You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Zambales
Botolan District
LOOB BUNGA HIGH SCHOOL

Konsepto ng Pananaw
sa Programang Panradyo
Radio Broadcasting
Isang uri ng pagsasahimpapawid ng
impormasyon o balita, lokal man o
internasyonal sa pamamagitan ng radio
waves.
Dulaang panradyo
Isang klase ng pagtatanghal na ginagamit lamang
ang boses at iba’t ibang tunog katulad ng yabag ng
mga tauhan, kalansing o tunog ng mga kagamitang
kanilang hinahawakan, at iba pa. Ginigising nito ang
ating panlasa, pang-amoy at pandama sapagkat
nahuhubog nito ang malikhaing kamalayan sa ating
naririnig.
Dokumentaryong panradyo
Isang programang naglalahad ng katotohanan at
impormasyon, maaaring isyu tungkol sa lipunan,
politikal o historikal. Maaaring gawin din ang
paglalahad sa pamamagitan ng dulaang panradyo.
Iskrip
Mahalaga ang iskrip sa pagsasahimpapawid
ng mga naririnig natin sa radyo. Ito ang dahilan
kung bakit organisado ang pagpapahayag ng
balita.
Mga salitang ginagamit sa pagbuo ng isang iskrip para sa
pagsasahimpapawid sa radyo (radio broadcasting)

SFX - tumutukoy sa sound effects na inilalapat sa radyo.


BIZ - ay ang pambungad na tunog sa pagkakakilanlan ng programa.
SOM -ay ang maikling musika na nag-uugnay sa putol-putol na
bahagi ng iskrip sa radyo.
Chord - ay nangangahulugang musika na maririnig mula sa malayo
o background.
Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng
Konsepto ng Pananaw
A. Mga ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananaw na ginagamit ang ideya o pananaw sa isang pag-
aaral o kaya ay ipinahahayag ang sanggunian kung saan
kinuha o hinango ang impormasyong ito:

Ayon kay/sa, Sang-ayon kay/sa, Batay sa, Alinsunod kay/sa,


para kay/sa at iba pa.
Halimbawa:

Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas,


ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa
sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at
sistema ng edukasyon.
B. Mga ekspresyong nagpapahayag ng pagbabago o
pag-iiba ng paksa at/o pananaw:

Sa isang banda, Sa kabilang dako, Samantala


Halimbawa:

Sa isang banda, mabuti na rin sigurong nangyari


iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.

You might also like