You are on page 1of 63

20

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN

Sa bahaging ito inilalahad, sinusuri at binibigyang kahulugan ang mga datos na nakalap

sa pag-aaral upang tugunan ang layunin ng pananaliksik.

Talahanayan 1. Profile ng mga Mag-aaral na Respondent

Profile Frequency Percentage


n=371
Kasarian
a. Lalaki 156 41.9
b. Babae 163 43.8
c. LGBT 53 14.2
Baitang
a. Grade 7 80 21.5
b. Grade 8 38 10.2
c. Grade 9 56 15.1
d. Grade 10 65 17.5
e. Grade 11 72 19.8
f. Grade 12 61 15.9
Edukasyon ng Ina
a. Hindi Nagtapos ng Elementarya 20 5.4
b. Nagtapos ng Elementarya 7 1.9
c. Hindi Nagtapos ng Sekundarya 19 5.1
d. Nagtapos ng Sekundarya 41 11.0
e. Hindi Nagtapos ng Kolehiyo 102 27.4
f. Vocational 7 1.9
g. Nagtapos ng Kolehiyo 159 42.7
h. May Yunit sa Masterado 7 1.9
i. Nagtapos ng Masteral 10 2.7
Edukasyon ng Ama
a. Hindi Nagtapos ng Elementarya 44 11.8
b. Nagtapos ng Elementarya 22 5.9
c. Hindi Nagtapos ng Sekundarya 2 0.5
d. Nagtapos ng Sekundarya 54 14.5
e. Hindi Nagtapos ng Kolehiyo 53 14.2
f. Vocational 12 3.2
g. Nagtapos ng Kolehiyo 175 47.0
h. May Yunit sa Masterado 6 1.6
i. Nagtapos ng Masterado 2 0.5
j. May Yunit sa Doktorado 2 0.5
Paaralang Pinapasukan
a. Pampubliko 195 52.56
b. Pampribado 176 47.44

Ang Talahanayan 1 ay nagpapakita sa profile ng 371 respondent na mag-aaral na nagsilbing

respondent sa pag-aaral. Makikita mula sa Talahanayan na mayroong 163 o 43.8 bahagdan ng mga
21

respondent ay babae. Sa kabilang dako, mayroon namang 156 o 41.9 bahagdan ng mga respondet ay

lalaki habang mayroon naang 53 na ang kasarian ay LGBTQ.

Makikita pa rin sa Talahanayan 1 ang baitang na kinabibilangan ng mga respondent. Makikita

mula sa Talahanayan na ang pag-aaral ay kinasangkutan ng 72 o 19.8 bahagdan ng mag-aaral na nasa

Baitang 11. Sa kabilang dako, mayroong 80 o 21.5 bahagdan ng mga mag-aaral ang nasa Baitang 7

samantalang mayroong 65 o 17.5 bahagdan ng mga respondent ay mula naman sa Grade 10. Dagdag pa

rito, kinasangkutan din ng 61 o 15.9 bahagdan ng mag-aaral na nasa Grade 12 ang pag-aaral. Bukod pa

rito, mayroon ding 56 o 15.1 bahagdan ng mga respondent ang nasa Baitang 9 at 38 o 10.2 bahagdan ng

mga respondent ang nasa Baitang 8.

Mapapansin rin sa Talahanayan 1 ang edukasyon ng ina ng mga respondent. Mayroong 20 o 5.4

bahagdan ang hindi nakatapos ng elementarya samantalang ang nakapagtapos ng elementarya ay may

pito (7) o 1.9 bahagdan. Mayroong 19 o 5.1 bahagdan ng ina ng mga respondent ay hindi nakapagtapos

ng sekundarya at samantalang mayroong 41 o 11.0 bahagdan ang nakapagtapos nito. Kung sa kolehiyo

naman ang hindi nakapagtapos ay mayroong bahagdan na 102 o 27.4, kumpara sa nakapagtapos naman

ng kolehiyo na may bilang na 159 o 4.7. Ang nakapagtapos naman ng vacational course ay 7 o 1.9

bahagdan. Makikita rin sa na may mga nakapagtapos ng masterado na may bilang 10 o 2.7 samantalang

may may 7 o 1.9 ang may yunit sa masterado.

Nakapaloob rin sa Talahanayan 1 ang edukasyon ng ama ng mga respondent. Mayroong 44 o

11.8 bahagdan ang hindi nakatapos ng elementarya samantalang ang nakapagtapos ng elementarya ay

may bahagdan na 5.9 o 22 respondent. Sa hindi naman nakapagtapos ng sekundarya ay mayroong dalawa

(2) o 0.5 bahagdan at ang nakapagtapos ng sekundarya ay mayroong 54 o 14.5 bahagdan. Kung sa

Kolehiyo naman ang hindi nakapagtapos ay mayroong bahagdan na 14.2 o 52 bilang, sa nakapagtapos

naman ng kolehiyo ay 175 o 47 bahagdan. Ang nakapagtapos naman ng vacational course ay 12 o 3.2

bahagdan. Makikita rin sa na may mga nakapagtapos ng mas mataas na lebel ng pag-aaral na

nakapagtapos ng masterado na may bilang dalawa (2) o 0.5 bahagdan. Mayroon namang anim (6) o 1.6
22

bahagdan na respondent na ang ama ay mayroong yunit sa masterado. Samantalang sa nakakuha naman

ng yunit sa pagkadoktorado ay mayroong bilang na dalawa (2) o 0.6 bahagdan.

Kabilang din sa Talahanayan 1 ang paaralang kinabibilangan ng mga respondent na mag-aaral.

Makikita mula sa Talahanayan na mayroong 195 o 52.56 bahagdan ng mga respondent ay mula sa

pampublikong paaralan. Sa kabilang dako, mayroon namang 176 o 47.44 bahagdan ng mga respondet ay

nanggaling sa pribadong paaralan.

Talahanayan 2. Profile ng mga Gurong Respondent

Profile Frequency Percentage


n=35
Kasarian
a. Lalaki 7 20.0
b. Babae 24 68.6
c. LGBTQ 4 11.4
Edad
a. 21-25 18 51.4
b. 26-30 7 20.0
c. 31-35 3 8.6
d. 36-40 1 2.9
e. 41-45 1 2.9
f. 46-50 2 5.7
g. 51-55 2 5.7
h. 56-60 1 2.9
Kalagayang Sibil
a. Walang Asawa 24 68.6
b. May Asawa 10 28.6
c. Balo 1 2.9
Kurso
a. BSEd Filipino 26 74.3
b. BEEd Filipino 1 2.9
c. May Yunits sa Filipino 3 8.6
d. BSEd English 5 14.3
Pinakamataas na Edukasyon
a. Nagtapos ng Kolehiyo 8 22.9
b. May Yunit sa Masterado 23 65.7
c. Nagtapos ng Masterado 2 5.7
d. Nagtapos ng Doktorado 2 5.7

Ang Talahanayan 2 ay nagpapakita sa profile ng 35 respondent na mga guro. Makikita mula sa

Talahanayan na mayroong 24 o 68.6 bahagdan ng mga respondent ay babae. Sa kabilang dako, mayroon
23

namang pito (7) o 20 bahagdan ng mga respondet ay lalaki habang mayroon lamang apat (4) o 11.4

bahagdan na ang kasarian ay LGBTQ.

Makikita sa Talahanayan 2 ang kaukulang edad ng mga gurong respondent. Sang-ayon sa datos

karamihan ay nasa 21-25 taong gulang na may bilang 18 o 51.4. Samantala, may pito (7) o 20 bahagdan

ang kabilang sa edad na 26-30 taong gulang, may tatlong (3) respondent ang kabilang sa 31-35 taong

gulang. Sa edad 36-40 at 41-45 ay nakakuha ng parehong bilang na isa (1) o 2.9 bahagdan. Mayroon ding

dalawang (2) gurong may edad na 46-50 at 56-60 ang kasangkot sa pag-aaral. Samantala, mayroon

lamang isang (1) guro ang kabilang sa edad na 56-60 taong gulang.

Kabilang rin sa Talahanayan 2 ang kalagayang sibil ng respondent. Batay sa Talahanayan,

mayroong 24 o 68.6 bahagdan ng mga respondent ang walang asawa. Mayroon namang sampo (10) o

28.6 respondent ang may asawa na may bilang 10 o 28.6 habang mayroong isa (1) respondent ang balo.

Nakasama rin sa Talahanayan 2 ang natapos na kurso ng gurong respondent. Kinabilangan ng 26

o 74.3 bahagdan ng respondent ang nagtapos ng kursong Bachelor of Secondary Education (BSEd)

medyor sa Filipino. Kinabilangan din ang pag-aaral ng lima (5) o 14.3 bahagdan ng mga respondent ang

ang nagtapos ng kursong BSEd medyor sa English. Sa kabilang dako, mayroong tatlo (3) o 8.6 bahagdan

ng mga respondent ang kumuha lamang ng yunit sa Filipino. Samantala, mayroong isa (1) o 2.9 bahagdan

ng respondent ang nagtamo ng kursong Bachelor of Elementary Education (BEEd) na may area of

specialization sa Filipino.

Talahanayan 3. Ang Akademikong Performans ng mga Respondent sa Asignaturang


Filipino

Grado Frequency Percentage Deskripsiyon


n=371
90.00-100.00 81 21.8 Lubhang Napakahusay
85.00-89.00 76 20.4 Napakahusay
80.00-84.00 152 40.9 Mahusay
75.00-79.00 63 16.9 Katamtamang Husay
24

Ang Talahanayan 3 ay nagpapakita sa akademikong kahusayan ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino. Makikita mula sa Talahanayan na mayroong 152 o 40.9 bahagdan ng mga

respondent ay mahusay sa asignaturang Filipino dahil nagtamo ang mga ito ng gradong mula

80.00 hanggang 84.00. Sa kabilang dako, ang pag-aaral ay kinasangkutan ng 81 o 21.8 bahagdan

ng mga mag-aaral na lubhang napakahusay sa asignaturang Filipino dahil nagtamo ang mga ito

ng grado mula 90.00-100.00. Kinasangkutan din ang pag-aaral ng 76 o 20.4 bahagdan ng mga

respondent ay napakahusay sa asignaturang Filipino dahil nagtamo ang mga ito ng grado mula

85.00 hanggang 89.00. Mayroon ding 63 o 16.9 bahagdan ng mga respondent ang katamtaman

ang kahusayan sa asignaturang Filipino dahil nagtamo ang mga ito ng grado mula 75.00

hanggang 79.00.

Talahanayan 4. Persepsyon ng mga Respondent sa Gawi ng Pagtuturo sa Asignaturang


Filipino

Gawi sa Pagtuturo Mag-aaral Guro Grand Desc.


Mean Desc. Mean Desc. Mean
1. Pumapasok sa paaralan sa tamang oras 3.94 NB 4.46 LNB 4.20 NB
2. Organisado ang mga gawain upang makatipid sa oras
3.84 NB 4.11 NB 3.99 NB
3. Araw-araw na naghahanda ng banghay-aralin 3.66 NB 4.29 NB 3.98 NB
4. Sumusunod sa nakatakdang oras para sa klase 4.00 NB 4.51 LNB 4.26 NB
5. Naghahanda ng banghay-aralan habang may seatwork
ang mga mag-aaral 3.54 NB 3.00 MB 3.27 MB
6. Naghahanda ng instructional material o visual aid
araw-araw 3.10 MB 4.06 NB 3.70 NB
7. Naglalaan ng mas mahabang oras ng pagtuturo sa mga
mahihirap na paksa 2.40 HM 4.37 NB 3.39 MB
8. Nagsusumite ng report sa takdang oras 3.75 NB 4.11 NB 3.93 NB
9. Nagbabasa ng iba pang aklat maliban sa textbook
upang maunawaan ganap ang paksang tinatalakay
3.38 MB 4.40 LNB 3.89 NB
10. Nagbibigay ng project sa tamang oras at panahon
3.60 NB 4.37 NB 3.99 NB
11. Nagbibigay ng takdang aralin sa tamang oras
3.74 NB 4.40 LNB 4.07 NB
12. Nagtuturo kahit masama ang pakiramdam
3.73 NB 4.03 NB 3.88 NB
13. Nagbibigay ng napakahirap na gawain para palipasin
ang oras 3.51 NB 3.06 MB 3.29 MB
14. Humihingi ng tulong mula sa ibang guro para
maintindihan ang mga komplikadong bagay.
3.56 NB 4.06 NB 3.81 NB
15. Iginagalang ang pananaw at ideya ng mga mag-aaral
at kapwa guro 4.08 NB 4.54 LNB 4.31 NB
16. Palangiti at madaling lapitan kung may tanong tungkol
25

sa paksang pinag-aaralan 4.03 NB 4.46 LNB 4.25 NB


LNB- Lubhang Napakabisa NB- Napakabisa MB- Mabisa
HM- Hindi Mabisa LHM- Lubhang Hindi Napakabisa

Ang Talahayan 4 ay nagpapakita sa persepsyon ng mga respondent sa gawi ng pagtuturo

sa asignaturang Filipino. Makikita mula sa talahanayan na naniniwala ang mga mag-aaral na ang

gawi sa pagtuturo ng guro ay mabisa at napakabisa na makikita mula sa tinuos na mean mula

4.08 hanggang 3.51. Partikular na naniniwala ang mga mag-aaral na mabisa ang gawi ng mga

guro sa Filipino sa paghahanda ng instructional material o visual aid araw-araw (3.10) at

pagbabasa ng iba pang aklat maliban sa textbook (3.38)

Sa kabilang dako, ang mga guro ay naniniwalang sila ay lubhang napakabisa sa

paggalang ng pananaw at ideya ng mga mag-aaral at kapwa guro na may mean na 4.54.

Gayundin, lubhang napakabisa rin batay sa pananaw ng mga guro ang pagsunod sa nakatakdang

oras para sa klase na may mean rating na 4.51. Dagdag pa rito, naniniwala ang mga gurong-

respondent na sila’y napakabisa sa pagbibigay ng project sa tamang oras at panahon, paghahanda

ng banghay aralin sa araw-araw, organisado ang mga gawain pang makatipid sa oras,

nagsusumite ng report sa takdang oras, humihingi ng tulong mula sa ibang guro para

maintindihan ang mga komplikadong bagay, nagtuturo kahit masama ang pakiramdam na

makikita sa tinuos na mean rating mula 4.37 hanggang 4.03.

Sa kabuuan, naniniwala ang mga guro at mag-aaral na respondent na ang mga guro sa

Filipino ay mayroong mabisang gawi sa paglalaan ng mas mahabang oras ng pagtuturo sa mga

mahihirap na paksa, pagbibigay ng napakahirap na gawain para palipasin ang oras at paghahanda

ng banghay-aralin habang may seatwork ang mga mag-aaral na mayroong grand mean rating na

3.39 hanggang 3.27. Sa kabilang dako, ang naniniwala rin ang mga guro at mag-aaral na

respondent na ang gawi sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino ay nasa lebel na napakabisa sa
26

paggalang sa pananaw at ideya ng mag-aaral at kapwa guro,palangiti at madaling lapitan kung

may tanong tungkol sa paksang pinag-aaralan paghahanda ng instructional material o visual aid

araw-araw, pumapasok sa paaralan sa tamang oras, sumusunod sa nakatakdang oras para sa

klase, nagbibigay ng takdang aralin sa tamang, nagbibigay ng proyekto sa tamang oras at

panahon, organisado ang mga gawain upang makatipid sa oras , araw-araw na naghahanda ng

banghay-aralin, nagsusumite ng report sa takdang oras, nagbabasa ng iba pang aklat maliban sa

textbook upang maunawaan ganap ang paksang tinatalakay, nagtuturo kahit masama ang

pakiramdam, humihingi ng tulong mula sa ibang guro para maintindihan ang mga komplikadong

bagay at naghahanda ng instructional material o visual aid araw-aaw na mayroong grand mean

rating mula 4.31 hanggang 3.70. Kapansin-pansin din mula sa Talahanayan na ang mga gurong

respondent ang may mas mataas na marka ukol sa kanilang gawi sa pagtuturo kaysa sa mga mag-

aaral na respondent.
27

Talahanayan 5. Persepsyon ng mga Respondent sa Kabisaan ng Pagtuturo sa Asignaturang


Filipino batay sa Commitment ng mga Guro

Pahayag Mag-aaral Guro Gran Desc.


Mean Desc. Mea Desc. d
n Mean
1. Sumusunod sa itinakdang oras ng
pagkaklase 4.25 NB 4.60 LNB 4.23 NB
2. Hinihikayat ang mga mag-aaral na
paghusayin ang pag-aaral 4.27 NB 4.63 LNB 4.45 LNB
3. Nagpapakita ng pagnanais na matuto pa
ng mga makabagong ideya at
impormasyon 4.24 NB 4.60 LNB 4.42 LNB
4. Naglalahok ng mabubuting pag-uugali sa
mga paksang tinatalakay 4.00 NB 4.49 LNB 4.25 NB
5. Nagbibigay ng mga karagdagang
babasahin o gawain upang mapabuti ang
pagtuturo 4.10 NB 4.37 NB 4.24 NB
6. Naglalaan ng oras para sa konsultasyon
ng mga mag-aaral 3.28 MB 4.58 LNB 3.88 NB
7. Ikinukunsulta ang pangangailangan ng
mga mag-aaral sa wastong tao o opisina 3.27 MB 4.31 NB 3.79 NB
8. Ipinakikilala at inaabot ang layunin ng
pag-aaral 2.39 HM 4.20 NB 3.30 MB
LNB- Lubhang Napakabisa NB- Napakabisa MB- Mabisa
HM- Hindi Mabisa LHM- Lubhang Hindi Napakabisa

Ang Talahayan 5 ay nagpapakita sa kabisaan ng guro sa pagtuturo ng asignaturang

Filipino partikular sa commitment. Makikita mula sa Talahanayan na naniniwala ang mga mag-

aaral na sa aspeto ng commitment, ang mga guro ay mayroong napakabisa at mabisa na makikita

mula sa tinuos na mean mula 4.27 hanggang 3.27. Partikular na naniniwala ang mga mag-aaral

na mabisa ang kasanayan ng mga guro sa Filipino sa paglaan ng oras para sa konsultasyon ng

mga mag-aaral (3.28) pagkunsulta sa tamang opisina at tao kaugnay ng pangangailan ng mga

mag-aaral (3.27). Sa kabila nito’y naniniwala ang mga mag-aaral na ang kani-kanilang mga guro

sa asignaturang Filipino ay may hindi mabisang kasanayan sa pagpapakilala at pagpapaabot ng

layunin ng talakayan sa mga mag-aaral.


28

Sa panig ng mga guro ay naniniwala na sila ay lubhang napakabisa sa paghihikayat ng

mgama-aaral na paghusayin ang pagaaral may mean rating na 4.63, pagsunod da itinakdang oras

ng pagkaklase na mayroong mean rating na 4.60, pagpapakita ng pagnanais na matuto pa ng mga

makabagong ideya at impormasyon na mayroong mean na 4.60. Gayundin, lubhang napakabisa

rin batay sa pananaw ng mga guro ang kanilang kasanayan sa at. Dagdag pa rito, naniniwala ang

mga gurong-respondent na sila’y naglalaan ng oras para sa konsultasyon ng mga mag-aaral at

paglalahok ng mabubuting pag-uugali sa mga paksang tinatalakay. Napakabisa naman sa

pagbibigay ng mga karagdagang babasahin o gawain upang mapabuti ang pagtuturo,

ikinukunsulta ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa wastong tao o opisina, ipinakikilala at

inaabot ang layunin ng pag-aaral na makikita sa tinuos na mean rating mula 4.63 hanggang 4.50.

Sa kabuuan, naniniwala ang mga guro at mag-aaral na respondent na ang mga guro sa

Filipino ay mayroong mabisang kasanayan sa pagpakilala at inaabot ang layunin ng pag-aaral na

mayroong grand mean rating na 3.30. Sa kabilang dako, ang naniniwala rin ang mga guro at

mag-aaral na respondent na ang pagtuturo ng mga guro sa Filipino ay nasa lebel na napakabisa

sa hinihikayat ang mga mag-aaral na paghusayin ang pag-aaral, nagpapakita ng pagnanais na

matuto pa ng mga makabagong ideya at impormasyon, naglalahok ng mabubuting pag-uugali sa

mga paksang tinatalakay, nagbibigay ng mga karagdagang babasahin o gawain upang mapabuti

ang pagtuturo, sumusunod sa itinakdang oras ng pagkaklase, naglalaan ng oras para sa

konsultasyon ng mga mag-aaral at ikinukunsulta ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa

wastong tao o opisina na mayroong grand mean rating mula 4.45 hanggang 3.79. Kapansin-

pansin din mula sa talahanayan na ang mga gurong respondent ang may mas mataas na marka

ukol sa kanilang kasanayan kaysa sa mga mag-aaral na respondent.


29

Talahanayan 6. Persepsyon ng mga Respondent sa Kabisaan ng Pagtuturo sa Asignaturang


Filipino batay sa Kaalaman sa Paksang Aralin ng mga Guro

Pahayag Mag-aaral Guro Gran Desc.


d
Mean
Mean Desc. Mea Desc.
n
1. Ipinaliliwanag nang mabuti ang paksa 4.30 NB 4.80 LNB 4.55 LNB
2. Iniuugnay ang paksa sa mga totoong
pangyayari sa buhay at lipunan 3.35 MB 4.63 LNB 3.99 NB
3. Inilalahad ang paksa sa paraang maayos,
malinaw at madalaing maunawaan 4.31 NB 4.54 LNB 4.43 LNB
4. Nagbibigay ng mga makabagong
impormasyon sa kanyang larangan 3.20 MB 4.74 LNB 3.97 NB
5. Ipinaliliwanag ang paksang aralin gamit
ang iba’t ibang kagamitang panturo gaya
ng tsart, diagram, visual aid at iba pa 3.51 NB 4.44 LNB 3.99 NB
6. Mahusay sa wikang ginagamit sa
pagtuturo 4.16 NB 4.46 LNB 4.31 NB
7. Ibinubuod ang paksa at lumikha ng
paglalahat 4.17 NB 4.40 LNB 4.29 NB
8. Nagbabahagi ng mga suliraning may
kaugnayan sa paksa. 4.06 NB 4.51 LNB 4.29 NB
LNB- Lubhang Napakabisa NB- Napakabisa MB- Mabisa
HM- Hindi Mabisa LHM- Lubhang Hindi Napakabisa

Ang Talahayan 6 ay nagpapakita sa persepsyon ng mga respondent sa kabisaan ng

Pagtuturo sa Asignaturang Filipino batay sa kaalaman sa paksang aralin ng mga guro. Makikita

mula sa Talahanayan na naniniwala ang mga mag-aaral na ang mga guro ay mayroong

napakabisang at mabisang kasanayan na makikita mula sa tinuos na mean mula 4.31 hanggang

3.20. Partikular na naniniwala ang mga mag-aaral na mabisa ang kabisaan ng pagtuturo ng mga

guro sa Filipino na naiuugnay ang paksa sa mga totoong pangyayari sa buhay at lipunan na may

mean na 3.35 at nagbibigay ng makabagong impormasyon sa kaniyang larangan na may mean

3.20.
30

Sa kabila nito’y naniniwala ang mga mag-aaral na napakabisa ang pagtuturo ng mga

guro sa Filipino na inilalahad ang paksa sa paraang maayos, malinaw at madalaing maunawaan,

ipinaliliwanag nang mabuti ang paksa, ibinubuod ang paksa at lumikha ng paglalahat, mahusay

sa wikang ginagamit sa pagtuturo, nagbabahagi ng mga suliraning may kaugnayan sa paksa,

ipinaliliwanag ang paksang aralin gamit ang iba’t ibang kagamitang panturo gaya ng tsart,

diagram, visual aid at iba pa na makikita sa tinuos na mean rating mula 4.31 hanggang 3.51.

Sa kabilang dako, ang mga guro ay naniniwalang sila ay lubhang napakabisa sa

ipinaliliwanag nang mabuti ang paksa na may mean 4.80, nagbibigay ng mga makabagong

impormasyon sa kanilang larangan na may 4.74 at iniuugnay ang paksa sa mga totoong

pangyayari sa buhay at lipunan na may mean rating na 4.63.

Gayundin, lubhang napakabisa rin batay sa pananaw ng mga guro ang kanilang

kasanayan sa malinaw at madalaing maunawaan na may mean rating na 4.54, pagbabahagi ng

mga suliraning may kaugnayan sa paksa na mayroong mean na 4.51, palalahad ng paksa sa

paraang maayos na may mean 4.46, Ipinaliliwanag ang paksang aralin gamit ang iba’t ibang

kagamitang panturo gaya ng tsart, diagram, visual aid at iba pa na may mean 4.44 Dagdag pa

rito, naniniwala ang mga gurong-respondent na sila’y lubhang napakabisa sa pagbubuod ng

paksa at lumilikha ng paglalahat na may mean 4.40.

Sa kabuuan, naniniwala ang mga guro at mag-aaral na ang mga Kabisaan ng Pagtuturo sa

Asignaturang Filipino batay sa Kaalaman sa Paksang Aralin ng mga Guro ay ipinaliliwanag nang

mabuti ang paksa na mayroong lubhang napakabisa na mayroong grand mean na 4.55 at

paglalahad ng paksa sa paraang maayos malinaw at madaling maunawaan na mayroong grand

mean na 4.43.
31

Samantala naniniwala ang mga guro at mag-aaral na respondent na ang mga guro sa

Filipino ay mayroong napakabisang kasanayang mahusay sa wikang ginagamit sa pagtuturo,

ibinubuod ang paksa at lumikha ng paglalahat, nagbabahagi ng mga suliraning may kaugnayan

sa paksa, ipinaliliwanag ang paksang aralin gamit ang iba’t ibang kagamitang panturo gaya ng

tsart, diagram, visual aid at iba pa, nagbibigay ng mga makabagong impormasyon sa kanyang

larangan, na mayroong grand mean rating na 4.31 hangang 3.97.

Talahanayan 7. Persepsyon ng mga Respondent sa Kabisaan ng Pagtuturo sa Asignaturang


Filipino batay sa Pagtuturo para sa Independent na pagkatuto

Pahayag Mag-aaral Guro Gran Desc.


Mean Desc. Mea Desc. d
n Mean
1. Naglalaan ng oras para sa interaktibong
talakayan at kooperatibong pagkatuto
gamit ang wikang Filipino 4.09 NB 4.60 LNB 4.35 NB
2. Gumagamit ng mga estratehiyang
nakatutulong upang mapaunlad ng mga
mag-aaral ang kanilang kaalaman at
kasanayan 4.23 NB 4.57 LNB 4.40 LNB
3. Nagbibigay ng gawaing humahamon sa
analitikal na pag-iisip ng mga mag-aaral 3.40 MB 4.54 LNB 3.97 NB
4. Naghahanda ng kapaligirang humihikayat
sa mga mag-aaral na maghayag ng
suliranin at solosyun para dito. 3.58 NB 4.55 LNB 4.07 NB
5. Inihahanda ang mga mag-aaral para sa
independent na pag-aaral 3.47 MB 4.45 LNB 3.96 NB
6. Pinatataas ang tiwala sa sarili ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng wastong
pagkilala sa kanilang kakayahan 3.43 MB 4.50 LNB 3.97 NB
7. Iginagalang ang opinyon at pananaw ng
mga mag-aaral habang isinasaalang-alang
ang responsibilidad na kaakibat ng
kanilang ideya 3.51 NB 4.60 LNB 4.06 NB
8. Hinihikayat ang pag-aaral kahit sa labas
ng paaralan 4.00 NB 4.46 LNB 4.23 NB
LNB- Lubhang Napakabisa NB- Napakabisa MB- Mabisa

HM- Hindi Mabisa LHM- Lubhang Hindi Napakabisa


32

Ang Talahayan 7 ay nagpapakita sa Persepsyon ng mga Respondent sa Kabisaan ng

Pagtuturo sa Asignaturang Filipino batay sa Pagtuturo para sa Independent na pagkatuto.

Makikita mula sa talahanayan na naniniwala ang mga mag-aaral na ang mga guro ay mayroong

napakabisa at mabisang kasanayan na makikita mula sa tinuos na mean mula 4.23 hanggang

3.51. Naniniwala ang mga mag-aaral na napakabisa ang pagtuturo ng mga guro sa Filipino sa

independent na pagkatuto na gumagamit ng mga estratehiyang nakatutulong upang mapaunlad

ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman, naglalaan ng oras para sa interaktibong talakayan at

kooperatibong pagkatuto gamit ang wikang Filipino, hinihikayat ang pag-aaral kahit sa labas ng

paaralan, naghahanda ng kapaligirang humihikayat sa mga mag-aaral na maghayag ng suliranin

at solosyun para dito, iginagalang ang opinyon at pananaw ng mga mag-aaral habang

isinasaalang-alang ang responsibilidad na kaakibat ng kanilang ideya na makikita sa tinuos na

mean rating mula 4.23 hanggang 3.51

Sa kabila nito’y partikular naniniwala ang mga mag-aaral na mabisa ang kabisaan ng

pagtuturo ng mga guro sa Filipino para sa indepent na pagkatuto na inihahanda ang mga mag-

aaral para sa independent na pag-aaral, pinatataas ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng wastong pagkilala sa kanilang kakayahan at nagbibigay ng gawaing

humahamon sa analitikal na pag-iisip ng mga mag-aaral na makikita sa tinuos na mean rating

mula 3.47 hanggang 3.40.

Sa kabilang panig, ang mga guro ay naniniwalang sila ay lubhang napakabisa sa

paglalaan ng oras para sa interaktibong talakayan at kooperatibong pagkatuto gamit ang wikang

Filipino ay may mean na 4.60, gumagamit ng mga estratehiyang nakatutulong upang mapaunlad

ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at kasanayan ay may mean na 4.57, naghahanda ng

kapaligirang humihikayat sa mga mag-aaral na maghayag ng suliranin at solosyun para dito na


33

may 4.55. Gayundin, lubhang napakabisa rin batay sa pananaw ng mga guro ang kanilang

kasanayan sa pagbibigay ng gawaing humahamon sa analitikal na pag-iisip ng mga mag-aaral na

may mean rating na 4.54. Samantala sa pagpapataas ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng wastong pagkilala sa kanilang kakayahan na mayroong mean na 4.50. Dagdag

pa rito ay hinihikayat ang pag-aaral kahit sa labaas ng paaralan na may mean rating na 4.46.

Ganunpaman ay lumabas din sa pag-aaral na napakabisa sa paghihikayat ng pag-aaral kahit sa

labas ng paaralan, paghahanda sa mga mag-aaral para sa independent na pag-aaral na may mean

rating na 4.45

Sa kabuuan, naniniwala ang mga guro at mag-aaral na respondent na ang mga guro sa

Filipino ay lubhang napakabisa sa paggamit ng mga estratehiyang nakatutulong upang

mapaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at kasanayan at mayroong napakabisang

kasanayang naglalaan ng oras para sa interaktibong talakayan at kooperatibong pagkatuto gamit

ang wikang Filipino, hinihikayat ang pag-aaral kahit sa labas ng paaralan, naghahanda ng

kapaligirang humihikayat sa mga mag-aaral na maghayag ng suliranin at solosyun para dito,

iginagalang ang opinyon at pananaw ng mga mag-aaral habang isinasaalang-alang ang

responsibilidad na kaakibat ng kanilang ideya, pinatataas ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral

sa pamamagitan ng wastong pagkilala sa kanilang kakayahan, nagbibigay ng gawaing

humahamon sa analitikal na pag-iisip ng mga mag-aaral, at inihahanda ang mga mag-aaral para

sa independent na pag-aaral na mayroong grand mean na 4.40 hanggang 3.96.


34

Talahanayan 8. Persepsyon ng mga Respondent sa Kabisaan ng Pagtuturo sa Asignaturang


Filipino batay sa Pangangsiwa ng Pagkatuto

Pahayag Mag-aaral Guro Grand Desc.


Mean
Mean Desc. Mean Desc.
1. Nagbibigay ng mapanghamon at
angkop na mga pagsusulit, seatwork at
mga takdang aralin 4.09 NB 4.46 LNB 4.28 NB
2. Naglalaan ng oportunidad upang
makapagbahaginan ng ideya ang mga
mag-aaral 3.48 MB 4.57 LNB 3.97 NB
3. Gumaganap ng iba’t ibang tungkulin
kung kinakailangan (halimbawa,
facilitator, resource person,
imbistigador at iba pa) upang
makapagbahagi at makasuri ng mga 2.39 MB 4.34 NB 3.37 MB
ideya ang mga mag-aaral
4. Gumagamit at nagpapalit ng estratehiya
sa pagtuturo kung kinakailangan 3.40 MB 4.29 NB 3.85 NB
5. Pinanatili ang disiplina at kaayusan sa
loob ng silid-aralan 4.03 NB 4.51 LNB 4.27 NB
6. Sinisiguradong mayroong ugnayan ang
paksa at layunin ng pagtuturo 4.22 NB 4.54 LNB 4.38 NB
7. Hinihikayat ang maayos, magalang at
makatuwirang palitan ng ideya 4.08 NB 4.43 LNB 4.26 NB
8. Hinihikayat ang mga mag-aaral upang
tumaas ang tiwala sa sarili. 4.12 NB 4.69 LNB 4.41 LNB
LNB- Lubhang Napakabisa NB- Napakabisa MB- Mabisa

HM- Hindi Mabisa LHM- Lubhang Hindi Napakabisa

Ang Talahayan 8 ay nagpapakita Persepsyon ng mga Respondent sa Kabisaan ng

Pagtuturo sa Asignaturang Filipino batay sa Pangangsiwa ng Pagkatuto. Makikita mula sa

Talahanayan na naniniwala ang mga mag-aaral na ang mga guro ay mayroong napakabisa at

mabisang kasanayan na makikita mula sa tinuos na mean mula 4.22 hanggang 2.39. Partikular na

naniniwala ang mga mag-aaral na mabisa ang kabisaan ng pagtuturo ng mga guro sa Filipino
35

batay sa Sinisiguradong mayroong ugnayan ang paksa at layunin ng pagtuturo na may mean na

4.22, hinihikayat ang mga mag-aaral upang tumaas ang tiwala sa sarili na may mean na 4.12,

hinihikayat ang mga mag-aaral upang tumaas ang tiwala sa sarili na may mean na 4.09,

Hinihikayat ang maayos, magalang at makatuwirang palitan ng ideya na may mean 4.08 at 4.03

sa pinanatili ang disiplina at kaayusan sa loob ng silid-aralan.

Sa kabila nito’y naniniwala ang mga mag-aaral na mabisa ang kasanayan sa paglalaan ng

oportunidad upang makapagbahaginan ng ideya ang mga mag-aaral na may mean 3.48,

Gumagamit at nagpapalit ng estratehiya sa pagtuturo kung kinakailangan na may meab 3.40 at

2.39 sa pagganap ng iba’t ibang tungkulin kung kinakailangan (halimbawa, facilitator, resource

person, imbistigador at iba pa) upang makapagbahagi at makasuri ng mga ideya ang mga mag-

aaral.

Sa kabilang dako, ang mga guro ay naniniwalang sila ay lubhang napakabisa sa

paghihikayat ang mga mag-aaral upang tumaas ang tiwala sa sarili na may mean 4.69, naglalaan

ng oportunidad upang makapagbahaginan ng ideya ang mga mag-aaral na may mean 4.57,

sinisiguradong mayroong ugnayan ang paksa at layunin ng pagtuturo na may mean 4.54,

pinanatili ang disiplina at kaayusan sa loob ng silid-aralan na may mean 4.51, nagbibigay ng

mapanghamon at angkop na mga pagsusulit, seatwork at mga takdang aralin na may mean 4.46

at 4.43 na hinihikayat ang maayos, magalang at makatuwirang palitan ng ideya.

Sa kabuuan, naniniwala ang mga guro at mag-aaral na respondent na ang mga guro sa

Filipino ay mayroong lubhang napakabisang, napakabisa at mabisang kasanayan sa hinihikayat

ang mga mag-aaral upang tumaas ang tiwala sa sarili 4.41, sinisiguradong mayroong ugnayan

ang paksa at layunin ng pagtuturo 4.38, nagbibigay ng mapanghamon at angkop na mga

pagsusulit, seatwork at mga takdang aralin 4.28, pinanatili ang disiplina at kaayusan sa loob ng
36

silid-aralan 4.27, hinihikayat ang maayos, magalang at makatuwirang palitan ng ideya 4.26,

naglalaan ng oportunidad upang makapagbahaginan ng ideya ang mga mag-aaral 3.97 at 3.85

gumagamit at nagpapalit ng estratehiya sa pagtuturo kung kinakailangan.

Talahanayan 9. Persepsyon ng mga Respondent sa Kabisaan ng Pagtuturo sa Asignaturang


Filipino batay sa Paraan ng Pagtataya

Pahayag Mag-aaral Guro Gran Desc.


Mean Desc. Mean Desc. d
Mean
1. Nagbibigay ng mga pagsusulit na
pasulat pagkatapos ng diskusyon. 4.14 NB 4.26 NB 4.20 NB
2. Nagbibigay ng mga pagsusulit na
pasalita pagkatapos o bago ang
diskusyon. 3.85 NB 4.11 NB 3.98 NB
3. Nagpapagawa ng mga repleksyon sa
mga natutunan sa paksang-aralin. 2.40 HM 4.14 NB 3.27 MB
4. Nagbibigay ng pagkakataon na
pakinggan ang opinyon ng mga mag-
aaral sa mga katanungan na
maiuugnay nila sa kanilang buhay. 3.49 MB 4.57 LNB 4.03 NB
5. Pinapalabas ang kanilang kasiningan
sa paglikha ng awit o tula na may
kaugnayan sa paksa. 3.97 NB 4.26 NB 4.12 NB
6. Nagpaparole-play ng mga kalagayan o
isyus ng lipunan upang makita at lubos
na maunawaan ang pinag-aaralan. 2.48 HM 4.29 NB 3.39 MB
7. Nagbibigay ng mga pagkakataong
kailangang manaliksik ng mga mag-
aaral (Research Paper). 3.97 NB 4.00 NB 3.99 NB
8. Dinedebelop ang kakayahan sa
pagsulat at pananalita i.e Journal,
Debate, Speech, Naratibo, Portfolio 3.92 NB 4.40 LNB 4.16 NB
LNB- Lubhang Napakabisa NB- Napakabisa MB- Mabisa

HM- Hindi Mabisa LHM- Lubhang Hindi Napakabisa


37

Ang Talahayan 9 ay nagpapakita sa Persepsyon ng mga Respondent sa Kabisaan ng

Pagtuturo sa Asignaturang Filipino batay sa Paraan ng Pagtataya. Makikita mula sa

Talahanayan na naniniwala ang mga mag-aaral na ang mga guro ay mayroong napakabisang

kasanayan sa pagbibigay ng mga pagsusulit na pasulat pagkatapos ng diskusyon na may mean

4.14, Pinapalabas ang kanilang kasiningan sa paglikha ng awit o tula na may kaugnayan sa paksa

at pagbibigay ng mga pagkakataong kailangang manaliksik ng mga mag-aaral (Research Paper)

na may mean 3.97, dinedebelop ang kakayahan sa pagsulat at pananalita i.e Journal, Debate,

Speech, Naratibo, Portfolio na may mean 3.92 at 3.85 sa pagbibigay ng mga pagsusulit na

pasalita pagkatapos o bago ang diskusyon.

Samantala makikitang mabisa ang tingin ng mag aaral sa kasanayan ng guro na

nagbibigay ng pagkakataon na pakinggan ang opinyon ng mga mag-aaral sa mga katanungan na

maiuugnay nila sa kanilang buhay na may mean 3.49.

Sa kabila nito’y naniniwala ang mga mag-aaral na ang kani-kanilang mga guro sa

asignaturang Filipino ay may hindi mabisang kasanayan sa pagpapagawa ng mga repleksyon sa

mga natutunan sa paksang-aralin at nagpaparole-play ng mga kalagayan o isyus ng lipunan

upang makita at lubos na maunawaan ang pinag-aaralan.

Sa kabilang panig, ang mga guro ay naniniwalang sila ay lubhang napakabisa sa

dinedebelop ang kakayahan sa pagsulat at pananalita i.e Journal, Debate, Speech, Naratibo,

Portfolio 4.40, nagbibigay ng pagkakataon na pakinggan ang opinyon ng mga mag-aaral sa mga

katanungan na maiuugnay nila sa kanilang buhay 4.57. Maliban dito ay naniniwala ang mga guro

na sila’y napabisa sa nagpaparole-play ng mga kalagayan o isyus ng lipunan upang makita at

lubos na maunawaan ang pinag-aaralan 4.29, pinapalabas ang kanilang kasiningan sa paglikha ng

awit o tula na may kaugnayan sa paksa 4.26, pagbibigay ng mga pagsusulit na pasulat
38

pagkatapos ng diskusyon 4.26, pagpapagawa ng mga repleksyon sa mga natutunan sa paksang-

aralin 4.14, pagbibigay ng mga pagsusulit na pasalita pagkatapos o bago ang diskusyon 4.11 at

4.00 sa pagbibigay ng mga pagkakataong kailangang manaliksik ng mga mag-aaral (Research

Paper).

Sa kabuuan, naniniwala ang mga guro at mag-aaral na respondent na ang mga guro sa

Filipino ay mayroong mabisang kasanayan sa pagpaparole-play ng mga kalagayan o isyus ng

lipunan upang makita at lubos na maunawaan ang pinag-aaralan 3.39 at sa pagpapagawa ng mga

repleksyon sa mga natutunan sa paksang-aralin 3.27.

Sa kabilang dako, ang naniniwala rin ang mga guro at mag-aaral na respondent na ang

pagtuturo ng mga guro sa Filipino ay nasa lebel na napakabisa sa pagbibigay ng mga pagsusulit

na pasalita pagkatapos o bago ang diskusyon 4.20, dinedebelop ang kakayahan sa pagsulat at

pananalita i.e Journal, Debate, Speech, Naratibo, Portfolio, 4.16, pinapalabas ang kanilang

kasiningan sa paglikha ng awit o tula na may kaugnayan sa paksa 4.12, nagbibigay ng

pagkakataon na pakinggan ang opinyon ng mga mag-aaral sa mga katanungan na maiuugnay nila

sa kanilang buhay 4.03, Nagbibigay ng mga pagkakataong kailangang manaliksik ng mga mag-

aaral (Research Paper) 3.99 at 3.98 sa pagbibigay ng mga pagsusulit na pasalita pagkatapos o

bago ang diskusyon.


39
40

Ang Talahanayan 10 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga ng mga mag-aaral na

respondent at ang gawi sa pagtuturo ng mga guro sa asignaturang Filipino. Makikita mula sa

Talahanayan na mayroong mahalaga at positibong kaugnayan ang mga mag-aaral sa kanilang

pananaw ukol sa gawi ng pagtuturo ng asignaturang Filipino partikular sa pagbibigay ng takdang

aralin sa tamang oras, organisadong paggawa para makatipid ng oras, nagtuturo kahit masama

ang pakiramdam, pagiging palangiti at madaling lapitan kung may tanong sa paksang pinag-

aaralan at pumapasok sa paraalan sa tamang oras. Makikita ang makabuluhan at positibong

ugnayan sa tinuos na correlational value mula 0.14 hanggang 0.11 at level of significance mula

0.00 hanggang 0.02. Nangangahulugan ito na ang babae at lalaking respondent ay mayroong

magkatulad na positibong pananaw ukol gawi ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang

Filipino.

Makikita pa rin sa Talahanayan na ang mga mag-aaral na nasa ikapitong baitang na

mayroong positibo at makabuluhang ugnayan sa kanilang pananaw ukol sa gawi ng pagtuturo ng

mga guro sa Filipino partikular sa palangiti at madaling lapitan kung may tanong tungkol sa

paksang pinag-aaralan, organisadong paggawa upang makatipid sa oras, araw-araw na

paghahanda ng banghay-aralin, naghahanda ng istructional material o visual aid araw-raw,


41

nagsusumite ng report sa takdang oras, paglalaan ng mas mahabang oras ng pagtuturo sa mga

mahihirap na paksa, pagbabasa ng iba pang aklat maliban sa textbook upang maunawaan ganap

ang paksang tinatalakay. Makikita ang makabuluhang relasyong ito mula sa tinuos na

correlational value mula 0.17 hanggang 0.09 at level of significance mula 0.03 hanggang 0.00.

Nangangahulugan lamang na ang mga respondent na nasa Baitang 7 hanggang 12 ay may

katulad na positibong pananaw ukol sa gawi ng pagtuturo ng mga guro sa asignaturang Filipino.

Mahihinuha pa rin sa Talahanayan 10 na ang edukasyon ng ina ng mga respondent na

mag-aaral ay mayroong positibo at makabuluhang kaugnayan sa kanilang pananaw ukol sa gawi

ng pumapasok sa paaralan sa tamang oras, naghahanda ng banghay-aralin habang may seatwork

ang mga mag-aaral, organisado ang mga gawain upang makatipid sa oras, naghahanda ng

instructional material o visual aid araw-araw, nagbibigay ng napakahirap na gawain para

palipasin ang oras, humihingi ng tulong mula sa ibang guro para maintindihan ang mga

komplikadong bagay, at nagtturo kahit masama ang pakiramdam. Ang mahalaga at positibong

ugnayang ito ay batay sa resulta ng tinuos na correlational value mula 0.22 hanggang sa 0.08 at

level of significance mula 0.05 at 0.0. Nangangahulugan lamang ito na ang pagkakaraoon ng

edukadong ina ay nakatutulong upang magkaroon ng positbong pananaw ang mga mag-aaral sa

gawi ng kani-kanilang mga guro sa Filipino.

Ang edukasyon ng ama ng mga mag-aaral ay mayroon ding mahalaga at paositibong

kaugnayan sa pananaw ng mga mag-aaral ukol sa gawi sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino.

Partikular na mayroong mahalagang ugnayan sa edukasyon ng ama ang gawi ukol sa humihingi

ng tulong mula sa ibang guro para maintindihan ang mga komplikadong bagay, nagbibigay ng

project sa tamang oras at panahon, nagbibigay ng napakahirap na gawain para palipasin ang oras,

nagbibigay ng takdang aralin sa tamang oras, naghahanda ng banghay-aralan habang may


42

seatwork ang mga mag-aaral, naglalaan ng mas mahabang oras ng pagtuturo sa mga mahihirap

na paksa, organisado ang mga gawain upang makatipid sa oras, araw-araw na naghahanda ng

banghay-aralin, nagsusumite ng report sa takdang oras. Makikita ang mahalagang ugnayang ito

sa tinuos na correlational value mula 0.25 hanggang sa 0.11 at level of significance mula 0.01

hanggang 0.00. Nangangahulugan lamang ito na ang positibong pananaw ng mga mag-aaral ukol

sa gawi ng pagtuturo ng mga guro sa Filipino ay naapektuhan ng edukasyon ng kani-kanilang

mga ama.

Ang paaralang pinapasukan ng mga mag-aaral na respondent ay mayroon ding

makabuluhan at positibong kaugnayan sa pananaw ng mag respondent ukol sa gawi ng pagtuturo

ng mga guro sa Filipino. Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayan paaralang

pinapasukan sa mga gawing may kuugnayan sa organisado ang mga gawain upang makatipid sa

oras, nagbibigay ng project sa tamang oras at panahon, nagbabasa ng iba pang aklat maliban sa

textbook upang maunawaan ganap ang paksang tinatalakay, pumapasok sa paaralan sa tamang

oras, nagbibigay ng takdang aralin sa tamang oras, humihingi ng tulong mula sa ibang guro para

maintindihan ang mga komplikadong bagay, naghahanda ng instructional material o visual aid

araw-araw, naghahanda ng banghay-aralan habang may seatwork ang mga mag-aaral,

nagsusumite ng report sa takdang oras, at araw-araw na naghahanda ng banghay-aralin,

sumusunod sa nakatakdang oras para sa klase. Makikita ang makabuluhan at positibong

kaugnayang ito sa tinuos na correlational value mula 0.37 hanggang sa 0.10 at level of

significance mula 0.03 at 0.00. Nangangahulugan lamang na ang mga respondent mula sa

pampubliko at pampribadong paaralan ay may magkatulad na positibong pananaw ukol sa gawi

ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino.


43

Ipinakikita rin ng Talahanayan 12 ang mahalaga at positibong ugnayan ng marka ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino at ang gawi ng mag guro sa pagtuturo nito na makikita sa

tinuos na correlational value mula 0.33 hanggang 0.09 at level of significance mula 0.03 at 0.00.

Partikular na mayroong mahalaga at positibong kaugnayan ang marka ng mga mag-aaral sa gawi

ng pagtuturo sa Filipino na may kaugnayan sa mga pahayag na iginagalang ang pananaw at ideya

ng mga mag-aaral at kapwa guro, sumusunod sa nakatakdang oras para sa klase, nagbibigay ng

takdang aralin sa tamang oras, naglalaan ng mas mahabang oras ng pagtuturo sa mga mahihirap

na paksa, naglalaan ng mas mahabang oras ng pagtuturo sa mga mahihirap na paksa, humihingi

ng tulong mua sa isang guro para maintindihan ang mga komplikadong bagay, nagbabasa ng iba

pang aklat maliban sa textbook upang maunawaan ganap ang paksang tinatalakay, araw-araw na

naghahanda ng banghay-aralin, pumapasok sa paaralan sa tamang oras, organisado ang mga

gawain upang makatipid sa oras, nagsusumite ng report sa takdang oras, pumapasok sa paaralan

sa tamang oras, naghahanda ng instructional material o visual aid araw-araw, naghahanda ng

banghay aralin habang may seatwork ang mga mag-aaral. Nangangahulugan ito na habang

tumataas ang marka ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay nagiging mas positibo ang

kanilang pananaw ukol sa gawi sa pagtuturo ng asignaturang Filipino.


44
45

Ang Talahanayan 11 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga gurong respondent at

ang kanilang gawi sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Makikita mula sa Talahanayan na ang

kalagayang sibil at kursong tinapos ng mga guro ay walang mahalagang ugnayan sa kanilang

gawi sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Dahil dito, ang hinuha o hyphotesis ng pag-aaral ay

tinatanggap at pinagtitibay.

Makikita pa rin sa Talahanayan na ang edad 21-25 ng mga gurong respondent ay

mayroong mahalaga subalit negatibong kaugnayan sa gawi ng mga guro sa pagbabasa ng iba

pang aklat maliban sa textbook upang maunawaang ganap ang paksang tinatalakay. Makikita ang

mahalaga subalit negatibong kaugnayan sa tinuos na correlational value na -0.32 at level of

significance na 0.03. Nangangahulugan ito na habang nagkakaedad ang mga guro sa Filipino ay

bumababa naman ang pagkakataong sila ay nagbabasa ng iba pang aklat maliban sa batayang

aklat upang maunawaang ganap ang paksang tinatalakay.

Mahihinuha pa rin sa Talahanayan na mayroon namang mahalaga at positibong

kaugnayan ang babaeng gurong respondent sa kanilang gawi sa pagtuturo ng asignaturang

Filipino ukol sa pagsusumite ng mga report sa takdang oras. Makikita ang ugnayang ito sa
46

resulta ng tinuos na correlational value na 0.37 at level of significance na 0.01.

Nangangahulugan ito na ang gurong babae ay mayroong pasitibong pagtugon ukol sa paglalaan

nila ng oras upang magsumite ng report sa takdang oras.

Nagpapakita rin ng makabuluhan at positibong relasyon ang pinakamataas na edukasyon

ng mga gurong respondent sa araw-araw na paghahanda ng kagamitang panturo. Makikita ang

makabuluhan at positibong ugnayang ito sa tinuos na correlational value na 0.34 at level of

significance na 0.02. Nangangahulugan ito na habang tumataas ang edukasyon ng mga guro ay

mas nagiging positibo ang kanilang gawi sa paghahanda ng kagamitang panturo. Sa Kabilang

dako, makikita rin sa Talahanayan ang makabuluhan subalit negatibong kaugnayan ng

pinakamataas na edukasyon ng mga respondent sa gawi ng mga ito sa paglalaan ng mahabang

oras upang ituro ang mahihirap na paksa. Ang relasyong ito ay ipinakikita ang tinuos na

correlational value na -0.25 at level of significance na 0.03. Nangangahulugan ito na habang

tumataas ang edukasyon ng mga gurong respondent ay nababawasan naman ang oras na kanilang

inilalaan upang ituro ang mga mas mahihirap na paksa sa asignaturang Filipino.
47
48

Ang Talahanayan 12 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga respondent na mag-

aaral at ang kanilang pananaw ukol sa kabisaan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Makikita

mula sa Talahanayan na ang kasarian ng mga babaeng respondent ay mayroong makabuluhan at

positibong kaugnayan sa commitment ng mga guro sa Filipino partikular sa pagpapakilala at

pag-abot sa layunin ng pag-aaral, pagbibigay ng mga karadagang babasahin upang mapabuti ang

pagtuturo, paglalahok ng mabubuting pag-uugali sa mga paksang tinatalakay at paglalaan ng oras

para sa konsultasyon. Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayang ito sa tinuos na

correlational value mula 0.09 hanggang 0.13 at level of significance mula 0.00 hanggang 0.03.

Nangangahulgan ito na ang mga babae at LGBT na mga respondent ay mayroon ding parehong

positibong pananaw ukol sa kakayahang nabanggit.

Makikita rin sa Talahanayan na ang baitang ng mga respondent ay mayroong

makabuluhan at positibong relasyon sa commitment ng mga guro sa Filipino partikular sa

pagkunsulta ng mga ito sa tamang tao o opisina kaugnay ng pangangailangan ng mga mag-aaral

na ipinakikita ng correlational value na 0.09 at level of significance na 0.04. Nangangahulugan

ito na habang tumataas ang baitang ng mga mag-aaral, mas nagiging positibo ang kanilang

pananaw ukol sa kasanayan ng kanilang guro sa Filipino partikular sa nabanggit na tungkulin.


49

Ang Talahanayan ay nagpapakita pa rin ng makabuluhan at positibong kaugnayan ang

edukasyon ng ina sa pananaw ng mga mag-aaral ukol sa commitment ng kani-kanilang guro sa

Filipino partikular ang paglalahok ng mabubuting pag-uugali sa mga paksang tinatalakay,

paglalaan ng oras para sa konsultasyon ng mga mag-aaral, paghikayat ang mga mag-aaral na

paghusayin ang pag-aaral, pagbibigay ng mga karagdagang babasahin o gawain upang mapabuti

ang pagtuturo pagsunod sa itinakdang oras ng pagkaklase, pagpapakita ng pagnanais na matuto

pa ng mga makabagong ideya at impormasyon. Makikita ang makabuluhan at positibong

ugnayan ng mga ito sa tinuos na correlational value mula 0.29 at 0.09 at level of significance na

hindi tataas sa 0.04. Nangangahulugan lamang na ang edukasyon ng ina ng mga mag-aaral ay

mayroong positibong kaugnayan sa pananaw ng mga mag-aaral ukol sa mga nabanggit na

kasanayan ng kani-kanilang guro sa Filipino.

Ang edukasyon ng ama ng mga respondent ay nagpapakita rin ng makabuluhan at

positibong kaugnayan sa pananaw ng mga mag-aaral ukol sa commitment ng kanilang guro sa

asignaturang Filipino partikular ang paglalaan ng oras para sa konsultasyon ng mga mag-aaral,

pagpapakilala at pag-abot sa layunin ng pag-aaral at pagkonsulta sa mga tamang tao o opisina

kaugnay ng pangangailangan ng mga mag-aaral. Makikita ang makabuluhan at positibong

ugnayan ng mga ito sa tinuos na correlational value na 0.40 hanggang sa 0.12 at level of

significance na hindi tataas sa 0.01. Nangangahulugan lamang ito na ang edukasyon ng ama ng

mga respondent ay mayroong positibong epekto sa pananaw ng mga mag-aaral sa kasanayan ng

mga guro sa mga nabanggit na pahayag.

Makabuluhan at positibo rin ang relasyon ng paaralang pinapasukan at ang pananaw ng

mga mag-aaral sa commitment ng mga guro sa Filipino partikular sa pagbibigay ng karagdagang

babasahin upang mapabuti ang pagtuturo, paglalaan ng oras para sa konsultasyon, pagpapakilala
50

at pag-abot sa mga layunin ng pagtuturo, pagsunod sa itinakdang oras ng pagkaklase at

paghikayat sa mga mag-aaral na pagbutihin pa ang pag-aaral. Makikita ang makabuluhan at

positibong ugnayang ito sa tinuos na correlational value na 0.30 at 0.11 at level of significance

na hindi tataas sa 0.02. Nangangahulugan lamang ito na ang paraalang pinapasukan ay mayroong

positibong epekto sa pananaw ng mga mag-aaral ukol sa kasanayan ng mga guro sa Filipino

partikular sa mga nabanggit na pahayag.

Ang marka ng mga mag-aaral sa Filipino ay mayroon ding makabuluhan at positibong

kaugnayan sa kanilang pananaw ukol sa kasanayan ng mga guro sa Filipino partikular sa

pagbibigay ng mga karagdagang babasahin o gawain upang mapabuti ang pagtuturo, pagpapakita

ng pagnanais na matuto pa ng mga makabagong ideya at impormasyon, pagkunsulta ang

pangngailangan ng mga mag-aaral sa wastong tao o opisina, paglahok ng mabubuting pag-uugali

sa mga paksang tinatalakay, pagpapakilala at pag-abot ang layunin ng pag-aaral, paghikayat ang

mga mag-aaral na paghusayin ang pag-aaral, paglalaan ng oras para sa konsultasyon ng mga

mag-aaral, Ang makabuluhan at positibong kaugnayang ito ay makikita sa resulta ng tinuos na

correlational value mula 0.09 hanggang 0.24 at significance level mula 0.00 hanggang 0.04.

Nangangahulugan ito na habang tumataas ang marka ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino

ay nagiging mas positibo ang pananaw ng mga mag-aaral sa kasanayan ng guro sa Filipino

kaugnay ng mga kasanayang nabanggit.


51
52

Ang Talahanayan 13 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga respondent na guro at

ang kabisaan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Makikita mula sa Talahanayan na walang

mahalagang ugnayan ang edad, kasarian at pinakamataas na edukasyon ng mga guro sa kabisaan

ng mga ito sa pagtuturo partikular sa commitment. Nangangahulugan lamang na ang mga ito ay

walang impluwensiya sa commitment ng mga guro sa Filipino. Dahil dito, ang hinuha o

hypothesis ng pag-aaral ay tinatanggap at pinagtitibay.

Sa kabilang dako, makikitang mayroong makabuluhan at positbong ugnayan ang

kalagayang sibil ng mga respondent na guro ukol sa paglalaan ng oras para sa konsultasyon ng

mga mag-aaral na makikita sa tinuos na correational value na 0.34 at level of significance na

0.03. Nangangahulugan lamang ito na ang ang mga gurong walang asawa ay mayroong

positibong kaugnayan sa kabisaan sa pagalalaan ng oras para sa konsultasyon ng mga mag-aaral

at ang pananaw ng mga guro sa kabisaan ng mga guro sa nasabing pahayag ay masasabing pare-

pareho.

Mayroon ding makabuluhan at positibong kaugnayan ang kursong tinapos sa kabisaan

ng mga guro sa paghikayat sa mga mag-aaral na paghusayin ang pag-aaral at pagkonsulta sa

tamang tao o opisina kaugnay ng pangangailangan ng mga mag-aaral na makikita sa tinuos na


53

correlational value mula 0.40 at 0.31 at level of signifiance mula 0.04 hanggang 0.01.

Nangangahulugan lamang ito na ang respondent na nagtapos sa mga kursong BSEd medyor sa

English, ang mga nagtamo ng yunit sa Filipino at BEEd medyor sa Filipino ay mayroong

parehong positibong pananaw ukol sa mga nabanggit na kasanayan ng mga guro.


54

Ang Talahanayan 14 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga mag-aaral at ang

kabisaan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino batay sa kaalaman sa paksang aralin. Makikita

mula sa Talahanayan na mayroong positibo at makabuluhang ugnayan ang kasarian ng mga mag-

aaral sa kabisaan ng pagtuturo ng mga guro sa Filipino partikular sa iniuugnay ang paksa sa mga

totoong pangyayari sa buhay at lipunan, paglalahad ang paksa sa paraang maayos, malinaw at

madalaing maunawaan, pagbuod ang paksa at lumikha ng paglalahat, pagbibigay ng mga

makabagong impormasyon sa kanyang larangan, pagbabahagi ng mga suliraning may kaugnayan

sa paksa, pagbabahagi ng mga suliraning may kaugnayan sa paksa, pagiging mahusay sa wikang

ginagamit sa pagtuturo, pagpapaliwanag ang paksang aralin gamit ang iba’t ibang kagamitang

panturo gaya ng tsart, diagram, visual aid. Makikita ang makabuluhan at positibong kaugnayan

ng mga pahayag sa isa’t isa batay sa tinuos na mean rating mula 0.09 hanggang 0.17.

Nangangahulugan ito na ang mga babae at LGBT na respondent ay mayroong parehong

positibong pananaw ukol sa kabisaan ng mga guro partikular sa kaalaman sa paksang aralin.

Makikita pa rin sa Talahanayan na mayroong makabuluhan at positibong kaugnayan ang

baitang ng mga mag-aaral at sa kabisaan ng mga guro sa Filipino partikular sa kaalaman sa

paksang aralin at sa pahayag na paglalahad sa paksa sa paraang maayos, malinaw at madaling


55

maunawaan, at pagbibigay ng makabagong impormasyon sa Filipino. Makikita ang makabuluhan

at positibong ugnayan ng mga ito sa resulta ng tinuos na correlational value na 0.10 at level of

significance mula 0.02 hanggang 0.03. Nangangahulugan lamang ito na habang tumataas ang

baitang ng mga respondent ay mas tumataas ang kanilang pananaw ukol sa kabisaan ng mga

guro sa Filipino kaugnay ng mga nabanggit na kasanayan.

Ipinakikita rin ng Talahanayan ang makabuluhan at positibong relasyon ng edukasyon ng

ina ng mga mag-aaral sa kani-kanilang pananaw ukol sa kabisaan ng mga guro sa Filiipino

partikular sa mahusay sa wikang ginagamit sa pagtuturo, ipinaliliwanag ang paksang-aralin

gamit ang iba’t-ibang kagamitang panturo gaya ng tsart, diagram, visual aid, ibinubuod ang

paksa a lumilikha ng paglalahat at inilalahad ang paksa sa paraang maayos, malinaw at madaling

maunawaan. Makikita ang makabuluhan at positibong relasyon ng mga ito sa resulta ng tinuos na

correlational value n 0.29 at 0.10 at level of significance mula 0.04 at 0.00. Nangangahulugan

lamang ito na ang edukasyon ng ina ay mayroong positibong epekto sa pananaw ng mga mag-

aaral ukol sa mga nabanggit napahayag.

Ang Talahanayan ay nagpapakita rin sa makabuluhan at positibong ugnayan ng

edukasyon ng ama kaugnay ng pananaw ng mga mag-aaral ukol sa kabisaan ng mga guro sa

Filipino partikular sa pahayag na pagpapaliwanag ang paksang aralin gamit ang iba’t ibang

kagamitang panturo gaya ng tsart, diagram, visual aid, pagiging mahusay sa wikang ginagamit sa

pagtuturo at pagbubuod sa paksa at lumikha ng paglalahat. Makikita ang makabuluhan at

positibong ugnayan ng mga ito sa resulta ng tinuos na correlational value na 0.20 at 0.17 at level

of significance na 0.00. Nangangahulugan lamang ito na ang edukasyon ng ama ng mga

respondent ay mayroong positibong kaugnayan sa pananaw ng mga mag-aaral kaugnay ng

nabanggit na kaanayan.
56

Ang paaralang pinapasukan ng mga mag-aaral ay mayroong ding makabuluhan at

positibong kaugnayan sa kabisaan ng mga guro sa Filipino batay sa mga pahayag na pagbibigay

ng mga makabagong impormasyon sa kanyang larangan at pagbubuod ng paksa, pagbubuod ang

paksa at limkha ng paglalahat, pagpapaliwanag nang mabuti ang paksa, pag-uugnay ang paksa

sa mga totoong pangyayari sa buhay at lipunan, paglalahad ang paksa sa paraang maayos,

malinaw at madalaing maunawaan, at at lumikha ng paglalahat na ipinakikita ng tinuos na

correlational value mula 0.17 at 0.00 level of significance. Nangangahulugan lamang ito na ang

paaralang pinapasukan ng mga mag-aaral ay mayroong positibong epekto sa pananaw ng mga

mag-aaral ukol sa kabisaan ng mga guro sa Filipino.

Makikita pa rin sa Talahanayan na ang marka ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino

ay mayroong makabuluhan at positibong kaugnayan sa kabisaan sa pagtuturo nito batay sa

kaalaman sa paksang aralin lahat ng pahayag na kasanayan. Makikita ang makabuluhan at

mahalagang ugnayang ito sa resulta ng tinuos na correlational value na 0.29 at 0.9 at level of

confidence na hindi tataas sa 0.05. Nangangahulugan lamang ito na habang tumataas ang grado

ng mga mag-aaral ay higit na nagiging positibo ukol sa kabisaan ng mga namumuno sa mga

sekondarya parikular ang kaalaman sa paksang aralin.


57
58

Ang Talahanayan 15 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga respondent na guro sa

kabisaan ng pagtuturo sa asignaturang Filipino batay sa Kaalaman sa Paksang Aralin. Makikita

mula sa Talahanayan na ang kasarian, kursong tinapos, at pinakamataas na edukasyon ay walang

makabuluhang ugnayan sa kabisaan ng pagtuturo ng mga guro sa Filipino. Nangangahulugan ito

na ang kabisaan sa pagtuturo ng Filipino ay hindi naaapektohan ng kasarian, kursong tinapos at

pinakamataas na edukasyong natamo ng mga guro.

Makikita pa rin sa Talahanayan na ang edad ay mayroong mahalaga at positibong

relasyon sa kabisaan ng mga guro sa Filipino lalo na sa paglalahad ng paksa sa paraang maayos,

malinaw at madaling maunawaan at pag-uugnay sa paksa sa mga totoong nangyayari sa lipunan

at buhay. Makikita ang makabuluhan at positibong relasyong ito sa resulta ng tinuos na

correlational value mula 0.46 at 0.33 level of confidence mula 0.00 hanggang 0.04.

Nangangahulugan ito na habang nagkakaedad ang mga guro ay mas tumataas din ang kanilang

kabisaan sa mga nabanggit na gawain sa pagtuturo.

Mayroon ding makabuluhan at positibong relasyon ang kalagayang sibil ng mga

respondent na guro sa kanilang kabisaan sa pagtuturo ng Filipino partikular sa kahusayan sa pag-

uugnay ng paksa sa ma totoong pangyayari sa buhay at lipunan at ipinaliliwanag nang mabuti

ang paksa. Makikita ang makabuluhan at positibong relasyong ito sa resulta ng tinuos na

correlational value mula 0.50 at 0.13 at level of confidence mula 0.00 hanggang 0.05.

Nangangahulugan ito na ang mga respondent na may asawa at balo ay may magkatulad na antas

ng kabisaan sa pagtuturo ng Filipino partikular sa kaalaman sa paksang aralin.


59
60

Ang Talahanayan 16 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga mag-aaral at ang

kanilang pananaw sa kabisaan ng pagtuturo ng mga guro sa Filipino kaugnay ng pagtuturo para

sa independent na pagkatuto.

Makikita mula sa Talahanayan na ang kasarian ng mga respondent ay mayroong

makabuluhan at positibong kaugnayan sa paggalang ang opinyon at pananaw ng mga mag-aaral

habang isinasaalang-alang ang responsibilidad na kaakibat ng kanilang ideya, Kasanayan sa

pagpapataas ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng wastong pagkilala sa

kanilang kakayahan, paghikayat ang pag-aaral kahit sa labas ng paaralan, paghahanda ang mga

mag-aaral para sa independent na pag-aaral, paghihikayat sa pag-aaral kahit s labas ng ng

paaralan, pagbibigay ng gawaing humahamon sa analitikal na pag-iisip ng mga mag-aaral,

paglalaan ng oras para sa interaktibong talakayan at kooperatibong pagkatuto gamit ang wikang

Filipino, paggamit ng mga estratehiyang nakatutulong upang mapaunlad ng mga mag-aaral ang
61

kanilang kaalaman. Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayan ito sa resulta ng tinuos na

correlational value na 0.18 at 0.10 at level of significance mula 0.00 hanggang 0.02.

Nangangahulugan ito na ang kasarian ng mga mag-aaral ay mayroong positibong epekto ukol sa

kabisaan ng mga guro sa Filipino para sa independent na pagkatuto ng mga mag-aaral.

Nagpapakita rin ng makabuluhan at positibong relasyon ang baitang ng mga mag-aaral sa

kanilang pananaw ukol sa kabisaan ng mga guro sa Filipino ukol sa pagtuturo para sa

independent na pagkatuto partikular sa pagpapataas ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng wastong pagkilala sa kanilang kakayahan at pagbibigay ng gawaing

humahamon sa analitikal na pag-iisip ng mga mag-aaral Makikita ang makabuluhan at

positibong ugnayan ito sa resulta ng tinuos na correlational value na 0.11 at 0.09 at level of

significance mula 0.01 hanggang 0.04. Nangangahulugan ito na ang mga respondent mula Grade

8 hanggang Grade 12 ay katulad din ng mga mag-aaral sa Grade 7 na mayroong positibong

pananaw ukol sa kabisaan ng kani-kanilang guro sa Filipino sa pagtuturo ng independent na

pagkatututo.

Makikita pa rin sa Talahanayan na ang edukasyon ng ina ay mayroon ding makabuluhan

at positibong kaugnayan sa kabisaan ng mga guro sa Filipino para sa pagtuturo ng independent

na pagkatuto partikular sa paghahanda ang mga mag-aaral para sa independent na pag-aaral,

paggamit ng mga estratehiyang nakatutulong upang mapaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang

kaalaman at kasanayan, pagpapataas ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng

wastong pagkilala sa kanilang kakayahan, paghikayat ang pag-aaral kahit sa labas ng paaralan at

paggalang ang opinyon at pananaw ng mga mag-aaral habang isinasaalang-alang ang

responsibilidad na kaakibat ng kanilang ideya. Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayan

ito sa resulta ng tinuos na correlational value na 0.14 at 0.08at level of significance mula 0.00
62

hanggang 0.04. Nangangahulugan ito na ang ang ang edukasyon ng ina ay mayroong positibong

epekto ukol sa pananaw ng mga mag-aaral sa kabisaan ng mga guro para sa pagtuturo ng

independent na pagkatuto.

Ang edukasyon ng ama ay mayroon ding makabuluhan at positibong kaugnayan sa

kabisaan sa pagtuturo ng asignaturang Filipino partikular sa kabisaan sa paggamit ng mga

estratehiyang nakatutulong upang mapaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at

kasanayan, pagpapataas ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng wastong

pagkilala sa kanilang kakayahan, paghikayat ang pag-aaral kahit sa labas ng paaralan, paglalaan

ng oras para sa interaktibong talakayan at kooperatibong pagkatuto gamit ang wikang Filipino,

paghahanda sa kapaligirang humihikayat sa mga mag-aaral na maghayag ng suliranin at solusyon

para dito, paggalang ang opinyon. Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayan ito sa

resulta ng tinuos na correlational value na 0.18 at 0.10 at level of significance mula 0.00

hanggang 0.02. Nangangahulugan ito na ang edukasyon ng ama ay mayroong positibong epekto

sa pananaw ng mga mag-aaral ukol sa kabisaan ng mga guro sa pagtuturo para sa independent na

pagkatuto.

Mahihinuha pa rin mula sa Talahanayan na ang paaralang pinapasukan ng mga mag-

aaral ay mayroong makabuluhan at positibong kaugnayan sa kabisaan ng mga guro sa Filipino

partikular sa paghahanda sa kapaligirang humihikayat sa mga mag-aaral na maghayag ng

suliranin at solusyon para dito, paghihikayat ng pag-aaral kahit sa labas ng paaralan, paggalang

ang opinyon at pananaw ng mga mag-aaral habang isinasaalang-alang ang responsibilidad na

kaakibat ng kanilang ideya at paghikayat ang pag-aaral kahit sa labas ng paaralan, paghahanda

ang mga mag-aaral para sa independent na pag-aaral, paggamit ng mga estratehiyang

nakatutulong upang mapaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman at kasanayan,


63

pagbibigay ng gawaing humahamon sa analitikal na pag-iisip ng mga mag-aaral, pagpapataas

ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng wastong pagkilala sa kanilang

kakayahan at ipinakikita ang makabuluhan at positibong relasyon ng paaaralang pinapasukan at

ang kabisaan ng guro sa paglalaan ng oras para sa interaktibong talakayan at kooperatibong

pagkatuto gamit ang wikang Filipino. Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayan ito sa

resulta ng tinuos na correlational value na 0.40 at 0.17 at level of significance na 0.00.

Nangangahulugan ito na ang mga mag-aaral sa pribado at pampublikong paaralan ay mayroong

magkatulad na positibong pananaw ukol sa kabisaan ng mga guro sa pagtuturo para sa

independent na pagkatuto.

Ang marka ng mga mag-aaral sa Filipino ay nagpapakita rin ng makabuluhan at

positibong relasyon sa kabisaan ng mga guro sa Filipino sa pagtuturo para sa independent na

pagkatuto. Mayroong makabuluhang ugnayan ang marka ng mga mag-aaral ukol sa kanilang

pananaw sa kabisaan ng mga guro sa paggalang ang opinyon at pananaw ng mga mag-aaral

habang isinasaalang-alang ang responsibilidad na kaakibat ng kanilang ideya at paghikayat ang

pag-aaral kahit sa labas ng paaralan, pagpapataas ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng wastong pagkilala sa kanilang kakayahan, paghihikayat ng pag-aaral kahit sa

labas ng paaralan, pagbibigay ng gawaing humahamon sa analitikal na pag-iisip ng mga mag-

aaral, paggamit ng mga estratehiyang nakatutulong upang mapaunlad ng mga mag-aaral ang

kanilang kaalaman at kasanayan, paglalaan ng oras para sa interaktibong talakayan at

kooperatibong pagkatuto gamit ang wikang Filipino. Makikita ang makabuluhan at positibong

ugnayan ito sa resulta ng tinuos na correlational value na 0.30 at 0.14 at level of significance

na hindi tataas sa 0.01. Nangangahulugan ito na ang ang marka ng mga mag-aaral sa
64

asignaturang Filipino ay nakatutulong upang magkaroon sila ng positibong pananaw ukol sa

kabisaan ng mga guro sa Filipino sa pagtuturo para sa independent na pagkatuto.


65

Ang Talahanayan 17 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga guro at ang kabisaan

sa pagtuturo para sa independent na pagkatuto ng mga mag-aaral. Lumilitaw mula sa

Talahanayan na ang kasarian ay walang makabuluhang relasyon sa kabisaan ng mga guro sa

pagtuturo para sa independent na pagkatuto. Nangangahulugan ito na ang kasarian ay walang

epekto sa pagtuturo ng mga guro para sa independent na pagkatuto. Dahil dito, ang hinuha o

hypothesis ng pag-aaral ay tinatanggap at pinagtitibay.

Makikita pa rin sa Talahanayan na ang edad ng mga guro sa Filipino ay mayroong

makabuluhan at positibong relasyon sa kabisaan ng mga guro sa pagtuturo para sa independent

na pagkatuto. Partikular na makikita ang makabuluhang relasyon ng edad at kabisaan ng guro sa


66

paggalang ang opinyon at pananaw ng mga mag-aaral habang isinasaalang-alang ang

responsibilidad na kaakibat ng kanilang ideya, paghahanda sa kapaligirang humihikayat sa mga

mag-aaral na maghayag ng suliranin at solusyon para dito, pagpapataas ang tiwala sa sarili ng

mga mag-aaral sa pamamagitan ng wastong pagkilala sa kanilang kakayahan at paghikayat ang

pag-aaral kahit sa labas ng paaralan. Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayan ito sa

resulta ng tinuos na correlational value na 0.46 at 0.35 at level of significance na hindi tataas sa

0.02. Nangangahulugan ito na habang nagkakaedad ang mga respondent ay tumataas din ang

kabisaan ng mga ito sa pagtuturo para sa independent na pagkatuto.

Ang kalagayang sibil ng mga guro ay ay mayroon ding makabuluhan at positibong

kaugnayan sa kabisaan ng mga guro sa Filipino sa paggalang ang opinyon at pananaw ng mga

mag-aaral habang isinasaalang-alang ang responsibilidad na kaakibat ng kanilang ideya at

paghikayat ang pag-aaral kahit sa labas ng paaralan. Makikita ang makabuluhan at positibong

ugnayan ito sa resulta ng tinuos na correlational value mula 0.37 hanggang 0.42 at level of

significance mula 0.01 hanggang 0.02. Nangangahulugan ito na ang mga gurong may asawa o

balo ay may katulad na kabisaan sa mga gurong walang asawa ukol sa pagtuturo para sa

independent na pagkatuto.

Nagpapakita rin ng makabuluhan at positibong relasyon ang kursong tinapos ng mga

guro at ang kanilang kabisaan sa pagpapataas ang tiwala sa sarili ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng wastong pagkilala sa kanilang kakayahan. Makikita ang makabuluhan at

positibong relasyong ito sa resulta ng tinuos na correlational value na 0.45 at level of

significance na 0.01. Nangangahulugan ito na ang kursong tinapos ng mga guro ay mayroong

positibong epekto sa kanilang kabisaan sa pagtuturo para sa independent na pagkatuto.


67

Ang pinakamataas na edukasyon ng guro ay nagpapakita rin ng makabuluhan at

positibong relasyon sa kabisaan ng guro sa pagbibigay ng gawaing humahamon sa analitikal na

pag-iisip ng mga mag-aaral at paghahanda sa kapaligirang humihikayat sa mga mag-aaral na

maghayag ng suliranin at solusyon para dito. Makikita ang makabuluhan at positibong relasyon

ng mga ito sa resulta ng tinuos na correlational value mula 0.38 hanggang 0.40 at level of

significance na 0.02. Nangangahulugan ito na habang tumataas ang edukasyon ng mga guro ay

higit ding nagiging mabisa ang kanilang kasanayan para sa mga nabanggit na pahayag.
68

Ang Talahanayan 18 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga mag-aaral at ang

kabisaan ng pagtuturo sa asignaturang Filipino partikular sa pangangasiwa ng pagkatuto.

Limilitaw mula sa Talahanayan na ang kasarian ng mga mag-aaral ay mayroong makabuluhan at

positibong relasyon sa kabisaan ng mga guro sa paghikayat ang mga mag-aaral upang tumaas

ang tiwala sa sarili, paggamit at pagpapalit ng estratehiya ng pagtuturo kung kinakailangan,

paghikayat ang maayos, magalang at makatuwirang palitan ng ideya, pagpapanatili ng disiplina

at kaayusan sa loob ng silid-aralan, paglalaan ng oportunidad upang makapagbahaginan ng ideya

ang mga mag-aaral at paniniguradong mayroong ugnayan ang paksa at layunin ng pagtuturo.

Makikita ang makabuluhan at positibong kaugnayan ito sa resulta ng tinuos na correlational

value na 0.21 at 0.10 at level of significance na 0.00. Nangangahulugan lamang ito na ang mga
69

babae at LGBT ay katulad din ng mga lalaking mag-aaral na mayroong positibong pananaw ukol

sa kabisaan ng mga guro sa mga nabanggit na pahayag.

Makikita pa sa Talahanayan na mayroon ding makabuluhan at positibong relasyon ag

baitang ng mga mag-aaral at ang kabisaan sa pangangasiwa ng pagkatuto partikular sa kabisaan

ng mga guro sa pagganap ng iba’t ibang tungkulin kung kinakailangan (facilitator, resource

person, imbistigador at iba pa) upang makapagbahagi at makasuri ng mga ideya ang mga mag-

aaral, paniniguradong mayroong ugnayan ang paksa at layunin ng pagtuturo. Makikita ang

makabuluhan at positibong kaugnayan ito sa resulta ng tinuos na correlational value na 0.88 at

0.11 at level of significance mula 0.00 hanggang 0.04. Nangangahulugan lamang ito na ang mga

mag-aaral sa Baitang 8 hanggang 12 ay katulad din ng mga mag-aaral sa Baitang 7 na mayroong

positibong pananaw ukol sa kabisaan ng guro sa Filipino sa mga nabanggit na pahayag.

Nagpapakita ng makabuluhan at positibong relasyon ang edukasyon ng ina ng mga mag-

aaral sa kabisaan ng mga guro sa Filipino sa pangangasiwa ng pagkatuto. Partikular na mayroong

makabulugang relasyon ang edukasyon ng ina ng mga mag-aaral sa kabisaan ng mga guro sa

pagbibigay ng mapanghamon at angkop na mga pagsusulit, seatwork at mga takdang aralin,

pagganap ng iba’t ibang tungkulin kung kinakailangan (facilitator, resource person, imbistigador

at iba pa) upang makapagbahagi at makasuri ng mga ideya ang mga mag-aaral, paglalaan ng

oportunidad upang makapagbahaginan ng ideya ang mga mag-aaral, paghikayat ang mga mag-

aaral upang tumaas ang tiwala sa sarili, paniniguradong mayroong ugnayan ang paksa at layunin

ng pagtuturo at paghikayat ang maayos, magalang at makatuwirang palitan ng ideya. Makikita

ang makabuluhan at positibong kaugnayan ito sa resulta ng tinuos na correlational value na 0.26

at 0.09at level of significance na hindi tataas sa 0.03. Nangangahulugan lamang ito na ang ang
70

edukasyon ng ina ay mayroong positibong epekto sa pananaw ng mga mag-aaral sa kabisaan ng

mga guro sa Filipino sa pagsasagawa ng mga nabanggit na pahayag.

Makikita pa rin sa Talahayan 19 na mayroong makabuluhan at positibong relasyon ang

edukasyon ng ama ng mga mag-aaral sa kabisaan sa pangangsiwa ng pagkatuto ng mga guro sa

Filipino. Partikular ito sa mga pahayag na pagbibigay ng mapanghamon at angkop na mga

pagsusulit, seatwork at mga takdang aralin, pagganap ng iba’t ibang tungkulin kung

kinakailangan (facilitator, resource person, imbistigador at iba pa) upang makapagbahagi at

makasuri ng mga ideya ang mga mag-aaral, paghikayat ang mga mag-aaral upang tumaas ang

tiwala sa sarili, paglalaan ng oportunidad upang makapagbahaginan ng ideya ang mga mag-aaral,

paniniguradong mayroong ugnayan ang paksa at layunin ng pagtuturo at paggamit at pagpapalit

ng estratehiya ng pagtuturo kung kinakailangan.Makikita ang makabuluhan at positibong

kaugnayan ito sa resulta ng tinuos na correlational value na 0.29 at 0.10 at level of significance

na hindi tataas sa 0.02. Nangangahulugan lamang ito na ang edukasyon ng ama ng mga mag-

aaral ay mayroong positibong epekto sa pananaw ng mga mag-aaral sa kabisaan ng mga guro sa

Filipino sa pagsasagawa ng mga nabanggit na pahayag.

Ang Talahanayan 18 ay nagpapakita rin ng makabuluhan at positibong kaugnayan sa

pagitan ng paaralang pinapasukan at marka sa asignaturang Filipino at ang kabisaan sa

pangangasiwa ng mga guro ng Filipino sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Partikular na mayroong

makabuluhan at positibong kaugnayan sa paaralang pinapasukan at marka sa asignaturang

Filipino ang kabisaan ng mga guro sa paghikayat ang maayos, magalang at makatuwirang palitan

ng ideya pagbibigay ng mapanghamon at angkop na mga pagsusulit, seatwork at mga takdang

aralin, paggamit at pagpapalit ng estratehiya ng pagtuturo kung kinakailangan, paghikayat ang

mga mag-aaral upang tumaas ang tiwala sa sarili, pagganap ng iba’t ibang tungkulin kung
71

kinakailangan (facilitator, resource person, imbistigador at iba pa) upang makapagbahagi at

makasuri ng mga ideya ang mga mag-aaral, paglalaan ng oportunidad upang makapagbahaginan

ng ideya ang mga mag-aaral, pagpapanatili ng disiplina at kaayusan sa loob ng silid-aralan,

paniniguradong mayroong ugnayan ang paksa at layunin ng pagtuturo. Makikita ang

makabuluhan at positibong relasyong ito sa tinuos na correlational value na 0.35 at 0.15 at level

if significance na hindi tataas sa 0.01 para sa paaralang pinapasukan at correlational value mula

0.08 hanggang 0.34 at level of significance na hindi tataas sa 0.03 para sa marka sa asignaturang

Filipino. Nangangahulugan lamang ito na ang mga mag-aaral sa pribado at pampublikong

paaralan ay mayroong magkatulad na positibong pananaw ukol sa kabisaan ng mga guro sa

pangangasiwa ng pagkatuto. Dagdag pa rito, habang tumataas din ang marka ng mga mag-aaral

sa asignaturang Filipino ay tumataas din ang kabisaan ng mga guro sa Filipino batay sa kanilang

pananaw.
72

Ang Talahanayan 19 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga guro sa kabisaan sa

pangangasiwa ng pagkatuto sa asignaturang Filipino. Makikita mula sa Talahanayan na ang

kasarian at kursong tinapos ay walang makabuluhang relasyon sa kabisaan ng mga guro sa

Filipino tungkol sa pangangasiwa ng pagkatuto. Dahil dito, ang hinuha o hypothesis ng pag-aaral

ay tinatanggap at pinagtitibay.

Makikita pa rin sa Talahanayan na ang edad ng mga guro ay mayroong makabuluhan at

positibong kaugnayan sa kabisaan ng mga guro sa paghihikayat sa mga mag-aaral na magtiwala

sa sarili at sa paniniguradong mayroong ugnayan ang paksa at layunin ng pagtuturo. Makikita

ang makabuluhan at positibong ugnayang ito sa tinuos na correlational value 0.44 at 0.41 at

level of significance na 0.01. Nangangahulugan lamang ito na habang nagkakaedad ang mga

guro ay tumataas din ang kabisaan ng mga ito sa mga nabanggit na pahayag.
73

Nagpapakita rin ng makabuluhan at positibong relasyon ang kalagayang sibil at ang

kabisaan ng mga guro sa pangangasiwa ng pagkatuto partikular sa paniniguradong mayroong

ugnayan ang paksa at layunin ng pagtuturo at pagpapanatili ng disiplina at kaayusan sa loob ng

silid-aralan. Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayang ito sa tinuos na correlational

value na 0.48 at 0.33 at level of significance na hindi tataas sa 0.04. Nangangahulugan lamang ito

na ang mga gurong mayroong asawa at/o balo ay katulad din ng mga gurong walang asawa na

mayroong mataas na kabisaan sa mga nabanggit na pahayag.

Ang pinakamataas na edukasyon ng mga guro sa Filipino ay nagpapakita rin ng

makabuluhan at positibong kaugnayan sa kabisaan ng mga guro sa paglalaan ng oportunidad

upang makapagbahaginan ng ideya ang mga mag-aaral. Makikita ang makabuluhan at positibong

ugnayang ito sa tinuos na correlational value na 0.33 at level of significance na 0.04.

Nangangahulugan lamang ito na habang tumataas ang edukasyon ng mga guro sa Filipino ay

tumataas din ang kabisaan ng mga ito sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na

makapaghagi ng ideya sa isa’t isa.


74
75

Ang Talahanayan 20 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga mag-aaral ay ang

kabisaan ng mga guro sa paraan ng pagtataya ng karunungan. Makikita mula sa Talahanayan na

walang makabuluhang ugnayan ang baitang ng mga mag-aaral sa kabisaan ng mga guro sa

pagtataya ng karunungan. Dahil dito, ang hinuha o hypothesis ng pag-aaral ay tinatanggap at

pinagtitibay.

Makikita pa rin sa Talahanayan 20 na ang kasarian ng mga mag-aaral ay mayroong

makabuluhan at positibong kaugnayan sa kabisaan ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang

Filipino partikular sa pagdebelop ang kakayahan sa pagsulat at pananalita, ang pagbibigay ng

mga pagsusulit na pasulat pagkatapos ng diskusyon, pagpaparole-play ng mga kalagayan o isyus

ng lipunan upang makita at lubos na maunawaan ang pinag-aaralan, pagbibigay ng pagkakataon

na pakinggan ang opinyon ng mga mag-aaral sa mga katanungan na maiuugnay nila sa kanilang

buhay, pagpapalabas ang kanilang kasiningan sa paglikha ng awit o tula na may kaugnayan sa
76

paksa, pagpapagawa ng mga repleksyon sa mga natutunan sa paksang-aralin, pagbibigay ng

mga pagkakataong kailangang manaliksik ng mga mag-aaral. Makikita ang makabuluhan at

positibong ugnayang ito sa tinuos na correlational value na 0.22 at .10 level of significance mula

0.00 hanggang 0.03. Nangangahulugan lamang ito na ang mga mag-aaral na babae at LGBT ay

katulad din ng mga mag-aaral na lalaking mayroong positibong pananaw ukol sa kabisaan ng

mga guro sa Filipino na may kaugnayan sa mga nabanggit na gawain sa pagtataya ng

karunungan.

Ipinakikita rin sa Talahanayan na ang edukasyon ng ina ay mayroong makabuluhan at

positibong kaugnayan sa kabisaan ng mga guro sa Filipino sa pagtataya ng karunungan.

Partikular ang makabuluhan at positibong relasyon na ito sa kabisaan ng guro sa pagpapagawa

ng mga repleksyon sa mga natutunan sa paksang-aralin, pagbibigay ng mga pagkakataong

kailangang manaliksik ng mga mag-aaral, pagbibigay ng mga pagsusulit na pasalita pagkatapos o

bago ang diskusyon at pagpapalabas ang kanilang kasiningan sa paglikha ng awit o tula na may

kaugnayan sa paksa. Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayang ito sa tinuos na

correlational value na 0.23 at 0.09 at level of significance mula 0.00 hanggang 0.05.

Nangangahulugan lamang ito na ang edukasyon ng ina ay mayroong positibong epekto sa

pananaw ng mga mag-aaral sa kabisaan ng kanilang guro partikular sa mga binanggit na gawain

sa pagtataya ng karunungan ng mga mag-aaral.

Ang edukasyon ng ama ng mga mag-aaral ay nagpapakita rin ng makabuluhan at

positibong relasyon sa kabisaan ng pagtataya ng karunungan ng mga guro sa Filipino. Partikular

na nagpapakita ng relasyon ang kabisaan ng mga guro sa pagbibigay ng mga pagsusulit na

pasalita pagkatapos o bago ang diskusyon, pagbibigay ng mga pagkakataong kailangang

manaliksik ng mga mag-aaral at pagpapagawa ng mga repleksyon sa mga natutunan sa paksang-


77

aralin. Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayang ito sa tinuos na correlational value na

0.13 at 0.12 at level of significance mula 0.00 hanggang 0.02. Nangangahulugan lamang ito na

ang edukasyon ng ama ay mayroong positibong epekto sa pananaw ng mga mag-aaral ukol sa

kabisaan ng mga guro sa mga binanggit na gawaing may kaugnayan sa pagtataya ng karunungan.

Ipinakikita rin sa Talahanayan 21 na ang paaralang pinapasukan at marka ng mga mag-

aaral sa Filipino ay mayroong makabuluhang relasyon sa kabisaan ng guro sa iba’t ibang

gawaing may kaugnayan sa pagtataya ng karunungan ng mga mag-aaral. Partikular na

makabuluhan at positibo ang relasyon ng paaralang pinapasukan at marka ng mga mag-aaral sa

kabisaan ng guro sa Filipino sa pagbibigay ng mga pagsusulit na pasulat pagkatapos ng

diskusyon, pagbibigay ng mga pagsusulit na pasalita pagkatapos o bago ang diskusyon,

pagpapagawa ng mga repleksyon sa mga natutunan sa paksang-aralin, pagbibigay ng

pagkakataon na pakinggan ang opinyon ng mga mag-aaral sa mga katanungan na maiuugnay nila

sa kanilang buhay, pagpapalabas ang kanilang kasiningan sa paglikha ng awit o tula na may

kaugnayan sa paksa, pagpaparole-play ng mga kalagayan o isyus ng lipunan upang makita at

lubos na maunawaan ang pinag-aaralan, pagbibigay ng mga pagkakataong kailangang

manaliksik ng mga mag-aaral at pagdebelop ang kakayahan sa pagsulat at pananalita.

Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayang ito sa tinuos na correlational value

mula 0.17 hanggang 0.25 at level of significance na 0.00 para sa paaralang pinapasukan at

correlational value mula 0.15 hanggang 0.37 at level of significance na hindi tataas sa 0.01 para

sa marka sa asignaturang Filipino. Nangangahulugan lamang ito na ang mga mag-aaral mula sa

pribado at pampublikong paaralan ay mayroong magkatulad na pananaw ukol sa mataas na

kabisaan ng mga guro sa Filipino na may kaugnayan pagtataya ng karunungan. Dagdag pa rito,
78

habang tumataas ang marka ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay nagiging mas positibo

rin ang pananaw ng mga ito sa kabisaan ng kani-kanilang mga guro sa pagtataya ng karunungan.
79

Ang Talahanayan 21 ay nagpapakita sa relasyon ng profile ng mga guro at ang kanilang

kabisaan sa pagtataya ng karunungan. Makikita mula sa Talahanayan na ang kasarian at kursong

tinapos ng mga guro ay walang makabuluhang relasyon sa kanilang kabisaan sa pagtataya ng

karunungan ng mga mag-aaral. Dahil dito, ang hinuha o hypothesis ng pag-aaral ay tinatanggap

at pinagtitibay.

Makikita pa rin naman sa Talahanayan 21 na ang edad ay mayroong makabuluhan at

positibong kaugnayan sa kabisaan ng mga guro sa Filipino sa pagpapaunlad sa kakayahan ng

mga mag-aaral na magsulat at magsalita. Makikita ang makabuluhan at positibong ugnayang ito

sa tinuos na correlational value na 0.31 at level of significance na 0.04. Nangangahulugan ito na

habang nagkakaedad ang mga guro ay mas tumataas ang kanilang kasanayan sa pagpapaunlad sa

kasanayan sa pagsasalita at pagsusulat ng mga mag-aaral.


80

Nagpapakita rin ng makabuluhan at positibong relasyon ang kalagayang sibil ng mga

guro at ang kanilang kabisaan sa pagpapaunlad sa kakayahan ng mga mag-aaral na magsulat at

magsalita pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na mapakinggan ang kanilang opinyon

ukol sa mga isyung may kaugnayan sa kani-kanilang buhay. Makikita ang makabuluhan at

positibong ugnayang ito sa tinuos na correlational value na 0.34 hanggang 0.36 at level of

significance na hindi tataas sa 0.04. Nangangahulugan ito na ang mga gurong may asawa at/o

balo ay mayroong parehong antas ng kabisaan sa pagsasagawa ng mga nabanggit na gawain

kaugnay ng pagtataya ng karunungan ng mga mag-aaral.

Mayroon ding makabuluhan at positibong relasyon ang pinakamataas na edukasyon at

ang kabisaan ng mga guro sa pagtataya ng karunungan ng mga mag-aaral partikular sa

pagbibigay ng pasulat at pasalitang pagsusulit bago o pagkatapos ng talakayan at pagpapagawa

ng mga repleksiyong papel ukol sa natutunan sa paksang aralin. Makikita ang makabuluhan at

positibong ugnayang ito sa tinuos na correlational value na 0.33 hanggang 0.37 at level of

significance na hindi tataas sa 0.04. Nangangahulugan ito na habang tumataas ang edukasyon ng

mga guro ay tumataas din ang kanilang kabisaan sa mga nabanggit na gawain sa pagtataya ng

karunungan ng kani-kanilang mga mag-aaral.

Talahayan 22. Relasyon ng Gawi at Kasanayan sa Pagtuturo ng Filipino batay sa


Pananaw ng mga Guro

Kasanayan sa Pagtuturo Gawi sa Pagtuturo


Correlation Value Level of Significance
Commitment 0.53* 0.04
ns
Kaalaman sa Paksang Aralin 0.18 0.13
Pagtuturo para sa Indipendent na Pagkatuto 0.32* 0.01
Pangangasiwa ng Pagkatuto 0.26* 0.04
Paraan ng Pagtataya ng Karunungan 0.45* 0.00
Ns- walang mahalagang ugnayan *-mayroong mahalagang ugnayan
81

Ang Talahanayan 22 ay nagpapakita sa relasyon ng gawi at kasanayan sa pagtuturo ng

Filipino batay sa pananaw ng mga guro. Makikita mula sa Talahanayan na ang gawi sa pagtuturo

ng mga guro sa Filipino ay mayroong mahalaga at positibong kaugnayan sa commitment,

pagtuturo para sa Indipendent na Pagkatuto, pangangasiwa ng Pagkatuto at kaalaman sa

paksang aralin. Makikita ang mahalaga at positibong ugnayang ito sa tinuos na correlational

value na 0.53 at 0.26 at level of significance na hindi tataas sa 0.04. Nangangahulugan lamang ito

na ang gawi sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino ay mayroong mahalagang epekto sa kanilang

commitment sa pagtuturo at sa paraan ng pagtataya ng karunungan ng mga mag-aaral.

Talahayan 23. Relasyon ng Gawi at Kasanayan sa Pagtuturo ng Filipino batay sa


Pananaw ng mga Mag-aaral
Kasanayan sa Pagtuturo Gawi sa Pagtuturo
Correlation Value Level of Significance
Commitment 0.59* 0.00
Kaalaman sa Paksang Aralin 0.51* 0.00
Pagtuturo para sa Indipendent na Pagkatuto 0.42* 0.00
Pangangasiwa ng Pagkatuto 0.37* 0.00
Paraan ng Pagtataya ng Karunungan 0.37* 0.00
ns- walang mahalagang ugnayan *-mayroong mahalagang ugnayan

Ang Talahanayan 23 ay nagpapakita sa kaugnayan ng gawi at karanasan sa pagtuturo ng

Filipino batay sa pananaw ng mga guro mismo sa Filipino. Lumilitaw mula sa Talahanayan na

batay sa pananaw ng mga guro, mayroong mahalaga at positibong kaugnayan ang gawi sa

pagtuturo sa kasanayan sa pagtuturo partikular sa commitment, kaaalaman sa paksang aralin,

pagtuturo para sa independent na pagkatuto, pangangasiwa ng pagkatuto at paraan ng pagtataya


82

ng karunungan. Makikita ang mahalaga at positibong ugnayang ito mula sa tinuos na

correlational value na 0.59 at 3.37 at level of significance na 0.00. Nangangahulugan ito na ang

gawi sa pagtuturo ng mga guro sa Filipino ay may malaking epekto sa kanilang kasanayan sa

pagtuturo ng asignaturang Filipino.

You might also like