You are on page 1of 17

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Pananagutang Pansarili at Mabuting
Kasapi ng Pamilya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagtala ng Modyul


Compilers PURIFICACION R. GARAY - MT I, DVRMES
CHERRYL S. PANCHO - T III, Tejero Elem. School
MARY JOSEPHINE R. GARAY - T I, DVRMES
GERALDINE M. ABELLA - T I, Tejero Elem. School
Tagasuri: LILY ANN S. GO, Dev. EdD – Principal III / Camp Lapulapu ES
CHARITO VELASCO – Principal I / Barrio Luz ES
Tagapamahala:
RHEA MAR A. ANGTUD EdD
Schools Division Superintendent
BERNADETTE A. SUSVILLA EdD
Assistant Schools Division Superintendent
GRECIA F. BATALUNA
Chief Curriculum Implementation Superintendent
TERESITA B. MANZANADES DevEdD
EPSVR, EsP/Guidance
VANESSA L. HARAYO
EPSVR, LRMDS

Inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Cebu City Division, ROVII

Office Address: Imus Avenue, Cebu City


Telefax: (032) 255-1516 / (032) 253-9095
E-mail Address: cebu.city@deped.gov.ph

i
6
Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:

Nag-iisip Ako Bago Gumawa


(Unang Linggo – Ikalawang Linggo)

ii
Paunang Salita

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa EsP 6 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol
sa “Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya”.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


(Objectives) mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


(Pretest) ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
(Review) matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
(Presentation)
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin
(Discussion) pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
(Enrichment) pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip
(Generalization) ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa
(Application) upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin
(Evaluation) ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iii
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain
(Additional Work) panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto
(Answer Key) mga gawain sa modyul.

Basahin at intindihin nang maigi ang bawat nilalaman at mga aktibidad sa loob
ng modyul na ito upang matutunan ang tamang pakikisalamuha at wastong pag-uugali
sa mundong ibabaw.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ipasa ang mga sagutang papel (answer sheets) sa modyul na ito sa iyong guro.
Huwag kalimutang lagyan ng pangalan, pangkat (section) at pamagat ng
modyul.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sumagot, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro sa pamamagitan ng text/groupchat/messenger o
telepono. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong mga magulang, o
sinumang nakakatandang kasamahan sa bahay.
Laging itanim sa iyong isipan na hindi ka nag-iisa. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Mga Layunin:
1. Natatalakay nang mabuti ang mga bagay na may kinalaman sa sarili at
pangyayari ;
2. Nakagagamit ng impormasyon na nagpapakita ng mapanuring pag-iisi ;
3. Nakagagawa ng matalinong pagpapasiya na may kinalaman sa sarili at
pangyayari.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Paano maipapakita ang pantay at makatwirang paggawa ng pasiya?


A. Mag desisyon agad-agad
B. Magbigay agad ng pasiya
C. I-asa sa iba ang desisyon
D. Gumawa ng patas na desisyon

2. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok ka sa araw na iyon at


mahigpit na ipinagbabawal ng iyong magulang ang gawaing ito. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasama ako sa kanila
B. Hindi ko sila papansinin
C. Isusumbong ko sila sa nanay nila
D. Sasabihin ko sa kanila na may pasok pa ako

3. Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may


idinadaos na misa. Biglang sumigaw ng malakas ang iyong mga kasama. Ano
ang gagawin mo?
A. Suntukin sila.
B. Makisabay sa pagsigaw
C. Suwayin sila at pagsabihang tumahimik.
D. Pabayaan sila dahil “trip” nilang sumigaw.

4. Nakita mong kinuha ng klasmeyt mo ang pera ng kanyang katabi. Ayaw mo


siyang mapahiya sa lahat. Paano mo ito gagawin?
A. Sasabihin ko sa buong klase ang ginawa niya
B. Sasabihan siya na mali ang kanyang ginawa
C. Isusumbong sa guro
D. Titingnan ko siya

1
5. Ano ang nararapat gawin upang makagawa tayo ng tamang solusyon batay sa
wastong impormasyon?
A. Magsaliksik C. Maghintay sa iba
B. Magtatanong D. Pabayaan nalang ang iba ang gagawa

6. Ang pasiya na dapat gawin ay para sa kabutihang _____________.


A. panlahat C. para sa mga lider
B. pansarili D. para sa hindi miyembro ng pangkat

7. Naipakikita ang pakikipagtulungan sa ____________.


A. hindi paggawa sa napagkasunduan
B. pagtatrabaho kasama ang iba tungo sa isang layunin
C. hindi pagsasabi ng kahit ano ngunit magkikimkim ng sama ng loob sa
ibang miyembro ng pangkat
D. pagpipilit na gawin kung ano ang tama sa kaniyang isip kahit hindi
sang-ayon ang iba pang miyembro

8. Sa paggawa ng mga pasiya, dapat ____________.


A. sinusunod ang sariling kagustuhan
B. ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
C. hinahayaan ang ibang miyembro na magpasiya para sa lahat
D. nagpapakita ng pagka makatwiran sa mga naapektuhan ng pasiya

9. Ang mapanuring pag-iisip ay tumutukoy sa ____________________.


A. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
B. pagtatanong sa iyong guro ng kanyang opinyon
C. pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba
D. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang
pasiya

10. Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong ___________.


A. magkaroon ng patunay
B. ipilit ang iyong opinyon
C. hingin lang ang opinyon ng mga kaibigan
D. magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na sumusuporta sa iyong
personal na pananaw

2
Panimulang Aral
Sa pang araw-araw na pamumuhay, ikaw ay nangangailangang
gumawa ng pasiya. Ang pagbuo ng pasiya ay isang gawain na dapat pinag-
iisipang mabuti hindi dapat pabigla-bigla lalo na kung tungkol sa isang
mahalagang bagay. Sa mga panahong nahihirapan ka sa mga sitwasyong
kailangang pagpapasiyahan, mag-isip ng mabubuting bagay at sabihin sa
sariling, “Kaya Ko Ito!” Kailangan ding gumamit ng mapanuring pag-iisip sa mga
pagkakataong ganito. Makatutulong din kung magagamit ang mga hakbang sa
mahusay na pagbuo ng pasiya. Kinakailangan din na naiintindahan mo ang
bunga ng iyong pasiya para sa iyong sarili at sa ibang tao.

Sagutin ang tanong:

Ano-ano ang dapat gawin upang makabuo ng tamang pasiya?

Aralin 1: Nag-iisip Ako Bago Gumawa


(Unang Linggo)

Tuklasin at Suriin

Panuto: Bilugan ang masayang mukha kung ikaw ay sumasang-ayon sa


ipinahihiwatig ng pangungusap at malungkot na mukha kung hindi.

1. Naniniwala ka ba na ang pagsunod sa mga tamang


hakbang ay makabubuti sa sarili?

2. Matiyaga mo bang ginagawa ang mga gawain sa paaralan


kahit may mga panahong nahihirapan ka na?

3. Sasali ka ba sa mga grupo ng mga kabataang gumagamit


ng mga ipinagbabawal na gamot?

4. Susubukan mo pa rin bang ituloy ang pagsali sa grupo ng


mga mang-aawit sa inyong paaralan kahit na hindi ka
nakapasa sa unang pagsali mo rito?

3
5. Ipinagpatuloy mo pa rin ba ang paggawa ng proyekto kahit
na maikli lamang ang panahon para gawin ito?

Isaisip

Ang mapanuring pag-iisip ay nangahuhulugan ng pagkakaroon ng kaalaman


sa suliranin, pagtitimbang ng mga maaaring gawin, at pagpili nang pinakamabuti
bago bumuo ng isang pasiya.

Isagawa

Gumawa ng matalinong pagpapasiya. Sagutin ang mga tanong sa bawat


bilang na naaayon gamit ang tsart sa ibaba bilang gabay. Isulat ang iyong
sagot sa isang buong papel.
1. May pagsusulit sa inyong paaralan subalit may sakit ang iyong nanay at
walang kasama sa bahay.

Sagot

2. May binili kang tinapay na ipasasalubong mo sa iyong kapatid. Habang


ikaw ay naglalakad pauwi sa inyo, may nakita kang bata na
namamalimos.

Sagot

3. Ipinagbawal sa inyong barangay ang paglabas ng bahay ng walang suot


na face mask. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili ng tinapay sa labas
ngunit nakalimutan mong magsuot ng face mask.

Sagot

4
Tayahin

Sagutin ng Oo o Hindi ang bawat pangungusap.

_______1. Iniisip ko muna ang mga maaaring kalabasan ng aking pasiya


bago ako gumawa nito.
_______2. Nagtatampo ako kapag hindi nakikiayon ang iba sa aking pasiya.
_______3. Magsasalita ako kahit na alam kong may masasaktan.
_______4. Naninindigan ako sa kung ano ang totoo at makabubuti sa lahat
bago ako magpasiya?
_______5. Inuunawa ko ang mga nagbibigay ng pasiya kahit na hindi ako
sang-ayon nito

Aralin 1.2

Balikan

Ano-ano ang dapat gawin upang makabuo ng tamang pasiya?

Pagyamanin

Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Pagkatapos, isulat sa isang buong


papel kung ano ang iyong dapat gawin sa bawat sitwasyon.

1. Inimbita ka ng iyong mga kamag-aral na magpunta pagkatapos ng


inyong klase sa isang video shop na malapit sa inyong paaralan. Ngunit
nagbilin ang nanay mo na umuwi ka ng maaga dahil mayroon siyang
ipagagawa sa iyo.
2. Nakita mo ang kapit-bahay ninyo habang pinapalo ang alaga niyang aso
na si Hotdog. Naobserbahan mo rin na madalas na hindi niya ito
pinapakain at inaalagaan ng mabuti. Alam mong mahigpit na
ipinagbabawal ng batas ang pananakit at pagpapabaya ng anumang uri
ng hayop.
3. Naglalakad ka pauwi galing sa paaralan ng may napansin kang pitaka
sa isang upuan malapit sa gate ng paaralan. Sa palagay mo ay naiwan
ito ng isa ring mag-aaral na kagaya mo. Dinampot mo ang pitaka upang
malaman ang nagmamay-ari nito. Nang buksan mo ito, mayroon itong
isang libong piso. Nakita mo rin na ito pala ay pitaka ng isa mong kamag-
aral na naunang umuwi sa iyo.

5
4. Nanawagan ng mga boluntaryo ang mga opisyal ng Sangguniang
Kabataan upang magkampanya para sa pag-recycle ng mga plastik.
Alam mong kapaki-pakinabang ang gawaing ito at mayroon ka namang
libreng oras.
5. Napunit ng hindi sinasadya ang pahina ng kuwaderno ng iyong kamag-
aral. Natatakot kang lapitan siya at magpaliwanag dahil alam mong
masungit at madaling magalit ang kamag-aral mong ito.

Aralin 1.3

Balikan

1. Ang pagiging mahinahon ba ay makatutulong upang dumating ka


sa pasiya para sa kabutihang panlahat?
2. Base sa limang sitwasyon na iyong sinagutan kahapon, paano mo
nabuo ang iyong tamang pasiya?

Suriin

Basahin ang tula. Ano ang sinasabi nito tungkol sa pagbuo ng tamang pasiya?

“Ang Tamang Pasiya”


(Malayang salin ng “The Right Decision”)
Maraming nagsasabi,

“Mahirap bumuo ng isang pasiya.”


Dahil maaaring maging mapanganib ang bunga
nito.
Bibigyan ako nito ng isang pagsubok
At ‘pag nag-alinlangan ako sa mga bagay
maaaring maging dahilan ng away at sakit sa
ibang tao.
Nararating ang tamang pasiya, samakatuwid,
Pagkatapos nang maingat na pag-iisip,
At pagtitimbang ng mga bagay-bagay.
Sa ganoon, walang nasasaktan.
Kaya, dapat kong timbanging mabuti ang mga
pagpipilian.
Dapat mapanuri akong mag-isip.
Sa ganoon, makabubuo ako ng pinakamabuting
pasiya.

6
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan sa isang buong papel.
1. Nakabuo ka na ba ng mahalagang pasiya? Nahirapan ka bang magpasiya?
2. Bakit sinasabing mahirap bumuo ng pasiya?
3. Paano nararating ang tamang pasiya?
4. Paano nakaapekto sa ibang tao ang iyong pasiya?

(Ikalawang Linggo)
Aralin 1.4

Balikan

1. Bakit mahalaga na maging mahinahon sa pagpapasiya?

2. Ano ang mabuting naidudulot nito?

Isagawa

Panuto: Basahin ang kwento. Tingnan kung ano ang naging dahilan ng
suliraning naranasan ng mga mag-aaral. Alamin din ang kahalagahan ng
mapanuring pag-iisip sa paggawa ng pasiya.

Ang Pasiya ni Mark

Masaya ang mga mag-aaral ni Gng. Delos Reyes. Lahat ay masiglang


nagsasalita tungkol sa outing ng klase. Dahil hindi pa sila nakapagpasiya kung saan
pupunta, nagbigay sila ng ilang mungkahi.

Limang pangkat ang bumubuo sa klase. Iminungkahi ni Mark, isa sa mga lider
ng pangkat, na mag-camping sa tabing-dagat.

Nagmungkahi naman ang isang pangkat na pumunta sa isang museo.


Gayunpaman, bumuto at sumang-ayon sila na sa tabing-dagat pumunta.
Nang sumunod na araw, maagang-maaga pa ay nasa paaralan na ang mag-
aaral. Maaga ring dumating si Gng. Delos Reyes. Inihanda nila ang mga bagay na
kakailanganin nila. Isang pangkat ang naatasang maghanda ng mga palaro para sa
lahat. Nagdala sila ng mga bola, lubid, at sungka.

Nang dumating sa tabing-dagat ang klase, nagbilin si Gng. Delos Reyes sa


mga mag-aaral na huwag lumayo sa kanilang kubo at walang hihiwalay sa kanilang
pangkat.

7
Nagsimula na ang masasayang gawain. May naglaro ng sungka, patintero,
volleyball, at hilahan (tug-of-war). Masayang-masaya ang lahat ng biglang sumigaw
ang ilang mag-aaral. Napatingin si Mark sa gawi ng dagat kung saan nagmula ang
sigaw.

Nakita niya ang ilan sa kanilang mga kamag-aral na nakasakay sa isang


bangka na dahan-dahang tinatangay ng alon palayo sa pampang. Ito ang mga mag-
aaral na palihim na kinalag sa pagkakatali ang bangka. Nagsisigaw ang mga bata sa
takot. Kaagad nag utos si Gng. Delos Reyes sa ilang mag-aaral na humingi ng tulong
sa mga taong nakatira sa malapit. Samantala, naisip ni Mark na maaaring biglang
itaboy ng alon ang bangka palayo sa dalampasigan. Maaari ring itaob iyon ng alon.
Nasa panganib ang buhay ng kaniyang mga kamag-aral.

Kaagad tinawag ni Mark si Kuya Archie, ang lifeguard sa nasabing resort.


Tinulungan niyang itali ang mga lubid na ginamit nila sa larong hilahan, tumulong din
ang iba niyang kamag-aral. Itinali nila ang kabilang dulo ng lubid sa puno ng niyog.
Iyon ang ginamit ni Kuya Archie sa pagsagip sa mga bata. Hinahanap ni Kuya Archie
ang dulo ng tali na natanggal sa bangka, pinagdugtong ang itinali nilang lubid at
lumangoy pabalik sa pampang.

Kung hindi agad nakapagpasiya si Mark na gawin iyon, baka naitaboy ng


palayo ng alon sa gitna ng dagat ang mga kamag-aral niya.

Kaagad ding gumawa ng paraan at humingi ng tulong si Gng. Delos Reyes sa


mga namumuno sa barangay. Pinaalalahanan din niya ang iba pang mga bata na
bantayan ang isat-isa at huwag pumunta sa dagat. Dumating ang kapitan ng barangay
kasama ang mga magulang ng iba pang mag-aaral. Kinausap nila si Gng. Delos
Reyes tungkol sa nangyari.

Bago umalis, kinausap ni Gng. Delos Reyes ang kaniyang mga mag-aaral.
Binigyang babala niya sila na hindi magandang pasiya ang pagsakay nila sa bangka.
Inilagay nila sa panganib ang kanilang buhay at pinag-alala nila ang ibang tao. “Sa
katanuyan, si Mark lamang ang nakagawa ng tamang pasiya nang araw na iyon”, sabi
ng guro. Sumang-ayon ang lahat ng mag-aaral at nagpalakpakan. Pinagsasabihan
ang lahat na ayusin na ang kanilang mga gamit at humanda na sa pag-uwi.

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa isang buong papel ang iyong sagot.

1. Ano ang kailangang pagpapasiyahan ng klase ni Gng. Delos Reyes?


2. Ano ang pasiyang ginawa ng mga mag-aaral na nangangailangan ng tulong?
3. Naging maingat ba si Mark sa kanyang pagpapasiyang tumulong?
4. Sa mga pagkakataong kinakailangan mong magpasiya, ano-ano ang dapat
mong isaalang-alang?
5. Nagkaroon ka na rin ba ng katulad na karanasan kung saan kinailangan mong
gumawa ng isang desisyon na nangangailangan ng mapanuring pag-iisip
upang makagawa ng tamang pagpapasiya? Ibahagi ito.

8
Aralin 1.5

Balikan

Paano mo maipapakita ang paninindigan mo sa iyong pasiya?

Pagyamanin

Umisip ng suliraning nararanasan ng isang pamilya. Pumili ng isang pinakamainam


na pasiya at talakayin ang magiging bunga nito sa ibang tao at sa pamayanan. Isulat
sa isang buong papel ang inyong sagot.

Suliraning pampamilya :
Mga inaasahang pasiya :
Pinakamainam na pasiya:
Bunga sa ibang tao at pamayanan:

Tayahin
Buuin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng tamang sagot.

1. Niyaya ka ng kaibigan mong maligo sa ilog. May pasok ka sa araw na iyon at


mahigpit na ipinagbabawal ng iyong magulang ang gawaing ito. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasama ako sa kanila
B. Hindi ko sila papansinin
C. Isusumbong ko sila sa nanay nila
D. Sasabihin ko sa kanila na may pasok pa ako

2. Nakita mong kinuha ng klasmeyt mo ang pera ng kanyang katabi. Ayaw mo


siyang mapahiya sa lahat. Paano mo ito gagawin?
A. Sasabihin ko sa buong klase ang ginawa niya
B. Sasabihan siya na mali ang kanyang ginawa
C. Isusumbong sa guro
D. Titingnan ko siya

3. Ang pasiya na dapat gawin ay para sa kabutihang _____________.


A. panlahat
B. pansarili
C. para sa mga lider
D. para sa hindi miyembro ng pangkat

9
4. Sa paggawa ng mga pasiya, dapat __________.
A. sinusunod ang sariling kagustuhan
B. ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
C. hinahayaan ang ibang miyembro na magpasiya para sa lahat
D. nagpapakita ng pagka makatwiran sa mga naapektuhan ng pasiya
5. Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong ___________.
A. magkaroon ng patunay
B. ipilit ang iyong opinyon
C. hingin lang ang opinyon ng mga kaibigan
D. magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na sumusuporta sa iyong
personal na pananaw
6. Ang mapanuring pag-iisip ay tumutukoy sa _______________.
A. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
B. pagtatanong sa iyong guro ng kanyang opinyon
C. pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba
D. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya
7. Naipakikita ang pakikipagtulungan sa ____________.
A. hindi paggawa sa napagkasunduan
B. pagtatrabaho kasama ang iba tungo sa isang layunin
C. hindi pagsasabi ng kahit ano ngunit magkikimkim ng sama ng loob sa
ibang miyembro ng pangkat
D. pagpipilit na gawin kung ano ang tama sa kaniyang isip kahit hindi
sang-ayon ang iba pang miyembro
8. Ano ang nararapat gawin upang makagawa tayo ng tamang solusyon batay sa
wastong impormasyon?
A. magsaliksik C. maghintay sa iba
B. magtatanong D. pabayaan nalang ang iba ang gagawa
9. Napadaan kayo ng iyong mga kaibigan sa simbahan na kasalukuyang may
idinadaos na misa. Biglang sumigaw ng malakas ang iyong mga kasama. Ano
ang gagawin mo?
A. Suntukin sila.
B. Makisabay sa pagsigaw
C. Suwayin sila at pagsabihang tumahimik.
D. Pabayaan sila dahil “trip” nilang sumigaw.
10. Paano maipapakita ang pantay at makatwirang paggawa ng pasiya?
A. Mag desisyon agad-agad
B. Magbigay agad ng pasiya
C. I-asa sa iba ang desisyon
D. Gumawa ng patas na desisyon

10
11
Aralin 1.3 Aralin 1.4 Aralin 1.5
Suriin Isaiisip Pagyamanin
1. Maaaring 1. Tungkol sa
magkakaiba outing sa Maaaring
ang sagot. klase kung saan magkakaiba ang
2. Maaaring sila sagot.
magkakaiba pupunta.
ang sagot.
3. Maaaring 2. Ang bawat
magkakaiba pangkat ay
ang sagot. kailangan
4. Maaaring magbigay ng
magkakaiba mungkahi at ito’y
ang sagot. sinasang-
ayunan ng lahat.
3. Oo
4. Ang kapakanan
ng lahat at
pagpili nang
pinakamabuti
bago bumuo ng
isang pasiya.
5. Maaaring
magkakaiba ang
sagot.
Aralin 1 Aralin 1.2
Tuklasin at Suriin Isagawa Pagyamanin
1.
2. Maaaring magkakaiba ang
Maaaring magkakaiba ang
sagot.
3. sagot.
4.
5.
Susi ng Pagwawasto
Mga Sanggunian
• Aklat
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pp. 10-17

• Mga Larawan

https://www.google.com/search?q=boy+thinking+clipart+black+and+wh
ite&sxsrf=ALeKk02GjFCxmCvaKKjlcvnEJ18AJR52aQ:1593941424681&tbm=i
sch&source=iu&ictx=1&fir=3A1sJzvnHpmUVM%252CzXNOO7qt8I_IaM%252
C_&vet=1&usg=AI4_-kQjQPySSks5tlemXut-
I8u7LyfrUg&sa=X&ved=2ahUKEwjEl6TD5rXqAhWL7GEKHQXtA-
0Q9QEwAHoECAoQJQ&biw=1536&bih=754&dpr=1.25#imgrc=3A1sJzvnHpm
UVM

12

You might also like