You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Aurora
District of San Luis
BACONG ELEMENTARY SCHOOL

PERIODICAL TEST IN Filipino 5


QUARTER I

Pangalan: ______________________________________________ Puntos: _________________


Baitang at Seksyon: __________________________________ Petsa: __________________

Pagsusulit I. Isulat sa nakalaang kahon ang panggalan at panghalip sa pangungusap. Pumili lamang ng tig-iisa.

1-2. Kami ay masayang nag-aaral sa paaralan.


Pangngalan: ____________________ Panghalip: _____________________

3-4. Ang aking pangarap ay maging isang mabuting sundalo.


Pangngalan: ____________________ Panghalip: _____________________

5-6. Si Mario ay matalik kong kaibigan.


Pangngalan: ____________________ Panghalip: _____________________

7-8. Ang aking alagang aso ay maamo at mabait.


Pangngalan: ____________________ Panghalip: _____________________

9-10. Lahat ng guro ay mabuti, masipag at mapagmahal


Pangngalan: ____________________ Panghalip: _____________________

Pagsususulit II. Isulat sa kahon ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap.

11. Nag-aagaw buhay ang isang aso sa pagligtas niya sa kaniyang amo.

12. Matibay ang salumpuwit na inuupuan ni Kendy.

13. Sumakay si Juan sa salipawpaw patungong Alemanya.

14. Magkakaroon ng piging sa aming bahay dahil sa kaarawan ni Neni.

15. Napakasarap ang samyo ng mga bulaklak sa hardin nina Mang Kanor.

Pagsusulit III. Buuin ang talambuhay. (16-30)

Ang Aking _____________

Ako si _______________________________. Nakatira sa _________________________.


Ako ay _________na taong gulang. Ako ay nag-aaral sa ________________________________. Ang aking
magulang ay sina ______________________ at ___________________. Ako ay __________________ sa
_____________ na magkakapatid. Ang aking mga kapatid ay sina
__________________________________________________.

Ang paborito kong pagkain ay _______________________________. Ang paborito kong (mga) kulay ay
_________________________. Ang paborito kong paksa ay ______________________. Ako ay magaling
____________________________________.

Ang pangarap ko sa buhay ay maging isang _____________________ upang


__________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Pagsusulit IV. Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit ang masayang mukha
kung ikaw ay sang-ayon sa mga pahayag at iguhit naman ang malungkot na mukha
kung ikaw ay hindi sang-ayon. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

________31. Igalang ang mga nakatatanda.

________32. Maglaro maghapon gamit ang tablet.

________33. Tulungan ang magulang sa mga gawaing bahay.

________34. Panatilihin ang kalinisan sa katawan.

________35. Ang edukasyon ay ating kayamanan.

Pagsusulit V. Basahin at unawain ang teksto. Sagutan ang mga tanong.

Ikaw, ako, sila, lahat tayo ay nakakaramdam ng takot mula sa krisis na dulot ng Covid-19. Sino ba
ang hindi matatakot sa kalaban na hindi naman nakikita?

Salamat sa mga doktor, nars, sundalo, pulis, at iba pang frontliners na nagbubuwis ng kanilang
buhay upang protektahan tayo. Hindi matatawaran ang serbisyo nila sa lahat ng mga taong
nangangailangan ng kanilang tulong.

Tanging hiling lamang nila sa atin ay sumunod, protektahan ang ating sarili sa pamamagitan ng
paglalayo ng sarili sa iba, madalas na paghuhugas ng mga kamay at paggamit ng facemask sa tuwing
lalabas ng bahay.

Kaya ang ating pamahalaan ay nanawagan ng pakikiisa ng bawat tao sapagkat nakasalalay sa atin
ang buhay at kaligtasan ng mga nasa unang hanay at ng iba pang mamamayang Pilipino.

36. Ano ang paksa ng binasang teksto?

37. Sino-sino ang mga binanggit na frontliners?


38. Ano-ano ang naging epekto ng Covid-19 sa mga tao?

39. Bakit kailangang magtulungan ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya?

40. Bilang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang makaiwas sa Covid-19?

41 -43. Sa tatlong pangungusap, isalaysay muli ang nabasang teksto.

Bilang ng Mag-aaral na nagpatala sa In-Person Classes


70

60

50

40

30 65 60
55 54
20 45 43
35
10

0
Kinder Grade 1 Grade 2 Grade 3 Grade 4 Grade 5 Grade 6

44. Sa bar graph, anong baitang ang may pinakamataas na bilang ng mga mag-aaral ang nagpatala para sa in-
person classes?
a. Grade 1 b. Grade 2 c. Grade 5 d. Grade 6

45. Anong baitang ang may pinakamababang bilang ng mga mag-aaral na nagpatala para sa in-person classes?
a. Grade 1 b. Grade 2 c. Grade 3 d. Grade 5
Budget ng mga mag-aaral sa Ikalimang Baitang

10%
25%
15%

50%

Gamit sa Pag-aaral Pagkain


Pagsasaliksik sa Internet Gamit sa Proyekto

46. Saan mas nilalaan ng mga mag-aaral sa ikalimang baiting ang kanilang baon?
a. Gamit sa Pag-aaral c. Pagkain
b. Gamit sa Proyekto d. Pagsasaliksik sa Internet

47. Anong bahagi ay may pinakamaliit na pinaglalaanan ng mga mag-aaral?


a. Gamit sa Pag-aaral c. Pagkain
b. Gamit sa Proyekto d. Pagsasaliksik sa Internet

48. Ano ang tawag sa grapikong ito?


a. bar graph c. pie chart
b. line graph d. talahanayan

Baitang Bilang ng Nagpabakuna Bilang ng Hindi pa Nagpapabakuna


1 10 33
2 35 5
3 37 12
4 34 12
5 55 0
6 35 10

49. Anong baitang ang may maraming nabakunahan na mag-aaral kontra sa Covid-19?
a. Baitang 2 c. Baitang 4
b. Baitang 3 d. Baitang 5

50. Anong baitang ang may pinakamaraming hindi pa nababakunahan?


a. Baitang 1 c. Baitang 5
b. Baitang 4 d. Baitang 6

Prepared by: Noted by:

MARICRIS J. LANGA MARDEE JOY G. AUDAR EdD


MT-I OIC-School Head

You might also like