You are on page 1of 1

5.

Konsepto ng Pananaw sa Programang Panradyo


Radio Broadcasting - ay isang uri ng pagsasahimpapawid ng impormasyon o balita, lokal man o
internasyonal sa pamamagitan ng radiowaves.

Dulaang Panradyo - isang klase ng pagtatanghal na ginagamit lamang ang boses at iba't ibang tunog
katulad ng yabag ng mga tauhan, kalansing o tunog ng mga kagamitang kanilang hinahawakan, at iba pa.
Ginigising nito ang ating panlasa, pang-amoy at pandama sapagkat nahuhubog nito ang malikhaing
kamalayan sa ating naririnig.

Dokumentaryong Panradyo - isang programang naglalahad ng katotohanan at impormasyon, maaaring


isyu tungkol sa lipunan, politikal o historikal. Maaaring gawin ang paglalahad sa din pamamagitan
panradyo ng dulaang

Iskrip - mahalaga ang iskrip sa pagsasahimpapawid ng mga naririnig natin sa radyo. Ito ang dahilan kung
bakit organisado ang pagpapahayag ng balita.

Ang BIZ, SOM, SFX, CHORD at Standard Chord ay ay mga salitang ginagamit sa pagbuo ng isang iskrip
para sa pagsasahimpapawid sa radyo (radio broadcasting)?

BIZ - Ang BIZ ay ang pambungad na tunog sa pagkakakilanlan ng programa.

SOM - Ang SOM ay ang maikling musika na nag- uugnay sa putol-putol na bahagi ng iskrip sa radyo.

SFX - Ang SFX ay tumutukoy sa sound effects na inilalapat sa radyo.

CHORD - Ang Chord ay nangangahulugang musika na maririnig mula sa malayo o background.

Ekspresyon sa Pagpapahayag ng konsepto ng Pananaw

A.Mga ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw na ginagamit ang ideya o pananaw sa


isang pag- aaral o kaya ay ipinahahayag ang sanggunian kung kinuha o hinango impormasyong ito: kung
saan ang Ayon kay/sa, Sang-ayon kay/sa, Batay sa, Alinsunod kay/sa,para kay/sa at iba pa.

B.Mga Ekspresyong nagpapahayag ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw: Sa isang banda, Sa
kabilang dako, Samantala

You might also like