

3. Magaling tumugtog ng ____ ano ang aking Auntie Yolanda.

4. Ang mga doktor at nars ay kailangan gumamit ng ______antes.

5. Nagaral ako ng mabuti kaya maganda ang aking mga ____ado.

6. Ang _______ago ay isang ibon na gabi lumalabas at malaki ang mata.

7. Nanalo na naman si Mang Pandoy sa lotto. ______ erte talaga siya.

8. Nanay, ______ede po ba akong maglaro ng basketball mamaya?

9. Ang aking tinidor, kutsara at ____ato ay kulay asul.

10. Mahilig ako uminom ng mainit na ______okolate pag umaga

B. Piliin at bilugan ang mga salitang magkatugma.


1. A. plato B. platito C. pinggan D. palanggana
2. A. Baso B. tasa C. laso D. mangkok
3. A. tinidor B. kutsara C. platera D. platito
4. A. puno B. pino C. gripo D. lababo
5. 1A. Lolo B. lola C. apo D. bola
C. Lagyan ng wastong bantas

______________________ 1. Nais mo bang makilala ang nagbigay sa iyo ng mga regalo


______________________ 2. Pakikuha mo ang sapatos ko sa kwarto
______________________ 3. Bukas natin malalaman ang dahilan ng pagkagalit ni Itay
______________________ 4. Magkano ang kwintas na ito
______________________ 5. Aray, nadapa ako
______________________ 6. Magmano ka sa iyong lola at lolo
______________________ 7. Wow, ang taas ng lipad ng saranggola mo
______________________ 8. Bakit biglang huminto ang kanta
______________________ 9. Ay, nabasag ang baso
______________________ 10. Itatanong ko una kay Kuya Lito kung maari na akong maglaro
FILIPINO III
Ikalawang Markahan

Ikalimang Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:

A. Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (kami, tayo, kayo at
sila)
B. Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas

A. Salungguhitan ang wastong panghalip na panao na ginamit sa pangungusap. Ang una ay


ginawa na para sa inyo.

1. Sina Jayson, Jhed at James ay nag-aaral ng kanilang leksyon. (Kayo, Siya, Sila) ay
kasama sa mahuhusay na mag-aaral sa paaralan.

2. Mann, (siya, ikaw, nila) ang inuutusan ni nanay na bumili ng suka sa tindahan.

3. Lahat ng kasali sa sayaw ay pupunta sa Tagaytay. (Tayo, Sila, Kayo) ay ililibre ng


ating guro.

4. Sina karen, Rhea at Jam ay magaganda at matatalinong babae. (kayo, Kami, Sila) ay
mga hinahangaan sa paaralan.

5. Ang tatay at nanay ko ay parehong guro. (Tayo, Sila, Kayo) ang nag-aalaga at
nagpapaaral sa akin.

6. Ikaw at ako ay magkaklase. (Tayo, Sila, Kayo) ay mga mag-aaral ni Binibining Katrina
Garcia.

7. Magsisimula na ang klase. Mamaya na lang (tayo, sila, kayo) mag-usap.

8. Nakita ko na nag-usap kayo ni Lino. Magkakilala ba (tayo, sila, kayo)?

9. Ako, si Jim, at si Mica ay magkakaibigan. Matagal na (tayo, sila, kami) magkakilala.

10. Pumasok na sa silid-aralan sina Jim at Mica. (Tayo, Sila, Kayo) ay ating mga kamag-
aral

B. Gamitin nang wasto ang tunog ng e-i o o-u sa mga pangungusap. Bilugan ang wastong sagot.
Piliin ito sa mga salitang napapaloob sa panaklong.
1. (Boto, Buto) ba ng manok ang nasa gilid ng plato niya?
2. Baka (meron, miron) siyang ibang kinain bukod diyan.
3. Siguro, paborito niya rin ang (balot, balut).
4. Tignan mo, ang dami niyang pagkain sa (mesa, misa).
5. (Heto, Hito) na ang batang matakaw
FILIPINO III
Ikalawang Markahan

Ika-anim Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto: Nabaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin

Baybayin ang mga sumusunod:


1. prutas
2. dyanitor
3. dyip
4. busa
5. tsokolate
6. tsinelas
7. tren
8. plaka
9. trahe de boda
10. krismas
FILIPINO III
Ikalawang Markahan

Ikawalong Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto: Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
magkasingkahulugan at magkasalungat ng mga salita

Panuto: Isulat ang MK kung ang mga salitang may salungguhit ay magkasinghulugan at MS
naman kung ang pares ng salita ay magkasalungat.

___1. Gusto kong laging masaya ang aking mga magulang. Kaya naman nagsusumikap akong
mapaligaya sila.

___2. Hindi importante kung ang tao ay mahirap o mayaman. Ang mahalaga ay mabuti ang
puso.

___3. Mas nakakapag-aral ako sa isang lugar na tahimik. Kaya lang maingay naman sa aking
silid.

___4. Mahalimuyak ang aming altar kapag nagsasabit ako ng mabangong sampaguita.

___5. Inakay ng inahin ang kanyang munting sisiw. Maliit kasi ito at mahina pa.
FILIPINO III
Ikalawang Markahan

Ikasiyam na Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nagagamit ang panghalip bilang pamalit sa pangngalan (dito, diyan doon)

Isulat ang dito, diyan, o doon sa bawat puwang. (Panghalip Pamatig)


1. _________________ nagtatakbuhan ang mga manlalaro.
2. _________________ kumakain ang mga manggagawa.
3. _________________ nagwawalis ang mga dyanitor.
4. _________________ naglalaro ang mga bata.
5. _________________ nagsigawan ang magkaibigan.
6. _________________ umaakyat ang mga magnanakaw.
7. _________________ umaawit ang mga biritera ng paligsahan.
8. _________________ nagbabasa ang babae ng leksyon.
9. _________________ natulog ang gwardiya
10._________________ namamahinga ang mga karpintero.
FILIPINO III
Ikalawang Markahan

Ikasampung Linggo
Pamantayan sa Pagkatuto:
A. Nabibigyang kahulugan ang grap

Panuto: Unawaing mabuti ang grap. Sagutin ang mga tanong.

Karapatan sa Atensiyong Medikal


Bilang ng Batang Babae at Lalaki
Dinala sa ospital

Hindi dinala sa ospital

Dinala sa albularyo o
manghihilot

Legend: 5 babae

5 lalaki

1. Ano ang pamagat ng grap? ____________________


2. Ilan ang batang dinala sa albularyo? _____________
3. Ilan ang batang di dinala sa ospital? _____________
4. Ilan ang batang dinala sa ospital? _______________
5. Alin ang mas maraming dinala sa ospital, lalaki o babae?
IKALAWANG MAHABANG PAGSUSULIT

Pangalan:_______________________________________ Iskor:____________
Baitang at Pangkat:_________________ Petsa:___________

FILIPINO 3
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang letra ng napili
mong sagot.

Ang Aming Pamayanan


Dolorosa S. de Castro
Halina’t ating balikan, malinis na kapaligiran.
Sagisag ng kaunlaran nitong ating inang bayan.
Dito matatagpuan, bayang sinilangan,
Ng bayaning Dr. Jose Rizal ang ngalan.

Mga kaminero, pulis pantrapiko, arkitekto,


Inhinyero at mga gurong dedikado
Patuloy na sumusuporta at nangangalaga
Makamit lamang kaunlarang ninanasa.

Di pahuhuli mga kapitalista, mangingisda,


magsasaka at iba pang manggagawa
Ang dito’y makikitang nakikiisa
Sa pagtataguyod ng bayang sinisinta.
1. Anong lugar ang tinutukoy sa tula?
A. Calamba, Laguna C. Luneta
B. Dapitan, Zamboanga D. Tanauan
2. Ano ang kaugaliang ipinakikita sa ikatlong saknong upang maitaguyod ang
bayang sinisinta?
A. pagsunod C. pakikiisa
B. pagsuporta D. pangangalaga
3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magalang na pagpapahayag ng kaisipan?
A. Sino ka para sabihing dapat nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ng
bawat tao?
B. Masakit mang isipin subalit tama ba na igalang ang paniniwala o
prinsipyo ng bawat tao?
C. Ano ba ang dahilan at kailangan nating igalang ang paniniwala o
prinsipyo ng bawat tao?
D. Dapat nating igalang ang prinsipyo o paniniwala ng bawat tao upang
mapanatili ang kapayapaan.
4. Ang mga kaminero ay sumusuporta sa pagpapaunlad ng bansa. ____ rin ay
nangangalaga sa kalikasan.
A. Kami B. Nila C. Sila D. Tayo
5. Sa ikalawang saknong, ano-ano ang salitang magkasintunog?
A. arkitekto- sumusuporta C. nangangalaga-ninanasa
B. kaminero-inhinyero D. dedikado-pantrapiko
6. Ilang pantig mayroon ang salitang kapaligiran?
A.apat C. lima
B.dalawa D. Tatlo

Basahin ang kuwento upang masagutan ang mga inihandang tanong tungkol dito.

Palaruan sa Liwasang-Bayan
Dolorosa S. de Castro
“Ang palaruang ito ay atin. Ipinagawa ito hindi para lamang sa ating
kabataan kundi sa lahat upang may mapuntahan at makapaglibang nang libre. Ang
hiling ko lamang sa inyo ay pakaingatan at alagaan ito,” wika ng
Punong-Lungsod ng Agoncillo nang pasinayaan ang bagong liwasang-bayan sa
kanilang lugar.
Tuwang-tuwa ang magkakaibigan na sina Anton, Jemar, Luisa at Angeline
sa kanilang narinig. Sa wakas may palaruan na rin sa kanilang lugar. Hindi na sila
tatambay sa mall na nasa kabilang bayan upang
magpalipas ng oras.
“Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan namin ito,”ang
kanilang nasambit nang makalapit sila sa Punong-Lungsod at makakamay sa
kaniya.

7. Bakit nagpasalamat ang magkakaibigan sa Punong Lungsod?


A. may bagong palaruan sa kanilang bayan
B. dumalo ang Punong Lungsod sa okasyon sa kanilang lugar
C. may inilaang pondo ang pamahalaan para sa kabataan
D. namigay siya ng tiket para sa libreng sine sa mall na malapit sa kanilang
lugar
8. Nagpunta ang magkakaibigang Anton, Jemar, Luisa at Angeline sa liwasang-
bayan. Natuwa ____ sa sinabi ng Punong-Lungsod. Anong salita ang angkop na
ilagay sa patlang?
A. kami B. sila C. sina D. tayo
9. Nanguna ang Punong-Lungsod sa pagpapasinaya ng bagong palaruan. Nagbigay
_____ ng mensahe para sa lahat na ingatan ang palaruang para sa lahat.
A. kami B. sila C. siya D. tayo
10. “Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan naming ito.” Ano ang
tinutukoy ng ito sa sinabi ng mga bata kay Mayor?
A. Liwasang-Bayan C. mall
B. libreng laruan D. palaruan
11. Kapag pinalitan ang huling pantig ng salitang libre, ano ang bagong salitang
mabubuo?
A. libri B. libro C. libru D. liblib
12. Nasaksihan ng magkakaibigan ang pagpapasinaya ng bagong palaruan. Ano
ang kasingkahulugan ng may salungguhit na salita.
A. nabalitaan B. nalaman C. napanood D. napansin
13. Anong salita ang kasingkahulugan ng ingatan?
A. alagaan C. makapaglibang
B. makakamay D. mapuntahan
14. Ang magandang palaruan sa liwasang-bayan ay dating isang lugar na pangit sa
paningin. Ano ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap na ito?
A. liwasan-bayan C. maganda- pangit
B. lugar-palaruan D. palaruan-liwasan
15. Alin sa sumusunod ang huling pangyayari sa kuwentong “Palaruan sa
Liwasang Bayan?”
A. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
B. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
C. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
D. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
16. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong
binasa?
1. Nagpasalamat ang magkakaibigan.
2. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.
3. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.
4. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.
A. 3-1-4-2 B. 1-2-3-4 C. 3-1-2-4 D. 3-2-4-1

Basahin upang masagot ang mga tanong tungkol dito.

Ang Nawawalang Patak ng Tubig

Maagang nagising si Lilibeth upang maligo at tulungan ang kaniyang nanay


sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke. Maaga rin ang kaniyang Kuya na
tumutulong sa kanilang ama sa paglalagay ng mga paninda sa lumang jeep na
nakaparada sa may tarangkahan.
Pagpasok ni Lilibeth sa kanilang paliguan, “Tubig! Tubig! Wala na naming
pumapatak sa gripo.” Sabay labas sa kanilang kusina.
Dala ang timba, unti-unti siyang naghakot ng tubig mula sa dram ng tubig na
inipon ng kaniyang nanay nang nagdaang gabi.
“Talaga nga yatang nararamdaman na natin ang epekto ng pagkasira ng ating
kapaligran. Bihira nang umulan kaya nagkukulang na ang tubig. Kailangan na
nating bumili pa ng ilan pang ipunan ng tubig,” ang narinig niyang sabi ng
kaniyang Tatay.

17. Ano ang gagawin ng mag-anak upang hindi maghirap sa kawalan ng tubig sa
gripo? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________

18. Sumasang-ayon ka ba sinabi ng Tatay sa kuwento? Suportahan ang iyong


kasagutan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________
__________________________________________________________________
___________

19. Sumulat ng isang pangungusap na nagsasabi ng epekto ng mga gawain na


ipinapakita ng sumusunod na larawan mula sa isang aklat.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______
20. Muling balikan ang mga kuwentong binasa sa pagsusulit na ito. Ibigay ang
hinihiling na impormasyon ng talaan na nasa ibaba.
Pamagat___________________________________________________________
___________Tauhan_________________________________________________
______________________Tagpuan_____________________________________
_________________________________

21. Ano ang naramdaman mo matapos mong mabasa ang kuwento? Bigyang-
katwiran ang sagot.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________________________________
22. Bakit naghakot ng tubig si Lilibeth?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______
23. Ano ang gagawin mo upang makatulong sa paglutas ng suliranin na ipinakita
sa kuwentong “Ang Nawawalang Patak ng Tubig.”
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______
24. Isulat nang wasto ang pangngusap.
ang pag-abuso sa kalikasan ang nagiging sanhi ng ating kapahamakan
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______
25. Nais mong malaman ang epekto ng climate change. Anong sanggunian ang
gagamitin mo?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______
26. Hindi maunawaan ni Mark ang salitang climate change. Anong bahagi ng aklat
niya makikita ang kahulugan nito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______
27. Sipiin ang pangungusap.
Tumulong si Lilibeth sa kaniyang nanay sa pag-iipon ng tubig sa kanilang bagong
biling dram.
28. Sumulat ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol
sa pangangalaga sa ating kalikasan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_____________
IKATLONG MARKAHAN
Unang Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng salita tulad ng
paggamit na palatandaang nagbibigay ng kahulugan
(kasingkahulugan/kasalungat)

A. Isipin mong mabuti ang kasalungat ng salitang may salungguhit. Isulat mo sa


sagutang papel ang tamang sagot.

1. Pambihira ang kagandahan ni Prinsesa Perlita.


A. Natatangi
B. Karaniwan
C. Naiiba
D. Payak

2. Pakakasalan ng Prinsesa ang sinumang magwawagi sa torneo.


A. mananalo
B. magtatagumpay
C. matatalo
D. mananaig

3. Tumatawag ang prinsipe sa kanyang mga kapanalig


A. kalaban
B. kasapi
C. kasama
D. kaaway

4. Bunga ng pagkakatalo sa labanan taglay ng Prinsipe ang paghihiganti


A. pag-aaway
B. pagpapaumanhin
C. paglalaban
D. pakikipagkasundo

5. Sumulpot sa karagatan ang isang malaking krus.


A. Lumitaw
B. Lumubog
C. Paglalaban
D. Sumilang
B. Piliin at isulat sa sagutang papel ang kasalungat ng salitang may salungguhit.

1. Mga unang tao ang mga Negrito.


A. huling
B. isang
C. limang
D. ninuno

2. Watak-watak ang katutubong tribo.


A. Sabay sabay
B. Hiwa-hiwalay
C. Sama-sama
D. Bigkis-bigkis

3. Pandak ang mga ito.


A. Maliit
B. Matangkad
C. Mataba
D. Mabilog

4. Malapit sa dagat at ilog ang tirahan.


A. Malayo
B. Malalim
C. Mataas
D. Di-kalayuan

5. Nagpapauli-uli sa paligid-ligid ang mga kawal.


A. Nagpipirmi
B. Nagpapalapit
C. Nagpapalayo
D. Nagpapabalik-balik
IKATLONG MARKAHAN
Ikalawang Linggo
Kasanayan sa Pagkatuto: Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba
nag bigkas

Suriin ang salitang nakakahon. Bilugan ang letra ng kahulugan ng salita ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap.

1. Bagay sa iyo ang damit na iyan.


A. magandang tingan
B. hindi tao, hayop, o halaman

2. Kumakain ka ba ng ginataang gabi?


A. kabaligtaran ng araw
B. isang uri ng halamang ugat

3. Tayo lang pala ang pupunta sa parke.


A. nakatindig at hindi nakaupo
B. isang panghalip panao

4. Nakatungo ang mga tao sa pagtanggap ng basbas ng pari.


A. papunta sa isang lugar
B. yumuko

5. Darating si Papa sa susunod na buwan!


A. binubuo ng 30 araw
B. nagbibigay liwanag sa gabi
IKATLONG MARKAHAN
Ikatlong Linggo
Kasanayan sa Pagkatuto: Nabibigyang kahulugan ang grap

Pag-aralan ang graph sa ibaba na nagpapakita ng nagastos ni Eduardo San Juan sa pag-
aaral ng Engineering sa Unibersidad ng Lucban. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
tungkol sa mga bagay na sinasabi ng grap.

24,000

22,000

20,000

18,000

15,000
1 2 3 4 5

1. Magkano ag nagastos ni Eduardo Dan Juan sa unang taon ng kaniyang pag-aaral?


A. 18,000 B. 20,000 C. 22,000 D. 24,000

2. Magkano ang nagastos niya sa ikatlong taon?


A. 18,000 B. 20,000 C. 22,000 D. 24,000

3. Kailan siya gumastos ng 18, 000?


A. Unang taon B. Ikalawang taon C. Ikatlong taon D.
Ikaapat na taon

4. Anong taon siya gumastos ng pinakamaliit na halaga?


A. Unang taon B. Ikalawang taon C. Ikatlong taon D.
Ikaapat na taon

IKATLONG MARKAHAN
Ikaapat na Linggo
Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nasasabi ang paksa o tema ng binasang teksto
2. Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
dinaglat.

A. Isulat nag titik na nagsasaad ng pangunahing diwa sa bawat bilang.

___________ 1. Ang kompyuter ay ang pinakaginagamit na teknolohiya ngayon lalo na


ng mga bata, madami kasi ang maaaring magawa sa kompyuter, maaring maglaro,
magkipag-usap sa mga mahal mo sa buhay na malayo sayo, mapagkunan ng mga
impormasyon, at iba pa.
A. Kompyuter ang Kilalang Teknolohiya sa Panahon Ngayon
B. Ang Gamit ng Kompyuter
C. Walang gumagamit ng Kompyuter
____________ 2. Ang pagtugtog ay naging buhay na ni Sarah, siya ay marunong
tumugtog ng iba’t – ibang instrumento, at labis siya nagpapasalamat sa Diyos dahil sa
talentong ito, kaya naman si Sarah ay ginagamit ang kanyang mga talento para sa Diyos
at mas pinaglilinang pa ito. Siya ay nagtuturo din ng kanyang mga kaalaman sa
instumento.
A. Pagtugtog
B. Pag-aalay ng talento sa Diyos
C. Pagyayabang sa Talento

______________ 3. Ang pagbabahagi ng salita ng Diyos ay hindi ko ikinakahiya, bagkus


ito ay naging natural na sa akin, gusto ko kasi na malaman ng mga tao kung gaano kabuti
ang Diyos sa ating buhay at kung gaano niya tao kamahal, kahit gaano pa tayo
makasalanang tao, patuloy tayong hindi bibitawan ng Diyos at ang tanging gusto ko lang
sabihin sa mga tao na, ang Diyos ay naghihintay sa paglapit niyo sa kanya, at sa kanya
mararamdaman niyo ang tunay na kaligayan, pagmamahal at kapayapaan.

A. Salita ng Diyos
B. Mensahe ng Panginoon sa lahat ng tao
C. kasiyahang dulot ng pagtuturo

Isulat ang mga sumusunod na salita sa daglat.


1. Binibing Rea
2. Ginoong Gob
3. Ginang Jasmin
4. Pangulong Duterte
5. Father Reyes

IKATLONG MARKAHAN
Ikalimang Linggo
Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Naibibigay ang mga sumusuporta ng kaisipan sa pangunahing kaisipan ng
tekstong binasa
A. Isulat nag titik na nagsasaad ng pangunahing diwa sa bawat bilang.

___________ 1. Ang kompyuter ay ang pinakaginagamit na teknolohiya ngayon lalo


na ng mga bata, madami kasi ang maaaring magawa sa kompyuter, maaring
maglaro, magkipag-usap sa mga mahal mo sa buhay na malayo sayo, mapagkunan
ng mga impormasyon, at iba pa.
A. Kompyuter ang Kilalang Teknolohiya sa Panahon Ngayon
B. Ang Gamit ng Kompyuter
C. Walang gumagamit ng Kompyuter
____________ 2. Ang pagtugtog ay naging buhay na ni Sarah, siya ay marunong
tumugtog ng iba’t – ibang instrumento, at labis siya nagpapasalamat sa Diyos dahil
sa talentong ito, kaya naman si Sarah ay ginagamit ang kanyang mga talento para
sa Diyos at mas pinaglilinang pa ito. Siya ay nagtuturo din ng kanyang mga
kaalaman sa instumento.
A. Pagtugtog
B. Pag-aalay ng talento sa Diyos
C. Pagyayabang sa Talento
______________ 3. Ang pagbabahagi ng salita ng Diyos ay hindi ko ikinakahiya,
bagkus ito ay naging natural na sa akin, gusto ko kasi na malaman ng mga tao kung
gaano kabuti ang Diyos sa ating buhay at kung gaano niya tao kamahal, kahit gaano
pa tayo makasalanang tao, patuloy tayong hindi bibitawan ng Diyos at ang tanging
gusto ko lang sabihin sa mga tao na, ang Diyos ay naghihintay sa paglapit niyo sa
kanya, at sa kanya mararamdaman niyo ang tunay na kaligayan, pagmamahal at
kapayapaan.
A. Salita ng Diyos
B. Mensahe ng Panginoon sa lahat ng tao
C. kasiyahang dulot ng pagtuturo
B. Basahin ang talata. Isulat ang paksang diwa ng talata.

Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating
pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin,
bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan.
Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at
inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng
panauhin.

Paksang diwa: ______________________________


IKATLONG MARKAHAN
Ikaanim na Linggo
Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nakapagbibigay ng angkop napamagat sa binasang teksto

A. Piliin ang letra ng tamang sagot.


1. Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit
na limandaang uri ng pating. Karamihan ng uri ng pating ay nananatili sa tubig-
dagat ngunit may iilang nabubuhay sa tubig tabang. Ang pinakamaliit na pating ay
may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba naman ay ang butanding. Ito
ay umaabot sa haba na labindalawang metro.

Ano ang maaari nating ibigay na pamagat dito?


A. Ang Nakakatakot na Isda
B. Ang Iba't Ibang Uri ng Pating
C. Ang Pating

2. Sabik na sabik si Julia na pumasok sa paaralan ngayong araw na ito. Kagabi pa


lamang ay inihanda na niya ang kanyang uniporme. Naka-ayos na rin ang kanyang
bag at baunan. Pagtunog ng kanyang relo, mabilis na bumangon si Julia upang
maligo na. Dali-dali siyang nagbihis at pumunta sa silid-kainan. "Julia, mukhang
handa ka na para sa unang araw ng pasukan," ang bati ng kanyang nanay. "Opo!
Sabik na po akong pumasok!" ang sagot ng bata.

Ano kaya ang magandang pamagat para sa kuwentong ito?


A. Ang Unang Araw ng Pasukan
B. Sabik nang Pumasok si Julia
C. Ang Paaralan ni Julia
3. Ang niyog (cocos nucifera) ay may karaniwang taas na 6 na metro o higit pa.
Natatangi sa lahat ng puno ang niyog sapagkat bawat bahagi nito ay maaari ring
sangkap sa paggawa ng sabon, shampoo, at iba pa.
A. ang niyog
B. Ang mga Gamit ng Niyog
C. Ang Niyog
D. ang mga gamit ng Niyog
4. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang
lalong luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay
maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na
mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka) itlog, gatas, keso, mga
luntian at dilaw na gulay at prutas.

Ang angkop na pamagat ng talata ay ___________________

5. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang


Pilipinas, gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan
ito ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo
kung saan tinalo ni
Lapulapu si Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa laban.

Ang angkop na pamagat ng talata ay ___________________

IKATLONG MARKAHAN
Ikapitong na Linggo
Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nagagamit ng wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng isang kilos o gawi
2. Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang tamang may pagkakasunod-sunod

A. Bilugan ang salitang pang-abay.

1. Laging binibigyan ng tinapay ni Aling Cely ang mga bata sa kalye.


2. Si Lorna ay nagbabasa ng libro sa ilalim ng puno.
3. Mabilis na nailabas ni Jonas ang mga gamit sa nasusunog na bahay.
4. Sumigaw ang bata nang malakas upang mapansin siya ng Nanay niya.
5. Sa kasalukuyan ay nakararanas tayo ng EL Nino.
6. Si Ginoong Gomez ay mabibigyan ng parangal sa ating paaralan.
7. Umuuwi kami sa probinsya tuwing Sabado.
8. Huwag mi ilagay ang salamin sa ibabaw ng aparador.
9. Masayang namasyal ang mag-ama kahapon.
10. Tahimik na lumapit sa Jon kay Rosa.
B. Ikahon ang titik na nagbibigay ng angkop na kasunod na pangyayari.

1. Walang payong si Helen, Nabasa siya ng ulan ______________.


A. Tuwang tuwa ang kanyang ina
B. Nagkasakit siya
C. Luminis siya sa pagbabasa sa ulan

2. Nag-aral si Sanya para sa pagsusulit bukas ____________________.


A. a.bumagsak siya pagsusulit
B. b.hindi siya pumasok
C. c.mataas ang nakuha niya sa pagsusulit
3. Naglilinis si Bea ng kanilang tahanan tuwing walang pasok _______________.
A. natuwa ang kanyang magulang
B. pinapagalitan siya ng ina
C. laging madumi ang bahay
4. Gumigising siya ng maaga tuwing may pasok ________________.
A. nahuhuli siya sa klase
B. hindi siya pumapasok
C. lagi siya maaga sa klase

IKATLONG MARKAHAN
Ikawalong Linggo
Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto
2. Nagagamit ng wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng isang kilos o gawi

A. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap.

1. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan mag- maneho pauwi.
2. Tahimik at madilim na ang bahay dahil tulog na ang lahat.
3. Tinaas ni Tricia ang kanyang kamay kasi alam niya ang tamang sagot sa tanong ng
guro.
4. Masikip na ang lumang sapatos ni Mabel kaya bumili ng bagong sapatos si Tatay.
5. Sapagka't hindi marunong lumangoy si Terry, ginamit niya ang salbabida.
6. Dahil sa labis na paninigarilyo, nagkaroon ng sakit sa baga ang tito ni Atoy.

B. Salungguhitan ang bunga sa bawat pangungusap.


1. Pumunta sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang pagkain.
2. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya't uminom siya ng maraming tubig.
3. Pinakain ko ang alagang aso mo dahil kanina pa ito tumatahol.
4. Itinakbo sa ospital ang babae sapagka't nahimatay siya sa pagod.
5. Nawalan ng preno ang dyip kaya bumangga ito sa poste.
6. Dahil sinundan niya ang mga babala sa kalsada, nakaiwas siya sa sakuna.

C. Buuin ang diwa ng mga sumusunod ng pahayag sa pamamagitan ng pagdaragdag ng


hinihingi uri ng pang-abay. Piliin ang sagot mula sa kahon.

Sa tahanan tuwing lingo mahusay Sa paaralan


malungkot Sa simbahan magalang Sa Pilipinas
mabilis
1. Ang mga ina ang laging naiiwan (panlunan) __________________.

2. Tinuruan ng (pamaraan) _________na pagsagot ang batang iyan sa matatanda.

3. Inanyayahan ko ang aking kaibigan na magsimba (pamanahon) ___________.

4. Marami na akong napuntahang lugar (lugar punlanan) ______.

5. Ang mga nasunugan ay kakikitaan ng (pamaraan) ________ na mukha.

IKATLONG MARKAHAN
Ikasiyam na Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nagagamit nang wasto ang pang-ukol (laban sa, ayon sa, para sa, ukol sa)

A. Bilugan ang pang-ukol.

1. Ang mga sariwang prutas ay para kay Lola Nadya.

2. Ayon sa balita, isang tren ng MRT ang tumirik na naman.

3. Ang pulong na ito ay hinggil sa mga suliranin 43 gating barangay.

4. Darating na si Tatay mula sa Hong Kong samakalawa.

5. Ang bata ay pumasok nang walang takot sa madilim na silid.

6. Ang protestang ito ay laban sa pagtaas ng buwis.

7. Tungkol kay Marlon ba ang pinag-uusapan ninyo kanina?

8. Sinamahan niya ang mga Amerikanong turista tungo sa lumang simbahan.

9. Labag sa ordinansa ng lungsod ang manigarilyo sa mga lugar na pampubliko.

10. Ayon kay Emily, hindi pa umuuwi mula sa eskuwelahan si Bitoy.


IKATLONG MARKAHAN
Ikasampung Linggo
Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nagsasama ang mga katinig, patinig upang makabuo ng salitang klaster

Punan ng kambal-katinig ang patlang para mabuo ang salitang angkop sa diwa ng
pangungusap. Piliin ang sagot sa kahon

gr ts pr kw py gw pl sw br pw

1. Paborito kong ____ograma sa telebisyon ay ang "Avatar: The Legend of Aang."


2. Kinagat ako ng malaking langgam sa aking ____ aso
3. Magaling tumugtug ng ____ ano ang aking Auntie Yolanda.
4. Ang mga doktor at nars ay kailangan gumamit ng ______antes.
5. Nagaral ako ng mabuti kaya maganda ang aking mga ____ado.
6. Ang _______ago ay isang ibon na gabi lumalabas at malaki ang mata.
7. Nanalo na naman si Mang Pandoy sa lotto. ______ erte talaga siya.
8. Nanay, ______ede po ba akong maglaro ng basketball mamaya?
9. Ang aking tinidor, kutsara at ____ato ay kulay asul.
10. Mahilig ako uminom ng mainit na ______okolate pag umaga
TAYABAS WEST CENTRAL SCHOOL III

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 3

Pangalan ______________________
Iskor____________

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng sagot.

Pag-aalaga ng mga Hayop


Sabado ng umaga, nagmamadaling bumaba ng bahay si
Mang Carlos upang pumunta sa likod-bahay. Doon, makikita ang kaniyang
inaalagaang iba’t ibang alagang hayop. May mga bibe, manok, kambing at mga
baboy. Ito ang nagsisilbi niyang libangan mula nang tumigil siya sa pagiging
kawani ng gobyerno sa edad na animnapu at lima. Dito lumalakas ang kaniyang
katawan at nagsisilbing ehersisyo sa araw-araw. Bukod dito, nagsisilbi pang
hanapbuhay na may malaking kita.

1. Ano ang nagsisilbing libangan ni Mang Carlos?


A. Paghahalaman C. Pagtitinda
B. Paghahayupan D. Pangingisda

2. Anu-ano ang mga alagang hayop ni Mang Carlos?


A. ahas, usa, kambing, at mga pusa B. bibe, manook, kambing at mga
baboy
C. aso, pusa, baka at kalabaw D. baka, kambing, kalabaw, at mga
pato

3. Saan makikita ang mga alagang hayop ni Mang Carlos?


A. sa harapan ng bahay C. sa likuran ng bahay
B. sa may bakanteng lote D. sa may tumana

4. Pag-aalaga ng hayop ang nagsilbing libangan ni ______.


A. Mang Oscar C. Mang Rey
B. Mang Carlos D. Mang Cesar

5. Bukod dito, nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita. Ang kahulugan
ng
salitang may salungguhit ay _____.
A. trabaho C. ehersisyo
B. libangan D. aralin

6. Si Mang Carlos ay kawani ng gobyerno. Ano ang kahulugan ng salitang may


salungguhit?
A. miyembro C. kasabwat
B. kalro D. kaaway
7. Anong ugali ang ipinakita ni Mang Carlos sa kuwento?
A. Pagkamatapat C. Pagkamaalaga
B. Pagkamapagbigay D. Pagkamapagkakatiwalaan

8. Paano kaya inaalagan ni Mang Carlos ang kaniyang mga hayop?


A. pinakakain nang mabuti C. nililinis na mabuti ang tirahan
nito
B. pinaiinum nang tama D. lahat ng nabanggit

9. Isang dating kawani ng gobyerno si Mang Carlos na ginawa ang kanyang


tungkulin na mayroong ________________.
A. kasipagan C. kusang-loob
B. kasiyahan D. katapatan

10. Ang paksa ng talata ay ______.


A. paghahanapbuhay C. pangingisda
B. pagtitinda ng mga Produkto D. pag-aalaga ng hayop

Basahin ang talata.

Ang Pilipinas ay isang bansang tropical. Ito ay nasa Tropiko ng Kanser na


makikita sa itaas ng Ekwador.
Kapag malapit sa Ekwador ang isang bansa, mayroon lang itong dalwang uri
ng klima. Ito ay tag-araw at tag-ulan. Mainit at maalinsangan tuwing tag-araw
samantalang mahalumigmig at malamig ang panahon kung tag-ulan.

11. Ayon sa binasang talata, ano ang paksang nilalaman nito?


A. Tropiko ng Kanser makikita sa Pilipinas. C. Ang klima n gating bansa.
C. Ang Pilipinas ay isang bansang tropical. D. Dalawang uri ng klima.

12. Saang bahagi ng talata makikita ang paksa?


A. unang bahagi C. ikatlong bahagi
B. ikalawang bahgi D. ikaapat na bahagi

13. Bakit tinawag na klimang tropical ang bansang Pilipinas?


A. Makikita sa Tropiko ng Kanser. C. Ito ay malapit sa Ekwador.
B. Nasa gitna ng Tropiko ng Kanser. D. Malayo sa Ekwador.
Pagtupad sa Pangarap
ni Modesta R. Jaurigue
Bata pa lamang si Marlon ay pangarap na niyang makatapos ng
kursong inhinyero. Bagamat ulila na siya sa mga magulang ay hindi ito naging
hadlang upang ipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral. Nagtatrabaho siya sa
yelohan sa piyer simula dapithapon hanggang alas 8:00 ng gabi at babalik ng alas
4:00 ng madaling-araw hanggang alas 6:00 ng umaga. Hindi kaagad siya pinag-
aral ng kaniyang mga magulang kaya sa gulang na labindalawa ay nasa ikatlong
baitang pa siya pero hindi niya ito ikinahihiya bagkus mas lalo pa siyang nagiging
pursigido sa pag-aaral.

14. Anong uri ng mag-aaral si Marlon?


A. masikap C. magalang
B. matapat D. maalalahanin

15. Ano ang kursong pinapangarap ni Marlon?


A. manggagamot C. inhinyero
B. dentist D. guro

16. Bakit kaya hindi pinag-aral agad si Marlon ng kanyang mga magulang?
A. Mag-aalaga sa mga kapatid C. Kapos sa pera
B. Dahil hindi pa handang mag-aral D. Hindi sila bilib kay Marlon

17. Saan nagtatrabaho si Marlon?


A. kargador sa palengke C. tindero sa bangketa
B. yelohan sa piyer D. konduktor sa bus

18. Kung ikaw si Marlon, ano ang gagawin mo?


A. Magtatrabaho na lamang upang kumita ng pera
B. Ipagpapatuloy ang pag-aaral habang nagtatrabaho
C. Tumigil muna sa pag-aaral.
D. Humanap ng taong susuporta sa pag-aaral.

19. Ikahon ang dalawang tambalang-salita mababasa sa pangungusap.


Nagtatrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapit-hapon hanggang alas 8:00 ng
gabi at babalik ng alas 4:00 ng madaling-araw hanggang alas 6:00 ng umaga.

a. dapit-hapon b. umaga’t gabi c. gabi d. araw


madaling-araw tanghali-hapon umaga hapon

20. Ang talata ay tungkol sa ______.


A. Pagtatrabaho ni Marlon C. Pagsisikap sa pag-aaral
B. Pagiging ulila sa magulang D. Pagsuko sa buhay
21. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa isang tao?
A. Nakatutulong sa pag-unlad ng tao C.Nagkakaroon ng magandang
trabaho
B. Nabubuo ang tiwala sa sarili D.Lahat ng nabanggit

22. Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumamit ng wastong bantas?


A. Si liza ay mabait na bata! C. SI Liza ay mabait na bata
B. Si Liza ay mabait na bata. D. SI Liza at mabait na bata?

23. Piliin ang pangalang nakasulat ng wasto.


A. Dr. jose Rizal C. Dr. Jose riZal
B. dr. Jose rizal D. Dr. Jose Rizal

24. Alin sa mga sumusunod na salita ang gumamit ng maliit na titik?


A. bayan C. Laguna
B. San Pedro D. Pacita

25. Alin sa sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pagsunod sa panutong


gumuhit ng malaking bilog. Sa loob bilog isulat ang pangalan ng paaralan. Sa
loob ng bilog, gumuhit ng parihaba. Isulat sa loob ng parihaba ang pangalan ng
iyong guro.

Mrs. M. Dela Cruz


A. Malabon Elem. Sch. C. C.
Malabon Elem.
School

Mrs. M. Dela Cruz Mrs. M. Dela Cruz

Malabon Elem. Malabon Elem.


School Mrs. M. Dela Cruz School
B. D. .

26. Piliin sa larawan ang nagpapakita sa pagsunod sa panuto. Isulat ang buong
pangalan mo sa isang tatsulok. Sa kanang bahagi ng tatsulok maglagay ng isang
puno, lagyan ng bunga ang puno.

A. LEA NIEVERA C. LEA NIEVERA


LEA NIEVERA LEA NIEVERA
B. D.

27. Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa panuto?


A. Nakagagawa ng maraming mali sa gawain.
B. Nagiging tama ang lahat ng ginagawa.
C. Mapabilis ang ginagawa.
D. Walang halaga ang bawat gawain.

Piliin ang salitang may tamang tugma upang mabuo ang tula sa ibaba. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

Si Lino Pilipino

Ako si Lino
Na isang Pilipino
Pagiging kayumanggi
Hindi ko itinatanggi
Laging bilin
Ng aking ___________________ 28. A. Kaibigan B. Kalaro C. Kapatid D.
Magulang
Lahat ay igalang
Lahat ay ____________________ 29. A. awayin B. dayain C. guluhin D.
mahalin
Saan man magpunta
Sino man ang makasama
Laging isasapuso
Pagiging Pilipino

Biyaya ng Maykapal
ni Modesta R. Jaurigue
Kay gandang pagmasdan, nitong kalikasan, Atin laging isaisip,
kapakanan ng kapaligiran,
Lalo’t mga tao’y tulong-tulong sa kalinisan, Upang tayo’y
makinabang, pagdating ng araw Nagbibigay-halaga sa kagandahang taglay,
Iya’y adhikain ng Poong Maykapal,
At dulot nitong yaman sa bawat nilalang. Ang maibigay sa atin,
biyaya ng kalikasan.

30. Bakit dapat pangalagaan ang kalikasan?


A. Nagbibigay ganda sa kapaligiran C. Regalo ito ng Diyos
B. Nagdudulot ng yaman sa mga tao D. lahat ng nabanggit
IKAAPAT NA MARKAHAN
Unang Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga bagong
salita mula sa salitang ugat
IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikalawang Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto:
Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng salita tulad ng paggamit
na palatandaang nagbibigay ng kahulugan (kasingkahulugan/kasalungat)

Panuto: Itambal ang salitang may salungguhit sa Hanay A sa kasalungat nito sa Hanay
B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikatlong Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nababasa ang salitang hiram
2. Nakapaglalarawan ng mga bagay, hayop, tao, at lugar sa pamayanan

A. Panuto: Batay sa binagong patnubay ng pagbabaybay, piliin ang salitang gagamitin


mo kung hihiramin ang salitang nasa loob ng panaklong. Titik lamang ang isulat sa
sagutang papel.
1. Masasabing umuunlad na ang (transportation) sa Maynila dahilan sa Metro Rail
Transit.
A. transporteysyon
B. transportasyon
C. transportation
2. Nalunasan nito ang sobrang bigat ng (traffic) mula sa Legarda hanggang sa Santolan,
Marikina.
D. trapiko
E. trafik
F. traffic
3. Kahit paano, nakararating na ang mga (commuter) sa kanilang pupuntahan sa oras.
a. pasahero
b. pasajero
c. komyuter
4. May mga paalalang sinasabi sa bawat isa patungo sa kanilang (destination)
A. destination
B. destineysyon
C. destinasyon
5. Maganda rin at maayos ang (schedule) ng pagbyahe ng mga tren.
A. talatakdaan
B. iskedyul
C. skedyul
B. Isulat ang tamang baybay sa Filipino ng sumusunod na hiram na salita.
_______ 1) English
_______ 2) escalator
_______ 3) nitrogen
_______ 4) arti cial
_______ 5) taxi
C. Piliin ang salitang naglalarawan
_____ 1. Ang dalawang manlalaro ng basketbol ay magsingtangkad.
_____ 2. Ang limang turista ay umakyat sa mataas na bundok.
_____ 3. Malulusog ang mga alagang hayop ni Mang Berting.
_____ 4. Mahapdi pa rin ang sugat ni Henry sa tuhod.
_____ 5. Si Juan ay kasingkupad ni Jerry magtrabaho.
_____ 6. Ang mga mag-aaral ni Ginang Romero ay magagalang.
_____ 7. Kapwa malikhain ang kambal na sina Lauren at Louise.
_____ 8. Ang gamot na ininom ni Maricel ay mabisa.
_____ 9. Hindi sanay sa maginaw na klima ang mga hayop.
_____ 10. Maaanghang ang mga ulam dito sa Bikol.
_____ 11. Magkasinghusay sina Maria at Michelle sa pagguhit.
_____ 12. Ang mga malalagong halaman sa hardin ay inaalagaan ni Lara.
_____ 13. Ang mga tanawin sa Pilipinas ay magaganda.
_____ 14. Suot ni Pamela ang isang magarang blusa.
_____ 15. Magkamukha ang dalawang pusa ni Helen.
IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikaapat na Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Nakapaglalarawan ng mga bagay, hayop, tao, at lugar sa pamayanan
2. Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na nananatili ang kahulugan

A. Punan ang patlang ng pang-uring naglalarawan sa nasa loob ng panaklong upang


mabuo ang diwa ng pangungusap.

(hitsura) 1. Ang kaibigan ko ang pinaka maganda sa aming baryo, siya ay maganda ang
mata at ________________________.

(katangian) 2. Ang aming guro ay ________________ magturo.

(damdamin) 3. __________________ si James ng masagasaan ang kanyang alagang


aso.

(lasa) 4. _______________ ang tinimpla na kape ni nanay.

(kulay) 5. Ang kanyang damit ay kulay ________________ kaya maraming


nagagandahan.

(kayarian) 6. _____________ ang gawa ng kanyang damit.

(amoy) 7. Palaging ______________ sa aming bakuran dahil sa laging nililinis.

(tunog) 8. Nakakabingi ang radyo ng kapitbahay dahil sa sobrang _______________.

(hugis) 9. Ang mga pakwan ay hugis ___________________-.

(hitsura) 10. Ang mga kalsada sa probinsya ay _____________________.


IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikalimang Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto: Nasisipi ng maayos at wasto ang liham

Narito ang mga bahagi ng liham. Iayos ang mga ito upang mabuo ang liham. Gamitin
din ang wastong bantas. Gawin ito sa sagutang kuwaderno.

1. Lubos na gumagalang,

2. 234 Antonio Rivera


Sta. Cruz, Maynila
Mayo 9, 1996

3. Mahal kong Ninang Liza,

4. Pista po sa aming barangay sa darating na Sabado. Tradisyon na po ng mga pamilya


ang maghanda para kay San Isidro Labrador. Natatandaan ko na sinabi ninyong nais
ninyong makadalo sa aming pista. Sana magkaroon kayo ng panahon ngayon. Isama
po ninyo si Ninong at ang aking kinakapatid.
Aasahan namin ang inyong pagdating.

5. Siena
IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikaanim na Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto:

1. Nakapagbibigay ng wakas sa binasang teksto


2. Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga bagong
salita mula sa salitang ugat

Magsulat ng tatlo o higit pang pangungusap sa patlang.


1. Tuwing umaga, magkasabay na pumapasok si Annie at Greg sa paaralan. “Tara,
maglakad na tayo para hindi ayo mahuli sa klase,” yaya ni Greg. “Sige” sagot ni Annie.
“Meron nga pala tayong pagsusulit ngayon sa Filipino. Nag-aral ka ba?,” sabi ni Greg.
“Oo naman, pinaghandaan ko ang araw na ito.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_________________________________________________________
2. Sa Bayan ng San Andres may isang lalaki na nilalayuan ng mga tao dahil siya ay
napaka itim, dahil dito laging malungkot ang lalaki at laging nag-iisa. Isang araw may
isang babae na lumapit sa kanya at laking gulat niya ng siya ay kinausap nito, “Kamusta?
Ako nga pala si Jackie, at ikaw si?” tanong ng babae. “Ako si Fred, bakit mo ako
kinakausap?” sagot ni lalaki. “Gusto ko kasi makipag kaibigan sayo.” Tugon ng babae.
“Hindi naman at naniniwala dyan sa sinasabi mo.” Nagtatakang sagot ng lalaki. “Ayos
lang kung hindi ka maniwala Fred, gusto lang talaga kita maging kaibigan dahil alam ko
malungkot ka at mukhang mabait ka naman kaya bakit ako tutulad sa kanila na nilalayuan
ka?” sagot ng babae.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Isang araw naglalakad si Jessica pauwi mula sa trabaho. Laking gulat niya nang
marinig ang mahinang iyak ng bata. Muntik na niyang lampasan ang bata, Nang buhatin
ni Jessica ang bata, ang munting sanggol ay may mga sugat sa katawan. “Aba kawawa
naman ang batang ito.Iuwi muna kita upang gamutin,” sani ni Jessica.
Pagdating niya sa bahay, ibinigay ni Jessica ang sangol sa kanyang ina. Ginamot nila
ang sugat nito, binihisan at pinainum ng gatas. Nagdesisyon ang mag-ina na isauli ang
bata ngunit walang kumukuha sa kanila.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikapitong Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto:Nagagamit ng wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng


isang kilos o gawi

_____________________ 1. Ang aso ay mabilis na tumakbo papalapit sa kanyang


amo.

_____________________ 2. Pupunta sila sa Enchanted Kingdom.


_____________________ 3. Bumili sila ng madaming gulay kahapon.
_____________________ 4. Si Mark ay tumalon ng mataas.
_____________________ 5. Paika-ika siya maglakad dahil sa pagkakadapa.
_____________________ 6. Bukas ang aming pagsusulit.
_____________________ 7. Nagpunta siya sa Zambales kasama ang pamilya.
_____________________ 8. Magulo ang mga bata.
_____________________ 9. Doon ko itinago ang mga pera.
____________________ 10. Sa susunod na buwan na siya makukuha ang regalo.
IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikawalong Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto: Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliraning


nabasa sa isang teksto o napanood
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Ano ang maibibigay mong solusyon sa mga
sumusunod na suliranin.

Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang polusyon dulot ng mga pabrika ay malaking pinsala rin. Ang mga usok nito
ay may carbon monoxide, sulfur dioxide na kapag sumama sa water vapor ay
magiging sulfuric acid. Kapag umulan, ang sulfuric acid ay magiging acid rain na
pumapatay sa kagubatan at ilog.
_____________________________________________

2. Ang pagkabutas ng Ozone Layer ay nakababahala dahil sa nakapaglalagos na


ang matinding sikat ng araw sa ating daigdig. Nakararamdam na tayo ng labis na
init. Ito rin ay maaaring magdulot ng kanser sa balat at iba pang sakit at pagkasira
ng kabuhayan.
_____________________________________________

3. Maraming ilog at sapa ang tila wala nang silbi dahil wala nang isda at iba pang
laman-tubig ang nabubuhay rito. Patuloy silang nauubos dahil sa dumi at
basurang itinatapon sa ating katubigan.
_____________________________________________
IKAAPAT NA MARKAHAN
Ikasiyam na Linggo

Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Naibibigay ang buod o lagom ng tekstong binasa
2. Napagsasama ang mga katinig at patinig upang makabuo ng salitang may
diptonggo

A. Piliin ang tamang letra ng sagot.


I. Isulat ang titik ng nagsasaad ng pangunahing diwa sa bawat bilang.
1. ________ Ayon sa mga dalubhasa, ang kompyuter ay isa sa mga dahilan kung bakit
mabilis lumabo ang mata ng mga kabataan ngayon. Ang mga kabataan ay dapat hindi
masyadong nakatutok sa kompyuter, tama na ang isa hanggang limang oras sa harapan
nito, dahil malaki ang naidudulot nito sa pagkasira ng ating mga mata, lalo na kung
masyadong nakalapit ang ating mga mata sa kompyuter. Hindi nakakapagtaka kung bakit
maraming mga kabataan ngayon ang malabo na ang mga mata.
A. Ang kompyuter ay hindi dapat lagi ginagamit.
B. Ang kompyuter ay isa sa dahil ng pagkalabo ng ating mga mata.
C. Dahilan ng paglabo ng mga mata.
2. __________ Ang mga tao ay dapat maging disiplinado sa pagtatapon ng basura sa
paligid. Dahil ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagbaha sa ating mga
ilog at estero. Kaya dapat ay panatilihin ang kalinisan at magkaroon ng maayos na
tapunan ng basura sa ating lugar.
A. Ang mga basura sa paligid.
B. Tamang pagtatapon ng basura.
C. Dahilan ng pagbaha sa ating mga lugar.
3. ____________ Ayon sa pag-aaral, ang labis na pagkain ng mga mamantikang pagkain
ay masama sa ating kalusugan dahil nagsasanhi ito ng pagtaas ng dugo natin, and ang
sobrang pagtaas ng dugo ay maaring maging sanhi ng ating pagkamatay. Kaya dapat
iwasan ang pagkain ng matatbang pagkain. Magkaroon lang ng limitasyon.
A. Sobrang pagkain ng matatabang pagkain.
B. Pagkaing mamantika.
C. Pagtaas ng ating dugo na maari nating ikamatay
Sipiin sa sagutang kuwaderno ang wastong sagot.
IKAAPAT NA MAHABANG PAGSUSULIT
FILIPINO III
Pangalan:______________________________________ Puntos:____________

Basahin ang usapan at sagutin ang mga katanungan.Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
Tamang Gawi sa Pagtatanong at Pakikipag-usap
Modesta R. Jaurigue

Tunghayan ang pakikipag-usap ng mga mag-aaral sa kanilang guro.


Cha at Che: Magandang umaga po, Gng. Jessica Lavarez. May sadya
po kami sa inyo.
Gng. Lavarez : Magandang umaga naman. Maupo kayo.
Theo :Ma’am,bago po lamang kami sa paaralang ito.Ibig po sana
naming malaman kung saan po ang daan papuntang silid-aklatan .
Sid : Ibig po naming manghiram ng mga aklat upang magbasa.
Gng. Lavarez : Ganoon ba? Magandang hakbang ang inyong
gagawin na
pagpunta sa silid- aklatan. Makatutulong ito sa inyong pag-aaral at
makapagpapaunlad sa pagbasa nang mabilis.Ang silid-aklatan ay
katapat ng silid ng ikatlong baitang.
Mga Mag-aaral : Maraming salamat po Ma’am.
1. Ano ang dahilan ng pagpunta ng mga mag-aaral kay Gng. Jessica Lavarez?
a. magtatanong kung saan ang papuntang silid-aklatan
b. manghihiram ng aklat
c. bibili ng pagkain
d. magbibigay ng proyekto
2. Sino ang nagsabi ng “Ibig po naming manghiram ng mga aklat upang
magbasa.”
a. Cha b. Che c. Theo d. Sid
3. Saan po ang papuntang silid-aklatan? Anong panghalip pananong ang ginamit
?
a. po b. papunta c. saan d. silid-aklatan
4. “Ibig po naming manghiram ng aklat.”Anong salitang kilos ang ginamit sa
pangungusap?
a. aklat b. ibig c. naming d.manghiram

Basahin ang talaa upang masagot ang mga tanong tungkol dito.
Mahalaga ang Pagkain nang Tama
Modesta R. Jaurigue
Ang pagkain ng gulay, karne, isda, itlog, prutas, kanin, tinapay at iba pa at ang
pag-inom ng gatas ay nagpapalakas ng katawan at nakapagpapatibay ng resistensiya
upang tuluyang makaiwas sa anomang karamdaman at tumutulong sa paglaki.
Upang maging masigla, malakas at puno ng enerhiya sa buong
maghapon,kinakailangang kumain ng tatlong beses sa isang araw: agahan,tanghalian
at hapunan.
Mahalaga ang pagkain nang tama sapagkat nagiging malusog ang katawan.
5. Anong pagkain ang nakapagpapatibay ng resistensya?
a. french fries b.gulay c. sitsirya d. popcorn
6. Ano ang dapat gawin upang lumusog ang katawan?
a. Kumain ng tamang pagkain. b. Kumain ng maling pagkain
c. Maglaro maghapon. d. Magbasa ng aralin.
7. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitanglumakas
?
a. lumabas b.lumayo c. malakas d. Malaya
8. Piliin ang pagkakasunod-sunod ayon sa pangyayari sa talata.
1. Upangmagingmasigla,malakas atpunongenerhiyasabuong maghapon.
2. Mahalaga ang pagkain nang tama sapagkat nagigingmalusog ang katawan.
3. Ang pagkain ng gulay, karne, isda, itlog, prutas, kanin, tinapay at iba pa at ang
pag-inom ng gatas ay nagpapalakas ng katawan at nakapagpapatibay ng
resistensiya upang tuluyang makaiwas sa anomang karamdaman at tumutulong
sa paglaki.
4. kinakailangang kumain ng tatlong beses sa isang araw:
agahan,tanghalian at hapunan
a. 4, 3, 2, 1 c. 2, 1, 3, 4 b. 1, 2, 3, 4 d. 3, 1,
4, 2
9. Ano ang kailangan natin upang maging malakas at puno ng enerhiya?
a. kumain b. maglaro c.magsayaw d. mamasyal

10. Sa inyong palagay ano ang maidudulot ng pagkain ng agahan?


a. Magiging alisto sa klase.
b. Hindi mahuhuli sa klase.
c. Magkakaroon ng bagong laruan.
d. Matatapos nang maaga ang mga gawain.

Si Tom
ModestaR.Jaurigue

Kring…….”Yehey! Labasan na “. Sigaw ng mgamag-aaral ng Ikatlong


Baitang. Lahat ay nagmamadaling nagligpit ng mga gamit .Nakita ni Tom na
itinapon ng mga kaklase ang mga papel sa basurahan.” Bakit itinapon ninyo
ang mga papel na wala pang sulat, sayang naman” ang sabi ni Tom. ”Bibili
na lang kami bukas at saka yukos na ang mga yan “ ang sagot ni Cloe.
Kinuha ni Tom ang mga papel na itinapon ng mga kaklase at inilagay sa
envelope. Nagtasa ng
kanyang lapis at inilagay salagayan ng mga lapis at ng makita na maayos na ang
kanyangmga gamit saka tumayo at inihanda ang sarili sa pag-uwi

11.Itinapon ang mga papel sa basurahan.Anong salitang kilos ang ginamit sa


pangungusap?
a.basurahan b. itinapon c. mga d. papel
12. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitang nagamit?
a.naayos b. nagalit c. natuwa d. nawala
13. Saan inilagay ni Tomang mgapapel na kinuha sa basurahan?
a.sa basurahan b. sa envelope c. sa ilalimng bangko d. sa bag
14. Ano ang ginawa ni Tomnang marinig ang tunog ng bell?
a.Inayos ang gamit c. tumakbo
b.Nakipag-usap sa kaklase d.
tumayo
15. Ano ang sinabi ni Tomsa kaklase nanagtapon ng papel sa basurahan?
a. Bakit ninyo itinapon angmga papel na wala pang sulat sayang
naman.
b. Bakit mali ang itinapon ninyo sa basurahan?
c. Bakit hindi ninyo itabi ang mga di- nagamit na papel.
d. Bakit kayo tumakbo agad?
16. Alin sa sumusunod ang HINDI dapat gawin sa pagtitipid ng sulatang papel?
a.Itabi ang sulatang papel na hindipa nagagamit o
nasusulatan. b.Itapon ang gusto na papel.
c.Maglagay ng karton sa ilalimng papel upang di bumakat ang kasunod
na susulatan.
d.Burahin ang namaling sulat sa papel at ipagpatuloy ang pagsusulat.

17. Saan nangyari ang kuwento ?


a.hardin b. klinika c. palaruan d. silid-aralan
18. Ang mga mag-aaral sa ikatlong baitang ay ng mga gamit.
Punan ng wastong pang- abay na may kilos upang mabuo ang
pangungusap a.Nagmamadaling nagligpit
b.Umalis ng
maingay c.Itinapon
ang papel d.Inayos
ng mabuti
19. Kring… Labasan na”, sigaw ng mgamag-aaral sa Ikatlong baitang.
Anong salita ang maaaring ipalit sa salitang labasan na ?
a.Pasukan na. b. Uwian na. c. Rises na. d. Maglalaro na.
20. ”Bibili na lang kaming papel bukas at saka gusotna ang mga iyan.”
Ano
angkahulugan ng salitang may salungguhit?
a.Ayos b. punit c. puti d. sira
21. “Bibili na lang kami bukas at saka yukosna ang mga iyan,” ang sagot ni
Cloe.
Inayos ni Tomang mga aklat at inilagay sa envelopeang sulatang papel na
di-nagamit.
Ano ang pagkakaibang gawi ni Cloe at ni Tomsa pagliligpit ng sulatang papel?

a.Si Tomay matipid samantalang si Cloeay hindi matipid sa sulatang papel.


b.Si Tomay hindi matipid samantalang siCloe ay matipid sa sulatang papel.
c.Si Cloe at si Tomay matipid sa sulatang papel.
d.Si Cloe at si Tomay parehong hindi matipid sa sulatang papel.
Si Puti
ModestaR.Jaurigu
e

Ako ay may alagangaso, puti angtawag ko sa kaniya.May apat


na anak. Kulot na kulot at puting-puti ang balahibo niya.Masarap
siyang kalaro.Tinuturuan ko siya ng ibat ibang tricks tulad ng pag-
upo,paglundag at pagkuha ng tsinelas.
Nakatutuwa ang aking alagang aso!

22. Ano ang alaga na nabanggit sa talata?


a.agila b. aso c. kambing d. pusa
23. Ilan ang anak niPuti ?
a. isa b. tatlo c. apat d. wala
24. “Ako ay may alagang aso, Puti ang tawag ko”.
Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay___.
a. Kulay asul b. kulay berde c.kulay bulak
d. kulayitim
25. Nakakatuwa ang aking alagang aso !
Anong bantas ang ginamit sa katapusan ng pangungusap ?
a. kuwit b. padamdam c. pananong d. tuldok
26. Tinuturuan ko siya ng ibat ibangtricks tulad ng pag-upo,paglundag at
pagkuha
ng tsinelas. Anong salitang hiramang ginamit sa pangungusap?
a. pag-upo b. tricks c. tinuruan d. tulad
27. Sumulat ng talata na kahalintulad ng paksa ng kuwentong “Si Puti.”
28. Alin sa sumusunod ang HINDI gamit ng sangguniang aklat?
a.Paghanapngmabibili.
b.Paghanap sa kahulugan ng
salita c.Paghanap sa araling
pinag-aralan d.Paghanap sa mga
takdang aralin.
29. Nais ni Rosheen malaman kung saan siya makakakuha ng iba pang
sanggunian maliban sa aklat na kaniyang ginagamit, sa iyong palagay saan
siya makakikita?
a.diksyunaryo b. indeks c. pabalat d. talaan ng nilalaman
Ang Batang si Maria
ModestaR.Jaurigue

Sina Maria ay naninirahan sa tabi ng ilog. Marami silang tanimsa


paligid ng kanilang bahay. Siya ay mabait, masunurin, masipag at
matulungin.Kapag araw ng Sabado, tumutulong siya sa gawaing bahay
at sumisimba naman tuwing araw ng Linggo kasama ang kaniyang
ama’t ina.
Isang araw, habang si Maria ay nagwawalis ng kanilang
bakuran, may lumapit namga batang naglalaro.
“Maria , nagugutomkami, maaari bang makahingi ng bunga ng
puno ng kaimito?”
Aba!Oo kumuha na kayo pero mag-ingat kayo baka kayo
ay mahulog,” ang sagot ni Maria .
Maraming bata at matanda ang humihingi kay Maria ng
prutas. Binibigyan niya ito at hindi pinagdadamutan kahit kailan.
“Talagang mapagbigay na bata si Maria,” wika ng mga tao.

30. Ibigay ang paksa ng kuwento .

You might also like