You are on page 1of 18

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan: Ang Pamilya
Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagtala ng Modyul


Compilers: JEHAN L. ABONALES – T III, Barrio Luz NHS
ARNEL P. OSTIA – T III, Don Sergio Osmeña Sr. MNHS
LON BRIAN RECEROTE – T III, Tisa National High School
CHARLIE W. ZAYAS - MT I, Don Sergio Osmeña Sr. MNHS

Editors: DR. CHARLIE L. SALVE – Principal II, Lahug NHS


MARIA SOCORRO A. QUE – T III, Mabolo NHS
Management Team:
RHEA MAR A. ANGTUD EdD
Schools Division Superintendent
BERNADETTE A. SUSVILLA EdD
Assistant Schools Division Superintendent
DR. GRECIA F. BATALUNA
Chief, Curriculum Implementation Division
TERESITA B. MANZANADES DevEdD
EPSvr, EsP/Guidance
VANESSA L. HARAYO
EPSvr, LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Cebu City Division, ROVII

Office Address : Imus Avenue, Cebu City


Telefax : (032) 255-1516 / (032) 253-9095
E-mail Address : cebu.city@deped.gov.ph

ii
8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon
ng Lipunan

(Unang Linggo)

iii
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao,
Ikawalong Antas ng Sekundarya.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang tinala, nilinang at sinuri ng mga bumuo
sa pagtala ng modyul upang gabayan ka at matulungang makamit ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12. Ito rin ay makatutulong sa iyo na matagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa mag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin (Objectives) Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin (Pretest) Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul.

Balikan (Review) Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin at Suriin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
(Presentation of the
Lesson and ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Discussion) tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon. Mayroon ding maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan,
(Generalization) pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

iv
Isagawa (Application) Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin (Evaluation) Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawain para sa
(Enrichment)
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Maging tapat sa pagsagawa ng mga modyul at huwag ipasagot sa ibang tao.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ipasa ang mga sagutang papel (answer sheet) sa modyul na ito sa iyong guro.
Huwag kalimutang lagyan ng pangalan, pangkat (section) at pamagat ng
modyul.
Kung sakaling ikaw ay mahihirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro sa pamamagitan ng
text/groupchat/messenger o telepono. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo.

Laging itanim sa iyong isipan na hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
MODULE 1: Ang Pamilya Bilang Natural na
Institusyon ng Lipunan

Alamin

Layunin :
A. Nalalaman at nauunawaan ang tunay na kahulugan ng pamilya.
B. Nalalaman at napahalagahan ang mga gawain o karanasan sa sariling
pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa
sarili.
C. Natutuklasan ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
isang pamilyang nakasama, namasid, o napanood.

Subukin

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa


mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at panguna-
hing yunit ng lipunan?
A. Barangay B. Paaralan C. Pamahalaan D. Pamilya
2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumu-
sunod na pahayag ang dahilan?
A. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
B. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasi-
yang magpakasal at magsama nang habambuhay.
C. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapaha-
laga sa kapwa.
D. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law
of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasa-
bing batas?
A. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda
kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.
B. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating
ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
C. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabig-
yan ng karagdagang baon sa iskwela.
D. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan
ng kaniyang pamilya.

1
4. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig
sabihin nito?
A. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob
ng pamilya ganoon din sa lipunan.
B. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumu-
buo sa lipunan.
C. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin
ang lipunan.
D. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya.
Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
A. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang
magiging pakikitungo nito sa iba.
B. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na
pakikitungo sa kapwa.
C. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang
tahanan na gagabay sa mga bata.
D. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng
pakikipagkapwa tao.

Panimulang Aral
Usapang pamilya naman tayo! Noong nagdaang taon ay naging malalim
ang pagtalakay tungkol sa sarili at dumaan ka sa mahabang proseso ng
pagkilala at pagpapaunlad ng iyong pagkatao. Inaasahan na sa pagkakataong
ito ay handa ka nang lumabas sa iyong sarili at ituon naman ang iyong
panahon sa mga tao sa iyong paligid – ang iyong kapwa. Sa pagkakataong ito,
pag-usapan naman natin ang pinakamalapit mong kapwa… ang iyong
PAMILYA.
Kagiliw-giliw pag-usapan ang tungkol sa pamilya. Bilang isang Pilipino,
alam kong may malaking puwang sa iyong isip at puso ang iyong pamilya.
Ngunit sapat na nga kaya ang pagkakakilala at pag-unawa mo sa tunay na
saysay ng pamilya sa iyong sarili at sa lipunan? Paano maiuugnay ang
pamilya bilang likas na institusyon sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa?
Tutulungan ka ng modyul na ito upang masagot mo ang mga tanong na ito.
Pagkatapos ng iyong paglalakbay sa modyul na ito ay inaasahang
masasagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit itinuturing na natural na
institusyon ang pamilya?

2
ARALIN 1: ANG TUNAY NA KAHULUGAN NG PAMILYA

Tuklasin at Suriin

(Para sa mag-aaral na may “gadgets at internet”, gagawin muna nila


ang picture puzzle sa Google Classroom na pinamagatang “Ang
Aking Pamilya”. Para makapasok sa Google Classroom, mag
“download” ng Google Classroom Apps sa internet at gamitin
lamang ang classcode na ito: njl55pz/zfqea2h.)

Ngunit bago tayo magpatuloy sa ating aralin tungkol sa


PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON,
magsimula muna tayo sa madaling gawain. Tuwing ma-
ririnig mo ang salitang PAMILYA, ano ang pumapasok sa
iyong isipan?
Panuto: Gagawa ka ng ganitong larawan ng organizer sa
iyong papel at isulat ang iyong mga sagot sa mga bilog.

PAMIL
YA

Ano nga ba ang pamilya? Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya
ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng
pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot,
puro, at romantikong pagmamahal - kapwa nangakong magsasama hanggang
sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod
ng edukasyon ng kanilang mga magiging anak. Ayon pa rin sa kaniya, ang
pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng
pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at
paggalang o pagsunod.
Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung
saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa
ugnayan. Ang pamilya ay mayroong misyon na bantayan, ipakita, at ipadama
ang pagmamahal. Ito ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay

3
at pagmamahal. Ang bawat partikular na gawain ng pamilya ay
pagpapahayag at pagsasabuhay ng pangunahing misyon na ito. Kung walang
pagmamahal, ang pamilya ay hindi matatawag na pamayanan ng mga tao.
Hindi rin ito ganap na iiral, lalago, at hindi makakamit ng mga miyembro nito
ang kaganapan.

Isaisip

Panuto: Sagutin mo ang mga tanong ng buong puso.

1. Batay sa iyong natutunan, ano ang tunay na


kahulugan ng pamilya?
2. Saan nagmula ang tunay na pamilya?
3. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang
indibidwal? Sa lipunan? Bakit? Ipaliwanag.
4. Ano ang pinakamahalagang natutunan mo sa
gawain? Bakit mahalaga ito?

Isagawa:

Panuto: Gamitin ang istruktura ng bahay, ang ilang kagamitan nito


upang ilarawan mo ang bawat kasapi ng iyong pamilya at
mahahalagang kontribusyon nila sa iyo, sa iba pang kasapi
ng pamilya at sa buong pamilya.

1. Ang aking AMA at INA ay ang haligi sa aming tahanan


dahil____________________________________________________
_________________________________________________________
2. Ang aking ATE at KUYA ay maihahalintulad ko sa pader
dahil____________________________________________________
_________________________________________________________

4
3. Ang aking LOLO at LOLA ay maihahalintulad ko sa
pintuan dahil____________________________________________
_________________________________________________________

Tayahin
Panuto: Punan ng wastong salita ang mga patlang upang makumpleto ang
talata.

Ang pamilya ang pangunahing institusyon sa 1.________________ na


nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang 2._________ at 3._________
dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at romantikong
4.________________kapwa nangakong magsasama hanggang sa wakas ng
kanilang 5._______________ , magtutulungan sa pag-aaruga at pagtataguyod
ng 6._________________ ng kanilang mga magiging 7.__________. Ayon kay
Pierangelo Alejo, ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng
8.______________ aspekto ng pagmamahal sa 9._____________ sa pamamagitan
ng kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o 10.______________.

ARALIN 2: MGA KARANASAN NG PAMILYA NA MAY


POSITIBONG IMPLUWENSYA SA SARILI

Balikan (Review)

Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat sa iyong papel ang iyong sagot.
Ano ang tunay na kahulugan ng pamilya?

Tuklasin at Suriin

Panoorin ang “Video Clips”:


1. https://youtube.com/UuvF0tycBn4/https://”Most Disturbing
Dinner”
2. https://youtube.com/Zw10qmW8vFw “Family Time”
(para sa mga mag-aaral na may smartphone, computer at internet sa
bahay, panoorin ang mga video clips sa youtube.com gamit ang mga
“links” na nasa itaas.

5
Pagkatapos panoorin ang video clip sagutin ang mga tanong:
Ano ang masasabi mo sa iyong napanood na video? May karanasan ka
ba sa iyong pamilya katulad ng ipinapakita sa video? May magandang aral ba
na napupulot mo sa ipinapakita na video?

Gawain: Ako ay AKO dahil sa Aking Pamilya

Panuto: Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya


na iyong nakapulutan ng aral o nagkaroon ng positibong
impluwensya sa iyong sarili.
May inihandang halimbawa at gabay na mga tanong
para sa iyo sa ibaba: Isulat ang iyong mga sagot sa papel.

Mula pagkabata, alam ko kung gaano kasarap sa pakiramdam ang


palagiang paggabay ng aking mga magulang. Ito ay isang karanasan ng pag-
iral ng pagmamahalan sa pamilya.
1. Nararanasan mo ba ito sa iyong pamilya?
2. Isasalarawan kung paano mo it nararanasan?

Sa bawat pagkakataon na kami ay magkakasama sa


pagsimba, sa hapag-kainan na nagdarasal bago kumain,
sa silid bago matulog naturuan akong magpasalamat sa
kahit maliit na biyaya galing sa Diyos.

3. Nararanasan mo ba ang mga ito? Ano ang epekto nito sa iyong sarili?
Ipaliwanag.

6
Sa bawat pagkakataon na kami ay magkakasama sa hapag-kainan na
nagdarasal
sa hapag-kainan, kami ay ipinahihinto ng aming ina, upang ipakita na kami
ay pinagpala dahil may pagkain sa aming hapag.

4. Naranasan mo ba ito sa iyong pamilya? Ano ang epekto nito sa iyong sarili?
Ipaliwanag.

Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na


kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay
sa ugnayan. Nabuo ang pamilya sa pagmamhalan ng isang lalaki at babaeng
nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay. Ang pamilya ang
orihinal na paaralan ng pagmamahal. Ang pamilya ang una at hindi
mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay. Mahalagang misyon ng
pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasya, at
paghubog ng pananampalataya.

Ang pamilya ang pinakaepektibong paraan upang gawing makatao at


mapagmahal ang lipunan. May orihinal na kontribusyon ito sa pagtatayo ng
mundo, sa pamamagitan ng pangangalaga at pagtuturo ng mga
pagpapahalaga. Dito umuusbong ang mga panlipunang pagpapahalaga na
nakatutulong sa pag-unlad ng lipunan. Una rito ang ugnayan (communion)
at pakikibahagi na dapat umiiral sa araw-araw na buhay-pamilya.
Nagagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving) ang
ugnayan sa pagitan ng mga miyembro nito. Tatalikuran ng mundo ang isang
tao dahil sa kaniyang pagkakasala ngunit mananatiling nakaalalay at
naniniwala sa kaniya ang kaniyang pamilya – mananatili sa kaniyang tabi
upang gabayan siyang baguhin ang kaniyang buhay. Halimbawa,
nakahandang magsakripisyo ang mga magulang para sa pag-aaruga ng anak
na may kapansanan, papasanin kung kinakailangan para maihatid siya sa
paaralan. Ito ay dahil sa pagnanais ng mga magulang na matanggap ng anak
ang anumang tinatamasa ng lahat ng batang katulad niya. Lahat ng ito ay
malayang ibinibigay bunsod ng pagmamahal.

7
Isaisip
Panuto: Isulat sa papel ang iyong sagot.
1. Ano-anong mga gawain o karanasan sa pamilya ang may
positibong impluwensya sa indibidwal?
2. Bakit kailangan na mararanasan ng tao ang mga gawain na ito?

Isagawa:

Panuto: Lagyan ng tsek kung ang gawain ay nararanasan o hindi


sa sariling pamilya.

Mga Gawain Oo Hindi


• Gabay ng aking mga magulang
• Magdasal ng pasalamat bago kumain
• Magsimba tuwing Linggo sa pamamagitan ng “live
stream”
• Mag-uusap kung may problema
• Maglalaro tuwing Sabado kasama ang buong pamilya
• Magdasal ng pasalamat bago matulog
• Mag-uusap sa hapag-kainan
• Sama-samang kumain sa hapag-kainan
• Magtulungan sa panahon ng kagipitan
• Sama-samang maglinis sa bahay tuwing Sabado

Tayahin

Panuto: Isipin mong muli ang leksiyon na bago lang nating tinalakay at
punan ng wastong salita ang patlang upang mabuo ang talata.

Ang 1.____________ ang pinakaepektibong paraan upang gawing


2._______________ at mapagmahal ang 3.____________. May orihinal na
kontribusyon ito sa pagtatayo ng 4.______________, sa pamamagitan ng
5.________________ at pagtuturo ng mga 6.__________________. Dito
umuusbong ang mga 7.___________________ pagpapahalaga na nakatutulong
sa pag-unlad ng ___________. Una rito ang 8.________________ at
9._________________ na dapat umiiral sa araw-araw na buhay-pamilya.
Nagagabayan ng batas ng malayang 10.________________ (law of free giving)
ang ugnayan sa pagitan ng mga miyembro nito.

8
Pangkalahatang Pagsubok

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap/talata at sagutin


ang mga tanong. Bilugan ang titik na may pinakawastong sagot.
1. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?
A. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang
suporta ng bawat isa.
B. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot
ng kanilang makakaya.
C. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan
ng buong pamilya.
D. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
2. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa
paghubog ng isang maayos na pamilya?
A. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
B. pinagsama ng kasal ang magulang
C. pagkakaroon ng mga anak
D. mga patakaran sa pamilya
3. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumu-
sunod na pahayag ang dahilan?
A. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
B. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasi-
yang magpakasal at magsama nang habambuhay.
C. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapaha-
laga sa kapwa.
D. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
4. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law
of free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa
nasabing batas?
A. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda
kung kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.
B. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating
ng panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.
C. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabig-
yan ng karagdagang baon sa iskwela.
D. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan
ng kaniyang pamilya.
5. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig
sabihin nito?
A. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob
ng pamilya ganoon din sa lipunan.
B. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin
ang lipunan.
C. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang
bumubuo sa lipunan.
D. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.

9
6. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya.
Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
A. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang
magiging pakikitungo nito sa iba.
B. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang
tahanan na gagabay sa mga bata.
C. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na
pakikitungo sa kapwa.
D. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng
Pakikipagkapwa-tao.

7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-


sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano
ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
A. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
B. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
C. May disiplina ang bawat isa
D. Buo at matatag

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang


una at patuloy na pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay?
A. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng
pakikitungo sa kapwa.
B. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo
sa loob ng tahanan.
C. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ng ating
buhay.
D. Ang pamilya ang siyang may katungkulan na pag-aralin ang mga anak.

9. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin


sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at
pangunahing yunit ng lipunan?
A. Barangay B. Paaralan C. Pamahalaan D. Pamilya

10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting


pakikipagkapwa tao.” Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang
kaniyang isasabuhay?
A. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging ma-
buti sa pakikipagkapwa
B. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kaniyang paki-
kipagkapwa tao.
C. Madaling matanggap ng kapwa ang isang tao na maayos ang pamilyang
kinabibilangan.
D. Nakatutulong ito sa kaniyang suliranin sa buhay upang masolusyunan
ang problema.

10
11
TAYAHIN:
1.lipunan
2. lalaki
ARALIN 1-ISAGAWA: Posibleng Sagot 3. babae
1. Ang aking ama at ina ay haligi sa 4. pagmamahalan
aming tahanan dahil sila ang 5. buhay
nagsusuport sa aming lahat. 6. edukasyon
7. anak
2. Ang aking kuya at ate ay 8. positibong
maihahalintulad sa pader ng aming 9. kapwa
tahanan dahil sila ang nagdidisiplina 10. pagsunod
sa aming magkakapatid
TUKALSIN II: Posibleng Sagot
3. Ang aking Lolo at Lola ay ang
pintuan ng aming tahanan dahil sila Oo, nararanasan ko ito sa aking
ay may bukas na puso sa pakikipag- pamilya. Pero minsan may
ugnayan. kaibahan sa aking karanasan
dahil Malaki ang aming pamilya
(extended family). Minsan hindi
nagsama-sama sa kainan,
pagdarasal at paglalaro. Pero
ISAISIP: Posibleng sagot kadalasan nagkakaisa kami sa
1.Ang aking pamilya ay isang mga gawain sa bahay.
malaking pamilya.
2. Kasama ko si Tatay, Nanay, 6 na TUKLASIN AT SURIIN:
kapatid, Lolo, Lola, Tiya, Tiyo at Mga posibling sagot
aking mga pamangkin.
1. Ama, Ina at mg Anak
3. Mahalaga ang pamilya dahil ito 2. Mga taong nagmamahal
ang nagbibigay ng gabay sa ating 3. Mga taong nagtutulungan
sarili. Mahalaga ito dahil ito ang 4. Babae at Lalaking
bumubuo ng lipunan. nagpakasal
5. Munting simbahan
4. Ang mahalagang natutunan ko 6. Kapwang nagsama-sama
dito ay ang pamilya ay isang 7. Pamawanan ng mga tao
munting pamayanan kung saan 8. Maliit na komunidad
nagsimula ang lipunan.
Susi sa Pagwawasto (Aralin 1)
Susi sa Pagwawasto (Aralin 2)

panahon ng mga pagsubok


pagmamahalan.
3. Kinakausap ng magulang sa
yunit ng lipunan na puno ng
2. Nagdasal bago matulog
Ang pamilya ay ang munting
1. Nagdasal bago kumain
BALIKAN: Posibling Sagot
ISAISIP: Posibling Sagot

gawain sa bahay. pakikibahagi 10.


nagkakaisa kami sa mga ugnayan 9.
pagdarasal pero kadalasan lipunan 8.
nagsama-sama sa kainan at panlipunang 7.
family). Minsan hindi kami anak 6.
aming pamilya (extended pangangalaga 5.
karanasan dahil malaki ang mundo 4.
may kaibahan sa aking lipunan 3.
aking pamilya. Pero minsan makatao 2.
Oo, nararanasan ko ito sa pamilya 1.
Posibleng Sagot TAYAHIN:
TUKLASIN AT SURIIN:

Mga Sanggunian:
Aklat

Kagawaran ng Edukasyon 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul


Para sa Mag-aaral (Unang Edisyon). Quezon City: Vibal Publishing House,
Inc. pp. 1-28.
Mula sa Internet:
https://youtube/UuvF0tycBn4 or
https://www.youtube.com/watch?v=UuvF0tycBn4&feature=youtu.be
https://www.youtube.com/watch?v=Zw10qmW8vFw&feature=youtu.be

https://www.bookwidgets.com/play/K4HQK8?teacher_id=49482764690391
04&context_id=eyJnY19jb3Vyc2VfaWQiOiIxMTYyMTUyMzYyMTUiLCJnY190
ZWFjaGVyX2lkIjoiMTE4NDE1ODYwOTQ5NTg0Mjk4NzQ5IiwiZ2NfY291cnNl
X3dvcmtfaWQiOiIxMjgwNTkyNzUyMjQifQ%3D%3D&login_hint=1184158609
49584298749&sso=google&student_class_id=EsP%208%20-
%20Section%20Molave&course_id=5455219537215488&gcls=1#

12
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Bureau Office: Cebu City Division
(Office Address): New Emus Road, Cebu City
Telefax: (032)- 255– 1516
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph

13

You might also like