You are on page 1of 20

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagtala ng Modyul

Compilers: CHERRY ANN V. QUINALAYO -SST III, Pasil NHS


RENELYN T. MAHINAY - SST I, CCDCMNHS
EDA A. HOSENILLA -SST1, ABELLANA NS
ADELINE R. GACASAN -SST1, LAHUG NIGHT HS
FE P. VALDERAMA -MT I, CCDCAGMNHS
Editors: ALLAN GEPITULAN - Principal, City Central NHS
EVELYN R. PIELAGO -Principal IV, Abellana NS
Management Team:
RHEA MAR A. ANGTUD EdD
Schools Division Superintendent
BERNADETTE A. SUSVILLA EdD
Assistant Schools Division Superintendent
GRECIA F. BATALUNA
Chief, Curriculum Implementation Division
TERESITA B. MANZANADES EdD
EPSvr, EsP/Guidance
VANESSA L. HARAYO
EPSvr, LRMDS

Inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Cebu City Division, ROVII


Office Address: Imus Avenue, Cebu City
Telefax: (032) 255-1516 / (032) 253-9095
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Layunin ng Lipunan Kabutihang Panlahat

(Unang Linggo – Ikalawang Linggo)


Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao,
Ikasiyam na Antas ng Sekundarya (Grade 9).
Ang modyul na ito ay pinagtulungang tinala, nilinang at sinuri ng mga bumuo
sa pagtala ng modyul upang gabayan ka at matulungang makamit ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12. Ito rin ay makatutulong sa iyo na matagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa mag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin (Objectives) dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin (Pretest)
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan (Review)
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin at Suriin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
(Presentation of the
Lesson and Discussion) ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Mayroong din maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Naglalaman ito ng mga katanungan,
Isaisip(Generalization) pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
Isagawa (Application) realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin (Evaluation) masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Binubuo ito ng mga gawain para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
(Enrichment) ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Maging tapat sa pagsagawa ng mga modyul at huwag ipasagot sa ibang tao.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ipasa ang mga sagutang papel (answer sheet) sa modyul na ito sa iyong guro.
Huwag kalimutang lagyan ng pangalan, pangkat (section) at pamagat ng
modyul.
Kung sakaling ikaw ay mahihirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro sa pamamagitan ng
text/groupchat/messenger o telepono. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo.

Laging itanim sa iyong isipan na hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
MODULE 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat

Alamin

Mga Layunin:

A. Natutukoy ang mga elemento ng kabutihang panlahat.


B. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa
kabutihang panlahat sa panahon ng pandemya.

C. Nakakagawa ng mga hakbang upang makatulong sa hindi paglaganap


ng Corona Virus Disease bilang napapanahong isyu para sa kabutihang
panlahat.

Subukin (Pre-Test)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.


Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa

sagutang papel. Ilagay ito sa isang buong papel.

1. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de


Manila University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan
ang tao. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan
at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang
ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng
lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga
kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng
lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao
at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng
lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan
ng pagkatao.

2. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat


maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
B. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili
kaysa sa nagagawa ng iba.

1
C. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit
pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.
D. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.

3. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


A. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin
samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-
tangi ng mga kabilang nito.
B. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes,
mithiin at pagpapahalaga samatalang sa komunidad, ang namumuno
ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
C. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na
kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad,
ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga
mithiin.
D. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop
samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.

4. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa
ating kapwa.
C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na
makapag-isa.
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging
panlipunan.

5. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:


A. Kapayapaan
B. Katiwasayan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.”
Ang mga katagang ito ay winika ni:
A. Aristotle C. John F. Kennedy
B. St. Thomas Aquinas D. Bill Clinton

7. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


A. kapayapaan C. katiwasayan
B. kabutihang panlahat D. kasaganaan

2
8. Ano ang kabutihang panlahat?
A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi
nito

9. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat


indibidwal. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na
makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning
itinalaga ng lipunan.
C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat
isang indibidwal.
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na
nagtatakda ng mga layunin.

10. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa


lipunan. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa
mga karapatan ng tao.
B. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa
Likas na Batas.
C. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at
sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng
indibidwal.
D. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang
Panlahat.

3
Panimulang Aral
Mulat ka ba sa mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan? Dahil sa
pandemya may mga batas tayo o mas mainam sabihing “protocols” na bago
lang sa ating pandinig, kaya nagkakaroon ng hindi pagkakasundo.
Magkakaroon pa kaya tayo ng matiwasay na lipunan?
Matindi ang dulot ng pandemyang hatid ng Corona Virus Disease, hindi
lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Madaming lumulutang na hindi
pagkakaroon ng di pagkakaunawaan dahil maraming nilabag na karapatang
pantao ang batas na umiiral ngayon sa atin.
Sa pagsunod natin sa batas o community protocols ay maiiwasan nating
mahawaan at makahawa sa iba. Sa pamamagitan ng pag stay at home,
mababawasan na ang pagkalat ng virus at natutulungan pa natin ang ating
komunidad o lipunan.
Dahil “Ang tao ay isang panlipunang nilalang”. Sa panahon ngayon na
may pandemya paano ka makikibahagi sa iba bilang isang panlipunang
nilalang kung pinagbabawal nga ito ngayon? Sa sinasabing “Walang
sinumang mabubuhay para sa kanyang sarili lamang.” kailangan ng taong
makibahagi at mamuhay sa lipunan, isa ito sa itinalagang likas na katangian
ng mga nilikha ayon sa likas na batas.

Ang ating pagiging kasama ng kapwa ay isang pagpahalaga na


nagbibigay ng tunay na kaganapan sa ating pagkatao. Ang ating mga gawain
ay panlipunan dahil natutuhan natin ito kasama sila. Ginagawa natin ito
dahil mahalaga ang mga ito sa lipunan at iniaalay natin ito para sa ating
kapwa. Halimbawa, ang simpleng gawain na paglilinis ng ating bakuran ay
hindi makakasanayang gawin ng isang bata kung hindi ito itinuro ng pamilya.
Kaya kahit sa panahon ng pandemya maari ka pa rin makakagawa ng mabuti
tulad ng pagsunod ng mga community protocols kahit hindi na kailangan ng
pakikipagsalamuha sa iba.

Sa panahon ngayon, ano kaya ang mga hakbang ng ating lipunan


upang magkakaroon tayo ng matiwasay na lipunan? Magkakaroon ba tayo ng
kapayaan, katiwasayan, magandang edukasyon, katarungan? Paano ang
ating kalayaan, freedom of speech, adbokasiya at karapatang pantao?
Makakamit pa kaya natin ito?

Maraming mga tao na gusto ng mamuhay ng normal tulad ng dati,


nuong wala pa ang pandemya. Pero kailan? Paano nga kaya magkakaroon ng
katiwasayan sa lipunan? Kung tatanungin kita ngayon, ano kaya ang
maipapayo mo? Gawin natin ito sa unang bahagi ng araling ito.

4
ARALIN 1: ANG MATIWASAY NA LIPUNAN
(UNANG LINGGO)

Tuklasin at Suriin
Siguradong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang
pagkain. Malinaw na nakasulat dito ang nga sangkap at ang sukat ng mga
ito. Nakasulat din ang malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung
isusulat natin ang recipe para sa matiwasay na lipunan, ano kaya ang
sangkap nito at papaano kaya ito makakamit? Bumuo ka ng Recipe Para sa
Matiwasay na Lipunan lalo sa panahon ngayon na may pandemya. Ilagay sa
isang buong “long bond paper.”

Narito ang nilalaman nito:


1. Sangkap na kailangan upang matiyak ang katiwasayan sa
lipunan.
2. Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsarita,
kilo, gramo at iba na kakatawan ng mga elemento ng Lipunan.
3. Pamamaran kung paano magagamit ang mga sangkap na
inilagay (hal. Ilagay ang katarungan sa isang malaking lalagyan
at haluan ito ng pagmamahal. Matapos itong mapagsama at
budburan ito ng bukas na komunikasyon.

Matapos ang gawain ay sagutin mo ang sumusunod na tanong: (Isulat


ito sa isang buong papel.)

1. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na


lipunan?
2. Sa iyong opinyon. Ano kaya ang katangian ng matiwasay na Lipunan?
Lalo sa panahon ngayon na may pandemya.
3. Ano ang pinakamahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng
matiwasay sa lipunan? Ipaliwanag

Ngayon alam mo na kung ano ang mahalagang sangkap sa isang


matiwasay na lipunan.

Isaisip
Napapansin mo ba ang sarili mo sa kasalukuyan? Nag-iiba na ba ang
mga reaksyon mo sa mga nangyayari sa iyong paligid tulad ng mga balita at

5
mga isyung nangingibabaw sa media? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong
na ito, ibig sabihin ay lumalabas na sa iyong sarili ang iyong pagtingin,
mayroon ka ng pakialam sa lipunang iyong kinabibilangan mo. Nakilala mo
na hindi ka lamang nabubuhay para sa iyong sarili at para sa iyong pamilya,
na mayroong mas malawak na mundong iyong kinabibilangan at ikaw ay
isang mahalagang bahagi nito. Kung hindi naman ang iyong sagot, huwag
kang mag-alala at darating din ang pagkakataong mababago ang iyong
pananaw sa buhay. Maaaring naghihintay lamang ito ng tamang
pagkakataon. Maaaring makatulong nang malaki sa iyo ang mga aralin sa
baitang na ito.
Sa panahon na may pandemya may pakialam ka ba? Alam mo ba ang
ang “community protocols”? Ano-ano kaya ang mga ito?
Para sa iyo, ano ang pinakamahirap na bahagi ng community
quarantine? Kung ikaw ay mag-isa lang sa bahay habang pinapatupad ang
community quarantine, ano kaya iyong mararamdaman?

Isagawa

Sagutin ang mga tanong. Isulat ito sa isang buong papel

1. Ano ang nararamdaman mo habang nasa “community


quarantine?”
2. Sumasang-ayon ka ba sa batas o “community protocols” na
ipinapatupad ng ating gobyerno sa panahon ngayon na may
pandemya? Ipaliwanag.
3. Sa palagay mo, ang ipinapatupad ba na batas o community
protocols ng ating gobyerno ngayon ay para sa kabutihang
nakararami o kabutihang panlahat? Ibigay ang iyong opinyon.

Tayahin

Panuto: Sumulat ng maikling paglalarawan ng bawat isang sektor at


magbigay ng tig-iisang layunin at kontribusyon sa ating lipunan.
Sundin ang halimbawa sa ibaba. Isulat ito sa isang buong papel.
Sektor Paglalarawan Layunin Kontribusyon
Paaralan Ang paaralan ay isang lugar
kung saan tinuturuan ang mga
Tulungan pagkaroon
ng kaalaman ang mga
Sa paaralan matutunan
natin kung paano maging
estudyante o mag-aaral upang bata mahusay na
magkaroon sila ng mga manggagawa sa lipunan
kaalaman.
Pamilya
Simbahan
Negosyo
Pamahalaan

6
ARALIN 2: Lipunan at Komunidad

Balikan

1. Ano ang maitutulong ng mga sektor ng lipunan sa pagkamit ng layunin


ng lipunan?
2. Ano ang maaaring maganap kung hindi matutupad ng mga sektor na
ito ang kanilang mga tungkulin sa lipunan?

Tuklasin at Suriin

“Walang sinumang tao ang maaring mabuhay para sa kaniyang sarili


lamang” Kinakailangan ng tao makibahagi at mamuhay sa lipunan, isa ito sa
itinalagang likas sa katangian ng mga nilikha ayon sa Likas Batas Moral.
Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr, ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang ating mga
gawain ay panlipunan dahil natutunan natin ito sa kasama sila. Ginagawa
natin ito dahil mahalaga ang mga ito sa lipunan at inaalay natin ito para sa
ating kapuwa.

Ngunit bago tayo magpatuloy sa pagtalakay tungkol sa lipunan,


mahalagang maunawaan mo ang kahulugan nito.

Ano nga ba ang lipunan? Ang salitang lipunanay


nagmula sa salitang ugat na “lipon” na
nangangahulugang pangkat. Ang mga tao ay
mayroong kinabibilangang pangkat na mayroong
iisang tunguhin o layunin.

Sa kabilang dako, madalas na ginagamit ang salitang komunidad


upang tukuyin ang lipunan. Mahalagang maunawaan ang pagkakaiba at
pagkakaugnay ng dalawang salitang ito upang hindi maging sanhi ng
kalituhan.

Ang salitang komunidad ay galing sa salitang Latin na communis na


nangangahulugang common o nagkakapareho. Ang isang komunidad ay
binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o
pagpapahalagang bahagi ng isang partikular na lugar. Sa isang komunidad,
mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga kasapi o
kabahagi.

Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng aklat na The Person and
the Common Good (1966), hahanapin talaga ng taong mamuhay sa lipunan
sa dalawang mahalagang dahilan.

7
Una, ito ay dahil sa katotohanang hindi siya nilikhang perpekto o
ganap at dahil likas para sa kanya ang magbahagi sa kaniyang kapwa
ng kaalaman at pagmamahal. Binigyan ang tao ng kakayahang
magwika o magsalita dahil likas na nilikha ng Diyos ang tao na
sumalipunan.

Pangalawa, hinahanap ng taong mamuhay sa lipunan dahil sa


kaniyang pangangailangan o kakulangan mula sa materyal na
kalikasan. Mahalaga ring makipag-ugnayan siya sa kaniyang kapwa
upang matugunan ang pangangailangang ito at mapunuan ang
kaniyang kakulangan. Hindi makakamit ng tao ang kanyang
kaganapan kung hindi matutugunan ng lipunan ang kaniyang mga
pangangailangan.

Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may akda ng aklat na Summa


Theologica, sa pamamagitan lamang ng lipunan makakamit ng tao ang
layunin ng kanyang pagkakalikha. Mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala
ng tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya ng lipunan at
binubuo niya ang lipunan (Dy, M., 1994)

Kabutihang Panlahat
Ano nga ba ang kabutihang panlahat? Sa
Simpleng salita, masasabing ito ay kabutihan para
sa bawat isang indibidwal na nasa lipunan. Ito ay
isang pagpapahalagang naiiba sa pansariling
kapakanan. Mahalagang maunawaan mong mga
tunguhin ng lipunan ay hindi ang kabutihang
lamang ng indibidwal o ang may pagkakaiba ang
kabutihan ng nakararami sa kabutihang panlahat.
Ang pag-iral ng nakararami ay manatiling
nag-iiwan ng ilang kasaping hindi makatatanggap ng kabutihan mahalagang
bigyang-diin na hindi nangangahulugang magkahiwalay ang personal na
kabutihan sa kabutihang panlahat. May pagkakaiba ang kabutihang ng
nakararami sa kabutihang pan-lahat. Ang pag iiral ng nakararami ay
mananatiling nag-iiwan ng ilang kasaping hindi makatatanggap ng
kabutihan. Mahalagang bigyan-diin na hindi nangangahulugan
magkahiwalay ang personal na kabutihan sa kabutihang panlahat. Sa
katunayan, magkaugnay ang dalawang ito.
Ipinaliwanag ni Santo Tomas de Aquino na ang tunguhin ng lipunan ay
kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal.

Isaisip

Ang hamon ng dating pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy na:


“Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo,

8
kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa”, ay
nanatiling totoo maging sa sitwasyong ito.
Tandaan, ang dignidad ng tao ay nangangailangan ng pagkamit sa
kabutihang panlahat. Ganap lamang na masasabing tunay na kinilala ang
dignidad ng lahat ng tao kung nananaig sa lahat ng pagkakataon ang
kabutihang panlahat. Ang lahat ng tao ay nararapat na magmalasakit upang
lumikha o sumuporta sa mga institusyong panlipunan at paunlarin ang
kalagayan ng buhay ng bawat indibidwal na sumasalamin sa lipunan. Alam
kong mahirap pa itong isipin at ganap na yakapin sa kasalukuyan ngunit
lahat ng bagay, gaano man ito kahirap ay magagawa kung talagang nais. Sabi
nga, “Kung gusto, may paraan; kung ayaw, palaging may dahilan.”
Sa panahon na may pandemya may maraming paraan o hakbang
upang maipakita natin ang ating suporta sa ating lipunan. May magagawa
tayo upang maiwasan natin ang pagkalat nito. Sa ganitong paraan maipakita
natin ang kahalagahan ng buhay tao. Pag-iwas sa sarili mo sa iba ay
nagpapakita ng malasakit mo sa iyong kapwa. Mananaig parin ang
kabutihang Panlahat.

Isagawa

Panuto: Tingnan at pag-aralan ang mga sumusunod na larawan at magbigay


opinyon tungkol sa mga hakbang na ito. Sundan ang halimbawa na
nasa ibaba. Isulat ito sa isang buong papel.

Bawat isa sa atin ay puweding maging carrier o tulay ng


virus para malipat sa ibang tao. Kaya upang mapigilan
ang pagkalat nito kailangan ng tamang agwat kaya
mahalaga ang tinatawag na physical distancing. Kung
lahat tayo ay laging may social distancing mapapabagal
natin ang pagkalat ng COVID 19. Isang epektibong
pangontra sa virus.

9
Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusuod na tanong at isulat ito sa isang buong
papel.
1. Ano ang kahulugan ng lipunan?
2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan? Paano ito makakamit? Lalo na
sa panahon ngayon na may pandemya.
3. Sa Kasalukuyang kalagayan ng ating bansa, magiging madali ba o
mahirap ang pagkamit ng tunay na layunin ng lipunan? Pangatwiran.
4. Ano ang maari mong gawin upang makatulong sa pagkamit ng tunay
na layunin ng lipunan. Ipaliwanag ang bawat isa.

ARALIN 3: Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat


(IKALAWANG LINGGO)

Balikan

1. Ano-ano ang mga ibat-ibang sektor ng ating lipunan


2. Ano-ano ang mga layunin at kontribusyon nila sa ating lipunan?

Tuklasin at Suriin

Naharap ka na ba sa isang sitwasyon kung saan mas nanaig ang


kabutihan ng nakararami kaysa sa kabutihang panlahat? Nakasaksi ka na
ba ng pagkakataon na may nagsakripisyong iilang tao para lamang
mapagbigyan ang mas nakararami?

10
Ayon kay John Rawls, ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang
kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng
kasapi ng isang lipunan. Hindi ito isang mabilis na proseso at hindi agarang
makikita ang katuparan. Binibigyang linaw din ang kabutihang naaayon sa
moralidad ng tao, naaayon sa Likas Batas Moral. Halimbawa, kung
mangingibabaw ang kalayaan, lalo kung hindi niya maunawaan ang tunay
na kahulugan nito, masasakripisyo ang kabutihang panlahat dahil
mangingibabaw ang pagnanais na gawin ng tao ang kaniyang naisin. Kung
mangingibabaw ang pagkapantay-pantay, maaaring masakripisyo ang
kabutihan ng indibidwal (De Torre, 1987). Halimbawa, kung may isang tao
na nagtrabaho ng labindalawang oras at ang isa naman ay nagtrabaho ng
walong oras, masasakripisyo ang kabutihan ng taong nagtrabaho ng mas
mahabang oras kung pantay lamang ang kanilang sahod na matatanggap.
Kung magkagayon, hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nararapat
na manaig kundi ang panlipunan at pagkakapatiran, na palaging
nangangailangan ng katarungan. Kaya nga tungkulin ng lipunang matiyak
ang kaayusan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga karapatang
nakabatay sa katarungan. Sa ganitong paraan makikitang posible ang
pagkamit ng kabutihang panlahat.

Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat


1. Ang paggalang sa indibidwal na tao. Dahil ang
kabutihang panlahat ay nagpapahalaga sa
kalikasan ng tao, hindi ito lubos na iiral kung
hindi kikilanin at pahahalagahan ang
kaniyang dignidad. Sa dignidad nakakabit ang
iba’t ibang karapatang kailangang igalang at
hayaang gamitin ng tao sa lipunan. Upang maging makatarungan ang
isang lipunan, kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang
karapatan ng bawat indibidwal ay kinikilala, iginagalang,
pinoprotektahan at pinahahalagahan. Halimbawa nito ay ang paggamit
ng tao ng kaniyang bokasyon tungo sa paglinang ng kaniyang sarili.
Gayundin ang protektahan ang kaniyang karapatang kumilos ayon sa
dikta ng konsensya. Mas malawak itong tatalakayin sa mga susunod
na aralin.

2. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. Ang


pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang
maibigay sa mga tao. Karaniwang sinusukat ito halimbawa sa mga
pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan; epektibong
pampublikong pangkaligtasan at seguridad; kapayapaang
namamagitan sa bawat bansa sa mundo; makatarungang sistemang
legal at pampolitika; malinis na kapaligiran at umuunlad na sistemang

11
pang-ekonomiya. Ang mga nabanggit ay mayroong malakas na epekto
sa kapakanan ng mga kasapi ng pangkat. Mahalagang may mamagitan
upang masigurong nakakayanan at nararating ang mga ito ng bawat
isa sa lipunan. Kapag nangyayari ito, natutugunan ang tawag ng
katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.

3. Ang kapayapaan (peace). Kalimitang sinasabi na ang kapayapaan ay


ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng
kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip, kalooban,
pamilya, lipunang ginagalawan at iba pa, subalit ang kapayapaan ay
resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalang ng
kaguluhan. Mayroong kapayapaan kapag iginagalang ang bawat
indibidwal at umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay indikasyon
ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad
ng makatarungang kaayusan. Kailangang nabibigyan ng seguridad ang
lipunan at ang mga kasapi nito sa mabuti at maayos na pamamaraan.
Gayunpaman, may pagkakataong hindi natutugunan ang kabutihan
ng lahat kaya’t may mga pagkilos sa lipunan na isinasaalang-alang ang
kapakanan ng mas nakararami. Kaya sa abot ng makakaya ay sa lahat,
ngunit kailangang maunawaan ding may pagkakataong tamang
ganapin ang para sa nakararami. Hindi kailangang magresulta ito sa
away o gulo at maaari itong daanin sa diyalogo.

Pinapakahulugan ng mga elementong ito na ang kabutihang panlahat


ay hindi lamang nangyayari nang kusa. Upang makamit at mapanatili ang
kabutihang panlahat, nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng mga
tao, hindi ng iilan lamang kundi ng lahat.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., binubuo ng lipunan ang tao at binubuo
naman ng tao ang lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao sapagkat mula sa
pagkasilang nariyan na ang pamilyang umaruga at gumagabay sa kanyang
paglaki. Nariyan din ang kanyang kapwa, ang paaralan, ang simbahan, ang
batas na kaniyang sinusunod na may kani-kaniyang ambag sa paghubog ng
iba’t ibang aspekto ng kaniyang pagkatao.

Isaisip

Sagutin ang mga tanong ng buong puso.


1. Bilang isang kabataan, ano na ba ang nagawa mo para sa
bansa o sa iyong komunidad?
2. Mayroon ka ba kayang gawin ngunit hindi mo pinagsisikapang
gawin?
3. Ano kaya ang maitutulong ng munting magagawa ng kabataan
para sa bansa?

12
Isagawa

Panuto: Gumuhit o gumawa ng collage na may temang “Kabutihang


panlahat sa panahon ng Pandemya” Maaring ilagay sa isang
buong “long bond paper”

Tayahin (Post Test)

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.


Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa
sagutang papel. Ilagay ito sa isang buong papel.

1. Ang mga sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat


maliban sa:
A. Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
B. Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili
kaysa sa nagagawa ng iba.
C. Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit
pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.
D. Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.

2. Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?


A. Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin
samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod-
tangi ng mga kabilang nito.
B. Sa lipunan, ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes,
mithiin at pagpapahalaga samatalang sa komunidad, ang namumuno
ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
C. Sa lipunan, ang namumuno ay inatasan ng mga mamamayan na
kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad,
ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga
mithiin.
D. Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nakasasakop
samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.

3. Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de


Manila University, binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan
ang tao. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan
at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
B. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang

13
ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng
lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
C. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga
kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng
lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
D. Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao
at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng
lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan
ng pagkatao.

4. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.”
Ang mga katagang ito ay winika ni:
A. Aristotle C. John F. Kennedy
B. St. Thomas of Aquinas D. Bill Clinton

5. Ano ang tunay na layunin ng lipunan?


A. kapayapaan C. katiwasayan
B. kabutihang panlahat D. kasaganaan

6. Ano ang kabutihang panlahat?


A. Kabutihan ng lahat ng tao
B. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi
nito.

7. Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat


indibidwal. Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na
makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
B. Tama, dahil mahalagang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning
itinalaga ng lipunan.
C. Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat
isang indibidwal.
D. Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na
nagtatakda ng mga layunin.

8. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan.


Ang pangungusap ay:
A. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa
mga karapatan ng tao.
B. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa

14
Likas na Batas.
C. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at
sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng
indibidwal.
D. Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat.

9. Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:


A. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
B. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa
ating kapwa.
C. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na
makapag-isa.
D. Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging
panlipunan.

10. Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:


A. Kapayapaan
B. Katiwasayan
C. Paggalang sa indibidwal na tao
D. Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat

15

You might also like