You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras

Paaralang Gradwado
PANGGITNANG PAGSUSULIT
FIL. 304- Current Trends in Teaching Filipino
( Makabagong Pamamaraan at Simulain sa Pagtuturo ng Filipino)
A.Y. 2021-2022

FORTUNE MYRRH D. BARON ADORA B. GABAYOYO


Mag-aaral Guro sa Filipino

Sagutin ng pakomprehensibo ang mga sumusunod.

1. Talakayin ang mga katangian ng isang epektibong guro. (10pts.)


Ang pagiging guro ay hindi lamang nasusukat sa apat na sulok ng silid-aralan. Ito ay isang
malaking responsibilidad na sinumpaan noong nakapasa tayo sa exam upang maging ganap
na guro. Sabi nila ang pagiging guro ay noblest na propesyon at napapatunayan naman ito
ng ilan. Kaya napakalaking hamon ito bilang isang baguhang guro nakagaya ko kun paano
ba ang maging epetibong guro.

Una, Walang iyinatangi. Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang guro'y may
paborito sa klase o angkanyang di pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang mga mag-
aaral. Sa loob ng klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging pantay
ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.

Pangalawa, may positibong ugali. NAsisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y
nabibigyan ng papuri at pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala
sa sarili at direksyon. Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-
aaral.

Pangatlo, May kahandaan. Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw ng


nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling makilala ng
mga mag-aaral ang gurong organisado at handa nang magturo.

Pang-apat, May haplos-personal. Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong


may ugnayan sa kanila, yaong tumatawag sa kanilang pangalan, palangiti, nagtatanong
tungkol sa kanilang nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at tinatanggap
ang tunay nilang pagkatao. Ang pagkukwento ng guro ng mga kwentong may kinalaman sa
aralin ay higit na nagugustuhan ng mga mag-aaral.
Panglima, Masayahin. Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase.
Ang dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang
mga mag-aaral ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.

Pang-animi, Malikhain. Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain


sa mga gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang
aralin, pati na ang pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro.

Pito, Marunong tumanggap ng kamalian. Nababatid ng mga mag-aaral kung


nagkakamali ang kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga ng
pagkakamaling ito. Nagiging modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang kanyang
pagkakamali at buong pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling
kanyang nagawa.
2. Talakayin ang mga panukatan sa pagpili ng estratihiyang gagamitin sa pagtuturo ng
Filipino.
(10pts.)
Isang mabigat na hamon subalit kaya nating malagpasan at mapagtagumpayan.
Huwag tayong tumigil sa paghahanap at pagtuklas ng mga bagong pamamaraan na
magagamit natin sa pagtuturo sa kasalukuyang panahon. Walang pandemyang
makahahadlang sa pagkatuto, ibigay lamang natin ang lahat ng ating makakaya
at patuloy na isakatuparan ang ating sinumpaang misyon bilang isang guro.
Anuman ang sitwasyon ay tuloy pa rin ang edukasyon.

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.


- Lagi nating isaalang-alang ang kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral sa pagpili
ng estratehiya upang sa gayon ay magiging produktibo ang talakayan. Madaling
matuto ang mga mag-aaral basta ang estratehiya ay nakapikaw ng kanilang eteres.
Halimbawa kung ang mga bata ay medyo aktibo sa mga pelikulang likha ng mga
Koryeano, maari mong i-integrate ito sa pagtalakay ng akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng paghahambing at pagtutulad.
2. Bunga ng pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
- Nagiging epektibo ang isang estratehiya kung magtutulungan ang guro at mag-aaral.
Dapat ang isang gawain ay kayang gawin ng guro at mag-aaral para maging positibo
ang kalalabasan ng pagkatuto.
3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
-Magiging epektibo ang isang estratehiya kung sinasaalang -alang nito ang
pagkakaiba-iba ng mag-aaral-lahi, relihiyon at kasarian dahil siguradong
makakalahok ang lahat kung ang isang gawain ay walang kinikilingan.
4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
-Mas magiging madulas ang pagkatuto kung ang gawain ay nauugnay sa nakaraang
karanasan ng mag-aaral dahil magiging magaan sa kanila ang pagtanggap ng
gawain at kaalaman.
5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.
-Ang mapanghamon na estratehiya ay kinakailangan sapagkat ito ang pupukaw sa
interes ng mag-aaral at guro at magbibigay sa kanila ng gana na lumabas sa
kanilang nakasanayan.
6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
-Ang isang sisitematikong estratehiya ay mainam na dapat isaalang-alang upang
madaling tandaan at madaling maunawaan ang gawain at impormasyon.
7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
- Ang nakakaagaw pansin na presentasyon ay kailangan sapagkat ito pupukaw sa
kawilihan at interes ng mga mag-aaral na makilahiok sa talakayan.
8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
-Lagi nating tatandaan na Malaki ang gagampanan ng guro sa ikakatagumpay ng
isang gawain o estratehiya. Ang kahandaan ng guro ang siya sandigan ng mga mag-
aaral sa pagtupad ng layunin nang isasagawang gawain.
9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
-Ang isang estratehiya ay siyang tumutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo
dahil ang mga gawain ang siyang nagiging gawain upang sundin ang nais matamo
ng layunin natin.
10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.
-Ang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino ay nararapat na nakaugnay sa mga batas o
simulain upang maging epektibo at maging mabisa ang kalalabasan ng gawain dahil
alam naman natin na ang mga simulain sa pagkatutuo ay maingat na pinag-aralan at
masasabing subok na.

3. Magbigay ng mga gawaing pangklasrum kung saan iniaangkop ang mga simulain sa
pagtuturo sa iba’t ibang uri ng mga mag-aaral. (15pts.)

Ang pagkakaroon ng differentiated instruction o DI ay gawain kung saan may iisang


layunin subalit iba-iba ang panuto o mekaniks sa gawain . Ang gawaing ito ay ginagawa
upang matugunan ang pagkaiba-iba ng mga mag-aaral. Halimbawa ang iyong layunin ay
makabuo ang mga mag-aaral ng isang pahayag na gumagamit ng pang-uri. Hahatiin ang
klase sa tatlo bilang mga pangkat-ang unang pangkat ay gagawa ng jingle o kanta, ang
ikalawa naman ay gagawa ng tula at ikatlo naman ay gagawa ng slogan o
kasabihan.Pagkatapos ay bibigyan ng puntos batay sa pamantayang iyong ibinigay bago
magsimula ang gawain.

Ang dula-dulaan ay isa ring magandang gawain upang matugunan ang iba’t-ibang
kasanayan at talento ng mag-aaral sa loob ng klase. May mga bata na mahusay
magsulat, kaya sa isang dula-dulaan maari sila ang maatasan sa pagsusulat ng skrip.
May mag-aaral naman na mahilig kumanta, sumayaw at umarte kaya maari itong
pagsama-samahin at makakalikha ng isang musical drama. Ang mga bata naman na
magaling sa pagsasalita ay maaring maging tagapagsalaysay.

Bilang mga tagapagtaguyod ng pantay na kalidad ng edukasyon lagi nating isaalang-


alang ang mga gawaing hihimok at makakatugon sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral
sa loob ng klase upang sagayon ay lahat ng ating mag-aaral ay matuto ng sabay-sabay.
4. Ilarawan ang implikasyong metodohikal ng walong simulain sa pagkatuto ng wika.
(15pts.)

1. Simulaing nakapukos sa mag-aaral

Sa simulaiing ito isaalang-alang nang lubos ang mgamag-aaral sa pagtiyak ng nilalaman


at pagpoproseso ng pagkatuto. Layuning pukawin ang imahinasyon at pagiging
malikhain ng mga mag-aaral.. Lumikha ng isang kapaligirang lilinang sa mga mag-aaral
ng pagtitiwala sa sarili upang mahimok sila na makipagsapalaransa paggamit ng wika.
Gumamit ng ibat-libang istratehiya sa pagkatuto upang maisaalang-alang ang
pagkakaiba-iba ng mag-aaral.

Ang bawat klase sa wika ay binubuo ng mag-aaral na taglay ang kanilang iba’t-ibang
katangian: kognitib,pandamdamin, at kagulangang sosyal, kaalaman sa wika;
motibasyon, kakayahan sa pagkatuto ng wika, istilo sapagkatuto, mga mithiin at mga
pangangailangang subhetibo. Sa simulaing ito, itinuturing ang bawat mag-aaral na
maytaglay na sariling pangangailangan at interes.

2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral

Sa simulating ito nais Pahalagahan at itaguyod ang isang tunay na komunikasyon.


Himukin at itaguyod ang aktibong pakikisangkot ng lahat ng mga mag-aaral sa
pagsisiyasat, pagbabalik-isip at pagtuklas.Itaguyod ang isang klaseng may kalidad na
interaksyon sapagitan ng mga mag-aaral ng guro, ng mga kagamitan at kapaligiran sa
pagtuturo.

Isinasaad sa simulaing ito na dapat bigyan ang bawat mag-aaral ng maraming


pagkakataon upang makilahok sa iba’t-ibang uri ng gawaing komunikatibo.

3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika

Ang simulating ito ay layuning lumikha ng isang kalagayan sa silid-aralan na kung saan
magagamit ng mag-aaral ang target na wika at maisaalang-alang ang kultura ng mga
taong gumagamit nito.Bumuo ng mga gawain sa pagkatuto na angkop sa kakayahan ng
mga mag-aaral. Maglaan ng iba’t-ibang istimulong pangwika mula sa maraming
mapaghanguang kalagayang pangwika.

Binibigyang halaga ng simulaing ito na kailangang bigyan ng guro ang mga mag-aaral
ng mga input na komunikatibona abot ng kanilang pang-unawa at makabuluhan para sa
sarili nilang pangangaailangan at interes. Magagawalamang ito ng isang guro kung
lilikha siya ng isang sitwasyon kung saan mararamdaman ng mag-aaral na
nagagamitniya ang target na wika ng natural at hindi pilit.

4. Simulaing nakapokus sa Ilang- Anyong Wika

Ang simulating ito ay gumagamit ng pagsasanay sa paglinang ng talasalitaan,


kayarian,kasanayan at istratehiya upang suportahan at mahimok ang mga mag-aaral na
gamitin ang target na wika.Himukin ang sama-samang pag-aaral upang makatuklas ng
bagonghulwaran at kumbensyon ng wika.

Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob


ng maikling panahon,kailangang ng guro ang mga mag-aaral sa ilang anyo at gamit ng
wika, mga kasanayan at stratehiya na makatutulongupang magamit ang wika sa isang
kalagayan na limitado ang panahon.

5. Simulaing Sosyo-Kultural

Sa simulaiing ito maglaan ng mga pagkakataong magagamit ang target na wika sa


angkop na kontekstong sosyo-kultural at maglaan din ng mga impormasyong sosyo-
kultural na mahalaga sa mga mag-aaral..

Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura ng mga taong gumagamit nito. Mahalagang
magkaroon ng mga kaalamang Kultural upang maunawaan at mabigyang-kahulugan ang
sinasabi ng kausap. Tungkuling ng guro na ipadama samag-aaral na kailangan ang
pagpapahalaga sa mga karanasang pang-kultura na dala nila sa pag-aaral ng wika at
mapag-yaman ito sa kultura ng mga taong gumagamit ng target na wika.

6. Simulain ng Kamalayan

Sa simulaing kailangan ipaliwanag nang malinaw sa mga mag-aaral ang mga katangian
at pag-uugnayanng wika at kultura. Maglaan ng maraming karanasan kaugnay ng iba’t-
ibang kultura at ganyakin ang mga mag-aaral na gumawa ng isang pinatnubayang
repleksyon upang maging sensitibo sila sa sariling kultura at kulturang ibang tao.

Ang pag-aaral ng wika ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na lubos na


maunawaan ang ugnayan ng wika at kultura. Kailangan ng isang mag-aaral ng wika ang
pagiging sensitibo sa wika at kultura ng ibang tao. Ang pagsasaalang-alang sa kultura ay
nagiging daan upang madama ang lakas ng wika upang mapaglapit ang diwa atisipan ng
iba’t-ibang taong gumagamit ng target na wika.

7. Simulaing Pagtataya

Ang simulating ito Itinataguyod ang anumang pagkatuto sa pamamagitan ng pidbaks.


Himukin ang mga mag-aaral na kabahagi sa proseso ng pagtataya. Ang kamalayan
hinggil sa sariling pag-unlad ng wika ay maaaring maging pampasigla para sa ibayo
pang pagkatuto.Kaya’t mahalaga na palagiang may pidbak ang mag-aaral hinggil sa
kanilang pagsulong sa pagkatuto at kailangan itong maging realistiko.

8. Simulain ng Pananagutan

Ang simulating it o ay nais linawin ang mga tunguhin at layuninng pagkatuto ng wika at
kung paano matatamo ang mga ito. Itaguyod ang paglinang ng pagpoproseso ng mga
kasanayang kognitibo,kung paano ang pag-aaral para matuto at mga kasanayan pa sa
interaksyong-sosyal.

Mahalaga sa anumang larangan ng pag-aaral ang pagkakaroon ng sariling pananagutan


anuman ang maging bunganito at malinang ang pagkatuto sa sariling sikap

5. Pumili ng isa sa mga pamamaraan at dulog sa pagtuturo ng wika at bumuo ng isang


banghay-aralin (35pts)

Ang napili kong pamaraan at dulog sa pagtuturo ng wika ay pamaraang pabuod o


inductive method. Makikita sa aking banghay aralin sa ibaba na nagbigay agad ako ng
mga sitwasyon na naka-angkla sang aking layunin at ito nga ay ang pagpapakita ng
suliraning madalas na kinakaharap ng mga mag-aaral bago dumating ang pandemya at
sa panahon ng pandemya.

6. Sa walong simualin sa pagkatuto ng wika, alin sa iyong palagay ang umaayon sa Series
Method, Direct Methods at Audio Lingual Methods? Talakayin. (15pts.)

SERIES METHOD
Ang mga umaayon na mga simulain sa pamaraang ito ay ang sumusunod:
1. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika naayon ito sa Series Method
sapagkat ang target na wika ay tinuturo ng tuwiran at walang pagsasalin na
kasangkot.
2. Simulaing Nakapukos sa mga mag-aaral. Ang simulaing ito ay makikita sa
Series Method sapagkat may layunin itong isaalang-alang ng lubos ang mag-aaral
sa pagtiyak ng nilalaman at pagkatuto ng wika. Matuto ang mag-aaral ng sa
paraang simple at hindi kumplekado.

DIRECT METHOD
Ang mga umaayon na mga simulain sa pamaraang ito ay ang sumusunod:

1. Simulaing Nakapukos sa mga mag-aaral dahil ito ay umaayon sa layunin


ng pamaraang Direct na isaalang-alang ang ang mga mag-aaral sa pagtiyak ng
nilalaman at mga proseso sa pagkatuto. Ang Pamaraang Direct ay nakasetro sa
mga mag-aaral sa paglinang at pagkatuto dahil itunuturo rito ang mga pang-
araw-araw na bokabularyo.
2. Simulaing Nagsasangkot sa Mag-aaral ang simulaing ito ay umaayon din sa
Pamaraang Direct sapagkat tinataguyod dito ang awtintekong komunikasyon.
Binibigyan diin ang kasanayang pasalita at pakikinig kaya talagang mayroong
interaksyon sa mga bata at guro sa loob ng talakayan.
3. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika dahil sa Direct Method ang

ginagamit lamang sa talakayan ay ang target na wika lamang. Lumikha tayo ng


isang kalagayan sa klasrum na kung saan magagamit ng mag-aaral ang target
na wika at maisaalang-alang ang kultura ng mga taong gumagamit nito.
4. Simulain ng Pagtataya. Sa Pamaraang Direct itinuturo ang wika sa
pamamagitan pagmomodelo, pagsasanay at pagtataya.

AUDIO LINGUAL METHOD

Ang mga umaayon na mga simulain sa pamaraang ito ay ang sumusunod:

1. Simulaing Nakatuon sa Target na Wika. Ang simulaing ito ay umaayon sa


ALM Method ay dahil hinimok nito ang mga mag-aaral na gamitin ang target na
wika at hindi hinahayaan na gamitin sa klase ang katutubong wika.
2. Simulain ng Pagtataya. Ang simulaing ito ay umaayon din sa pamaraang ALM
sapagkat ang mga tamanag sagot o tugon ay agad pinagtitibay sa madaling sabi
may pidbaking nga nagaganap habang natuto ng wika.

You might also like