You are on page 1of 12

JUNIOR HIGH SCHOOL

Grade 9

Araling Panlipunan

DIVISION ARALING PANLIPUNAN TOOLS


(DAPAT)
Unang Markahan – Modyul 2.1

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
SA PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY

Baitang 9-Araling Panlipunan


Baitang 9-Araling Panlipunan
Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na pamumuhay ng
Kompetensi:Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na pamumuhay ng
bawat pamilya at ng lipunan (AP9MKE-Ia-2)
bawat pamilya at ng lipunan (AP9MKE-Ia-2)
Araling Panlipunan – Baitang 9
Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT)
Ekonomiks
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) o anumang bahagi nito ay


inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT)

Writer: Allen Joy D. Tendero

Illustrator: Armand Glenn S. Lapor

Layout Artists: Armand Glenn S. Lapor


Merman Francis T. Uy

Division Quality Assurance Team:


Lilibeth E. Larupay
Liza A. Balogo
Armand Glenn S. Lapor
Andie P. Padernilla

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo Dr. Nordy D. Siason Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque Lilibeth E. Larupay
Liza A. Balogo

Baitang 9-Araling Panlipunan


Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na pamumuhay ng
bawat pamilya at ng lipunan (AP9MKE-Ia-2)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan, Baitang 9.

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay pinagtulungang sinulat,


dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ka, at ang mga gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) na mapatnubayan


ang mag-aaral sa malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang malinang at
makamit ang panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay ginawa upang


matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang
katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral
kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa materyal na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Division Araling Panlipunan Tools (DAPAT) ay ginawa bilang tugon sa


iyong pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo
ng kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa materyal
na ito. Basahin at unawain upang masundan ang mga panuto.

Baitang 9-Araling Panlipunan


Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na pamumuhay ng
bawat pamilya at ng lipunan (AP9MKE-Ia-2)
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang
marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
piraso ng papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos ng
sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isip
na hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

ALAMIN

Sa modyul na ito pag-aaralan natin ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-


araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

• natataya ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na


pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan (AP9MKE-Ia-2);
• natutukoy ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan; at
• naipapaliwanag ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan.

Baitang 9-Araling Panlipunan 1


Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang-araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
(AP9MKE-Ia-2)
SUBUKIN

Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang ekonomiks?


2. Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong sa iyo ang ekonomiks?
3. Bilang kasapi ng lipunan, paano mo magagamit ang ekonomiks sa
pagtugon sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa?

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Araw-araw ay gumagawa ng simple hanggang sa pinakakomplikadong
desisyon ang tao.
Ang modyul na ito ay magbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga mag-
aaral ukol sa kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.
Miuugnay nila ang ekonomiks sa kaganapan sa kanilang buhay at sa bawat desisyong
kanilang ginagawa.

BALIKAN

Bago talakayin ang mga aralin sa modyul na ito, alamin muna natin ang inyong
mga natutunan sa nakaraang paksa.
Panuto: Tukuyin ang konsepto na ipinapaliwanag ng mga sumusunod na pahayag.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang


ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon
2. tawag sa pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay
3. Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman
4. tumutukoy sa pag-aaral ng maliit na yunit ng ekonomiya
5. katawagan sa malaking yunit o bahagi ng ekonomiya

Baitang 9-Araling Panlipunan 2


Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang-araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
(AP9MKE-Ia-2)
TUKLASIN

GAWAIN 1: TAYO NA SA CANTEEN


Panuto: Basahin ang kasunod na sitwasyon at sagutin ang mga tanong.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sitwasyon:
Si Nicole ay pumapasok sa isang pampublikong paaralan na
malapit sa kanilang bahay. Naglalakad lamang siya tuwing papasok at
uuwi. Sa loob ng isang linggo, binibigyan siya ng kaniyang mga magulang
ng Php300 na baon na pambili ng kanyang pagkain at iba pang
pangangailangan.
Suriin ang talahanayan ng mga produktong maaaring bilhin ni
Nicole sa canteen at sagutin ang mga kasunod na tanong.

1. Kung ikaw si Nicole, ano ang mga produktong handa mong ipagpalit upang
makabili ng inuming tubig? Bakit?
2. Nagkaroon ng promo sa mga kanin at ulam (combo meals) at bumaba sa
Php 25.00 ang halaga nito. Kung ikaw si Nicole, paano mo pamamahalaan
ang iyong badyet?

Produkto Presyo
Tubig na inumin Php 10.00
Tinapay Php 8.00
Kanin Php 10.00
Ulam Php 20.00
Juice Php 15.00

SURIIN

Ang ekonomiks ay bahagi ng ating pang-araw-araw na gawain sa buhay.


Malawak ang sakop nito sa ating buhay at ekonomiya. Bawat galaw ng mga ito ay
maiuugnay sa ekonomiks.
.
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Sa pag-aaral ng Ekonomiks, natutunan ng bawat indibidwal ang mga kaisipan,
pananaw, kasanayan, at konsepto na nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa
lipunan ay patuloy na kumikilos upang maghanapbuhay at magkaroon ng ikabubuhay.

Baitang 9-Araling Panlipunan 3


Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang-araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
(AP9MKE-Ia-2)
Maging ang mga galaw ng pamahalaan ukol sa pamamalakad ng ekonomiya ay
saklaw ng pag-aaral nito.

Isa sa mga mahahalagang katangian na natutunan ng tao, lalo na ng mga


kabataan, ay ang paggawa ng rasyonal na pagdedesisyon sa buhay. Kailangang
malinang sa mga mag-aaral ang paggawa ng matalinong desisyon sapagkat hindi sa
lahat ng oras ay maaari silang umaasa sa kanilang magulang sa pagdedesisyon sa
isang bagay.

Maraming bagay ang dapat pagdesisyunan ng mga mag-aaral sa kanilang


buhay. Halimbawa ay ang sumusunod:

pagpili ng kurso sa kolehiyo paggastos ng allowance

pagsapi sa mga organisasyon pagsama sa pamamasyal


ng mga barkada

pagpili ng mga damit at pagkain pagpili ng magiging kaibigan

Sa tulong ng ekonomiks mauunawaan na ang bawat desisyon mo ay maaari


ding makakaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Bukod dito, mapahahalagahan mo rin ang pagtupad at pagganap mo sa iyong


tungkulin bilang mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang pagbabayad ng tamang buwis;
pagtangkilik sa sariling produkto; pagsunod sa mga batas na itinakda ng pamahalaan;
pagsuporta sa mga programa at proyektong pangkalikasan, pangkabuhayan, at
panlipunan ng pamahalaan at mga non-governmental organizations (NGOs); pagboto
kapag may eleksiyon; at pagiging mapagmatyag at alerto sa maling gawain ng mga
namumuno sa ating bansa.

Bilang miyembro ng pamilya, mahalaga rin ang mga desisyon na iyong gagawin
sa ikauunlad at ikagaganda ng samahan ng buong pamilya. Halimbawa nito ay ang
pagbili sa mga bagay na mas kailangan ng pamilya, makapaghanapbuhay upang
makatulong sa mga ito, pagtitipid sa paggamit ng kuryente at tubig, at ipa pa.

Ang pamahalaan ay gumagawa rin ng desisyon na mahalaga sa paglutas ng


mga suliraning pang-ekonomiya, tulad ng pagtaas ng suplay ng bigas, pagkontrol sa
presyo ng langis, pagkakaloob ng tulong pinansiyal sa mahihirap, pagpataw ng parusa
sa mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan, paghuli sa mga tao na sangkot sa
mga illegal na gawain, at iba pa.

Ang pag-aaral ng ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga mag-aaral upang


maging mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa mga kaganapan sa lipunan. Higit na
mauunawaan ng mga mag-aaral kung paano ang mga pangyayari sa ekonomiya,
tulad ng pagtaas ng buwis at presyo ng langis, pagdaragdag ng sahod sa mga

Baitang 9-Araling Panlipunan 4


Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang-araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
(AP9MKE-Ia-2)
manggagawa, pagtatrabaho ng mga manggagawa sa ibang bansa, paghina ng piso
laban sa dolyar, at iba pang isyu ay nakakaapekto sa pang-araw-raw na pamumuhay.

Ang mga kaisipang pampolitika, pangkabuhayan, at pangmoralidad ay


nalilinang din sa pag-aaral ng ekonomiks. Nagkakaroon ng lubos na pag-unawa ang
mga mag-aaral sa kaganapan sa lipunan at nagiging mulat ang mga ito kung bakit
nagaganap ang isang bagay. Ang pagiging mulat sa mga kaganapan sa lipunan ay
makatutulong sa paghubog sa wastong asal, gawi, at kilos ng tao sa lipunan.

Ang ekonomiks ay hindi lamang sumasalamin sa pagkilos ng tao sa lipunan.


Sinusuri rin nito ang epekto ng napakaraming suliranin na pinag-uusapan at
nararanasan ng ekonomiya ng bansa. Bawat tao, mahirap man o mayaman, ay may
kanya-kanyang reaksyon, opinyon, at saloobin ukol sa isang suliranin sapagkat bawat
isa ay apektado ng anumang suliranin sa ekonomiya.

Higit na magiging matalino ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng mga


desisyon sa kanilang buhay bunga ng mga bagay na kanilang natutunan sa pag-aaral
ng ekonomiks. Kaya, kailangang ituro sa mga mag-aaral ito upang sila ay maging
aktibo sa pakikilahok sa mga programang pang-ekonomiya ng pamahalaan kahit sa
pinakasimpleng kaparaanan.

PAGYAMANIN

GAWAIN 2: Alamin, Tukuyin


Panuto: Piliin sa sumusunod ang mga kaisipang may kaugnayan sa suliraning
pang-ekonomiya. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. kakulangan ng presyo ng bigas


B. pang-aabuso sa karapatan ng mga mamimili
C. pagbibigay ng lupa sa mga magsasaka
D. pandaraya sa halaga ng mga produkto
E. pagpapatupad ng death penalty
F. korapsiyon sa pamahalaan
G. pagtaas ng presyo ng mga bilihin
H. pagtatala ukol sa family planning
I. pagpapalit ng sistema ng pangongolekta ng buwis
J. pagkasira ng kalikasan

Baitang 9-Araling Panlipunan 5


Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang-araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
(AP9MKE-Ia-2)
GAWAIN 3: Tanong, Sagutin
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa papel.

1. Magbigay ng limang kahalagahan ng ekonomiks sa ating pang-araw-araw na


pamumuhay.
2. Sino sa palagay mo ang may pinakamalaking kontribusyon sa pag-unlad ng
ekonomiya. Bakit?
3. Ano ang papel na gusto mong gampanan sa pagpapaunlad ng ekonomiya?
Pumili ng isa at pangatwiran ang sagot.
A. prodyuser C. mamimili
B. ekonomista D. opisyal ng pamahalaan

ISAISIP

Mga mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan.

• Sa tulong ng ekonomiks, mauunawaan na ang bawat desisyon ay mayroong


epekto sa ekonomiya ng bansa.
• Ang pag-aaral ng ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan
upang maging mapanuri, mapagmasid, at kritikal sa mga kaganapan sa
lipunan.
• Sa pag-aaral ng ekonomiks nagkakaroon ng lubos na pag-unawa ang mga
mag-aaral sa kahalagahan nito.
• Ang ekonomiks ay hindi lamang sumasalamin sa pagkilos ng tao sa lipunan.
Sinusuri rin nito ang epekto ng mga ito sa ekonomiya ng bansa.

ISAGAWA

GAWAIN 4: Paglutas ng Suliranin


Panuto: Magbigay ng isang paksa mula sa mga napapanahong problema ng
bansa. Gawan ng masusing pag-aaral kung paano ito lulutasin. Gawing
gabay ang mga tanong. Isulat ang gawain sa isang buong papel.

Paksa: ______________________________________________

Baitang 9-Araling Panlipunan 6


Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang-araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
(AP9MKE-Ia-2)
1. Paano nakakaapekto ang suliraning iyong napili sa iyo bilang kasapi ng
lipunan?
2. Paano ka makatutulong sa paglutas ng suliraning ito?
3. Ano sa palagay mo ang mga hakbangin na dapat gawin ng gobyerno at
mamamayan upang malutas ang suliraning iyong napili?

TAYAHIN

Panuto: Buuin ang kasunod na talahanayan. Magbigay ng isang kahalagahan


ng ekonomiks para sa bawat hanay. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Sarili Pamilya Barangay Bansa

KARAGDAGANG GAWAIN

GAWAIN 5: I-Comic Strip


Panuto: Ipakita ang inyong natutunan sa pamamagitan ng paggawa ng isang
Comic Strip. Maaari itong ilagay sa short-sized bond paper.

Baitang 9-Araling Panlipunan 7


Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang-araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
(AP9MKE-Ia-2)
SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN
Maaaring magkaroon ng iba’t ibang kasagutan. Nasa guro na ang pagwawasto.

BALIKAN
1. Opportunity Cost
2. Trade-off
3. Ekonomiks
4. Maykroekonomiks
5. Makroekonomiks

GAWAIN 1: Tayo Na Sa Canteen


Maaaring magkaroon ng iba’t ibang kasagutan. Nasa guro na ang pagwawasto.

GAWAIN 2: Alamin, Tukuyin


Suliraning Pang-ekonomiya
A, B, D, I, G

GAWAIN 3: Tanong, Sagutin


Maaaring magkaroon ng iba’t ibang kasagutan. Nasa guro na ang pagwawasto.

GAWAIN 4: Paglutas ng Suliranin

Pamantayan Deskripsyon Puntos


Naipaliwanag ng mahusay ang napiling paksa at naipakita ang
paggamit ng siyetipikong pamamaraan sa paglutas ng napiling
Nilalaman
suliranin. 5

Organisasyon ng Lohikal at mahusay ang pagkasunod-sunod ng mga ideya.


5
mga Ideya
Makabuluhan ang pagtatalakay tungkol sa napiling paksa
Diskusyon 5

GAWAIN 5: I-Comic Strip

Pamantayan Deskripsyon Puntos


Naipapakita at naipapaliwanag nang mahusay ang kaangkupan
Nilalaman 20
ng mga eksena sa comic strip.
Pagkamalikhain, Maliwanag at angkop ang mensahe sa paglalarawan ng konsepto
15
pagkamasining sa comic strip.
Kabuuang Malinis, maayos at may kahusayan sa pagpapaliwanag ng
15
presentasyon kabuuang larawan ng comic strip.

Baitang 9-Araling Panlipunan 8


Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang-araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
(AP9MKE-Ia-2)
SANGGUNIAN

1. Antonio, E., Dallo, E., Imperial, C., Samson, M.C., Soriano, C. 2017. Ekonomiks:
Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. 3rd ed. Sampaloc, Manila: Rex
Book Store

2. Bon, C., Mendoza, M.A., Santiago, A. 2012. Ekonomiks: Pambansang Pag-unlad.


Dalandan, Valenzuela City: 2nd ed. JO-ES Publishing House, Inc.

3. Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas 2015. Ekonomiks: Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. 1st ed. Pasig City, Philippines

Baitang 9-Araling Panlipunan 9


Kompetensi: Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks
sa pang-araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
(AP9MKE-Ia-2)

You might also like