You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 02
Division of Nueva Vizcaya
BONFAL NATIONAL HIGH SCHOOL

MASUSING BANGHAY ARALIN SA G11 FILIPINO Sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang


Teksto Tungo Sa Pananaliksik
QUARTER 4
COT #2

April 20, 2022


All Grade 11 (1:30-2:30)

ALAMIN/PAUNLARIN

I. LAYUNIN

A. Kasanayan sa Pagkatuto
1. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag
a. kalinawan b. kaugnayan c. bisa

F11PU-IVAab-100
Mga Layunin

1.1. Nagagamit ang mabisang paraan ng pagpapahayag gaya ng kalinawan, kaugnayan at bisa.
1.2. Naipaliliwanag ang katangian ng mabisang pagpapahayag.
1.3. Nasusunod nang maayos ang mga katangian ng mabisang pagpapahayag sa pagsulat ng
reaksyong papel.

II. NILALAMAN

B. Aralin/Paksa: MABISANG PAGPAPAHAYAG

III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

A. Sanggunian
Mga pahina sa Gabay ng Guro………………….Pahina 102
Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral….Pahina 1-7
Mga pahina sa Teksbuk………………………….
Karagdagang kagamitan mula sa Portal ng LR Internet

B. Iba pang Kagamitang Panturo


Powerpoint presentation, Video Presentation

IV. PAMAMARAAN

1. Panimulang Gawain
a. Motibasyon
Noong nakaraang talakayan ay natutuhan ninyo ang kahulugan ng mabisang
pagpapahayag gayon din ang iba’t ibang paraan o uri nito.
HALIMBAWA NG IBA’T IBANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG

Ngayon, panibagong kaalaman na naman ang aking ihahatid para sa inyong ganap
na pagkatuto sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang teksto tungo sa
Pananaliksik.

a.1 Pambungad na Gawain 1: HAVEY O WALEY


Bago natin pormal na talakayin ang bago nating aralin, magbibigay muna ako ng Gawain at
tiyak na pupukaw ng inyong kaisipan.
Magbibigay ako ng mga pangungusap at sasabihin lamang kung ito ay HAVEY ibig sabihin
kung wasto ang ipinahahayag at WALEY naman kung kulang o di-kumpleto ang pahayag.

MGA TANONG:
1. Virus na Covid
Sagot: Waley
2. Ang covid 19 ay isang bagong uri ng sakit na nakamamatay.
Sagot: Havey
3. Maaaring maiwasan ang covid-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa health protocol gaya
ng pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay.
Sagot: Havey
4. Kasalukuyang naghahanap ng bakuna.
Sagot: Waley
5. Ang covid 19 ay maaaring masagap sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa taong
positibo sa virus.
Sagot: Havey

b. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:

KAALAMAN Pagbibigay opinion tungkol sa kumakalat na


virus ang covid 19.

c. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin:

Ngayon ay ating simulan ang ating talakayan. May ibibigay akong babasahin. Basahin ng
mataimtim at unawain ang bawat detalye upang masagot ang mga nakapaloob na tanong.
Ang tekstong inyong babasahin ay pinamagatang Corona Virus-Covid 19

PAGSUSURI :GAWAIN 2

1. Alin sa mga pahayag mula tekstong binasa ang gumagamit ng kaugnayan upang
mapatibay ang tinatalakay?
2. Naging malinaw ba ang pahayag ng tekstong binasa?
3. Sa anong bahagi ng tekstong binasa ang naglalahad ng bisa para sa mabisang paraan ng
pagpapahayag.

d. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1:

PAGBABAHAGI NG AWTPUT SA TEKSTONG BINASA


e. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2:

KARAGDAGANG KAALAMAN

Katangian ng pagpapahayag:
1. Kalinawan= tumutukoy sa wastong gamit ng mga salita
= angkop na pagkabuo ng mga pangungusap at salitang gagamitin
= iwasan ang maligoy na pahayag

2. Kaugnayan= may kaugnayan ang diwa buhat sa simula hanggang dulo ng pahayag

3. Bisa= makatotohanan, nababakas ang katapatan at nabibigyang-halaga ang


dignidad ng isang tao.

f. Paglinang sa kabihasaan tungo sa formative assessment:

GAWAIN 3

Batay sa natutunan ninyo sa ating mga talakayan, bawat isa ay magpapakita ng angking
galing nakaakma sa gawaing maibibigay sa inyo.

1. Radio Broadcasting
Paksa: Pag-aaral sa panahon ng pandemya

2. Online Selling
Paksa: Patok na Negosyo sa panahon ng pandemya

3. Talumpati
Paksa: Mga hamon sa pagsagot ng Modyul

4. Advertisement
Paksa: Bakuna kontra covid 19

g. Paglalapat ng Aralin:

PAGPAPAKITANG GILAS
h. Paglalahat ng Aralin:

Paghihimay-himay sa natutunan sa aralin sa araw na ito

i. Pagtataya ng Aralin

1. Saan sa pangungusap sa ibaba ang may kaugnayan sa paksang nabanggit-ang


modular distancing?
a. maaaring gumagamit ng printed module o mga module na nasa digital format gaya
ng CD, laptop o computer.

b. maaaring maituro at maipalabas sa telebisyon at mapakinggan sa radio.


2. Alin sa sumusunod na pahayag ang may mabisang pamamaraan ng
pagpapahayag?
a. Sa manga nanggaling ang asukal

b. Malaki ang butas ng ating bubong kaya may tumutulo.

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw, maayos at tama ang pagkagamit ng


mga salita?

a. Nag-aaral magsalita ang bata.

b. Ang tao ay nabubuhay nang hindi para sa sarili lamang.

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang may kaugnayan ng mga pangungusap?

a. Pinaliliwanag ng clerk ng bangko sa mag-asawa na kailangan maremata ang


kanilang bahay dahil hindi sila nakapagbayad

b. Magaling kumanta si Juana kaya mahilig din siyang sumayaw

5. Bakit mahalagang may kalinawan, kaugnayan at bisa sa pagsulat ng reaksyong


papel?

a. Upang hindi mabigyang kalituhan ang mga mambabasa, makatotohanan at


maintindihan.

b. Upang hindi maintindihan ng mambabasa ang reaksyong papel.

j. Takdang -Aralin
Gamit ang internet, magsaliksik ng halimbawa ng reaksyong papel at suriin ang
nilalaman nito ayon sa katangian ng pagpapahayag.

ELMER M. TUMACDER PERLITA J. TAN, PhD.


Teacher III Head Teacher III

ANA JANE A. FERRER


Master Teacher I
CORONA VIRUS- COVID- 19

Ang corona virus o covid 19 ay isang malaking pamilya ng mga virus na


maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas
malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome(MERS-COV)
at Severe Acute Respiratory Syndrome(SARS-COV).

Ayon sa World Health Organization(WHO) ito ay nagmula sa Wuhan


China na sa kasalukuyan ay naghahanap pa ang mga eksperto ng
mabisang bakuna sa sakit na covid-19.

Ang bagong corona virus ay isang bagong uri ng sakit na nakamamatay.


Ang virus ay natural na nakahahawa sa mha hayop, ngunit ang ilan ay
maaari ring makahawa sa mga tao.
Ang corona virus ay maaaring masagap sa pamamagitan ng pakikipag-
ugnayan sa taong may positibo sa virus o sa paghawak sa mga
kontiminadong bagay at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong o
mata.
Maaaring maiwasan ang covid 19 sa pamamagitan ng pagsunod sa
Health Protocol gaya ng pagsuot ng face mask, face shield, pagsunod sa
isang metrong distancing at paghugas ng kamay.

Ang pagpapanatiling malinis at malusog sa ating katawan ay ilan lamang


sa mga hakbang upang makaiwas sa pandemyang kinakaharap nating
lahat sa kasalukyan.

You might also like