You are on page 1of 37

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Kontribusyon ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Shiela Bagaman Venus


Tagasuri: Carolina G. Carumba, Jed I. Bete, and Gerson G. Abelgas
Tagaguhit: Ronnel Dela Cruz Venus
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma A. Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aris B. Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region XI Davao City Division


Elpidio Qurino Avenue, Davao City , Philippines
Telephone: (082) 224 0100 / 228 3970
Email Address: info@deped-davaocity.ph / lrmds.davaocity@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Kontribusyon ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kontribusyon ng Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Sa nakaraang aralin nasuri mo ang sinaunang kabihasnan ng daigdig. Ngayong alam


mo na ang mga mahahalagang datos tungkol sa mga sinaunang kabihasnan, mas
lalo kang gaganahan na matuklasan ang mga nakakamanghang kontribusyon ng
sinaunang kabihasnan. Alam mo ba na lahat ng pinakikinabangan mong bagay na
ginagamit ngayon ay nagsimula sa kaalaman ng mga sinaunang kabihasnan? Sa
kanila nagmula ang mga pangunahing kaalaman, at alam mo ba na may magagawa
ka para paunlarin ang mga kontribusyon nila? Oo, mayroon kang magagawa kaya
importante na magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa mga sinaunang
kontribusyon.
Sa modyul na ito, tiyak na marami kang iibigin sa mga kontribusyon ng sinaunang
kabihasnan. Hindi mo mapipigilan na mapamangha sa kanilang mga kontribusyon.
Nakakabilib kung paano nila natuklasan ang mga bagay na ito at paano nila ito
ginamit upang mapabuti ang kanilang pamumuhay. Hindi nga lang pamumuhay
nila ang nabago, simula nang maipamana nila ang kanilang kontribusyon sa atin
naging mabilis na ang pag-unlad ng tao sa kasalukuyan.
Bago ka magsimula ay basahing muli ang mga nakapaloob sa bahagi ng modyul
bilang iyong gabay. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


Tuklasin sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


Suriin aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Malaki ang tiwala ko saiyo. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Masiglang araw sa iyo!. Panibagong araw na naman


para ikaw ay matuto. Nais mo bang malaman ang mga
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig?
Alam mo ba na marami silang mga ambag na
pinakikinabangan mo ngayon? Paano kaya sa palagay
mo naging makabuluhan ang mga ambag nila sa atin
ngayon? Ang mga katanungang nabuo sa isipan ay
masasagot sa modyul na ito. Kaya humanda ka na.

Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential


Learning Competency para sa Baitang 8 na:
Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig. (AP8HSK-lj-10). Ang
sumusunod naman ay ang mga layuning nararapat
mong maisagawa pagkatapos mong mabasa at
masagutan ang mga gawain sa modyul na ito:

1. nakikilala ang mga kontribusyon ng sinaunang


kabihasnan sa daigdig,
2. naiuugnay ang kapakinabangan ng mga sinaunang
kontribusyon sa kasalukuyan,
3. nakapagbabahagi ng paraan ng paglinang sa mga
kontribusyon mula sa sinaunang kabihasnan.

1
Subukin
Hinahamon kita! Sagutin ang mga katanungan sa ibaba upang subukin ang
iyong mga nalalaman.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan o pahayag. Isulat ang
napiling sagot sa hiwalay na sagutang papel.

1. Gamit ang social media, sino sa mga kabataan ang malalim na nagpapahayag
ng pagpapahalaga sa kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyang panahon?
A. Nagbigay ng komento si Ronnel sa larawan na ibinahagi ni Shiela.
B. Nagbahagi si Shiela ng larawan ng ambag ng mga sinaunang kabihasnan.
C. Gumawa ng interactive video blog sa youtube channel si Wenwen tungkol sa
panghihikayat na ipreserba, pagbutihin, at pagyamanin pa ng kanyang mga
kapwa kabataan ang kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan.
D. Sa isang segment ng live streaming ni Venus ay gumawa siya ng online
games na kung sino man ang makakasagot tungkol sa impormasyon ng
ambag ng mga sinaunang kabihasnan ay bibigyan niya ng load.

2. Paano naging makabuluhan ang mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan


sa sangkatauhan?
A. Marami ang humanga sa kanilang mga nagawa.
B. Nagkaroon ng asignaturang araling panlipunan upang pag-aralan ang
kanilang mga kontribusyon.
C. Malaki ang naitulong nito dahil ito ang naging pangunahing batayan ng
pag-unlad ng mga bagay na nagpapagaan sa pamumuhay ng tao.
D. Bahagi ito ng kasaysayan ng mundo, kailanman hindi pwedeng ibaon sa
limot ang kanilang naging kontribusyon sa kasalukuyang henerasyon.

3. Ano ang naging silbi sa ngayon ng mga sinaunang arkitektura tulad ng Hanging
Gardens of Babylon ng Mesopotamia, Pyramid ng Egypt, at Great Wall of China?
A. Nagsisilbi lamang itong lugar pasyalan ng mga tao sa tuwing bakasyon.
B. Isa itong patunay ng ating mahaba at mayaman na kasaysayan sa daigdig.
C. Mahalagang gabay sa pagtunton ng kasaysayan ang mga sinaunang
arkitekturang ito.
D. Maaari itong ibahagi sa instagram, facebook, at twitter upang malaman ng
iyong mga kaibigan na ikaw ay nakapaglakbay doon.

4. Anong kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan ang nakatulong sa


pagreserba at pag-aaral ng kasaysayan?
A. sistema ng pagsulat C. pagtuklas ng papel
B. paggamit ng pansulat D. sistema ng pamahalaan

2
5. Bakit sinasabing, utang na loob natin sa mga sinaunang kabihasnan ang mga
pagbabago na mayroon tayo sa kasalukuyan?
A. Hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan.
B. Nangangahulugan ito ng pagsaalang-alang sa pagpapahalaga sa mga naging
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa atin.
C. Kailangan natin silang bayaran sa pamamagitan ng ritwal at panalangin
sa kanilang mga kaluluwa upang sila ay makarating sa langit.
D. Panahon na upang tayo ay hindi umasa sa kanilang mga kontribusyon at
gumawa na lamang ng ating mga sariling imbensyong mapapakinabangan.

6. Sa paanong paraan pinapaunlad ngayon ang pagtuklas ng mga sinaunang


kabihasnan sa pangkaisipang pangmedisina?
A. Marami ang kumuha ng kursong doctor.
B. Pumupunta ang mga tao sa ospital upang magpagamot.
C. Iniiwasan ng mga tao na magkasakit kaya madalas ang paghuhugas ng
kamay at pag-obserba ng social distancing.
D. Nagsasaliksik at gumagawa ang mga eksperto sa medisina ngayon ng gamot
at bakuna laban sa mga pinakadelikadong sakit na dulot ng virus katulad ng
COVID-19 na tinaguriang pandemyang sakit.

7. Paano mo mailalarawan ang pag-unlad na narating ng kasalukuyang sibilisasyon


mula ng ipamana ng mga sinaunang kabihasnan ang kanilang mga kontribusyon
sa atin?
A. Sakto lang ang narating natin.
B. Mabagal ang pag-unlad dahil salat na ang mga hilaw na materyales na
maaaring magamit sa paggawa ng mga bagong kagamitan.
C. Narating na ng tao ang pinakamaunlad na pamumuhay kaya hindi na
kailangan ng mga bagong tuklas para isulong pa ang kaunlaran.
D. Progresibo ang pag-unlad ng kasalukuyang sibilisasyon. Patuloy nating
pinapaunlad ang ating kakayahan para sa mas maginhawang pamumuhay.

8. Paano binigyang halaga sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga


sinaunang tao?
A. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga ito.
B. Pinatutunayan na mas maunlad ang mga kabihasnan noon kaysa sa ngayon.
C. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t
kaunti ang kanilang mga ambag.
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng
mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

9. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog


ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Ginawang sistema ng pagsusulat sa paaralan ngayon ang cuneiform.
B. Umanib sa relihiyong itinatag noong unang panahon ang mga tao ngayon.
C. Limitado ang pamana ng mga Egyptian dahil sa pagnakaw ng kayamanan.
D. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, gulong, kaalaman sa medisina at
marami pang ambag ng sinaunang kabihasnan.

3
10. Anong katangian ng mga sinaunang tao ang puwedeng tularan sa paggawa nila
ng kanilang mga kontribusyon?
A. Pagkakaroon ng kompetisyon upang madaling matapos ang gawain
B. Ipagmayabang ang iyong produkto sa mga hindi kayang gumawa nito.
C. Magpakalulong sa pagtratrabaho nang magkaroon ng silbi sa lipunan.
D. Pagiging masikap sa paggawa ng kapaki-pakinabang na bagay para sa
lahat.

11. Bakit mo hinahangaan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan?


A. Mukha tayong walang utang na loob kung hindi natin sila hahangaan.
B. Ito ay paraan ng pag-alala sa kanilang mga ginawa para sa atin ngayon.
C. Dapat lang silang hangaan dahil sa kanila galing ang mga ambag na ito.
D. Lahat ng mga bagong kaalaman na mayroon tayo ngayon ay produkto ng
kanilang komplikadong karanasan at pagmamahal sa karunungan.

12. Paano ka maging bahagi ng pagpreserba at pagpapahalaga sa mga


kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa atin?
A. Huwag baguhin ang kanilang mga ipinamana.
B. Gagamitin ang kanilang ipinamana na may kabuluhan.
C. Kailangan kumuha ng kursong antropolohiya at arkeolohiya.
D. Baguhin ang mga hindi masyadong kagandahang kontribusyon.

13. Ano ang maging epekto sa iyo bilang mag-aaral kung hindi natuklasan at
napaunlad ang sistema ng pagsulat?
A. Marami ang hindi makapagsusulat.
B. Marami ang maging tamad sa pag-aaral.
C. Walang kontribusyon ang sinaunang kabihasnan sa atin ngayon.
D. Mahirap ang pag-aaral dahil hindi madali ang pagbasa at pagsulat.

14. Ang pamilyang Pilipino ay kakitaan ng impluwensya ng mga Chinese. Alin


sa mga sumusunod ang HINDI mula sa kontribusyon ng mga Chinese?
A. Pagpapalipad ng saranggola.
B. Pagkakaroon ng palikuran sa loob ng bahay.
C. Paggamit ng payong, chopsticks, at silk na tela.
D. Paniniwala ng mga Pilipino sa mga pamahiin at swerte.

15. Sino sa mga kabataan ang nagpapakita ng interes sa pagpapaunlad ng


sinaunang kontribusyon?
A. Nangongolekta ng lumang gamit si Ardent.
B. Mahilig si Athena sa KPOP kaya ginagaya niya ito.
C. Gumagawa na bagong imbensyon ng makulay na saranggola na may iba’t
ibang disenyo si Miggy para sa kanilang piyesta.
D. Mahilig maglakbay si Jaycee sa iba’t ibang bansa para kumuha ng mga
larawan ng mga historical landmarks sa mundo.

4
Aralin Kontribusyon ng mga Sinaunang

6 Kabihasnan: Mesopotamia, India,


China, at Egypt

Anong pamana ng mga sinaunang katutubo sa Davao ang patuloy na


makikita mong ginagamit pa rin sa kasalukuyan? Alam mo ba na may kinalaman sa
kanilang uri ng politika, ekonomiya, relihiyon, paniniwala, kultura at lipunan sa
paggawa at paggamit nila sa kanilang kasangkapan? Halimbawa, para sa tribong
Mandaya ng Buclad, Asuncion, Davao del Norte ang pagsuot ng kulay ng damit ng
mga katutubong Mandaya ay ayon sa kanilang kinabibilangan sa lipunan. Ang mga
nagsusuot ng kulay pula ay kabilang sa mga may mataas na katungkulan. Ang kulay
bughaw naman ay isinusuot ng mga nasa gitnang uri. Samantala, ang kulay itim ay
isinusuot ng mga karaniwang tao.

Isa lamang itong pagpapatunay na ang mga iniwan nilang pamana sa atin
ay may kinalaman sa uri ng politika, ekonomiya, relihiyon, paniniwala, kultura, at
lipunan ng mga sinaunang kabihasnan. Ang bawat kabihasnan ay nagbigay ng
napakaraming kontribusyon sa kanilang kasaysayan at ito rin ang kanilang naging
pagkakakilanlan. Bago natin kilalanin ang mga kontribusyon na ito ng mga
sinaunang kabihasnan, balikan muna natin ang mga mahahalagang datos tungkol
sa uri ng politika, ekonomiya, relihiyon, paniniwala, kultura at lipunan ng
sinaunang kabihasnan upang madali nating maunawaan ang kabuluhan ng mga ito
sa ating panahon.

5
Balikan

Sigurado akong mayroon kang natutunan noong nakaraang aralin. Nais kung
ibahagi mo ang iyong natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa Gawain 1.

Gawain 1: Magbigay ng Dahilan


Panuto: Isulat mo sa unang bakanteng kahon ang dahilan ng paglikha ng mga
pamanang kontibusyon ng mga sinaunang kabihasnan. Sa pangalawang kahon
naman nakasulat ang pamana na kanilang nagawa na may kaugnayan sa dahilan
na iyong naisulat sa unang kahon. Sundin ang halimbawa sa ibaba. Sa sagutang
papel, kopyahin ang mga kahon sa gawaing ito bago mo isulat ang iyong sagot.

Dahilan Ambag
Nabuo ng mga Sumerian ang sistema ng pagsulat na Sistema ng
cuneiform dahil kinakailangang ilista ng scribe o pagsulat tulad ng
tagasulat ang kanilang kontrata sa pagpapalitan ng Cuneiform
produkto.
Paggamit
ng
barya

Pagpatayo
ng mga
piramide

Civil
Service
Examination

RUBRIKS SA PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 1


3 2 1
Lahat ng detalye Isa sa mga detalye Dalawa o tatlong
tungkol sa dahilan ng tungkol sa dahilan detalye tungkol sa
Nilalaman

paglikha ng mga ng paglikha ng mga dahilan ng paglikha ng


kontribusyon ng kontribusyon ng mga kontribusyon ng
sinaunang kabihasnan sinaunang sinaunang kabihasnan
ay ipinaliwanag ng kabihasnan ay ay kinopya lamang.
malinaw ayon sa kinopya lamang.
sariling pangungusap.

6
Wasto lahat ng Isa sa mga detalye ay Dalawa o tatlong
Pagkakaugnay pagkakaugnay ng hindi klaro ang detalye ay hindi klaro
dahilan sa paglikha ng pagkakaugnay ng ang pagkakaugnay ng
mga kontribusyon ng dahilan sa paglikha dahilan sa paglikha ng
sinaunang kabihasnan. ng mga kontribusyon mga kontribusyon ng
ng sinaunang sinaunang kabihasnan.
kabihasnan.

Tuklasin

Marahil ay handa ka na para sa pagtupad at pagsagawa ng mga gawain. Kaya halina,


tunghayan ang ilustrasyon sa ibaba.

Gawain 2: Pag-usapan natin


Panuto: Gumawa ka ng maikling pag-uusap sa pagitan mo bilang mag-aaral at ng
mga sinaunang tao. Isulat sa sagutang papel ang pag-uusap.

_____________________________________________ _______________________________________________
_____________________________________________ _______________________________________________
_____________________________________________ _______________________________________________
_____________________________________________ ____________________________________________

7
RUBRIKS SA PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 2
3 2 1
Mensahe Ang buong Mayroong isa o Mababaw at
mensahe ay dalawang mensahe literal ang lahat
malalim na na hindi gaanong ng mensahe.
nakapagpahayag ng napalalim ang
inspirasyon tungkol pagpapahayag ng
sa pamanang inspirasyon tungkol
kontribusyon ng sa pamanang
sinaunang kontribusyon ng
kabihasnan. sinaunang
kabihasnan.
Tamang Angkop lahat ang Isa o dalawa sa mga Tatlo o higit pa
salitang mga salitang salitang ginamit ay sa mga salitang
ginamit ginamit. hindi angkop. ginamit ay hindi
angkop.

Suriin

Sa bahaging ito, alamin mo ang iba’t ibang kontribusyon ng mga sinaunang tao sa
daigdig. Sigurado akong maiibigan mo ang mga kontribusyon ng sinaunang
daigdig.

MGA KONTRIBUSYON NG MESOPOTAMIA


Ang mga kontribusyon ng kabihasnang Mesopotamia ay ang
kauna-unahang mga imbensyon ng daigdig. Malaki ang naging kontribusyon nito sa
larangan ng sining, arkitektura, at agham.

Ang tuktok ng Ziggurat ay ang dambana Itinuturing ang Epic of


para sa kanilang pangunahing diyos. Gilgamesh na kauna-
unahang akdang
pampanitikan sa mundo.
Ito ay tungkol sa istorya ng
buhay ni Haring Gilgamesh
mula sa lungsod-estado ng
Uruk sa Sumer.

8
Isang karangalan na Iba pang
Naglalaman ang ibahagi sa iyo ang kontribusyon:
Code of Hammurabi mga mahahalagang ▪ paggawa ng
ng 282 na batas na kontribusyon ng unang mapa
isinulat ng mga Kabihasnang
▪ astronomiya
iskriba sa 12 tableta. Mesopotamia .
▪ sexagesimal
Ang batas ay tungkol
system o
sa halos lahat ng
pagbibilang na
aspeto ng araw-araw
nakabatay sa
na pamumuhay ng
60
mga taga-
▪ water clock
Mesopotamia.
▪ gulong
▪ paggamit ng
baryang pilak

Cuneiform ang tawag sa Ang Hanging Gardens of Babylon


pinakaunang sistema ng pagsulat ay ginawa ni Haring
sa mundo na ginamit ng mga Nebuchadnezzar para sa kaniyang
asawa. Isa ito sa Seven Wonders
Sumerian.
of the Ancient World .

Mapagpasalamat ka rin ba sa mga ipinagkaloob na kontribusyon ng


kabihasnang Mesopotamia? Ako rin! Gusto kong ibahagi mo ang iyong pasasalamat
sa pamamagitan ng pagbabahagi sa iba ng iyong caption tungkol sa kanilang
kontribusyon.

Gawain 3: Caption Ko, Comment Mo!


Panuto: Gumawa ng iyong caption ng mga larawan sa ibaba tungkol sa kaugnayan ng
mga kontribusyon ng kabihasnang Mesopotamia sa kasalukuyan. Ipasagot sa kasama
o mga kasama mo sa bahay. Ipabasa ang iyong caption at tingnan ang larawan nito.
Hayaan mo silang e-tsek ( / ) ang kahon ng like kung nagugustuhan nila ito; heart
kung napupusuan nila, at wow kung napapamangha sila. Magbibigay din sila ng
komento tungkol sa iyong caption (Isang komento lamang ang kailangan kada caption
mo sa iyong post. Sa itaas ng komento ilagay ang pangalan ng nagbigay komento).
Pagtapos, tutugunan mo ang kanilang komento. Isulat lamang ang caption at komento
sa hiwalay na sagutang papel. Bawat aytem ay makakakuha ka ng sampung puntos.

9
1. Cuneiform

2. Gulong

10
C. Ziggurat

RUBRIKS SA PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 3


3 2 1
Caption tungkol Angkop lahat ng Isa sa mga Tatlo o apat na
sa kaugnayan mga impormasyon impormasyon ay impormasyon ay mali
ng mga tungkol sa mali tungkol sa tungkol sa larawan
kontribusyon ng larawan ng larawan ng ng kontribusyon ng
kabihasnang kontribusyon ng kontribusyon ng kabihasnang
Mesopotamia sa kabihasnang kabihasnang Mesopotamia.
kasalukuyan Mesopotamia. Mesopotamia.
Lahat ng pagtugon Positibo ang Mayroong isa na
Pagtugon sa mga ay positibo at pagtugon ngunit hindi positibo ang
komento mayroong klarong mayroong isa na pagtugon at hindi
paglilinaw. hindi klaro ang klaro ang paglilinaw.
paglilinaw.

Mga Tala para sa Mag-aaral

Puwedeng isa o iba ibang kasama mo sa bahay ang magbibigay komento


sa tatlong caption na iyong ibinahagi saiyong post. Kung sakaling hindi
makapagsulat ang kasama mo sa bahay dahil siya ay matanda na o may
kapansanan, puwedeng ikaw ang susulat sa kanilang ibibigay na komento.

11
Mga
Kontribusyon Ipinagmamalaki kong
ibahagi sa iyo ang
ng
mga kontribusyon ng
Kabihasnang Kabihasnang Egypt.
Egypt

Malaki ang epekto ng Egypt sa kalaunan ng mga kultura. Ngayon, ang


imahinasyon, konsepto, at pananaw ng Egypt ay matatagpuan sa lahat ng dako.
Halimbawa nito ay makikita sa mga pormularyo ng arkitektura.

Mummification
ang tawag sa pag- Sinisimbolo ng
embal-samo ng mga pyramid
mga Egyptian sa ang kapangya-
kanilang patay. rihan ng mga
Nilalagyan nila ng namumuno.
kemikal ang Dito inililibing
bangkay upang ang kanilang
patu-yuin at mga Pharaoh
ipreserba.Pagkata na namatay.
pos nito, pini- Isinasama sa
pintahan, piramide ang
binabalutan ng kayamanan at
linen, at pinapala- karangyaan ng
mutian ng alahas Pharaoh bilang
ang mummy o Iba pang Kontribusyon: paghahanda sa
embalsamadong kabilang
•Medisina tulad ng
bangkay. pagsasaaayos ng buto
buhay.

•Kalendaryo na
may 365 na araw
•Sagradong
pagdiriwang
•Geometry

•Papel

Ginamit na sistema ng pagsulat ng mga Egyptian ang hieroglyphics.


Mayroon itong 24 na simbolo at ang bawat isang simbolo ay kumakatawan
ng isang titik ng katinig. Itinuturing na sagrado ang pagsusulat na ito.
Hindi lamang sa papel nagsusulat ang mga Egyptian kundi inukit din nila
ito sa mga pampublikong gusali at ipininta sa mga luwad o kahoy. Naging
mahalaga sa pagtatala at kalakalan ang panulat na ito. Karaniwan silang
sumusulat sa paper scroll na mula sa papyrus na halaman.

12
Tulad mo, ako rin ay lubos na napahanga ng kabihasnang Egypt sa
kanilang mga kontribusyon. Tiyak magugustuhan mong sagutin ang Gawain 4.
Gawain 4: Pyramid ng Aking Natutunan
Panuto: Punan mo ang bawat linya ng kada aytem ayon sa hinihingi ng limang
pahayag sa ibaba. Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong tugon.

1. Gumawa ka ng isang #hashtag tungkol sa kabihasnang Egypt.


2. Isulat mo ang dalawang salitang naglalarawan sa kabihasnang ito.
3. Isulat mo ang tatlong bagay na hinahangaan mong lubos sa mga ambag ng
mga Egyptian.
4. Magbigay ka ng apat nilang kontribusyon na pinakikinabangan natin
hanggang sa kasalukuyan.
5. Limang salitang maaari mong magawa upang mapahalagahan ang kanilang
mga naging kontribusyon sa atin.

Kontribusyon ng Kabihasnang Egypt

1.___________

2.________________ _________________

3._______________ _______________ ______________

4.________________ ________________ _________________ _______________

5._________ ______________ _______________ _______________ _____________

RUBRIKSS SA PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 4


3 2 1
Wasto lahat ng mga Isa o dalawang Tatlo o higit na
impormasyon impormasyon ay impormasyon ay
Impormasyon tungkol mali tungkol mali tungkol
kabihasnan Egypt. kabihasnan Egypt. kabihasnan
Egypt.
Angkop lahat ang Isa o dalawa sa mga Tatlo o higit pa
Salitang mga salitang salitang ginamit ay sa mga salitang
ginamit ginamit. hindi angkop. ginamit ay hindi
angkop.

13
Mga Malugod kong ipinakikilala
Kontribusyon ng ang mga mahahalagang
kontribusyon ng Kabihasnang
Kabihasnang Indus sa sangkatauhan.
Indus Basahin mo ang tungkol dito.

Ang sibilisasyon ay bumuo ng isang mahalaga at mahusay na halimbawa sa


modernong mundo sa iba’t ibang paraan. Ang kanilang kadalubhasaan sa pagplano
ng bayan, pamamahala ng tubig at mga sistema ng pag-aani pati na rin ang
mekanismo ng kanal ay walang kaparis.

Maituturing na planado at organisado ang


pamayanan ng kabihasnang Indus kumpara sa
ibang kabihasnan sapagkat ito ang kauna-unahang
nagsagawa ng urban o city planning. Makikita ito sa
kanilang kalsadang malalapad na nakaayos na
parang mga nagsalubong na guhit o grid pattern.
Dagdag pa dito ang mga gusali at mga kabahayan na
Gusali at Kabahayan ng hugis parisukat na may malalawak na espasyo, may
Sinaunang Indus dalawang palapag, at may sariling palikuran. Ang
pagkakaroon ng palikuran ng mga kabahayan ay ang
kauna-unahang paggamit ng sewerage system.
Bukod dito, ang higit na nakamamangha sa kanilang
istraktura ay ang pagkakaroon nila ng daluyan ng
tubig o drainage system sa ilalim ng lupa na
konektado sa lahat ng mga kabahayan.

Sewerage System

Ang Taj Mahal ay isang mausoleum na


gawa sa puting marmol. Ito ay ipinatayo ng
emperador ng Mughal na si Shah Jahan para sa
kanyang asawang si Mumtaz Mahal.Ito ay
napabilang sa UNESCO World Heritage Site. Ang
pagdadalamhati ng emperador sa kanyang
asawa ay naglalarawan ng kwento ng pag-ibig at
nagsilbing inspirasyon para sa paggawa ng Taj
Mahal. Taj Mahal

Arthasastra Isang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at ekonomiya. Si Kautilya


na tagapayo ni Haring Chandragupta Maurya ang may-akda nito.
Ayurveda Ang ibig sabihin ng Ayurveda ay “Agham ng Buhay”. Isa itong
mahalagang pangkaisipang pangmedisina ng sinaunang India.
Ramayana Dalawang tanyag na epiko ng India sa larangan ng panitikan. Ang
at Mahabharata ay may layuning parangalan ang mga bayani nang
Mahabharata maganap ang paglusob ng mga Aryan sa India. Ipinapakita naman ng
Ramayana ang wangis ni Ravana, na sumisimbolo sa pagtatagumpay
ng kabutihan laban sa kasamaan.
Iba pang Decimal System, halaga ng pi (3.1416), paggamot at pagbubunot ng
kontribusyon ngipin, pamantayan ng bigat at sukat, at mga relihiyong Hinduism,
Buddhism, Jainism, at Sikhism.

14
Ako ay napaibig sa mga kontribusyon ng kabihasnang Indus. Alam ko
ikaw rin. Dahil sa nadaramang ito, mukhang makakagawa ka ng sariling mong salita
sa tula ng pasasalamat sa kanilang mga handog na kontribusyon sa atin. Sabik na
ako sa iyong gagawing tula sa Gawain 6.

Gawain 5: Tula ng Pasasalamat


Panuto: Magbigay ka ng akmang salita sa mga patlang upang mabuo ang tula.
Isulat sa hiwalay na sagutang papel ang iyong sagot.

Handog ng Kabihasnang Indus sa Daigdig

Sa lambak-ilog umusbong ang sibilisasyon.


Ako’y (1)______________sa kanilang kontribusyon.
Ang laking tulong nito sa ating (2) ______________.
Lahat ng mga ito ay (3)______________ sa atin ng inspirasyon.

Sinong hindi mapapahanga sa Taj Mahal


Ipinatayo ito ni Haring Shah Jahan ng mayroong (4) ____________.
Ang (5) _____________ sa kanyang asawa ay kaniyang ikinararangal.
Pinupuntahan ito ngayon ng mga turista upang (6) ______________.

Ang Mahabharata at Ramayana ay handog nila sa atin.


Di makakalimutan mga aral ng (7) _____________, (8) _____________, at
(9)A _______________na iyong iibigin .
Sa larangan ng Agham ng Buhay o Ayurveda sila ay may naimbag din.
Ang mga kaisipan sa (10) ______________ay ginamit upang mga sakit ay alisin.

Makialam ka hinggil sa pamahalaan at ekonomiya.


Mayroon kang (11) ____________ sa usaping ito na akda ni Kautilya.
Siya lang naman ang tagapayo ni Haring Chandragupta.
Itinuro niya ang mabuting (12) ______________sa pamamahala at
(13) _____________sa ekonomiya.

Ito pa, ang decimal system, halaga ng pi, paggamot at pagbubunot ng ngipin,
pamantayan ng bigat at sukat ay sa kabihasnang ito nanggaling.
Nagsimula rin sa kanila ang mga relihiyong Hinduism, Buddhism, Jainism, at
Sikhism na iginagalang natin.
Lahat ng ito ay kontribusyon nila sa atin
Dapat lang (14) ________________ at (15) ________________natin.

RUBRIKS SA PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 5


5 4 3 2 1
Lahat ng Isa o dalawa Tatlo o apat sa Lima o anim Pito o higit
Pagkaka-

pagkaka- sa pagkakaugnay sa pa sa
ugnay

ugnay ng pagkakaugnay ng mga salita pagkakaugn pagkaka-


mga salita ng mga salita ay malabo. ay ng mga ugnay ng
ay tama ay malabo. salita ay mga salita
malabo. ay malabo.
Angkop Isa o dalawa Tatlo o apat sa Lima o anim Pito o higit
lahat ang sa mga mga salitang na mga pa sa mga
Tamang
salitang
ginamit

mga salitang ginamit ay salitang salitang


salitang ginamit ay hindi angkop. ginamit ay ginamit ay
ginamit. hindi angkop. hindi hindi
angkop. angkop.

15
Mga Ang China ang ay may
napakaraming naiwang
Kontribusyon pamana sa sangkatauhan.
ng Kabihasnang Kilalanin mo ang mga ito sa
China ibinahagi ko sa pahinang ito.

Sa pagbabalik-tanaw sa mga kontribusyon na ginawa ng sibilisasyong China


sa mundo, marami sa kanilang mga imbensyon ay may pangmatagalang epekto sa
buong mundo. Ang mga imbensyon ay naging mga gabay na prinsipyo ng lipunan.

Great Wall Of China – Ito ay isang


pandepensang militar ng China laban sa
mga nagnanais lumusob sa kanilang
lupain. Itinuturing ito na
pinakamahabang istrukturang nagawa
ng tao sa kasaysayan ng mundo.

Great Wall Of China

I Ching at Bing Fa – Dalawang sinaunang akda. Ang I Ching o Book of Changes


ay isang mahalagang sulatin sa aspetong pilosopikal ng Tsina. Naglalaman ito
ng mga perspektiba at pamamaraan ng prediksyon hinggil sa buhay ng tao. Sa
kabilang banda, ang Bing Fa o Art of War ay isang aklat na isinulat ni Sun Tzu
tungkol sa mga estratehiya at ugali upang magtagumpay sa pakikidigma

Feng Shui – Isa itong kaisipan ng tamang pagbalanse sa yin at yang.


Simbolo ng yin ang kababaihan na may katangiang kalmado at malambot.
Ang yang naman ay sumisimbolo sa mga kalalakihan na matigas at
masigla. Ayon sa paniniwalang ito, magkakaroon ng magandang hinaharap
ang sinuman kung mapapanatiling balanse ang mga ito.

Iba pang Kontribusyon:


•Silk na tela •Kalendaryo •Star map •pulbura
•Seismograph •Wheel barrow •Water clock •Sundial
•Chopsticks •Abacus •Pamaypay •Payong
•papel •block printing •Acupuncture •Legalismo
•saranggola •Taoismo •Confucianismo •Tea Production
•Civil Service •Magnetic
Examination Compass

16
Hindi maikakaila na ang daming kontribusyon ng sinaunang China ang
pinakinabangan nating mga Pilipino sa kasalukuyan. Alam ko isa ka rin sa
nakikinabang nito. Tingnan ko nga kong ano ang iyong mga gamit na
pinakikinabangan mula sa kanila. Nais kong sagutin mo ang Gawain 6.

Gawain 6: Mula Noon, Hanggang Ngayon


Panuto: Magbigay ng tatlong (3) kontribusyon ng sinaunang China na hanggang
ngayon ay ginagamit mo pa rin. Puwede mong kunan ng litrato o iguhit ang mga ito.
Maaaring ring magdikit ng luma mong larawan na naiprinta na. Pagkatapos,
magkaroon ng maikling paglalarawan kung paano mo ito ginagamit sa kasalukuyan.
Tingnan sa sumunod na pahina ang rubrik sa pagbibigay ng iskor. Gumamit ng
malinis na papel sa pagsagawa sa gawain na ito.

Halimbawa:

Kontribusyon: Pamaypay
Tuwing Abril at Mayo ay tag-init sa
Pilipinas, kaya naman marami sa atin ang
gumagamit ng pamaypay upang guminhawa
ang pakiramdam. Ang litratong ito ay kuha
noong piyesta sa aming nayon.

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
______________________________________
_______________________________________
___________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
RUBRIKS SA PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 6
_______________________________________
3 2 1
_______________________________________
Ang dalawang larawang Isa sa mga larawang Ang dalawang
ibinahagi ay ibinahagi ay hindi larawang ibinahagi ay
Larawan

kontribusyon ng China kontribusyon ng hindi kontribusyon ng


na pinakikinabangan China na China na
hanggang sa pinakikinabangan sa pinakikinabangan sa
kasalukuyan. kasalukuyan. kasalukuyan.

16
Wasto lahat ng Isa sa pahayag ay Ang dalawang pahayag
Pagkakaugnay pagkakaugnay ng hindi wasto ang ay hindi wasto ang
kontribusyon ng China pagkakaugnay ng pagkakaugnay ng
sa sinaunang panahon kontribusyon ng kontribusyon ng China
at sa kasalukuyan. China sa sinaunang sa sinaunang panahon
panahon at sa at sa kasalukuyan.
kasalukuyan.

Isaisip

Mag-aaral nais kong isa-alang alang mo ang mga mahahalagang


aral na natutunan mo sa araling ito upang maging gabay mo sa pakikibahagi
sa pagpreserba, pagpapahalaga, at pagpapaunlad sa mga kontribusyon ng
sinaunang kabihasnan.

1. narating natin sa kasalukuyan at maaabot pa sa kinabukasan


Anuman ang
ay utang natin sa sinaunang kabihasnan.

Tunay na maituturing na kayamanan ang mga pamanang handog sa atin


ng sinaunang kabihasnan sapagka’t ito ang naghatid sa atin sa kaunlaran.

Ang sama-samang kakayahan ng mga sinaunang tao ng sinaunang


kabihasnan ay nakatulong upang mapalagpasan nila ang mga pagsubok sa
kanilang buhay. Ngayon, gamit ang mga kaalaman sa mga pamana nila sa
atin kagaya ng kaalaman sa medisina at sama-samang kakayahan ng bawat
isa ay makakatulong upang tumuklas ng mga solusyon sa kinahaharap
nating problema kagaya ng pandemyang sakit na COVID-19.

Ang Hanging Gardens of Babylon, Pyramid of Egypt, at Great Wall of China


ay hindi lamang lugar pasyalan kundi ito rin ay isang pamana na susi upang
matunton natin ang ating makulay na kasaysayan ng mundo.

Malayo na ang narating ng tao sa pagpapatuloy, pagbabago at pag-unlad,


ngunit mahalaga pa rin na isa-alang alang ang mga unang naging ambag
ng mga sinaunang tao dahil ito ang pinakapangunahing paraan ng pag-
unawa sa mga bagay na nagawa ng tao ngayon at magagawa pa sa
hinaharap.

Ang lahat ng pinakikinabangan mong bagay na ginagamit ngayon ay


nagsimula sa kaalaman ng mga sinaunang kabihasnan.

Simula nang maipamana nila ang kanilang kontribusyon sa atin naging


mabilis na ang pag-unlad ng tao sa kasalukuyan.

17
Pagyamanin

Sa pagkakataong ito, mangunguna ka sa pagpapahalaga sa sinaunang kontribusyon


sa pamamagitan ng paggawa ng script ng isang talk show. Nakasalalay sa iyong
gagawing script at tanong ang magiging kabuluhan ng palabas. Nakakasabik ito
sinisigurado ko sa iyo. Kaya gawin mo na ang Gawain 7.

Gawain 7: Past Talk – Script Writing


Panuto: Ikaw ay magiging scriptwriter ng isang palatuntunan. Mayroon tatlong bisita
na kakapanayamin: isang historian/archaeologist, isang politiko, at isang mag-aaral
na kumakatawan sa mga kabataan. Bago sila makakapanayam ng host, gumawa ka
ng script at sampung makabuluhang tanong para sagutin ng mga bisita. Tatlong
tanong bawat bisita at isang tanong na maaring sagutin ng lahat ng bisita.
Pagkatapos, isulat mo rin ang posibleng sagot nila sa iyong mga katanungan. Ang
script, mga tanong at posibleng kasagutan ay isusulat mo sa hiwalay na papel.

RUBRIC SA PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 7


3 2 1
Pagkakaugnay Magkakaugnay Mayroong isa o dalawang Mayroong tatlo o higit
- ugnay ang lahat ng mga tanong at sagot na hindi pang tanong at sagot
tanong at sagot. magkakaugnay. na hindi
magkakaugnay.
Kalidad ng Wasto lahat ang Mayroong isa o Mayroong tatlo o higit
Impormasyon mga ibinigay na dalawang mali sa mga pa ang mali sa mga
/Tanong datos o ibinigay na datos o ibinigay na datos o
impormasyon impormasyon sa impormasyon ng
tungkol sa sinaunang kontribusyon. sinaunang
sinaunang kontribusyon.
kontribusyon.
Pagsulat ng Kaaya-aya ang Mayroong isa o dalawa Mayroong tatlo o higit
Script buong salitang na hindi kaaya-aya ang pa na hindi kaaya-aya
ginamit at salitang ginamit at ang salitang ginamit at
maayos ang mayroong isa o dalawang mayroong tatlo o higit
pagkakasunod- bahagi ng script na hindi pang bahagi ng script
sunod. maayos ang na hindi maayos ang
pagkakasunod-sunod. pagkakasunod-sunod.

18
Mga Tala para sa Guro
Maaring ipagawa sa mga mag-aaral ang talk show gamit ang
steamyard o iba pang app na mayroong gabay ng guro sa paggamit nito.

Isagawa

Ngayong sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa kontribusyon ng


sinaunang kabihasnan sa daigdig, sigurado akong may magagawa ka na upang
mapaunlad ang kanilang kontribusyon nang sa gayon ang mga ito ay mas
mapakinabangan ng may kabuluhan sa kasalukuyan.

Gawain 8: Ang Aking Imbensyon

Panuto: Pumili ka sa mga sinaunang kontribusyon na gusto mong linangin upang


maging bagong imbensyon. Gagawa ka ng hakbang o plano sa paglinang ng
kontribusyong ito. Ibabahagi mo kung paano naging mas kapaki-pakinabang ang
iyong imbensyon sa kasalukuyan. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang
papel.

Ang Aking Imbensyon

A. Sinaunang Imbensyon na Aking Lilinangin : __________________________________


B. Pangalan ng Aking Bagong Imbensyon: ________________________________
C. Mga Kagamitan:_______________________________________________________
D. Ang Aking mga Hakbang o Plano sa Pagbuo (Depende sa iyo kung ilan ang
magiging hakbang)
• ______________________________________________________________
• ______________________________________________________________
• ______________________________________________________________
E. Pakinabang sa kasalukuyan.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

19
RUBRIKS PARA SA PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 8
3 2 1
Ang mga hakbang Isa o dalawa sa mga Tatlo o higit sa mga
Hakbang
/ Plano

plano ay kayang hakbang o plano ay hakbang o plano ay


magawa. imposibleng magawa. imposibleng magawa.

Mayroong lima o Mayroong tatlo o apat Mayroong isa o


higit na na kapakinabangan dalawang
Kapakina-
bangan

kapakinabangan ang bagong imbensyong kapakinabangan ang


ang bagong nabuo. bagong imbensyong
imbensyong nabuo.
nabuo.

Tayahin

Ang husay mo!. Andito ka na sa huling pagsubok sa iyong kaalaman sa


araling ito. Ito na ang pagkakataon na mapapatunayan mo sa iyong sarili na
mayroon kang natutunan sa aralin na iyong pinag-aralan.

Panuto: Basahin mong mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa hiwalay na


sagutang papel ang iyong napiling sagot.

1. Paano mo maaaring maiimpluwensyahan ang iyong kapwa kabataan na


ipreserba at pagbutihin pa lalo ang mga ambag ng mga sinaunang kabihasnan
sa pamamagitan ng paggamit ng social media?
A. Pagbabahagi ng larawan ng ambag ng mga sinaunang kabihasnan.
B. Pagbibigay ng komento sa post ng iyong kaibigan tungkol sa mga
kontribusyon ng sinaunang kabihasnan
C. Paggawa ng interactive video blog sa iyong youtube channel tungkol sa
panghihikayat na ipreserba, pagbutihin, at pagyamanin ang mga
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan.
D. Magkaroon ng live streaming at gumawa ng online games na kung
sino man ang makakasagot tungkol sa impormasyon ng ambag ng mga
sinaunang kabihasnan ay bibigyan mo ng load.

20
2. Naging makabuluhan ba ang mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa
sangkatauhan? Bakit?
A. Hindi. Marami sa kanilang kontribusyon ang balewala na ngayon dahil
marami ng bagong tuklas at imbensyon.
B. Oo. Nagkaroon ng asignaturang araling panlipunan upang pag-aralan ang
kanilang mga kontribusyon ng mga mag-aaral sa paaralan.
C. Oo, Malaki ang naitulong nito dahil ito ang naging pangunahing batayan ng
pag-unlad ng mga bagay na nagpapagaan sa pamumuhay ng tao.
D. Hindi. Bahagi lamang ito ng kasaysayan ng mundo na kailangan ng ibaon sa
limot dahil tapos na ito at dahil mayroon ng mga bagong imbensyon.

3. Ano ang simbolo ng mga arkitekturang nagawa ng mga sinaunang kabihasnan


tulad ng Hanging Gardens of Babylon ng Mesopotamia, Pyramid ng Egypt, at
Great Wall of China?
A. Isa itong patunay ng ating makulay at mahabang kasaysayan.
B. Simbolo ito ng katanyagan ng mga lugar kung saan ito nakatayo .
C. Nagsisilbi lamang itong lugar pasyalan ng mga tao sa tuwing bakasyon.
D. Ipinakilala nito ang pagiging magaling na pinuno ng mga nagpatayo nito.

4. Sa pagpreserba at pag-aaral ng kasaysayan, anong kontribusyon ng mga


sinaunang kabihasnan ang nakakatulong?
A. pagtuklas ng papel C. sistema ng pamahalaan
B. sistema ng pagsulat D. paggamit ng computer
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapadama ng inspirasyon mula sa
pamana ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga ito.
B. Karaniwan at wala masyadong pakinabang ang mga nagawa ng mga
sinaunang tao.
C. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga
kabihasnan ngayon.
D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng
mga kahanga-hangang bagay sa daigdig.

6. Ang mga kaisipang pangmedisina ay unang natuklasan ng mga sinaunang tao


mula sa sinaunang kabihasnan. Paano ito pinapaunlad ngayong mayroon
tayong kinakaharap na pandemyang sakit?
A. Marami ang kumuha ng kursong doctor at nurse.
B. Pumupunta ang mga tao sa ospital upang magpabakuna.
C. Iniiwasan ng mga tao na magkasakit kaya madalas ang paghuhugas ng
kamay at pag-obserba ng social distancing.
D. Patuloy ang pagsasaliksik ng mga eksperto sa medisina upang makagawa
ng gamot at bakuna laban sa mga pinakadelikadong sakit na dulot ng virus
katulad ng COVID-19.

21
7. Malayo na ang narating ng kabihasnan ng tao. Paano mo ngayon mailalarawan
ang pag-unlad na naaabot natin sa kasalukuyan?
A. Tama lang ang narating natin.
B. Maraming hadlang sa pag-unlad dahil salat na ang mga hilaw na
materyales na maaaring magamit sa paggawa ng mga bagong kagamitan.
C. Natatamasa na ng tao ang pinakamaunlad na pamumuhay kaya
hindi na kailangan ng mga bagong tuklas para isulong pa ang
kaunlaran.
D. Progresibo ang pag-unlad ng kasalukuyang sibilisasyon. Patuloy nating
pinapaunlad ang ating kakayahan para sa mas maginhawang
pamumuhay.

8. Ano ang kahulugan sa katagang “utang na loob” natin sa mga sinaunang


kabihasnan sa mga pagbabagong mayroon tayo sa kasalukuyan?
A. Hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan.
B. Kailangan natin silang bayaran sa pamamagitan ng panalangin sa kanilang
mga kaluluwa upang sila ay makarating sa langit.
C. Nagpapahiwatig ito ng pagsaalang-alang sa pagpapahalaga sa mga naging
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa atin.
D. Panahon na upang tayo ay hindi umasa sa kanilang mga kontribusyon at
gumawa na lamang ng ating mga sariling imbensyon.

9. Bakit kahanga-hanga ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan?


A. Nagmumukha tayong walang utang na loob sa kanila.
B. Ito ay paraan ng pag-alaala sa kanilang mga ginawa para sa atin ngayon.
C. Dapat lang silang hangaan dahil sa kanila galing ang mga ambag na ito.
D. Lahat ng mga bagong kaalaman na mayroon tayo ngayon ay produkto ng
kanilang komplikadong karanasan at pagmamahal sa karunungan.
10. Paano pinakikinabangan ng mga tao ang mga pamanang inihandog ng mga
sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
A. Dapat maging asignatura ito sa paaralan sa kasalukuyan.
B. Umanib sa mga relihiyong itinatag noon ang mga sinaunang kabihasnan.
C. Patuloy pa ring ginagamit ang mga ito kagaya ng papel, gulong, kaalaman sa
medisina, at marami pang ibang ambag nila.
D. Limitado ang naiwang pamana ng mga Dravidian dahil sa pagnakaw ng mga
kayamanan at pagkasira ng mga istruktura nila.

11. Anong aral na iniwan sa atin ng mga sinaunang tao sa panahon ng


pagsisimula ng kabihasnan ang maaari nating isabuhay ngayon?
A. Magpakalulong sa pagtatrabaho nang magkaroon ng silbi sa lipunan.
B. Makipagkompetisyon sa kapwa upang madaling matapos ang gawain.
C. Ipagmayabang ang iyong produkto sa mga hindi kayang gumawa nito.
D. Maging maparaan sa paggawa ng kapaki-pakinabang na bagay para ikakabuti
ng lahat.

22
12. Paano ka maapektuhan sa iyong pag-aaral kung hindi natuklasan at
napaunlad ang sistema ng pagsulat?
A. Marami ang hindi makapagsulat.
B. Marami ang maging tamad sa pag-aaral.
C. Walang kontribusyon ang sinaunang kabihasnan sa atin ngayon.
D. Maging mahirap ang pag-aaral dahil hindi maging madali ang s pagsulat.

13. Isa sa paraan ng pagpapahalaga sa kontribusyon ng mga sinaunang


kabihasnan ay ang pagpapaunlad sa kanilang naiambag. Sino sa mga
sumusunod na kabataan ang nagpapakita ng interes sa pagpapabuti
sa kontribusyon nila?
A. Nangongolekta ng lumang gamit si Ardent.
B. Mahilig si Athena sa KPOP kaya ginagaya niya ito.
C. Gumawa ng bagong imbensyong makulay na saranggola na may iba’t ibang
disenyo si Miggy.
D. Mahilig maglakbay si Jaycee sa iba’t ibang bansa para kumuha ng mga
larawan ng mga historical landmarks sa mundo.

14. Hindi maikakaila na ang mga Pilipino ay naimpluwensyahan ng mga Tsino.


Alin sa mga sumusunod ang HINDI mula sa kontribusyon ng mga Tsino?
A. Pagpapalipad ng saranggola.
B. Paniniwala sa mga pamahiin at swerte.
C. Pagkakaroon ng palikuran sa loob ng bahay.
D. Paggamit ng payong, chopsticks, at silk na tela.

15. Ano ang iyong magagawa upang maipreserba at mapahalagahan ang mga
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa atin?
A. Huwag baguhin ang kanilang mga ipinamana.
B. Gagamitin ang kanilang ipinamana na may kabuluhan.
C. Kailangan kumuha ng kursong antropolohiya at arkeolohiya.
D. Baguhin ang mga hindi masyadong kagandahang kontribusyon

Karagdagang Gawain

Batid kong naipamalas mo ang iyong galing sa pagsagot sa mga gawain. Mag,
aaral interesado akong malaman kung ano ang maaring pakinabang saiyo ng iyong
mga natutunan sa araling ito sa iyong hinaharap. Sagutin mo ang Gawain 8.

23
Gawain 9 – Natutunan ko, Pagbubutihin ko.
Panuto: Sa unang hanay nakasulat ang mga kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan. Sa pangalawang kahon ay isulat mo kung paano mo ito
pinakikinabangan sa kasalukuyan. Sa pangatlong kahon naman isulat kung paano
mo pagbubutihin o gagamitin sa hinaharap ang mga kontribusyon na ito ng mga
sinaunang kabihasnan. Isulat sa hiwalay na sagutang papel.

Mga kontribusyon Pakinabang sa kasalukuyan Pakinabang sa hinaharap


Halimbawa: Civil Service Exam nakatulong Pagnakapasa ako sa
Civil Service Exam sa akin para mapaghandaan pagsusulit na ito magagamit
ko ang pagsusulit na ito sa ko ang aking marka sa pag-
hinaharap. aplay ng trabaho sa
pamahalaan.
1. Kaalaman sa
medisina
2. Kaalaman sa
Geometry
3. Gulong

Binabati ka namin! Humahanga kami


sa kasigasigan mo sa pag-aaral.
Ipagpatuloy mo iyan! Malaki ang
tiwala ko saiyo na ang mga kaalaman
na natutunan mo sa araling ito ay
magamit mo sa paggawa ng mga
bagay na makakabuti para sa lahat.

RUBRIKS PARA SA PAGBIBIGAY ISKOR SA GAWAIN 9


3 2 1
Wasto lahat ng Isa sa pahayag ay hindi Ang dalawang pahayag ay
Pagkaka-

pagkakaugnay ng wasto ang hindi wasto ang


ugnay

kontribusyon ng China pagkakaugnay ng pagkakaugnay ng


sa sinaunang panahon kontribusyon ng China kontribusyon ng China sa
at sa kasalukuyan. sa sinaunang panahon sinaunang panahon at sa
at sa kasalukuyan. kasalukuyan.
Wasto at makatotohanan Hindi makatotohanan Inilahad ang sagot na hindi
Pagpapaliwa

ang isinulat na ang isa sa mga isinulat makatotohanan ang dalawa


pakinabang ng na pakinabang ng o tatlo sa mga isinulat na
nag

kontribusyon ng kontribusyon ng pakinang ng kontribusyon


sinaunang kabihasnan sinaunang kabihasnan ng sinaunang kabihasnan
sa kasalukuyan at sa kasalukuyan at sa kasalukuyan at
hinaharap. hinaharap. hinaharap.

24
25
Gawain 3: Post Ko, Comment Mo!
A.Cunieform
Post: Alam mo ba na ang cuneiform ang pinakaunang sistema ng pagsulat ng mga Sumerian.
Ginagamit nila ito para itala ang kanilang pakikipagkalakalan.
Tugon sa Komento: Ang galing naman! Dapat nating ipagpasalamat sa kanila ito dahil sa
kanila mas madali nating maintindihan ang mga nais nating ipaabot na mensahe.
B. Gulong
Post: Ambag ng mga taga Mesopotamia ang gulong. Nang madiskubrihan nila ang gulong mas
naging madali sa kanila ang paglalakbay at maging ang pakikipagdigma.
Tugon sa Komento: Oo nga, ngayon ay ginagamit pa rin natin ito sa ating mga transportasyon.
Salamat nadiskubrihan nila ang gulong dahil madali na tayong nakakarating sa ating
patutunguhan.
C. Ziggurat
Post: Ang nakakamanghang ziggurat ay ipinatayo para sa diyos ng mga Sumerian.
Tugon sa Komento: Wow! Nagpapatunay lamang na ang mga sinaunang tao ay relihiyoso.
Tulad natin ngayon, naniniwala sila na ginagabayan sila ng diyos.
Tuklasin - Gawain 2: Pag-usapan natin
Sinaunang tao : “ Mga kabataan, malugod naming ipinamana sa inyo ang
aming mga likha at kaalaman. Nawa’y gamitin at pagbutihin pa
ninyo ang aming handog sa inyo.”
Kabataan: “ Maraming salamat po sa inyong mga kontribusyon sa
sangkatauhan. Makakaasa po kayo na gagamitin namin ito nang
tama at pauunlarin pa namin ang inyong nasimulan.”
Balikan - Gawain 1: Magbigay ng Dahilan
Ambag Dahilan
• Paggamit ng barya – Upang mapadali ang pakikipagkalakalan natutong
gumamit ng barya ang mga sinaunang tao
• Pagpapatayo ng mga piramide – Huling hantungan ng mga Pharaoh.
• Civil Service Examination – naging mahalaga sa pagpili ng opisyal ng
gobyerno.
Subukin: 1.C 2.C 3. C 4. A 5. B 6. D 7. D 8. A
9. D 10. D 11.D 12. B 13.D 14.B 15. C
Susi sa Pagwawasto
26
Pagyamanin- Gawain 7: Past Talk – Script Writing
Magandang buhay! Andito tayo ngayon sa ating palatuntunan na past talk. Ngayong
umaga, makakapanayam natin ating tatlong bisita . Si Mr. Ronnel D. Venus na isang
historian/archaeologist. Andito rin si Mayor June Iniego B. Lanzuela. Live din ang representante ng
kabataan na si Wenwen Wensley, mula sa Davao City National High School. Magandang umaga po
sainyo Mr. Ramos, Mayor Lanzuela, at Wenwen. Simulan na natin ang katanungan, unahin natin
si Wenwen.
1.Tanong para sa kabataan
1.1 Tanong: Gamit ang social media, paano mo maipapahayag sa iyong kapwa kabataan ang
pagpapahalaga sa kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?
Sagot: Gagawa po ako ng interactive video blog sa youtube channel tungkol sa panghihikayat na
ipreserba, pagbutihin, at pagyamanin pa ng aking mga kapwa kabataan ang kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan.
1.2 Tanong: Bakit mo hinahangaan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan?
Sagot: Lahat po ng mga bagong kaalaman na mayroon tayo ngayon ay produkto ng kanilang
komplikadong karanasan at pagmamahal sa karunungan.
1.3 Tanong: Anong katangian ng mga sinaunang tao na nag-ambag ng mga kontribusyon na ito
ang ating pwedeng huwaran?
Sagot: Pagiging masikap sa paggawa ng kapaki-pakinabang na bagay para sa lahat. Ang galing ni
Wen-wen sumagot. Talagang huwaran ka ng kabataan ngayon. Ang susunod nating tatanungin ay
si Mr. Ramos.
Gawain 6: Mula Noon, Hanggang Ngayon
1. Payong – Sa tuwing tag-ulan ginagamit ko ang payong sa pagpasok sa paaralan.
2. Feng Shui – Sa tuwing bagong taon naghahanda kami ng mga bilog na prutas sa
paniniwalang magkakaroon kami ng masaganang taon.
3. Chopsticks - Sa tuwing kumakain ako ng noodles gustong-gusto kong gumamit nito.
Gawain 5: Tula ng Pasasalamat
1. humanga 2. ngayon 3.nagbigay 4.pagmamahal
5. pag-ibig 6. mamasyal 7. kabutihan 8.katapangan
9. pagtatagumpay 10.medisina 11. gabay 12. paraan
13. diskarte 14. ipagpasalamat 15. ipreserba
Gawain 4: Piramide ng Aking Natutunan
1. #nakakamangha
2. Makasaysayan at dakila
3. Piramide, Pag-eembalsamo ng Patay, Hieroglyphics
4. Kaalaman sa geometry, pagpreserba ng patay, paggamit ng papel, at kalendaryo na may
365 na araw
5. Tangkilikin, pag-aralan, magsaliksik, ibahagi, at paunlarin.
27
Tayahin: 1.C 2.C 3. A 4. B 5. A 6. D 7. D 8. C
9. D 10. C 11. D 12. D 13. C 14.C 15. B
Gawain 8 – Ang aking imbensyon
(Tingnan ang rubrik sa pagbibigay iskor para sa paggawa ng imbensyon ng mag-aaral)
4. Tanong para sa lahat ng bisita
Tanong: Paano ka maging bahagi ng pagpreserba at pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng mga
sinaunang kabihasnan sa atin?
Mga Sagot:
Representante ng kabataan: Gagamitin ko po ang kanilang ipinamana na may kabuluhan.
Archaeologist: Patuloy po tayo sa pagsasaliksik ng mga bagong kaalaman na mula sa sinaunang
kabihasnan.
Politiko: Pinapaigting po natin ang ating programa para sa pagpreserba ng mga pamana ng ating
mga ninuno sa atin.
Marami pong salamat muli sa pagsagot sa mga katanungan. Pagpalain po kayo ng
panginoon.
2. Tanong para sa Archaeologist
2.1 Tanong: Ano po para sa inyo ang naging silbi sa ngayon ng mga sinaunang arkitektura tulad
ng Hanging Gardens of Babylon ng Mesopotamia, Pyramid ng Egypt, at Great Wall of China?.
Sagot: Mahalagang gabay sa pagtunton ng ating kasaysayan ang mga sinaunang arkitekturang ito.
2.2 Tanong: Paano po naging makabuluhan ang mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa
sangkatauhan?
Sagot: Malaki ang naitulong nito dahil ito ang naging pangunahing batayan ng pag-unlad ng mga
bagay na nagpapagaan sa pamumuhay ng tao.
2.3 Tanong: Magpakita ng larawan ng isang pigurin mula sa kabihasnang Indus. Bakit po
mahalaga ang artifact na ito sa kasalukuyang panahon?
Sagot: Nagpapahayag ito ng kanilang paniniwala at malikhaing sining.
Ang dami ko pong natutunan sainyo sir. Mayor, maraming salamat po dahil pinaunlakan
niyo ang aming imbitasyon sa kabila ng napaka-busy ninyong schedule.
3. Tanong Para sa Politiko
3.1 Tanong: Sa paanong paraan po pinapaunlad ngayon ang pagtuklas ng mga sinaunang
kabihasnan sa pangkaisipang pangmedisina?
Sagot: Sa ngayon pinagsisikapan ng mga eksperto ang pagsasaliksik at paggawa ng medisina at
bakuna laban sa mga pinakadelikadong sakit na dulot ng virus katulad ng COVID-19 na
tinaguriang pandemyang sakit.
3.2 Tanong: Paano mo po mailalarawan ang pag-unlad na narating ng kasalukuyang sibilisasyon
mula ng ipamana ng mga sinaunang kabihasnang ang kanilang mga kontribusyon sa atin?
Sagot: Progresibo ang pag-unlad ng kasalukuyang sibilisasyon. Patuloy nating pinapaunlad ang
ating kakayahan para sa mas maginhawang pamumuhay.
3.3 Tanong: Bilang namumuno po sa ating siyudad, mayroon po ba kayong hakbang kagaya ng
programa para maipreserba ang mga pamana sa atin ng ating mga ninuno dito sa Davao City?
Sagot: Dito sa Davao mayroon tayong Davao Museum na kung saan iniingatan doon ang mga
naiwang pamana sa atin ng ating mga ninunong Dabawenyo.Para naman po hindi makalimutan at
makilala ito ng mga kabataan ngayon, binubuksan po natin ang ating museum para sa lahat ng
gustong pumasok dito.
28
Karagdagang Gawain - Gawain 9 – Natutunan ko, Pagbubutihin ko.
1.Kaalaman sa medisina
• Pakinabang sa kasalukuyan – Natutunan ko sa paaralan ang mga pangunahing paggamot
or first aid at magagamit ko ito sa tuwing may emergency.
• Pakinabang sa hinaharap – Gusto kung kumuha ng kursong mayroong kinalaman sa
medical field.Kung hindi man ako papalarin na makuha ang kurso sa medisina
magagamit ko pa rin ang aking konting kaalaman sa paggamot sa sinumang
nangangailangan.
2. Kaalaman sa geometry
• Pakinabang sa kasalukuyan – Nagagamit ko ang kaalaman sa geometry kagaya ng
pagtuturo ko sa nakababatang kapatid ko.
• Pakinabang sa hinaharap – Maaari kong magamit ang kaalaman na ito sa pagpapatayo
mismo ng sarili kung bahay.
3. Gulong
• Pakinabang sa kasalukuyan – Nakakapasok ako sa paaralan nang madali at hindi
napapagod sa paglalakad.
• Pakinabang sa hinaharap – Balang araw magkakaroon ako ng sarili kong bagong
sasakyan at makakatulong ito sa akin sa pagpasok ko sa aking trabaho.
Sanggunian

Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Maria Carmelita B.


Samson, and Cella D. Soriano. (2015) Kayamanan,Kasaysayan ng Daigdig 8.
Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.

Eliseo D. Manaay Jr., and Patrocenia D. Taguinod. Kasaysayan ng Daigdig. (2015)


Dalandan, Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc.

Department of Education. (2017) Araling Panlipunan Module: Kasaysayan ng


Daigdig. Pilipinas: Eduresources Publishing, Inc., pp.67-94

Department of Education. Araling Panlipunan Module: Asya: Pagkakaisa sa Gitna


ng Pagkakaiba. Pilipinas. 112-148

Christine Sanama (2014). Kasaysayan ng Daigdig. Retrieved on July 3, 2020 from


https://bit.ly/3jktTJ8 - march 2014

29
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division


Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Davao del Sur, Philippines 1600

Telephone: (082) 224-0100 / 228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph

30

You might also like