Professional Documents
Culture Documents
Descriptive Linguistics
SAGOT:
SAGOT:
Ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura ay ang wika dahil dito ang kultura ay
madaling naiintindihan maging sa mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura.
SAGOT:
Walang wika ang superyor kaysa sa ibang wika, ang lahat ng wika ay pantay-pantay
sapagkat ang bawat wika ay may sariling kakanyahan, kalakasan at kahinaan.
Halimbawa, mas mabisa sa mga Pilipino ang wikang Filipino kumpara sa inglis dahil ang
wikang Filipino ay ang wikang ating nakasanayang gamitin at higit sa lahat ito ay bahagi
ng ating kulturang kinabibilangan samantalang mas mainam naman sa mga Amerikano
ang wikang inglis sapagkat ito ang wikang ginagamit sa kanilang bansa.
SAGOT:
SAGOT:
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Mclain, Buenavista, Guimaras
(1) Ang una ay ang pagtatag sa Pilipinas ng Summer Institute of Linguistics‘ noong 1953.
Mula noon ay marami nang mga linggwistang misyonero na kasapi sa nasabing
organisasyon ang nagtungo rito sa Pilipinas at nagsagawa ng mga pagsusuri sa mga
iba‘t- ibang wika at wikain sa kapuluan. Ginamit ng mga linggwistang ito ang kanilang
natutuhan sa mahigit na maunlad na paaralan ng linggwistika sa Estados Unidos.
(3) Ikaltlo, ang gradwal na pagdami ng mga linggwistang Pilipino, lalo na pagkaraan ng
1960. Masasabi hanggang noong matapos ang 1950 ay iisa ang Pilipinong maituturing
na linggwista sa tunay na kahulugan nito. Ngunit pagkaraan ng ilang taon dahil sa
patuloy na nagiging impluwensya ng Amerika sa Pilipinas ay naragdagan na nang
naragdagan ang mga linggwista sa kapuluan.
Sagot:
Para sa akin, masasabi nating ang isang tao ay nagsasalita kapag ang mga tunog na
kanyang nalilikha mula sa kanyang bibig ay may kahulugan at makabuluhan. Ang isang
tao ay nagsasalita sa pagbibigay ng impormasyon at pakikipag-usap-interpersonal or
intrapersonal man ito.
2. Anong tatlong salik ang kailangan upang makapagsalita ang isang tao?
Sagot:
Batay sa maka-agham na pag-aaral ng tunog, may tatlong salik ang kailangan upang
makapagsalita ang isang tao.
Paksa 4: Ponolohiya
SAGOT:
Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan nito sa sandaling alisin o
palitan ito. Halimbawa’y mag-iiba ang kahulugan ng salitang baso kapag inalis ang /s/ at
ito’y nagiging bao. Kapag pinalitan naman ang /s/ ng /l/, ito’y nagiging balo .
Samakatwid, ang /s/ ay makabuluhang tunog sa Filipino at tinatawag itong ponemang
segmental o ponema.
Ayon kay Gleason, ang ponema ay isang grupo ng magkakahawig na tunog na magkakatulad
sapunto at paraan ng artikulasyon, at may kanya-kanyang Sistema ng distribusyon sa wikang
pinag-uusapan.
Ating gamiting halimbawa ang ponemang /t/ sa Ingles. Ang /t/ ng Ingles ay may apat
na alopono -[t], [tʰ]. [t-], at [t’]. Ang mga aloponong ito ay isang grupo o pangkat ng
mga magkakahawig na tunog. (Hindi natin magagamit ang pang-uring ‘magkakatulad’
sa pagkakataong ito sapagkat ang mga aloponongnabanggit, sa teknikal na kahulugan,
ay may bahagyang pagkakaiba sa isa’t isa. Mapapansin na waring hindi angkop sa
PiIipino ang kahulugang ito lalo na sa mga ponemang katinig sapagkat hindi
nagkakaroon ngaspirasyon o anumang pagbabago ang alinmang ponemang katinig
saanmang pusisyon matagpuan. Gamitin nating halimbawa angponemang /t/ na ginamit
natin sa Ingles:
Pusisyong Inisyal:
Pusisyong Midyal:
Pinangungunahan ng /s/:
Pusisyong Pinal:
Pansinin na walang nagiging pagbabago ang pagbigkas sa ponemang /t/ sa halimbawang apat
na pusisyon na di tulad ng /t/ ng Ingles.Kung sabagay, hindi lamang marahil napapansin ang
nagaganap na pagbabago sa isang ponema sa Pilipino dahil nga sa impluwensyang kaligiran o
katabing (mga) tunog. Ang ponemang /k/ diumano ay nagkakaroon ng ‘fronting‘ kapag
nakapagitan sa mataas-harap na /i/, tulad sa salitang "pikit" [pi< kit]. Samantala, nagkakaroon
naman daw ng ‘backing' ang /k/ kapag ito’y nakapagitan sa mataas-likodna /u/, tulad sa
salitang “buko”-[buk>u] ‘node’. Mapapatunayan lamang ito marahil kapag ginamitan ng
spectogram. Nguni't ito’y hindi na natin pag-uukulan ng interes sapagkat ito'y wala namang
kahalagahang pedagodyikal.
TANDAAN!
Ang tinalakay sa itaas na katuturan ng ponema, ayon kay Gleason, ay mapapansing angkop na
angkop sa wikang Ingles. Para sa atingpangangailangan makabubuti pang sabihin na lamang
natin na ang ponema ay ang pinakamaliit na makahulugang tunog ng isangwika. Halimbawa, sa
salitang basâ /basa?/ ay sinasabi nating lima ang ponema-/b, a, s, a, ?/ sapagkat bawat isa ay
makahulugan oponemiko; na hindi maaaring palitan o alisin ang alinman sa mga ito sapagkat
maiiba o mawawala ang kahulugang wet.