You are on page 1of 25

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III
Division of City of San Fernando
PAMPANGA HIGH SCHOOL
PHS Blvd., Brgy., Lourdes, City of San Fernando, Pampanga
Tel. No. (045) 961-4261 website:www.pampangahigh.school

Ay inihanda nina:
BALUYUT , GAIL L. PANTALEON, ALMA A. ULEP, JENNIFER M.
GALANG , CYNTHIA P. PIZAÑA , LORNA S. YAP , MELANIE SOLEDAD C.
NUGOY , WINNIE A. SANTOS , CHANDI T.

PANGKALAHATANG PANUTO
Sa mag-aaral:

Sa iyong pagbabasa, isaisip mo na ang modyul na ito ay makapagbibigay ng dagdag-kaalaman at impormasyon na


ibibigay sa iyo bilang mag-aaral ng Pampanga High School. Lilinangin din ng modyul na ito ang iyong kasanayan na
nakabatay sa Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto. May mga nakalaang gawain na iyong sasagutin sa
bawat pahina para sa isang linggong aralin.

Para malubos ang paggamit sa modyul na ito, isaalang-alang ang sumusunod na paalala:
1. Huwag mong madaliin ang pagbabasa.
2. Tiyaking masasagot mo ang lahat na inilaang mga gawain sa bawat linggo.
3. Isusulat ang lahat ng sagot sa ISANG BUONG PILAS NG PAPEL ng PAD PAPER.
4. Huwag kalimutang isulat ang sumusunod sa iyong papel bago sagutin ang lahat ng mga gawain

5. Tandaan na ang lahat ng mga gawain na iyong sasagutin ay magsisilbing awtput at ibibigay sa iyong guro
sa nasabing asignatura para iwasto at itala sa class record.
6. Higit sa lahat, iuna ang Panginoon sa lahat ng bagay na iyong ginagawa.
Self- Instructional Packets (SIPacks) sa FILIPINO 10

Unang kwarter Unang Linggo (Ikalawang araw)

I. Kasanayang Pampagkatuto
Pagkatapos ng isang oras na pagtalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makakamit ang mga kasanayang pampagkatuto:

1. Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram (F7PT-Ih-1-3)


2. Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari (sapagkat, dahil ,kasi, at iba pa) (F7WG-Id-e-3)

II. Nilalalaman
Gramatika: Mga Hiram na Salita at Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi
at Bunga ng mga Pangyayari
Lunsaran: Enhaced Community Quarantine (ECQ)

III. Mga Kagamitang Panturo


Sanggunian: Pluma 7, pahina 68; internet
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-8-mga-hudyat-ng-sanhi-at-bunga-ng-mga-
pangyayari
https://dictionary.cambridge.org/us/dictionary/english/quarantine
https://www.lexico.com/definition/the_new_normal
Iba Pang Kagamitang Panturo: mga larawan

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong:

1. Naranasan mo na bang magkaroon ng malubhang karamdaman?


2. Ano ang naging sanhi ng karamdamang ito at paano mo ito nalunasan?

B. Pagganyak
Tukuyin mo kung ano ang ipinakikita ng bawat larawan sa pamamagitan ng
pagpuno ng titik sa bawat kahon. Gawing gabay ang ilang titik na nakalagay na sa mga
kahon.
Kapag nabuo na ang mga salita ay tukuyin mo kung ano ang pagkakaugnay ng
bawat larawan.

C N

1
S I

R N

C. Paglinang ng Talasalitaan
Mapapansin na ang mga salitang nabuo mula sa mga larawan ay mga hiram na
salita. Mababasa mo sa ibaba ang kahulugan ng mga salitang iyong nabuo. Gamitin mo
sa pangungusap ang mga ito.

1. lockdown – isang sitwasyon kung saan ang mga tao ay hindi malayang
makapapasok o makalalabas sa isang lugar dahil sa isang pangyayaring hindi
inaasahan.
Pangungusap:

2. fronliner/s – ang tao o ang mga tao na nangunguna sa pagresponde sa mga taong
nangangailangan ng tulong dahil sa kanilang natatanging kakayahan o trabaho.
Pangungusap:

3. social distancing - ito ay pagpapanatili ng espasyo sa pagitan ng dalawa o higit


pang tao partikular sa matataong lugar.
Pangungusap:

D. Paglalahad at Pagtalakay
Basahin ang teksto tungkol sa sakit na COVID 19. Suriin mo ang mga salitang
nakasalungguhit sa teksto.
Pagkatapos binasa ay sasagutin mo ang ilang tanong hinggil sa teksto.

Enhanced Community Quarantine (ECQ)

Dahil sa lumalaking bilang ng mga nagkakaroon ng sakit na COVID-19,


idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Enhanced Community Quarantine (ECQ)
sa buong Luzon oong Marso 17 –Abril 12. Ito ang hakbang na kanyang isinagawa
upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa bansa na nakaaapekto hindi lamang sa ating
bansa kundi maging sa buong mundo.
Naglabas ang Malacañang ng Republic Act 11469 na tinawag na “Bayanihan
to Heal as One Act” na kung saan palalawigin pa ang ECQ hanggang sa Abril 30,
upang maging batayan ng mga dapat isaalang-alang sa pagpapatupad ng ECQ.
Sapagkat ayaw nang lumala at dumami ang mga dinadapuan ng sakit,
nagpasya na huwag munang lumabas ang karamihan sa mga tao sa kanilang tahanan
maliban sa mga tinatawag na fronliners tulad ng mga doktor, nars, medical
technologist, pulis, at iba pang manggagawa na kailangan ang tulong at suporta.

2
Bunga nito ipatutupad ang istriktong home quarantine upang mapigilan ang
problemang pangkalusugan.
Kabilang din sa ipinatupad ay ang pagbibigay ng pagkain at iba pang
pangangailangang pangkalusugan sa mamamayan. Hindi kasi makapagtrabaho ang
karamihan dulot ng pagsuspinde sa mga pampublikong transportasyon.
Ang malawakang pagronda ng mga nakaunipormeng awtoridad ay maigting
ding ipinatupad upang maiwasan ang pagala-gala ng mga tao kung walang
mahalagang pupuntahan maliban na lamang sa pagbili ng pagkain at gamot.
Sa pagpapatupad ng ECQ ay inaasahang susuporta ang lahat ng mga LGUs
pati na rin ang bawat mamamayan sa kani-kamilang barangay.

Pagsagot sa mga tanong ng pang-unawa


1. Ano ang Enhanced Community Quarantine (ECQ)?
2. Kailan ito ipinatupad sa buong Luzon at kailan ito matatapos?
3. Bakit ipinatupad ang (ECQ)?
4. Ano-ano ang ibinunga ng pagpapatupad ng ECQ?
5. Pansinin ang mga ginamit na pang-ugnay sa akda, ano ang gamit ng mga ito?

Talakayin natin ngayon ang tungkol sa mga hiram na salita at pang-ugnay na


ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Salitang Hiram

Ang mga salitang hiram ay mga salitang walang katumbas na salita sa Filipino
kaya hiniram na lang ang pagbigkas at pagbaybay ng banyaga rito. Salitang hiram ang
tawag sa mga salitang galing sa ibang wika. Maaaring ang mga ito ay may taglay namga
idinagdag na titik sa alpabeto gaya ng: c, f, j, q, v, x, z.
Sa pag-iral ng problemang pangkalusugang dala ng COVID-19 ay maraming hiram na
salita ang ginamit. Malibansa mganaunangnabanggit na ay naritopa ang ilanghalimbawa ng mga
hiramna salitana ginagamitsa kasalukuyandahil sa nabanggitnasakit.

• quarantine – ito ay kalagayan kung saan ang hayop o tao na maaaring may sakit
ay inilalayo sa ibang hayop o tao upang maiwasang makahawa o kumalat ang
sakit.
• new normal – ang kasalukuyang nananaig na kalagayan na lumitaw kamakailan
at inaasahang mananatili o magpapatuloy na may malaking pagkakaiba sa dating
nakasanayan.
• face mask – ay isang uri ng proteksyon o pantakip sa ating ilong at bibig labansa
alikabok, init at polusyon na ngayon ay ginagamit bilang pananggalang sa
pagkahawa sa virus.

Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga ng mga


Pangyayari

Ang maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala, at pangungusap ay


mahalagang sangkap para sa malinaw, lohikal, at mabisang paglalahad. Ang sanhi
ay tumutukoy sa dahilan kung bakit nangyari ang isang pangyayari. Ang bunga naman
ay tumutukoy sa resulta, epekto o kinalabasan ng pangyayari.
Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pang-ugnay ay higit na
nabibigyang-diin ang layunin ng pagpapahayag.

➢ Pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan


- sapagkat/pagkat
- dahil/dahilan sa
- palibhasa

➢ Pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta


- kaya/kaya naman
- dahil dito
- bunga nito

3
E. Pinatnubayang Pagsasanay
Punan ang talahanayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tatlong sanhi o tatlong
bunga ng mga sumusunod na pangyayari o sitwasyon. Gumamit ng salitang hiram at
pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi o bunga ng mga pangyayari. Maaari kang gumamit
ng salitang hiram na hindi nabanggit sa talakayan.

Pangyayari/Sitwasyon Sanhi/Bunga

Pagbibigay ng mga saloobin tungkol sa


naging sanhi ng pagpaptupad ng
Enhanced Community Quarantine sa
Luzon.

Maglahad kung ano ang mga


bunga/dulot ng paglalabas ng fake news
sa social media hinggil sa COVID-19.

Ibigay ang mga naging bunga ng


pananatili ng mga tao sa kani-kanilang
tahanan o pagpapatupad ng home
quarantine.

Magbigay ng mga dahilan kung bakit


dapat bigyang-pugay ang mga fronliners
sa panahon ng krisis hinggil sa COVID-19.

F. Paglalahat
Ano ang mga salitang hiram? Ano-ano ang mga ginagamit na pang-ugnay sa
pagbibigay ng sanhi o bunga ng pangyayari?

G. Paglalapat
Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa mga problemang kinahaharap
ng iyong pamayanan sa kasalukuyan?

V. Pagtataya
A. Sa pamamagitan ng PECS Chart, magbigay ng sanhi, bunga, at solusyon hinggil sa
isang problemang kinahaharap ng ilang kababayan natin sa krisis na dulot ng COVID-19.
Gumamit ng mga pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari. Gumamit
ka rin ng salitang hiram sa pagtukoy sa epekto, sanhi at solusyon. Bilugan mo ang ginamit na
salitang hiram.

Problema Epekto Sanhi Solusyon


(Problem) (Effect) (Cause) (Solution)
Diskriminasyong
natatanggap ng mga
frontliners
Pagdami ng kasong
may COVID-19 sa
kabila ng
pagpapatupad ng
ECQ

B. Buuin ang tsart sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang-hiram at


gamitin ito sa pangungusap.
Salitang-hiram Kahulugan Gamitin sa pangungusap

4
1. Enhance Community
Quarantine (ECQ)
2. frontliner
3. virus
4. social distancing
5. lockdown

VI. Kasunduan
Gumawa ng maikling panalangin hinggil sa sitwasyong kinahaharap ng ating bansa.
Maaari itong gamiting panalangin kasama ang iyong pamilya o kaya ay i-post sa iyong
facebook account, ipadala sa messenger o text messaging.

5
Self - Instructional Packets (SIPacks) sa FILIPINO 10

Unang kwarter Unang Linggo (Ikatlong araw)

I. Layunin

A. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO

1. Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at


pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa akda (F7PS-IVc-d-21)
2. Naibibigay ang kasingkahulugan ng salitang ginamit sa akda (F8PT-IIe-f-25)
3. Nagagamit ang mga pahayag na ginamit sa pagbibigay ng opinyon (F9WG-I-
cd-42)
I. Nilalaman

Panitikan: Tula
Teksto: “Nabahala ang Lahat sa COVID-19” ni Princess Ghay Naluz

II. Pamaraan

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Balikan ang dati mong kaalaman sa kahulugan ng tula gamit ang iba’t ibang
graphic organizers.

Ano ang iyong kaalaman sa kahulugan ng Tula ? Gamit ang Sun Rays
Organizer isulat ang iyong sagot.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Estratehiya: Ano ang Masasabi Mo?
Suriin mo ngayon ang mga larawan,

6
.

1.

3.

Gabay na Tanong:
Mula sa mga larawan, ano ang masasabi mo sa mga ito?
1. Unang larawan-
2. Ikalawang larawan
3. Ikatlong larawan
4. Ikaapat na larawan

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Matapos mong matukoy ang mga sakit ng bata sa larawan, sagutin mo naman
ang mga tanong.

1. Nagkaroon ka na ba ng ganitong sakit?


2. Ano ang iyong ginawa?
3. Bakit mahalagang malusog ang iyong pangangatawan at wala kang sakit o
karamdaman?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

1. Paglinang ng Talasalitaan
Basahin mo ang sumusunod na pangungusap gamit ang mga hiram na salita.
Hanapin sa diksyonaryo, glossary,thesaurus at index ang kahulugan ng mga
salitang-hiram. . Hanapin ang kaugnay na kahulugan sa Hanay B at gamitin
ang mga ito sa pangungusap.
.Isulat ang titik ng iyong sagot. Bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
1. Virus na sa lahat ay a. Ginagamit bilang isang public
ipinaalam na . health ptactice para pigilan ang
pagkalat ang sakit.
2. Isa na rito’y paglunsad b. Kalipunan ng mga di-
ng quarantine parmasyutikong kilos ng pagpigil sa
impeksyon na nilayon upang ihinto o
pabagalin ang pagkalat ng
isang nakahahawang sakit sa
pamamagitan ng pagpapanatili ng
pisikal na distansya sa pagitan ng
mga tao at pagbabawas ng

7
pagkakataon na makalapit ang mga
tao sa isa't isa.
3. Wastong pangagatawan, c. Binubuo ng lahat ng uri ng mga
social distancing manggagawa sa kalusugan -
kabilang ang mga nars, komadrona,
manggagawa sa kalusugan ng
komunidad, doktor, parmasyutiko, at
marami pa — na nagbibigay ng
pangangalaga nang direkta sa
kanilang komunidad.
4. Frontliners, inialay d. Ito ay nakahahawa
kanilang buhay lasong na nagpaparami lamang sa
loob ng mga buhay na sihay ng
isang organismo.
2. Pagbasa sa Akda
Ngayon ay magbabasa ka ng isang tula tungkol sa sakit na COVID-19.
Basahin mo itong mabuti at unawaan upang masagot mo ang mga tanong na
makikita mo sa ibaba ng tula.

Nabahala ang Lahat sa COVID-19


Ni: Princess Ghay P. Naluz

Isang nakatatakot na epidemya


Ang nanalanta sa iba’t ibang bansa
Ito ay nagsimula sa bansang China
Mga tao roo’y sobrang nabahala.

N-Corona Virus ang ipinangalan


Kalauna’y pangalan ay pinalitan
COVID-19 na ngayon ang tawag nila
Isang virus na matinding kumakalat na.

Ito’y lumaganap sa iba’t ibang bansa


Pasyenteng positibo ay dumaragdag pa
Iba’t ibang lunas ang naisip gawin
Isa na rito’y paglulunsad ng quarantine.

Itinuro sa madla kung anong gagawin


Wastong pangangatawan, social distancing
Paghuhugas palagi ng mga kamay
Kumpletong tulog at pamamalagi sa bahay.

Nagtulong-tulong upang ito’y masugpo


At sinunod mga utos ng pangulo
Katulong niya rito’y mga pulitiko
Nang utos ay tupdin at gawing seryoso.

Mga bagong bayani ay nakilala


Frontliners na nag-aalay ng buhay
Serbisyo sa bansa’y di’ matatawaran
Positibo sa virus kanilang inalagaan.

Mga tanod at kagawad ‘wag husgahan


Tungkulin nila’y kanila lamang sinundan
Tindera sa palengke maging grocery man
Salamat sa kanila’y pagkai’y ‘di nawalan.

8
Itong naranasang pandemic na sakit
Dulot nito’y sa buong mundo’y naging pasakit
Bagamat may takot at pangamba
May magandang naidulot sa bawat isa.

Pamilya’y nagmahalan at nagdamayan


Naisantabi ang sariling kapakanan lamang
Simpleng buhay, kinaya rin ng
mayayaman Pantay-pantay na namalagi
sa tahanan.

Sakit na COVID-19 ay kinatatakutan


Dulot ay pangamba sa sanlibutan
Lakas ng pananalig ang kailangan
Nang malabanan, anomang kapagsubukan.

Pagsagot sa pang-unawa
1. Ano ang paksa ng tula?
2. Ano-ano ang mga salitang binanggit na nalaman mo na ang
kahulugan dati?
3. Bakit tinawag na pandemic na sakit ang COVID-19?
4. Ano ang naging dulot nito sa mga tao? Magbigay ng mga positibo at
negatibong dahilan at pangatwiranan.
5. Sa iyong palagay, bakit kaya natin naranasan ang ganitong krisis?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pagtalakay sa Nilalaman ng Akda


1. Gamit ang estratehiyang “Discusson Web”, sa iyong palagay tama ba
ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa mga tao
upang masugpo ang epidemyang dumating sa bansa? Ano-ano ang
naging karanasan mo sa panahon ng ECQ? Ilahad ang iyong kasagutan.

9
2. Kung ikaw ay namumuno ng pamahalaan o isang frontliner, ano ang iyong
maipapayo sa mga tao upang maiwasang mahawahan ng virus? Gamitin
ang estratehiyang “What If? Chart” sa pagsagot nito. Isulat ang iyong
sagot sa lobo ng usapan.

3. Bilang isang kabataan, ano-ano ang iyong maiaambag sa suliraning


dumating sa iyong bansa? Gamitin ang estratehiyang “Chain Organizer”
sa pagsagot nito.

10
F. Paglinang sa Kabihasaan
Binanggit sa tula ang mga frontliner na nakilala bilang bagong bayani ng mundo.
Kung ihahambing mo ang mga frontliner, kanino mo sila ihahalintulad at bakit?

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Paano ka makaiiwas sa anumang sakit o karamdaman? Kung ikaw ay maysakit,
ano ang dapat mong gawin?

H. Paglalahat ng aralin
Ipaliwanag ang kasabihang “Ang kalusugan ay kayamanan”.Ano ngayon ang
opinion mo ukol dito?

I. Pagtataya ng aralin

Bago mo sagutan ang pagtataya, alamin muna kung ano ang kahulugan ng
Positibo at Negatibong kaisipan

Positibo – ito ay nagpapakita ng magandang pananaw sa isang pahayag o isyu.


Negatibo – ito naman ang kasalungat ng positibo o di pagpapakita ng
kagandahan ng pananaw sa isang pahayag o isyu.

A. Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang


POSITIBO kung ito ay kaisipan mula sa natalakay na akda at NEGATIBO
naman kung hindi.

1. Kung tayo ay hindi sumusunod sa mga kautusan ng mga


nakatataas, lalong lalala ang problema ng bansa.
2. Pinarurusahan tayo ng Poong Maykapal kaya nagkaroon
ng epidemya sa mundo.
3. Ang simpleng pamamalagi sa bahay ay makatutulong
upang makaiwas tayo sa epidemya.
4. Sa ganitong panahon, kailangan nating makipagtulungan
at magdamayan sa ikaaayos muli ng lagay ng ating lipunan.
5. Pasalamatan natin ang mga taong nagsasakripisyo sa
ating kaligtasan.

11
Self- Instructional Packets (SIPacks) sa FILIPINO 10

Unang kwarter Unang Linggo (Ikaapat araw)

I. LAYUNIN:
1. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa pangyayari sa sarili,
pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig. (F10PB-Ia-b-62)
2. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay.
(F10Wg- Ia-b-64)
3. Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram. (F7PT-Ih-1-5)
4. Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng
paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda at dating kaalaman
kaugnay ng binasa (F8PB-Ig-h-24)
5. Naipaliliwanag ang mga kaisipan, paksa at layunin ng binasang sanaysay
(F9Pb-IID-47)
II. PAKSA:
Corona Virus Disease 2019 (COVID-19)
a) Sanggunian: -www.who.int/healthtopics/coronavirus
III. PAMARAAN:
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Sa pamamagitan ng semantic web, tuklasin mo ang inyong nalalaman hinggil sa COVID-19.
*Gawin ang grapikong pantulong na ito sa ibaba.

A. Wuhan, China
B. Disyembre, 2019
C. paniki, mga camel, mga pusa, mga pangolin
D. talsik ng laway ng taong may impeksyon
E. mga matatanda at mga taong may mahihinang immune system
F. Italya, Estados Unidos, Britanya, South Korea
G. may mga kasalukuyang may chronic diseases gaya ng diabetes, asthma, cardio vascular
disease.
H. 14 na araw
I. palagiang paghuhugas ng kamay, umubo sa may siko o gumamit ng tissue o panyo
J. isagawa ang physical distancing

12
Paano
apektado

19

Mga
pagmo-
monitor?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Batay sa unang gawain, bumuo ng isang talata na may tatlo hanggang apat na
pangungusap na naglalahad ng inyong pananaw o dating kaalaman tungkol sa COVID-19.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Basahin mo ang Lunsaran 1 at sagutin mo ang mga kasunod na tanong ukol dito.

Lunsaran 1

Corona Virus
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na bunsod ng
bagong natuklasang coronavirus.
Karamihan sa mga taong naapektuhan ng COVID-19 ay makararanas nang
banayad hanggang katamtamang sakit sa respiratory at gumagaling nang hindi na
nangangailangan ng espesyal na gamutan.
Samantala, ang mga nakatatanda na may problemang medikal gaya ng
cardiovascular disease, diabetes, chronic respiratory disease at cancer ay malaki ang
tsansa na makakukuha ng higit na seryosong karamdaman.

13
Ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa paglilipat o transmission ay
magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa COVID-19. Protektahan ang sarili at ang iba
mula sa impeksyon sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol at
pag-iwas sa paghawak sa ilong, tainga at mata.
Ang pangunahing paraan ng pagkalat ng COVID-19 virus ay sa pamamagitan ng
pagtalsik ng laway o pagsingha mula sa ilong kapag ang taong apektado ay umubo o
bumahing. Mahalagang matuto ng tamang paraan ng pag-ubo gaya ng pagtakip sa bibig
gamit ang tissue saka agad itong itapon sa basurahan at ang pag-ubo sa ilalim ng siko.
Sa ngayon, wala pang tiyak na bakuna o gamot sa COVID-19. Gayon pa man, may
mga kasalukuyang clinical trials na tinataya ang potensyal ng mga ito.
Patuloy na magbibigay ang World Health Organization ng mga bagong
impormasyon hanggang sa magkaroon na ng gamot.
-www.who.int/healthtopics/coronavirus
Mga tanong:

1. Tungkol saan ang binasang sanaysay?

2. May kaalaman ka na ba dati tungkol sa iyong binasa? Magbigay ng patunay.

3. Ilahad ang inyong opinyon sa nabasang bahagi sa pahayag ng World Health Organization.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1


Ang sumusunod na salita na hinango sa Lunsaran 1 ay mga salitang hiram na madalas nating
naririnig sa pag-usbong ng bagong sakit na Corona Virus Disease-19.

Panuto: Batay sa ating napag-aralan kahapon, ibigay mo ang kahulugan o kaisipan ng mga
salita sa pamamagitan ng:

1. diksyonaryo
2. thesaurus
3. glossary
4. index
5. semantic webbing

1. Respiratory
Kahulugan

Pangungusap

2. COVID-19
Kahulugan
_
Pangungusap

3. paglilipat
Kahulugan

14
Pangungusap

4. impeksyon
Kahulugan

Pangungusap

5. bakuna
Kahulugan

Pangungusap

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Panuto: Basahin nang baha-bahagi ang Kalikasan ng COVID-19. Sa bawat bahagi,
ipahayag ang iyong pananaw sa kaisipang inilalahad sa bahaging binasa.
Lunsaran 2

Mga Dapat Malaman sa Coronovirus Disease 2019 (COVID-19)

Tulad ng ilang mga taong nahawahan na ng COVID-19 na may ilang sintomas,


pinapayuhan ang publiko na humingi ng payong medikal kapag nakaramdam na ng alin
man sa mga sintomas nito, kaya’t agarang gamutan ang maaaring maibigay sa bawat
pasyente na posibleng carrier ng sakit na COVID-19.

Ipahayag ang pananaw mo sa bahaging ito:

Ano ang mangyayari kung positibo ang resulta ng pagsusuri?

Kung ang isang tao ay sinuri at nagpositibo, ang DOH ay makikipag-ugnayan sa


pampublikong ospital para sa paggamot.

Ang kwarentina ay isasaayos para sa mga naging kahalubilo ng biktima at susubaybayan


naman pati sa medikal ang maysakit pati na rin ang mga nakasalamuha nito. Sa
pangkalahatan, ang mga miyembro ng sambayanan ay mananatili sa parehong yunit sa
isang quarantine center, depende sa pagkakaroon ng mga yunit at laki saka komposisyon
ng pamilya.

Ipahayag ang pananaw sa bahaging ito:


.
.
Ang mga quarantine center ay magbibigay sa mga confinees ng pagkain at mahahalagang
pang-araw-araw na personal na pangangailangan, tulad ng mga damit at pang-araw-araw
na gamot.

Ipahayag ang pananaw sa bahaging ito:


.
.

15
F. Paglinang sa kabihasaan

Panuto: Balikan ang mga baha-bahagi mula sa Lunsaran 2. Tukuyin atbilugan kung ang
kaisipang nakapaloob sa akda ay sarili, pamilya, pamayanan at daigdig. Magbigay ng
patunay sa iyong sagot.

1. Tulad ng ilang mga taong nahawahan ng COVID-19 na may ilang sintomas, pinapayuhan
ang publiko na humingi ng payong medikal kapag nakaramdam na ng alin man sa mga
sintomas nito, kaya’t agarang gamutan ang maaaring maibigay sa bawat pasyente na
posibleng carrier ng sakit na COVID-19.
Kaisipan sa sarili, pamilya, pamayanan, daigdig

Magbigay ng patunay:
.
.
2. Ano ang mangyayari kung positibo ang resulta ng pagsusuri?

Kung ang isang tao ay sinuri at nagpositibo, ang DOH ay makikipag-ugnayan sa


pampublikong ospital para sa paggamot.
Ang kwarentina ay isasaayos para sa mga malapit na kontak ng pasyente at patuloy
ang pagsubaybay sa medical ng may virus. Magkakaroon ng monitoring at pag-quarantine
sa lahat ng miyembro ng pamilya pati na rin sa mga nakasalamuha ng pasyente.
Kaisipan sa sarili, pamilya, pamayanan, daigdig

Magbigay ng patunay:
.
.
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay)
Bakit mahalaga na magkaroon ka ng kaalaman hinggil sa COVID-19? Kung isa kayo sa
mga frontliner na nasa hospital, paano ninyo mapoprotektahan ang inyong sarili at pamilya
laban sa sakit na COVID-19 gayong lantad (exposed) kayo sa sakit?
H. Paglalahat ng aralin
Bumuo ng pangungusap hinggil sa natutuhan sa paksang tinalakay. Ano ang layunin ng
may-akda ng sanaysay sa kanyang pagsulat?
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahin mo ngayon ang Lunsaran 3 saka gawin ang #Bintana ng Pag-unawa.

Lunsaran 3
Ang 2019 novel Corona Virus o 2019-nCoV ay isang nakahahawang sakit na dulot
ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong nagkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng hindi malalang sintomas at gumagaling. Ngunit ang iba ay nakararanas
ng malubhang sakit, lalo na ang mga matatanda at mga may dati nang karamdaman.
Mga Sintomas
Ang mga karaniwang sintomas ng virus ay lagnat, ubo’t sipon, hirap at pag-iksi ng
paghinga at iba pang problema sa daluyan ng hangin. Sa mga malulubhang kaso, maaari
itong maging sanhi ng pneumonia, acute respiratory syndrome, problema sa bato at
pagkamatay.
-doh.gov.ph

16
#Bintana ng Pag-unawa sa COVID-19

REYALISASYON INTEGRASYON
(Ano ang dating kaalaman hinggil sa Iugnay ang kaisipan sa
CoViD-19 ngunit ano na ang bagong sarili/pamilya/pamayanan o kaya sa daigdig.
kaalaman hinggil sa CoViD-19)

EMOSYON AKSYON
Ilahad ang naramdaman matapos Ano ang maaaring mong gawin o maiambag
mabasa ang Lunsaran 3. para masugpo ang pagkalat ng COVID-19?

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/o remediation


Basahin mo ang talataan sa ibaba. Sumulat ka ng isang sanaysay na sumasagot sa
sumusunod na katanungan:
1. Ano ang iyong hinuha sa nabasang talataan? Ipahayag mo iyong sariling opinyon
batay sa iyong mga natutuhan sa araling tinalakay.
2. Ano ang kaisipang inilalahad sa talataan? Maiuugnay mo ba ito sa sarili, pamilya,
pamayanan, lipunan o daigdig?
3. Ipaliwanag ang kaisipan, paksa at layunin na lumutang sa binasang talataan.

Coronavirus: Natutuhan sa buhay mula sa COVID-19


Walang duda na napakahirap manatili sa bahay. Marami sa mga tao ang
nagrereklamo dahil sa pagkabagot at kawalan ng patutunguhan sa buhay. May ilan na
nakararamdam na nilalabag na nito ang karapatang indibiduwal dahil sinasabihan silang
manatili lamang sa bahay.
Gayunpaman, para sa ikabubuti ng lahat, kailangang laging may magsakripisyo
ng kaunting kalayaan. Ang pagbabalanse sa kalayaang indibidwal at sa pampublikong
kaligtasan ay makapagdudulot nang malaking pagbabago. Ipagpalit mo ang iyong
munting kalayaan para sa ikabubuti ng madla.

17
Self- Instructional Packets (SIPacks) sa FILIPINO 10

Unang kwarter Unang Linggo: (Ikalimang araw)

I. LAYUNIN:

1. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa pangyayari


sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig. (F10PB-
Ia-b-62)
2. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang
tinalakay. (F10Wg-Ia-b-64)
3. Naibabahagi ang sariling kuru-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa
akda batay sa pagiging totoo o hindi totoo, may batayan o kathang-isip
lamang. (F8PU-Ia-c-20)
4. Nagagamit ang mga hudyat na ginagamit sa sanhi at bunga ng mga
pangyayari (dahil, sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa) (F8WG
Ig-h-22)
II. PAKSA:
Corona Virus Disease 2019 (COVID-19)
-Kahalagahan ng Kalinisan at Kalusugan
-Pag-ubo at Pagbahing
-Mga Dapat Gawin kung may Sintomas
-Physical Distancing
Sanggunian: https://www.facebook.com/RogueMonkeyPH/)
III. PAMARAAN:
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin
Balikan mo ang iyong nalalaman hinggil sa Coronavirus Disease 2019
(COVID-19) Panuto: Fact o Bluff. Isulat sa patlang ang Fact kung ang
pahayag ay wasto at Bluff kung mali.
1. Isang bagong kaso ng pneumonia ang novel Corona Virus na
umusbong sa Wuhan, China.
2. Kailangan ang self-quarantine ng 14 hanggang 30 araw kung
nakararanasng sintomas ng COVID-19.
3. Matinding sakit ng ulo ang pangunahing sintomas ng taong may COVID-
19.
4. Ang talsik ng laway ang pangunahing uri ng pagpasa ng virus na COVID-
19
5. Maiiwasan ang pagkalat ng virus na COVID-19 sa pagtatakip sa
bibig kung uubo o babahing.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Panuto: Ayusin mo ang mga salita sa loob ng kahon upang mabuo mo ang
pahayag na may malaking ambag upang makaiwas sa COVID-19.

mga tubig sabon na malinis ng ang


gamit kamay maghugas at ugaliing
Pahayag:

18
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Sa panahon ngayon, gaano kahalaga ang paghuhugas ng kamay gamit ang
malinis na tubig at sabon sa sarili, pamilya, pamayanan o daigdig?

Alam mo ba?
Ang mga panandang pandiskurso ay nagpapakita ng pag-uugnayang
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Halimbawa:
• ‘Exposed’ at ‘high risk groups’ ang mga frontliners sa coronavirus
kaya nagkaroon ng mass testing ang lokal na pamahalaan ng Lungsod San
Fernando sa kanila,
Sa pangungusap na ito, ang sanhi ay ‘Exposed’ at ‘high risk groups’ ang mga
frontliners sa coronavirus at ang bunga ay nagkaroon ng mass testing ang lokal
na pamahalaan ng Lungsod San Fernando sa kanila. Mapapansin mo rin na
nauuna ang sanhi sa bunga na pinag-ugnay ng pangtanig na kaya.
• Ininspeksyonan ng Task Force WASH ng Lungsod San Fernando
ang iba’t ibang fast food chains at mga restawran sapagkat nais nilang makasiguro
na sumusunod ang mga ito sa alituntuning pangkalusugan at pangkaligtasan.
Sa pangungusap na ito ang sanhi ay nahuhuli sa bunga. Ang sanhi ay nais
nilang makasiguro na sumusunod ang mga ito sa alituntuning pangkalusugan at
pangkaligtasan at ang bunga ay ininspeksyon ng Task Force WASH ng Lungsod
ng San Fernando ang iba’t ibang fast food chains at mga restawran. Ito ay
ginamitan ng hudyat na sapagkat.
Matapos mong mapag-aralan ang tungkol sa sanhi at bunga. Subuking mo naming
suriin ang sumusunod na pangungusap sa pamamagitan ng pagsalungguhit sa
sanhi at pagbilog sa bunga.
1. Pinayuhang manatili sa loob ng bahay ang mga senior
citizen dahil sila ang high risk kapag nahawahan ng COVID-19.
2. Kapag ikaw ay nanggaling sa pampublikong pook,
maghugas ng kamay, i-sanitize ang mga tsinelas o sapatos saka
agad magpalit ng damit o maligo bago pumasok sa loob ng
bahay.
3. Marami ang hindi nakatanggap ng tulong-
pinansyal mula sa pamahalaan kaya dumami ang bilang
ng nagugutom na dulot ng pandemyang COVID-19.
4. Sapagkat nasa Modified General Community
Quarantine na ang Pampanga, naglabas ng panuntunan ang
lalawigan na dapat sundin ng mga Kapampangan.
5. Hindi na nais pa ng gobyerno na magkaroon ng second
wave ng COVID-19 sa bansa kung kaya mahigpit na
ipinatutupad ang quarantine sa bawat lalawigan at lungsod.

19
Lunsaran
Corona Virus: Back to Basics
Ang virus na kumakalat ngayon sa buong mundo ay kasama sa pamilya ng
mga virus na kinabibilangan din ng MERS at SARS. Kabilang din sa grupong ito ang
virus na sanhi ng sipon o common cold.
Sa ngayon, ayon pa rin sa ebidensya, ang pangunahing paraan ng
transmission ay ang pagkalat ng droplets o talsik ng laway mula sa isang infected na
tao pag siya ay naubo o nabahing sa loob ng distansya ng isang metro.
Kapag ang mga droplets ay direktang umabot sa inyong mata, ilong o bibig
o kaya naman sa pamamagitan ng paghawak sa inyong mukha ng mga kamay na
nagkaroon ng contact sa droplets o pag-inom sa iniinuman ng maysakit. Maaari
kayong mahawaan ng virus. Gaya ng mga nabanggit. Maaari ring mahawaan sa
pamamagitan ng pag-landing ng mga droplets sa ibabaw ng mga bagay-bagay.
Explain ko lang…’pag ang maysakit ay nabahing o nabuo, ang mga talsik
at tumatama at naiiwan sa ibabaw o gilid ng mga kasangkapan. Tulad ng lamesa,
silya o iba pang bagay gaya ng laptop, handle ng pinto, etc.. ‘Pag may ibang tao na
humawak sa mga bagay na ito maaaring kumapit ang virus sa mga kamay niya. At
kung pagkatapos, siya naman ay nagkamot ng mata o humawak sa ilong o bibig nang
hindi naghuhugas ng kamay, maaari rin siyang ma-infect ng virus. Ito ay tinatawag
na indirect infection. Kaya sa ganitong panahon, matindi ang paalalang dalasan ang
paghuhugas ng kamay at iwasan ang paglapit ng kamay sa kahit anong parte ng iyong
mukha ng hindi malinis o hindi nahugasan ang kamay.
Sa pangkalahatan, ang tao ay pinakanakahahawa kapag mayroon siyang
sintomas ng nakahahawang sakit.
Mukhang ganito rin ang kaso sa COVID-19. Bagamat mayroon din namang
ebidensya na maaaring makahawa habang nasa incubation period pa lang. Ang mga
ito ay isolated lamang at hindi pangkaraniwan sa kasong COVID -19.
Sa puntong ito, nagkakasundo ang medical community na
pinakanakahahawa ang mga taong nagpapakita ng sintomas gaya ng mataas na
lagnat at patuloy na pag-ubo. Nagkakasundo rin din ang mga eksperto sa buong
mundo at dito sa Pilipinas, na ang pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang
pagkahawa ay ang pampersonal na kalinisan o personal hygiene. Kaya nga dapat ay
ibalik natin ang dating nakagawian na regular na paghugas ng ating mga kamay
gamit ang tubig at sabon. Umiwas sa paghawak sa bibig at mukha. Mukhang
napakasimple? Simple pero mahirap gawin o sundin dahil marami sa atin ang mahilig
humawak sa ating mukha, magkamot ng mata, humawak sa ilong o sa ting pisngi at
labi. Simple pero napakahirap sundin. Sa totoo lang, ay napakaepektibo sa pagpigil
ng maraming klase ng impeksyon kasama na rito ang COVID -19.
Ang pagsuot ng mga face mask, kung wala namang tayong sakit ay
nagbibigay ng maling kaisipan na protektado at ligtas natayo. Sa katunayan, mas
mapadadalas pa ang paghawak mo sa iyong mukha dahil lagi mong ina-adjust ang
iyong face mask.
Sa isang banda, kailangan din naman nating pangalagaan ang mga
nakapaligid sa atin an gating mga mahal sa buhay, kaibigan, kapitbahay, kaopisina,
kaklase lahat ng kapwa nating Pilipino. Kaya kung ikaw ay may karamdaman,
magpahinga at magpagaling na lamangsa bahay at dumistansya muna sa ibang tao
para pangalagaan ang ibang tao sa ating paligid.

-
https://www.facebook.com/RogueMonkeyP

20
H/

1. Ano ang sanhi at bunga ng pagkakaroon ng COVID-19?

2. Gaano kahalaga ang pansariling kalinisan at malakas na pangangatawan para


makaiwas sa COVID-19?

3. Ano ang magiging bunga kapag hindi ka nagtakip ng bibig sa tuwing ikaw ay umuubo
o
bumabahing?

4. Ano ang mga dapat gawin kung ang isang tao ay may sintomas ng COVID-19?

5. Ano ang magiging bunga ng hindi pagsunod sa social o physical distancing?

6. Gaano kahalaga ang social o physical distancing?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Panuto: Ano ang kaisipang inilahad sa nabasang Lunsaran? Ilahad ang iyong
pananaw at iugnay sa sarili, pamilya, pamayanan o daigdig.

F. Paglinang sa kabihasaan
Sa tulong ng mga larawan, bumuo ng mga pangungusap sa maaaring maging
sanhi at bunga sa pagsunod o pagsuway na ipinakikita sa larawan.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

21
4.
9.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Buuin ang pangungusap:
Bilang isang kabataang Pilipino, sa panahon ng COVID, ang simpleng
magagawa ko ay . Magiging
. Palagi
kong gagawin ang upang
makaiwas sa .

H. Paglalahat ng aralin
Ano ang mahahalagang paksang natutuhan mo? Nakapagbigay ba ng mga
kaalaman mula sa iyong sarili, sa pamilya, at sa pamayanan ang mga isyung
nabanggit?

I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Buuin ang talata sa pamamagitan ng paglalagay ng angkop na salita/
mga salita sa patlang upang mabuo ang talata. Piliin sa loob ng kahon ang
wastong salita/mga salita.

20 segundo, alcohol, basurahan, bibig, dumura,


hirap sa paghinga, lagnat, pag-ubo, tubig, uubo
Ugaliin ang madalas at tamang paghuhugas ng kamay. Maghugas ng kamay
gamit ang sabon at malinis na (1) sa loob ng (2) .
Maging maingat kung (3) . Takpan ang (4) at
ilong gamit
ang panyo o tisyu. Itapon sa (5) ibang tao kung uubo. Huwag
(6) ang ginamit na tisyu. Lumayo
sa kung saan-saan. Maghugas ng
kamay o gumamit ng (7) pagkatapos umubo. Kapag
may
nararamdamang sakit gaya ng (8) , (9) at
(10)
, kumunsulta agad sa doktor sa pinakamalapit na ospital.
K. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/o remediation
Sa pagtatapos ng aralin hinggil sa COVID-19. Bumuo ka ng isang panata o
kredo na maaari mong mai-post sa iyong social media para makahimok ka ng
iyong kapwa kabataan para makaiwas sa COVID-19.

22
ARAW NG MGA GAWAIN BILANG NG MGA KABUUANG
PAGSAGOT KATANUNGAN PUNTOS
IKALAWANG
LINGGO
Unang araw A. (A)Balik-aral Akrostik (M-I-T-O-L-O- 10 Puntos
H-I-Y-A)
B. (B)Paghahabi sa Pagbuo ng 10 Puntos
layunin pangungusap(1-5)
C. (E)Pagtalakay ng Sa pagtunton sa 25 Puntos
bagong konsepto pangunahing kaisipan
at paglalahad ng at pantulong na
bagong kasanayan kaisipan
#2
D. (F)Paglinang sa Pagtukoy ng mensahe 10 Puntos
kabihasnan at Pangunahing
Kaisipan
E. (J)Takdang aralin Pagtukoy ng 30 Puntos
mensahe,
Pangunahing
Kaisipan at Pagbuo
ng Pangungusap
Ikalawang araw A. (A)Balik-aral Ano ang kaisipan 10 Puntos
B. (B)Paghahabi sa Epekto sa sarili, sa 20 Puntos
layunin pamilya, sa lipunan at
sa daigdig.
C. (E)Pagtalakay ng Pagtukoy sa pokus sa 10 Puntos
bagong konsepto tagaganap o pokus sa
at paglalahad ng layon. (1-5)
bagong kasanayan
#2
D. (F)Paglinang sa Pagsusuri (1-4) 10 Puntos
kabihasnan
E. (I)Pagtataya ng Pagsusuri sa 10 Puntos
Aralin sumusunod na
pahayag. (1-5)
F. (J)Takdang aralin Pagbuo ng 3 20 Puntos
pangungusap na
Pokus ng Pandiwa ay
sa Tagaganap at 3
pangungusap ang
Pokus ng Pandiwa ay
sa Layon.

Ikatlong araw A. (C)Pag-uugnay ng Salitang 16 Puntos


mga halimbawa sa magkakapareho ng
bagong aralin) kayarian.
B. (D)Pagtatalakay ng Pagtukoy sa Kayarian 10 Puntos
bagong konsepto (1-10)
at paglalahad ng
bagong kasanayan
#1
C. (E)Pagtalakay ng Pagtukoy sa Pokus 5 Puntos
bagong konsepto (1-5)
at paglalahad ng
bagong kasanayan
#2
D. (G)Paglalapat ng Pagsasalaysay 5 Puntos
aralin sa pang
araw-araw na
buhay
Ikaapat na araw A. (A)Balik-aral Pagsusuri sa mga 8 Puntos
salitang kilos na
nakasalungguhit.
23
B. (E)Pagtalakay ng Pagsusuri sa 10 Puntos
bagong konsepto pangungusap kung ito
at paglalahad ng Aksyon, Pangyayari o
bagong kasanayan Karanasan
#2
C. (F)Paglinang sa Pagbuo ng 15 Puntos
kabihasnan Pangungusap
D. (I)Pagtataya ng Pagtukoy sa gamit ng 10 Puntos
Aralin Pandiwa
Ikalimang araw A. (I)Pagtataya ng Pagtukoy sa gamit ng 25 Puntos
Aralin Pandiwa
KABUUAN 269 Puntos

24

You might also like