You are on page 1of 15

JUNIOR HIGH SCHOOL

Grade 10

DIVISION ARALING PANLIPUNAN TOOLS


(DAPAT)
Unang Markahan – Aralin 2.1

KALAGAYAN, SULIRANIN
AT PAGTUGON SA ISYUNG
PANGKAPALIGIRAN NG PILIPINAS

Baitang 10 - Araling Panlipunan


Baitang 10 - Araling Panlipunan
Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran
Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
ng Pilipinas (APQ1W2).
pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
Araling Panlipunan - Baitang 10
Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT)
Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) o anumang bahagi


nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng
Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay
mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT)

Writer: Joseph L. Corneja


Illustrators: Armand Glenn S. Lapor
Ericson L. Nudgara
Patrick T. Lomigo
Layout Artists: Armand Glenn S. Lapor
Merman Francis T. Uy

Division Quality Assurance Team:


Lilibeth E. Larupay
Liza A. Balogo
Armand Glenn S. Lapor
Andie P. Padernilla
Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason Jr.
Dr. Lilibeth T. Estoque Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque Lilibeth E. Larupay
Liza A. Balogo

Baitang 10 - Araling Panlipunan


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran
ng Pilipinas (APQ1W2).
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Baitang 10.

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay pinagtulungang


sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ka,
at ang mga gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) na


mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-
aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay na mga kasanayan
habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay ginawa upang


matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa.
Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga
mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa materyal
na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay ginawa bilang


tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay
matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa
paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na
mga gawaing napapaloob sa materyal na ito. Basahin at unawain upang
masundan ang mga panuto.

Baitang 10 - Araling Panlipunan


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran
ng Pilipinas (APQ1W2).
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng


anomang marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na piraso ng papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos ng sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ALAMIN

Sa modyul na ito ay pag-aaralan ang kalagayan at suliranin sa isyung


pangkapaligiran ng Pilipinas.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:
• natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung
pangkapaligiran ng Pilipinas (AP10Q1W2-3);
• natutukoy ang kalagayan at suliraning pangkapaligiran na
nararanasan ng Pilipinas;
• nakapagbibigay ng kalagayan at suliraning pangkapaligiran na
nararanasan ng Pilipinas; at
• naipaliliwanag ang kalagayan at suliraning pangkapaligiran na
nararanasan ng Pilipinas.
Baitang 10 - Araling Panlipunan 1
Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
SUBUKIN

Sa puntong ito ay susubukin mo ang iyong paunang kaalaman tungkol sa


paksang tatalakayin.
Panuto: Tukuyin ang suliraning pangkapaligiran na inihahayag ng bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
1. tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na
establisimyento
2. walang habas na pagputol ng mga puno sa kagubatan na walang
kaukulang permiso
3. natural na pangyayari na maaaring magpabago sa klima
4. tumutukoy sa mabilisang pagkakalbo ng kagubatan
5. unti-unting pagtaas ng temperatura ng daigdig

KALAGAYAN AT SULIRANIN
SA ISYUNG PANGKAPALIGIRAN NG PILIPINAS

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa daigdig na kasalukuyang


nakararanas ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Bilang bahagi ng lipunan
tayo ay naapektuhan ng mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran.
Mahalagang maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng ating
kapaligiran at ang mga suliraning nararanasan upang maunawaan ang
magiging epekto nito sa buhay ng tao.
Tatalakayin sa araling ito ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran
ng ating bansa at ang mga suliraning nararanasan nito tulad ng suliranin sa
solid waste, suliranin sa likas na yaman at global warming.

Baitang 10 - Araling Panlipunan 2


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
BALIKAN

Sa nakaraang aralin napag-aralan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan


na nakakaapekto sa iyo bilang kabahagi ng komunidad.

GAWAIN 1: Itala Mo
Panuto: Magtala ng mga isyung panlipunan na kasalukuyang nangyayari sa
inyong komunidad o sa bansa. Alamin kung paano ito nakakaapekto
sa iyo at sa iyong komunidad. Gawing gabay ang kasunod na
talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Epekto sa
Isyung Panlipunan Epekto sa Sarili
Komunidad

TUKLASIN

GAWAIN 2: Suri-Larawan
Panuto: Tignan ang mga kasunod na larawan at alamin kung anong uri ng
suliraning pangkapaligiran ang pinapakita dito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. 2. 3.

Baitang 10 - Araling Panlipunan 3


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
4. 5.

1. Ano-anong suliraning pangkapaligiran ang ipinapakita sa larawan?


2. Alin sa mga ito ang nararanasan ng iyong komunidad?
3. Ano ang naging epekto nito sa inyong buhay? Ipaliwanag.

SURIIN

Kalagayan ng Pilipinas: Isyung Pangkapaligiran


Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang sagana sa likas na yaman. Kabilang
dito ang yamang gubat, yamang lupa, yamang mineral at yamang tubig.
Kasalukuyang nakararanas ang ating bansa ng mga suliraning
pangkapaligiran katulad ng suliranin sa basura (solid waste), pagkasira ng mga
likas na yaman, at climate change na dulot ng global warming.
Ang mahinang pamamahala ng basura mula sa kawalan ng sistema ng
koleksyon hanggang sa hindi tamang pagtatapon ay nagiging sanhi ng
polusyon sa hangin at kontaminasyon ng tubig at lupa.
Habang lumalaki ang populasyon at nagbabago ang antas ng
pamumuhay ng tao, at habang umuunlad ang mga lungsod at kanayunan sa
bansa ay dumarami rin ang mga basurang nalilikha. Ang tumataas na dami ng
basura na nauugnay sa modernong ekonomiya ay nagreresulta sa isang
malubhang panganib sa kapaligiran at kalusugan ng tao.
Kasabay ng suliranin sa basura ay ang pagkakalbo ng mga kagubatan na
nababawasan ng humigit-kumulang 47,000 ektarya bawat taon ayon sa datos
ng Forest Management Bureau ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR). Noong 2003, ang mga kagubatan ng bansa ay binubuo ng
.2 milyong ektarya. Ngunit noong 2010, ang forest cover ay bumaba ng 4.6
porsyento o 6.8 milyong ektarya.

Baitang 10 - Araling Panlipunan 4


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
Dahil sa pagkasira ng kalikasan, may mataas na tsansa ang Pilipinas na
makaranas ng mga epekto ng pagbabago ng klima, kabilang ang pagtaas ng
lebel ng tubig sa dagat, matinding pagbabago sa panahon, pagtaas ng
temperatura at matinding pag-ulan na naglalantad sa bansa sa peligro na dulot
ng kalamidad.

Matatagpuan ang Pilipinas sa rehiyon ng daigdig na maraming


tumatamang bagyo. Umaabot ito sa 19-20 na bagyo sa bawat taon, kung saan
7–9 ang nagla-landfall. Mabilis din ang pagtaas ng sea level sa bansa kung
ikukumpara sa global average na nakapagpapalala sa suliraning kinakaharap.

Mga Suliraning Pangkapaligiran


1. Suliranin sa Solid Waste
Ang solid waste ay tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan
at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga
basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi
nakakalason.
Bawat taon, tinatayang 11.2 bilyong tonelada ng solid waste ang
nakokolekta sa buong mundo. Noong 2016, ang mga lungsod sa daigdig ay
nakalikha ng 2.01 bilyong toneladang solid waste na katumbas ng 0.74
kilograms footprints ng bawat tao bawat araw. Sa mabilis na paglaki ng
populasyon at urbanisasyon, inaasahang madaragdagan ang taunang
nalilikhang basura ng 70%, mula sa antas ng 2016 hanggang 3.40 bilyong
tonelada sa 2050.
Samantala, ang solid waste na nanggagaling sa mga lungsod ng Pilipinas
ay inaasahang tataas ng 165% o 77,776 tonelada sa 2025. Sa mga basurang
ito, 57% ay mula sa mga kabahayan, 27% ay mula sa mga komersyal na
establisemento, 12% ay basurang institusyonal, at 4 % ay mula sa mga sektor
ng industriya o pagawaan.

Basurang Nalilikha
Industriya at
Manufacturing, 4%
Institusyonal, 12%

Komersiyal na Kabahayan,
Establisemento, 27% 57%

Kabahayan Komersiyal na Establisemento Institusyonal Industriya at Manufacturing

(Sanggunian:https://business.inquirer.net/270819/solid-waste-mismanagement-in-the philippines)

Baitang 10 - Araling Panlipunan 5


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
2. Pagkasira ng Likas na Yaman
Ang mga dahilan sa pagkasira ng kagubatan ay ang illegal logging,
migrasyon, mabilis na paglaki ng populasyon, paggamit sa kahoy bilang
panggatong o fuel wood harvesting at illegal na pagmimina. Kasabay sa paglaki
ng populasyon ay ang pagtaas ng ` ng tao sa mga hilaw na sangkap sa paglikha
ng produkto na nagreresulta sa pagkaubos ng likas na yaman.
Ang illegal logging ay ang walang habas na pagputol ng mga puno sa
kagubatan na walang kaukulang permiso mula sa gobyerno. Ito ay nagresulta
sa deforestation o mabilis na pagkakalbo ng kagubatan. Ayon sa Department
of Environment and Natural Resources (DENR) na lumabas sa ulat ng National
Economic Development Authority (NEDA) noong 2011, tinatayang mayroong
8.14 milyong kabahayan at industriya ang gumagamit ng uling at kahoy sa
kanilang pagluluto at paggawa ng produkto. Ang mataas na demand sa uling
at kahoy ay nagiging dahilan ng walang habas na pagputol ng mga puno sa
kagubatan.
Ang migrasyon o paglilipat ng tirahan ay nagreresulta sa pagpapalit ng
gamit ng lupa. Ang noo’y lupang agrikultural ay ginagawang mga subdivision
na naging tirahan ng mga tao.
Makikita sa ilustrasyon ang datos ng Philippine Forest Cover noong 2010
mula sa DENR. Mula 2003 hanggang 2010 ay bumaba sa 4.8% ang forest
cover ng bansa o 6.8 milyong ektarya na lamang. Sa mga natirang ito, 67.18%
ay open forest, 28.28 % ay closed forest at 4.54% ay magroove forest.

Pinagkunan: http://forestry.denr.gov.ph/index.php/statistics/forest-cover

Baitang 10 - Araling Panlipunan 6


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
Sa yamang tubig, naging pangunahing suliranin ang pagtatapon ng
basura na naging dahilan ng polusyon sa tubig na pumapatay sa mga hayop at
halaman dito.
Ang oil spill ay isa ring dahilan ng polusyon sa tubig. Ito ay tumutukoy sa
mga nakalalasong kemikal na nailalabas sa mga katubigan na siyang
pumapatay sa lahat ng buhay dito. Halimbawa nito ang oil spill sa Guimaras
noong 2006 na resulta ng paglubog ng isang oil tanker. Nasundan ito noong
2020 sa Iloilo ng pumutok naman ang isang power barge.

3. Climate Change
Ang climate change ay isang natural na pangyayari na nagpapabago sa
klima ng daigdig. Ito ay nagreresulta sa global warming na tumutukoy sa unti-
unting pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo.
Ilan sa mga palatandaan na nararanasan ng Pilipinas ang global warming
ay ang El Niño at La Niña, malalakas na bagyo, pagbaha, tagtuyot, pagguho
ng lupa at forest fire. Nagkakaroon ng matagalang epekto ang global warming
sa ating bansa tulad ng pagkaroon ng kakulangan sa pagkain, pagkamatay ng
mga hayop at halaman sa karagatan, pagkakaroon ng soil subsidence sa ilang
lugar dahil sa pagtaas ng sea level. Higit sa lahat ang pagbaba ng produksiyon
sa agrikultura na siyang pinagkukunan natin ng pagkain.

PAGYAMANIN

GAWAIN 3: Punan ang Talahanayan


Panuto: Magtukoy ng apat (4) na pangunahing suliraning pangkapaligiran ng
bansa. Punan ng mga hinihinging impormasyon ang kasunod na
talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Suliraning
Sanhi/Dahilan Epekto
Pangkapaligiran

Baitang 10 - Araling Panlipunan 7


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
ISAISIP

Mga dapat tandaan sa araling ito.

• Ang iba’t ibang suliraning pangkapaligiran na nararanasan ng bansa ay


suliranin sa solid waste, suliranin sa likas na yaman, at climate change
na dulot ng global warming.
• Ang solid waste ay tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga
tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa
paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang
basurang hindi nakakalason.
• Malaki ang pagkasira ng likas na yaman ng bansa lalong lalo na ang
kabuhayan ng tao na mas pinalakas ng epekto ng global warming.
• Ang kasalukuyang pagkakaroon ng iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran ng bansa ay isang malaking hamon sa mamamayan at
sa pamahalaan. Sa pagtugon ng ganitong isyu, inaasahan ang
kooperasyon ng mamamayan at hindi lamang ipagpaubaya sa
pamahalaan.

ISAGAWA

GAWAIN 4: Paglalahat
Panuto: Basahin ang artikulo tungkol sa epekto ng suliranin at hamong
pangkapaligiran. Gawing gabay ang mga tanong sa ibaba sa
paggawa ng paglalahat. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PDRRMC seeks to put Iloilo province under “state of calamity”


By: Leonard T. Pineda
Published: January 6, 2020

ILOILO CITY, Jan. 6 (PIA-6) --- The Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction
and Management Council (PDRRMC) has recommended the declaration of a
state of calamity in Iloilo province following the onslaught of typhoon Ursula last
month.
In the PDRRMC emergency meeting held recently, Iloilo Governor Arthur
Defensor, Jr. said there is a need to declare the state of calamity in the province
due to the damage and impact of the typhoon to the means of livelihood on
agricultural, business, and industrial sectors.

Baitang 10 - Araling Panlipunan 8


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
Data from PDRRMC showed that 24 municipalities in the province already
reported damage on agriculture.
A total of 11,389 hectares of land devoted to rice were damaged, while 3,084
hectares of corn area were destroyed, as per the Jan. 3 report of PDRRMC.
The typhoon also affected 8,494 farmers in Iloilo. Of the figure, some 6,456
farmers are from northern Iloilo.
Also, based on the report of the PDRRMO, a total of 9,023 houses were totally
damaged while 33,208 houses were partially damaged due to the typhoon.
Meanwhile, PDRRMO will consolidate and finalize the rapid damage needs
analysis reports from various affected local government units this week to hasten
the endorsement of the resolution to the Sangguniang Panlalawigan.
(JBG/LTP/PIA-Iloilo)
Pinagkunan:https://reliefweb.int/report/philippines/pdrrmc-seeks-put-iloilo-province-under-state-calamity.

1. Bakit kailangang ilagay sa state of calamity ang probinsya?


2. Paano nakaaapekto ang mga suliranin at hamong pangkapaligirang ito
sa ating pamumuhay?
3. Ano ang paglalahat na mailalahad mo tungkol sa artikulo?

TAYAHIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan, komersyal
na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na
nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi
nakakalason.
A. oil spill C. solid waste
B. recyclable waste D. biodegradable
2. Aling ang HINDI nagpapakita sa kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t
ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. May kanya-kanyang kaparaanan ang mga mamamayan sa
pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat
harapin ng lahat ng sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t
ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang mga dayuhan na pumarito sa bansa kung walang
suliraning pangkapaligiran.
3. Ang sumusunod ay gawa ng tao na epekto ng global warming MALIBAN
sa __________.
A. usok mula sa pabrika C. malalakas na bagyo
B. pagputol ng punong kahoy D. hindi tamang pagtapon ng basura

Baitang 10 - Araling Panlipunan 9


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
4. Ang likas na yaman na ito ay tirahan ng iba’t ibang mga wildlife na
nagpapanatili ng balanse ng kalikasan. Mahalagang mapanatili ang
balanseng ito dahil kung patuloy itong masisira ay maapektuhan din ang
pamumuhay ng tao. Anong likas na yaman ang tinutukoy dito?
A. yamang tubig C. yamang lupa
B. yamang gubat D. yamang mineral
5. Alin sa sumusunod ang may pinakamalaking ambag sa basurang
nakokolekta taon taon?
A. industriya C. komersiyal
B. institusyon D. kabahayan
6. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagguho ng lupa MALIBAN sa
__________.
A. pagmimina C. pagkakaingin
B. pagtatapon ng basura D. pagpuputol ng puno
7. Ayon sa datos ng Forest Management Bureau ng Department of
Environment and Natural Resources ang forest cover ng bansa ay
nadagdagan mula 2003 hanggang 2010. Ano ang iyong mahihinuha sa
pahayag?
A. ang pahayag ay mali
B. ang pahayag ay tama
C. ang pahayag ay walang basehan
D. ang pahayag ay walang katuturan
8. Ito ay tumutukoy sa mga nakalalasong kemikal na nailalabas sa mga
katubigan na siyang pumapatay sa lahat ng buhay dito.
A. oil spill C. global warming
B. illegal logging D. kaingin system
9. Ang sumusunod ay mga dahilan ng patuloy na deforestation sa Pilipinas
MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. migration C. overpopulation
B. fuel wood harvesting D. unemployment
10. Alin ang HINDI nagpapakita ng palatandaan ng global warming?
A. El Niño C. pagdami ng isda sa dagat
B. malalakas na bagyo D. pagtaas ng temperatura

KARAGDAGANG GAWAIN

GAWAIN 5: Photo Mosaic


Panuto: Gumawa ng isang photo mosaic gamit ang mga lumang diyaryo,
magazine at iba pang babasahin na nagpapakita ng
pangangalaga sa kapaligiran. Ilagay ito sa isang short-sized
bond paper.

Baitang 10 - Araling Panlipunan 10


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
SUSI SA PAGWAWASTO

Subukin
1. solid waste 4. deforestation
2. illegal logging 5. global warming
3. climate change

GAWAIN 1: Itala Mo
Maaaring magkaroon ng iba’t ibang kasagutan sa mga tanong.

GAWAIN 2: Suri-Larawan
1. suliranin sa basura 4. pagbaha
2. deforestation/pagkakalbo ng 5. air pollution/polusyon sa
bundok hangin
3. typhoon/bagyo
Maaaring magkaroon ng iba’t ibang kasagutan sa mga tanong.

GAWAIN 3: Punan Ang Talahanayan


Paalala: Pwedeng tanggapin ang sagot ng mag-aaral kahit wala sa tekstong binasa
kung sa tingin ng guro ay tama.
Suliraning
Sanhi/Dahilan Epekto
Pankapaligiran
Dumarming Basura
Solid Waste
Tumataas na bilang ng Populasyon
Pagkasira ng Likas 1. illegal logging, migration, mabilis na
na Yaman paglaki ng populasyon, paggamit sa kahoy
bilang panggatong o fuel wood harvesting at
1. Yamang Gubat illegal na pagmimina. May
2. Pagtapon ng basura sa mga anyong tubig pagkakaibaiba
at oil spill. sa sagot.
2. Yamang Tubig 3. Pagkakalbo ng kagubatan, ang pagkasira
ng matatabang lupa dahil sa pagmimina, at
pagpapalit gamit ng lupa
3. Yamang Lupa
Climate Change Napalala dahil sa gawain ng Tao.

GAWAIN 4: Generalization Chart


Maaaring magkaroon ng iba’t ibang kasagutan.

TAYAHIN
1. C 6. B
2. A 7. A
3. C 8. B
4. B 9. D
5. D 10. C

Baitang 10 - Araling Panlipunan 11


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).
GAWAIN 5: Photo Mosaic

Pamantayan Deskripsiyon Puntos


Makatotohanan ang nilalaman ng presentasyon. Gumamit
Nilalaman ng mga larawan, datos, at iba’t ibang materyales upang 10
suportahan ang ginawang mosaic.
Naipapakita ang mga dahilan ng mga suliraning
Pagsusuri 10
pangkapaligiran at paano ito pangalagaan.
Pagkamalikhain Gumamit ng malikhaing paraan sa paglalahad ng mosaic. 5
Kabuuan 25

SANGGUNIAN

“Solid Waste Management.” 2019. World Bank. 2019.


https://www.worldbank.org/en/topic/urbandevelopment/brief/solid-waste-management.

Mawis, Sara Mae D. 2019. “Solid Waste Mismanagement in the Philippines.” INQUIRER.Net.
May 18, 2019. https://business.inquirer.net/270819/solid-waste-mismanagement-in-the.

“Forest Cover.” n.d. Forestry.Denr.Gov.Ph. Accessed July 26, 2020.


http://forestry.denr.gov.ph/index.php/statistics/forest-cover.

“Climate Risk Profile: Philippines.” 2017. Climatelinks. 2017.


https://www.climatelinks.org/resources/climate-change-risk-profile-philippines.

“Global Climate Risk Index 2020.” n.d. Germanwatch.Org. https://germanwatch.org/en/17307.

“PDRRMC Seeks to Put Iloilo Province under ‘State of Calamity’ - Philippines.” n.d.
ReliefWeb. Accessed July 26, 2020. https://reliefweb.int/report/philippines/pdrrmc-seeks-put-
iloilo-province-under-state-calamity

Baitang 10 - Araling Panlipunan 12


Kompetensi: Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon
sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas (APQ1W2).

You might also like