You are on page 1of 19

1

ANG SULIRANIN AT ANG BATAYAN NITO

Panimula

Guro ang susi sa lahat ng suliranin ukol sa mabisang pagtuturo. Kung baga sa

isang manggagamot, nararapat pulsuhan ng guro ang kanyang mga mag-aaral, damhin at

pakinggan ang tibok ng kanilang puso, pag-aralan ang sanhi ng kanilang karamdaman

bago lapatan ng kaukulang lunas. Ayon kay Papham (1980) na binanggit ni Lim (2013)

sa kaniyang librong “Pag-unawa sa Suliranin ng mga Di-Medyor na Guro sa Pagtuturo

ngAsignaturang Filipino”, malaki ang tungkuling ginagampanan ng guro sa

pagpapaunlad ng mga kakayahang taglay ng mga mag-aaral. Ang kanyang impluwensiya

sa lipunan at sa paghubog ng mga kakayahan ng mga mag-aaral ay hindi matatawaran

kailanman. Bilang magulang, siya ang nagsisilbing uhay sa pagpapalago at

pagpapayabong ng anumang kakayahan mayroon ang mga mag-aaral.

Sa napakalaking pananagutang ito, nararapat lamang na taglay ng guro ang mga

katangiang tunay na papatnubay sa kanyang mga tinuturuan upang magabayan ang mga

ito nang lalong malinang ang kakayahan at abilidad hindi lamang sa silid-aralan kundi

higit sa lahat, maging huwaran, epektibo at maging malaya sa pakikilahok sa kanyang

lipunang patuloy na nagbabago (Silberman, 2007)

Malaki ang epekto ng gawi sa pagtuturo ng guro sa kabuuang proseso ng

pagtuturo at pagkatuto. Ang gawi ay tumutukoy sa mga bagay na nakasanayan na ng

isang tao o grupo ng mga tao na ginagawa sa pang araw-araw. Ang Kabisaan ay

kakayahan o kapangyarihan upang mangumbinsi; pagiging epektibo o mabisa sa isang

larangan. Ang gawi at Kabisaan sa pagtuturo ay dalawang bagay na pinagtutuunan ng


2

guro upang mataya ang kaniyang kapasidad bilang isang propesyunal. Ito ang magiging

replekisyon ng guro sa kaniyang pagpapakadalubhasa sa napiling larangan.

Pangunahin sa mga tungkulin ng guro ang pagtuturo. Ang mahabang oras sa

panahon ng guro ay ginugugol sa harap ng klase sa loob ng silid-aralan upang magbigay

ng impormasyon, gumigising ng kawilihan ng mga mag-aaral sa paksang tinatalakay,

magpaliwanag, makipagtalakayan, magtanong at tumugon sa mga katanungan ng mga

mag-aaral.

Sa pagtupad ng layunin na ito hindi lamang ng guro kung hindi pati ang ating

pamahalaan ay magkaagapay upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon.

Ang K to 12 Kurikulum (2012) ay ipinanukala upang matugununan ang pangangailangan

ng mga mag-aaral at makasabay sila sa pandaigdigang kompetisyon. Ang edukasyon ay

isa sa mga pinakamahalagang kailangan ng mga mag-aaral, di lamang sila ngunit tayong

lahat. Ang mga guro ay isa sa mga dahilan kung bakit ang mga mag-aaral ay nagsisipag

at puspusang nag-aaral di lamang sa dahilang sila ay nabibigyan ng mataas na marka

kundi nagbibigay ng pag-asa na ang edukasyon ang susi ng pagtatagumpay.

Maraming mga guro ang nagiging dahilan kaya nakakamit ng mga mag-aaral ang

kanilang minimithing tagumpay dahil sa mga naggagandahang uri ng estratehiyang

ginagamit sa pagtuturo at kaakibat nito ang mga kagamitang panturo na kanilang

ginagamit para mabuo ang gusto nilang makamit sa pagkatuto. Ang kagamitang panturo

ay isa sa pinakamahalagang instrumento sa pagtuturo sapagkat ito ay isa sa mga

kailangan upang mas lalong matuto ang mag-aaral, at upang malaman nila kung ano

talaga ang kanilang dapat pag-aralan. Hindi maaring pulos lamang mga kathang isip ang

mailalagay sa kanilang mga murang kaisipan, kailangan din nilang makita at


3

maobserbahan ang mga bagay na kanilang pinag-aaralan upang mapunan ang mga tanong

na sumasagi sa kanilang mga kaisipan.

Ayon sa pag-aaral ni Adan (2010), sinasabi na ang guro ay may napakahalagang

papel sa paghubog ng ating kabataan at paglinang sa kanilang kakayahan. Hinihikayat

nila ang mga mag-aaral na abutin ang kanilang mga pangarap, magkaroon ng sariling

disiplina sa kanilang sarili at sa anumang gawain, magkaroon ng malikhain at malalim o

mataas na lebel ng pag-iisip at nagbibigay halaga sa edukasyon.

Dagdag din na ayon kay Handers sa aklat ni Bernales (2008), na higit ng

dumarami ang matatalinong mag-aaral kung ang guro ay matimpi, mapagbiro,

palatanong, at gumagamit ng galaw ng katawan at ekspresyon ng mukha kaysa gurong

awtoritaryan, palautos, hindi awtoridad para igalang at sundin.

Ang pagbabagong ito ay nakatuon din sa pagbabago sa paraan ng pagtuturo ng

mga guro sa iba’t ibang asignatura. Ang tradisyunal na paraan ay pinalitan ng mga

makabagong estratehiya na mas gaganyak sa interes ng mga mag-aaral sa kanilang pag-

aaral.

Sa katunayan marami ang mga pag-aaral tungkol sa kung ano ang mabisang

estratehiya ang dapat na gamitin sa pagtuturo. Ayon nga kay McKeachi (2013) sa

kanyang aklat na “Teaching Tips”, ang angkop na kasagutan sa tanong na “What is the

most effective method of teaching?” ay nakadepende sa layunin, sa mag-aaral, sa guro at

sa paksang aralin. Batay sa mga pag-aaral na isinagawa na nagkakaroon ng mga

pagsasanay ang mga guro upang malaman kung alin sa mga estratehiyang ito ang

pinakamabisa sa lahat. Subalit kahit ano pa man ang estratehiya ang gamitin mahalaga pa

rin na malaman na ito ay dapat akma sa istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral. At


4

mahalaga rin na marunong ang mga guro na maisakatuparan ang kanyang layunin sa

paraang hindi maisasantabi ang kakayahan, interes at lebel ng kahandaan ng mag-aaral.

Sa larangan ng edukasyon, kung ano ang pagkakaiba-iba ng “fingerprints” ganun

din ang pagkakaiba-iba ng istilo ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Ayon kay VanSciver

(2005) ang mga guro ay nahaharap sa malaking hamon pagdating sa piniling propesyon.

Sila ay nakikisalamuha sa mga mag-aaral na may iba’t ibang abilidad sa loob lamang ng

iisang silid-aralan. Ang mga mag-aaral na ito ay tinatawag na diversed learners na may

iba’t ibang interes at pangangailangan pang- akademiko . Kung kaya dapat malaman ng

mga guro ang tama at mabisang paraan upang matiyak na matututo ang bawat isa sa

kanila.

Masasabing ang pagtuturo ng isang guro ay epektibo sa estudyante kung ang guro

at mga estudyante ay parehong masaya at maluwag ang kalooban habang nagtuturo.

Makikita rin na epektibo ang pamamaraan ng mga guro sa pagtuturo kung ang mga

estudyante ay mas lalong naging masigasig sa pag-aaral at kapag madaling makuha ng

mga estudyante ang mga paksa sa klase.

Paglalahad ng Suliranin
5

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong tiyakin ang mga gawi at kabisaan ng

pagtuturo ng mga guro sa Filipino. Ang pag-aaral na ito ay hangad na sagutin ang mga

sumusunod:

1. Ano ang profile ng mga respondent na

1.1 Mag-aaral batay sa:

1.1.2 Kasarian;

1.1.2 Baitang

1.1.3 Edukasyon ng magulang;

1.1.4 Paaralang pinapasukan;

Ano ang performans ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino?

1.2 Guro batay sa:

1.2.1. edad

1.2.2 kasarian

1.2.3 kalagayang sibil

1.2.4 kursong tinapos

1.2.5. medyor

1.2.6 pinakamataas na natapos

2. Ano ang gawi sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino batay sa pananaw ng mga

sumusunod:

2.1 Mag-aaral sa Filipino;

2.2 Guro sa Filipino

3 Ano ang pananaw ng mga respondent sa antas ng kabisaan ng pagtuturo ng mga guro

sa Filipino batay sa sumusunod:


6

3.1 Commitment

3.2 Kaalaman sa paksang aralin

3.3 Pagtuturo para sa independent na pagkatuto

3.4 Pangangasiwa ng pagkatuto

3.5 Paraan ng pagtataya ng pagkatuto

4 Ano ang ugnayan ng profile ng guro at mag-aaral sa sumusunod:

4.1 Gawi sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino;

4.2 Kabisaan ng pagtuturo ng mga guro sa Filipino?

5 Ano ang ugnayan ng gawi at kabisaan sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino?

Layunin ng Pag-aaral

1. Tiyakin ang profile ng mga respondent batay sa sumusunod:

1.1 Mag-aaral batay sa:

1.1.1 Kasarian;

1.1.2 Baitang

1.1.3 Edukasyon ng magulang;

1.1.4 Paaralang pinapasukan;

Ano ang performans ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino?

1.2 Guro batay sa:

1.2.1. edad

1.2.2 kasarian

1.2.3 kalagayang sibil

1.2.4 kursong tinapos


7

1.2.5. medyor

1.2.6 pinakamataas na natapos

2. Tiyakin ang gawi sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino batay sa pananaw ng mga

sumusunod:

2.1 Mag-aaral sa Filipino;

2.2 Guro sa Filipino

3 Tukuyin ang pananaw ng mga respondent sa antas ng kabisaan ng pagtuturo ng mga

guro sa Filipino batay sa sumusunod:

3.1 Commitment

3.2 Kaalaman sa paksang aralin

3.3 Pagtuturo para sa independent na pagkatuto

3.4 Pangangasiwa ng pagkatuto

3.5 Paraan ng pagtataya

4 Suriin ang ugnayan ng profile ng guro at mag-aaral sa sumusunod:

4.1 Gawi sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino;

4.2 Kabisaan ng pagtuturo ng mga guro sa Filipino.

5 Suriin ang ugnayan ng gawi at kabisaan sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Nilalayon ng pag-aaral na ito na malaman ang mga gawi ng isang guro sa Filipino

na makatutulong sa kabisaan nito sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang

makikinabang ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:


8

Sa mga guro sa Filipino. Malalaman ang mga mahahalagang gawi, kaugalian,

kaparaanan na isinasagawa ng guro sa pang-araw-araw na pagtuturo.

Mga Estudyante. Nagkakaroon ng kaalaman at repleksyon kaugnay sa relasyon ng guro-

mag-aaral at mamulat sa kahalagahan ng pagtataya at pagtuturo ng guro.

Administrasyon. Maitataas rin ang kredibilidad ng paaralan sa pagkakaroon ng mataas

na lebel ng edukasyon sa pagtuturo ng asignaturang Filipino

Risertser.Sa mga hinaharap na risertster, makakatulong ito bilang reperensiya sa iba

pang mga riserts na may koneksyon sa pag-aaral na ito. Maaari rin itong imodepika para

sa mas mataas na kredibilidad ng resulta ng riserts

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagtiyak sa gawi at kabisaan ng mga guro sa

pagtuturo ng Filipno sa Siyudad ng Santiago. Ang piling paaralan ay Northeastern

College, University of LaSalette, Santiago City National High School at Rizal National

High School.

Depinisyon ng Termino
9

Ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyan ng kahulugan ayon sa

istandard na depinisyon o konsepto at operasyonal upang madaling maintindihan.

Commitment. Ito ay may kinalaman sa hangganan ng oras at panahong

ginugugol ng guro sa Filipino sa mga gawaing may kinalaman sa pagtuturo, sa loob man

o labas ng paaralan.

Gawi sa Pagtuturo. Tumutukoy sa mga bagay na nakasanayan na ng isang guro

na ginagawa sa pang araw-araw.

Istratehiya. Sa wika, ito ang tawag sa mga kagamitan at gawaing ginagamit sa

bawat hakbang ng pagtuturo. Halimbawa ay ang gamit ng mga awtentikong teksto,

larawan, o larong pangwika.

Kabisaan sa Pagtuturo. Tumutukoy ito sa antas ng kahusayan ng mga guro sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino.

Kaalaman sa Paksang Aralin. Tumutukoy ito sa antas ng kasanayan ng guro

ukol sa mga paksang itinuturo sa asignaturang Filipino.

Indipendent na Pagkatuto. Ito ang kakayan ng mga mag-aaral na mag-aral at

matutong mag-isa.

Pangangasiwa ng Pagkatuto. Ito ang kakayahan ng guro na magplano at

magpatupad ng mga binalak na estratehiya, gawain at prosesong pagkatuto tungo sa

pagkakamit ng mga layunin ng paksang-aralin.


10

PAG-AARAL NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PANANALIKSIK

Sa bahaging ito inilalahad ang iba’t ibang mga kaugnay na teorya, prinsipyo,

pilosopiya at mga pananaliksik na mayroong kinalaman sa layunin ng pag-aaral.


11

Kaugnay na Literatura

Ang mabisang pagtuturo ay nakabatay sa mag-aaral bilang isang tao at sa kanyang

pangkalahatang pag-unlad dapat kilalanin ng guro ang mga indibidwal na pagkakaiba nila

at ayusin ang mga tagubilin na angkop para sa kanila, ito ay isang katotohanan na bilang

mga tagapagturo, gumaganap ng iba't ibang mahahalagang tungkulin sa silid-aralan. Ang

mga guro ay itinuturing na liwanag sa silid-aralan at sa napakaraming responsibilidad na

mula sa pinakasimple patungo sa pinaka-kumplikado. Ito ay nangangailangan ng iba't

ibang mga estilo ng pagtuturo o pamamaraan upang makuha ang mga interes ng mga

mag-aaral. Higit sa lahat, ang guro ay dapat magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga

layunin at pamantayan ng kurikulum, kasanayan sa pagtuturo, interes, pagpapahalaga at

mga mithiin (Barberos, Gozalo at Padayogdog, 2018).

Ayon sa mga guro ng Unibersidad ng Corcodia Portland (2017), bilang isang

tagapagturo isinasaalang-alang mo kung paano mo gustong lapatan ang iyong paraan ng

pagtuturo, ikaw bilang isang guro ay nagnanais na gumamit ng isang paraan na

kapakipakinabang para sa lahat ng iyong mga mag-aaral upang tamasahin nila ang

proseso ng pag-aaral at para naman sa iyong silid-aralan upang maging maayos at

kontrolado. Bukod dito walang dalawang guro ang magtuturo sa parehong paraan, tulad

ng walang dalawang mag-aaral na matuto ng isang bagay sa parehong paraan. Ang estilo

ng pagtuturo ng mga guro ay batay sa kanilang pilosopiya sa edukasyon, demograpiko ng

kanilang silid-aralan, kung ano ang paksa (o mga lugar na itinuturo nila), at kung ano ang

misyon ng paaralan.

Ayon sa librong “Facilitating Learning: A Metacognitive Process” nina Maria

Rita D. Lucas at Brenda D. Corpuz (2007), may iba’t ibang teorya tungkol sa proseso ng
12

pagkatuto at mga salik na nakakaapekto dito pati na rin mga pamamaraan sa pagtuturo.

Una na rito ay ang likas na proseso ng pagkatuto, dito mas epektibo ang pagkatuto kung

ito ay intensyonal na proseso sa pagbuo ng kahulugan galing sa impormasyon at

karanasan. Pangalawa, ay hangad sa proseso ng pagkatuto, ang tagumpay sa pagkatuto ay

nakasalalay sa maayos na representasyon ng kaalaman. Pangatlo, pagbuo ng kaalaman,

ang matagumpay na mag-aaral ay naipag-uugnay ang bagong impormasyon sa dating

alam na sa mas makabuluhang paraan. Pang-apat, pag-iisip na may estratehiya, ang

matagumpay mag-aaral ay nakakabuo at gumagamit ng makatwirang paraan ng pag-iisip

upang makamtan ang pagkatuto. Panglima ay ang pag-iisip kung ano ang iniisip, mataas

na ayos ng estratehiya sa pagpili at pagmomonitor ng mental na operasyon sa malikhaing

pag-iisip at kritikal na operasyon. Pang-anim, pagkatuto mula sa mga konteksto, sinasabi

na ang pagkatuto ng isang mag-aaral ay naiimpluwensyahan ng kapaligiran, kabilang na

ang kultura, teknolohiya at mga paniniwalang instruksyonal. Sumunod dito ay ang

motibasyon at ang emosyonal na impluwensya sa pagkatuto, ito ay kung paano natututo

ang isang mag-aaral sa pamamagitan ng motibasyon. Sinasabing ang motibasyon ng

isang mag-aaral ay naiimpluwensyahan ng indibidwal na emosyon, paniniwala, interes at

kaugalian sa pag-iisip. Hindi lamang ang emosyon ang naiimpluwensyahan ng

motibasyon pati na rin ang sarili. Ang pagiging malikhain ng isang mag-aaral ay makikita

sa paggawa ng mga gawain na bagaman mahirap ay nagagawa dahil sa personal na

interes ng mag-aaral at bukal sa kanyang kalooban na gawin ito.

Ayon naman sa impluwensya ng pagdebelop, ang pagkatuto ay pinakaepektibo

kung iba-iba ang debelopment ng nakuhang kaalaman mula sa pisikal, intelektwal,


13

emosyonal at sosyal na kapaligiran. Ang pagkatuto rin ay naiimpluwensyahan ng

pakikisalamuha, relasyon sa sarili at pagkakaroon ng komunikasyon sa iba.

Ang mga salik sa pagkakaiba-iba rin ng bawat indibidwal rin ay nakakaapekto rin

sa pagkatuto sapagkat bawat mag-aaral ay may iba’t ibang estratehiya ay kakayahan para

matuto mula sa kani-kanilang karanasan maging ng lahi. Mas matututo rin ang isang

mag-aaral kung ang lingwahe, kultura at sosyal na background na iba-iba ay napag-isa.

Batayan rin kung paano itinuturo ang asignatura, paraan ng pag-ases at batayan kung may

natutunan.

Sa mga pamamaraan ng pagtuturo naman, isa na dito ay ang tradisyunal na

pamamaraan ayon kay Acero at Javier (2000), ang karaniwang gawain ng mag-aaral ay

ang pagbibigay ng kahulugan, katuturan, pagsasaulo ng alituntunin, pagbuo ng mga

pangungusap at iba pa. Ang lahat ng paksa sa aralin ay nakatuon sa mga nakasulat sa

aklat.

Sa ibang banda, nakasalalay pa rin sa estudyante ang pagkatuto at hindi sa titser at

pamamaraan ng titser lamang. Ang estudyante pa rin ang pipili kung gaano siya kabilis

matututo. Ang guro lamang ay tumutulong may kailangan ang estudyante.

Sa akdang Pilipino ang kawalan ng interes ng mga mag- aaral sa pagbabasa ng

mga akdang pampanitikan ang parating nahaharap na suliranin ng mga guro kaya para

masolusyunan ito gumagamit ng iba’t ibang estilo ng pagtuturo o pagdulog sa pagtuturo

upang pumukaw ito sa interes ng mga mag-aaral na basahin ang mga akda. Gayunpaman

hindi sapat ang kaalaman sa pag-unawa lamang ng iba’t ibang pagdulog sa pagtuturo

kaya nga ay gumagamit ang mga guro ng iba’t ibang kagamitang pampagtuturo sa pag-

aaral kagaya ng paggamit ng multimedya sa pagtuturo ng mga akda (vcd, dvd etc.) o
14

maging ang kompyuter katulad ng paggamit ng slide presentation sa pagtatalakay ng akda

(De Juan, 2013).

Kaugnay na Pag-aaral

Ang mga estratehiya sa pagtuturo ay may malalaki at mahahalagang tungkulin sa

pagbibigay ng tulong sa guro upang ang mga katotohanang nakapaloob dito ay maihatid

patungo sa mga mag-aaral na mas madali at mas maganda ang kalidad ng gawain. Ayon

sa kanila Fernandez et al. (2010), ang lahat ng gawain, malaki man o maliit ay

ginagamitan ng mga pamamaraan upang matapos ang naturang gawain sa kabilang banda

habang ang pangangailangan sa mga gawain ay dumarami lalo sa pagtuturo ang

nakikitang problema dito na kinakailangang pagtuunan ng pansin ay tungkol sa

pamamaraan, metodo, estratehiya na siyang dapat rebisahin at paunlarin pa upang ang

mga resultang minimithi ay siyang matugunan.

Sa Unibersidad ng Oklahoma, ayon sa pag-aaral ni Dee Fink (2003), ang

epektibong estilo o teknik sa pagtuturo ay ang basehan sa aktibong motibasyon ngunit

hindi lahat ng guro ay may kakayahan pa tungkol sa paggamit ng epektibong estilo para

sa aktibong pag-aaral. Ang mag-aaral din ay walang kamalayan sa kanyang

responsibilidad sa pag-aaral. Ang aktibong pag-aaral ay nakatuon sa pagtulong sa mga

mag-aaral na makisangkot sa pag-aaral subalit hindi lahat ng paaralan ay may kapasidad

na makamit ito; ang iba hindi angkop ang estilong ginagamit sa pagtuturo na idinudulog

ng guro sa nilalaman ng paksa.

Sa librong Act of Teaching ni Cruickshank (2008), nahinuha na ang karamihan sa

mga guro ay naniniwala sa tatlong konklusyon na may kaugnayan sa estratehiya. Una,


15

ang mga guro ay naniniwala na ang mga magkakaibang metodo ay para sa magkakaibang

uri ng mag-aaral. Pangalawa, ang paglelektyur o diskusyon ay siyang pinaka-epektibong

uri ng metodo na magagamit sa mga mag-aaral. At panghuli, ang mga guro ay may ibat-

ibang persepsyon tungkol sa diskusyon. Ipinapakita sa librong ito na ang guro ang siyang

mas nakakaalam kung anu-ano ang mas epektibong pamamaraan na gagamitin upang ang

lahat ng uri ng mag-aaral ay matututo sa isang paksa.

Ang estilo ng pagtuturo ay tinukoy ni Chang (2010),bilang isang yunit ng "mga

likas na gawi at katangian" na malawakang ginagamit ng isang guro at itinuturing na

isang pangkalahatang pamamaraan na ang mga nag-aaral ay maaaring matuto ayon sa

maraming pamamaraan ng pagtuturo ito ay tumutukoy sa paraan kung saan sinisikap ng

mga guro na ihatid ang impormasyon at impluwensyahan ng pang-unawa at pag-uugali

ng kanilang mga mag-aaral. Sa katuturan ang estilo ng pagtuturo ay parang isa sa mga

pangunahing nag-aambag sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Balangkas Konseptuwal

Gawi sa Pagtuturo ng
Profile ng mga Respondent: Filipino
1.1 Mag-aaral
1.1.1 Kasarian;
1.1.2 Baitang
1.1.3 Edukasyon ng magulang;
1.1.4 Paaralang pinapasukan;
1.2 Guro
1.2.1 edad
1.2.2 kasarian
1.2.3 civil status
1.2.4 kursong tinapos Kabisaan sa
1.2.5 medyor Pagtuturo ng Filipino
1.2.6 pinakamataas na
edukasyon
16

Mga Hinuha:

1. Walang mahalagang ugnayan ang profile sa gawi ng pagtuturo sa Filipino.

2. Walang mahalagang ugnayan ang profile sa kabisaan ng pagtuturo sa Filipino.

3. Walang mahalagang ugnayan ang gawi at kabisaan ng pagtuturo sa Filipino

PAMARAAN

Sa bahaging ito inilalahad ang iba’t ibang paraan sa pagsasakatuparan ng layunin

ng pag-aaral, gayundin ang disensyo ng pananaliksik na gagamitin, ang mga respondent

at instrumentong pang-estadistika.

Disenyo ng Pag-aaral
17

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng disensyong descriptive-correlational upang

matugunan ang pangangailan sa paglalarawan sa profile, gawi at kabisaan ng pagtuturo sa

asignaturang Filipino.

Lokasyon ng Pag-Aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa mga Piling Paaralan sa Siyudad ng Santiago.

Ang mga paaralang kabilang ay Northeastern College , University of La Salette, Santiago

City National High School at Rizal National High School.

Ang mga Respondent

Magsisilbing respondent sa pag-aaral na ito ang mag-aaral, guro sa Filipino ng

Senior High School at Junior High School sa piling paaralan sa Santiagco City. Ang mga

mag-aaral ay pipiliin sa pamamagitan ng paggamit ng probability sampling na 95% level

of confidence at 0.05 margin of error. Ang lahat ng mga guro sa Filipino ay kukuning

mga respondent.

Instrumento ng Pag-aaral

Sa pag-aaral, gagamit ng talatanungan upang tugunan ang layunin ng

pananaliksik. Ang talatanungan ukol sa gawi sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino ay

hinalaw mula sa pananaliksik ni Batara (2011). Sa kabilang dako, ang talatanungan ukol

sa kabisaan sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino ay hinalaw sa instrumentong ginagamit

ng Isabela State University.


18

Nahahati sa tatlong bahagi ang talatanungan. Ang unang bahagi ay para sa profile

ng mga respondent. Ang ikalawa ay para sa gawi sa pagtuturo samantalang ang ikatlong

bahagi ay para sa kabisaan sa pagtuturo.

Upang tukuyin ang pananaw ng mga respondent sa gawi at kabisaan ng pagtuturo

ng mga Guro sa Filipino, gagamitin ang 5-point Liker Scale tulad ng sumusunod:

1 - Hindi nangyayari

2 - Madalang Mangyari

3 - Paminsan-minsan Nangyayari

4 - Madalas mangyari

5 - Napakadalas Mangyari

Paraan ng Pangangalap Datos

Upang maging sistematiko ang pag-aaral na gagawin, susundin ng mananaliksik

ang sumusunod na mga hakbang.

1. Liham sa Pamunuan o Direktor. Ang mananaliksik ay maghahanda ng opisyal na liham

na ipapadala sa pamunuan ng mga napiling Paaralan sa Santiago na humiling ng

kapahintulutan upang makapagsagawa ng sarbey test sa mga mag-aaral at guro.

2. Paglikom ng Datos. Maingat na ginawa ng mananaliksik ang mga papel na

pagbabatayan ng mga impormasyon at datos para sa pag-aaral.

3. Pag-aanalisa at paglalarawan sa mga datos. Ang mga nalikom ay magiging batayan ng

mga mananaliksik bilang pagtatapos sa pagaaral.

Instumentong Pang-istadistika
19

Ang mga datos na makakalap sa pag-aaral ay ipoproseso sa pamamagitan ng

Statistical Package for Social Science (SPSS). Gagamitin ang frequency counts at

percentaging upang ilarawan ang profile ng mga respondent. Gagamitin naman ang mean

upang tukuyin ang gawi at kabisaan ng pagtuturo batay sa pananaw ng tatlong grupo ng

mga respondent. Para sa relasyon, gagamitin ang Kendall Tau b.

You might also like