You are on page 1of 6

SUMMATIVE TEST 1

Bahagda Bilang ng Kinalalagyan ng


Mga Layunin CODE
n Aytem Bilang

makagagamit ng mga pang-abay sa


(F4WG-
paglalarawan ng kilos na tinatawag 25% 5 1-5
IIIa-C-6)
nating pang-abay na pamaraan

makagagamit ng pahiwatig upang


malaman ang kahulugan ng mga salita
(F4PS-IIIa-
tulad ng paggamit ng palatandaang 25% 5 6-10
1.8)
nagbibigay ng –kahulugan –
sitwasyong pinaggamitan

magagamit nang wasto ang


(F4PS-IIIa-
pang-angkop na na, -ng, at 25% 5 11-15
1.9)
-g sa pangungusap

Nakapagbibigay ng mahahalagang (F4PS-IIIa-


2) 25% 5 16-20
detalye mula sa binasang editoryal,

Kabuuan 100 20 1 – 20
GRADE IV – FILIPINO
SKAI KRU
SUMMATIVE TEST NO.1
GRADE IV – FILIPINO
Pangalan:___________________________________________ Grade and Section:_________

I. A. Basahin ang bawat pangungusap at salungguhitan ang mga pang-abay.


1. Si Lito ay maagang gumising.
2. Siya ay naligo at nagbihis nang maayos.
3. Mabilis siyang kumain ng kanyang almusal.
4. Nagmamadali siya sa paglakad dahil baka mahuli siya sa klase.
5. Palagi siyang nangunguna sa klase dahil masipag siyang mag-aral.

B. Bilugan ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa pangungusap.


6. Lubhang napagod sina Kara at Mia sa kanilang pamamasyal.
7. Dahan-dahang naglakad si Mark sa harapan ng mga guro.
8. Lubos na pinasalamatan ni Gng. Hilado ang kanyang mga kaibigan na bumati sa kanyang kaarawan.
9. Magalang na sumasagot si Bb. Rosa sa katanungan ng mga hurado sa patimpalak.
10. Sobrang – ingat na inilapag sa mesa ni Michaella ang plorera.

II. Basahin ang editoryal at punan ng mahahalagang detalye ang talaan sa ibaba.

Huwag Magpapaloko

Iwasan ang mga panghihikayat na mamuhunan ng malaking pera at pangakong maibabalik ang
mga ito nang doble o triple pa makalipas lamang ang ilang araw o buwan. Ang panlulukong ito ay
dapat matigil dahil ninanakaw nito ang ipon, ari-arian at pati na ang kinabukasan ng buong pamilya.
Ang Securities and Exchange Commission o SEC ay nagpapaalala sa lahat na huwag magpapaluko sa
ganitong modus. Inaabuso lamang nito ang sinumang naghahanap ng magandang kapalaran at
malaking pera sa pamamagitan lamang ng pinakamadaling paraan. Dito sa Lungsod ng Valencia,
marami ang nahikayat na mamuhunan sa ganitong panluluko dahil na rin sa kahirapan, kakulangan sa
sapat na kaalaman at panghihikayat ng mga kaibigan at kakilala. Ang taong biktima nito ay maaring
mawalan ng kompyansa sa sarili, mainitin ang ulo at palaging nag-iisip kung papaano maibabalik ang
nawalang pera. Maari ring mawalan siya ng tiwala sa ibang tao dahil sa takot na baka maulit muli sa
kanya ang ganitong panluluko. Kung titingnang mabuti, ang mga totoong biktima dito ay ating
kabataan. Silaang magtitiis sa kahirapan at kakulangan ng sapat na pantustos sa mga pangangailangan
dahil nawalan ng malaking pera ang kanyang pamilya. Kaya mag-ingat nang mabuti at huwag
magpapaluko. Kailangan nating maintindihan na ang paghahangad ng maginhawang buhay ay
pinaglalaanan ng sapat na oras, panahon at kakayanan. Ang pagiging gahaman din sa sobrang luho at
pera ay walang magandang naidudulot sa kapwa at sa ating sarili.
ANSWER KEY:

I. II

1. MAAGANG
2. MAAYOS
3. MABILIS
4. NAGMAMADALI
SUMMATIVE TEST NO.1
GRADE IV – FILIPINO
Pangalan:___________________________________________ Grade and Section:_________

I. A. Basahin ang bawat pangungusap at salungguhitan ang mga pang-abay.


1. Si Lito ay maagang gumising.
2. Siya ay naligo at nagbihis nang maayos.
3. Mabilis siyang kumain ng kanyang almusal.
4. Nagmamadali siya sa paglakad dahil baka mahuli siya sa klase.
5. Palagi siyang nangunguna sa klase dahil masipag siyang mag-aral.

B. Bilugan ang pang-abay na pamaraan na ginamit sa pangungusap.


6. Lubhang napagod sina Kara at Mia sa kanilang pamamasyal.
7. Dahan-dahang naglakad si Mark sa harapan ng mga guro.
8. Lubos na pinasalamatan ni Gng. Hilado ang kanyang mga kaibigan na bumati sa kanyang kaarawan.
9. Magalang na sumasagot si Bb. Rosa sa katanungan ng mga hurado sa patimpalak.
10. Sobrang – ingat na inilapag sa mesa ni Michaella ang plorera.

II. Panuto Iguhit ang 😊 kung ang pahayag ay isang katotohanan o kung ito ay isang
opinyon.

________11. Si Andres Bonifacio ang itinuturing na Ama ng Katipunan.


________12. Matatagpuan ang Bulkang Mayon sa probinsiya ng Albay sa Bikol.
________13. Para sa akin, si Andres Bonifacio ang pinakamatapang na bayani ng ating bansa.
________14. Mababasa sa Aklat ng Kasaysayan na ipinagdiriwang ang Araw ni Bonifacio tuwing ika-
30 ng Nobyembre.
________15. Dapat tularan ng mga kabataan ang pagmamahal na ipinakita ni Andres Bonifacio sa
ating bansa.
III. Panuto: Basahing mabuti ang editoryal tungkol sa COVID 19 at sagutin ang mga tanong.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
Nakakatakot na Virus, Laganap sa Sanlibutan
Rodrigo G. Embestro
Nagulo ang normal na pamumuhay ng mga tao sa sanlibutan nang umusbong ang isang
nakatatakot na sakit na maaaring kumitil sa buhay ninuman. Maaari itong bata, matanda, babae, lalaki,
mayaman o mahirap. Wala itong pinipiling estado sa buhay. Kaya’t naalarma nang husto ang mga tao
at gumawa ng paraan ang gobyerno upang maiwasan ang pagdami nang maaapektuhan ng virus na ito
na tinatawag na COVID-19.
Ang COVID-19 ay nabubuhay lamang sa isang tirahan o host. Sa mga pag-aaral, ito ay dating
naninirahan sa mga hayop na paniki at pangolin. Ngunit ang tao’y lubhang naging mapanuklas at lubos
na nakialam sa naturalisa ng kalikasan. Hinuhuli at pinapatay ang mga paniki at pangolin upang
kanilang gawing alaga o kaya’y gawing pagkain. Kung kaya’t ang virus na ito ay nawalan ng tirahan at
ang naging epekto nito sa kanila ay ang humanap ng bagong matitirhan. Hindi nito nais na kumitil o
maghasik ng lagim sa sangkatauhan. Ito’y epekto lamang ng ating kagagawan. Kung mayroon mang
dapat sisihin dito ay walang iba kundi tao. Binibigyan tayo ng masakit na halimbawa ng COVID- 19 at
paalala na tayo’y may limitasyon sa bawat gawain at maunawaan nating ang mundo ay hindi lamang
para atin.
Ngayon tayo’y nahaharap sa matinding pagsubok. Isiping mabuti ang kaligtasan ng bawat isa
kaysa sa pansariling kapakanan. Ang mga pagsubok na ito ay maging gabay at aral sa ating
pamumuhay. Sana, masilayan muli ang liwanag na inaasam-asam ng sanlibutan.

16. Ano pinag-uusapan sa binasa?


A. Halaman C. COVID-19
B. Kabuhayan D. Kapaligiran
17. Sino ang tinutukoy sa editorial na dapat may limitasyon sa bawat gawain?
A. pamahalaan C. kalikasan
B. paniki D. tao
18. Ayon sa binasang paksa, saan nagmula ang COVID-19?
A. pawikan at paniki C. paru-paro at ipis
B. paniki at at pangolin D. pangolin at daga
19. Ayon sa may-akda, sino ang dapat sisihin sa nararanasan natin ngayon?
A. ang paniki C. tayong mga tao
B. ang Tsina D. ang kalikasan
20. Paano ka makatutulong sa pagsugpo ng COVID-19?
A. Manatili sa loob ng bahay at umiwas sa mga pagtitipon.
B. Sisihin ang pamahalaan sa mga nangyayari.
C. Mag-post sa Facebook ng mga nararanasan.
D. Manghuli ng paniki at gawing pagkain.

You might also like